35.2 : Lianna
"There would always be that someone who'd drive hell just to protect you from any harm." –jazlykdat
***
Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.
***
__________
The timeline of this starts a day earlier than the previous part.
__________
Lianna wants to tell Vaughn about what Janine said pero mukha itong pagod. He's even home early. Dahil siguro hindi ito nakauwi kagabi.
He spent time with the kids until dinner time. Pagkatapos ng dinner ay agad siya nitong niyayang matulog na.
Gusto sana niyang sabihin pero naisip niyang palampasin na lang. Makakadagdag lang ito sa iniisip ng asawa niya.
Her husband is a good man. Napatunayan naman nito na hindi nito kayang gumawa ng masama. He's been a good father to their children. Maybe there are just people who doesn't realize how good he is at pilit na sinisiraan ito. If there is one person na dapat magtanggol sa asawa niya, it would be her. And she's not going to let a slut go between them.
Imposible ang sinasabi ng Janine na iyon. That's what she realized on her way home from the café.
Napatunayan naman ng asawa niya kung gaano ito kabait at kabuting tao. Kaya nga nito binitawan ang firearms business dahil ayaw niya ng complications. He also told her that he doesn't want her to be scared again.
If Janine's obsessed with her husband o kung may nag-utos na naman ritong sirain ang buhay nila, she would never let them.
At kung maaari ayaw niyang makadagdag ito sa pasanin ng asawa niya.
The following morning she asked Chad to assign body guards for her children. Lalo na kapag nasa school ang mga ito.
"Ms. Lianna, may naka-assign na pong mga body guards sa kanila dati pa." Tugon naman ito. She nodded.
"Then, can I meet them?" she asked. Tumango naman ito at tinawag ang mga ito.
She gave them a downloaded picture of Janine.
"Huwag niyong hayaang makalapit itong babaeng ito sa mga anak ko," utos niya sa mga ito.
"Si Ma'am Janine po ba yan?" nangingiting tanong ni Chad.
"Oo, huwag mo na lang sabihin kay Vaughn baka mag-alala pa 'yon." Tugon naman niya rito.
"Okay po," Chad politely answered with a smile. Maybe Chad thinks she's jealous with the girl kaya ito nakangiti, hindi na lamang niya pinansin ang reaksiyon nito. All she wants is the safety of her family.
She also asked Chad na pasamahan siya sa mga body guards papuntang hospital.
After going to the hospital for her regular check up. Napagpasyahan niyang kumain na lang sa restaurant nila. She just asked her body guards to stay around at tingnang mabuti kung nasa paligid lang ang babaeng 'yon.
She's about to finish her meal when a man approached her. Kinabahan pa siya kaya sinenyasan niya ang mga body guards niya. Umupo naman ang mga ito sa kalapit niyang mesa.
"You look sad," nakangiting saad ng lalaki. Tiningnan niya lang ito.
"You know a beautiful woman like you shouldn't frown. Sigurado naman na kung sino man ang asawa mo, alagang-alaga ka at mahal na mahal ka no'n," he added as he sat infront of her.
"Kilala mo ang asawa ko?" nakakunot-noo niyang tanong.
"Nope but I'm sure he really loves you," nakangiti nitong saad. Mukha namang harmless ang lalaki.
"Paano mo nalaman?" tanong niya rito.
"Magic!" Natatawa namang tugon ng lalaki. Napailing na lang siya.
"Speaking of magic, marunong pala akong mag-magic," nakangiti nitong hayag at naglabas ng pulang panyo.
Ikinulong nito ang panyo sa loob ng palad at inilapit sa mukha niya.
"Hihipan mo," request nito. Naguguluhan man ay hinihipan naman niya ito. Hindi pa kasi siya nakakakita ng taong nagma-magic sa harap niya mismo. Besides, if this man would do something bad, nandiyan lang ang mga body guards niya.
Napangiti siya nang bumukas ang palad nito at yung panyo ay nagkorte nang bulaklak.
"Ayan, ngumiti ka na! Take it!" the man smiled again at iniabot sa kanya ang bulaklak. Natutuwa naman niya itong tinanggap.
Nagpaalam din ang lalaki pagkatapos siyang sabihan ng 'smile more often'. Weird. Pero hinayaan na lamang niya at umuwi na lang din ng bahay.
Nagkukuwento ang mga bata tungkol sa araw nila nang dumating ang asawa niya. Ang aga pa pero mukha na naman itong haggard. Naawa tuloy siya. Ang dami-dami kasi nitong inaasikaso.
She kissed him on the cheek. Natutuwa siya na maaga itong umuwi.
"Dumaan ka raw sa restaurant kanina?" Vaugn asked. Gusto niyang mangiti, inireport agad ng mga tauhan nito na nagpunta siya doon.
"I had my check up. Dumaan lang ako para kumain ng lunch. Wala din naman akong kasama dito sa bahay." Paliwanag niya rito.
"Okay." He said nodding.
He faced the children at natutuwang tiningnan ang mga drawings ng mga ito.
"So, you still have eyes around me, huh?" she asked. Despite his busy schedule, nagagawa pa nitong ibilin sa lahat na magreport tungkol sa kanya. It only means that she is still more important than his businesses.
"What do you mean?" balik-tanong nito.
"Nothing." Tugon na lamang niya. Her husband is very caring. Naiinis siya na may mga taong gustong sumira rito. But she would never let that happen.
Lagi na lang ito ang nagpo-protekta sa kanila. It is just about time na siya naman ang mag-protekta rito.
Lumabas lang ng matiwasay ang mga anak niya. She'll make sure that she will always be behind her husband para may makasama ito against all odds.
"Bakit ang aga mo yatang umuwi, may problema ba?" tanong niya sa asawa nang paakyat na sila sa kuwarto.
Vaughn looked at her with a creased forehead. Nang makabawi ay ngumiti ito.
"Baliktad na yata, Mrs. Filan?" he smiled.
"Hindi ba dapat may problema kapag late umuwi?" dagdag nito.
She chuckled at his answer.
"Oo nga, noh?" Natatawa niyang tugon.
Vaughn hugged and kissed her on the temple.
"Late naman kasi ang normal na uwi mo," natatawa niyang biro sa asawa.
"Normal na 'yon sa 'yo? Hindi ba dati natatakot ka kasi late akong umuuwi?" tanong nito. They stopped at the middle of the hallway.
"Ayan ka na naman sa "dati" na yan eh. Past is past, okay?" She said reassuring him. She even cupped his face.
"Iba na ngayon. Saka matatakot pa ba ako? Lima na ang magiging anak natin?" Nakangiti niyang saad rito. She tiptoed and give him a quick kiss. Mabilis lang dahil sobrang laki na ng tiyan niya at baka mangalay siya.
Nakita niya ang pamumula ng tainga nito.
"I see," he answered smiling at hindi makatingin sa kanya ng diretso. Kinilig yata? Napangiti na lang siya at naglakad na papuntang kuwarto.
Their dinner was a happy one. It seems like they all missed each other. Panay ang kuwento ng mga bata sa ama nila. Sometimes Vaughn jokes with them. Pansin niya ang mga panakaw na tingin ng asawa niya. What makes her heart keeps beating fast is that Vaughn's smile never leaves his lips the entire time.
"Stealing is a crime," biro niya rito nang mahuli na naman niya itong nakatingin sa kanya.
His forehead creased.
"Kanina ka pa nagnanakaw ng tingin," she added laughing. Natawa naman ito sa sinabi niya.
"Who says that's stealing?" tanong nito.
"Dear wife, it's called admiration. You always look lovely by the way," dagdag nito at kumindat pa. Pinamulahan pa yata siya ng mukha. Hindi agad siya nakasagot.
"Dad, that's so corny! I suggest you stop it!" Liam butted in. Napatawa pa silang dalawa.
"Brat! That's sweet!" Vanna interjected. Pareho silang natawa sa dalawang bata.
"I don't have to steal glances. You are mine!" Vaughn uttered as he held her hand na nakapatong sa mesa at ngumiti sa kanya. Napatigil siya sa pagtawa. She averted her gaze.
Bakit ba kasi bigla na lang siyang kinilig?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top