[03] What Do You Know?

SEBASTIAN

THE GAME we have been playing for the night is all about tricks and deceptions. One must outwit the other party to get into better position. Kaalaman ang naging susi para malamangan namin ang kalaban—and if we want to go further ahead, kailangan naming ungkatin ang karagdagang impormasyon mula sa aming bisita.

"Paano mo nasabi?" tanong ni Delvin habang nire-restrain ang nagpupumiglas na magnanakaw. "Baka nagkakamali ka lang?"

Umiling ako. "Same jacket, same height, same build. However, magkaiba ang amoy ng pabango nila. Sensitive ang ilong ko sa amoy kaya I can tell even the slightest difference of scents."

"Masyadong mababaw na basehan iyon." Delvin glared at me shaking his head. Why is he doubting me when he knows how good my senses are? "Maraming room for errors iyong ganiyan."

"Hindi siya ang umatake sa akin," I insisted.

Laughing, the locked guy stuttered, "Nakalimot na ya-yata ang kasama mo."

Is he implying na siya ang umatake sa akin? It doesn't make any sense for him to confess that. "I'm pretty sure."

"Drop the idea, Sebastian," Delvin butted in. "Sigurado tayong may kasabwat siya rito."

I nodded to Delvin. Totoong nasa amin ang upperhand dahil nabasa namin ang plano nila. Still, I don't get it. Why is this guy trying to claim my attacker's identity? Is it just to mislead us?

"Hindi na masama," sabat ng lalaki. He's being honest since there's no way that everything—the attack, brownout, and intrusion—can be done by a one-man army in a flash.

"Then tell me, what should we do now? Should we call the cops or security?" I diverted the topic as I walked around the room to check around the junks of clothes, books, and other personal items. "Parating na rin naman ang mga guard n'yan."

"Hindi natin s'ya puwedeng ibigay sa guard, lalo na sa pulis," sagot niya na nagpakunot ng noo ko.

"Not in my wildest dream I thought of making a person hostage," I said as I bent down towards a cylindrical black object near the window—a speaker which I picked. "Tama ka nga tala—"

Scrash!

I glared at Delvin who was holding a blue-encased phone. He seemed to play the glass shattering recording. Shortly, he dropped the phone para ipagpatuloy ang pagkapkap sa lalaki. He can even do that in such a difficult position.

Groaning noises resounded in the room habang sinusubukan niyang kumalas sa pagkaka-lock sa kaniya ni Delvin. He's suffering more in each attempt dahil mas hinihigpitan ni Delvin ang pagkakahawak niya to keep the man from breaking loose.

"Aray!" paulit-ulit na sigaw ng lalaki na napapapikit na sa sakit.

Delvin didn't seem to care as he instructed, "Pakikuha ang phone ko sa bulsa. I need you to text someone."

"You know that I really never agreed to do errands for you," I uttered while embracing myself from the chilling feeling I get by standing on this junkyard.

"Come on, Sebastian," Delvin smirked. "Alam naman nating pareho na nag-e-enjoy ka ngayon."

Matalim na titig ang sinagot ko sa kaniya habang naglalakad palapit sa kanila. "How sure are you?"

"Gusto mong makilala ang nakaraang ikaw, 'di ba?" Delvin asked, sending back a taunting glare. "Ito na ang chance mo. This was the only thing that kept you in joy before, at kitang-kita ko na hanggang ngayo'y ganoon ka."

Indeed, mayroong excitement na namuo sa dibdib ko. Honestly, I'm even looking forward to seeing this through the end. If this is an essential fragment of my past, I think I can give a little hand.

Lumuhod ako sa tabi ni Delvin upang kunin ang kaniyang itim na smartphone sa kaniyang kaliwang bulsa. "Now?"

"Paki-text si Sir Arthur," Delvin instructed. "Makiusap ka lang na ihuli na tayo sa pagtawag nila mamaya dahil may ginagawa lang tayo."

No passcode. Dali-dali kong sinundan ang instructions niya. While doing so, nakita ko rin ang mga previous message nila. "Didn't know that you are chummy with a guard here."

"Not just him. Connections are hacks to get jobs done efficiently," Delvin teased. "Kung lang marunong kang makipag-socialize, mas maiintindihan mo 'yon."

"I can get people's help without befriending them," I said as I moved towards the kitchen area. "Maraming paraan para pasunurin ang mga tao. Trust takes time to build. It's faster if you'll just buy them through other means."

"Pera? Takot? Fame? Pain?" Delvin stressed. "May mga taong hindi nababali nang basta-basta ang prinsipyo. Isa pa, those ways are most of the time guaranteed to backfire."

"Hmm," I resounded as I pulled drawers to check for a glove and trash bags. "Anyway, your friend replied with a thumbs up."

"Nice." Delvin then pulled the arms of the guy which made him scream louder. "Mahaba ang oras na mayroon tayo para magsalita ka. Anong kailangan ninyo sa kuwarto namin? At nasaan ang mga kasabwat mo?"

"Pe-pera," sagot niya.

Delvin tightened his grip on the guy's wrists. Napayuko na lamang ang lalaki habang umiihip ng hangin. "Again, mahaba ang oras natin. Ganito ba ang gagawin ng mga taong pera lang ang habol?"

"Sorry na! Iyon lang talaga ang habol namin," hagulgol ng lalaki na sinusubukang gumulong nang magkabilaan. "Pakiusap! Tama na. Hindi ko na kaya. Ipakulong na lang ninyo ako."

"Ipakulong?" Delvin coldly uttered. "Kapag sobrang hirap na, gusto mo na lang makatakas sa pinakamadaling paraan. Hindi ako nagkulang sa babala ko sa 'yo, we have time for this. 'Yan, baka mas maintindihan mo sa Ingles."

Here's a devil after emphasizing the drawback of the use of pain a while ago. The agonizing screams kept repeating in each trade of similar responses. Buti na lang talaga soundproof ang mga unit dito.

While they were shouting the same lines at each other, I put on my latex glove and carried a trash bag. I started bagging the broken pieces of a wooden chair near the door. Our lock and doorknob are wrecked now as well.

At this point, I still cannot shrug off the idea na sinusubukang i-claim ng lalaking ito na siya ang umatake sa akin. What advantage will they get from that? Clear namang hindi siya mag-isa.

Delvin, papaano mo nalaman na nasa elevator ako kanina?" sabat ko sa pag-i-interrogate niya habang sunod na pinupulot ang mga maruruming mga damit na tinatapon ko sa laundry basket.

"Huh? Dahil iyon sa ingay ng kumakayod na bakal," kunot-noong sagot ni Delvin. "Nagawa mo pang mag-linis ngayon?"

Can't help it. Pakiramdam ko'y masu-suffocate ako kung hindi ko man lang lilinisin ang unit namin. "Hindi working ang mga elevator sa oras na 'yon. Isa lang ang stairway dito. Wala ka bang nakasalubong?"

"Maraming tao sa hallway no'n," Delvin raised his voice because the other guy threw his tantrums. He glared at him. "Manahimik ka nga muna!"

"Wala kang napansin na kahalintulad ng suot niya?" I only kept asking as I now started to bag the trash: chip bags, papers, and other things with no more value for us. "You're good at noticing things, aren't you?"

"Salamat sa compliment pero madilim no'n kaya mahirap makakita," Delvin sighed. "To be honest, kahit na may ilaw pa, wala sa capacity ng utak kong matandaan ang suot ng lahat ng mga nara—"

Sinubukang magpumiglas muli ng lalaki kaya biglang na off balance si Delvin. Buti na lamang ay mabilis nitong nahila ang mga braso ng lalaki.

"Aray!" hagulgol nito nang may pamumula na ang mukha.

"Subukan mong makawala, masasaktan ka," diin ni Delvin sabay hila ulit ng mga braso ng lalaking umuungol sa sakit. "Sumabat ka sa amin, masasaktan ka."

Nang binawasan ni Delvin ang kaniyang puwersa, nanahimik na lamang ang lalaki habang hinahabol ang kaniyang hininga. Napapailing na lamang ako ng ulo sa nakikita ko sa mga aksiyon ng sadistang ito.

"By the—" I stopped from asking momentarily after witnessing Delvin smooching repeatedly towards the window. "Just to let you know, I'm not interested with lady nor men."

"Baliw. Hindi ka ba Pilipino?" Delvin smirked. "Kunin mo iyong lubid sa may bintana."

Nilagay ko muna sa gilid ang mga hawak ko bago tumungo sa may bintana. Medyo natagalan din ako sa pagkalas ng nakapulupot na tali sa railing. Nang makuha ko na 'yon, lumapit agad ako kay Delvin upang iabot ito.

"Bakit mo binibigay sa akin?" Delvin furrowed his brows. "Ikaw ang magtatali sa kaniya dahil kailangan ko siyang hawakan. Alam mo naman siguro kung paano magtali 'no?"

I shook my head while kneeling down. "Stop yapping, and just tell me how."

Delvin then instructed me on how to properly loop the rope around the wrists of the culprit habang pinaglalapit niya ang mga kamay ng lalaki. After doing my task, Delvin took over. Iginulong niya ang lalaki sa nakadapang puwesto bago niya inupuan ang likod nito. Then, he made a few more loops para itali rin ang paa nito mula sa likod.

"Same rules, pero this time, sisipain ko ang kinabukasan mo kapag nag-ingay ka," pananakot ni Delvin habang patayo. "Kung gusto mong magsalita, makikinig kami basta manatili kang mahinahon."

No more moves can be made by this guy. Para siyang pana sa pagkakatali sa kaniya. If he tries to pull his hands, he will pull his feet, and vice-versa. Puwede na nga namin siyang iwan, at maging kampante na hindi siya makakawala nang mag-isa.

"Saan na ba tayo?" tanong ni Delvin habang inaalis niya ang hood sa ulo ng lalaki. "May tinatanong ka kanina, 'di ba?"

"Yup," I responded while observing the culprit's scarred face. "Puwede mo bang sabihin sa akin kung ilang units na iyong nilooban nila? Isama mo na rin lahat ng ibang detalye."

"Walang kinalaman ang kaibigan ko sa mga 'yon," mahinahong sabat ng lalaki. His lips twitched momentarily. "Mag-isa lang talaga ako."

Within my stay in my father's house, I become keen in telling when people spit lies. I learned a simple concept: everyone lies, but not everyone is a good liar. Some are like Pinocchio whose nose lengthens when lying.

"Inaamin mo bang may isa kang kasama?" Delvin crossed his arms.

"O-o," sagot nito nang may pag-aalangan.

"Sa tingin ko, kailangan natin siyang tulungan para magsabi ng totoo," I said while diverting my attention to putting our books in shelves. "I'm still thinking that something's off when you tried assuming the role of my attacker."

"Da-dahil ako iyon?" His lips twitched again.

Not minding his lie, I continued, "Ayaw kong mag-generalize based on gender kaya kanina ko pa pinipigilan ito. I have an idea to identify my attacker even without your help. Trust me."

"Naba—"

I cut his words as I bluffed while making a sudden eye contact, "We'll get her."

A bluff can be sometimes helpful when figuring out something. Of course, naisip ko naman talagang babae ang umatake sa akin due to the scent, pero masyado naman akong mababaw kung ganoon. A guy can be feminine as well. A lady can be strong in combat too.

Pinagmasdan ko ang reaksiyon niya since expression is much more honest than words. Mas bumilis ang paghinga niya, and his lips are twitching frequently. His pupils are enlarged as well. Surely, he's hiding something so dear to him—BINGO!

Limang segundo rin kaming nagtitigan bago siya nagpakawala ng pilit na tawa. "Baliw ka na," sambit ng kaniyang nanginginig na labi.

Before I continued, I asked Delvin again. "So, what do you know about their dirty jobs?"

"Sebastian," diin niya sa pangalan ko habang nakatitig nang masama. He shakes his head repeatedly. "Excluding ours, mayroong twenty-six occurrence in the last thirteen days. At least one kada araw."

"Ako 'yon," sabat niya. "Ako lahat 'yon."

"Interesting. Willing kang aminin na may kasama ka pero masyado mong pinoprotektahan iyong umatake sa akin sa elevator."

"No wallet. No identification," Delvin vented—kinda off the topic—after trying to search the guy again. While he's walking to his bedside with the guy's phone on his hand, he added, "Wala ring laman ang phone niya pero ipapa-check ko pa sa kaibigan ko para makasigurado."

Ako naman ang umupo sa tabi ng lalaki. Malamig na titig ang salubong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang iniiwas niyang mukha. "Tell me, why are you trying so much to protect her? Is she special?"

"Wala namang her," sagot nito. Patuloy pa rin sa panginginig ang kaniyang labi. His face even blushed slightly. "It's him, at ako iyon."

"I'm Sebastian," pagpapakilala ko. "What's your name?"

"Wala."

"I'm pretty sure that she calls you with a name," I stressed. "Things become more special kapag may pangalan, 'di ba?"

Mas lalo siyang namula. It seems that the accomplice is really important to him, at hindi lang siya nanahimik for the sake of their task. Unfortunately, what you love can be used against you.

"Let me give you insights on how I'll find her instead then." He stared directly at my eyes with his dilated pupils. "Sobrang consistent ninyong manloob. Pinapakita ninyo na maalam kayo sa mga tao at mismong building na ito. I doubt that it's you without identification. So, it must be her."

"Sebastian," pagtataas ng boses ng tao sa likuran ko.

Not minding Delvin, I addded, "Sa tapang ninyo, you worked great even noong may mga guwardya na nagpapatrol. So, hindi rin malabong boarder ang kasama mo rito. It's not easy for outsiders na makapasok dito. You need someone from inside to get you in. So, kung ite-trace namin kung paano ka niya pinupuslit dito, we'll easily find her."

"Puwede n'yong gawin iyon, pero wala kayong mapapala," the guy said firmly. "Eh, a-ako nga ang u-umatake sa 'yo."

"Going back to your consistent performance, you need information: when and who to attack. She must be at least a grade 11." No signs. I pushed forward, "No, of course, grade 12."

"Hi-hindi." Bumalik sa panginginig ang kaniyang labi.

Now, I'm certain that his Pinocchio spots are his lips and eyes. His brain is now trying hard to make an excuse, but I'm here to take advantage of the pressure bottling in him.

"Hindi?" diin ko, keeping him in constant pressure. "Akala ko bang wala kaming mahahanap? Ibang grade ba? So, hindi ikaw? Estudyante talaga siya 'no?"

"Wa-wala akong alam."

"She gave me a good jab in my lower rib cage. It was really painful," I said while touching my right side. I continued to make assumptions until I saw his spot. "She must be really active. A current? No, former athlete."

"A-ako iyon," the guy abruptly said. Sinusubukan pa rin niyang magsinungaling kahit obvious na.

"What's her sport?" I asked. "Magaling siya sa combat. Taekwondo? Boxing? Karate-do? Hmm, no strength can be developed in non-combative sports din. Tell me, basketball? Wait, how about gymnastics?"

"Tama na," he pleaded with a give-away expression.

"At this point, there is no more sense to lie," diin ko habang tinititigan siya. Kung umiwas man siya, I used my gloved hands to force him to stare at me. "You can't protect her with lies. If you only knew her better, you'll know that she never hit me at my side."

Knowledge is really a strong tool. Ignorance is setting a person to a trap. Madaling mauto ang isang tao kapag wala siyang alam. That's how politics and business work. Father showed us that.

"Naaawa ako sa iyo. You're trying your best to protect her pero iniwan ka lang niya rito," I said in a low tone. "Bakit ikaw ang sakripisyo? If they were outside watching your back, you could have escaped if things didn't go your ways. The thing was, they left you defenseless."

"Tama na."

"Gusto mo ba siya?" I chuckled. "I bet you'll still be a tool in her eyes even if you die here to keep her safe."

"Tama na!"

"Kung sasabihin mo sa amin kung sino siya, at least, you won't be alone. So—"

"Bwisit!" he roared, gritting his teeth. Inilayo ko agad ang aking kamay bago pa niya ito makagat. I am not done investigating him, but the barrier, that protects his emotion, is totally undone. Paulit-ulit niyang sinisigaw ang "bwisit" na palakas din nang palakas.

Napalingon na lamang ako kay Delvin na tila may kinukuha sa kaniyang bedside drawer. His eyelids were slightly down which made his expression chilling. He took out a gray-plated case.

"You've really done it, Sebastian." He walked towards us as he took out three pills with this right hand before pocketing the case. "Take hints sometimes, will you?"

"I don't get it." I stepped back, medyo napapalapit kasi siya sa akin dahil sa kaniyang pagpupumiglas na parang isdang nasa lupa. "Explain?"

"Never mind," he sighed.

"Alright." Delvin was going to the kitchen. "What's your plan on this? You're not killing him with that drug, aren't you?"

"Mabait ako, 'no?" Mahirap nang paniwalaan ang sinasabi niya after what I witnessed. He went out holding a bottle of mineral water on his other hand. "Hindi ako mamamatay tao."

"Hope, you're telling the truth."

"S'yempre," Delvin chuckled as he kneeled towards the guy. "Damn, you're really done for."

As I made a closer look, I can only see madness hinted on his face-clenched teeth, temple vein throbbing, and gaze engaging. He still kept screaming the same word up until now like it's the only thing in his mind. Buti na lamang ay nakatali siya dahil para siyang zombie sa pagwawala.

"Alam mo," diin ni Delvin habang nilalagay sa bottle ang mga pill. "You're pitiful."

Escalating the anger of the guy made him try to bite Delvin. Nagsilabasan ang mga ugat sa sentido nito. He then widely opened his mouth as he tried to say, "Ga-uagh-agh-agh."

The guy started making drinking noise as Delvin shoved the water bottle down straight on his mouth. After the action, the guy calmed down as his eyelids closed quickly. The drug must be really strong dahil wala ng kahit anong salita pa ang lumabas sa lalaki bago siya bumagsak.

"Anong gamot ang ginamit mo?" tanong ko habang pinagmamasdan ang nakahandusay na lalaki. Unfortunately, sleeping can only give him a short peace.

Delvin took the pill organizer from his side pocket, throwing it to me. "Mas matindi pa sa suntok ni Pacquiao ang tama n'yan. It comes in handy kapag kinakailangan."

"Like this situation?" I caught the case mid-air with both hands. I popped the case to open, eying the tictac-shaped capsules. "Anyway, can I take some of this? Wala namang side effects 'to?"

Umiling si Delvin habang binubuhat ang lalaki sa kaniyang likuran. "You can have that entire case. Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo. Those are hundred-percent safe."

 "I'll take your word," I uttered as I placed the case in my bedside drawer, while Delvin moved the body to the comfort room.

"Mapagkakatiwalaan mo ako," Delvin followed while inside the comfort room. "Alam mo namang kailangan kita, so I won't put you in harm."

"Please." I approached him to check what is he up to. "I did not agree to continue running errands for you."

"Trust me," Delvin chuckled as I watched him place the body in the bathtub. "That will do it for now. And again, you will come looking for this sensation."

A beep took my attention as I dug Delvin's phone out of my pocket. Hinagis ko iyon sa kasama ko since wala na rin siyang ginagawa. "It appears like we're just in time."

Mabilis lang tinignan ni Delvin ang message bago mag-tap sa screen. "By the way, ang galing at ang bilis mo talagang maglinis."

Huminga na lang ako nang malalim. Nag-o-overexaggerate lamang si Delvin. Though tama naman na in place na iyong mga libro, utensils, and iba pa naming gamit, may mga nakalapag pa ring iilan sa sahig. Well, it's this guy's definition of cleanliness after all.

Malapit na raw dumating ang guard sa room namin kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tinapos ko na ang paglilinis habang may kung anong ginagawa si Delvin sa banyo. The door was closed kaya wala akong ideya sa ginagawa niya. It must be part of his next plan.

Two minutes passed; someone knocked on our door. Si Delvin ang nagbukas ng pinto. "Sir Arthur, magandang gabi."

"Sumabay na kayo sa pagbaba sa mga student dito. Bawal pa rin gamitin ang elevator." Kunot na kunot ang mukha ng panot at chubby na guwardya. "Ano bang ginagawa ninyo rito?"

"Sorry, Sir Arthur," sabi ni Delvin na pinaglapat ang kaniyang dalawang kamay sa harap ng kaniyang mukha habang nakasandal sa sirang doorknob. "May kinailangan lang kaming tapusin. Alam mo namang mabait ako. Huwag kang mag-alala, ililibre na lang kita bukas."

"Oo na," buntong-hininga niya. Kinuha ko na ang dalawang bag bago lumapit sa kanila. "Tara na't bumaba na kayo. Handa na ba ang gamit ninyo?"

"Ay," buntong-hininga ni Delvin.

"Here." I passed him his bag na inayos ko na kanina habang busy siya sa banyo. "You can thank me tomorrow by giving me answers."

"Good one." Delvin formed a gun with his hand and acted to me. "You need more than that though."

Sumabay na kami ni Delvin sa guwardya at sa mga estudyante sa koridor. Umarte na lamang kaming kinakandado ang pinto. Buti na lang hindi kapansin-pansin na nasira namin ang lock. Sabi naman ni Delvin, hindi magigising hanggang hapon iyong bisita namin besides sa nakatali naman siya.

Nakikipagkwentuhan at nakikipagbiruan lamang si Delvin sa guard habang pababa kami sa may hagdan. Knowing him, binobola lamang niya ito para magtanong ng impormasiyon. Well, nakapag-build na siya ng rapport dito kaya it's easier for him to get essential info.

"So, bakit ba nawalan ng kuryente?" Delvin asked silently after a series of small talks.

Tumingin muna sa ibang mga estudyante ang guwardya. Sinenyasan niya kaming dumistansiya nang bahagya. Nang medyo wala ng malapit sa amin, bumulong ito, "Huwag niyong pagsabi, huh. Mayroong pagsabog sa power room."

"Wala naman akong narinig na pagsabog bago namatay ang mga ilaw," bulong ni Delvin. "Buti hindi iyon nag-cause ng sunog."

"Mahina lang ang pagsabog, at iyong main panel lang ang sinira," sagot nito. "Buti na lang mabilis na naagapan iyon ng kasamahan namin kaya napatay ang sunog bago pa 'yon sumiklab."

"Gano'n pala," tugon ni Delvin. "Buti hindi ninyo agad kami pinalabas?"

Nakapinta sa mukha ng guwardya na nag-aalangan na siyang sumagot. Mukhang masyado ng classified ang impormasyon iyon. I wonder if this will appear in the news later or tomorrow—I bet that it won't.

"Sorry Sir Arth kung matanong ako," sabi ni Delvin na kinakamot ang likod ng kaniyang ulo. "Curious lang talaga lalo na nakakapagtaka na may nakapasok doon kasi need ng Access Control card 'di ba?"

"Pasensya na rin hindi kita masasagot do'n." Nakahinga na siya nang maluwag. Honestly, he already did spit plenty. "Alam mo naman kung puwede lang."

Nginitian siya ni Delvin bago nito iniba ang usapan nila. It appears like he's satisfied on a little information he got for now as they spoke about unrelated things.

Limang minuto lang ay nakahabol na kami sa mga tao sa groundfloor. Nagbigay lamang ng final instruction ang head security guard bago kami in-escort patungo sa kabilang hostel. Hindi man lang talaga nila binanggit iyong nangyari sa power room.

As soon as we got into our new room, pinakuwento ni Delvin sa akin lahat ng kaganapan mula noong umalis ako ng unit hanggang sa bago ako nag-collapse sa elevator. Of course, I remembered everything that I sighted and heard before collapsing.

"Salamat," Delvin said as he sat on his head. "I can see a good fix in the plan now. Dapat pala'y nagtanong ako nang mas maaga."

"Alam kong hindi siya makakalaya mag-isa pero if his accomplice chooses to rescue him this night or some other time, we might lose him." Humiga na ako after I released a long yawn. "Ano na ang balak mo?"

"Hindi na importante 'yon. They're free to do so." Delvin remained unbothered. "From this point onward, they'll be playing on our traps this time."

"Traps?"

"Sometimes, you need to be decisive to win the war," he followed up though hindi ko pa rin ma-picture iyong context ng plano niya. "Relax ka lang and do your things. Kung kukunin man ng daga ang keso, it's our victory."

"You always give a broad answer. Hindi kita maintindihan." I straightened up my position. I should take plenty of rest from this point because I feel that there will be a lot of changes beyond this day. "Less work for me is a win-win anyways."

"Tru—"

"Yes, I'll trust you for now," I cut him.

Exhausted, I no longer have the energy to argue. Magtitiwala na lamang muna ako sa kaniya. Knowing him, he won't tell me much even if I ask further. Magsasayang lang ako ng laway. I still don't get a full read of Delvin's thinking, but he's pretty capable from what I witnessed today. Hope, he's not planning to keep me in the dark though. Mahirap ang walang alam sa mga nangyayari.

"Thank you," Delvin uttered which I didn't mind, pretending that I already fell asleep. "I'll give you details tomorrow."

No one knows about tomorrow's dish hidden inside the steel dome. There are mysteries still needing answers for us to prepare. If we can read further on our enemy, we'll be able to move further ahead. Truly, it excites me.

🔴 🔴 🔴
🔴 🔴
🔴

Fun Fact: The closest anime characters that can resemble the outward appearance of the two male protagonists are: Houtarou Oreki (Sebastian) from Hyouka, and Aomine Daiki (Delvin) from Kuroko no Basuke.

Vote, Criticism and Comment are highly appreciated.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top