A One-shot Story
Isa.
Lima.
Sampu.
Sampung minuto na ang nakalipas pero wala pa rin kaming naririnig na yapak.
Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko, ni tila parang walang humihinga sa amin ngayon; natatakot na baka malaman ng halimaw na nadito kami sa isang masikip na cabinet.
“Nakaalis na yata siya,”
Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay ni Sheena habang hawak-hawak ang isang maliit na lighter na nakuha niya kanina sa isang kitchen table. Ang kaunting liwanag ng flashlight nito ang nagsisilbing ilaw namin ngayon.
“Ayokong luma—lumabas,” pigil na hiningang usal ni Janine.
Napakagat ako sa labi. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso ko na parang lalabas na sa aking ribcage. Naramdaman ko rin ang sakit sa aking pisngi na kanina ko pa pinipisil—nagbabakasakaling gigising ako bigla sa isang panaginip.
“Tama si Janine,” bulong ko. “Kahit lumabas tayo, there's no way out. Ilusyon ang lahat ng ‘to.”
“Mamamatay tayo rito sa loob ng cabinet dahil sa init at sikip kung hindi tayo rito lalabas,” buwelta rin ni Sheena. “Hanggang kailan tayo tatago?”
“Kitang-kita ko kung paano niya tadtadarin ng—ng saksak…” Tinakpan ni Janine ang kaniyang bibig para pigilan ang sarili sa paghikbi. “S-si Kian. G-guys, ayoko p-pang mamatay.”
Napahinga ako nang malalim. Ayoko rin dito, pero hangga’t wala kaming gagawin, hinding-hindi namin malalaman kung paano makaalis sa isang bangungot na ‘to. Hindi rin namin alam kung paano kami napunta rito. Basta na lang kami nagising sa bahay na ‘to pagkatapos naming maghapunan sa bahay nang napakagandang babaeng nagpatuloy sa amin sa kaniyang pamamahay matapos kaming ma-stranded sa kalsada, dahil biglang nawalan ng makina ang sasakyan ni Charles. It turned out, that beautiful woman was a monster.
“If that’s the case, kailangan nating magplano. It’s like the game we used to play before. Kailangang may hanapin tayong clue o kahit ano. Keys, notes, weapons or anything.” Hinawakan ko ang malalamig na mga kamay nila at tinignan sila ng deritso sa mga mata. “Be braver.”
Magsasalita pa sana si Sheena nang may narinig kaming palahaw.
“Kate,” tawag niya sa akin. “Si H-hena. Boses niya ‘yon.”
“Hey, hey,” kuha ko ng atensyon nila. “Makinig kayo nang mabuti sa akin. Lalabas ako, magpapahabol ako sa kaniya. Kapag sumigaw ako, ang ibig sabihin lang no’n, kailangan n’yo ng lumabas dito. Dumeritso kayo sa may kusina o sa storage room. Humanap kayo ng matatalim na bagay o kung ano’ng puwedeng magamit panangga sa kaniya. Pagkatapos no’n, hanapin n’yo ‘yong i-ibang mga kaibigan natin. Kapag marami kayong aaatake, may posibilidad na makakaya n’yo siya.”
“P-paano kung patay na silang lahat? Na—natatakot ako,”
“No, paano ka? She might catch and kill you, Kate.”
Umiiling ako. “Magiging ayos lang ako. Just trust me.”
“H-hindi ko kaya ‘to…”
“Kaya mo, Janine.”
“Mag-iingat ka, Kate. Please.”
Napatango ako bago ako dahan-dahang lumabas sa cabinet. Napatingin ako sa paligid ng kuwarto. Wala man lang kung ano’ng matatalim na bagay na puwedeng gamitin panaksak sa babaeng halimaw. Ang linis ng kama at walang laman ‘yong mga drawer nang binuksan namin kanina.
Nilingon ko sila sa huling pakakataon. Nagtama ang mga mata namin ni Sheena na nakasilip sa siwang.
Pinihit ko ang pinto. Walang tao sa hallway. Maingat kong isinara ang pintuan bago tumakbo sa kanan. Naalala ko noong naglalaro kami ng hide and seek ng mga kapatid ko noong mga bata pa lang kami, palagi akong panalo dahil mabilis akong tumakbo at gumagalaw ako nang walang ingay.
Makitid ngayon ang hallway na ‘to, parang bahay talaga ni Slendrina. At hindi ko alam kung nasaan na ‘yong halimaw na babae.
Natawa na lang ako sa sarili. Kasi imbes na takbuhan ko ‘yong babae, hinahanap ko pa siya ngayon. At ano’ng gagawin ko kapag nakita ko siya? Simple lang, tatakbo.
“Katangahan,” bulong ko.
Krggggg.
Krggggg.
Krgggg.
Napatigil ako. The sound was coming from the adjacent hallway of where I was standing now; the sound was like a long and heavy chain that was being dragged. Napaatras ako nang makita ko ‘yong anino niya. Matangkad. Mahaba ang buhok. And she waa dragging something. Sa kanang kamay niya naman ay ang axe na hawak.
The moment that she crossed my hallway, I faced her. Para akong nawalan ng lakas nang makita ko ang hitsura niya. Her beautiful face once was now full of holes. Kitang-kita ko ang paglabas-pasok ng mga uuod sa mukha niya at pati na rin sa bibig. Ang nangliliksing mga mata niya na lamang ang tila maayos. Ang buong katawan niya ay puno ng butas. At parang mapapasigaw ako nang wala sa oras. Parang gusto kong masuka at mahimatay.
Napahinto siya. At sa pagngiti niya ay ang paglabas rin nang maraming uod sa kaniyang mga bibig.
Napatingin ako sa sahig at doon ko nakita kung ano ang dala-dala niya. Para akong binuhusan nang malamig na tubig.
Charles. Dead. May nakataling kadena sa leeg niya at maraming dugo ang nakakalat sa sahig. Wasak rin ang bungo niya at tiyan. At napansin ko rin ang malaking cut sa kaniyang palapulsuhan.
“Three humans left after you,”
Napaatras ako sa bawat hakbang niya. Pero parang nanghihina siya, ngunit kung totoo nga, hindi niya ipinapakita ‘yon sa pamamagitan ng maruming ngisi niya.
Three. Sino ang nag-iisang buhay sa mga kaibigan ko maliban kina Sheena at Janine?
Roshille. Ben. Angeline. Llyod. Charles. Hena. Kian. Jayvee.
Patawarin n’yo ‘ko.
“That’s not gonna happen, bitch.” I held my pepper spray inside my jogger. I’ve been trained for taekwondo for years. Enough na ba iyon para mapatumba ko ‘tong sa harapan ko?
Nang bitawan niya ang kadenang hawak ay agad siyang napatakbo papunta sa harapan ko. I was too stunned to run, so the moment that she reached me with her raised axe, I slid. My spin was so long that I almost bumped into Charles’ dead body. And the next thing I knew was I was screaming atop of my lungs and running towards where she’d come from a moment ago.
Alam kong narinig nila ‘yon. At pinapanalangin ko na sana makahanap sila ng daan para matalo namin ‘tong halimaw na ‘to. Now, it made sense kung bakit sobrang daming estudyanteng binalitang namatay dahil sa bangungot nitong mga nakaraang taon. Wala silang alam na hindi pala ordinaryong pagkamatay ang nangyari.
Hinahabol ko ang aking hininga nang may nakita pa akong hagdan pataas. And I know that this witch was following me. Rinig na rinig ko ang malakas niyang yabag at ang kaniyang tawa. The laugh was as if mocking me that I was cornered and had no way out.
Napailing ako.
Ilusyon lang ang lahat ng ‘to.
The stairs seemed like forever. Napapagod na ang mga paa ko. Parang kalahating minuto na ang nakalipas nang umakyat ako rito, pero wala pa rin akong may nakikitang pinto. Paikot-ikot ‘yong hagdan. Parang hindi ako umaalis sa pinanggalingan ko.
Titigil na sana muna ako sa kakaakyat nang marinig ko ‘yong boses niya. Malapit na siya. Sobrang lapit niya na.
Napahawak ako nang mahigpit sa handrail.
Hindi ko na kaya.
Napapikit ako at isang ala-ala ang bumalik sa ‘kin.
“Papa, natatakot ako.”
“H’wag kang umiyak anak. Normal lang na matakot ka. Parte ‘yan ng pagkatao mo. Kailangan mo lang harapin. Nandito lang ang Papa.”
“Natatakot ako dahil ang layo na po nang nilalakad natin, Papa, pero wala pa rin akong may nakikitang mga bahay. At saka madilim po rito sa kakahuyan.”
“Malapit na, anak.”
“Sinabi n’yo rin po ‘yan kanina. Natatakot ako na baka naliligaw po tayo. Natatakot ako na baka paikot-ikot lang po tayo. Natatakot po ako na hindi po tayo makaalis dito. Papa, natatakot ako na baka wala po ‘tong lagusan.”
“Anak, kahit ano’ng mangyari, huwag mong hayaanng kainin ka ng takot mo dahil kapag nagpatalo ka, parang tinaggap mo na lang din ‘yong tadhanang ginawa mo r’yan sa isipan mo. Palagi mong tatandaan, na sa bawat daan, palaging may hangganan.”
May hangganan.
The fear. If you let it stay, it will kill you.
Napamulat ako. Tama, this was a trial. Isa ito sa mga kinatatakutan ko. Ang bawat bagay na nandito ay imahinasyon lang lahat namin. At kami mismo ang gumagawa ng paraan para dalhin ang sarili namin sa kamatayan dahil sa takot na mayroon kami.
I just now realized what I did a moment ago. Nagtiwala ako sa sarili ko na magagawa ko siyang takasan kanina, and I did. Ngayon, kinakain ako ng takot ko na baka walang katapusan itong hagdan na inaakyat ko.
Narinig ko ang yabag niya. Iilang hakbang na lang at maaabot niya na ako.
Hindi puwede.
“The next floor will be the last one.” Mabilis akong umakyat pataas. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at umaasang ang sa susunod na palapag ay may pinto nang naghihintay sa akin.
Napakagat ako sa labi habang pinipigilan ang paghangos nang marating ko ang panibagong palapag.
Napahinto ako.
A taste of almost victory traveled through my veins.
I’d overcome my fear.
Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan at mabilis iyong binuksan.
And there. Was dead end.
Napasinghap ako. Kung hindi agad ako nakapag-preno at nakahawak sa threshold ng pintuan…siguradong patay na ako ngayon.
Another fear. Heights.
Nakarinig ako nang malakas na tawa. Mabilis akong napalingon. Ni hindi ko na maigalaw pa ang katawan ko. Wala na akong tatakbuhan. Dalawa lang ang kailangan kong pagpilian.
Tatalon o magpapatadtad?
“No way out, girl. Dead or dead. You choose.” Nakakalula ang pagngisi niya.
“Bakit mo ginagawa ‘to? Ano’ng klaseng hayop ka?”
“I was born to kill, girl. Killing will help me live longer. Therefore, I need to play with your soul. When I finally kill you here, your soul’s mine, your body’s dead. Just one soul would help me live ten times.”
“What are y-you, then?” Parang inuubos niya ang lakas ko sa pagtingin pa lang sa mukha niya.
“I’m a monster who is so thirst of your soul right now,”
Wala na ako sa sarili nang tumakbo siya papunta sa akin.
“KATE!”
The monster stumbled on the floor. And that was where I saw Jayvee.
Agad na rumagasa ang luha ko nang makita ko siya. “Y-you’re…you’re alive.”
Napangiti siya. Ngiting palagi niyang ibinibigay sa akin kapag gusto niyang sabihin na magiging maayo din ang lahat.
Narinig ko ang palahaw ng babae.
Tatakbo na sana ako papunta kay Javee nang may binunot siya sa kaniyang likod.
Baril.
Ang akala ko itatapat niya iyon sa babae, pero laking gulat ko nang itapat niya iyon sa akin.
Napa-iling ako. “Jayv…”
The sadness in his eyes was so vivid but he still managed to give me his sweet smile that I almost collapsed.
He tightened his grip. “I love you.”
Narinig ko na lang ang pagputok ng baril. Naramdaman ko na lang na deritso itong tumama sa dibdib ko. Naramdaman ko na lamang ang isang butil ng luhang pumatak sa pisngi ko. Naramdaman ko na lang ang sigaw ng halimaw.
And I just closed my eyes waiting for my body to land down to death.
I gasped.
I gasped again.
And I heard cries.
I felt my body on a soft sofa. I felt the sweat all over my body.
I immediately held my chest. I wasn’t shot.
Napaupo ako. May mga pulis. Ang daming tao. Narito ang pamilya ko, at ang mga pamilya ng mga kaibigan ko. Nagsisiiyakan sila.
Hindi ko sila maintindihan dahil ang dami nilang sinasabi sa akin. Pero naramdaman ko na lang ang yakap ng mga kaibigan ko.
“Thanks, God. You survived.”
“Jayvee killed you?”
Napatingin ako kay Hena at saka napatango.
And they cried more.
“He killed us, too.”
“To save us.”
“Seeing you looking at me that way seemed like you saw my dead body, Kate.”
“I saw you dead, Charles,” wala sa sarili kong usal.
"Charles was already dead before she double killed by that monster," Kian intruded.
Napabaling na lamang ang tingin sa lalaking nakandusay sa sahig kung saan nagsisiiyakan ang mga magulang ni Jayvee.
“How about h-him? Why he hasn’t woken up yet?”
“That monster was born to kill. And J-jayvee took her role to save us. That’s the only way out of that nightmare, for someone to sacrifice.”
Nakita ko sina Sheena and Janine. They survived, too. And I was glad.
Napa-iling ako. “Paanong…”
“His body’s dead the moment his soul had taken that monster’s role. The monster’s body vanished. Now, Jayvee’s locked inside that house forever.”
And I just found myself grieving.
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top