Chapter 2
Walang sawang pinagmasdan ni Angel ang paligid habang binabaybay ang daan patungong Baranggay Paniman sa Caramoan. Wala na siyang matandaan sa lugar. Bata palang siya, apat na taon iyon marahil, nang umalis sila sa lugar na ito at lumipat ng Masbate at hindi na bumalik pa.
Masaya siya ngayong makabalik sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ang kanyang Lolo Gregor at Lola Demoiselle ang naiwan sa lugar na ito. Pero madalas ay bumibista ang mga ito sa Masbate noon at kahit noon nasa Europa na siya ay paminsan-minsan itong bumibista.
Bumaling si Angel kay Tatay Dancio, ang 50 anyos na family driver, nang ipasok nito ang sasakyan sa malaking gate. Ito ang sumundo sa kanya sa Naga airport.
"Nandito na po tayo?" Sinilip siya ng lalaki sa rearview mirror at malapad na ngumiti.
"Oo, señorita!" Mukhang mas excited pa ito sa kanya. Si Tatay Dancio ay naglilingkod na sa pamilya Gutierrez bata palang si Angel at hanggang ngayon ay nandito pa rin ito. Matapat pa ring naglilingkod bilang family driver.
Sumilip siyang muli sa labas habang ipinaparada ni Dancio ang sasakyan sa driveway ng malaking bahay. Malapad na ngumiti si Angel nang makita ang paglabas ng inang si Angelie mula sa napakalaking pintuan ng tropical house. Kasunod nito ang asawa ni Tatay Dancio. All smile ang kanyang ina. Excited na excited na animo'y matagal na panahon silang hindi nagkita. Eh, ito ang sumundo sa kanya sa airport sa Manila pagdating niya mula Paris. Nauna lang ito ng tatlong araw na umuwi ng Caramoan at naiwan sila ng kanyang papa. Hindi naman muna sumama ang kanyang papa sa pagbalik dito dahil may mga inaasikaso pa.
Lumabas si Angel ng sasakyan at patakbong sinalubong ang inang pababa sa marmol na hagdan. Nagsalubong ang dalawa sa gitna ng anim na baitang na hagdan at mahigpit na nagyakap.
"How's your flight?" Angelie asked after pulling away from the hug.
"It's fine!" Wala pang isang oras kumpara naman sa travel time mula Paris to Manila.
"Magandang tanghali po!" Bati niya sa mayorduma.
"Magandang tanghali din sa 'yo, hija! Huling kita ko sa 'yo ay apat na taong gulang ka palang. Napakaganda bata mo!"
"Maraming salamat po, Nanay Soraya! Naikwento ka na po sa 'kin ni Tatay Dancio. Parang kilalang-kilala na po kita sa dami niyang naikwento." Mahinang napatawa si Angel at maging ang babae.
"Si Dancio talaga."
Hindi naging kainip-inip ang byahe niya dahil sa pagkukwento ni Tatay Dancio na ipinakilala na sakaya ang buong pamilya. Ipinakita nito sa kanya ang larawan ng asawa at anak kaya naman kilala na niya si Nanay Soraya. Tatlo't kalahating oras din ang itinagal ng byahe mula airport hanggang dito sa baranggay Paniman. Matagal pa ang oras sa flight niya mula Manila hanggang Naga na mahigit isang oras lang itinagal. Gusto sana siyang ipahatid ng kanyang ama ng private chopper nito kaso tumanggi na siya.
"Oh, wait!" Tumingin si Angelie sa sasakyan, may hinahanap at agad namang nahulaan ni Angel kung sino ang hinahanap nito. Si Martin. Alam kasi nitong sabay silang uuwi rito.
"Hindi ko kasama si Martin. He has important things to do kaya nagpaiwan muna."
"Mas mahalaga sa pagpunta rito? Tungkol ba sa wedding?" Isang ngiti lang ang sagot ni Angel. Ayaw niyang mag-alala pa ito. Plano naman talaga nila ni Martin na magsabay pauwi ng Caramoan. Nakatakda ang pormal na pamamanhikan nito. Old-fashioned as it is, pamamanhikan is a tradition way that is done by the man and his family to formally ask the woman’s family for her hand in marriage.
Iyon ang nais ng kanyang lolo't lola. Hindi raw iyon maaaring hindi gawin dahil tradisyon na raw iyon. Her lola told her that that helps bring the couple’s families closer, which is very important to her family-oriented fam. Family members on both parties ang attendees sa pamamanhikan.
At ang engagement party ay gaganapin dahil iyon naman ang nais ng ina ni Martin. Masyadong sosyal si Lady Penelope at hindi raw ito papayag na walang engrandeng engagement party. Nag-iisang anak nito si Martin at isa pa ay isang dating artista ang babae. Isang bold star na nakapangasawa ng bilyonaryo at kaligayahan na nitong ibinibida ang success sa buhay at lahat ng ganap sa buhay nito.
"Let's go inside. Your lolo and lola are waiting for you. Nagtatampo pa naman ang lola mo sa 'yo dahil nag-stay ka pa raw sa Manila imbes na dumertso rito."
Madali naman mapaamo ang lola niya kaya hindi siya masyadong nag-aalala. Hindi siya matitiis ng kanyang lola. Sabay na pumasok ang mag-ina sa mansiyon.
"Welcome home my only granddaughter!"
"Lolo!" Angel shrieked gleefully as he saw his grandfather with his arms wide open to welcome her. Tumakbo si Angel sa abuelo at mahigpit itong niyakap. Napatawa ang matanda.
"I miss you, lolo!"
"Miss na miss ka rin ni lolo?" Bumitaw siya mula sa pagkakayap sa matanda.
"Kumusta ka?"
"I'm good. And you... you look good. Para lang kayong magkapatid ni dad." Masayang halakhak ng matanda ang pumuno sa buong malaking kabahayan.
"Napakakisig mo pa rin." Muling humalakhak ang matanda.
"Napakatatas mo pa rin managalog. Mabuti naman at hindi ka gumagaya sa ibang nakaaapak lang sa ibang bansa ay nakalimutan na ang sariling wika."
"Syempre! Takot ko lang sainyo. Eh, ayaw na ayaw niyo akong nag-i-Ingles."
"Marunong ka pa ba ng dialekto natin?"
"Iyo naman, gwapuhon kong lolo. Aram na aram ko pa an." Masayang tumawa ang matanda at niyakap si Angel.
"Magalingon ang apo ko." Bumitaw si Angel sa pagkakayakap sa lolo nang marinig ang tikhim. Suminghap siya nang mabalingan ang sosyalerang donya.
"Lola!" Patakbo niya itong nilapitan at niyakap.
"Does anyone force you to visit your old granny?" Nilingon niya ang kanyang lolo at tama ang hinuha niya sa reaksiyon ng matandang allergic sa banyagang salita. Nakakunot ang kulubot na nitong noo.
Matamis siyang ngumiti sa lola sa muli niyang pagbaling dito. "Of course not, lola! Huwag ka nang magtampo. May inayos lang po ako kaya hindi ako naka-deretso dito."
"Is that important than me?"
"Demoiselle, intindihin mo ang apo mo." Namagitan na ang kanyang Lolo Gregor.
"Kakauwi lang kinagagalitan pa."
"Of course not, Gregorio! I'm not dressing her down."
Muli niyang niyakap ang kanyang Lola Demoiselle. "Lola, huwag ka ngang magtampo. Nandito na ako."
"Hindi naman kita matitiis." Malawak na napangiti si Angel. Sabi na!
"Anyway, where is your fiance?" Uh-oh! Ito na! Naghahanap na. Ang hirap magpaliwanag lalo't nagsisinungaling siya sa dahilan.
"May kailangan lang pong gawin si Martin sa Manila but he will follow as soon as he'd done."
"How about your father? Don't tell me he didn't accompany you?"
"May kailangan lang siyang ayusin sa lab pero susunod po siya bukas." Dismayadong umiling ang donyo.
"Men are always disappointing."
Napansin ni Angel ang pagngiwi ng kanyang lolo at agad na iniligaw ang usapan. "Mabuti pa kumain na tayo."
Inakbayan siya ng kanyang lolo at iginiya patungo sa hapagkainan.
"Nagpahanda ako ng mga sariwang isda. Bagong huli ang lahat ng iyon. Pati na rin iba't ibang uri ng pagkaing dagat."
"Wow! I miss eating fresh seafoods, Lolo! Thank you so much." Pinaghila siya ng silya ng abuelo at nagkanya-kanyang upo ang lahat. Nasa kabisera ang kanyang lolo, nasa kabilang bahagi ng mesa ang kanyang abuela habang magkatabi naman sila ng kanyang mommy sa kabilang bahagi ng mahabang mesa.
Napakadaming putahe. Malalaking isda na iba-iba ang pagkakaluto. Tuna, salmon, lapu-lapu, squid and many more. Nakakatakam.
"Mauubos po ba natin itong lahat? Napakadami."
"May mga taong uubos niyan," ang kanyang lolo.
"Kumain ka na. Lahat 'yan sariwa. Bagong huli lang kanina ng mga mangingisda natin."
His grandfather is in the fishing business; a regular commercial fishing, in which their fishermen catch several species of fish to sell on the market to a registered wholesaler. May ilang barko naman ito na ginagamit lang sa paghuli ng tuna at sardinas para gawing delata. Aside from fishing, he is also in a business of feeding people. Through the manufacturing, marketing, and distribution of sea foods like tuna and sardines.
Magkaiba ang negosyo ng kanyang papa at ng kanyang lolo na isa sa pinuproblema ng kanyang lolo dahil wala na raw mamamahala ng kumpanya nito kapag wala na ito. Siya naman ay iba rin ang hilig. Paggawa ng pabango ang kanyang nakahiligan.
"Siya nga pala, Angel, apo. Huwag na huwag mong hahayaang pangalawa ka lang sa prioridad niyang si Martin. Hindi pa man kayo ikinakakasal mas inuuna na agad ang ibang bagay. Huwag kang mag-aasawa ng katulad ng lolo mo na inuuna ang pangingisda kaysa akin."
"Hindi ko 'yan ginagawa, Demoiselle," depensa ng kanyang abuelo sa sarili.
"Noon. Gawain mo 'yan... Hay! He always came home late at napakasangsang ng amoy. Amoy isda."
Humalakhak ang kanyang lolo. "Naliligo naman ako bago sumiping sa 'yo." Nandilat ang mata ng kanyang lola pero may pinipigil na ngiti. Mukhang kinikilig.
Magkasalungat na magkasalungat ang personalidad ng kanyang lola at lolo. Masyadong sosyal ang kanyang lola habang ang kanyang lolo ay napakasimple lang. Nag-aral abroad ang kanyang lola noon habang ang kanyang lolo naman ay isang mangingisda pero nakapag tapos ng kolehiyo sa Maynila. Tauhan ito ng ama ng kanyang lola; nagsisilbing kanang kamay. Ang alam niya ay may nobyo ang kanyang lola na galing sa mayamang angkan pero ipinagkasundo ito sa kanyang lolo. Matalik daw kasing magkaibigan ang ama ng kanyang lolo at ama ng kanyang lola.
Walang mag-aakalang ipinagkasundo lang ang dalawa kung ibabase sa nakikita niyang lambingan ng mga ito. Madalas nagtatalo pero ang cute ng pagtatalo ng mga ito. Ayaw ng kanyang lolo ng salitang banyaga na gustong-gusto namang ginagamit pang-asar ng kanyang lola.
--
THE TROPICAL breeze gently caressed Angel's skin with a relaxing motion, letting it ruffle her hair as she's enjoying the spectacular view of ocean. Tunog ng mahihinang hampas ng alon sa dalampasigan ang tanging nangingibabaw sa katahimikan ng hapon. Tanaw mula sa kanyang kinatatayuan ang lawak ng karagatan na pinaganda ng iba't ibang kulay na nagmumula sa papalubog na araw. She always marveled at the beautiful hue of twilight. Pinanabikan niya ang ganitong lugar.
Napakaganda talaga ng lugar na kinatatayuan ng bahay na ito. This tropical house was built on purely beach land with fine sandy shores at Paniman Baranggay of Caramoan. The panorama that spans across the wide beach frontage, turquoise ocean water, and clear skies frames the stunning outdoors.
Matapos kumain ay pinagpahinga muna siya pero tumanggi si Angel. Mas gusto niyang butbutin ang mga pasalubong na dala niya para sa kanyang lolo't lola pati na rin sa mga tao sa mansiyon. Hindi iyon dinala ng mama niya pag-uwi. Gusto nitong siya ang magdala at mamigay para mas exciting daw.
"Angel, honey?" Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mukha paglingon siya sa ina na nasa poolside sala.
Nakangiti siyang lumapit sa ina. Naamoy agad niya ang aroma ng raw cacao hot chocolate na nakalapag sa mesa.
"Wow! I missed this." Umupo siya sa padded chair. Naupo naman ang kanyang ina sa katapat niya. Agad siyang sumimsim ng mainit na tsokolate. Napakasarap!
"May problema ba kayo ni Martin?" Natigilan si Angel sa pag-inom sa naging tanong ng ina. Paano't nalaman nito?
"I'm your mother. And I could sense when something is bothering you. Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo. Parang ang lalim-lalim nang iniisip mo."
Inilapag niya ang tasa sa ibabaw ng platito. Kinuha ang cloth napkin at nagpunas ng bibig. Ayaw na sana niyang sabihin sa ina ang problema nila ni Martin. Nakakahiya pang ipaalam lalo't napakababaw na dahilan iyon. Totoong kanina pa niya pinag-iisipan ang problema nila ni Martin. Kung tutuusin ay siya ang nagpapakomplikado ng lahat.
Martin is a man, and the one who should insisted intimacy pero kabaliktaran ang nangyayari. Siya itong babae pero siya pa ang nagmumukhang desperada na gustong magtake advantage kay Martin.
"May problema ba kayo ni Martin?"
"Mom, baka po kurutin niyo ako sa singit at ikahiya kapag nalaman mo ang dahilan."
"So may problema nga kaya hindi mo kasama si Martin ngayon? Ano ba ang pinagtalunan niyo?"
Bumuntong-hininga si Angel.
"I-- I'm trying to throw myself to him. Pero, mom, ikakasal na naman kami kaya okay lang naman po siguro 'yon 'di ba?"
Nagkibit lang ang ina. Hindi naman ito mukhang na-disgust. "Then, what happened?" Inabot ng ina ang tasa ng tsokolate at sumimsim.
"He rejected me."
Namilog ang mata ng ina at bahagya pang napatawa. Mas shock pa ngayon ang reaksiyon kaysa sa una niyang sinabi.
"Really?"
"Mommy, don't laugh at me. It's not funny at all! He made me feel ugly."
"Ayaw mo ba niyon? Inirerespeto ka ni Martin. Bibihira ang ganyang klase ng lalaki sa panahong ngayon."
"Exactly, mom! Bihira ang ganoong klaseng lalaki. Kaya nakakapagtaka 'di ba?"
"Why?"
"What if he has an erectile dysfunction?" Napatigil ang kanyang ina. Napatitig ito sa kanya. Halatang napaisip dahil sa kanyang opinyon.
"It can have a negative impact on our relationship. I have known a couple affected in this way. Paano kung matulad kami ni Martin? Paano kung may deperensiya nga at hindi kami magka-baby."
"Bakit hindi mo na lang kaya tanungin si Martin tungkol sa bagay na 'yan? Pag-usupan niyo. Masyado ka lang nag-iisip ng kung ano-ano."
"I'll do that, mom." Dapat nga talaga silang mag-usap ni Martin.
"Kung totoo man ang may deperensiya si Martin, hindi mo ba kayang tanggapin? I mean, if you really love the person you will accept him despite his flaws. Moderno na ang panahon ngayon at maaari kayong magka-baby kung 'yan pinuproblema mo."
Bahagyang ngumiwi si Angel. Sa isipang totoo ang hinala niya tungkol kay Martin ay nagkakaroon siya ng doubt sa nararamdaman para rito. Thinking sexless marriage worried her. Hipokrita siya kung sasabihin niyang ayos lang 'yon sa kanya. Gusto naman niyang maranasan ang bagay na iyon. Pinangarap naman niyang maranasan noon pa man pero nanaig lang talaga ang kagustuhan niyang taasan ang standard ng kanyang moral.
Muli siyang humigop ng tsokolate at tumanaw siya malayo. Bahagyang pinahaba niya ang kanyang leeg nang matanaw ang malaking bahay hindi kalayuan. Wait. Parang natatandaan niya ang bahay na ito. Kung tama ang naaalala niya sa kabataan niya ay nakapasok na siya sa bahay na 'yan.
"Mom, kanino nga ang bahay na 'yan?" Nilingon ng ina ang kaliwang bahagi.
"Sa mga Villalobos 'yan. 'Di mo na siguro matandaan kasi bata ka pa ng umalis tayo sa lugar na ito."
"I remember. May dalawang batang lalaking nakatira riyan 'di ba? Tama. Si East at Luca. Nasaan na sila?" Bigla siyang na-excite. Si East ang batang gustong-gusto niya noon kasi inaalagaan siya habang si Luca ay lagi siyang pinapaiyak.
Biglang lumungkot ang anyo ng ina. Umiling ito.
"Wala na sila. Namatay ang buong pamilya. They murdered more than 2 decade ago."
"What?!"
---
Hello guys! If you want to read Ryke and Violet story available siya sa Noink.Abs-cbn.com. sa ngayon synopsis palang ang naka-post. Sila rin kasi ang nagpo-post ng story pero nakapagsubmit na ako ng ilang chapters. Wait niyo na lang po.😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top