30: Babae

"Never assume anything. Learn how to ask." –jazlykdat



***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

Lianna feels at peace because everything's going well with him and Vaughn. Sa unang linggo niya sa office ay hinahatid at sinusundo pa siya ni Vaughn araw-araw pero nang sumunod na linggo ay binigyan na siya nito ng sasakyang gagamitin pagpasok dahil magiging abala na raw ito.

He bought a female version of his Porsche. Tinuruan pa siya nito sa pagda-drive. He volunteered and she didn't disagree.

"You're a fast learner." Komento pa nito nang tinuturuan siya. She suppressed her smile at that moment. Ang totoo marunong naman talaga siyang magmaneho. Lagi niya kasing sinasamahan noon ang ate niya sa driving school bago bumili ng sasakyan para sa sarili nitong pamilya kaya natuto din siya. Vaughn didn't know that. Hindi pa rin pala kumpleto ang pag-background check nito sa kanya noon. Hehe!

Well, she likes the idea of him teaching her kaya noong nagboluntaryo ito na turuan siya ay hindi na talaga siya tumanggi.

With the blessings of her OB-Gyne, hinayaan siya nitong magmaneho pero sa oras na lumaki na ang tiyan niya ay si Manong Rad na daw ulit ang magda-drive para sa kanya. She was okay with it. At least, Vaughn is already giving her freedom to move around and do things on her own. Ibig sabihin ay nagtitiwala na ulit ito sa kanya.

Minsan nakakapunta na siya ng mall nang wala siyang kasamang driver o body guards.

Yun nga lamang parang malapit na siya nitong pagbawalang mag-drive dahil tatlong buwan pa lang ang tiyan niya ay lumalaki na ito. Hindi basta umbok na lang pero normal lang naman dahil triplets ang dinadala niya. nawala na rin ang cravings niya sa mga pagkain.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong niya sa asawa. Late na kasi kaya pinuntahan na niya ito sa personal space nito sa third floor ng bahay.

"Sunod na ako," nakangiti namang tugon ni Vaughn. Saglit itong sumulyap sa kanya bago ibinalik ang tingin sa pader kung saan naka-flash ang binabasa nitong dokumento. Nakaupo ito sa may couch.

Umupo siya sa tabi nito at nakibasa sa dokumento pero hindi naman niya maintindihan. Ang naiintindihan lang niya ay tungkol ito sa aviation industry.

"Been working on this for the last six years," saad nito bago yumakap sa baywang niya at kinabig palapit. Ipinatong nito ang ulo sa balikat niya.

"Aviation? Magtatayo ka ng airline company?" Naguguluhan niyang tanong dito.

"Still thinking about it. What do you think? Airline alone o pati airport din?" tanong nito sa kanya. Umalis siya sa pagkakayap nito at tiningnan ang mukha nito. He smiled at her.

"Airline? Hindi ba masyadong mahal 'yang business na iniisip mo?" tanong niya rito. He knows that he is rich but she is an accountant. Alam niya rin kung gaano kalaking pera ang kailangan para magtayo ng ganoong negosyo. It's either he'd use all his savings or lose one of its businesses like the cruise ship business.

"It is expensive." He smiled. He cupped her face and gave her a quick kiss on the lips.

"It is very expensive but we can afford it. I am gradually releasing the firearms business. I've started it six years ago."

Napatitig siya sa mukha nito. Ngumiti naman ito at inakbayan siya.

"Since the day you left. Inayos ko na ang papers para maibenta 'yon. Kaya lang hindi gano'n kadaling ibenta. Dahil may mga contracts pa na kailangang tapusin." Kuwento nito.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga sinasabi ng asawa.

"You were so scared with guns. Pinag-isipan mo pa ako ng masama dahil doon kaya naisip kong bitawan na 'yon." He said chuckling.

Napangiti siya.

Kung dati kapag pinapaalala nito ang tungkol sa nakaraan ay may hinanakit ito ngayon tinatawanan na lang nito. This only proves one thing. He is now getting over it.

"But I totally understand now. Kahit hindi mo na bitawan 'yan, okay lang sa akin." Saad niya rito. She's happy with his decision but she knows that of all his businesses, the firearms is the biggest and most profitable.

"Nah," Vaughn said shaking his head. "Now that we have kids I don't want them to be an object of assassinations."

Napakunot-noo siya sa sinabi nito.

Gano'n talaga kadelikado ang business niya?

Kaya siguro hindi declared ang exact locations ng mga factories nito at shipments sa mga business transactions nito.

"Hindi lang naman kasi mga militaries ang nagpapadala ng business deals at proposals even terrorists and big syndicates." He said inhaling deeply.

She just listened as he spoke.

"I was just careful in screening business deals pero paano kung may makaligtaan ako? All of us will be at risk." Dagdag nito.

Napatango na lang siya. He knows better than her.

"But anyway naibenta ko na halos lahat. Mga 20% na lang ang akin. Next year wala na talaga kasi may naka-schedule nang signing ng sale of stocks."

Yumakap siya sa asawa. She is happy to know that he is doing everything to make their lives at peace.

"That's why I am starting an aviation business. So, ano magpapatayo din tayo ng sarili nating airport? A private airport perhaps for the airline."

"Is that feasible?" she asked looking up at his face.

"I think so. It would be a private airport and airline. It would only cater the elites and VIP's na ayaw sa media coverage."

She was left thinking. Ibang klase naman itong mag-isip ng business. That would be so expensive. Ibig sabihin mga maliliit lang na planes ang kailangan. Private planes para sa mga willing na magbayad ng mahal.

"I was thinking if the airport will be in Batangas or Bulacan. What can you say?" tanong ulit nito sa kanya.

"What can I say? What do I know about aviation industry?" biro niya rito.

"Sabagay," natatawa naman nitong sagot at kinabig siya ulit payakap.

"Ikaw, what do you know about aviation?" balik-tanong niya rito.

"Well, I am actually a pilot by profession," natatawa nitong saad.

"Really?" Kumalas siya sa pagkakayakap rito. Kaya naman pala nakakapagpalipad ito ng chopper.

"I graduated Aeronautical Engineering at Univeristy of Cambridge in England."

Napanganga siya sa sinabi nito. She wasn't able to utter any word.

"Ano? Hindi mo alam 'no?" natatawa nitong tanong. Napailing siya.

Really?

"Hindi ka kasi interesadong malaman. Ni hindi ka nagtatanong," natatawa ulit nitong dagdag.

"I thought you graduated business admin or management." Sambit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito.

"I did study at Harvard School of Business after Cambridge but I didn't finish." Vaughn answered smiling. That's another trivia about him.

"I assumed you graduated with a business course," nahihiya niyang saad rito.

"That's what I was telling you. Never assume anything. Learn how to ask." Natatawa nitong saad.

"Gano'n? Sorry naman," biro niya rito. Though she actually mean it. Guilty naman kasi siya sa pagiging assuming.

"You're forgiven," he said laughing before kissing her on the lips. The kiss lingered for a moment.

"Ibig sabihin namana sa'yo lahat ni Liam?" nakasimangot niyang saad nang nakabawi mula sa halik nito.

"Well yeah, napansin ko nga. He's also over protective of you. Mana sa akin." Natatawa nitong saad. Napangiti na lamang siya at yumakap ulit sa asawa. Ang sarap lang isipin na nagiging okay na yata sila sa lahat ng bagay.

Vaughn is very patient with her. Lalong-lalo na noong kataasan ng paglilihi niya. She'd wake him up at the middle of the night para lang kumain ng kung anu-ano. He was all prepared dahil lahat ng gusto niyang kainin ay may stock ito sa ref na ipinalagay nito sa loob ng kuwarto. Yun nga lamang ay pareho silang napupuyat dahil ito ang taga-kuha ng pagkain.

Napangiti siya nang maalala ang ginawa nito pagkatapos ng tatlong gabing pagpupuyat nila. Pagkauwi niya galing office ay naipaayos na nito ang kuwarto. Ang lampshade ay naka-built-in na sa taas ng headboard at yung taas ng side table sa puwesto niya ay may naka-mount nang refrigerator para daw kapag kailangan niya ng pagkain hindi na niya kailangang manggising dahil aabutin na lamang niya.

That was so smart of him. Kaya lang ay nagigising pa rin naman ito kapag nararamdaman nitong kumakain siya. He'd wait 'til she's finished bago ulit ito matutulog. Parang tanga lang. Pinaayos pa yung kuwarto.Willing naman palang magpuyat para sa kanya.

"Bakit ka nakangiti? May gusto kang mangyari ano?" natatawang biro ni Vaughn sa kanya. She slightly blushed. Matagal yata siyang nakatunganga dahil naka-close na pala ang binabasa nito kanina at patay na rin ang computer screen.

"Ahm, sort of." She said smiling para hindi na ito magtanong. Napangiti naman ito at hinila na siya patayo mula sa couch.

"We need to do it more often bago pa lumaki ng tuluyan ang tiyan mo," natatawang bulong ni Vaughn. He even bit her earlobe na sanhi para mapapiksi siya sa kiliti.

"Bakit anong iniisip mo?" natatawa niyang tanong rito.

"Siyempre," he uttered winking at her.

"Anong siyempre? Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas." Natatawa niyang tugon at nauna nang naglakad palabas ng kuwarto. Vaughn chuckled. Hinabol siya nito at inakbayan.

"Pagbigyan mo na ako. Sige ka?" natatawa nitong biro sa kanya.

Lianna faced him with a serious aura.

"Anong sige ka?" hamon niya rito. She felt a little nervous though. Vaughn's way too hot baka kapag tumanggi siya women would line up to have sex with him.

"Wala. Huwag ka ngang masyadong seryoso. Papangit ang triplets." He said laughing at inalalayan na siya papunta sa hagdan.

She shrugged the thought off. Vaughn has been doing a lot of effort to make their relationship work. He wouldn't do such a thing. Would he?

______

Lianna wasn't able to sleep last night kaya imbes na magtrabaho ay nakadukdok siya sa table. Napaupo lamang siya ng tuwid nang mag-ring ang intercom.

"Yes, Joy?" she answered right away. Joy is her secretary.

"Ms. Lianna, may babae pong tawag ng tawag. Gusto daw po kayong makausap."

"Sino daw?" Her forehead creased. Imposible namang yung ate niya dahil nakabukas naman ang cell phone niya. Kakatawag lang nito noong isang araw para kumustahin siya at ang mga dinadala niya.

"Hindi naman po sinasabi kung sino kaya hindi ko kino-connect. Ang kulit po." Joy said feeling annoyed. Napangiti na lang siya. She's really an efficient and effective secretary. Alam nito kung ano ang dapat gawin kaya hindi siya nahihirapan masyado.

"Okay, paki-connect na lang," tugon niya rito. The secretary politely said yes before she heard a dial tone and a silent environment from the other line.

"Hello?" she whispered.

"Is this Lianna Henson?"

Napakunot noo siya sa galit na tono ng babae sa kabilang linya. Bigla pa siyang kinabahan dahil baka unsatisfied client ito ng hotel o restaurant.

"Yes. Is there anything I can do for you?" She politely answered. She heard the girl's breathing before she spoke.

"I don't understand why you need to come back in Vaughn's life!" madiin nitong saad. Her heartbeats started racing.

Ano ang ibig sabihin nito? Is this a prank?

"We were okay when you were away. All his time was devoted to me! Ngayon kailangan ko pang makihati sa oras mo. Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos mo siyang iwan! Babalik ka na parang sa 'yo pa rin siya!"

Hindi siya nakasagot agad. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat dugo sa ulo niya.

Sino ang babaeng ito?

"Please lang 'no? Umalis ka na lang ulit. Nakakagulo ka lang sa buhay namin!" The girl shouted before slamming the phone down.

Matagal bago niya naibaba ang telepono.

What was that?

She thought everything between them and Vaughn are slowly being fixed.

Bakit may biglang tatawag at magsasabi ng gano'n? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top