6: Journey

"It has to be broken so that it could be fixed." -jazlykdat

***

Hindi pa rin makapaniwala si Lianna na kilalang-kilala ng mga bata si Manong Rad. Humalik pa ang mga ito sa pisngi ng matanda nang makita nila ito. May hinala siya sa dahilan kung bakit kilala nila ito pero napakaimposible naman yata. Vaughn hates her para maging totoo ang iniisip niya.

She shrugged the thought off.

May mga bagay pa siyang dapat isipin.

Una, kung paano ipaliliwanag sa mga kapatid niya ang pagkawala niya ng limang taon. Siguradong magagalit ang mga ito sa ginawa niya.

Pangalawa, kung paano niya ipakikilala ang lalaking nakaupo sa gitnang bahagi ng coaster van na kaharutan ngayon ng mga anak niya.

Hindi naman kasi niya inasahang sasama pala si Vaughn sa kanila papuntang probinsiya. Hindi niya rin sigurado kung magpapakita ito sa mga kapatid niya o katulad lang noon na tumigil ito sa isang hotel malapit sa bayan nila.

Ipinilig na lamang niya ang ulo sa headrest.

Dahil traffic sa Edsa, alas onse na silang nakarating ng NLEX. They stopped at a restaurant in San Simon para kumain ng lunch.

She had been meaning to ask Vaughn kung sasama ito hanggang sa bahay nila at magpapakita sa mga kapatid niya pero nawalan siya ng pagkakataon. Puro kasi pakikipagharutan ang ginagawa nito sa mga bata.

He's acting like a child para lang mapantayan ang trip ng kambal. He'd joke at punching Liam kapag sumisimangot ito.

When they began to eat, he told them to smile the entire lunchtime, ang hindi ngumiti aagawan niya ng pagkain. True enough everytime Liam pouts. Inaagaw nito ang isusubong pagkain ng anak.

Hindi tuloy niya maiwasang hindi ngumiti. Lalo na kapag pinipilit ni Liam na ngumiti and Vanna would giggle at him.

"Si mommy, ayaw maagawan ng pagkain. She keeps smiling!" tudyo ni Vanna sa kanya. She blushed when they all looked at her. Napalis ang ngiti ni Vaughn nang tumingin sa kanya. It was then that Liam took his plate and eats his food fastly.

"Hey, madaya ka ah!" natatawang saad ni Vaughn sa bata. Liam just smiled and devoured his dad's food. Her heart beats so fast when Vaughn laughs at his son's action.

It took them two hours inside the restaurant. They had to attend to their personal needs kaya rin siguro tumagal sila doon ng halos dalawang oras.

When they continue heading to their province, nakatulog na rin siya sa biyahe. Vaughn and Vanna are at the middle part while Liam opted to sit beside her at the back.



Naalimpungatan siya nang may tumapik sa pisngi niya. Agad niyang namulatan ang mukha ni Vaughn.

"We're here," he whispered. Buhat-buhat nito ang natutulog na si Vanna. Liam is already going out of the van.

Biglang tumahip ng malakas ang dibdib niya lalo na nang makita ang bahay nila. It looks the same. Mukhang naalagaan ito ng mabuti. Takip-silim na pero kitang-kita niya pa rin ang garden na may mga tanim na orchids. Kahit ang garden ay wala ring ipinagbago.

Nagtaka siya kung bakit nasa loob na ng bakuran ang sasakyan nila at kung sino ang nagpapasok sa kanila but her eyes landed on their maindoor. Nandoon ang ate at kuya niya.

Bakit parang alam ng mga ito na darating sila? They seem to be waiting for them. Pati ang mga asawa ng mga ito at kanyang mga pamangkin ay bahagyang nakasilip mula sa loob ng bahay.

She saw Vanna stirred nang makalabas si Vaughn mula sa sasakyan. Humawak naman sa kamay nito si Liam. She inhaled deeply and slowly emerged from the van.

"Lian!" Ate niya ang unang sumalubong sa kanya. Yumakap ito ng mahigpit sa kanya.

"Ang daya mo ah. Akala mo ba sapat na yung mga mamahaling bag na ipinapadala mo para mawala ang tampo ko sayo?" she said chuckling while wiping her eyes. Naguguluhan siyang yumakap sa kapatid niya.

Mamahaling bag? Where did that came from?

Tampo? Hindi ba dapat galit sila dahil limang taon siyang nawala na parang bula? Ni hindi nga niya tinawagan ang mga ito.

"What did Ireland do to you? Pumayat ka yata," komento ng kuya niya. Naguguluhan siyang tumingin kay Vaughn pero bigo siyang makakuha ng kahit anong reaksyon mula rito.

"Ito na ba yung mga pamangkin ko? Ang ganda at ang guwapo!" Tuwang-tuwang pinaghahalikan ng ate niya ang dalawang bata. Magiliw naman ang dalawa na yumakap sa ate niya.

Ibinaba naman ni Vaughn si Vanna Lei na agad kumapit sa kamay ng ate niya..

"So, this must be your husband, Vaughn Filan." Saad ng kuya niya. Natutuliro na talaga siya sa nangyayari. How did they know na may asawa na siya?

"Yes, I am Vaughn Filan, Lianna's husband." Inilahad nito ang kamay sa kuya niya na tinanggap naman ng isa.

"Macky," her brother uttered. Nginitian naman ito ni Vaughn.

He also shook hands with her sister Ellen.

Everybody gave her a hug pagpasok sa bahay. She misses them a lot. Agad namang nakipag-usap ang kambal sa mga pinsan nila. Giliw na giliw ang lahat sa mga ito dahil bibong-bibo sumagot ang mga bata.

"Ikaw Lian, ha! Pinag-alala mo kami." May halong pagtatampo na sambit ng ate niya. Gusto niyang itanong kung paano nila nalaman ang tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa at ang mga bags na tinutukoy ng ate niya na galing sa kanya pero hindi niya alam kung paano simulan ang pagtatanong. Lalo na at nakasunod lang si Vaughn sa kanila.

"Sorry, ate." Mahinang tugon niya. Napailing naman ito at naglakad na papuntang komedor.

Silang matatanda ay sumunod sa ate niya. May mga nadagdag na upuan sa mahabang mesa para magkasya silang lahat mamaya kapag dumulog na ang mga bata.

"We got worried when you suddenly didn't contact us," saad ng kuya niya habang umuupo. They all sat down on the chairs. Vaughn sat beside her.

"Oo nga, muntik na naming ipanawagan sa TV ang pagkawala mo," natatawang dagdag ng hipag niya. She just smiled.

"Mabuti na lang naisipan naming mag-request ng *cenomar sa NSO dahil duda ni ate baka nag-asawa ka lang." saad ulit ng kuya Macky niya. She looked at Vaughn tahimik lang itong nakikinig.

"And I was right you really got married," nakataas-kilay na saad ng ate niya.

"I am sorry if we didn't let you know right away," Vaughn butted in. Napatingin silang lahat rito.

"I wanted to tell you but it was Lianna's decision to keep it secret. I had to respect my wife's decision," dagdag nito.

"Kasalanan mo naman pala," saad ng ate niya at iniumang ang kamay nito para kurutin siya. She was surprised when Vaughn suddenly raised his arm to protect her from her sister's hand.

Natatawa namang bumalik sa pagkakaupo ang ate niya at nanunudyong tumingin sa kanila.

"I was just kidding," saad ng ate niya kay Vaughn.

"Sorry, I thought you'll gonna hurt her," hinging paumanhin nito. Natawa lang ang ate niya. She almost wanted to laugh in glee at Vaughn's gesture pero sinupil na muna niya ang nararamdaman.

"Anong ginawa niyo nung nalaman niyong kasal na ako?" taong niya sa mga ito.

"Nakuha ko yung business address ng asawa mo, pinuntahan namin ni ate pero sabi ng sekretarya niya nasa Ireland daw kayo."

"Tapos saka ka lang nag-email sa amin." Irap ng ate niya.

Pinigilan niya ang sariling huwag mapanganga sa mga sinasabi ng mga kapatid niya.

Tiningnan niya si Vaughn at sa unang pagkakataon simula ng bumalik siya ay mayroon nang emosyon sa mga mata nito. He is as if telling her na sumakay na lang sa mga sinasabi nila. She just knew, na siya ang may pakana ng mga iyon.

"Nakakatampo pero ayos na rin. Ang mahal ng Louis Vuitton na binigay mo nung Christmas," natatawang dagdag ng ate niya.

"Salamat pala sa Rolex watch, ha?" natatawang dagdag ng bayaw niya.

"Mayaman talaga yang napangasawa mo, no? Guwapo pa?" kindat ng hipag niya. She wasn't able to suppress her smile.

"Nakakaintindi siya ng tagalog," nahihiya niyang saad sa hipag niya. Pinamulahan naman ito at humawak sa braso ng kuya niya.

She saw Vaughn smiling. "Ayos lang, totoo naman," nakangiti nitong saad.

Napanganga ang mga kaharap nila sa narinig mula sa asawa niya.







[*Cenomar means Certificate of No Marriage - a document obtained from the National Statistics Office as a proof that a person was never married under the civil law.] Ang footnote na ito ay para lang sa mga teenagers na kahit sabihing huwag basahin ito dahil SPG at para lang sa matatanda ay nagbabasa pa rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top