Chapter 18
MAGKAHARAP na umupo si Kylar at April sa silyang nasa harapan ng desk ni Dr. Kasle Valverde pagkatapos siyang ipakilala sa batang doctor. This doctor may be considered as one of the most handsome doctors in the world. He has very attractive black eyes. Surely, many of the girls have gone crazy for this dreamy doctor.
"So?" ani Kasle pagkaupo sa high back seat nito.
"Ahm... April is pregnant and she needs a doctor that can take care of her during her pregnancy." Deretsong sabi ni Kylar.
"Pregnant? And... who's the father?"
Kylar let out a loud breath. "Stupid! Sino ba ang kasama?" mapanuring napatitig sa kanya si Kasle. Para bang makukumpirma nitong si Kylar ang ama ng pinagbubuntis niya sa pagtitig lang.
Bumalik ang tingin ni Kasle kay Kylar. "And you are willing to take the responsibility?" parang diskumpiyado ang doktor.
Kylar's brows rose up. "Ano ang tingin mo sa 'kin, bahag ang buntot sa responsibilidad? Pananagutan ko siya." Walang kagatol-gatol na sagot ni Kylar na ikinangiti ni April.
Tumingin sa kanya si Kasle na parang humihingi ng paumanhin sa sinabi nito.
"I didn't mean to offend you. Sorry. Nagulat lang ako." Hinging paumanhin ng doktor. Nginitian niya lang ito. Hindi naman siya na-offend. Siguro nga, si Kylar ang klase ng taong, pag-aasawa ang huling bagay ang gagawin.
Ngumisi si Kasle kay Kylar. "How come na nakadisgrasya ka? Dose anyos ka pa lang nikikipag-sex ka na, ngayon ka pa talaga nakadisgrasya kung kailan bihasa ka na." Sinambot ni Kylar ang isang sampaguitang ginawang kuwentas para sa poon na nakapatong sa desk at itinapon sa mukha ni Kasle. Natawa ang batang doktor.
"Hindi ko siya nadisgrasya. Ginusto namin 'yan and It's God's will. The child is a reward from God." Napa-'whew' si Kasle sa sinabi ni Kylar at nailing. Parang hindi ito naniniwala sa sinasabi ni Kylar. Well, hindi naman talaga ito nagsasabi ng totoo dahil nabuntis siya nito dahil planado ang lahat.
Itinulak ni Dok Kasle ang sarili mula sa upuan. "Let me check you up," anito na nakangiti sa kanya.
"Sandali. How exactly the prenatal check up is done?" tumaas ang kilay ni Kastle sa tanong na iyon ni Kylar. Humalukipkip ito habang may nakakalokong ngisi sa labi.
"Ahm... first, we will be discussing her medical history, administering tests and estimating her due date. And of course, I will then do a pelvic exam to check her cervix, vagina, ovaries, fallopian tubes—"
"Fuck shit! Send us to another physician. Iyong babae." Palatak ni Kylar sabay tayo.
"Why? Man, I am the best and the most handsome ob-gyn—"
"Wala akong pakialam kung ikaw ang pinakamagaling na doctor sa buong mundo, Valverde. I won't let you see and touch my wife's private part."
Humalakhak si Kasle. "I am a professional doctor, Levesque, at walang malisya sa 'kin ang lahat. I'll be gentle, promise."
"I want you to get my wife another doctor. Now!" Nakatiim ang mukhang utos ni Kylar. Muling humalakhak si Kasle at itinaas ang dalawang kamay bago pinindot ang intercom.
"Yes, dok?" boses ng babae sa intercom.
"Jane, could you please check if Doctor Villega is available. And send the next patient in after."
"In a minute, dok." Muling umupo si Kasle at gumawa ng referral letter. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at dalawang babae ang pumasok. Ang isa ay ang sekretarya ni Kasle na nasa late thirties at isang tila modelong babae.
"Available po si Doctor Villega, Dok Valverde, at ito naman po ang record ni Ms. Casaes." Inabot ng sekretarya ang record kay Kasle at kapansin-pansin ang iritasyon sa mukha ng sekretarya. Pinasadahan ni Kasle ng tingin ang record file bago tiningala ang sekretarya.
"Pap test daw po. Ulit!" may diin ang pagkakasabi ng sekretarya sa huling salita.
Ngumiti si Kasle sa babae at inilahad ang kamay para paupuin ito sa binakanteng silya ni Kylar. Maging si April ay tumayo na rin.
"Miss Casaes, pap smear will be done at least once or twice a year unless kung may abnormalities na nakita at kailangan ulitin ang test, but so far I haven't seen any problem with your pap smear's result. You are healthy. Wala pang isang linggo mula noong huling pap smear mo. This will be your fourth times this month." Kasle explained and a friendly smile flashed on his face.
"I'm not feeling well, dok. I feel sick," ubod ng lambing na tugon ng babae. Hawak pa nito ang dulo ng buhok at nilalaro iyon.
"Sa mental dapat 'to dinadala, eh!" bulong ng sekretarya saka lumabas. Nagkatinginan sila ni Kylar, pinigil ang mga sariling hindi matawa. Obvious naman na dinadahilan nito ang pagpapadoktor para makita lang si Kasle. Diyos mio! Ibubuyang-yang talaga ang mga tilapia para lang magpapansin sa guwapong doctor.
NAKAAKBAY si Kylar kay April habang ang kamay niya ay nasa baywang nito. Kakatapos lang ng check up niya sa ob-gyn na ni-refer ni Kasle sa kanya. At ayon sa doctor six weeks na siyang nagdadalang tao.
"Nakita mo kung gaano kagaganda ang pasyente ni Dok Kasle?" aniya habang naglalakad sa pasilyo patungo sa silid ng kanyang ama.
Nakapila sa labas ng clinic ng doctor ang magagandang babaeng pasyente at tiyak na kalahati sa mga iyon ay wala naman talagang sakit o kaya'y hindi naman buntis. Nais lang magpapansin sa batang doktor.
"Yeah. That bastard was lucky. Parang gusto na nga ring magdoktor, eh. What do you think?" nakangising tanong ni Kylar sa kanya at parang nanunuri ang mga mata nito sa magiging reaksiyon ni April.
She let out a deep sigh and smiled. "Sayang nga, eh, sana hindi ka na lang umepal kanina. Kung nagkataon ang guwapo sana ng doctor namin ni baby."
Ang ngiti sa labi ni Kylar ay unti-unting nawala and soon, his face darkened. Parang maliwanag na kalangitan na biglang binalot ng maitim na ulap. Inalis niya ang kamay nitong nakapatong sa kanyang balikat at malapad ang ngiting nagpatiuna. Kylar is very possessive. Iyon ang isa sa napansin niya sa binata. Siguro ay ganito talaga ito sa lahat nakakarelasyon. fling man o hindi.
Hindi na niya hinayaang maabutan siya ni Kylar. Agad siyang pumasok ng silid ng ama. Naabutan niyang nagtatawanan ang lahat maliban kay Jeralyn na parang nalugi ng milyones. Nakaupo ito sa couch habang si Gerard ay nasa arm chair ng couch nakaupo. Ngayong araw siya uuwi sa kanila para doon muna manatili habang nasa ospital ang ama. Ayaw man ni Kylar ay wala ng nagawa pa ang binata.
"Mukhang masaya kayo, ah? At ano naman ang nangyari sa isang ito at mukhang nakaamoy ng tae?" sinundot niya ang ilong ni Jeralyn at marahan naman nitong tinabig ang kamay niya.
"Paano, ate, napagkamalan daw siyang nagtitinda ng sampaguita sa labas kanina. Binili raw ng lalaki ang mga sampaguitang dala niya." Si Gerard ang sumagot.
Marahan siyang natawa. "Eh, bakit ba may dala kang sampaguita?"
"Naawa ako sa bata kaya pinakyaw ko 'yong panindang sampaguita. Pero iyong poging lalaki akala yata naglalako ako ng sampaguita kaya inabutan ako ng isang libo kapalit ng sampaguitang nagkakahalaga lang naman ng isangdaan."
"Oh, 'di jackpot ka! Tubo ka pa ng siyam na raan, ano ang inaarte mo?"
"Nakakainsulto kasi, ate! Kumikinang pa naman 'tong doll shoes ko tapos mapapagkamalan lang akong nagtitinda ng sampamguita." Inangat pa ni Jeralyn ang dalawang paa mula sa sahig. Isang silver glittered doll shoes ang suot nito.
"Ang guwapo ng kumag. Papalapit siya sa 'kin, naging slow motion ang lahat, eh. Akala ko na love at first sight sa 'kin, tapos inabutan ako ng isang libo at sasabihing, 'Miss, I'm gonna buy your sampanguita, para makauwi ka na."
Napuno ng masayang tawanan ang buong silid. Natigil sa pagtawa si April at pinagmasdan ang pamilyang masayang tumatawa. Matagal-tagal rin niyang hindi nakitang ganito kasaya ang pamilya niya. Lalo ang nanay niya na laging tahimik na umiiyak gabi-gabi sa tuwing walang nakakakita dahil sa karamdaman ng ama.
Naibaling niya ang tingin sa may pinto at nakita niyang nakatayo habang nakasandal sa hamba si Kylar na nakamasid sa kanilang mag-anak. Biglang sumikdo ang puso niya nang kindatan siya nito. Agad siyang nagbawi ng tingin. Damn this man! Why so guwapo?
KYLAR was pacing back and forth as he tried contacting April again. Kausap niya ito ngayon-ngayon lang nang biglang maputol ang tawag. Bukas na bukas rin ay bibili siya ng cellphone para mapalitan ang bulok na cellphone ni April sa ayaw at gusto nito. Gusto niya itong bilhan pero tanggi ito ng tanggi. Halos dalawang linggo na ang dalaga sa bahay ng magulang. Nagkikita naman sila nito sa tuwing pupuntahan niya ito sa bahay nila April pero hindi sapat. Para na siyang mababaliw sa pagka-miss sa dalaga. And he had never imagined himself to be like this dahil sa isang babae.
"Hoy, Levesque!" Binalingan niya ang mga kaibigang nasa salas na nag-iinuman. Itinapon sa kanya ni Loki ang isang beer in can na mabilis naman niyang nasalo.
"Can you just please relax. Para kang pusang hindi mapaanak, eh." Sita ni Loki. Umupo siya sa katabi ni Rufus at patuloy sa pagkontak kay April. Kasalukuyan silang nasa Hunk Society Mansion.
Maharot na hinawakan ni Rufus ang dulo ng tainga niya. "Gusto mo ako muna kasama mo ngayong gabi, darling, ten thousand lang ang serbisyo ko kahit anong posisyon puwede." Malakas na tinabig ni Kylar ang kamay nito.
"Magtigil ka nga, Rufus, nakakakilabot ka!" Nagtawanan ang lahat na naroroon.
"Alam mo kayo dapat nitong ni Miguel ang nag-uusap, eh! Parehong babae ang pinoproblema niyo." Si Loki uli at tinungga ang laman ng lata ng beer. Tumuwid ng upo si Kylar nang muling mag-ring ang kabilang linya.
"Hello!" natigilan siya at tumiim ang mukha nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.
"Who's this?" tanong niya kahit alam niyang si Geoff iyon. Bigla ang pag-ahon ng galit sa dibdib niya. Pinatayan ba siya ni April kanina dahil nandoon si Geoff.
"Geoff!" Narinig niya ang boses ni April.
"Hello, Kylar!" boses na iyon ni April na mukhang kinuha ang cellphone mula kay Kylar.
"Pinatayan mo ba ako kanina dahil nandiyan ang ex mo? What is he doing there?" galit niyang tanong kay April.
"Hindi. Kylar, gusto lang akong makausap ni Geoff—"
"Nang ganitong oras? It almost ten o clock, April!" pagalit niyang sabi.
"Kylar, please. Wala kang dapat ikagalit. Kakausapin ko lang siya—"
"Don't talk to him!"
"I should talk to him! Ayan ka naman, eh! Sabi ko sa 'yo bawasan mo ang pagiging immature mo dahil magkakaanak ka na. Sige na, tatawagan na lang ulit kita!" Bago pa man siya makapagsalita ulit ay pinatayan na siya ni April ng telepono.
"Damn it! I can't believe this! Pinatayan niya ako! Pare, siya lang ang gumagawa sa 'kin nito."
Napapatiim ang bagang niya. Parang sasabog ang dibdib sa matinding galit at selos na nararamdaman sa isipang naroroon si Geoff.
"Yeah, right? At siya lang din ang nag-iisang babaeng gumagagawa sa 'yo niyan! Mukha kang baliw!" Si Kasle na prenteng nakaupo sa katapat niya.
Binuksan niya ang lata ng beer at dinalawang tungga lang iyon ay naubos ang laman. Initsa niya ang lata sa sahig at sumandal saka ipinikit ang mata. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Maging ang sentido niya ay ramdam niya ang pagpintig. Jelousy was eating him alive and at the same time he was afraid. Afraid, that Geoff might take April away from him. Hindi lingid sa kaalaman niyang si Geoff ang mahal ni April at ang panglaban lang niya sa ngayon ay ang anak nilang nasa sinapupunan ni April kaya pinili ng dalaga na manatali sa kanya.
Sinubukan niyang magrelax at kalmahin ang sarili. Nang medyo napapayapa na ang kanyang kalooban ay noon sumingit sa kanyang balintataw ang tagpong maaaring ginagawa ni April at Geoff. Dumilat siya at mabilis na tumayo saka walang paalam na iniwan ang mga barkada. Natagpuan na lang ni Kylar ang sarili sa tapat ng pinto ng bahay ni April at kumakatok. Pinagbuksan siya ni Gerard, ang kapatid ni April, na mukhang galing sa pagtulog.
"Kuya Kylar, kayo po pala," anito habang nagkukusot ng mata. Kilala na siya ni Gerard dahil halos araw-araw siyang nagpupunta rito. Alam nitong nililigawan niya si April.
"Ang ate mo?" tanong niya.
"Tulog na po."
"Kailangan ko siyang makausap, Gerard." Tinitigan siya ng binatilyo na parang nag-iisip ng puwedeng gawin o sabihin.
"Ikaw na lang po kuya ang gumising kay ate, nananapak 'yon kapag naalimpungatan, eh." Kapagkuwa'y sabi nito. Marahan siyang natawa saka tumango.
Bumalik si Gerard sa pagkakahiga sa kawayang sofang pinatungan ng kutson. Isinara niya ang pinto at umakyat ng hagdan. Dalawang silid ang naroroon. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Hindi niya alam kung alin ang silid ni April dito. Pinili niya ang nasa kanang silid. Humakbang siya palapit sa pinto pero natigilan siya nang marinig ang isang ingay mula sa kabilang silid. Biglang parang binundol ng matinding kaba ang dibdib niya. That erotic sounds came from two opposite genders. Pumihit siya paharap sa kaliwang silid at dahan-dahang lumapit doon. Mas lumakas ang mga hangos at ungol na naririnig niya nang nasa tapat na siya ng pinto.
"It wasn't April," usal niya habang nangingig ang kamay na hinawakan ang seradura.
"Geoff, please... oh, God, please — Geoff, more..." tumiim ang bagang niya sa mga nairinig.
Boses iyon ni April at hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang nagaganap sa loob ng silid. Lakas loob niyang binuksan ang pinto. Naitulos siya sa kinatatayuan nang makita ang isang hubad na lalaking nasa pagitan ng mga nakabukakang hita ni April habang malakas at mabilis na umiindayog ang balakang nito. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa nasasaksihan. His fingers rolled into fists as his vision blurred in so much anger and pain. Mariin niyang ipinikit ang mata.
"Kylar! Kylar!" Narinig niya ang boses ng isang lalaking lalong nagpainit ng ulo niya. Pinilit niyang idinilat ang namimigat na mga mata, at malakas na bigwas ang pinakawalan niya sa mukhang nabungaran ng kanyang paningin.
"Fuck! Bakit mo ako sinapak!?" kinurap-kurap niya ang mata para malinaw na makita ang taong nasapak.
"Rufus?" sapo ng kaibigan ang kabilang mata na mukhang tinamaan niya.
"Shit! Ang sama ng panaginip ko. Sorry, man, I thought you are April's ex."
Nagtawanan ang lahat na naroroon. Nasa sofa pa rin siya sa loob ng Hunk Society Mansion at wala sa bahay ni April. Mabuti na lang at panaginip lang kundi makakapatay talaga siya.
"Dammit, Levesque! My fucking face is exceptional!" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinawakan sa kuwelyo si Rufus saka hinila patayo.
"Oo na guwapo ka na kaya samahan mo ako. Pupuntahan ko si April." Tinabig ni Rufus ang kamay niya.
"Ayoko! Mag-isa ka! Ikaw na ginising mula sa bangungot sinapak mo pa ako!" Rufus snapped at him. Tumayo si Miguel at inakbayan si Rufus.
"Sasamahan natin siya. Dapat ipinaglalaban ang pag-ibig." Si Miguel na halatang lasing na.
Pagkaraan ng bente minutos ay narating nila ang bahay nila April. Pinagbuksan sila ni Gerard na nanonood ng pelikula. Inakbayan agad ni Rufus ang binatilyo at nagpakilala saka kinumbinsing sumama sa isang high-end bar. Nagniningning ang mga mata ni Gerard habang nakikinig sa mga kuwento ni Rufus at Miguel kung anong mayroon sa bar na pupuntahan nila. Tumingin sa kanya si Gerard na parang sa kanya nakasalalay ang dapat nitong maging desisyon.
"Go, minsan lang magyaya ang dalawa 'yan. And don't worry about your sister, ako bahala sa ate mo. Babantayan ko siya, pangako." Saglit na nag-isip si Gerard at kapagkuwa'y mabilis na tumakbo sa loob ng kuwarto at paglabas ay bihis na ito.
"Alright!" Masayang palatak ni Rufus at Miguel.
Pinatay muna ni Gerard ang telebisyon at binilin sa kanya si April bago umalis ang tatlo. Isinara niya ang pinto at ini-lock bago inakyat ang hagdan. Namangha siya nang makita ang ikalawang palapag na parehas ng sa bangungot niya kanina. Tinungo niya ang kaliwang silid at huminto sa tapat ng pinto. Fuck! Bakit ba siya kinakabahan. Alam niyang wala si Geoff dito dahil kinumpirma iyon ni Gerard. Ayon sa binatilyo ay umalis din ang agad si Geoff. Pinihit niya ang seradura at marahang itinulak ang pinto. Agad niyang nakita si April sa kama na mahimbing na natutulog. Natatanglawan ito ng ilaw mula sa hello kitty lampshade na nakapatong sa maliit na bedside table.
Pumasok siya at marahang isinara ang pinto. Muli niyang pinagmasdan si April. Isang pares ng hello kitty pajamas ang suot nito at mukhang mahilig ito sa hello kitty dahil may ilang gamit pa sa loob ng silid na pulos hello kitty. Ang dami pa talaga niyang hindi alam sa dalaga. He is thinking now to buy an slambook at papasagutan niya iyon sa dalaga para malaman niya ang mga likes and dislikes nito.
Ayaw sabihin ni April sa sariling pamilya ang tungkol sa kanila. Hindi raw nito alam mga kung paano gagawin. Ang balak ni April ay saka na ipaalam kapag nanganak na siya at hindi siya sang-ayon doon. Kung hindi nito kayang sabihin, puwes siya ang gagawa ng paraan. Bukas ang labas ni Mang Nestor mula sa ospital. Habang papunta siya sa bahay nila April kanina ay may nabuo ng plano sa isip niya. Tinawagan niya si Kasle at pinakiusapan na gawan ng paraan para maagang ma-discharge si Mang Nestor bukas.
Hinubad ni Kylar ang suot na T-shirt at isinunod ang suot na pantalon kasama ang brief. He stepped out from his shoes and climbed up in the bed. Marahan siyang humiga sa likod ni April at niyakap ang dalaga mula sa likuran. Her feminine irrestible scent filled his nostril that made him arouse. He missed April so much. He missed making love to her. Bukas na bukas din ay wala ng Geoff na maaaring manggulo sa kanila. Ang tatay mismo ni April ang magdedesisyon para sa kanila ni April. Oo na, pikot na kung pikot but April is only his. Hinalikan niya ang batok ng dalaga habang ang kanyang isang kamay ay ipinasok niya sa blusa nito at sinapo ang kabilang dibdib.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top