16: Chuckles

"Things will get better in time." - jazlykdat

***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

Hindi matanggal ang ngiti ni Lianna kahit noong lumabas na sila ng restaurant.

He called her wife.

Whatever his reasons are for calling her that, masaya pa rin siya. At least he recognizes that she is still his wife.

"Daddy, let's go to world of fun, please?" Vanna asked nang nasa kotse na sila. Vaughn smiled at the kid through the rearview mirror.

Is that a yes?

"I also miss playing with you, dad." Liam seconded. Vaughn glanced at her. Tumingin siya sa ibang direksiyon.

Pati kaya noon sa Davao, naglalaro na sila ng mga bata sa WoF?

She shrugged the thought off. It was a thing of the past. Dapat move forward na lang.

Nakasunod lang siya sa tatlo. Naglaro ang mga ito ng baril-barilan. She could see how the three are enjoying. Nagkakantiyawan pa ang mga ito. Vanna is really good. Mas magaling pa ito kay Liam. Nang matalo si Liam, si Vaughn naman ang pumalit. Change the looser pala ang peg ng mag-aama.

Pagkatapos ay lumipat naman ang mga ito sa ibang laro. They tried to pull a small stuff toy by navigating the joystick. Salitan ang tatlo at nagkakantiyawan dahil laging nahuhulog ang stuff toy.

"Mom, do you wanna try?" tanong sa kanya ni Vanna. They all looked at her. Ngumiti na lang siya at umiling.

"You know, I'm never good at that," tugon niya rito. Natawa naman ang mga bata. Madalas din kasi niyang sinasamahan ang mga ito noon na maglaro sa mall. And it's one the games she hates. Never pa kasi siyang nakaipit ni isang stuff toy.

"All right sa iba na lang tayo maglaro." Hayag ni Vaughn. Sumunod naman ang mga bata.

Tiningnan na lang niya kung saan nagpunta ang mga ito at hindi tinanaw.

Bakit gano'n?

Pakiramdam niya ay ayaw siyang isali ng asawa sa kasiyahan nila. Parang kanina lang okay naman ito sa kanya.

Hayy. Napaka-unpredictable talaga!

Patingin-tingin siya sa tatlo na naglalaro sa dulo habang nanonood din sa isang binatilyo sa may basketball shooting. Natutuwa kasi siyang tingnan ito dahil nagkakantiyawan ang mga ka-grupo nitong puro din mga teenagers.

Ang sarap balikan ang gano'ng edad. When everything seem so light. Yung tanging pinoproblema lang ay mga projects at assignments at kung papayagan ba ng parents na lumabas kasama ang barkada.

Nagulat siya nang nasa tabi na niya ang tatlo. Vaughn is staring at her with a disgusted face.

"Mom, let's go watch Batman Vs Superman." Yaya sa kanya ni Vanna at humawak sa kamay niya.

Hinila na siya nito palabas ng WoF. Nagpatianod na lamang siya. The two boys followed them.

Her heartbeats raced nang tinabihan siya ni Vaughn sa paglalakad.

"Pati ba naman gano'n kabata pinagkakainteresan mo pa," bulong nito sa kanya. Her forehead creased. Pinagkakainteresan niya? Sino?

She smiled when she realized that he was talking about the teenager playing basketball.

Sasagot pa sana siya pero nauna na itong maglakad kasunod si Liam. Napailing na lang siya.

One time he's cold the next time he's sweet and now he's being irrational. Now she changed her mind. Vaughn is not unpredictable. He's bipolar.

Nakabili na ang dalawa ng drinks at popcorn nang maabutan nila ang mga ito sa cinema area. Papasok na rin sa sinehan ang mga nakapila. Ang alam niya kapag ganitong movie na mahaba ang pila ay imposibleng makapanood agad. The tickets are either for the next full show or sold out na hanggang last full show.

Nagulat pa siya nang makitang may hawak na tickets si Vaughn. It seems that Vaughn had bought the tickets earlier. Hinintay lang yata nila ang oras nila.

Mabuti na lang ay may bakanteng apat na upuan sa pinakadulo. Nauna siyang pumasok para makapag-excuse sa mga taong madadaanan nila. Sumunod naman sina Liam at Vanna bago si Vaughn.

She was about to sit when Vanna spoke.

"Mom, can I stay on the corner, please?" request nito. Tumango naman siya. Saka lang niya narealize na mali ang pagpayag niya nang umupo agad si Liam sa tabi ni Vanna.

She had no choice but to sit beside Liam. She felt a little uneasy when Vaughn sat next to her. She just know it would be the longest movie in history.

Mahina yata ang aircon dahil biglang pinagpawisan ang mga kamay niya.

"Lianna."

She stiffened when Vaughn uttered her name. She slowly turned around. Iniaabot lang pala nito yung cup ng soda.

"Kindly give it to the kids," saad nito. Iniabot naman niya ang inumin kay Liam. She instructed him to put in on the arm chair kung saan ito inilalagay.

Iniabot ulit ni Vaughn ang isa pang cup. Napasinghap pa siya nang mahawakan nito ang kamay niya.

Bakit ba kasi siya kinakabahan?

Dahil ba first time nilang manood ng sine na magkakasama?

Kaba ba talaga o kilig ang nararamdaman niya?

Dalawa lang kasing large popcorns ang binili ni Vaughn. Yung isa ay sa mga bata at yung isa ay hawak na nito.

They all settled down when the movie began to roll.

Settled down?

Hindi yata. Pinapakiramdaman niya lang kasi ang galaw ng katabi niya. Panaka-nakang sumusubo ito ng popcorn. Inilalapit nito sa kanya ang popcorn pero nahihiya siyang kumuha. Uminom na lang siya sa inilagay nitong soda sa upuan niya.

She was trying to concentrate on the movie nang may dumikit na popcorn sa bibig niya.

She blushed when she saw Vaughn's hand. Siya pala ang nag-umang no'n sa bibig niya. She looked at him pero nakatutok lang ito sa pinapanood. Tinapik niya ang kamay nito. Tumingin naman ito sa kanya. Agad nitong inalis ang kamay sa harap ng bibig niya.

"Sorry, I thought it's my mouth. Kaya pala wala akong manguya." He whispered.

Parang gusto niyang tumawa ng malakas sa sinabi nito. She couldn't believe he could be so childish sa pagbibigay ng palusot. Sinadya nitong subuan siya.

What for?

Mas lalo na naman siyang namula sa naisip. Mabuti na lang at madilim ang loob ng sinehan.

She looked at kids para maitago kay Vaughn ang pagngiti niya. Naka-concentrate ang mga ito sa movie. Nang umayos siya ng upo, nakita niya ring umayos ng upo ang katabi niya.

Tiningnan ba siya nito?

Bago pa niya pakawalan ang ngiting gustong sumilay sa mga labi niya ay uminom na lamang siya sa soda at ibinalik ang tingin sa screen.

She was holding the cup when Vaughn suddenly sipped from the straw. Nagulat pa siya kaya pinanood na lang niya ito. When he's finished tumingin ito sa kanya.

"Sorry. I thought it was mine," seryoso nitong saad. She looked at him seriously bago siya tuluyang natawa sa palusot nito.

Nagpapapansin talaga ito sa kanya.

She can't help her laughter from bursting especially when he also chuckled. They're both chuckling while looking at each other.

"Mom, Dad! You are so noisy!" sita sa kanila ni Liam. Napatigil pa siya bigla sa pagtawa. Vaughn smiled and gestured her to keep quiet using his index finger.

She bit her lip at sumandal sa upuan habang pinipigilan pa rin ang pagtawa. She couldn't believe that Vaughn could be so childlike considering na kanina bago sila pumasok ng sinehan ay ang cold pa ito sa kanya.

Vaughn leaned on the chair.

"Hold it." Ibinigay nito sa kanya ang hawak na popcorn.

She was feasting on the popcorn nang maramdaman ang kamay ng katabi sa balikat niya. When she looked at him, he gestured her to keep quiet. Agad din nitong tinanggal ang kamay niya. After a while ibinalik na naman nito ang kamay tapos tinanggal ulit.

"Mom, stop poking me," Liam hissed. She looked at Vaughn na patay-malisyang nakangiti sa screen. Ang lakas lang ng trip.

Sinundot nito ulit ang ulo nang bata nang hindi ito tumitingin. Napangiti na naman siya sa kalokohan ng asawa.

May ganito pala itong side. Ang kulit lang.

If only she had seen it before. Hindi sana puro takot ang naramdaman niya.

Ipinilig niya ang ulo. This day shouldn't be spoiled over a past mistake. Ngayon pa na parang nakakalimutan na rin ni Vaughn ang lahat. Well, she hopes so.

She was awakened from her reverie nang yumuko si Liam at galit na tumingin sa ama. "Dad, I know it's you. Stop it!" saad nito sa ama. Vaughn just smiled at his son.

Napailing na lang siya. Ibinalik niya ang tingin sa screen.

Few minutes later, naramdaman niya ulit ang mga braso ni Vaughn sa balikat niya. She thought he'd poke Liam again pero hindi naman nito tinanggal ang braso. When she looked at him, he tugged her closer. Her heart pounded so fast. Lalo na nung halikan siya nito sa ulo.

Inihilig na lamang niya ang ulo sa dibdib nito. Samantalahin ang pagkakataon habang hindi pa ito nagsusungit. Hehe!

Napangiti siya nang subuan siya nito ng popcorn. Her devil side won when she bit his finger kasama ng pop corn na isinubo nito. Instead of wincing binawi lang ni Vaughn ang mga daliri nito.

Kumuha ito nang popcorn.

When she looked at him, he winked and licked his finger na kinagat niya.

Ugh!

Sumubsob na lang siya sa dibdib nito para maitago ang kilig na nararamdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top