Chapter 7


PABAGSAK na umupo si Audrey sa kama at isinuot ang itim na leather colorado boots. Pupunta sila ni Miguel sa kabilang isla para magmotocross. And she really has to win. May usapan sila ni Miguel; kapag nanalo siya ay papapalitan siya nito bilang bodyguard nito at kung hindi siya mananalo, wala siyang choice kundi ang manatali sa pagiging bodyguard ni Miguel hanggang kailangan siya nito at sa Hunk Society Camp daw sila pansamantalang titira. Wala siyang ideya kung saang lupalop iyon naroroon.

Kailangan niyang pumuntang San Agustin. Nakatanggap siya ng tawag mula sa contact niyang informant na nakabase sa naturang lugar at ayon dito may lead ito kung nasaan ang isang pang informant na kasamahan ng napatay ni East na nagtraydor sa kanila noon. Namataan raw na kasama ng isang tauhan ng Mayor sa San Agustin; ang bayan kung saan siya ipinanganak at namatay ang mga magulang niya.

Pinakiusapan niya si Miguel na aalis muna siya at babalik rin pero ayaw ng hudyo. Kahit sinabi niyang si East muna ang papalit sa kanya ay ayaw pumayag. Hindi rin niya makontak si East. Hindi rin niya kasi maintindihan si General Arnoco kung bakit siya ang ina-appoint sa mga ganito. Nasa CIDG siya at hindi sa PSPG kung saan dapat kumukuha ng ipapadala sa mga ganito.

Pabalyang bumukas ang pinto.
"Potoropis'!" Nakasimangot na apura ng kanyang kapatid sa lengwahe ng Russian na ang kahulugan ay "hurry up!"

Dumating ito kahapon lang. Pinasundo ni Miguel.

"Vy mozhete podozhdat', Kristoffer. Apurado!" (Can you wait?" Nakangiti niyang sita sa kapatid. Alam niyang excited ito sa motocross. Hilig rin ng kapatid niya ang mga racing pero hindi niya ito pinapayagan. Mahirap na. Takaw disgrasya ang mga ganoong sports. Tumayo siya at ipinatong ang isang paa sa gilid ng kama at binuhol ang sintas ng sapatos.

"Ya seksualen, Toffee? (Am I sexy) Tingin mo kaya lalong mai-in-love sa 'kin ang mga classmates mo kapag nakita akong ganito ang ayos?" Tanong niya habang binubuhol ang sintas.

Natutuwa siya sa mga kaklase ni Toffee sa pinapasukang unibersidad nito sa Russia. Kapag nakikita siya ay parang mga tutang hindi mapakali. Ayon kay Toffee ay nagkakagusto raw sa kanya kaya naman minsan tuwing pupunta sa kanila ay niloloko niya. Madalas niyang harutin at naaaliw talaga siya sa mga reaction nito.

Nang mag-agaw buhay siya 2 years ago, dinala siya ni Bernard at East sa Russia at doon na rin nagpatuloy ng pag-aaral si Toffee na hanggang ngayon at nangangapa parin. Hindi rin ito pumayag na maiwan sa Russia kaya isinama na lang muna niya tutal ay bakasyon naman. Kung silang magkapatid ang tatanungin ay mas gusto nilang manatili na lang dito sa Pilipinas pero ayaw ng kanilang papa.

Suot niya ay isang hapit na itim na pantalon at hapit na sandong itim na may malalim na hukab sa neckline at may maliliit na butones sa dibdib na halos hindi maisara dahil sa dibdib niyang hindi naman kalakihan, kumpara sa mga porn star na mapapanood sa mga pornography website, but big enough para ipagmalaki sa mga boob-men. Malinis ang pagkakatali niya sa buhok, walang kahit na isang hibla ang nakawala.

Nang natapos niyang maibuhol ang sintas ay ibinaba niya ang paa at pumuhit paharap sa kapatid pero halos mapatalon siya sa gulat nang si Miguel na ang nasa likod niya. Muntik siyang matumba sa kama nang bumangga ang likod ng binti niya sa gilid ng kama pag-atras niya. Maagap naman siyang nahapit ni Miguel sa baywang. Ang mga kamay niya ay lumapat sa dibdib nito.

"Absolutely!" His voice was low and raspy.

"You are sexy-- oh!" Nag-O shape ang bibig ni Miguel nang makalas ang pagkakabutones ng sando ni Audrey.

Tatlong butones ang natanggal kaya mas lumuwa ang cleavage niya. Nahantad din ang hickey na ginawa ni Miguel. Nag-init ang mukha ni Audrey hindi dahil sa pagkakabukas ng butones niya kundi dahil sa nakakakiliting sensasyong namumuo sa puson niya dahil sa pagkakadikit ng mga katawan nila ni Miguel.

Nakakaintindi ito ng Russian?

"S-salamat!" Ugh! Bakit nabubuhol ang dila niya.

"Mukhang hindi mo naramdaman ang presensiya ko ngayon, ah? Pumapalya na ba ang lakas ng pakiramdam mo?"

Naramdaman naman niya ang paglapit nito sa likod niya pero akala niya ay si Toffee pa rin iyon.

"Akala ko si Toffee."

"Hindi ko alam na mga bagets pala ang type mo?"

"What?"

"I just overheard you. Mukhang ang classmates ng kapatid mo ang tipo mo. Hindi kaya makasukahan ka niyan dahil pumapatol ka sa minor, hmm, Inspector Dizon?" Audrey's breath hitched in her throat nang ilapit ni Miguel ang mukha sa kanya.

"My brother is eighteen and definitely ay kaedad ng kapatid ko ang mga classmate niya."

Muli siyang napahugot ng marahas na hininga nang bumaon ang mga daliri ni Miguel sa baywang niya. Tumiim ang mga bagang nito, indikasyon ng galit. Pero bakit naman ito magagalit?

Lalo siya nitong kinabig sa katawan nito kaya mas lalo ring nagkalapit ang mukha nila. His sensual lips slightly parted now, nawala na ang pagkakatiim ng bagang nito. His perfect straight nose tickled hers. The delicious shock of the delicate contact of their bodies vibrated through her veins. Isang nanunuyang ngisi ang gumuhit sa labi ni Miguel.

"Kung katulad nila ang magiging lover mo, siguradong boring ang sexlife niyo, Inspector Dizon." Tinaasan niya ito ng kilay.

"You are inexperienced woman and probably these youngins were not as good as me in bed. Missionary position lang ang alam ng mga 'yon." Umawang ang labi niya sa lakas ng kompiyansa nito sa sarili.

"Really, Mr. Zaragoza?" She makes her voice sexy and alluring.

Itinaas niya ang kamay at masuyong nilaro ang tainga ni Miguel. Lalong bumaon ang mga daliri nito sa baywang niya at nang paglandasin niya ang daliri sa gilid ng leeg nito ay gusto niyang matawa sa biglang paglitaw ng chicken skin nito sa leeg at balikat. Sandong puti ang suot nito kaya lantad ang malapad nitong balikat.

"Goosebumps... you've got goosebumps dahil lang sa haplos ng daliri ng isang inexperienced na katulad ko." At tama ba ang nakikita niya. His cheeks were gaining a red tint.

"And you blush!" She gushed surprisingly. Lumuwag ang pagkakahawak ni Miguel sa katawan niya. He was about to jerk away pero hindi niya ito binigyan ng pagkakataon. Mabilis niyang ipinulupot ang isang braso sa leeg ni Miguel at inilapit nang husto ang bibig sa tainga nito, hinayaan niyang dumikit ng bahagya ang labi sa earlobe nito. Akalain mong ang cute pala nito kapag tinutukso.

"Maybe you are a good lover, Mr. Zaragoza, pero iyon lang ba ang kaya mong ipagmalaki?" Bulong niya sa tainga nito habang ang isang kamay niya ay humaplos pababa sa katawan nito.

"You have a sumptuous body," she huskily whispered.

"A-audrey..." She smiled as his word fell shaky and clipped. Parang nataranta ito nang nasa puson na nito ang kamay niya.

"The question is... are you well-endowed, Mr. Zaragoza...?" Pinaglandas niya ang hintuturo sa umbok nito.

"Or is this just a cute little pet?" Ibinababa niya ang zipper ng jeans ni Miguel.

"Kaya ka ba nag-walk-out dahil natakot kang makita ko ang size ng pet mo?" Muli niyang itinaas ang zipper nito.

"Your fingers might be talented, Mr. Zaragoza, but this..."

"Fuck!" Napamura ito ng dakmain niya ng buo ang umbok nito as she caught his earlobe between her teeth, tugged it.

"I doubt kung magaling din!" She purred in his ear sensually.

"Better to keep this cute little pet of yours inside your jeans." Kumalas siya mula sa pagkakadikit dito saka lumabas.

Nang makalabas ay noon niya unti-unting pinakawalan ang hiningang kanina pa niya pinipigil. Marahas siyang napalunok nang maramdaman ang basa niyang pagkababae. Naapektuhan siya sa sariling ginawa. Hindi na iba sa kanya ang ginawa niya kay Miguel. Ginagawa niya iyon sa ibang lalaki sa tuwing kakailanganin kapag may misyon sila ni East pero ang pagkakaiba sa nangyari ngayon ay naapektuhan siya. She was getting wet and aroused by her own action. He's huge! Damn! He is well-endowed.

SI MIGUEL ang kinakabahan sa gagawin ni Audrey na pagsali sa motocross. Bakit ba siya pumayag sa gusto nito? Hindi siya makapaniwalang kaya nitong sumukay sa malaking motorsiklo. Ngayon lang siya nakakilala ng babaeng kayang sumakay ng motor. Ang astig lang din nitong tingnan sa suot nitong all black motocross gear.

"Audrey," tawag niya sa dalaga. Natigil ito sa tangkang pagsuot ng helmet at binalingan siya.

"Tigilan mo na 'to. Baka mapahamak ka." Ngumisi lang si Audrey na parang baliwala ang sinabi niya.

"Watch me, Mr. Zaragoza," anito saka isinuot ang helmet. Tanging ang pag-iling ng ulo na lang ang nagawa ni Miguel. He placed the helmet over his head, fixed the straps and climbed onto the bike.  Ipinusisyon nila ang motor sa starting line. Magkatabi ang motor nila ni Audrey. He flipped up the visor on his helmet.

"Audrey, let's stop this. Hindi ka rin naman mananalo kay Kylar." Si Kylar Levesque ang pinakamahusay sa larangan ng sport na ito. Walang nakakatalo sa lalaking iyon. Itinaas ni Audrey ang visor ng helmet.

"Minamaliit mo talaga ako, Mr. Zaragoza. Sa halip na nag-aalala ka sa 'kin mag-focus ka na lang at baka ikaw pa ang madisgrasya." Muli nitong ibinaba ang visor at itinuon ang mata sa unahan. Pinihit nito ang right handlebar ng bike at lumikha iyon ng ingay.

Miguel let out a harsh breath before flipping down the visor. Sampung motor ang nakahilera sa starting line. At nang umalingawngaw ang putok ng baril, hudyat para simulan ang karera, ay agad na umarangkada ang sampung motor. And as usual, Kylar achieved the hole shot. Ito agad ang nanguna. Pero ang hindi niya inaasahan ay halos nakadikit lang si Audrey kay Kylar habang siya ay pangatlo. Walang kahirap-hirap na pinapaandar ni Audrey ang motor and that surprised him.

How was she able to so seamlessly ride across a rough trail with dirt bike. She can even keep her body weight centered on the bike. Anong klaseng training ba ang ginagawa sa pagpupulis at ganito ito kagaling magmotor? Mas lalo siyang naiintriga kay Audrey. Ano pa kaya ang kayang gawin ng babaeng ito?

Sa pagpapatuloy ng racing ay hindi naungusan ni Audrey si Kylar at siya naman ay nasa pangatlo pa rin. Wala siyang balak na lagpasan si Audrey. He needs to keep his eye on her. And he doubts kung papayag nga si Audrey na maungusan niya ito. She is very competitive. May mga pagkakataon na nalalagpasan nito si Kylar at totoong namamangha siya sa galing ng dalaga.

Three more laps to finish the racing nang mangyari ang hindi inaasahan. Kylar fell off his dirt bike.

"Shit!" Miguel cursed, every muscle in his body went rigid as panic swelled up inside him when Audrey took a jump-hill. Napakataas nang tinalon ng motor nito at halos makalas ang puso niya mula dibdib sa takot. Bumitaw pa si Audrey sa isang manibela at itinaas ang kaliwang kamay para mag peace sign at nagbubunying sumigaw habang nakatayo sa ere.

Nakahinga siya nang maluwag nang maayos na lumanding ang motor nito. Halimaw ang babaeng ito. Muli siyang napamura nang siya ang sumeplang sa gilid. Nawala siya sa focus dahil kay Audrey at hindi napansin ang mataas na bahagi ng lupa. Nalagpasan na rin siya ng ibang racers.

Hindi na nakahabol pa si Miguel hanggang sa matapos ang race. Agad niyang nilapitan si Audrey na kausap si Loki at Blu.

"Your jump is perfect. That's too high!" Amazed na komento ni Loki.

"You are amazing, Audrey," sigunda ni Blu.

"Audrey, alam mo bang napakadelikado ng ginagawa mo!" Sita ni Miguel sa dalaga hustong makalapit siya rito.

"Paano ba 'yan, Mr. Zaragoza, nanalo ako. Tawagan mo na si general at sabihin mong palitan ako."

"I change my mind. I'm sorry but you will be staying as my bodyguard and It's not gonna be over until I say so." Iniwan niya ang tatlo at pinuntahan ang nag-uumpukang mga kaibigan. Sina Kylar, Gavril, Era, Piercer... at si April. Girlfriend siguro ni Kylar.

Galit na sumunod sa kanya si Audrey.

"Mr. Zaragoza, may usapan tayong sasabihin mo kay general na tatapusin ko na ang pagiging bodyguard ko sa 'yo sa oras na manalo ako sa motocross."

"I've changed my mind, Ms. Dizon." Miguel said nonchalantly.

"Saka wala naman akong pinirmahang kontrata, so our agreement is void," Miguel added. Audrey was staring daggers at Miguel as her jaw clenched. Bigla itong may hinugot na baril mula sa likuran nito at itinutok sa kanya na ikinabigla niya. Hindi niya inaasahang may dala itong baril.

"Kung ang utak mo kaya ang pirmahan natin ng bala!" Nagtatagis ang mga ngipin ni Audrey.

"Hey, hey, calm down!" Nakataas ang dalawang kamay ni Miguel na natataranta.

"You are my bodyguard and my safety is your top priory, tapos ikaw pa ang mananakit sa 'kin."

"Puwede ba kumalma kayo, tinatakot niyo ang girlfriend ko," Kylar chimed in. Noon lumambot ang ekspreyon ng mukha ni Audrey nang pumaling ang tingin nito kay April na mukhang natakot sa baril. Ibinababa ni Audrey ang baril.

"Pasensiya na," hinging paumanhin ni Audrey at nginitian nito ang babae.

"Ang sarap lang talagang patayin ng taong 'to."

Miguel laughed. "At ang sarap mo namang mahalin." Ang umamong mukha ni Audrey ay muling naging tigre sa sinabi ni Miguel pero kininditan lang ito ni Miguel.

"Ang sarap mong barilin sa bayag," ani Audrey bago ito umalis. Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng dalaga.

"It's more delicious to suck. 'Wanna try?" Sigaw ni Miguel sa papalayong si Audrey. Tinungo ng dalaga ang motor na siyang pinagamit niya rito at sinampahan iyon saka pinaharurot patungo sa parking house ng mga motor. May gusali rito kung saan nila iniiwan ang mga dirt bike. May locker room at shower rin doon.

"At ikaw?" baling ni Miguel kay Kylar.

"Anyare at natalo ka? Kumpiyansang-kumpiyansa akong mananalo ka?"

Ipinaikot ni Kylar ang isang braso balikat ni April.

"Sorry, buddy. The major distraction of me is here."

Sinundan ni Miguel si Audrey. Nang buksan niya ang pinto ay sakto naman ang paghubad ni Audrey sa pang-itaas nito. Nakatalikod si Audrey mula sa pinto. Nakaharap ito sa motor kung saan nakapatong ang pamalit na damit. Inalis nito ang boots at ibinababa ang pantalon. At ngayon ay tanging itim na underwear na lang ang suot. Hindi maiwasan ni Miguel ang mapalunok sa nakikita sa harapan. Audrey has pleasing curves. She looked so damn feminine but not too girly. Her sensuality had given him a thousand jolted degree of lust-to-fuck. Just by the sight of her luscious curves, it broke his mind, filling all sort of desperation for his mind and cock. Gusto niyang murahin ang alaga niya na hindi mapigilan ang unti-unting pagtigas.

"Having a boner, Miguel?" Marahang natawa si Miguel nang magsalita si Audrey. Isinara niya ang pinto at humakbang papunta sa dalaga.

"You know my presence pero itinuloy mo pa rin ang paghuhubad." Aniya habang naglalakad palapit dito.

Humarap si Audrey dahilan para lumantad ang mayayaman nitong dibdib na natatakpan ng itim na bra. And he swears! Gusto niyang baklasin ang sagabal na iyon at ipaloob ang tuktok ng dibdib nito sa kanyang mainit na bibig.

"Ano ang gusto mong gawin ko, ako ang mag-adjust? If you are gentleman enough, Mr. Zaragoza, ikaw na mismo ang lalabas." Magsasalita pa sana si Miguel nang biglang bumukas ang pinto at bumalandra roon sina Blu, Loki, Dathan at iba pang kasali sa motocross.

"Woah!" Halos magkapanabay na bulalas ng ilan. Mabilis na kumilos si Miguel. Iniharang niya ang katawan kay Audrey. Ipinaikot niya ang isang braso sa katawan ng dalaga at binago ang posisyon nila. Ang likod niya ngayon ang nakaharap sa pinto kung nasaan ang mga kaibigan na nanglalaki ang mga mata na akala mo'y ngayon lang nakakita ng babae.

Nilingon niya ang mga kaibigan.

"Lumabas muna kayo, nagbibihis si Audrey at ang mga mata niyo! Parang ngayon lang kayo nakakita ng babae, ah!" Singhal niya sa mga ito. Nagsitawanan ang mga lalaki na lumabas at isinarang muli ang pinto.

Binalingan niya si Audrey nang tumawa ito.

"Ano ba ang ginagawa mo, Miguel?" Natatawa nitong tanong.

"Hindi ka dapat basta-bastang nagbibihis sa ganitong lugar. May shower room, sana doon ka na lang nagbihis."

"Sanay ako sa ganito, Miguel. Sa working field ko balewala ang ganito. Marami ng mata ang nakakakita sa 'kin nang ganito." Bigla ay parang umahon ang inis sa kanyang ibdib sa isipang may nagpipista sa magandang katawan ni Audrey.

"You are beautiful, Audrey, and has pleasing curves. Hindi ka man lang ba nag-aalalang posibleng pinagnanasahan ng mga lalaking nakakakita sa 'yo sa ganitong itsura."

"Binabaril ko ang nagnanasa sa 'kin, Miguel, kaya hindi sila nagtatangka." Mas hinapit niya ito. Napiga ang dibdib ni Audrey sa dibdib niya. Matangkad ang dalaga kaya hindi niya kailangan yukuin para lang titigan ito sa mata.

"Paano kung sabihin ko sa 'yong pinagnanasahan kita Audrey?" Ang mga braso nitong nasa gilid ng katawan ay tumaas at ipinatong ang kamay sa balikat ni Miguel.

"I know, Miguel. Kitang-kita ko sa mga mata mo 'yan. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi kita babarilin. Mas mag-alala ka sa girlfriend mo dahil baka siya ang bumaril sa ulo mo sa taas at sa baba kung malaman niyang matindi ang pagnanasa mo sa 'kin."

"Girlfriend?" May pagtataka niyang tanong.

"Nagkaka-amnesia kapag may halos hubad na babae sa harap, Mr. Zaragoza?" She mocked.

"No! Wala akong girlfriend." Inikutan siya nito ng mata at akmang kakawala mula sa pagkakahapit niya pero hindi niya ito binitawanan.

"Don't you believe me?"

"Ang girlfriend mo mismo ang nagsabi sa 'kin. Si Jem."

"Oh, she's not my girlfriend. Anak siya ni General Arnoco."

"Oh, I see. Isa siya sa mga babae mong pinapaasa. Nakikipagsex ka pero wala lang."

"No! Walang nangyayaring sexual sa pagitan namin." Mabilis niyang tanggi.

"I saw your video, Miguel. Pinakita mismo sa 'kin ni Jem. Saka hindi mo kailangan i-deny 'yong tao. She looks really in love with you."

"What video- oh" Hindi na niya nagawang tapusin ang tanong ng maalala ang sinasabi nito. Siguro iyong naghahalikan sila ni Jem. Naalala niyang may hawak na phone ang dalaga.

"That woman!" Nahirapan siyang makawala kanina kaya pinakiusapan niya si Austin na ilayo muna si Jem. Alam niyang magwawala ang babae, at hindi nga siya nagkamali dahil tumawag sa kanya si Austin at sinabing kinalmot ito ni Jem sa mukha nang wala na sila ni Audrey sa cottage.

"Walang nangyayari sa amin. Gusto ako ni Jem noon pa man pero hindi ko siya pinapatulan. We've kissed. Yes. Pero isang beses lang. Pinagbigyan ko lang siya. Nangako siyang titigilan na ako kapag hinalikan ko siya pero hindi ko naman alam na kinuhanan niya ng video." Mahaba niyang paliwanag na hindi niya alam kung bakit niya ginagawa. Noon ay wala siyang pakialam sa magiging impresyon sa kanya ng mga babae-- except Cassy of course-- at hindi niya kailanman itinatanggi o kinukumpirma ang mga eskandalong nakakasangkutan totoo man o hindi.

Tinitigan niya si Audrey, ang mga labi nito. At muli ay inaatake na naman siya ng matinding kagustuhang halikan ang dalaga.

"Alam mo bang hindi ko nakalimutan ang mga nangyari sa atin ng gabing iyon, Audrey?"

Audrey tightly pressed her lips together.

"Ako rin," pag-amin nito. Kinakitaan niya ng hiya ang dalaga na ikinataas ng mga sulok ng labi niya.

"Do you like my kiss?"

Marahang tumango si Audrey. "Nagustuhan ko. Ang bango ng hininga mo, eh." May humor na sagot ni Audrey para bawasan ang tensiyong namumuo sa pagitan nila. Pero hindi ito tumitingin sa mukha niya.

"I wanna kiss you right now, Audrey." Marahang dinama ni Miguel ang hubad na likod ni Audrey at bahagya itong suminghap. Noon tumingin sa kanya ang dalaga at wala siyang nakitang anumang pagtutol sa mga mata nito.

Nang bumaba ang tingin ni Miguel sa mga labi ni Audrey ay sumidhi lalo ang pagnanasang nararamdaman niya para sa dalaga. At walang pagdadalawang isip niyang inangkin ang labi ni Audrey. Ibinuhos sa halik ang matinding frustration dahil sa matinding pagpipigil na angkin si Audrey. Ipinaikot ni Audrey ang mga braso sa batok ni Miguel at walang inhibisyong sinabayan ang bawat galaw ng labi at dila ni Miguel. Ang walang pag-aatubiling pagtugon ni Audrey sa mga halik niya ay siyang lalong nagtutulak sa kanya para angkinin ang dalaga. He wants her. He wants more of her. Tumaas ang isang kamay ni Miguel para sana damhin ang dibdib ni Audrey pero muli rin niya iyong ikinuyom at ibinalik sa pagkakalapat sa baywang ni Audrey.

Habol nila parehas ang paghinga nang putulin nila ang maalab na halik. Miguel pressed his forehead against hers, his chest rose and fell with rapid breaths.

"Magbihis ka na." Marahang tumango si Audrey saka kumawala sa pagkakahawak niya na katulad niya ay tila hinihingal din.

---
Mag backread sana ako sa Claimed para tingnan ang motocross scene doon para tumugma dito. Hindi ko pala naisama sa wattpad version, nasa book lang pala. Marami-rami palang missing chapters sa Hunk Society 1 dito sa wattpad.

BTW: About sa mini meet up sa Iloilo, pwede po kayong mag-join sa Whroxie's Army and Wattpaders Iloilo official fb group for more details. Wala pang venue pero around Iloilo city lang. 1-4 pm- May 19. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top