CHAPTER 10: The Coaches
CHAPTER 10
•GALE's POV•
"Oh ano? Nasaan na ang babaeng 'yon?" nababagot kong tanong sa mga kasama ko.
Nandito na kami ngayon sa gymnasium na napagkasunduan nila Storm, dito raw sila magte-training.
Napag-alaman ko kasi na naging coach ng biglaan itong kapatid ko. At first, I was so shocked. Sino bang hindi magugulat no'n? Sinabi ko na sa kanilang bawal silang makipag-close sa mga babaeng mortal pero ano? Siya pa mismo ang nag-offer sa sarili niya, tsk.
------------------Flashback------------------
"Guys, have you seen my twin brother?" tanong ko sa mga kasama ko.
Kanina ko pa hinahanap si Storm dahil gusto siyang makita ni ina. Malamang, nami-miss din niya ang kapatid ko.
"Ayy, have you forgotten na ba Gale? He's nag-aaral kaya. For sure, nasa school siya" sagot sa'kin ni Faerisha. Naiirita na rin ako sa babaeng 'to eh, sobrang arte kung magsalita.
"Alam ko. What I mean is nakauwi na ba siya?" pag-iba ko sa tanong.
"Hindi naman 'yan ang tanong mo kanina Caspi eh HAHAHA" rinig kong sabat ni Zephyr.
Tinatawa nito? Nababaliw na ata ang mokong na 'to. Saka ano ngayon? Hindi ba pwedeng ibahin ang tanong ko?
"Hays, bakit ko ba kayo tinatanong" bulong ko at naupo na lang sa couch.
Nasaan na kaya ang lalakeng 'yon? For sure, tapos na ang klase nila kaya dapat nakauwi na siya. Bakit pa ba kailangan niyang mag-aral do'n? Nando'n ba ang mission niya?
"I can't locate him. Siguro, pauwi na rin 'yon. Hintayin mo na lang" sabi ni Era na ikinatango ko.
Kumusta na kaya ang puso nito? Dalfon naman kasi, masyadong manhid. Kulang na lang, itali ko silang dalawa ni Era eh.
"Azi, you can use the mirror para mahanap mo na siya" singit naman ni Lance. Hindi ko alam kung bakit iba ang tawag niya sa'kin pero cute rin naman 'yong Azi.
Saka 'yong mirror na sinasabi niya is 'yong binigay raw ng mga gods and goddesses kay ina no'ng binuhay siyang muli.
Tinanguan ko lang si Lance at nagmadaling pumunta ng kwarto kung saan nakalagay ang salamin.
"Ipakita mo sa'kin kung nasaan ang kapatid ko" utos ko.
Lumiwanag naman ito at ilang sandali lang ay unti-unting pinakita ang lugar kung nasaan siya. Nasa school pa pala siya at sa tingin ko'y pauwi na pero teka------
(0_0)
Uh?
"Bakit kasama ng babaeng 'yan ang kapatid ko?!" bulalas ko habang gulat na gulat na nakatingin sa salamin kung saan makikitang magkasama silang lumabas ng school.
Watdahek?
Ano bang nasa isip ng kapatid kong 'to? Hindi niya ba naaalalang kinakailangan niyang umiwas sa mga babaeng mortal? Aaaargh! Ang tigas talaga ng ulo nito eh, sarap pukpukin.
Nakakagigil, ayt.
Inis akong lumabas ng kwarto at agad hinanap si Dalfon. Bakit hindi sila magkasama ng kapatid ko? Iba na tuloy ang kasama.
"NASAAN BA SI DALFON?" may bahid na pagkainis kong tanong sa kanila. Hindi naman agad sila nakaimik no'ng nakitang naiinis ako.
"Oh, diba si Storm ang hinahanap mo? Ba't ngayon ay ang pinsan ko na?" tanong ni Aeria habang naglalaro ng chess kasama si Era.
"Iniwan niya si Storm" sagot ko naman.
"Oh eh what's wrong ba? He's not a baby anymore para mag-alala ka ng ganyan" sabat ni Faerisha.
Napabuntong-hininga na lang ako't napapikit. Hindi nila ako naiintindihan, naiinis ako.
"He's with Zabby!" bulyaw ko na ikinagulat nilang lahat.
"Ano?!"
"Omooooo"
"What?!"
"Owemji"
Hays. Sinabi ko na sa kanila na iwasan nila ang babaeng 'yon dahil wala na silang obligasyon na bantayan pa siya pero ano ngayon? They're together. Kahit kailan talaga ay hindi sila marunong umiwas sa mga panganib.
Nakakainis!
"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Era.
"Aalis na muna ako" sagot ko.
"Saan ka naman pupunta?"
"May hahanapin ako"
Kailangan kong hanapin ang yaya niyang bakla. Hindi niya dapat iniiwan ang kaibigan niya sa kapatid ko, tsk.
"Sino naman?"
"Basta. Kapag dumating na si Dalfon, pakisabi sa kanya na humanda siya" sabi ko't umalis na.
Zabby, kapag nagpatuloy kayo ng kapatid ko, baka ako mismo ang gagawa ng paraan para paglayuin kayong dalawa.
________
Nakarating ako sa may basketball court. Dito ko na-locate si Gabby kaya malamang nandito siya. Dito pala siya pumupunta para makasulyap ng mga inihaing pandesal, ew.
"Baka gusto mong gawin kitang giraffe para tuluyan ng tumaas 'yang leeg mo"
"Ayy kabayo ka!" bulalas niya habang nakahawak pa sa dibdib niya, gulat na gulat? Ang OA naman.
"Hoy, mas mukha ka pang kabayo kesa sa'kin noh" hiyaw ko.
"Hay, grabe ka naman ghOrl. Muntik na akong atakehin sa'yo, sumusulpot ka na lang bigla riyan eh. Kabute lang ang peg?" pagtatalak pa niya. Umismid lang ako't naupo sa tabi niya pero ang loko, lumayo sa'kin.
"Hindi tayo talo, ghOrl" nandidiri niyang sambit kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Ang kapal naman nito.
"Tumigil ka nga. Nasaan ba ang kaibigan mo?" tanong ko habang pinapanuod ang mga naglalaro.
Actually, alam ko na kung nasaan siya pero gusto ko lang itanong hehe.
"Ewan. Pinatawag kasi sila kanina sa Head Office kasama 'yong macho gwapito na may pagka-philosopher na kaklase namin" sagot niya.
Macho gwapito? Philosopher? Pilosopo ba ang ibig niyang sabihin? Hindi kaya ang kapatid ko 'yon?
"Sino naman 'yon?"
"Si Harry Potter...este---Sandoval"
Harry Sandoval? Ginamit niya pala ang apilyedo ni ina no'ng taga-rito pa siya. Pero ba't Harry? Pfffft ang weird naman.
"Bakit daw sila pinatawag?" pang-uusisa ko.
"Aba malay ko. Siguro tungkol sa gaganaping Palaro2020, si Zabby kasi ang captain ng girl's volleyball team tapos si Harry naman ang personal niyang coach"
(0_0)
"ANO?!" gulat kong tanong.
Anong personal coach? Is he kidding me? O nababaliw na talaga siya? Hindi kami nagpunta rito para sa gano'ng klaseng kahibangan.
"Oo, ang sweet nga ni Harry eh. Bumanat pa talaga siya ng kakornihan kanina kaya napapayag na ang prenny ko. Akalain mo ba namang siya pa ang nag-offer sa sarili niyang maging personal coach" dagdag nito at parang nag-i-imagine pa.
Nag-init ang tenga ko sa narinig. S-siya pa talaga 'yong nag-offer sa sarili niya? I can't believe this. He's insane para gawin 'yon.
I need to do something bago pa mahuli ang lahat. Kapag nalaman 'to ng ina, hindi ko alam kung anong mangyayari.
--------------End of Flashback-----------
'Yon nga, nalaman kong imbis na lumayo sila sa ikakapahamak ng mundo namin ay tuluyan na nga silang nakipag-close sa babaeng 'yon.
At naiinis ako dahil do'n!
Pagkauwi ng kapatid ko ay agad ko siyang kinausap. Tinanong ko siya kung bakit niya nagawang mag-presinta bilang coach eh may mas mahalaga pa naman siyang gagawin, ang mission niya.
Pero ang loko, walang ibang sinagot kundi...
"I did it because I need to" tapos tinalikuran na ako't natulog. Sinong hindi maiinis? Sinooooo?! Kaya pagdating ni Dalfon mula sa Lux ay agad ko siyang binulyawan.
Tsk.
____
"Ano? Wala pa ba siya? Ang tagal ah, pinaghihintay pa talaga tayo" tanong ko na naman.
"Azi, just wait okay? Masyado lang kasi tayong maaga. Dito sa mundo nila, 4:00 AM pa lang" sagot ni Lance.
Fine.
Bakit ba kasi 4:00 AM pa lang? Hays.
I can't wait to make her life miserable. Kung hindi ko mailayo ang mga prinsipe kanya, mas mabuting siya na lang ang ilalayo ko sa kanila.
I'm sorry Zabby, maaaring ikaw ang magpapahamak sa amin kaya habang maaga pa, kailangang ilayo kita sa kanila. Kung pwede lang kitang patayin, ginawa ko na kaso hindi pwede dahil bawal.
Hindi kami nagpunta rito para pumatay pero hindi rin para magpapahamak.
____________________________________
•ZABBY's POV•
"Oh anak? Ang aga mo yata ngayon?" salubong sa'kin ni mommy pagkababa ko mula sa kwarto.
Maaga akong gumising dahil 'yon ang napagkasunduan namin ng coach ko. Ang sabi niya ay 'yon daw ang itawag ko sa kanya.
May pagka-antipako rin siya at pilosopo pa. Lagi niya akong binabara, kulang na lang maging inidoro na siya.
"Kailangan ko pong matutong mag-volleyball mom para sa Palaro2020, ako po kasi ang captain ng girl's volleyball team sa section namin" sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga dadalhin kong gamit.
Kasalanan talaga 'to ni Gabby eh kaya napasubo ako. Ayoko namang ma-kick-out noh, ayokong magka-bad record.
"Gano'n ba? Nakuuu, galingan mo ha? Manunuod ako n'yan" ngiting-ngiti niyang sabi kaya nakaramdam ako ng kakaibang saya.
Ngayon, nagkaroon na talaga ako ng rason para manalo sa game na 'yon, sa gano'ng paraan man lang ay mapasaya ko ang mommy ko at para makabawi na rin sa kanya.
"Opo" sagot ko at niyakap siya.
Sandwich at gatas lang ang pinang-agahan ko, 'wag na muna 'yong heavy meal lalo na ngayong may practice kami. First day ngayon kaya dapat handa ako saka hindi ko alam kung paano ako magsisimula huhu.
"Oh, mag-ingat ka anak ha? 'Wag masyadong magpapagod, unang araw mo pa lang ngayon kaya 'wag mong ubusin ang lakas mo" habilin niya sa'kin habang nilalagyan ng towel ang likod ko.
"Yes mom, salamat po" sagot ko naman at hinalikan siya sa pisngi.
I bid her good bye tapos lumabas na rin ng bahay. Huminga muna ako ng malalim tapos ay agad na pumasok sa kotse ni Gabby, nandito na siya kanina pa.
"Hi dear Zabby-ghOrl, ayos ba ang porma ko?" salubong sa'kin ni Gabby pagkaupo ko pa lang sa passenger seat.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Tulad ko naka-sports attire rin siya. May suot pa siyang knee pads at naka-gloves pa.
Wow, mukhang siya pa ang player kesa sa'kin, pfffft.
"Grabeng pormahan 'yan ah, akala ko ba pang-MC ang beauty mo?" tanong ko at inayos ang buhok ko.
"Yes naman noh pero baka kailangan nila ng representative kaya nag-ready rin ako" sagot niya at nag-drive na.
Representative? Para saan naman? Kailangan pa ba 'yon? Hindi ba ako lang 'yong tuturuan?
(0_0)
H-hindi kaya magkakaroon din ng parang totoong laro ngayong araw? P-pero kami-kami lang din naman siguro ro'n diba?
Ano kayang ituturo ni Harry sa'kin? Sa tingin ko, hindi maging madali para sa'kin ang araw na 'to. Mukha pa lang ng mokong na 'yon, parang mahihirapan na ako.
Di bale, kaya ko naman siguro 'to.
Payting!
"Alam mo Zabby-ghOrl, ang haba talaga ng hair mo" untag niya sa'kin na ikinakunot ko ng noo.
Anong nakain nito? Bigla ba namang pansinin ang buhok ko.
"Oh? Bakit na naman?" tanong ko at nag-selfie.
Ang ganda ko talaga!
"Ang swerte² mo dzae, ang daming grasyang dumarating sa'yo. Beke nemen pwedeng... mamigay ka naman hihi"
Eh?
Anong ibig niyang sabihin? Anong grasya? Gipit na gipit na nga ako dahil sa kanya tapos gumaganyan pa siya.
"Di kita gets pramis" sagot ko na lang at tumingin-tingin sa paligid.
"Siyanga pala Gabby, himala't hindi na nangungulit sa'yo si Liezannise" dagdag ko no'ng naalala kong hindi ko na nga pala nakikita ang babaeng 'yon.
"Duh, mabuti na rin 'yon noh. Nai-stress ang beauty ko sa kanya, eeeeer" maarte niyang sabi kaya napahagikhik ako.
Ang cute siguro kapag nagkatuluyan si Gab saka si Liezannise. Kapag nangyari 'yon, tutuksuhin ko talaga siya at tatawanan HAHAHAHAHA.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa may gymnasium. Hindi ito part ng school namin dahil may mga nag-eensayo rin do'n kaya naghanap na lang kami ng ibang lugar.
Malapit lang 'to sa'min at walang masyadong gumagamit. Sa tingin ko, komportable naman ang lugar na 'to para sa'min.
"Tara na ghOrl, excited na ako hihi" excited na aya sa'kin ni Gabby.
Mabuti pa siya excited pero ako? Nakuuuu, kinakabahan ako tapos 'yong tuhod ko eh nangangatog na. Wala talaga akong idea sa larong 'to eh, nubayan.
Sabay kaming pumasok sa gymnasium. Nakasukbit ang bag ko sa likod na may lamang extra towel, t-shirts at tubig na kailangan ko. Bitbit ko rin ang bolang hiniram ko pa sa kapit-bahay, enebe.
May dala rin akong medicine kit in case of emergency, malay mo magalusan ang tuhod ko. Mas mabuti na 'yong handa para iwas pagsisisi.
Pagkapasok namin sa loob ay napahinto ako. Nakaupo sa may pole si Harry samantalang hawak naman ni Draco ang isa pang bola. M-may iba pa palang narito.
"Bakit ba ngayon ka lang?!"
Napadako ang tingin ko sa babaeng nagsalita. May bahid ng pagkainis ang boses niya at matalim na nakatingin sa'kin.
Uh?
"A-ako ba ang tinatanong mo?" tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.
Sino ba 'to?
At bakit siya nandito?
"Sino pa ba? Ikaw lang naman ang kaharap ko" masungit niyang sabi kaya napalingon ako sa gilid ko.
Takte! Wala na si Gabby, lumayas amputek. Ang bilis naman niyang nakarating sa pwesto nila Draco.
"A-ah p-pasensya na, h-hindi ko alam na narito na pala kayo" nakayuko kong sabi.
Sino ba ang babaeng 'to? Saka ba't siya nagagalit sa'kin eh hindi ko naman siya inaano? Haleeeeer, sabog ba you?
"Sa susunod, 'wag mong paghintayin ang mga coach mo" sabi niya at tumalikod na.
(0_0)
A-anong sabi niya? Anong mga coach? As in MGA? H-hindi ba't si Harry lang ang coach ko?
Eh?
"Hey Zabby! Lumapit ka na rito" tawag sa'kin no'ng isang babaeng naka-puti.
Uh? K-kilala niya rin ako? Famous na ba ako nito?
Napagtanto kong marami nga sila, mga nasa siyam na tao maliban sa'ming dalawa ni Gabby. Watda? Ganyan karami ang coach ko?
P-pero bakit?
Anong meron?
Napahinga na lang ako ng malalim habang papalapit sa pwesto nila. Matalim ang tinging ibinibigay sa'kin no'ng babae kanina kaya sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko.
Inaano ko ba 'to?
"Hi Zabby!" bati ng isang lalakeng sa tingin ko ay mabait naman.
"H-hello" medyo awkward kong bati.
Isa-isa silang nagpakilala sa'kin at nakakapagtatakang gano'n ang mga apilyedo nila. Ang weird lang kasi, p-parang pang-Fantasy ang datingan saka mala-diyos at mala-diyosa ang itsura nila, ayy sanaol.
Gale pala ang tawag nila do'n sa babaeng sumalubong sa'kin kanina. Di tulad ng iba, mabilis siyang mapikon at magalit. Sobrang init ng ulo niya kulang na lang buhusan ko siya ng malamig na tubig, hehehe.
"Subukan mo"
"H-ha?!" gulat kong tanong sa biglaan niyang pagsalita. Anong ibig niyang sabihin do'n?
"Ay naku! 'Wag mo ng pansinin itong si Gale, Zabby. May PMS kasi kaya mainit ang ulo hehe" biglang sabat ni Era at hinila si Gale paupo. Mukhang mabait siya at mahinhin, mabuti naman.
"Ah kaya pala hehe"
"HAHAHA ganyan talaga 'yan Zabby, hayaan mo na lang" singit naman ni Zephyr. Unlike sa ibang lalake, jolly siya at parang happy-go-lucky lang.
"Masanay ka na rin d'yan sa kapatid ko, Zabby. Kapag kinukulit ka niyan, isumbong mo sa'kin at ako ng bahala" si Aeria naman 'yong nagsalita, siya 'yong tumawag sa'kin kanina. Medyo okay naman si Aeria pero may pagka-strong ang awra niya.
Si Lance nga pala 'yong unang tumawag sa'kin kanina. Mukhang mabait din siya at matalino. Feeling ko gentleman siya, an ideal for every girls.
"Zabby-gurl, let's play one on one later ha? I wanna play din kasi kaso ayaw nila akong pahiramin ng ball eh" conyong sabat ni Faerisha. Childish siya pero kaya niyang itaas ang kilay niya at the highest peak, in short, mataray hihi.
"You don't even know how to play, psh" malamig na sambit ni Eroshi. Tingin ko, taga-North Pole 'to tapos napadpad dito sa Pilipinas.
"Heh! You're such a sushi talaga. FYI, I know how to play kaya o baka gusto mo gawin kong ball 'yang head mo" mataray niyang rebat kay Eroshi na ikinatawa ko ng mahina, pfffft.
"Hey! We're going to start now" tawag sa'min ni Draco. Ibinaba ko na ang mga dala ko at naghanda. Sabay kaming naglakad papunta ro'n pero may sinabi pa si Gale na talagang nagpapatindig sa mga balahibo ko.
"My brother will teach you the basics and after that, you'll taste hell" sabi niya sabay tapik sa likuran ko at nauna na sa'kin.
Sa sobrang gulat ko ay napaubo na lang ako. Hindi naman malakas ang pagtapik niya pero parang natanggal ata ang baga ko huhu.
Bakit ba nakakatakot siyang magsalita? Inaano ko ba siya? Balak niya ba akong patayin mamaya at death threats na 'yong sinabi niya sa'kin? Waaah!
Ano bang kasalanan ko sa kanya?
K-kapatid niya pala si Harry? No wonder medyo may pagkahawig sila p-pero bakit iba ang apilyedo ni Harry? Baka ampon lang?
(0_0)
H-hindi kaya may gusto siya kay Harry knowing na ampon lang naman ito kaya nagagalit siya sa'kin? Owemji! Does it mean, I'm in danger? Uwaaaaah paktay akoooooo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top