Chapter 2

SEO Hyo grabbed a fried drumstick, shrimp, and meat on a plate before going to a vacant table. He became like a virus that nobody wanted to socialize with. Ayos lang naman iyon sa kaniya, mas mabuti nga dahil hindi naiistorbo ang kaniyang pagkain habang nakikinig sa emcee na nagsasalita sa entablado. It was Chastese, the daughter of the guide to the underworld, Bari Gongju. She had always been the representative in terms of speaking in front and entertaining them. Though they hadn't talk ever since, she also didn't show any sign of contempt to him.

"Thank you for coming to the 17th annual meeting of the demigods. We appreciate you taking all your time for this event even though most of us here are busy with our own lives," said Chastese.

Tumango-tango lang siya habang mahinang napapakomento. "Boring ka pa rin maging emcee pero puwede na."

Sinulyapan niya ang kaniyang kanan kung saan nakaupo si Chae-a, tatlong lamesa ang layo nito sa kaniya. Sapat lang para makita niya ang iba at hindi rin mapansin ang kaniyang pagmamasid.

Napatigil siya sa pagkain nang biglang lumapit si Daejung kay Chae-a. May binulong ito. Ilang saglit ay tumayo ang babae at sabay na naglakad palabas ng hall. Dahan-dahan din siyang tumayo. Sinulyapan niya ang supot na dala kanina at inilagay sa kaniyang upuan. Balak pa naman niya sanang magbigay ng pasabog sa event pero mukhang kailangan niya muna itong ipagpaliban.

Uunahin niya muna ang kaniyang mga kaibigan dahil hindi maganda ang kaniyang kutob.

He walked out of the room and followed the two. He couldn't measure how far he was from them but it was enough not to lose them. They went to the second floor using the stairs. Napairap siya dahil aakyat siyang naka-heels. Dahan-dahan niyang inapak ang stilleto sa hagdan upang 'di marinig ang kaniyang mga yabag.

Nang makatuntong sa ibabaw, nagtago muna siya sa pader ng hallway at sinilip ang dalawa. Pumasok ito sa comfort room.

"Goodness, what are they gonna do in the women's bathroom!" His eyes circled while he ran with his feet in tiptoe, making him look like a crab running.

Napatigil siya sa labas at dahan-dahang sinilip ang loob. Sumalubong sa kaniya ang galit na mukha ni Chae-a na nakatingin kay Daejung.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako titigilin? Napag-usapan na natin 'to kagabi, 'di ba? Ayoko nga!" sigaw nito.

"But, Chae-a, listen to me. Our life will be better this way. The demigods will welcome us the way how they welcome others." Daejung tried holding Chae-a's arms but she pushed him away.

"The demigods are welcoming to us! What are you even saying!"

"They do not invite us to any other occasions, Chae. Oo nakikipag-usap sila sa atin but we never get to build our relationship with them because of Seo Hyo-hyung!" Daejung exclaimed.

Lalong naintriga si Seo Hyo nang pumasok ang kaniyang pangalan sa usapan. Napalunok siya nang mapansin ang lalong dumilim na mukha ni Chae-a. Dinuro nito ang lalaki.

"Alam mo, sumusobra ka na. Nababaliw ka na yata! Ano bang nangyari sa 'yo at bigla kang nagkaganito?"

"Just say yes, Chae-a."

"No! I will not become a murderer, Daejung. Hindi ko kayang patayin si Seo Hyo!"

Muntik nang tumakas ang isang singhap sa kaniyang bibig dahil sa narinig. Kaagad niyang tinakpan ito. Muli siyang napalunok dahil hindi maganda ang kaniyang kutob sa patutunguhan ng usapang ito. Bakit napunta ang usapin na papatayin siya?

"Please, Chae-a. Make this easier for me," Daejung begged. "Hindi ka ba napapagod na maging kaibigan si Seo Hyo? Dahil ako pagod na. Ayoko nang nandito siya palagi. Dahil sa kaniya hindi ako matanggap-tanggap sa model agency na pangarap ko!"

Ang pangarap na model agency ni Daejung ay pagmamay-ari ng isang demigod na ayaw sa kaniya. He had known that Daejung couldn't pass the audition because of his connection with him, but he never expected his friend would blame him. He never opened up either so he had no clue.

"Hindi dahil kaibigan ko siya at kahit kailan hindi ko magagawang saktan ang kaibigan ko!" Chae-a shouted. "At kapag hindi ka pa tumigil, sasabihin ko 'to kay Seo Hyo!"

Lalabas na sana si Chae-a pero biglang hinawakan ni Daejung ang braso nito at hinila pabalik nang marahas. "What do you think you're doing?"

"What do you think? I'm going to tell him!" Nagpumiglas si Chae-a pero ayaw itong bitiwan ng lalaki. Impit itong napasigaw dahil sa higpit ng hawak nito. "Bitiwan mo nga ako!"

"Take back what you said. You are not going to tell Seo Hyo about this!"

"I will tell him that you have gone crazy!" Tinapakan ni Chae-a ang paa nito dahilan para mapadaing ang lalaki at maluwagan ang pagkahahawak. Chae-a seized it as a chance to run away.

Palabas na sana ito ngunit bigla na lang itong napatigil at napasinghap. Seo Hyo as well was caught off guard. Dahan-dahan siyang napatakip sa bibig nang makita mismo ng dalawa niyang mata kung paano tumagos sa puso ang kutsilyo na sinaksak ni Daejung mula sa likuran ng babae.

"C-Chae-a . . ." He uttered as he watched her friend's blood spilled on her body.

Gumalaw ang mga mata ni Chae-a at napatingin sa kaniya. Nanubig ang kaniyang mga mata nang gumalaw ang bibig nito, walang tunog na sinabi sa kaniya ang salitang "takbo".

When Daejung removed the knife on her chest, Chae-a lost her life. He flinched when her dead body met the cold ground. Shaking, he got all the energy left from his feet and ran. The sound of his stiletto made a ruckus, making Daejung noticed his arrival.

"Hyung?"

Hindi niya nilingon ito at dali-daling tinanggal ang heels. Nakapaa siyang tumakbo habang hindi sinubukang lingunin kung sumunod ba sa kaniya ang lalaki. Ang tanging nasa isip niya na lang ay kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon.

Dumiretso siya sa parking lot at pinaharurot ang kaniyang big bike paalis ng hotel. Napakagat siya sa kaniyang mga labi upang pigilan ang sariling maiyak. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay hanggang sa makarating sa Incheon.

"Son, are you okay?" salubong ng kaniyang ina nang mapansin ang pamumutla niya.

Tumango lang siya bilang sagot at pumasok sa sasakyan kung saan naroroon kaniyang kuwarto. Kaagad siyang nagtalukbong ng kumto at doon nilabas ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Mahihinang mga hikbi ang lumabas sa kaniyang bibig habang kumakabog nang mabilis ang kinikilabutan niyang puso.

He just witnessed a murder. Hindi lang basta murder dahil ang kaibigan niya ang namatay at kaibigan niya rin ang pumatay. Nagwawala ang kaniyang isip sa mga katanungan kung bakit humantong sa ganoon ang nangyari. If he could recall, they were all doing fine. He had never seen Daejung become aggressive, hell, even hold a knife, so how could that be the same person? How was he so desperate to kill him that he ended Chae-a's life?

How long had it been that Daejung had been blaming him for his unreaching dream? He didn't even notice.

"Chae-ya . . ." usal niya sa pangalan ng babae habang niyayakap ang kaniyang unan. Doon niya nilabas ang kaniyang panghihina at panginginig.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na tumangis ngunit napansin niya na lang na gabi na nang tawagin siya ng ina upang maghanda na sa gagawing performance. Ito na ang huling araw nila sa Incheon.

Mabigat ang kaniyang katawan na bumangon sa kama. At nang makita ang kaniyang mukha sa salamin, gusto niya ulit na maiyak dahil sa pamumugto nito. Aabutin na sana niya ang kaniyang makeup kit ngunit napatigil sa naisip. Napakuyom ang kaniyang mga kamao.

He shouldn't have run away. He shouldn't have left Chae-a's body there with Daejung. However, fear came first that he forgot to think. Kahit ngayon, hirap pa rin niyang matanggap ang nangyari, at hinding-hindi niya iyon matatanggap hangga't hindi niya nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Chae-a.

He needed to go back there.

Sinimulan na niyang ayusin ang sarili para sa kaniyang huling performance. He ought to clear his mind and muster his courage before he rode back to Seoul. For sure, the people have seen her body, or if Daejung hid it, her family would have already been alarmed by her absence.

Katulad kagabi, naghintay si Seo Hyo sa gilid ng hallway papuntang ring hanggang sa matawag ang kaniyang pangalan. Tinago niya sa kaniyang maskara ang nagkakagulo niyang emosyon at pinalitan ng isang matingkad na ngiti.

Hinarap niya ang mga tao. "Have you been all waiting for me?"

Umalingawngaw ang mga sigawan nang makita siya, handa ng tanggapin kung anong pasabog na naman ang ibibigay niya ngayong gabi.

"Now then, I shall show you a performance worthy of your attention, starting from this coin." Pinaikot niya sa mga kamay ang isang barya. Hinagis niya ito sa ere.

Subalit bago pa man niya masalo ang barya, isang mabigat na bagay ang biglang yumanig sa bubong nilang gawa sa pula at puting tarpaulin. Dahil sa bigat ay napunit nito ang tarpaulin dahilan upang bumagsak at bumalandara sa kaniyang harapan ang isang katawan.

Namilog ang kaniyang mga mata nang makilala ito.

"C-Chae-a?"

Before he could even move, a man from the crowd showed up and pointed his finger at him. "You! You are Seokga's son, aren't you?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top