36: Love
"The universe has its way of healing itself." –jazlykdat
***
Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.
***
Lianna looked sideways pakiramdam niya kasi ay may nakatingin sa kanya. She's inside a boutique in a mall. Namili siya ng mga kulang na gamit ng triplets. Yung guestroom na katabi ng kuwarto ni Liam ang ipina-convert nilang room ng triplets. May ipinagawa pang tatlong kama ang asawa niya para sa mga bata with a detachable crib each. Yung isa ring guest room ay ipinagawa nitong playing area for toddlers na kumpleto sa gamit. It was all Vaughn's idea kaya naman masayang-masaya siya. He is very hands on when it comes to the kids.
She was waiting for her receipt nang lumapit ang body guard sa kanya.
"Ma'am, nakita po naming umaaligid si Ms. Janine." Bulong nito sa kanya.
Umakyat ang inis sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang kailangan ng babae. Nakita na nga nitong wala siyang pakialam sa mga sinabi nito.
"Just don't let her come near me." Utos niya rito. Tumango naman ito bago dumistansya sa kanya.
It's been three days since that conversation with Janine. Hindi naman ito nasundan. Ngayon lang ito nagparamdam ulit. She wanted to file charges against her para hindi na siya nito muling malapitan kaya lang wala naman siyang maisip na ikaso rito.
Basta huwag lang siyang lalapitan ulit ng babae. Hindi bale lagi naman siyang may body guards kapag lumalabas, pati rin ang mga bata. She even asked permission from the school director na papasukin din sa school premises ang body guards ng mga ito just to make sure. Pumayag naman ito.
---
Dumaan sila sa school ng mga bata para sunduin ang mga ito. Inireport din ng mga ito na umaaligid din daw ang Janine na iyon sa eskuwelahan.
She's a bit puzzled kung ano ba ang kaya nitong gawin kung sakali pero wala namang ibang makakasagot sa kanya kundi ang asawa niya. Siya naman ang nakasama nito. Is she a psychopath? Or does she have a tendency to be one?
---
Vaughn surprisingly comes home early for the past three days. Natamaan yata ito sa biro niya noong nakaraan na late ang normal na uwi nito. O baka rin dahil mahigit isang buwan na lang ay naka-schedule na ang panganganak niya kaya gusto nitong masiguro ang kalagayan niya. Sumama pa nga ito sa last na check up niya. Ito pa ang pumili ng date ng panganganak niya. Madalas din nitong tanungin kung okay lang siya at kung may dinaramdam ba siya. He always reminds her na kapag may naramdaman siyang kakaiba ay tawagan niya agad ito. She finds that sweet and caring. Kaya naman panatag siya na ang Janine na iyon ang nagsisinungaling at hindi ang asawa niya.
"Are you okay?" Vaughn asked her while they are having dinner. Bahagya yata siyang natulala. Iniisip niya kasing sabihin dito ang tungkol sa pag-aaligid ng Janine na iyon sa kanilang mag-iina.
"I'm good," she answered forcing a smile. Tumitig naman si Vaughn sa kanya na parang tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo.
"I'm okay," she said reassuring. Hinawakan niya ang kamay ng asawa na agad din naman nitong pinisil. He smiled and kissed it.
"Mom, why are you blushing?" Liam scoffed. Pinamulahan ba talaga siya?
"She feels giddy." Natatawa namang sabad ni Vanna. Nagkatinginan silang mag-asawa.
"I really don't understand girls. Isn't that grossed?" Liam answered with a boring face. Natawa silang pareho sa sinabi nito.
"Isn't that sweet?" napapangiti niyang tanong sa anak. Natatawa namang pinisil ni Vaughn ang kamay niya.
"Whatever, mom!" tugon nito at itinuloy na ang pagkain.
Napatawa na lang siya at binawi ang kamay mula sa asawa.
"Vanna, why do you know that giddy thing? Are you having crushes already?" seryosong baling ng asawa niya sa bata. Nagulat pa siya sa tanong nito.
"Why dad? Am I allowed already?" excited namang tanong ng bata. Vaughn almost choked at Vanna's question.
"You're only five!" / "Hell, no!" Halos magkasabay na sagot nina Vaughn at Liam. Muntik pa siyang mapatawa sa reaksiyon ng mga ito.
"Hey chill! That's normal." Saad niya sa mga ito. Agad namang tumingin ng masama ang dalawa sa kanya.
"Anong normal?" 'Di makapaniwalang tanong ni Vaughn sa kanya.
"Yeah, I was six when I had my first crush. Mauuna lang naman si Vanna sa akin ng isang taon kung sakali." She answered laughing.
"Ah talaga? Sino naman yung crush mo? Buhay pa ba?" sarkastikong tanong nito. Napatawa siya.
"Are you jealous dad?" natatawang tanong ni Vanna. Vaughn's face turned sour.
"Hindi bale kahit naman hindi ikaw ang first crush ko, ikaw naman ang first you know--" she said leaving her statement blank to appease him.
"What's that you know, mom? First boyfriend?" Liam butted in.
"Nope," natatawa niyang sagot sa bata.
"Right I'm not her first crush. I'm not her first boyfriend." Madiing saad ni Vaughn. Lahat sila ay napatanga sa inakto nito.
"Hell, I'm not her first kiss." He stressed. "Buhay pa ba yung first boyfriend mo? Pati yung first kiss mo? Sabihin mo bumili na sila ng kabaong nila."
"Dad?" Gulat na bulalas ni Vanna habang si Liamay nakatitig lang sa ama.
"Dad's just kidding." Natatawa niyang saad sa anak.
"I'm not kidding!" inis na saad ng asawa niya. Hindi na lang niya ito pinansin at natatawang itinuloy ang pagkain.
---
Akala niya ay tapos na ang usapan sa hapag kaya lang pag-akyat nila ay bumulong ulit ito.
"Hindi nga, yung first boyfriend mo buhay pa ba?" seryoso nitong tanong. She laughed at his query.
"Puro ka biro!" saad niya. Vaughn stopped at the middle of the hallway.
"Seryoso ako," sagot nito na nakapagpatawa lalo sa kanya.
She tiptoed and gave him a quick kiss on the lips pero yumuko ito at hinuli ang labi niya at hinalikan ng mariin. She almost lost her balance kung hindi lang siya nito niyakap. Her belly is causing a little distance between their heads.
"Mom, Dad! We are here!" Liam uttered that made Lianna blushed.
"It was just a kiss. She's my wife." Pinandilatan nito ang anak. Pinalo niya ang braso ng asawa. Patulan ba naman ang anak?
"I know right. That's just gross." Agad na sagot ni Liam.
"That's sweet." Vanna butted in.
"They can kiss inside the room. Not in front of me," Liam answered. Agad itong tumalikod at tinungo amg kuwarto nito. Nagkatinginan silang mag-asawa.
"Bitter! Binasted kasi!" Vanna shouted at him before he closed the door.
"Vanna what did you say?" gulat na tanong niya sa anak.
"Nothing mom. I was just teasing him." Natatawa naman nitong sagot at nagmadali nang pumasok sa kuwarto.
Naiwan silang mag-asawa sa hallway. Nagkatinginan pa sila at natawa na lang.
"Tara na sa kuwarto," Vaughn smiled naughtily.
"Loko hindi puwede ang laki na ng tiyan ko." Natatawa niyang sagot.
"Why? Did I say anything? Ikaw ha! Gusto mo ba?" nanunudyo nitong tanong.
"Hindi noh! Maniac!" saad niya rito at tinalikuran na.
Natatawa naman itong humabol at umakbay sa kanya.
"Si Mrs. Filan, namimiss ang action," he teased and nibbled her ear.
"Shut up!" Natatawa niyang saad rito at inunahan na ang asawa. She's so happy with their situation niya. Hindi niya inakalang magiging ganito ang relasyon nila. Everything simply fell into place nang hindi niya namamalayan. Now, she believes that the universe has its way of fixing itself.
----
She sat on the bed and patiently waited for her husband. Nag-shower ito pagkatapos niya. Gusto niyang sabihin ang tungkol kay Janine. Now that everything seems to be okay between them, ayaw niyang may mamagitan pa sa kanila. She realized that the only person who could help her get rid of the girl is her husband. Ito lang naman kasi ang dahilan kaya ayaw siyang tigilan ng babaeng 'yon.
"Misis, gusto mo talaga?" natatawang biro nito nang makita siya paglabas ng bathroom. He is drying his hair using a towel. Naka-boxers lang ito. Ang guwapo at macho naman kasi kaya hindi na siya magtataka kung maraming gustong umagaw rito.
"Puro ka biro!" Natatawa niyang sagot. Vaughn picks up the white sando shirt beside her. Inihanda niya kasi ito kanina para maisuot ng asawa.
"Manganganak ka na ba?" nag-aalala nitong tanong. He kneeled infront of her and caressed her tummy. Napatawa sila pareho nang maramdaman nilang sumipa ang mga bata sa sinapupunan niya. Nagsabay-sabay pa yata. There's a twinge of pain pero nangibabaw ang sayang nararamdaman niya.
Vaughn sat beside her. Inakbayan siya nito at kinabig palapit.
"What is it?" bulong nito habang hinahalikan siya sa tuktok.
She held a deep breath.
"Janine's bothering me," saad niya rito.
She felt him stiffened. Lumayo ito ng konti sa kanya. Kinabahan siya bigla sa reaksyon ng asawa. Nang tingnana niya ito ay nakatitig ito sa kanya. Then he smiled and kissed her deeply on the lips. She was taken aback. Naguluhan siya sa reaksyon nito pero dahil sa tamis ng halik nito ay nawala ang kalituhan niya.
She kissed him back gently. It was the slowest kiss they shared together and perhaps the sweetest. For the first time, she didn't feel him rushing the moment. When they were out of breath, bumitaw ito sa halik at pinagdikit ang noo nila. The kiss just gave her reassurance.
Nagtaka lang siya nang bigla itong napatawa.
Bumitaw ito sa kanya, huminga ng malalim bago tumitig ulit sa kanya.
"I knew it!" He whispered saka ulit ito tumawa. She doesn't understand what's happening.
Alam nito ang tungkol doon? Why is he happy about it? Parang nagpunas pa ito luha.
"Hala! Nabaliw ka na ba?"
Vaughn stopped laughing and smiled. He gave her another quick kiss.
"No, I'm just happy!" He mumbled in her ear.
"Why are you happy about her reappearance?" nagtatakang tanong niya sa asawa.
"Wala lang," he answered smiling.
"But she's been bothering me."
"Uuwi pala ng bansa sina Mom at Dad. Mom wants to throw a baby shower for the kids." Sagot nito. Nagtaka siya sa paglilihis nito ng usapan.
"It will be three days from now. I've already called your siblings pupunta daw sila." Dagdag nito.
What about Janine? Gano'n lang iyon sa kanya?
"Don't mind her, ito munang party ang pagtuunan mo ng pansin." Natatawa nitong sagot.
"Pero umaaligid siya. Natawa ka pa?"
"She's not a threat and will never be, Lianna, baby." He said cupping her face.
Lianna, baby. That sounded like music.
She closed her eyes when his lips met hers.
---
"Pero sino talaga ang first kiss mo?" tanong nito nang maghinang ang mga labi nila.
Napakunot-noo siya. Hindi pa rin nito nakalimutan ang usapang iyon?
"Bakit gusto mong malaman?" Nangingiti niyang tanong.
"Ililibing ko lang siya ng buhay." Seryoso nitong saad.
"Patay na sila eh." She answered laughing.
"Sila? Ano nagsabay silang humalik sa'yo?" inis nitong tanong.
"Oo, sina nanay at tatay."
Vaughn's forehead creased. "Hindi naman kasi ako nakikipagbiruan sa'yo."
"Hindi rin naman ako nakikipag-biruan sa'yo." Natatawa niyang tugon.
"Lianna!"
"Unless gusto mong ilibing ang sarili mo? Huwag naman. Ayokong mawalan ng asawa." Nangingiti niyang hayag.
Vaughn looked at her for a moment bago napangiti ng tuluyan.
"You mean?" hindi makapaniwala nitong tanong.
"Yes, Mr. Filan! You are my first romance." Charot! Natatawa niyang saad rito.
He cupped her face. "But you had boyfriends?"
"Yes but I never let them kiss me." Natatawa niyang tugon.
"Ang tanga naman nila." Natatawa naman nitong saad.
"Nirerespeto lang nila ako."
"So you think I don't respect you?"
"I didn't say that. Ang sabi ko hindi ko sila hinayaang halikan ako at nirespeto nila iyon." Paliwanag niya rito. Iba na naman kasi ang timpla ng mukha nito.
"Yours was different. I let you kissed me." She added smiling. "I even let you do me," Natatawa niyang dugtong.
"Bakit nga ba?" tudyo naman nito. He's smiling ear to ear. Gusto niyang matawa sa reaksyion nito. Parang batang napagbigyan sa kapritso.
"Well you are hot and handsome."
"Really?" Ang lapad lang ng ngiti nito.
"De joke lang."
"Ano??" tanong nito. She laughed when he felt his fingers tickling her waist.
"Vaughn stop!" Natatawa niyang sigaw rito. Tumawa lang ito at inilipat ang mga daliri sa batok niya.
"Tama na kasi. Mapapaanak ako sa ginagawa mo." Natatawa niyang saad. Saka lang ito, tumigil.
Kinabig siya nito at hinalikan sa noo. Pinagdikit nito ang mga noo nila.
"I love you very much, Lianna." He whispered looking straight at her eyes. Her eyes shut when he gently kissed her lips.
"I love you too, very much!" she responded after the kiss. Yumakap siya sa leeg ng asawa. She could feel his heart beating fast.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top