8: Break
"Show him less and he'll seek for more." -jazlykdat
***
Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.
***
Hindi alam ni Lianna kung anong oras na siya nakatulog. Basta ang alam lang niya, nakatulugan niyang hindi pa bumabalik si Vaughn sa kuwarto. At ngayong nagising siya ay wala na ito. Tirik na kasi ang araw. Kung bumalik man siguro ito ay maaga rin itong gumising.
She went down after taking a bath. Nasa living room ang kuya at hipag niya. Sinabi ng mga ito na namalengke ang ate at bayaw niya samantalang ang mga bata ay nasa damuhan sa likod ng bahay kasama ang asawa niya.
Nagtimpla siya ng kape at pasimpleng sumilip sa backdoor ng kusina. She saw Vaughn teaching the kids how to kick the soccer ball. Hindi niya inaasahang magaling din pala ito sa ganoong laro. He kicks the ball and rolls it to his thigh like a pro.
She sighed remembering their conversation last night. Maganda sanang tanawin ang nakikita niya kung hindi lang niya alam na pakitang-tao lang lahat ng ginagawa ni Vaughn.
Bumalik na lang ulit siya sa loob at nakipagkuwentuhan sa kuya at hipag niya. Makalipas ang halos dalawang oras saka naman dumating ang ate at kuya niya. The kids went inside to have snacks. May tatlong anak ang ate niya. Ang panganay na lalaki ay junior high school na, samantalang ang dalawa na parehong babae ay nasa elementary pa lamang. Dalawang lalaki naman ang anak ng kuya niya na parehong nasa elementary.
She sat few seats away from Vaughn on the dining area nang magmeryenda sila. Katabi nito ang dalawa nilang anak. Sinadya niyang lumayo para hindi siya nakikita nito.
She was taken aback when her sister suggested na mamasyal sila sa mga tourist spots sa probinsya nila kahit tatlong araw lang. Nakakuha raw kasi ng tatlong araw na bakasyon ang kuya niya sa hospital. Wala namang problema sa ate niya na principal dahil bakasyon naman sa eskuwelahan pati ang mga bata.
"That's a good idea," Vaughn answered. She didn't join in the conversation. Nagpatianod na lamang siya.
At night, she went at the kids' room at nakipagharutan sa mga ito. Sinadya niyang matulog doon. May foam kasi sa kuwarto na inilalatag nila para sa mga bata dahil ayaw maghiwa-hiwalay ng higaan. Ayaw niyang magkasama sila ni Vaughn sa iisang kuwarto dahil baka mauwi na naman sa samaan ng loob.
They headed north the following day, una nilang pinuntahan ang Bantay Bell Tower sa Ilocos Sur. It's a brick bell tower na na-preserve at puwedeng-puwede pang akyatin. There's a magnicent view as you go upstairs to the bell tower lalung-lalo na't asul na asul ang kalangitan at berdeng-berde naman ang paligid ng tower. The tower is overlooking it's nearby barangays.
They took a lot of pictures. Sa tuwing magpapapicture ang mga bata kasama ang ama nila ay umaalis siya kunwaring may tinitingnan. She doesn't want to join them. It would just give her another heartbreak knowing na mahirap na silang mabuo bilang pamilya.
Sunod nilang pinuntahan ang Heritage Village sa Calle Crisologo, Vigan kung saan makikita ang isang kalye na puro Spanish houses. Nakakamangha ang pagkaka-restore sa mga sinaunang bahay. They are all lined up in one street. Even the street floors are rock tiles that would take you back in Spanish times. Lalo na at may mga kalesang masasakyan doon. The tictac of the horse's shoes feels nostalgic. All the Spanish houses were turned into souvenir shops, restaurants and guestels.
"It looks like Madrid, Spain." She heard Vaughn stated. Bahagyang natawa ang ate niya.
"Malamang, Spanish houses eh." Natatawang banat ng ate niya. Vaughn also chuckled bago naglakad akay ang dalawang bata. Hindi siya sumama sa mga ito. Mag-isa siyang tumingin-tingin sa mga souvenir shops.
They also went to Hidden garden in Vigan, where they saw different kinds of plants. Then they went to a boodle fight restaurant in Caoayan, Ilocos Sur. They call it Kamayan sa Caoayan, where they serve a buffet meal in banana leaves and all must stand around the able and eat with bare hands.
Her children were so happy with the experience. Kita niya rin kay Vaughn na nag-enjoy ito. It was his treat by the way. He made sure the entire trip was his treat. Hindi nito pinayagang magbayad ang mga kapatid niya. May sariling sasakyan ang mga kapatid niya kaya nagconvoy na lang sila pero dahil malaki ang sasakyan na dala ni Vaughn, doon sumabay ang mga pamangkin niyang nasa elementarya. Vaughn stayed beside the driver's seat at yung mga bata naman ay sa likod. Na laking ipinagpasalamat niya para hindi siya mapilitang sumakay sa van ng asawa niya. She opted to hitch at her sister's car.
After lunch they headed to Saud Beach in Pagudpud, where the unadulterated white sand kisses the West Philippine Sea.
She doesn't know how Vaughn was able to reserve a beach house kung saan sila tumuloy hanggang sa kantiyawan siya ng ate niya.
"Pangmayaman talaga 'tong napangasawa mo, Lian. Akalain mo di-sensor lahat ng pintuan ng bahay niya," Saad ng ate niya habang naghahanda sila ng maluluto para sa hapunan. The others went right away to the seashore pagkababa ng gamit nila. Sila lang ng ate at hipag niya ang natira sa loob kasama ang matandang asawa ng caretaker.
"Beach house pa lang ang high-tech na, how much more sa bahay niyo?" dagdag biro nito.
Base sa sinabi ng ate niya, malamang ay sinabi ni Vaughn rito na pag-aari nito ang beach house.
*"Diay usto manang bagi talaga daytoy ni Vaughn? Baka met paspasawan na kami lang dadiay a pangas?" biro ni Lianna sa caretaker. She chuckled. She doesn't want to sound like she doesn't know anything at baka magduda pa ang ate niya sa kalagayan nilang mag-asawa.
[*Translation: Yung totoo ate? Kay Vaughn talaga 'to? Baka naman pinagyayabangan lang kami ng aroganteng 'yon?]
*"Ay, wen madam. Lima nga tawenen manipud di nagatang na daytoy ngem pakamindua na pay lang tatta nga immay," natatawa ring saad ng matanda.
[*Translation: Ay, oo ma'am. Limang taon na mula nang bilhin niya ito pero pangalawang beses pa lang niyang pumunta rito.]
Napailing na lang siya at itinuloy ang ginagawa. Mabuti pa ang kapatid niya alam na pag-aari ni Vaughn itong bahay.
After dinner, they had bonfire outside the beach house. Pami-pamilya ang magkakatabi. Vanna Lei sat on his father's lap while Liam sat between them and Vaughn.
Nagkuwentuhan lang sila at pinakuwento rin ang mga bata sa kung ano ang gusto ng mga ito pagdating ng araw. She was not surprised when Liam said he wants to become a pilot. Pansin niyang mahilig ito sa toy air planes at choppers.
"How about owning an airline company, son? We can afford that." Vaughn said seriously. Lahat sila ay natuon ang pansin rito. Kung hindi lang niya alam kung gaano ito kayaman iisipin niyang nagyayabang lang ito. But she knows Vaughn is capable of putting such company.
"How about letting me decide for myself, dad?" balik-tanong nito sa ama. Gusto niyang matawa sa sagot ng anak niya. Nakahanap na ito ng katapat.
"Good job," she whispered. Nakipag-fist bump naman ang bata sa kanya.
"I was only asking. Don't be a brat," kunot-noong saad ni Vaughn sa bata. Mukhang napikon ito.
"I was only asking too, dad" saad din ng bata. Natawa na talaga siya sa katalinuhan ng anak niya.
"Oops! Time's up! Si Vanna naman," hayag ng ate niya. Napansin yata nito ang pagkapikon ni Vaughn.
"How about you, Vanna? What do you want when you grow up?" pag-iiba ng ate niya sa usapan.
"Uhmm. I want to be a teacher like you, Tita." Masaya nitong hayag. She smiled at her daughter's simplicity of thinking. Saglit itong nag-isip bago ulit nagsalita. "And a spy." Dagdag nito.
"A spy?" Her sister asked out of curiosity. Lahat sila ay napatingin sa bata.
"Yes, tita. Secret agent!" she uttered happily. Hindi niya alam kung saan nakuha ng bata ang ideyang iyon.
"Okay, you have my blessings!" Vaughn answered quickly at ginulo ang buhok ng anak. They all laughed at the two except her.
Hindi siya sang-ayon na humawak ng baril ang anak. Pero bata pa naman ito baka magbago pa ang isip nito.
Alas diyes na ng magpasya silang pumasok na ng beach house. As usual nagkumpulan na naman ang mga bata sa iisang kuwarto matapos magbihis. May limang kuwarto ang beach house pero ang isa ay nasa baba at gamit ng mag-asawang caretakers. Wala siyang choice kundi matulog sa kuwartong okupado ni Vaughn. Balak niyang pumasok na lang ng kuwarto mamaya kapag siguradong tulog na si Vaughn kaya pagkabihis ay agad niyang tinungo ang pinto para magpahangin muna sa labas. Nakahiga na si Vaughn dahil nauna ito kaninang nagbihis ng pantulog.
"Where are you going? It's already late."
Natigilan siya nang magsalita si Vaughn. Lumingon siya rito. His eyes are covered with his arm. Nananaginip ba ito?
Tumalikod siya. She was about to open the door using her palm nang magsalita ulit ito.
"Huwag ka nang lumabas, Lianna. Marami pa tayong pupuntahan bukas."
She wasn't able to move. Ngayon lang siya ulit kinausap nito simula noong nag-usap sila noong isang gabi.
"The bed is waiting foryou." Saad ulit nito nang hindi siya gumalaw mula sakinatatayuan. His eyes are still covered with his arm. Ibig sabihin pinakikiramdaman siya nito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top