21: Game
"It's good to be child-like sometimes." -jazlykdat
***
Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.
***
Lianna is trying hard to suppress her smile. Hawak-hawak kasi ni Vaughn ang kamay niya habang nagda-drive ito. His other hand is maneuvering the steering wheel. Kanina pa niya ito binabawi pero tumatawa lang ito at hinihigpitan ang hawak.
Hindi na sila nakabalik ng bahay ng mga in-laws niya kagabi. She lost count on how many times they made love.
Parang noong una lang silang nagkita mahigit anim na taon na ang nakararaan. She can still vividly recall what happened that day. At naulit nga kagabi ng paulit-ulit. She felt like she blushed reminiscing it.
"I wish I could lurk in your mind right now."
Napakislot siya nang biglang nagsalita ang kasama niya.
"Why?" tanong niya rito.
"Pangiti-ngiti ka kasi. And you are blushing," Vaughn said chuckling.
Mas lalo siyang pinamulahan sa sinabi nito.
Talaga bang ngumiti siya? Pinipigilan naman niya, ah. Bakit gano'n?
Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya.
"Yung kamay ko, bitawan mo na kasi," she protested. Charot lang. Sa totoo lang gustong-gusto naman niya. Hehe!
"Ayoko nga!" Sagot naman nito at kinindatan pa siya. She averted her gaze. Tuluyan na kasi siyang napangiti. She froze when she felt his lips kissing the back of her palm.
When she looked at him, nakangiti itong nakatutok sa daan. Napailing na lang siya. She feels so light. He's been that sweet since last night. Pinagluto pa siya nito kaninang hating-gabi dahil bigla siyang nagutom pero naningil naman ito pagkatapos. Nasa hapag pa lang sila, naniningil na and so they did it right at the kitchen counter.
She stopped herself from reminiscing. Pinapamulahan kasi siya at baka pansinin na naman ito ng katabi niya.
They are on their way to his parents' private resort. Nauna na daw kasi ang mga ito. It was Vaughn's fault. Late na kasi silang nagising.
Namangha siya nang marating nila ang lugar. It's a huge resort complete with all the amenities pero walang katao-tao maliban sa ilang uniformed staff.
The staffs are greeting Vaughn kapag nadadaanan nila ang mga ito.
"It's huge. Private ba talaga 'to?" komento niya habang naglalakad sila. Their hands are clasped.
"Yes. My parents use it whenever they host social functions. Pinaparentahan din minsan."
Napatango na lamang siya sa sinabi nito. They went straight to the beach area.
Nasa isang beach hut ang parents ni Vaughn habang ang dalawang bata ay nakababad na sa buhanginan at gumagawa ng sand castle.
"Hey, you two! Come here!" tawag ng ina ni Vaughn sa kanila. Agad naman silang lumapit sa puwesto ng mga ito. There are a lot of foods on the table.
Vaughn took a bunch of grapes at binigay sa kanya. Kumuha din ito ng sa kanya at kumain na.
"Where have you been last night?" Vaughn's dad asked. She felt ashamed kaya bahagya siyang nagtago sa likod ni Vaughn. Hindi pala nito ipinaalam sa mga magulang kung nasaan sila. Hindi na rin naman niya naisip.
Sabagay, maiisip pa ba niya iyon habang nasasarapan siya?
That thought made Lianna blushed.
"Magkasama lang kayong dalawa. You already forgot that you have children waiting for you at home," dagdag ng ginang.
"Mom, we were at home," depensa ni Vaughn. He chuckled. Well, he is half-right. Nandoon naman talaga sila sa bahay nito. Pero tinamaan siya sa sinabi ng matanda kahit nagbibiro ang tono nito. Dapat kasi umuwi pa rin sila kagabi.
"Mommy! Daddy!" Vanna yelled when she noticed them. Natatawa naman siyang hinila ni Vaughn palapit sa dalawang bata.
Agad na yumakap si Vanna sa kanilang dalawa.
"Where have you been last night, mom?" Liam asked standing behind his sister. Hindi agad siya nakasagot. Para talaga itong matanda kung magsalita.
"We visited our house here in Ireland." Si Vaughn ang sumagot sa tanong ni Liam.
"Since when did you become my mom?" diretso nitong saad sa ama. She bit her lip to stop herself from smiling. Natatawa siya sa pambabara nito sa ama pero ayaw din naman niyang i-tolerate, it doesn't seem respectful.
"Liam, you are not supposed to talk to your dad like that." Pangaral niya rito. She felt Vaughn's hand tapping her back.
"It's because I was talking to you, mom and he answered," depensa ng bata.
"You don't have to be sarcastic," saad niya rito.
"Okay, I'm sorry dad." Nahihiya namang saad ng bata sa ama nito. Vaughn messed up the child's hair. He glanced at her and winked. Napangiti siya. Pangalawa na itong pagkindat niya ngayong araw.Why does he look more handsome whenever he winks?
The children went back to their sand castle. Sila naman ni Vaughn ay nagkanya-kanyang palit na ng swim wear.
Matagal bago siya lumabas ng restroom. Tiningnan niya kasing mabuti ang sarili sa salamin. Ayaw niyang may maipintas sa kanya si Vaughn kung sakali.
She was surprised to see Vaughn outside the restroom paglabas niya. He smiled at her at hinila na papunta sa beach hut kung nasaan ang mga magulang nito. Pansin niyang parang ayaw nitong bitawan ang kamay niya kanina pa paglabas nila ng bahay nito.
Pinatungan niya ng lacy top ang bikini niya dahil wala pa naman siyang balak maligo. Vaughn is just wearing shorts. Kitang-kita ang abs nito. She averted her gaze nang bigla na lang niya itong na-imagine na naliligo sa pawis. It's just so hot. Naughty Lianna!
"Punta lang ako sa mga bata," paalam nito sa kanya nang makaupo siya sa bench. Vaughn's mom is also sitting 2 feet away. Ang daddy naman nito ay naglakad papuntang dagat.
"So, where were you last night?" tanong ng Mommy ni Vaughn. Kakabahan sana siya sa tanong nito kung hindi lang nanunudyo ang tinig nito.
"We were at his house. Sorry, we weren't able to call you," hinging-paumanhin niya sa biyenan. Ngumiti naman ito.
"I am glad that the two of you are already okay," saad nito. Tumango na lamang siya. Okay na ba tlaga sila ni Vaughn? Sana. Parang oo naman.
"Ipagpaumanhin mo sana ang anak ko. Alam mo na, hindi iyan marunong humawak ng relasyon." Hayag ng matanda habang nakatanaw kay Vaughn. Napangiti siya hindi lang dahil sa sinabi nito kundi dahil sa paraan na rin ng pagkasabi nito. It sounded like her nanay.
"I am happy that you had forgiven him already." Lumapit sa tabi niya ang matanda at inakbayan.
Forgiven?
Napangiti na lamang siya. Parang nahaplos ang puso niya sa ginawa nito. She suddenly missed her nanay.
"Masaya ako at napatawad mo na siya sa kung ano man ang naging kasalanan niya sa 'yo five years ago. Na naging rason din para umalis ka. It must have been that grave." The old woman smiled at her.
Baliktad yata?
"Ano daw po ba ang naging kasalanan niya?" tanong niya sa matanda.
Siya naman kasi talaga ang higit na may kasalanan sa nangyari at hindi si Vaughn.
"He refused to tell basta ang sinabi niya, may nagawa siyang mali sa 'yo kaya mo siya nilayasan."
Napanganga siya sa sinabi nito. He took the blame para lang hindi siya ang sisihin ng mga magulang nito.
That was heroic of him.
"He was so messed up. That's why I am so happy that you two are okay now. Please be patient with my son," the old woman added.
Napatango na lamang siya.
She stared at Vaughn walking towards their direction. May hawak itong football.
"Lianna, c'mon lets play with the kids," aya nito. Napatingin siya sa biyenan. Ngumiti naman ito at tumango sa kanya. Tumayo na lamang siya at sumunod sa asawa.
"Kami ni Mommy ang magkakampi," he announced to the kids.
"Dad, are you sure? Eh di talo na kami." Vanna protested.
"You both are tall," segunda naman ni Liam.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa tatlo. Para silang magkakaibigan na nagdidiskusyon.
"Eh di kami ni Vanna ang magkakampi and you Liam will be with your mom." Parang batang saad ni Vaughn sa mga anak.
"Teka sandali. Anong laro?" She butted in.
"Football," the three of them chorused. Napatawa siya ng mahina. They look so cute.
"Eh hindi naman ako marunong niyan." Reklamo niya sa mga ito.
"Mom, don't worry Liam is good at it." Vanna replied.
"Eh paano naman ako?" Natatawa niyang tugon sa anak.
Ano bang alam niya sa football?
"Sige, turuan ko muna si mommy," natatawang saad ni Vaughn. Lumapit agad ito sa kanya at umakbay.
"Here, you just kick the ball until it reaches the field goal." Nag-demo ito ng tamang posisyon ng paa. Mabuti at tinanggal nito ang pagkaka-akbay sa kanya. Baka hindi niya maintindihan ang itinuturo nito kung sakali.
She tried kicking the ball. Vaughn held her leg at inayos ito sa tamang posisyon.
"Hindi ka nasusugatan noong bata ka?" saad nito habang pina-practice niya ang pagsipa sa bola. She looked at him, nakatunghay pala ito sa legs niya. Bahagya pa siyang pinamulahan.
Para namang nagising si Vaugh sa iniisip. Bigla kasi itong napailing.
He snap his fingers. "Okay kids, let's just play! Wala nang rules basta kick the ball to the field goal." Hayag nito.
Gumuhit ito ng malaking semi circle sa buhangin. Humakbang ito palayo at gumuhit pa ulit ng isa.
So that will be the field goal?
Gumuhit din ito ng malaking linya sa gitna. Natatawa siya sa itsura nito. Daliri pa kasi nito ang ginamit na pangguhit.
"Let's start!" saad nito. Agad namang pumuwesto ang dalawang bata. Napangiti pa siya dahil seryoso ang mga ito.
She felt excited. First time nilang maglaro na apat.
"You are the team LiLi and we are the team Vava." Parang batang sigaw ni Vaughn. Napatawa siya. Here comes his child-like attitude again.
Nakita niyang nakangiti ang mga biyenan niya habang nanonood sa kanilang apat.
"LiLi? Vava?" kunot-noo niyang tanong sa asawa.
"Lianna-Liam. Vanna-Vaughn." Natatawa nitong saad. Napailing na lang siya. Pauso talaga 'tong si Vaughn minsan.
Liam and Vanna did the toss coin.
"Mom, kick!" Liam yelled nang makuha nito ang bola agad naman niyang sinipa ang bola na nahabol ni Vaughn at ibinalik sa side nila. They kept kicking the ball na parang totoo talagang football game.
They've been sweating. Paulit-ulit lang kasi silang nagtatakbuhan at sumisipa. In the end, Vaughn kicked it to their field.
They continued playing for next round. They are all laughing hard dahil panaka-naka silang natutumba na tatlo. Liam was able to score a point. Nag-fist bumped pa silang mag-ina.
Last round na nila at kung sino ang makaka-score ay siya nang mananalo. Para silang nasa totoong competition na nagseryoso sa laro.
Malapit na niyang madala ang bola sa field nila ni Liam nang may humawak sa baywang niya at biglang umangat ang katawan niya mula sa buhangin.
Natawa siya nang makitang binuhat pala siya ng asawa habang ibinabalik nito ang bola sa side nila ni Vanna.
"Hey, ang daya mo!" natatawa niyang saad rito. He was just laughing habang buhat-buhat siya nito at sinisipa ang bola.
"Dad, you're a cheater. Bring mom, down." Liam yelled as he blocked the ball from his father's kick. Tumatawa lang naman ang ama nito. She doesn't know if Vaughn is just strong o talagang magaan lang siya dahil itinatakbo siya nito.
"Vaughn kasi ibaba mo na ako! Ang daya mo!" natatawa niyang sigaw niya rito. They are like kids. Natatawa naman itong tumigil at ibinaba siya.
The moment her feet landed on the ground naramdaman niya ang paghalik nito sa labi niya. It was a quick kiss. Narinig pa niya ang paghiyaw ni Vanna na parang kinikilig.
"Can't get enough of you!" Vaughn said laughing bago siya tuluyang binitawan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top