7: Confrontation
"The anwers will come out only when you start asking." –jazlykdat
***
Matapos ang mahabang kuwentuhan. They all call it a night. The twins opted to stay in one room with their cousins. Tig-isang kuwarto naman ang mga kapatid niya at mga asawa nila.
Lianna had no other option but to let Vaughn stay at her room. Or it's the other way around, Vaughn has no choice but to stay at her room.
She sighed when they entered the room. The last time they were inside the room, they made love. Pinamulahan pa siya sa naalala niya.
Matapos maligo ay umupo siya sa kama. Sumunod naman si Vaughn sa banyo pagkatapos niya. They didn't say any word to each other.
Paglabas nito sa banyo ay pinakiramdaman niya ito. Hinintay niyang sabihin nito na sa lapag na lang ito matutulog dahil hindi nito masikmura na katabi siya pero wala itong sinabi bagkus ay humiga ito sa isang parte ng kama.
Ginawa nitong unan ang isang braso at ang isa ay itinakip sa mga mata. Nanatitiling nakaupo si Lianna at tinitingnan ito. Naka-pajama ito at puting sando.
Hindi niya alam kung hihiga na rin ba siya sa tabi nito o hihintayin muna niya itong makatulog.
Kahit pagod ay alam niyang hindi rin siya makatutulog sa isiping katabi niya ito.
She let out a deep sigh before moving out of the room. Bumaba siya sa kusina at uminom ng tubig bago lumabas sa garden para magpahangin.
Nakita niyang nakaupo si Manong Rad sa nag-iisang bench ng hardin. Natatanglawan ito ng lamp post na nagmumula sa haligi ng garahe.
"Ma'am Lianna," agad nitong itinapon ang sigarilyong hawak.
"Gabi na ho. Bakit hindi pa kayo natutulog?" tanong niya rito. Sinabihan ito kanina ng ate niya na okupahin ang isang kuwarto na malapit sa sala ng bahay.
"Nagpapaantok lang Miss Lianna," tugon nito.
"Lianna na lang po, nakakaasiwa kasi ang Miss o Ma'am Lianna," saad niya rito. Napangiti naman ang matanda. Tumayo ito mula sa bench.
"Manong, nagpupunta po ba kayo ng Davao noon?" kalmado niyang tanong rito kahit ang kalooban niya hindi mawari kung anong emosyon ang lumulukob dito.
Excitement...eagerness...and at the same time she feels nervous that her suspicion may or may not be true.
"Kilalang-kilala po kayo ng mga bata, madalas po ba kayong magpunta doon ni Vaughn?"
Matagal na tumitig sa kanya ang matandang driver bago ito nagsalita.
"Ang totoo niyan, doon na ako naglagi ng halos apat na taon," umpisa nito. Lianna's forehead creased.
"Doon na rin kasi nakabase si Sir Vaughn, bumabalik lang kami ng Manila kapag may importante siyang meeting."
Her jaw dropped at his revelation. Bahagyang nanghina ang tuhod niya kaya napaupo siya sa bench. Nanatili namang nakatingin sa kanya ang matanda.
"Nakakasama niyo po ba ang dalawang bata?"
"Madalas ko silang sinusundo sa eskuwelahan. Minsan ipinapasyal sila ni Sir Vaughn ako lagi ang driver nila."
Tuluyan na siyang naguluhan sa sagot nito. Alam niyang hindi imposibleng masundan siya ni Vaughn pero bakit hindi ito nagpakita ni minsan?
"Kung ganun kilala kayo ni Nanay Sandra?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. Her heart is beating so fast.
"Oo. Pati si Ness."
"Si Vaughn kilala rin nila?"
Tango lamang ang isinagot ng matanda. So, all along nandoon lang si Vaughn at nakikipagkita sa mga anak niya? Kaya pala parang hindi nagtaka noon si Nanay Sandra nang magpaalam siya rito at parang close agad ito sa mga bata noong iniuwi niya ang mga ito.
"Nagbibigay rin po ba ng allowance si Vaughn kay Nanay Sandra?"
Napakunot ang matanda sa tanong niya.
"Hindi ko na alam ang bagay na iyan, Lianna," sagot nito.
She feels so lost. Wala nga talagang maibibigay na sagot sa kanya ang driver.
There's only one person who can answer all her questions, Vaughn.
"Vaughn," tawag niya rito paglapit niya sa kama. He didn't move. Kung ano ang posisyon nito kaninang iniwan niya ay ganoon din.
"I know you're awake." She told him. She inhaled deeply.
"So, you were in Davao all along?" tanong niya rito. Vaughn's arm moved. Ibinaba nito ang braso na nakatakip sa mga mata bago dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.
"Kanino mo nalaman?" balik-tanong nito sa kanya.
"It was obvious, the kids already know you before we even stepped inside your house." She doesn't understand why he needs to know kung kanino niya nalaman.
"Just tell me kung kanino mo nalaman. I know you, Lianna. Hindi ka magtatanong sa akin ng diretso." Inis nitong saad.
"You always ask information from other people before me!" dagdag nito.
She was taken aback. Tama naman kasi ang sinabi nito. Puwede naman niyang itanong kanina pa rito lahat ng gumugulo sa isip niya.
Bakit kasi sa ibang tao pa ulit siya nagtanong?
Hindi ba't ito ang ikinagalit niya noong nagkaliwanagan sila sa totoong nangyari noon?
"Kay Manong Rad," mahina niyang tugon. There is no point hiding it. Malalaman din nito kung kanino siya nagtanong. She just hopes that Vaughn won't fire the old man.
"I have one question and please be honest enough to answer," mahinahon nitong saad.
Napatango siya.
"Tell me exactly what you are thinking right now," he said seriously staring at her.
She bit her lower lip. "Please don't fire Manong Rad for telling me about it," she said pleading.
"See," Vaughn smiled bitterly. She knows that he is mad pero pinipigilan lang nito ang sarili.
"Laging masama ang iniisip mo patungkol sa akin."
She can sense resentment in his voice.
"Hindi naman sa ganun, ayoko lang na madamay ang matanda sa galit mo sa akin." Dahilan niya rito. Iyon naman talaga ang totoong rason. Kung ano man ang problema nila, gusto niya ay walang ibang taong madadamay.
"That's exactly the point, akala mo gagawa ako ng masama simply because I am mad. Ganyan ang tingin mo sa akin noon pa man."
Saglit siyang natigilan sa itinatakbo ng usapan nila. So, they are back to what happened five years ago?
"You can't blame me. I saw you point a gun to someone." She needs to defend herself. Alam niyang may pagkakamali siya noon. Malaki. Pero hindi naman lahat ng sisi ay mapupunta sa kanya.
"I did that to protect you!" madiin nitong saad.
"You pulled the trigger." Sinalubong niya ang mga titig nito.
"It did not hit anyone because I am not capable of hurting anyone!" galit nitong saad. She could see his jaw clenching.
"And you think I am not hurting now because of you?" She swallowed hard to stop herself from crying.
"You did that to yourself," he answered smirking.
Bumigat ang dibdib niya. Hindi pala nabawasan ng kahit na kaunti ang galit nito. Akala niya ay gumaganda na ang sitwasyon sa pagitan nila.
There was a deafening silence before she earned the courage to speak again.
"Hindi naman ako ang issue dito, Vaughn. You were just around for five years. You know where I was." her voice broke. She wiped her eyes bago pa man bumagsak ang mga luha niya.
"I already told you. Whatever happened after you left is none of your business." he said void of any emotion.
"It – is – my – business!" dahan-dahan ngunit madiin niyang saad. Pinigilan niya ang paglandas ng luha mula sa kanyang mga mata.
Napalunok siya bago itinuloy ang pagsasalita.
"Kinakausap mo ang mga anak ko behind my back. Bakit hindi ka man lang nagpakita sa akin?" puno ng hinanakit niyang saad.
"Can you hear youself?" He said smirking. "You ran away in fear of something that never existed." Dagdag nito.
She wasn't able to answer. Alam niya kasing totoo ang sinabi nito.
"I know what you'll exactly do if I appeared at your doorstep."
He smirked again. "You will run away again na para bang gagawan kita ng masama."
Mas lalo siyang hindi nakaimik sa sinabi nito. She was thinking deeply. Tama ito, kung sakaling nagpakita nga ito noon at nag-explain, malamang ay hindi niya ito paniniwalaan.
Now, he gets his point kung bakit hindi ito nagpakita noon.
She knew very well na kayang-kaya nitong ipasuyod ang buong Pilipinas para matagpuan siya. Alam na alam niyang matatagpuan siya nito eventually pero ni hindi man lang siya nagtaka noon kung bakit hindi siya nito nasundan.
Naiintindihan na niya ang galit nito. Binigyan siya nito ng kalayaang pag-isipan ang lahat. And yet, it never occurred to her na maaaring mali ang mga paratang ng ibang tao rito.
She screwed everything they had. Big time!
"I was the one who talked to the family to help you out. I gave allowance to Nanay Sandra. I watched over you for the last five years," saad nito matapos ang mahabang katahimikan. Napatitig siya rito. Does that mean he really cares all along?
"But don't ever think I did that for you," he said sarcastically.
"Ginawa ko 'yon para sa mga bata." Saad nito at naglakad na patungong pintuan ng silid.
"For the kids? How would you justify sending gifts to my family just to make sure na hindi sila mag-alala para sa akin?" saad niya rito. He was almost at the door. Tumigil ito at tumingin sa kanya.
"I was just humane enough to give them peace of mind."
"Hindi katulad mo na bigla na lang aalis na parang walang ibang taong mag-aalala para sa 'yo." Saad nito at tuluyan nang lumabas ng pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top