28: Paglilihi

"A husband could never win over a pregnant wife." –jazlykdat



***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

Lianna woke up feeling Vaughn's caress on her face.

"Good morning!" bati agad nito ng nakangiti. Nakatagilid ito ng higa at nakatunghay sa mukha niya. Awtomatikong hinawakan niya ang gilid ng mga mata baka may muta pa. Nakakahiya.

"Malinis na yan,tinanggal ko na kanina pa," Vaughn said chuckling. Pinamulahan pa siya sa sinabi nito. She doesn't know why the simple act made her heart skip a beat.

She reach for the alarm clock on the bedside table para tingnan ang oras at para na rin maitago ang pamumula ng mukha niya. It is already past 10 in the morning.

"Asan yung kambal?" baling niya rito.

"They're done with their breakfast. Pinagbihis ko. We're going out for shopping today." Nakangiti nitong hayag.

She inhaled deeply.

"As in now?" she asked with a frown. Medyo late na sila nakatulog kagabi. Wala sana siyang balak lumabas ngayon. Isa pa tinatamad siyang lumabas.

"Yeah. So, you better get ready, Mrs. Filan." He answered smiling kissing the tip of her nose.

"Kagigising ko lang. Ayokong lumabas."

"Pero magsa-shopping sana tayo ng maternity dresses."

"Vaughn seryoso ka? 4 weeks pa lang akong buntis, hindi pa nga ako naglilihi. Ni wala pa nga akong morning sickness, maternity dress agad?" sunod-sunod niyang tanong rito. Her forehead creased when Vaughn laughed boisterously.

"Hoy, tumigil ka nga! Para kang baliw!" inis niyang hinampas ito. Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi niya. Kahapon pa 'to parang baliw eh.

"Yan ba ang hindi naglilihi?" natatawa nitong tanong. Hinampas naman niya ulit ito sa braso.

"See? Umagang-umaga nakasimangot ka na. Mamaya niyan papangit yung mga anak natin. Nakasimangot lahat paglabas." Biro nito na mas lalo namang ikinainis niya. Sinusumpa yata nito ang mga anak niya.

"Diyan ka na nga!" inis niyang saad at tumayo na. Natawa lang ito sa ginawa niya. Bago pa siya tuluyang mabuwisit ay pumunta na lamang siya sa bathroom.

Paglabas niya ng bathroom ay nakita niya ulit itong prenteng nakahiga sa kama. Nakaunan pa sa dalawang braso. Inirapan niya lang ito bago tinungo ang walk-in closet.

"Hindi daw naglilihi, oh! Sigurado magiging kamukha ko naman ang mga yan!" Vaugh said chuckling. Hindi na lang niya ito pinansin baka madagdagan lang ang inis siya.

Her stomach churned the moment she went out of the closet. May naamoy kasi siyang hindi niya nagustuhan.

"Ilabas mo nga yan!" inis niyang bulyaw nang makitang may hawak na tray ng pagkain si Vaughn. She went straight to the bathroom at doon nagsuka. Kanina naman wala siyang ganitong feeling. Nanadya talaga ang lalaking 'yon. Maybe he wants to upset her kaya kung anu-ano ang dinadala sa kuwarto para masuka siya.

"Hey, I'm sorry," rinig niyang sambit nito mula sa likuran. Mas lalo tuloy siyang nainis.

"Get lost!" she yelled bago ulit nagsuka.

"Hindi ko naman alam na masusuka ka sa amoy ng pagkain," he explained. Tiningnan niya ito ng matalim. He looked sympathetic. Hindi niya maintindihan kung bakit nainis na naman siya.

"Mahirap bang intindihin yung sinabi ko?" inis niyang saad rito. Napamaang naman ito.

"Sabi ko umalis ka, 'di ba? Get out!" inis niyang itinulak ito palabas ng banyo. Hindi naman ito nakakibo sa ginawa niya. She pushed him out before banging the door closed. Bahagya pa yatang tumama ang noo nito sa pinto. Bakit kasi yumuko? Nakita naman nitong isasarado niya ang pinto, kung hindi ba naman tanga.

Wala na si Vaughn sa kuwarto paglabas niya ng banyo. Dapat nagpapasalamat siya pero parang nainis ulit siya na hindi niya ito nakita doon. What is happening to her? Hindi naman siya ganito dati nang ipinagbubuntis niya ang kambal.

Nasa living room ang mag-aama pagbaba niya. Nakabihis na ang mga ito. Are they really going out without her? Sinabi naman niyang tinatamad siyang lumabas. Hindi talaga makaintindi si Vaughn minsan.

"Mom, what happened to dad's forehead?" Liam asked nang makalapit siya. She looked at Vaughn's forehead. Namumula nga ito at may konting bukol. Umiwas ng tingin si Vaughn sa kanya.

"He won't die of a little bruise," she said brushing off the topic. She feels a little guilty.

"Mom, I thought we're going out? Why aren't you dressed yet?" tanong naman ni Vanna sa kanya. She looked at Vaughn na sa ibang direksyon pa rin nakatingin.

"I already told your dad. Ayokong lumabas ngayon. But if he really wants to go out. Kayo na lang," saad niya bago tinalikuran ang mga ito at nagpuntang kusina. Nagugutom na kasi siya.

"What was that all about?" nagulat siya nang magsalita si Vaughn mula sa likuran niya. Nakadukwang siya sa loob ng refrigerator. She's looking for something to eat.

She inhaled deeply and didn't speak. Kinuha niya ang isang can ng pineapple slices at fresh milk. Agad namang kinuha ni Vaughn ang mga iyon mula sa kamay niya.

He poured the freshmilk on a glass at binuksan din ang pineapple slices at inilagay sa saucer.

Isa-isang nag-alisan ang mga maids sa kusina.

"I know that you are pregnant and you have hormonal imbalance pero may isip ka pa rin and you're rationale is still in tact." Saad nito at inilapag sa kitchen counter ang baso at saucer. Is he preaching her?

"He won't die of a little bruise? What's that? You are not supposed to talk to your kids like that." He added.

Inis siyang umalis sa harap ni Vaughn. Nawalan na siya ng ganang kainin yung pineapple. She went back to the refrigerator.

May nakita siyang fresh orange juice kaya iyon na lang ang isinalin niya sa baso at ininom.

"Hindi mo ba ito kakainin?" inis na tanong ni Vaughn sa kanya. Halatang nagtitimpi ito ng galit.

"Akala ko ikaw ang kakain niyan. Ikaw ang naglagay eh." Kalmado niyang saad rito.

"Are you kidding me? Kinuha mo 'to. I thought gusto mong kainin." His forehead creased. Now, she realizes na mas gusto niya ang Vaughn na hindi masyadong nagsasalita. He sounds like nagging.

"You thought wrong. Kainin mo yan. Sayang." Saad niya rito at tumalikod na. She went to the dining area at kumuha ng sandwich na nasa lamesa.

Ewan ba niya kung bakit hindi niya feel sumagot sa mga sinasabi nito. Tinatamad siyang magsalita. Isa pa, tama naman kasi ang sinabi nito na hindi dapat iyon ang isinagot niya sa anak. She could've answered, "It was an accident." "Tumama sa pinto." or "May pagkatanga rin kasi minsan 'yang ama niyo."

The latter made her smile. Dapat pala iyon ang isinagot niya.

Napalis ang ngiti niya nang umupo sa harap niya si Vaughn at nakangiting kinain ang pineapple sa saucer. Parang kanina lang nagtitimpi ito ng galit.

"Diyan ba ang upuan mo?" Her eyebrows furrowed. Sa kabisera naman kasi ang talagang puwesto nito.

"Gusto ko lang namang ipakita sa 'yo na kinakain ko 'to para hindi masayang." Nakangiti nitong saad.

"Dito ka kasi umupo!" turo niya upuan sa kaliwa niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nainis na naman siya sa simpleng pag-upo nito sa harap niya. Siguro dahil mas sanay siyang doon ito nakaupo.

"Gusto mo lang akong malapit sa 'yo eh." Natatawa nitong saad sabay lapit sa upuan na itinuro niya.

"Sige na nga, good morning!" Vaughn said and kissed her quickly on the lips.

"Argh! Vaughn! Amoy-pinya ka! Kainis!"

Vaughn chuckled.

"May pinya din naman yang sandwich na kinakain mo." Saad nito habang natatawang umupo sa kabisera.

"Iba naman kasi 'yan. Nasa dila mo na. Kadiri!" Inirapan niya ito.

"Kung kadiri ang dila ko. Hindi sana nabuo 'yang triplets." Natatawa nitong saad.

"Will you get out of my sight?" madiin at naiinis niyang saad.

Agad naman itong tumayo mula sa kinauupuan.

"Ayaw mo talagang lumabas today?" hirit nito. Nainis siya sa galing nitong sumagot. Hindi naman masalita ang isang 'to. Now, he seems to have all the words to say.

"Alin ba sa tinatamad ako ang hindi mo maintindihan?" inis niyang baling rito.

"I perfectly understand," he smiled. "Pero please, huwag ako ang paglihian mo. Dadami na naman ang mga guwapo at magaganda sa mundo." Natatawa nitong dagdag saka mabilis na umalis sa tabi niya.

"Conceited!" inis niyang bulong na narinig din yata nito dahil tumawa ito ng malakas bago tuluyang makalabas ng dining area..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top