Chapter 17

I dedicated this to LisXXI. Enjoy reading po!! 

___

SI Leon ang sumundo kay April at Kylar sa isla pabalik ng Maynila gamit ang chopper. Sa Hunk Society Village sila tumuloy. Sa helipad sa roof top ng Hunk Society Mansion lumapag ang chopper. Akala nga niya ay bukas pa sila makakabalik ng Maynila dahil wala raw available na piloto ang Isla de Amor. Sakto namang walang flight si Leon kaya ito ang sumundo sa kanila.

Leonardo "Leon" Lefebvre is an airline pilot. She is wondering now kung lahat kaya ng cabin crew na babae ay nakakapagtrabaho nang maayos kapag kasama si Leon. Leon is one of the most handsome members in hunk society, his strong piercing amber eyes like lion's is one of his assets.

Dinala siya ni Kylar sa bahay nito na nasa Hunk Society Village. At sobra siyang namamangha sa ganda ng bahay ni Kylar. Hindi ito maaring tawaging bahay kundi isang mansyon. The house was definitely huge. It was a modern exquisite home with a masculine color scheme. The wall coated with pristine white. White sofa set, black love seat in the living room and a few pieces of black vases na nakapatong sa shelves. Its minimal decor and furniture create a seamless and airy space. May malaking glass panel sa bandang kaliwa ng living room. Isang malaking sliding door sa tingin niya dahil tanaw niya ang swimming pool mula sa salang kinatatayuan niya. The stairscase looks dangerous yet beautiful. Bato ang hagdan at ang railing ng hagdan ay fiber glass hanggang sa itaas. Paikot ang salaming barandaliyang nagsisilbing harang para ligtas ang sinumang dudungaw sa baba.

Hindi maipagkakailang isang rich eligible bachelor ang namumugad sa napakagandang bahay na ito. Habang namamanghang hinahagod ng tingin ang kabuan ng bahay ay pumulupot ang mga braso ni Kylar sa baywang niya mula sa kanyang likuran at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg at hinalikhalikan siya roon. Isang singhap ang kanyang pinakawalan. Bakit ba ang bilis-bilis madarang ng katawan niya sa tuwing nadidikit sa kanya si Kylar.

"This is gonna be your home, sweetie. Tatawagan ko si Mylene para makapag-usap kayo kung ano ang gusto mong ayos ng bahay." Bulong ni Kylar sa leeg niya habang banayad na hinahalikan at kinakagat ang balat niya. Binaklas niya mga braso nito mula sa pagkakayakap at hinarap ito pero agad rin siyang hinapit sa baywang.

"Sinong Mylene?" Banayad niyang tanong.

Kinintalan muna siya ng banayad ng halik sa labi bago sumagot. "A friend. She's an interior designer. Siya ang gumawa ng interior ng bahay ko." Paliwanag nito at sinabayan ng hagod ng tingin ang kabayahan. Ibinalik ni Kylar ang tingin sa mukha niya.

"Papupuntahin ko siya rito para makapag-usap kayo. Sabihan mo sa kanya kung ano ang gusto mong ayos ng bahay."

"Ha? Ipapabago mo? Napakaganda ng bahay mo, hindi kailangan baguhin." Walang dapat baguhin sa ayos ng bahay na ito. Napakaganda nito.

"Kailangan 'yon. The interior was boring. It suits me but not you. Gusto ko ang magiging ayos ng bahay ay iyong pang pamilya. Iyong gusto mo. Iyong mas magiging komportable ka, kayo ng baby natin." Buong lambing nitong hinawi ang hibla ng buhok na naligaw sa mukha niya.

"Saka ipapagawa kong nursery room ang main guest room. Tingin mo babae kaya o lalaki ang magiging anak natin?"

Namamangha siyang nakatingin sa mukha ni Kylar habang nagsasalita ito. Parang hindi na rin siya makahinga sa bilis ng tibok ng puso niya dahil sa mga sinasabi nito. Kitang-kita niya ang excitment nito sa tuwing babanggitin ang anak nila.

"You should see a doctor. You need an obstetrician to care for you during your pregnancy. I'll call Kasle." Tumango siya bilang pagsang-ayon.

Inakay siya ni Kylar sa mahabang puting sofa. Pinaupo siya nito sa kandungan paharap sa binata. She was straddling him. Muling inangkin ni Kylar ang kanyang labi na hindi naman niya pinagdamutan dahil sinuklian niya iyon ng may kasing init na halik. Mahigpit siyang napayakap sa batok ng binata nang dahan-dahang pumasok ang dalawang palad nito sa kanyang blusa at gumapang iyon pataas sa kanyang likod hanggang sa abutin kung saan naroroon ang hook ng kanyang bra at kinalas nito iyon. Experto nitong natanggal iyon at itinapon sa sofa.

Tinakpan ni Kylar ng mainit na palad ang kanyang dibdib at banayad na dinama iyon, habang ang bibig nito ay bumababa sa kanyang lalamunan. Gumapang ang napakasarap na sansasyon sa kanyang puson pababa sa kanyang pagkababae. Walang nagawa si April kundi ang ipikit ang mata at damhin ang pagsayad ng dila nito sa kanyang leeg.

"I love kissing you, and I won't get tired kissing you.." bulong nito sa leeg niya.

"Hay, susmaryosep!" Napadilat sa sobrang pagkagulat si April nang may marinig na boses ng isang babae. Naitulak niya si Kylar at kamuntikan pa siyang mahulog. Kung hindi si Kylar naging maagap tiyak nasa lapag na sana siya. And swear to God hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung nangyari iyon at may masamang mangyari sa anak niya.

Tumayo silang dalawa at nakita niya ang isang babaeng nasa pagita ng edad na singkuwenta at singkuwenta'y sinco.

"Nandito ka na pala, Sir Kylar, sino siya?" inakbayan siya ni Kylar.

"Siya si April, Aling Clarita, asawa ko." Napahugot ng malalim na paghinga si April sa pagpapakilala sa kanya ni Kylar. Hindi niya iyon inaasahan. Ang matanda ay nagulat din.

"Siya si Aling Clarita, ang kasambahay ko rito."

Ang gulat sa mukha ng matanda ay napalitan ng saya. "Asawa mo ba kamo? Kaya pala nandito siya. Hindi ka naman kasi nagdadala ng babae rito. Pero bakit parang hindi ko man lang nabalitaan na ikinasal kayo."  May  saya  siyang  nadama  malamang  walang  babaeng  dinadala  rito  si  Kylar.

"Pasensiya na, Aling Clarita, masyadong naging pribado ang kasal namin." Naging kontento naman ang matanda sa paliwanag ni Kylar. Siya naman ay hindi na rin nagtanong kung bakit sinabi iyon ni Kylar. Siguro ay umiiwas lang ito na matanong pa kung ano talaga ang relasyon nila. Mabuti na rin iyon na asawa siya ni Kylar sa paningin ng kasambahay para makaiwas na rin siya mga tanong.

"Hindi mo naman sinabing may tao pala rito. Paano kung naabutan tayong hubo't hubad!" Asik niya sa binata nang iwan na sila ni Aling Clarita. Natawa si Kylar at muli siyang niyakap.

"Sorry, nawawala ako sa sarili kapag nadidikit sa 'yo, eh." Napatili si April nang pangkuin siya ni Kylar. Mahigpit siyang napakapit sa balikat nito.

"Ano ba ang ginagawa mo? Saan mo ako dadalhin?"

"In our room. Magha-honeymoon tayo." Pilyo itong ngumiti habang inaakyat ang hagdan.

"'Yong bra ko naiwan, nakakahiya kay Aling Clarita." Kylar expelled a husky chuckle.

"Hayaan mo na 'yon." Wala na siyang nagawa kundi ang ihilig ang ulo sa dibdib ni Kylar na may ngiti sa mga labi.

KINABUKASAN ay nagtungo si April sa Valverde Medical Hospital kasama si Kylar para puntahan ang ama. Ayaw niya na sanang pasamahin si Kylar pero napakapilit. Limang araw pa mula ngayon ang operasyon ng kanyang ama pero kailangan na nitong manatili sa ospital dahil sasailalim muna ito sa mga test bago ang operasyon. Pribado ang silid na ibinigay sa kanyang ama. Sigurado siyang ilang daang libo na ang nagagastos ng mag-asawang Tomi at Katrina rito. Ang balak lang naman sana nila ay sa pampublikong ospital operahan ang kanyang tatay pero si Kylar ang nagpasyang dito sa may dekalidad na serbisyong ospital isagawa ang operasyon para masigurado raw ang kaligtasan ng tatay niya.

"Mabuti naman at pinayagan kang umuwi ni Ma'am Katrina," ani kanyang amang si Nestor na nakahiga sa hospital bed habang siya ay nasa silya sa gilid ng kama at ang kanyang ina ay nasa likuran niya nakatayo.

"Opo, 'tay, nagpaalam ako." Binalingan ng ama si Kylar na nakatayo sa tabi ng sofang kinauupuan ni Jeralyn.

"Salamat, sir, sa paghatid sa anak ko rito. Napakabuti ng pamilya niyo para tulungan kami sa suliraning ito. Kapag gumaling ako at nakapagtrabaho ay gagawin ko ang lahat para mabayaran ang ipinautang ninyo sa amin."

"Wala po iyon, sir, huwag niyong alalahanin 'yon." Magalang na tugon ni Kylar. Hindi niya masabi sa magulang ang tungkol sa relasyon nila ni Kylar. Ang sinabi niya ay kasama niyang umuwi si Kylar mula Davao ngayong araw at nagmagandang loob na ihatid na siya rito sa ospital.

Nabaling ang lahat ng mata sa pinto ng bumukas iyon. Nahigit niya ang kanyang paghinga nang makita ang pagpasok ni Geoff. Agad na nagtama ang mata nila ng dating kasintahan. Agad na ngumiti si Geoff sa kanya, pinilit niyang gantihan ito ng ngiti pero ngiwi ata ang gumuhit sa kanyang labi. Nawala ang ngiti ni Geoff nang mabaling ang tingin kay Kylar. Napatingin siya kay Kylar at kita sa mukha ng binatang hindi ito masaya. Tumiin ang mukha nito habang nakatingin kay Geoff na katulad nito ay tiim din ang mukha.

"Geoff, halika nga rito." Naputol ang nagtutunggaling mga mata ng isa't isa nang magsalita ang si Mang Nestor. Lumapit si Geoff sa kabilang bahagi ng kama.

"Kumusta, ho, 'tay?" high school pa lang sila ay 'tatay' na rin ang tawag ni Geoff sa ama. Malapit na malapit si Geoff sa pamilya niya dahil talagang mabait ito.

"Maayos naman, ito buhay pa naman," pagbibiro ng ama. Marahang natawa si Geoff.

"Matagal rin kayong hindi nagkita ni April, ano? Pasensiya na, Geoff, kung nawawalan ng panahon sa 'yo si April ng dahil sa akin."

Ngumiti si Geoff. "Ayos lang iyon, 'tay, naiintindihan ko po." Tinapunan siya ng sulyap ni Geoff, agad siyang tumungo. Nakaramdam siya ng matinding ilang. Pero kataka-taka na parang hindi man lang siya nakaramdam ng pangungulila kay Geoff. Hindi siya nakaramdam ng excitement sa muling pagkikita nila.

"Pagkatapos ng operasyon ko gusto kong ituloy niyo na ang plano niyong pagpapakasal." Mabilis siyang nag-angat ng ulo at naguguluhang tumingin sa ama. Bakit nasabi iyon ng kanyang ama? Wala naman siyang sinasabi tungkol sa plano nila ni Geoff na pagpapakasal. Ayaw pa kasi niyang sabihin iyon hanggat hindi pa naman sigurado.

Nginitian siya ng ama na tila nababasa ang tanong sa isip niya. Kinuha nito ang kanyang kamay na nakapatong sa kama.

"Sinabi sa 'kin ni Geoff ang plano niyong pagpapakasal. May trabaho na raw na naghihintay sa kanya sa Dubai at isasama ka niya. Pero bago raw kayo umalis ay gusto niyang makasal na kayo. At oo, anak, pumayag ako... kami ng nanay mo. Alam mo namang botong-boto ako sa batang ito 'di ba? Siya ang gusto ko para sa 'yo."

Napatiim bagang siya at pinukol si Geoff ng nagtatanong na titig. Bakit ba pinangunahan siya ni Geoff? Ngumiti lang ito sa kanya. Naibaling niya ang tingin kay Kylar. At nahigit niya ang kanyang paghinga sa talim ng titig nito sa kanya. Nakatiim ang bagang nito at madilim na madilim ang mukha. Oh God! Siguradong minumurder na siya nito sa isip.

Muli niyang binalingan ang ama at nginitian. "'Tay, saka na po natin pag-usapan 'yan. Hindi pa ako pwedeng magpakasal sa ngayon. Marami pa po akong bagay na aayusin. Kailangan ko pa po makapagbayad ng utang kay Ma'am Katrina."

Tumikhim si Geoff bago sumabad sa usapan. "Tutulungan kita sa pagbabayad ng utang mo sa kanila. Kapag nasa Dubai na tayo mas madali tayong makakapagbayad."

"Geoff!" saway niya sa binata dahil lalo lang nitong dinadagdagan ang problema niya. Hindi na niya maaaring ibalik pa ang relasyon nila ni Geoff lalo't buntis na siya ngayon.

"Oh, siya mas mabuti pa ngang mag-usap muna kayo. April, anak, baka puwedeng 'wag ka na munang bumalik ng Davao. Dito ka muna sa Maynila para may kasama si Gerard sa bahay."

Tumango si April. "Opo, 'tay, magpapaalam ako kay Ma'am Katrina." Muli niyang sinulyapan si Kylar at gan'on pa rin ang anyo nito. Parang mas lalo ngang dumilim ang mukha. Napabuntong-hininga na lang siya.

NAPAKATAHIMIK ni Kylar habang nagmamaneho. Ramdam niyang hindi talaga ito masaya sa mga nangyari kanina. Lalo pa ata itong naiirita dahil sa pagkakaipit nila sa buhol-buhol na sasakyan sa daan. Pero wala naman itong dapat na ikainis kung tutuusin dahil unang-una ay tumanggi siya gusto ni Geoff. Tutupad na naman siya usapan nilang magsasama sila. Hindi niya naman ilalayo ang magiging anak nila.

"Galit ka ba?" tanong niya nang hindi na siya makatiis. Hindi ito umimik. Nakatutok lang ang mata sa unahan ng sasakyan.

"Kylar! Magsalita ka nga!"

"Hindi ko alam ang sasabihin. Huwag mo muna akong kausapin." Umawang ang bibig niya sa tugon nito sa kanya. Wow! Nakapa-isip bata talaga ng lalaking ito kung minsan... o mas tamang sabihing madalas. Lahat ng bagay ginagawang big deal. Humalukipkip siya at itinuon na lang din ang mata sa unahan ng sasakyan.

"Such a childish!" she mumbled, annoyed.

"I'm not childish!" he snapped.

Umirap siya sa hangin. "But you are acting like you one of those!" Muli niya itong inirapan at hindi pinansin ang tila maglalabas ng apoy na mga mata.

"At ikaw, April, ano ang tawag sa 'yo? Paasa ka!" Mas lumaki ang awang ng bibig niya.

"Sino sa amin ang pinapaasa mo ni Geoff? Siya ba o ako?" Tumaas nang husto ang boses nito.

"God, Kylar! Hindi kita maintindihan! Ano ba ang pinupunto mo? At huwag mo akong sinisigawan!" Ganting sigaw niya. Isinandal ang likod sa upuan at ipinikit ang mata. Ang bilis-bilis ng tibok ang puso niya sa sobrang inis.

"Shit!" Mabilis na inalis ni Kylar ang pagkakakabit ng seatbelt at dumukwang kay April. Ipinaling nito ang mukha ni April paharap dahilan para dumilat ang dalaga.

"Sweetie, April, I'm sorry, hindi ko gustong pagtaasan ka ng boses, nabigla lang ako. I'm so sorry!" hinalik-halikan ni Kylar ang labi ni April.

"Did I stress you?" punong-punong ng worries ang mga mata nito dahilan para lumambot ang ekpresyon ng mukha niya.

Bumaba ang ulo ni Kylar sa tiyan niya at marahang hinaplos iyon at kapagkuwa'y hinalikan. "I'm sorry, baby, hindi galit si daddy. Huwag kang magtatampo kay daddy, huh? Si mommy kasi ayaw tayong ipakilala sa pamilya niya. Natatakot lang akong agawin kayo ni mommy mula kay daddy." Kung kanina ay mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa inis, ngayon naman ay dahil sa mga ibinubulong ni Kylar sa kanilang anak. It really touched her heart.

Hinuli niya ang mukha ng binata. "Halika nga rito!" Mahigpit niya itong niyakap.

"I'm sorry kung hindi ko masabi sa pamilya ko ang tungkol sa atin. Hindi puwedeng ma-stress si tatay. Kailangan maayos ang kalusugan niya kapag inoperahan siya."

"I'm sorry... hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil sa mga sinabi mo kanina. It's stressing the hell out me! April, wala ka naman sigurong balak na balikan pa si Geoff 'di ba?"

"Wala..." halos pabulong niyang sagot, "may usapan tayo at tutupad ako." Kumalas ito mula sa pagkakayakap at pinakatitigan siya sa mata. There was a glint of sadness and worries in his grey piercing eyes. Nag-aalala talaga siguro ito na baka ilayo niya ang anak nila.

"Paano 'yong sinabi ng tatay mo na sainyo ka muna?"

"Sa bahay muna ako pansamantala hanggang sa matapos ang operasyon ng tatay." Kylar groaned in disappointment. Mukhang hindi nito gusto ang idea na iyon.

"Kylar, hindi ko itatakas ang anak natin. Titira lang ako sa bahay hanggang sa maoperahan at madischarge si tatay at babalik na ako sa bahay mo. Kailangan ako sa bahay ngayon. Walang kasama si Gerard at Jeralyn."

"Kung ang mga kapatid mo ang inaalala mo, 'di sa bahay na lang sila. Kung ayaw naman nila, magpapadala na lang ako ng maraming security guard para magbantay sa kanila. Pero ang aalis ka at iiwan ako— oh, God, April, you are going to kill me. I don't know how to deal with living far away from you. Please, sweetie, ayaw kong malayo sa 'yo kahit isang araw lang. I swear mababaliw ako."

All April could do was gaped at him as her heart flipping around inside her chest. Ang lakas-lakas at ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya to the point na naririnig na niya ang tibok ng sariling puso. Ano ba ang nangyayari kay Kylar? Natatakot ba ito para sa anak nila o dahil ayaw nitong malayo talaga siya.

"April, sweetie?" he rained her soft kisses on her lips, urging her to speak. Sa halip na sumagot ay ibinuka niya ang kanyang bibig at siniil ng halik si Kylar sa labi. Umungol si Kylar sa bibig niya nang sipsipin niya ang dila nitong nakikipaglaro sa kanyang dila. Nang putulin nila ang halikan ay parehas nilang habol ang paghinga.

"You put me into trouble." Anito at bumaba ang tingin sa umbok nito.

"It serves you right for being so maarte," nakangiti niyang biro. 

Ginawaran siya nito ng madiing halik sa labi. "Mamaya ka sa 'kin," bulong nito bago umayos ng upo sa driver's seat. Malapad siyang nakangiti habang nakatingin kay Kylar na naaaburido na naman habang sunod-sunod na pinindot ang car horn button na akala mo ay makakatulong para umusad ang mga sasakyan.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top