32: Affected
_________
Nag-number one po siya kagabi. Maraming-maraming salamat! I understand may mga loopholes pa sa kuwento at hindi pa natin sila maintindihan pareho pero tiwala lang. On-going pa lang kasi.
_________
"When everything falls apart, there is still one thing that you could hold on to – FAITH." -jazlykdat
***
Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.
***
Alam ni Lianna na sa sitwasyon niya wala siyang magagawa kundi pagkatiwalaan ang binitawang salita ni Vaughn na pro-protektahan siya nito.
Parang ayaw niyang maniwala na may mga babae ito noong umalis siya pero ito na mismo ang umamin.
Wala naman siyang magagawa sa nangyari noong umalis siya. What happened during that time will remain as it is kahit maglupasay pa siya.
May mga anak siyang dinadala na kailangan niyang pagtuunan ng pansin kaysa mag-alaga ng sakit at sama ng loob sa mga nangyari ng nakaraan.
Nakita naman niya ang sinseridad nito nang sabihin nitong simula nang magbalik siya ay wala na itong ibang babae.
Maybe all she needs to do now is trust Vaughn. Have faith in him. Isang bagay na ipinagkait niya noon sa asawa kaya nagkandaloko-loko ang buhay nila. If he says that there is no other woman, then there really is none.
___
There is an awful silence while they are heading home. Hindi na siya hinayaang umalis ni Vaughn pagkatapos nilang mag-usap kanina. He signed few documents bago siya nito inayang umuwi na lang.
"Please stop thinking about it," Vaughn said. He glanced at her for a second bago ibinalik ang tingin sa daan.
She crossed her fingers on her lap and didn't answer. Hindi naman basta-basta maaalis sa isip niya ang lahat.
Napatingin siya rito nang ihinto nito ang sasakyan sa gilid ng daan. She saw him rest his head on the steering wheel. Yumuko ito at humigit ng malalim na paghinga. Pinagmasdan na lamang niya ito. She could feel that he is affected with the situation. Sino ba ang hindi?
Kanina nga sa opisina nito ay para itong may gustong sabihin pero hindi nito masabi-sabi. He'd look at her for a moment, think deeply and ends up shaking his head without saying anything.
Ilang minuto silang nasa gano'ng posisyon hanggang sa mag-angat ng tingin si Vaughn. He stared at her.
His green eyes met hers and she waited for him to speak. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.
"Let's have a date?" He said with a half-smile. Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya rito.
If she is not going to trust him this time, what will happen to them?
Sayang lang lahat nang sakit na naranasan niya dati kung hindi magwo-work ang relasyon nila.
Inabot ni Vaughn ang kamay niya at marahang hinagkan. That gesture made her teary-eyed.
She has to trust him and have faith na magiging okay rin sila eventually.
"Okay." Her answer came out as a whisper. She even closed her eyes for a fraction of second.
"Thanks," Ngumiti si Vaughn sa kanya bago binitawan ang kamay niya at itinuloy ang pagmamaneho.
Vaughn took her to Roxas Blvd. Akala niya ay sa baywalk sila magde-date, the common people way of dating, but he guided her to a yacht.
Tahimik lamang siyang sumunod rito.
The yacht floats at Manila Bay area while they are having dinner. Although the meal was okay, hindi siya masyadong nakakain. They never spoke about anything. Para ngang hindi date ang ginagawa nila.
After eating, Vaughn guided her on a couch at the view deck. They both lied there staring at the stars. She could feel the cold breeze kissing her cheek. Vaughn wrapped her around his arms.
"I am excited about the gender of the kids," Vaughn whispered in her ear and kissed her temple.
Kids? Right! She needs to focus on her kids.
"Samahan kitang magpa-check up bukas." Saad nito. Tumango na lang siya. She also wants to know the kids' gender.
There was few moment of silence before Vaughn spoke again.
"Are you still thinking about the phone call?" He asked. Bahagya itong lumayo sa kanya at tumitig sa mga mata niya.
"I can't help it," Lianna answered honestly. He let out an exasperated sigh.
"I already told you. There are no other women." He said inhaling deeply. Naniniwala naman siya doon kaya lang hindi pa rin naman maiaalis sa kanya ang maapektuhan sa sitwasyon.
"That girl is just making up stories. Kung gusto mo ihaharap ko siya sa 'yo kapag nalaman ko kung sino siya." He said with conviction.
"Vaughn, huwag na." kontra niya sa sinabi nito. Ayaw niyang isipin ni nito na wala siyang tiwala. Sapat na ang sinabi nitong wala talagang ibang babae. Isa pa, gusto niya ring patunayan rito na kaya niya itong pagkatiwalaan ng buong-buo hindi katulad noon.
***
It's been days since that phone call. Wala na ulit siyang natanggap na tawag mula sa babae. Gustong-gusto niyang ipa-check kung kanino nakapangalan yung number na ginamit nitong pantawag pero hinayaan na lamang niya. If that girl is really determined to break them apart, lalabas ito at haharap sa kanya.
Pero hangga't hindi ito lumalabas, ayaw niyang i-stress ang sarili niya lalo pa't buntis siya.
Vaughn had been asking her when does she plan to take a leave from work. Nag-aalala ito para sa mga bata pero ramdam naman niyang kaya niya pang magtrabaho kaya hangga't maaari ay papasok pa rin siya ng opisina.
Pansin niya na parang naging mas masayahin si Vaughn sa mga nakaraang araw. There are times when he'd appear at the office at yayayain siya ng lunchdate. Pakiramdam niya ay gusto nitong patunayan na wala siyang dapat ipag-alala. She even receives flowers everyday.
He always goes home before dinner and during weekends, he'd take them out with the kids for a date. Madalas ito pa ang tumutulong sa mga assignments ng mga bata.
He would often ask her about her opinion on the aviation business that he's working on. Minsan nga sa bahay na ito nagta-trabaho at pipilitin pa siyang huwag na ring pumasok.
Paano niya iisiping nambabae ito kung ganoon ito ka-focus sa kanila?
Pero siyempre sa kabila ng tiwala niya rito, naiisip pa rin niya ang posibilidad na maraming babaeng nakapaligid rito at hindi rin siya puwedeng makampante. Kaya ginawa niya ang isang bagay kahit alam niyang maaaring ikagalit ni Vaughn.
She asked Dinna to spy on him at sabihin kung may ka-meeting itong babae. She also asked a full report of his schedule in the office.
"Basta Ms. Lianna ikaw ang bahala sa akin ah?" nag-aalalang saad ni Dinna sa kanya.
"Oo. Kapag tinanggal ka niya sa trabaho ako ang mag-eemploy sa 'yo," she assured her.
"Sige," tugon naman nito.
Tatlong araw na simula nang usapan nilang iyon ni Dinna. There was no suspicious activity in his schedule. Sa opisina lang naman kasi ito. But earlier today, Dinna informed her na may lunch meeting si Vaughn sa isang restaurant at hindi naka-declare kung sino iyon. It was Vaughn who told Dinna to squeeze it in his schedule.
She trust him, alright. But she wants to know kung may babae ba itong kinakatagpo. Hindi naman siguro maling malaman niya kasi kahit bali-baliktarin ang mundo asawa niya pa rin si Vaughn at may karapatan siyang alamin kung may ibang babae ito kahit sinabi nitong wala talaga. Magalit na ito kung magalit. It's her right. Saka iba naman yung sitwasyon noon, iba naman ang ngayon.
She held her breath nang makita si Vaughn mula sa glasswall ng restaurant. May kaharap itong babaeng chinita. Nakaramdam siya ng kaunting insecurity. Maganda kasi ang babae, sexy at maputi, naka-red fitted dress pa ito na nag-eexpose sa kurba ng katawan nito.
She dialed his number and watched how he would react. Sumenyas ito sa babae na kasalukuyang nagsasalita bago inangat ang tawag niya.
"Lianna, is there any problem?" nag-aalala nitong tanong. She could his facial expression. Tikom lang din naman ang bibig ng kaharap nitong babae.
"Nothing, I was just thinking if we could have a lunch together," she said casually.
"I have a lunch meeting now but I can cancel," he answered immediately. Napangiti siya sa sagot nito. He's willing to cancel kung ano man ang meeting nito para sa kanya.
"Sino bang ka-meeting mo?"
Nakita niyang sumulyap ito sa kaharap bago sumagot sa kanya.
"A representative from PAL, Ms. Lindsey Tan."
"Para sa airline business?" tanong niya rito.
"Yes,"
She inhaled deeply. From his answer, she just knew that he is telling the truth. Nakusensiya tuloy siya sa pang-eespiya niya.
"Sige next time na lang tayo mag-lunch out," saad na lamang niya.
"You can join us if you want. Ipapasundo kita sa driver," agad naman nitong anyaya.
"Huwag na."
"No. It's okay. Besides you are a part of all our business." She saw him smiled. Titig na titig naman ang babaeng kaharap nito sa asawa niya.
Ayaw sana niyang pumayag pero para lang mapanatag siya na wala talagang kahit na anong bahid ng kalandian ang babaeng ka-meeting nito ay umoo na lang siya.
"Ako na lang ang pupunta diyan. Huwag mo na akong ipasundo." Tugon niya rito.
"Okay, I'll order food for you. We are at People's Palace."
"Okay," she said and put the phone down.
Kailangan niya pang magpalipas ng ilang minuto bago pumasok sa restaurant.
Lianna felt relieved after the lunch meeting. Nakita na niya kung paano ito humarap sa isang business meeting. It is purely business. Ni minsan ay hindi dumapo ang mga mata nito sa seksing katawan ng kaharap. Hindi katulad noong una silang nagkita sa restaurant na pinagmamasdan ang kabuuan niya. The way he talked to the woman was purely business and civil kahit kita na ang cleavage ng kaharap.
Kaya ngayon nadagdagan ang pagtataka niya kung paano nangyaring may pinatulan itong ibang babae nang mawala siya. Pero umamin naman ito sa kanya, so maybe those are the times when he desperately needs it. Dahil siguro sa lungkot o sama ng loob nito. Yung pakiramdam ng iniwan na binanggit nito noon, that desperate need for affection and intimacy when the world turned their backs on you.
But whatever it is, gumaan ang pakiramdam niya na ngayon ay pinapatunayan nito na siya lang. Wala nang iba. He might not say it more often but he lets her feel it.
She gave Dinna a knowing smile pagpunta nila sa opisina ni Vaughn.
"Ano namang naisip mo at gusto mo akong makasama kaninang lunch?" tudyo nito nang makapasok sila ng opisina. Nakaakbay ito sa kanya at iginiya siya paupo sa mahabang couch.
"Na-miss mo 'ko 'no?" he asked smiling. Ngumiti na lamang siya. She won't dare say the reason why.
Vaughn held her closer at hinalikan sa leeg. He gently nibbled her neck that gave her goosebumps.
"Vaughn stop!" she protested. Natatawa naman itong umayos ng upo at umakbay sa kanya.
"Nakaisip ka na ba ng pangalan para sa triplets?" tanong nito sa kanya. Oo nga pala. She's been thinking names for the kids since they found out about their genders.
Tatlong lalaki ang magiging anak nila. She feels excited at the same time nervous. Para kasing ang hirap disiplinahin kapag puro mga lalaki.
"Isa pa lang naisip ko, Vance Luanne." She answered.
Vaughn smiled. "That's great! May dalawa na akong naisip eh," he answered excitedly.
"What are they?"
"Vander Lewis and Von Leandrei."
Tiningnan niya ang asawa. Nakangiti naman ito at hinihintay ang reaksyon niya.
"Ano? Okay 'di ba?" paniniguro pa nito.
"Pag-iisipan ko," natatawa niyang sagot.
"Anong pag-iisipan? Ikaw na nga ang nagpangalan sa kambal. Ikaw pa ang masusunod sa triplets?" parang bata nitong reklamo.
"At least pinangalan ko sa 'yo."
"Yeah, I know!" he said smiling. "It's a combination of our names," he added. Kitang-kita niya ang kislap sa mga berde nitong mga mata.
"It shows how much you love me," he added cupping her face. She slightly blushed. Natatawa naman itong humalik sa labi niya. It was a quick kiss but it made her heart beats faster.
"Of course, I love you. Kahit naman umalis ako dati hindi nawala ang pagmamahal ko," nahihiya niyang pag-amin rito.
Vaughn smiled at what she said. Niyakap siya nito at hinalikan sa tuktok. She waited for him to say "I love you, too." But he didn't.
Bahagya siyang kumawala sa yakap nito at tumitig sa mga mata nito. His eyes look overjoyed. Siguro nga hindi nito ugaling sabihin ang mga salitang iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top