15: Presumption

"Don't wait for someone to open the door for you." -jazlykdat



***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

Lianna was teaching the kids with multiplication shortcuts when Chad approached them.

"Ms. Lianna, susunduin daw po kayo ng driver ni sir Vaughn mamayang alas-onse." Hayag nito.

"Ako ba? O yung mga bata lang?" kunot-noo niyang tanong. Hindi umuwi kagabi si Vaughn at hindi niya rin alam kung saan ito nagpunta basta na lamang itong nagpaalam after dinner.

Siguro ay gusto nitong makabawi sa mga bata. He usually bonds with them after dinner.

"Kayo raw pong tatlo Ms. Lianna," Chad answered politely.

She was a bit surprised. Scratch it! Surprised is even an understatement. Dati kasi ay hindi naman siya kasali kapag pinapasundo nito ang mga bata.

She looked at the clock. It's already 10 o'clock in the morning. Niyaya na lamang niya ang mga bata na magbihis na. She also needs to prep up.

She feels nervous. First time kasi itong nangyari.

Did Vaughn finally realize that the kids need a family?

Mas lalo siyang kinabahan nang ihinto ng driver ang sasakyan sa tapat ng V.F. building. The last time she was at the place, she was so scared.

She inhaled deeply as she earned the courage to step out of the car.

Humawak ang mga bata sa magkabilang kamay niya. The guards greeted them as they entered. Pati ang mga bata ay magiliw na bumati sa mga ito.

Pamilyar na rin siguro ang mga guwardiya sa mga bata dahil ilang beses na silang nakapunta. Ang ipinagtaka lang niya ay kung bakit pati siya ay kilala ng mga ito.

Hinila siya ng mga bata papunta sa private elevator. Sila pa ang pumindot ng 30 sa button.

"I'm so excited!" Vanna squealed as the elevator moved up.

"Me, too." Saad naman ni Liam.

"Where do you think are we going Mommy?" Vanna asked her. Nagkibit-balikat naman siya. Saan nga ba? Ni hindi man lang niya naisip mag-dress. Nag-jeans na lang siya at simple tee.

She was welcomed by the familiar gray and white office. It looks the same, the L-shaped leather couches, the computer arrays na wala namang gumagamit at ang reception desk kung saan nakaupo ang sekretarya.

"Ms. Lianna!" masayang sambit ni Dinna nang makita siya. She immediately stood up and approached her. Binati ito ng mga bata bago bumitaw sa kamay niya at tumakbo papunta sa opisina ni Vaughn.

Dinna is Vaughn's secretary. They were together in this office once upon a time until that gun-pointing incident that scared her most.

Bumalik na naman sa ala-ala niya ang nangyari noon. Vaughn only did it to protect her pero ito pa ang pinag-isipan niya ng masama.

She shook her head at her own thoughts. Wala nang dahilan para alalahanin pa niya ang nangyari noon. It already happened. Ang magagawa na lamang niya ay matuto sa nangyari.

Nakipagbeso siya sa sekretarya.

"Asawa ka pala ni sir Vaughn. Hindi mo man lang sinabi." Natatawa nitong saad. She just smiled.

"Ahy sorry, Ma'am Lianna pala." Sambit nito na parang nahihiya.

"Ano ka ba? Huwag mo na akong tawaging Ma'am. Lianna na lang." Hayag naman niya rito. Napangiti ito sa sinabi niya.

Dinna is about to speak nang lumabas na ang mga bata sa opisina kasama si Vaughn.

"Let's go, mom!" masayang saad ng dalawang bata. Nakahawak ang mga ito sa kamay ng ama nila.

"Alis na kami," saad niya kay Dinna na tumango at ngumiti lang.

Liam held her hand nang makatapat na ang mga ito sa kanya. His other hand is holding his dad's left hand. Ang kabilang kamay naman ni Vaughn ay nakahawak kay Vanna. She smiled at their arrangement.

Her heart pounded so fast nang makitang nakangiti si Vaughn habang naglalakad na sila patungong elevator.

Is this the start of their happy family?

Lianna felt giddy inside at her own thoughts. Kaya lang mahirap nang umasa.

Vaughn was so certain when he told her that things will no longer go back to how they used to. But then again a part of her still hopes.

Ang gulo.

Vaughn opened the door to the backseat nang iparada ng driver ang kotse sa harap ng building. The two kids immediately went inside. Susunod na sana siya nang isara nito ang pinto.

She felt her face reddened. Lalung-lalo na nang pumunta sa kabilang side si Vaughn.

Saan siya sasakay?

Ibig bang sabihin hindi siya kasama sa lakad ng mga ito?

Bakit pa sinabi nit okay Chad na kasama siya?

Para ipamukha sa kanya na itsapuwera siya?

Lianna blinked and looked sideways. Para kasing babagsak na ang luha niya. She inhaled deeply.

"Are you just going to stand there?" nagulat siya nang magsalita si Vaughn ng malakas. He is looking at her with a creased forehead. Nakapatong ang isang kamay nito sa nakabukas na pinto ng sasakyan sa may driver's seat.

Hindi agad siya nakaimik. Inis naman nitong isinara ang pinto bago umikot sa passenger's side at binuksan ang pinto.

It was only then that she realized na pinapapasok siya nito sa passenger's side ng sasakyan. She walked towards the car.

"Next time learn to open the door for yourself." Saad nito bago tuluyang isinara ang pinto. Umikot ito patungo sa driver's seat.

She inhaled deeply. Akala niya ay maiiwan siya. Bigla na namang nabuhayan ang dibdib niya.

She feels a bit off nang pumasok sila sa isang first class restaurant. People inside are so dressed-up. Siya lang yata ang naka-jeans.

Vaughn leads them to a table for four. She could sense stares coming from women inside the restaurant. Nakatingin ang mga ito kay Vaughn. Who wouldn't? Ang guwapo naman kasi nito.

Instead of feeling proud that the man is her husband, mas lalo pa siyang nanliit sa sarili niya. Nagmumukha kasi siyang yaya ng mga anak niya dahil sa suot niya while Vaughn is her boss.

There's a group of women beside their table na naririnig niyang nagkukuwentuhan at tumatawa. Pakiramdam niya ay nagpapapansin ang mga ito kay Vaughn. Mas lalo tuloy siyang nainis kung bakit hindi niya naisipang magpa-sexy. Buti na lang parang walang pakialam sa mundo ang lalaking kasama niya.

They sat across each other habang ang kambal naman ang magkaharap. Agad silang hinainan ng pagkain nang makaupo sila.

Lianna feels awkward. Bukod sa hindi siya sanay na may nakabantay na waitress habang kumakain sila. Mas lalo pa yatang lumakas sa pandinig niya ang kuwentuhan sa kabilang table at tawanan ng mga ito.

She tried to talk to the kids but it was limited to how the foods taste na sinasagot lang din naman ng mga ito ng tipid.

"Is there any problem?"

Nagulat pa siya ng magsalita si Vaughn. Nakatitig pala ito sa kanya.

"Ahm," she glanced at her back. How could those women be so beautiful? Nakapangliliit talaga.

"What's bothering you?" Vaughn asked with a bored face.

"Kailangan ba talagang nakabantay ang waitress? Ang awkward kasi." Umpisa niya. Kunot-noo naman itong napatingin sa waitress na nakatayo malapit sa table nila para mag-assist kung ano man ang kailangan nila.

"And the girls on the other table are so noisy," dagdag niya. Vaughn stared at her for a moment bago nito tinawag ang waitress.

"We're good. You may leave us. We'll call for you if we need anything else." Saad nito sa waitress. Magalang namang yumuko ang waitress bago umalis. She smiled at what he did. Kahit papaano pala ay may corncern ito sa kanya.

What surprised her was when Vaughn stood up and went to the other table.

"Hi ladies," she heard Vaughn uttered.

"Can I ask a little favor?" he immediately added.

"Sure," nagchorus pa yata ang mga ito sa pagsagot. She inhaled deeply.

"Great. Could you please tone down your voices a bit? My wife's not used to noisy environment." Vaughn uttered that shocked her. He heart pounded so fast.

My wife?

My wife?

My wife?

She didn't hear any response from the other table. Hindi niya rin makita ang reaksiyon ng mga ito dahil sa likod niya nakapuwesto ang mga babae.

She stiffened when Vaughn returned to his seat. Wala na siyang narinig pang ingay mula sa kabilang table. Maybe they felt ashamed. Si Vaughn nemen kese. Haha!

"Are you okay now, WIFE?" tanong nito sapat na marinig ng lahat ng tao malapit sa kanila. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top