[9] TIM #2: In Every Single Way
Hello! #TeamChilli for the win! Kailangan ko nang burahin ang mga parts nito kasi malapit na siyang i-publish under Precious Hearts Romances. Sana suportahan niyo pa rin sina Chico at Sulli kapag available na ang story nila. Maraming salamat!
Synopsis:
Gustong-gusto ni Sulli na nakakakita ng mga gwapo kaya pumupuslit siya para makapasok sa studio na pag-aari ng kanyang kaibigan. Doon siya nanonood ng pictorial ni Charles, ang crush niyang fashion model. Iyon nga lang, parang hate na hate siyang makita ni Chico, ang half-Filipino-half-Brazilian model na kapatid ng kanyang kaibigan. Palagi siya nitong itinataboy. Suplado, feelingero, at killjoy ang lalaki. Lagi pa nitong sinasabing walang lalaking magkakagusto sa kanya. Mabuti na lang, guwapo si Chico kaya pinapalagpas niya ang pagiging rude nito.
Pero nagtaka si Sulli sa ikinikilos nang muli silang magkita. Sa halip kasi na itaboy ay hinawakan pa siya ni Chico sa kamay.
Nagkakagusto na ba ito sa kanya?
"Ayoko lang na may ibang babaeng lumalapit sa 'kin kaya kung pwede sana, huwag ka nang umalis sa tabi ko."
Wow, sakit sa bangs. Pantaboy lang ang kanyang peg?
NZ~Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top