25: Bored
"Love is never a two-way street. Argue if you must but at the end of it all, you'll realize I was right all along." -jazlykdat
***
Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.
***
Mahigit isang buwan na mula nang nag-umpisa ang klase ng kambal kaya't si Lianna na lamang ang natitira sa bahay. Well, hindi lang siya dahil marami-rami pa rin ang security team ni Vaughn pero hindi na ito kasing-dami noon. She wonders why. Isa nga iyon sa gusto niyang tanungin pero nahihiya siyang magtanong ng simpleng mga detalye.
Marami ring mga maids na ngayon ay tinatanong na kung ano ang maitutulong sa kanya kapag nagluluto siya sa kusina. Hindi katulad noon na hindi pinapansin ang presensiya niya.
There is only one problem, she's so bored. Sumasama siya madalas sa pagsundo sa kambal mula sa school pero iyon lang ang ginagawa niya. She also helps them with their homeworks but still she feels stagnant.
If there is one time of the day that doesn't bore her, it's night time. Hindi lang dahil maaga laging umuuwi si Vaughn para sumalo sa dinner but because after dinner when the kids are tucked in bed, Vaughn also wants to be tucked in bed. Nope it's not tucked. The correct term is fucked. However, most of the time, she doesn't feel like it's a fucking thing, it's more of love making. Minsan pa nga pakiramdam niya ay isa siyang babasaging crystal. Though, they do different positions, he's no longer as rough as before.
She smiled when Vaughn tugged her closer to him. They are still both naked. Hindi niya alam kung paano nangyaring naging pangkaraniwang bagay na lang sa kanila ang magtalik. Well, maybe because Vaughn has needs and she wants to fulfill that need. At gusto niya rin naman. Gustong-gusto.
Kahit na hindi nito sinasabi ng tahasan, alam niyang unti-unti ay tinatanggap na siyang muli nito sa buhay niya bilang asawa. Hindi nga lang niya sigurado kung hanggang saang parte ng buhay nito ang puwede niyang pakialaman.
"Vaughn," she whispered soflty as she caressed his chest. Tumingala siya para tingnan ang mukha nito pero tulog na pala ito. Sasabihin sana niyang lalabas siya bukas dahil may interview siya sa inaplayang trabaho.
She randomly submitted a resume online dahil wala siyang magawa at may isa namang nag-respond agad.
She get away from his embrace baka sakaling magising ito pero umayos lang ito ng higa at mahimbing na ang tulog. Bukas na lang siguro niya sasabihin.
Wala na si Vaughn sa higaan nang magising siya. Agad siyang bumangon. Napangiti siya nang mapansing nakasuot na ulit siya ng pantulog. Ang naaalala niya natulog sila parehong nakahubad. Vaughn must have put her clothes on.
She just went to the bathroom and did her morning rituals. Paglabas niya ng bathroom ay nakita niyang umiilaw ang cellphone niya na nasa side table. It was a message from Vaughn.
From: Akin Ka Vaughn
I left early I had to check something at the office. I already told the driver to bring the twins to school later.
She smiled. Ito pa ang isang nagpapagaan sa pagsasama nila ngayon. Vaughn would always tell whenever he's going out at kung saan ito pumupunta.
She just typed a short reply. Then, went to the kids' rooms para iayos ang mga gamit ng mga ito papuntang eskuwelahan.
Hindi na siya sumama sa paghatid sa mga bata sa eskuwelahan. Ayaw niya kasing ma-late sa job interview niya.
***
She arrived fifteen minutes earlier than her scheduled interview. Medyo marami pala silang applicant. Mabuti na lang at sinabihan sila na kung ano ang oras na nakalagay sa e-mail ay iyon ang susundin na schedule ng interview. Yung iba yata kasi ay dumating ng mas maaga kaysa sa nakalagay na interview time nila.
She was busy reading some pointers about answering a job interview when her phone rang.
Kinabahan siya nang makitang si Vaughn ang tumatawag.
Sinabi na kaya ng mga body guards na lumabas sila? Sa tuwing lalabas kasi siya ay may dalawang body guards na sumasama. Naiwan lang ang mga iyon sa lobby ng building.
"What are you doing?" tanong agad ni Vaughn pag-angat niya ng tawag. Bigla siyang kinabahan kaya nag-apuhap na lamang siya ng sasabihin.
"Lumabas lang ako saglit. Kasama ko naman yung mga body guards." Tugon niya rito. She even held her breath para hindi nito mahalata ang kabang nararamdaman niya. Nawalan na siya ng chance na magpaalam kanina. Sasabihin na lang siguro niya pag-uwi nito mamaya.
"Yeah, I know. I am asking what are you doing inside JFK building."
Hindi siya nakapagsalita agad. She's doomed. She knows if Vaughn's mad.
"Job interview," tipid niyang sagot.
She heard him inhaling deeply bago nagsalita.
"What floor?"
"5th floor," saad niya rito bago ito nawala sa linya.
She inhaled deeply as she looked at her phone. Baka tumawag ito ulit.
Bakit nga ba niya iniisip na saka lang nito malalaman kapag sinabi niya?
He has ways to know.
She heard an exaggerated gasp from the woman beside her kaya napatingala siya. She immediately stood up when she saw who that gasp-taking man is.
Vaughn's walking towards her direction looking so handsome in his business suit.
"I was around the area when the body guards informed me," bungad ni nito sa kanya. He stepped closer and gave her a quick kiss on the forehead.
"I have a job interview." Kinakabahan niyang saad rito. Ramdam niya ang pagtitimpi nito ng galit.
"You don't have to repeat what you said over the phone," madiin nitong saad. Though, his voice is low, she feels embarrassed.
"Let's go!" saad nito. Gusto niya sanang magpa-interview pa muna pero ayaw naman niyang sawayin ang asawa. It might cause commotion. Lalo na't nakatingin pa yata ang lahat sa kanila.
Sumunod na lamang siya nang maglakad ito palabas.
She can feel the tension while they are inside the elevator. Mabuti na lang at may mga kasabay sila pababa. She's silently praying that this won't ruin whatever progress they have in their relationship. She just needs to explain to him well enough to appease him.
Tahimik lang siyang sumunod sa sasakyan. Agad itong pinasibad ni Vaughn nang maisara niya ang pinto. She could see from the movements of his jaw that he's really pissed off. Lahat yata ng sasakyan ay gusto nitong i-overtake sa bilis ng takbo ng sasakyan.
Ilang minuto lang nilang nilakbay hanggang sa bahay nito.
"Baba." Mahina ngunit madiing saad ni Vaughn sa kanya pagtigil ng sasakyan. Agad nitong binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba na. Tahimik lang siyang sumunod dito.
He stopped at the living room.
"You're doing it again, Lianna!" galit nitong saad. Humawak pa ito sa ulo at ginusot ang sariling buhok. He's really mad.
"Doing what?" Nakaramdam siya ng nerbiyos. Pero ano ba ang sinasabi nitong ginagawa niya ulit?
"You are sneaking around again!"
"Sasabihin ko naman talaga dapat sa'yo kagabi kaso nakatulog ka na. Tapos kaninang umaga paggising ko wala ka na." paliwanag niya rito.
"So, it's my fault? Sorry ha? Nakatulog ako at maaga akong umalis!" He said sarcastically. She wasn't able to answer.
"Ang daming pagkakataon na sabihin mo sa akin na gusto mo pa lang magtrabaho pero wala kang nababanggit!" His voice is low but there is fury at every utterance of each word.
Natatakot siya na baka dahil sa nangyari ay bumalik na naman ito sa pambabalewala sa kanya sa loob ng bahay.
Paano ba niya ipapaintindi na wala naman talaga siyang balak na itago rito ang tungkol sa pag-aapply niya ng trabaho?
"Kahapon lang naman kasi ako nag-submit ng resume ko at nag-invite sila agad for interview." Mahina niyang paliwanag.
"Do not give me that bullshit explanation, Lianna!"
Her heart twinge at his remark.
"Teka lang naman sandali Vaughn. Sumusobra ka naman yata. Iyon naman talaga ang totoo. Saka may sumama naman sa aking bodyguards, paano ko maitatago yun sa 'yo?" Kung galit ito dahil hindi niya sinabi agad ang tungkol sa bagay na iyon, pakinggan man lang sana nito ang paliwanag niya.
"Don't tell me kahapon mo lang din naisip na mag-apply ng trabaho?" He said with a smirk.
"It was already in your mind for days. You just kept it to yourself!" dagdag nito.
Hindi siya nakapagsalita. Tama naman kasi na ilang araw na rin niyang pinag-iisipan ang pag-aapply ng trabaho pero naghihintay lang naman siya ng pagkakataon para sabihin dito. Hindi niya rin inasahang magre-respond agad ang kumpanyang inaplyan niya.
"We always go back to how it used to. Paulit-ulit lang tayo, Lianna." He said stressing each word. Nanghina ang tuhod niya sa narinig. She sat on the sofa.
"Hindi naman eh. Ginagawa ko naman ang lahat para maging okay na tayo this time. Bakit parang ako lang ang may kasalanan?" Her voice broke. She wasn't able to control her tears. What Vaughn said pains her. Parang sinasabi na nitong huwag na, tama na, what they had should really end.
"Your crying wont help the situation." Saad nito habang nakatingin sa kanya ng diretso.
She calmed herself.
"Nakaligtaan ko lang namang sabihin sa 'yo. Nawalan ako ng pagkakataon." Paliwanag niya.
"You should have given me a call para sabihin sa akin na may job interview ka kung biglaan nga yang sinasabi mong interview. Ang hirap sa 'yo you're keeping everything to yourself."
There is something in the way he say it na parang nasasaktan talaga sa ginawa niya. She's not sure who's to blame. Ang sarili ba niya o ang pagkakataon?
"You are not opening up to me!" Vaughn added. His anger didn't subside one bit.
"Ang hirap naman kasi 'tong sitwasyon natin. Oo nga at okay tayo pero hindi ko pa rin alam kung saan ako lulugar." She tried hard not to cry as she said it.
"And you think it's not hard for me? I'm also trying my best, Lianna."
That remark caught her off-guard. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot.
"Do you exactly know how I feel everytime the guards would tell me na lumabas ka ng bahay?" Bahagyang tumaas ang boses nito.
She wasn't able to speak. She didn't expect this outburst from him. Her heart twinge. Napahawak pa siya sa dibdib niya.
"There is always this fear na paglabas mo sa pintuan na yan," He inhaled deeply as he pointed the door. "Tatakas ka na naman! La-la-ya-san mo na na-man ako!"
Ramdam niya ang sakit sa bawat bitaw nito ng salita. Her tears rolled down. She never thought na ganito pala kalalim ang sugat na iniwan niya sa puso nito.
"Ang hirap sa 'yo akala mo ikaw lang ang nahihirapan! Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng iniwan." He muttered before turning away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top