33: Late
"Things will unfold naturally and so sometimes you'll just have to WAIT." -jazlykdat
***
Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.
***
On her fifth month of pregnancy, Lianna was advised by her doctor to stop working. Magiging risky na kasi kapag na-stress siya.
She wants to work from home pero hindi siya pinayagan ni Vaughn kaya wala siyang ginagawa buong maghapon kundi hintayin ang mag-aama.
The kids goes home at 2PM kaya doon lamang siya nalilibang. She'd help them with their assignments. Madalas nagkukuwento lang ang mga ito ng tungkol sa araw nila. Well, it was only Vanna Lei who talks a lot. Von Liam is as reserved as his dad. Magsasalita lang ito kung importante. Magkukuwento lang kapag binigyan ng rason para magkuwento.
Vaughn is always home by 6P.M. Pagdating nito ay agad na sumasali sa kuwentuhan nila hanggang sa dinner. After dinner, he's adamant that they had to go to bed para daw hindi siya mapuyat.
There are times when she can't sleep lalo na kung may kailangan itong gawin at nagtatagal sa study room o sa space nito sa third floor. Madalas nitong ikinagagalit kapag naaabutan siya nitong gising pa.
Kagaya na lang ngayon, nagagalit naman ito dahil alas onse naabutan pa siyang gising.
"The doctor asked you stop working because you need to rest. Is that hard to understand Lianna?" inis nitong tanong sa kanya. She wants to smile at his concern pero baka mas lalo itong magalit.
"Matulog ka kasi ng maaga para may kasama ako." Depensa niya. She knows it's lame. Pero hindi kasi siya talaga inaantok kapag wala pa ito sa tabi niya.
"You know that I have work to do," saad nito.
"Nandito ka na kasi nagta-trabaho ka pa. This is a house, not an office."
"Are you saying na hayaan ko na lang ang mga businesses natin?" Salubong ang kilay nitong humarap sa kanya. Tuluyan na yata itong nainis sa kanya.
"That's not what I mean."
"I've been having a hard time budgeting my time for you and our businesses." Iritado nitong saad.
"Are you saying that we are a burden to you?"
"What?!" His forehead creased as he glanced at her.
"Wala. Huwag mo na lang akong pansinin, tinotopak lang ako kapag mag-isa ako dito sa bahay."
Vaughn stared at her but didn't say any word.
"Puwede bang pumunta ng opisina mo para malibang ako? Doon na lang ako tatambay maghapon?"
"You know that would be stressful." He said with a bored look. Hindi na lang siya sumagot.
"And what's with the words tinotopak and tatambay? You sound like a street person. Can't you think of a little more refined words?" he said in a reprimanding voice.
"Sorry! Sosyal ba dapat?" sarkastiko niyang sagot. "I tend to be balmy when I'm alone. Can I just dawdle in your office?" she added raising her eyebrow. Vaughn stared at her for a moment bago umangat ang sulok ng labi nito.
"Nope, you stay at home." He smirked.
"Okay," she said at tumalikod na lang ng higa.
Hindi naman kasi dahil nabo-bored siya kaya gusto niyang pumunta ng opisina. Lately kasi base sa scheduled meetings ni Vaughn ay puro mga babae ang ka-meeting nito. She wants to see how they look like at kung may dapat ba siyang ikaduda. Huwag lang sana itong male-late ng uwi dahil talagang magdududa na siya lalo na ngayong malaki na ang tiyan. Hindi na talaga puwede ang katwiran nito na may pangangailangan siya kung sakali.
***
Alas nueve na ng gabi ay hindi pa rin umuuwi si Vaughn. Pinakain na rin niya ang mga bata kanina. They keep asking why their father isn't around pero wala naman siyang maisagot bukod sa busy ito. Dinna told her na umalis na ito ng opisina ng alas singko pero hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin.
She's been calling his phone pero nakapatay ito.
She inhaled deeply. Huwag sanang mangyari ulit ang nangyari noon na basta na lang itong hindi umuuwi at hindi nagsasabi kung ano ang pinagkakaabalahan nito.
She keeps convincing herself that this is just an isolated case. Isa pa, noong mga panahong iyon ay hindi pa niya ito masyadong kilala. Wala pa siyang idea sa mga businesses nito. Now is different. She already know all his businesses.
Pero hindi ba mas nakakatakot ngayong alam na niya lahat ng pinagkakaabalahan nito? Kasi alam na niya na sa oras na ito ay dapat nasa bahay na ito.
She drew a deep breath and examined herself. Nag-o-overthink na naman yata siya.
All she needs to to do is ask when he arrives home.
She was awakened by the ringing of her phone na tumigil din nang abutin niya ito sa center table. Nakatulog na pala siya sa living room kakahintay sa asawa.
It was Vaughn calling. May walong missed calls na ito. It's already one in the morning.
Tatawagan niya sana ito nang biglang bumukas ang pinto.
"You're still awake." Vaughn said at agad na lumapit sa kanya. Humalik ito sa pisngi niya. Yumakap siya sa asawa para amuyin kung amoy-babae ito. But his scent is just the same nahaluan lang ito ng amoy ng alak pero hindi naman ito mukhang lasing.
"Sorry I was late. Nag-text ako. Didn't you receive? Hindi mo na lang sana ako hinintay." Hayag agad nito.
"Anong oras ka ba nag-text?" tanong niya habang papunta na sila ng hagdan. Vaughn is holding her waist.
"Around ten PM."
Nakatulog na siguro siya nang oras na iyon kakahintay.
"I'm sorry. I wasn't able to inform you right away. Three of my old friends in Cambridge visited. Nasalubong ko sila sa lobby ng building. Pauwi na dapat ako." Umpisang paliwanag nito. Nakinig na lamang siya at pinakiramdaman kung nag-iimbento lang ba ito.
"Makulit kasi ang mga iyon. I even invited them to come over for dinner pero ayaw baka daw ayoko nang sumamang lumabas kapag nakauwi na ako." He added chuckling.
"Are they all men?" mahina niyang tanong.
"Yes," tugon naman nito.
"Baka naman nambabae lang kayo?" tanong niya sa asawa. She stopped at the middle of the stairs. Natatawa naman itong kinabig siya at hinalikan sa noo.
"Nope, baka bugbugin ako ng mga 'to kapag ginawa ko 'yon," natatawa nitong biro habang hinahaplos ang tiyan niya. Napangiti na lamang siya sa biro nito.
***
Lianna didn't question Vaughn kaya lang nang sumunod na mga araw ay late na naman itong umuuwi. She knows that the second and third time he was late, bumisita ito sa prospective sites ng private airport na gusto nitong ipatayo. She accepted that. Pero lately ay parang lagi na itong may dinner meeting.
"Dinner meeting?" she asked pagpasok nito sa kuwarto. Alas diyes na ng gabi. Nakahiga na rin siya sa kama.
"I asked permission, right?" balik-tanong nito. Napatango naman siya.
"I'll just take a quick shower," saad nito bago tuluyang pumasok sa banyo. Napasimangot siya. Ni hindi man lang ito humalik sa kanya gaya ng nakagawian nito pag-uwi ng bahay.
"What happened to sleeping early, Mrs. Filan?" tanong nito nang tumabi at yumakap sa kanya.
"It's only ten PM." Tugon naman niya. Vaughn caressed her tummy and didn't say anything.
"Kailangan ba talagang itinataon ng dinner yung mga meetings mo?" She asked making sure her tone doesn't seem like nagging.
"I can't squeeze it at daytime. Ang dami kasing dapat gawin. Through video call ko na nga lang nache-check yung mga cruiseships." Paliwanag nito. Sabagay, tama naman ito. He has a lot of things to attend to..
"Nami-miss ka na kasi ng mga bata," tugon na lamang niya rito.
"Let them understand that I am doing it for them, please wife?" he whispered in her ear.
"Iyon naman lagi ang sinasabi ko."
Napangiti siya. Kahit sobrang yamot siya minsan, lagi niyang sinasabi sa mga bata na ginagawa ng ama nila ang lahat para ma-secure ang future nila na naiintindihan naman yata nila dahil hindi na sila nagtatanong kung wala ang ama nila.
"Thanks," he whispered. "Tulog na tayo," saad nito at yumakap na sa kanya ng mas mahigpit. She just closed her eyes at natulog na.
***
She's really bothered everytime Dinna would report na may mga babae itong ka-meeting o nagrereport sa office nito kaya minabuti niyang bisitahin ito.
"Why are you here? You are supposed to stay at home." Kunot-noo nitong tanong pagpasok niya sa opisina nito.
Galit ba ito?
"Galing ako sa check-up ko. Dumaan lang ako saglit."
Nawala ang kunot-noo nito nang marinig ang sinabi niya. Nakahinga naman siya ng maluwag.
"So, how was it?" tanong nito habang lumalapit. He guided her to sit on the chair infront of his table.
"Ayos naman. Maglakad-lakad daw ako paminsan-minsan." Tugon niya. Bumalik naman si Vaughn sa table nito at hinarap ang dokumentong binabasa nito kanina.
"Okay," tugon nito nang hindi tumitingin.
"Can I join your lunch meeting later?" Nag-aalangan niyang tanong rito. Nakita niya kasi sa schedule nito na lagi na lang itong may lunch meeting sa representative ng PAL.
"Hindi puwede," tugon nito nang hindi tumitingin sa kanya.
"Bakit hindi?" Bahagya siyang nainis sa kawalang interes nito sa pagsagot.
Vaughn inhaled deeply and looked at her.
"The doctor said you have to stay at home, remember?" Alam niyang may langkap ng iritasyon ang boses nito.
"Uupo lang naman ako doon at makikinig. It's the same when I am at home."
"Bakit ba ang kulit mo, Lianna? Please, I have so many things to do. Don't be stubborn." Inis itong tumayo at tumalikod sa kanya. Namaywang pa ito. Nakita niya ang bahagyang pagtaas-baba ng balikat nito.
Bakit ba ito nagagalit?
She just wants to be on the meeting.
Nakalimutan na ba nito ang sinabi nitong parte siya ng lahat ng businesses nito?
"I just want to listen to your meeting. Bakit ka ba nagagalit? Is there anything that I am not supposed to hear?"
Vaughn looked at her intently bago ito umiling.
"No! You go home and take a rest." Pinal nitong saad. Lianna felt a twinge of pain sa pagtanggi nito.
Ikakapagod ba niya ang simpleng pakikinig sa mga ito? O talagang ayaw siya nitong makiharap sa babaeng ka-meeting nito?
"I'll ask the driver to fetch you, now." Saad nito at dinampot na ang telepono sa table nito pero bago pa man ito makapag-dial ay pinigilan ito ni Lianna.
"You are not going to send me home!" madiin niyang saad rito. She is angry and hurt. Galit siya sa klase ng pagtrato nito sa kanya na parang robot.
Lahat na lang ba ito ang masusunod?
Nawala na talaga ang pagtitimpi niya.
"What did you just say?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
"Stop dictating what I have to do. I am your wife not one of your robot employees." Inis niyang saad rito.
"That's ridiculous!" bulalas nito.
"It's not. Lagi mo na lang idinidikta kung ano ang dapat kong gawin. It's not fair!" She said making sure he gets her point.
"Is being concerned and dictating what to do synonymous now?" tanong nito.
"Basta sasama ako sa lunch meeting mo." Saad niya rito. Inis namang tumitig si Vaughn sa kanya.
"Hindi ka sasama." He said with conviction. Lianna was hurt at his callousness.
Ano bang meron at ayaw talaga nitong sumama siya? Is he having an affair with the woman?
Her eyes watered at her own thoughts. Hindi niya alam kung bakit hindi niya napigilan ang sariling mapaiyak.
"Bakit ba pakiramdam ko hindi pa rin ako tuluyang nakakapasok diyan sa buhay mo?" She asked sobbing.
"What?" Vaughn looked at her with creased forehead.
"Totoo naman eh. Lagi ka na lang late umuwi. You are not even thinking about how I would feel. Pakiramdam ko wala ka naman talagang pakialam sa akin." She tried to suppress her tears pero nagsilaglagan pa rin ang mga ito.
"Of course I care about you." Saad nito sa kanya niya. Napatingin siya sa asawa na nakatitig rin sa kanya. He took out his handkerchief and handed it to her.
"Care? Of course!" she laughed ironically. "Siguro nga, pero hindi mo naman talaga ako mahal," dagdag niya. Mas lalong sumakit ng dibdib niya sa mga binitawan niyang salita. Vaughn doesn't love her. Kailangan na siguro niya iyong tanggapin.
"Who told you?" Vaughn asked with a creased forehead. She stared at his green eyes. She doesn't understand what he actually means.
"Hindi ka mabubuntis ng dalawang beses kung hindi kita mahal." Diretso nitong hayag. She felt like her heart wants to move out from her ribcage with his remark. Sandali siyang natuliro.
Is he confessing his love?
Really?
Her knees are shaking. Mabuti na lang at nakaupo siya kung hindi ay baka natumba na siya.
"No scratch it! I wouldn't have married you if I don't love you very much, Lianna." Dagdag nito.
Her jaw literally dropped.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top