Teaser:
FICTIONZONED—iyon daw ang tawag sa mga kagaya ni Kirshen na nai-in love sa mga fictional hero. Masisisi ba naman siya kung talaga namang saksakan ng pagiging ideal ang hero na si Charlie Suarez? Hopeless na nga ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya pero wala siyang pakialam. Mahal niya ito at kahit hindi man ito posibleng mag-exist sa mundo ay hindi niya pagsisisihan ang mahalin ito.
Pero iyon ang akala niya. Her Ate Blaine—ang writer na salarin sa pagkahumaling niya kay Charlie—told her na may posibilidad na makita at makilala niya ang totoong Charlie kung papayag siya sa gusto nito. Siyempre, hindi siya naniwala. Pero dahil wala namang mawawala, um-oo na rin siya. At hindi naman nga siya basta lang ginu-good time nito dahil nakita at nakausap niya mismo si Charlie. Ayaw nga lang nitong tinatawag na 'Charlie' dahil 'Charles' daw ang pangalan nito.
Wala siyang pakialam. She was so fascinated with him na sinundan pa niya ito kung saan man ito naroon. And she found herself falling for him for real. Ang kaso, may umeksena. Ang heroine nito sa nobelang nabasa niya, totoo rin pala at balak nitong bawiin si Charlie sa kanya. Paano na ang love story niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top