Chapter 6


HINID iniiwanan ni Audrey ng tingin si Miguel na nakikipag-inuman sa mga kabarkada. Sa apat na kasama nito, si Leon lang ang kilala niya.

Pinadalhan lang siya ni Miguel ng hapunan kay Benjie kanina pero hindi niya nakasabay kumain si Miguel. Pagkatapos ng nangyari sa cottage kanina ay hindi na ito bumalik. Ayon kay Benjie ay nandito nga raw si Miguel sa bar, kaya agad siyang sumunod pagkatapos kumain. Mahirap na! Baka kung mapaano pa ito. Mukhang lapitin pa naman ito ng gulo. Naalala niya nang unang pagtatagpo nila ay napaaway rin ito at kung hindi siya dumating ay siguradong bugbog sarado ito.

Kinuha niya ang goblet mula sa counter, dinala iyon sa kanyang bibig at sumipsip ng wine. Hindi siya pwedeng malasing kaya wine lang ang in-order niya. Mula sa kanyang peripheral vision ay nakita niya ang isang babaeng umupo sa katabi niyang stool. Nakatalikod ito mula sa bar counter,  nakatoon ang mata nito sa kung saan habang poise na sumisimsim ng alak mula sa baso nito.

Itinuon niya ang mata sa sariling baso at nilaro ang laman niyon. Pinaiikot-ikot niya ang wine sa loob ng baso habang nakatitig roon.

"I'd seen Miguel here." She looks sideways at the girl when she heard her mentioning Miguel's name. She had her smart phone pressed to her ear and glass in her other hand.

"Tama ka nga, nandito siya. Ngayon wala nang kawala ang lalaking ito sa 'kin."

Inilapag niya ang goblet sa countertop at pinakatitigan ang babae saka hinayon ng mga mata ang direksiyong tinitingnan ng babae. Nakumpirma niyang sa grupo nila Miguel ito nakatingin.

Ito ba ang naghahabol kay Miguel? Maganda ang babae. Mestiza, matangkad at mahubog ang katawan. Messy bun ang ayos ng buhok nito. Bumaba ito mula sa pagkaupo sa stool pagkatapos ilapag ang baso sa countertop. Ibinalik nito ang smart phone sa bag at nagsimula itong maglakad sa kinaroroonan ni Miguel.

Mabilis siyang bumaba sa stool at sumunod sa babaeng humahampas ang balakang sa hangin sa bawat hakbang. Nang malapit na ito sa kinaroonan ni Miguel ay ipinasok nito ang kamay sa bag na mukhang may kukunin. Naalarma siya bigla.

Hinugot niya ang baril mula sa kanyang likuran na nakaipit sa jeans at mabilis ang ginawa niyang mga hakbang. Isa o dalawang hakbang na lang ang layo ng babae kay Miguel nang haklitin niya ang palapulsuhan nito dahilan para mahugot ang kamay nito mula sa loob ng bag. Sa isang mabilis na pagkilos ay pinaikot niya ang babae na ikinatili nito at buong puwersa niyang itinulak sa bakanteng upuan sa tabi ni Miguel. Sumubsob ang mukha ng babae sa sandalan ng sofa habang hawak niya ang palapulsahan nito sa likuran sa paraang hindi ito makakakilos. Itinutok niya ang baril sa sentido nito.

Ang limang lalaki ay naitulos sa kinauupuan sa nasaksihan.

"Oh my, God! Oh my, God! Miguel, help me! Help me!" Hintakot na nagtitili ang babae. Noon kumilos si Miguel para awatin si Audrey.

"Audrey, let her go. Kilala ko siya," ani ni Miguel na nasa mukha pa rin ang matinding pagkabigla.

"Siya ang babaeng naghahabol sa iyo 'di ba?"

"Ahm... no! Let her go."

"You bitch! Let go of me!" Hiyaw ng babae. Binitawan niya ito pero kinuha niya ang bag nito at kinalkal. Wala siyang nakitang kahit na anong deadly weapon kundi mga gamit pambabae lang.

Inagaw ng babae ang bag mula sa kanya. "Sino ka ba?" singhal nito habang hinihilot ang palapulsuhang nasaktan at nagsumiksik kay Miguel.

Ibinalik niya ang baril sa likod ng kanyang jeans. Natatakpan iyon ng denim jacket.

"Pasensiya na. Pinapangalagaan ko lang ang kaligtasan ni Miguel," hingi niyang paumanhin.

"Sino ang babaeng 'yan, Miguel?"

"She's Audrey, my bodyguard." Si Miguel na pilit sinusupil ang ngiti sa labi. Kung kanina ay gulat ang nasa mukha nito, ngayon naman ay amusement. Para itong matatawa.

"Ano ba ang ginagawa mo rito, Jem?"

"Dalawang linggo na kitang hindi nakikita kaya sinubukan kong puntahan ka rito. Kahapon pa ako nandito, actually. Nakausap ko si Tito Syd--"

"Let's go to your cottage. Doon tayo mag-usap." Ang inis sa mukha ng babae ay agad na nahalinhinan ng kagalakan.

"I'd love that! I'm staying in the hotel." Mabilis itong tumayo at hinila si Miguel.

Hinarap siya ni Miguel. "Ihahatid ko lang si Jem sa suite niya."

"Sasamahan ko na kayo."

"Hindi na. Babalik din ako. Nice moves by the way." Natatawa nitong ani. Mataray naman siyang tinitigan ng babae. Binilin siya ni Miguel sa mga kaibigan na ikinatirik ng mga mata niya bago ito umalis kasama ang babaeng parang tuko sa pagkakakapit sa braso ni Miguel. Baka siya pa ang maging tagapagtanggol ng apat na ito. Mukhang walang mga alam kundi ang mangindat ng mga babae.

"Sit down, Audrey." Leon tapped the space beside him. Umupo siya sa tabi ni Leon kung saan nakaupo si Miguel kanina lang.

"Ikaw ba ang sinasabing bodyguard ni Miguel?" Tanong ng isang lalaking nakaupo sa katapat nila ni Leon.

"By the way, that's Loki," Leon introduced the man. Loki immediately extended an arm for a handshake. Inabot niya ang kamay nito.

"And I'm Gavril," ani naman ng isa at katulad ni Loki ay nakipagkamay sa kanya.

"If I'm an airline captain, Gavril is a ship captain," Leon said.

"Parang ang babata niyo pa para maging captain agad." Pero sa bagay, age is only a number and doesn’t affect people's ability to do the job. Sa edad na bente-kwatro ay kaya rin niyang magpalipad ng helicopter and East as well.

"He first got his hands on the controls of an aircraft at the age of 8 on an experience flight with his father who's also a  commercial airline pilot," a man butted in.

"And by the way it's me, Herrick. Nagkakilala na tayo kanina, remember?" Oh, yes, natatandaan niya ang isang ito. Ito ang anak ng may-ari ng islang ito. Isa ito sa sumalubong sa kanila ni Miguel kanina pagdating nila.

"He's a gambler," bulong ni Leon. Marahan siyang natawa. Hindi niya alam kung seryoso o nagbibiro lang.

"Nice to meet you all.  I'm Audrey, Miguel's bodyguard."

"This is my first time to meet a lady bodyguard." Si Loki na hindi maitago ang pagkamangha.

"And your fighting skills are awesome!" Dagdag ni Loki.

"Thank you!"

Noon naman may dumating na isang magandang babae na mukhang si Herrick ang sadya dahil tumayo ito sa gilid ng kinauupuan ni Herrick.

"Hey, stepmom! Sinusundo mo na ba ako?" Patuyang sabi ni Herrick.

Sinulyapan siya ng babae at tipid na ngumiti at nakita niya sa ekspresyon nitong nahihiya, bago muling binalingan si Herrick.

"Herrick, we need to talk."

"Okay, sabihin mo ang gusto mong sabihin."

"In private!"

"No! Dito mo sabihin sa 'kin. Ibabalita mo bang magkakaroon na ako ng kapatid?" Nahigit ng babae ang hininga, at kung hindi madilim ay siguradong makikitang namumula ang mukha nito.

"Never mind!" Akmang tatalikod ang babae nang hablutin ni Herrick ang kamay nito at marahas na hinila kaya mula sa tagiliran ng sofa ay bumagsak ang babae sa ibabaw ni Herrick. Nakapatong ang hita nito sa armrest.

"Now talk, stepmom!" Herrick demanded as he stared at her face intently. Mabilis na tumayo ang babae, bakas ang galit sa mukha nito.

"Stepmom! Yes, Herrick, I'm your stepmother kaya dapat matutunan mo akong respetuhin." Tumiim ang mukha ni Herrick sa sinabi ng babae.

"Babalik na ako ng villa, at kung matino ka ng makakausap puntahan mo na lang ako d'on." Tatalikod na sana ang babae nang tawagin ito ni Herrick. Humalukipkip ito.

"Sino ang kasama mong nagpunta rito?" Tanong ni Herrick.

"Ako lang at sana hindi ko na lang ginawa dahil nasayang lang ang oras ko." Pagkasabi nito ay tumalikod na ito.

"Maruja!" Malakas na tawag ni Herrick pero hindi na ito pinansin ng babae.

"Buwesit! Sinabi kong huwag pupunta dito kapag dis oras na. Ang tigas ng ulo ng babaeng ito." Tumayo si Herrick at sumunod sa babae.

"She's Maruja, stepmother ni Herrick," si Leon.

"Oh, she's so young." Komento niya na nakatingin pa rin sa dinaanan ng dalawa.

"Yeah. She's in her early twenties and Fabio Pantaleon, Herrick's father is a senior. Hindi nga papasang mag-ama. Mukhang maglolo na. But Maruja is a nice woman. Very nice."

Tumango-tango si Audrey. Mukha ngang mabait si Maruja. Makikita sa kiming pagngiti nito sa kanya at sa mga mata nito na mabuti ang babae. Hindi katulad ng babae ni Miguel na muntik na niyang balian at barilin. Unang tingin mo palang ay makikita mo na ang aura ng kamalditahan. Speaking of Miguel and that girl, nasaan na kaya ang dalawang iyon? Ano na kaya ang ginagawa ng mga ito sa oras na ito?

"OH,  MIGUEL!  I  want  you!"  Jem  kissed  him  aggressively, hand fondled   the  button  of  his  jeans  as  she  straddled   him. Pagpasok palang nila ng silid ay bigla  na  lang  siyang itinulak  ni  Jem sa kama at  kinabayuhan.

Inilayo niya lang si Jem kay  Audrey para balaan ito. Sinabi niya   kay  Jem  na   "Miguel  Zaragoza"  ang  pangalang  ginagamit  niya  at   huwag  babanggitin  ang  totoo  niyang  pagkatao  kay  Audrey.

Hinawakan niya ang kamay ni Jem na pilit binubuksan ang zipper ng kanyang pantalon at iniwas niya ang mukha sa dalaga. Para itong zombie na gutom na gutom kung manakmal.

"Damn, Jem, tigilan mo ang kalokan mo!" singhal niya sa dalaga.

"Babalik na ako sa cottage. Matulog ka na."

"No!" Jem stubbornly folded her arms across her chest. 

"Jem, please--"

"Please, Miguel! Bakit ba ayaw mo sa  'kin? Ginawa ko na nga ang lahat  para magustuhan mo ako. I even tried to be look like Cassandra. Hell! Hindi  kinakaya ng malademonyita kong inner beauty ang maging mala-anghel na katulad  niya  pero  ginawa  ko  para  sa  'yo  dahil   alam  kong  katulad  mo  ang  gusto  niya."

Napailing  si  Miguel  at  parang  mapuputukan  siya  ng  ugat  sa  batok  sa  kakulitan  ni  Jem. Nagdadalagita  pa  lang  ito  ay  tahasan  na   nitong  sinasabing  gusto  siya  nito.  Anak  si  Jem  ni  General  Arnoco  at  isa  iyon  sa  dahilan  kaya  hindi  niya  kayang  patulan  ang  dalaga. Kapag  ginawa  niya  iyon  tiyak  na  katapusan  na  ng  maliligayang  araw  niya. Jem  has  six  brusko brothers and  most  of  them were police and army.  At  isa  pa  ay  parang  kapatid  na  rin  ang  turing  niya  sa  batang  ito. Jem is  only  nineteen  for  God's  sake!

"Jem,  hindi   kita  pwedeng  ligawan--"

"Hindi ko sinabing ligawan mo ako. Ako ang manliligaw sa 'yo and all you have to do is to say 'yes' ."

"Oh, Jem, I can't because  I don't love  you!" Pain flickered across her face and a pang of guilt swept through  him.

"Oh,  Jem,  I'm  sorry."  Sinapo  niya  ang  magkabilang  pisngi  nito  at  hinuli  ang  mata.

"You  are  so  beautiful."

"Then  why  don't   you  like  me?  Bakit  hindi  mo  ako  magawang  mahalin?" Matinding lungkot ang mababanaag sa mga mata nito dahilan para mas  makaramdam siya ng pagkakonsensiya.

"I love you as my sister. Jem, you are only nineteen and I am Thirty."

"It doesn't matter, Miguel! In fact, I  prefer a man that older than me. Late  twenties or in early thirties men were  smokingly hot as hell than those  in  their early twenties."

Nauubusan ng pansensiyang  bumuntong-hininga si Miguel.  Hinawakan niya sa magkabilang  balikat ang dalaga. 

"Listen, Jem. I'm in love with someone else." Napakunot ng noo ang dalaga, pero kapagkuwa'y   umiling ito na may ngisi  sa  labi  na  parang  sinasabing  "hindi  mo  ako  maloloko."

"I don't believe you!"

"You have to believe me because I'm telling the truth."

"Who is she? Kapag may naipakilala ka sa 'kin I promise titigilan na kita," hamon  nito. Saglit siyang natahimik.  Bumuntong hininga kapagkuwan.

"Remember  the  woman  at the  bar?  Si  Audrey."  Umawang  ang  labi  nito  at  bahagya  siyang  pinanglakihan  ng  mga  mata  sa  paraang  nagtatanong.

Tumango siya. "I love her but I don't have the courage to tell her.  She's brokenhearted so I think this is not the right time show my interest in her." Kailangan  niyang  magsinungaling para tigilan na siya ni Jem.

"She's pretty, yes. But Cassandra and that woman are completely opposite to each other in every way. Mala-anghel ang mukha ni Cassandra and demure at iyon ang gusto mo. But that girl... para siyang amazona."

"A princess warrior." Wala sa loob na  ngumiti  si Miguel nang maalala kung gaano ito kagaling makipaglaban.

"Oh, my God!" Bulalas ni  Jem na ikinabalik ng atensiyon niya rito.

"What?" he asked, creases forming between his brows. 

"You are not lying! You are really in love!" 

"What?"  Confused  niyang  tanong, at halos magdikit ang kanyang mga kilay sa pagkakakunot ng kanyang noo.

"Your eyes are shining like stars  in the dark night. Ewww !" Paismid  nitong sabi. Napipilan si Miguel at  ikinurap ang mga mata nang makailang ulit na para bang maaalis niyon ang kinang na nakikita ni Jem. Ano ba  ang  pinagsasabi ng babaeng  ito?

"Kainis! Paano kang na-in love sa babaeng 'yon?"

"Naniniwala ka na?" Sa halip na sagutin ay nagtanong rin siya.

Jem frowned. She fished the phone out of her bag, gliding a finger through the screen. Kapagkuwa'y muli siya nitong tiningnan.

"Bakit  kailangan  mong  palitan  ang  pangalan  mo?"  She  asked,  pouting her  lips  childishly.

"It  was   a  long  story  to  tell,  Jem. Huwag  ka  na  munang  magtanong."

She rolled her eyes ceilingward. "Okay fine!" Tumaas nang bahagya ang kilay ni Miguel. Himala at ang bilis makumbinsi nito ngayon.

"Aalis na ako." Ipinulupot  ni  Jem  ang  mga  braso  sa  leeg  niya at nanatili sa pagkakakandong.

"Hindi  na  kita  kukulitin  kahit   kailan in one condition."

"Spill it out."

Jem smiled and pouted. "Kiss  me."

"Jem!" he hissed.

"What? Just one  kiss  and  you  will  be  free  from  me."

"You're  such   a  brat!"

"I  know! Now  kiss  me  and  I  will  set  you  free."

Napakamot sa  ulo si Miguel at  walang  nagawa  kundi  ang  gawaran ng mabilis na halik ang  dalaga. Isang halik kapalit naman ng katahimikan niya.

      "Is  that  what  you  call a  kiss?  Sabi  sa  'kin  ni  Cindy   you  are  a  good  kisser!" 

"Cindy?"

"My  cousin.  Sabi  niya  naka-one  night  stand  mo  siya  at  alam  mo  bang  gusto  ko siyang  kalbuhin nang  sinabi  niya  'yon  sa 'kin."  Nanggigigil na  sabi  nito.

"I  don't   remember.  Sige  na,  Jem,  baka  hinahanap  na ako  ni  Audrey."

"No!"  Pagmamatigas  nito  at lalong  yumakap  sa  kanya.

"A  want  the  best  kiss. Give me a magical kiss, make this my  unforgettable  kiss,  please,  Miguel" Miguel  groaned,  unsure  if  he  will  be  peeving   or  frustrating  dahil  sa  kakulitan   ni  Jem.

"Okay.  But  after  this,  titigilan  mo  na  ang  kabaliwang  'to,  ah?"

Jem giggled as she nodded her  head enthusiastically.  Ikiniling  ni  Miguel  ang  ulo  and  took  a  deep  breath. Hinawakan niya  ang  kabilang pisngi nito at inilapat ang  labi  sa  labi  ng  dalaga. Jem  immediately  took  the  chance. Agad nitong pinalalim ang halik, mas mahigpit na yumakap at idinikit  pang lalo  ang  katawan  nito  sa  kanya. 

She's desperately trying to stick her tongue down his throat.  Mabilis  na  inilayo  ni  Miguel  si   Jem  nang  maramdamang  wala  itong  balak  na  putulin  ang  halik.
Hinawakan  ni  Miguel  sa magkabilang  balikat  ang  dalaga  at  inalis  mula  sa  kandungan  niya  saka  tumayo  mula  sa  kama. 

"Hmp! KJ  naman  nito!"

"Ito  na  ang  huling  gagawin  mo  'to,  Jem,  at  tigilan  mo  na  ang pagsunod-sunod  sa  'kin  dahil  baka  kung  mapaano ka  pa  dahil  sa  ginagawa  mo!"

Nakasimangot si Jem na iniwan niya. Tinawagan niya si Leon at tinanong  kung nasa bar pa si Audrey pero bumalik na raw ng cottage kaya tumuloy na rin siya sa cottage. 

Natigil sa paglalakad si Miguel nang matanaw si Audrey sa labas.  Nakatayo  sa maliit  na  lanai  ng  cottage  at  nakatanaw  sa  madilim  na  karagatan. Yakap  nito  ang  sarili  na  mukhang  nilalamig.  Ang  mahaba  at  itim  na  itim  na  buhok  nito  ay  inililipad   ng  hangin gayon din ang  suot  nitong   silk  aqua  blue  night gown, humuhubog  iyon  sa  katawan ng dalaga. 

Jem was right. Exact opposite ni Audrey si Cassy. Cassy looks angelic; innocent and harmless while Audrey is absolutely looks fierce like a warrior  princess. Dangerous. Treat like a fire.

Cassy and Audrey reminded him of Victoria secret angels Miranda Kerr and Adriana Lima. They are both beautiful in their on way. At  kung  modesty  ang  pag-uusapan.  Cassandra is the epitome  of modesty.  Si Audrey naman ay pinong  kumilos, may class ang galaw nito na para bang nature na nito iyon at iyon ang pagkakapareho ni Cassy  at  Audrey. But Audrey was capable to set a aside her classiness kung hindi  iyon  kinakailangan.  She  can  move  like  a  man  lalo  na  pagdating  sa pakikipaglaban na hindi kayang gawin ni Cassy.

Nahigit ni Miguel ang hininga nang  hawiin ni Audrey ang hibla ng  buhok  na  inilipad  ng  hangin  sa  mukha  nito at bumagsak  ang  roba   mula  sa  balikat. Lumantad  ang  payat  na  balikat  nito. Labas  na  labas  ang  shoulder  blades.  Audrey cocked  her  head  to  the  right  side  at  hinaplos  nito  ng  palad  ang  payat  na  leeg  and  damn! She  looks  sexy  habang  ginagawa  iyon. 

Miguel's  throat  suddenly   went  dry  as  he  felt  hot  needles  of  desire  seared  through   him  and  he could   feel  the  crotch  of  his  jeans  getting  tighter  at the  sight  of  her. Ikiniling  niya  ang  ulo  at  pilit  na  pinayapa  ang  sarili. 

Walang  ingay  ang  ginawa  niyang  paglapit  sa  kinaroroonan   ni  Audrey. Agad  nitong  ibinaling  ang  tingin  sa kanya  hindi  pa  man  siya  nakakalapit  nang  husto. Ang  lakas  ng pakiramdam. Inayos  nito  ang pagkakasuot ng roba.

"Hindi  ka  pa  natutulog?" aniya  hustong makalapit.

"Nagpapahangin  lang. Saka  hinihintay  kita. Hindi  ko  kayang  matulog  hanggat  hindi  ko  siguradong  ligtas  ang  bini-baby  sit  ko."

"Baby  sit?" amused  niyang  tanong.  Ito  ba  ang  tawag  ni  Audrey  sa  ginagawang pagprotekta  sa  kanya.  Nagkibit   ito  at  sinuyod  siya  ng  tingin, tumigil  ang  nanunuring  mata  nito  sa  pribadong   parte  niya.

"Bukas  pa  ang  zipper  mo."  Pagkasabi  nito  ay  tinalikuran  na  siya at nagpatiuna  na sa  loob. 

Niyuko niya ang sarili.  Napangiwi  siya  nang makitang  bukas  nga  ang  zipper ng  pantalon.   Agad  niyang  sinarado  ang  zipper  ng  jeans  saka  sumunod  sa  loob.  Napasukan  niya  si  Audrey  na  naghahanda  sa  paghiga  sa  baba  ng  kama. May  nakalatag  na  comforter  sa  lapag.  Isinarado  niya  ang  pinto.

"Sa  kama  ka  na.  Diyan  na  ako  sa  baba."

"Dito na ako."  Humiga  ito  at  nagkumot.  Hindi  na  rin  nito  inalis  ang  roba. 

"Audrey--"

"Don't  argue,  Mr. Zaragoza!" she said with finality saka ipinikit ang mata, mukhang ayaw talagang makipagtalopa.

Hindi  na  nagpilit  pa  si  Miguel. Nagbihis  lang  siya  at  humiga   na  pagkatapos  patayin  ang  main  light  at  iwang  bukas  ang  lamp  shade. Inunan  niya  ang  isang  braso  habang  nakatitig  sa  kisame  at  kapagkuwa'y  ipinaling  ang  ulo  sa  sa kaliwang bahagi.  Tumagalid  siya  ng  higa  at  maingat  na  umusog  sa  gilid  ng  kama  at  dahan-dahang  sinilip  si  Audrey.  Nakahiga  ito  ng  patagilid  at  nakatalikod  sa  kama. 

"May kailangan   ka,  Mr. Zaragoza?" 
Ang  lakas  naman  ng  pakiramdam  ng babaeng ito.

"Um...  sigurado  ka  bang  diyan  ka  na  lang?"

"I'm  fine  here."
Bumuntong-hininga  siya  at  muling  tumihaya.

"Si  Jem...  iyong   babae  kanina  sa  club...  she  just  a  friend."

"I  don't   care  about   your  personal   life,  Mr. Zaragoza  o  sa  mga  taong  involve  sa  'yo  as  long  na  hindi  sila  treat  sa  buhay  mo."

Napangiwi  si  Miguel.  Bakit  ba  kasi  nagpapaliwanag  siya?

"Sabi  ko  nga."

KINABUKASAN  ay  nagpahanda  si  Miguel  ng  almusal sa  labas  ng  cottage  sa  halip  na  magpunta  pa  sila  ng  restaurant.  Isang  katamtamang  laking  lamesa  ang  inilagay  sa  ilalim  ng  puno  ng  niyog  na  wala  namang  bunga. 
Kumuha  siya  ng  maliit  na  slice  ng mansanas  at  kinagat  iyon  habang  nakatanaw  sa  asul  na  asul  na  karagatan. Habang  naghihintay  siya  kay  Miguel  na  naliligo  ay  ang bowl  ng fresh  mixed  fruits  naman  ang  pinagdidiskitahan  niya.

"Hi!" Isang  magiliw  na  boses  ang  nakapagpalingon sa kanya.  Ito  iyong  babaeng  muntik  na  niyang  balian  kagabi. Lumapit  ito  sa  kinaroroonan  niya,  humila  ito  ng  upuan  at  umupo  sa  kaliwa  niya  at  inilapag  ang  phone  sa  mesa.

"You  are  Audrey,  right?  I'm  Jem  Mhica  Arnoco. And  soon  to  be  Mrs. Miguel  Mon--  Zaragoza." Inialok  nito  ang  kamay  sa  kanya na inabot naman niya.

"Where's Miguel?"

"Ahm. Nasa loob naliligo, pero  patapos na siguro 'yon."

Tamango-tango ito.  Natuon  ang  mata  nito  sa  mga  pagkaing  nasa  mesa.  Kumuha  ng  slice  ng  orange  at  sinipsip  ang  katas  niyon.  Nang  maubos  ay  inilapag  sa  mesa  ang  balat  saka  siya  muling  tiningnan  at  matamis  na  ngumiti.

"Ahm... can I share something with you? I'm just really happy and I want to share my feelings," she said  excitedly with a radiant  smile in her face. She grabbed her smartphone from the table, sliding her finger back and forth over the screen before she handed it to her.

"Tingnan mo bilis!" Excited  nitong  sabi. 

Nagtataka  man  ay  kinuha  na  lang ni Audrey ang  gadget  at  tiningnan  ang  screen. Wala  sa  loob  na  napasinghap   si  Audrey  nang  makita   ang  video.  Si  Miguel  at  Jem  ang  nasa  video  at  naghahalikan. 

"Isn't he a good kisser? Last night is 
the most memorable moment of my  life!" Jem giggled. 

Ito ba ang magkaibigan lang? 

Remember,  Audrey,  wala  kayong  relasyon  ni  Miguel  and  not  even  a friends  pero  may  finger-fucked na  naganap.  Paalala  ng  isang  bahagi  ng  isip  niya.

"Jem, what are you doing here?" Mabilis na inagaw ni Jem ang gadget mula kay Audrey nang marinig ang boses ni Miguel.

"Hi, Miguel, good morning!" Tumayo  si Jem at ginawaran ng halik si Miguel sa pisngi at muli ring umupo. Si  Miguel naman ay umupo sa harap  niya.

"I'm here to grab a bite to eat. Can I join you for breakfast?" Bagamat nagpapaalam palang ay kumuha na ito ng plato at nagsimulang maglagay ng pagkain.

"Makakahindi pa ba ako?" Bumungisngis lang ang babae.

Nang bumaling si Miguel sa kanya ay nginitian siya nito pero awtomatikong  umikot ang mata ni Audrey na hindi niya dapat ginawa, huli na para bawiin pa ang naging aksiyon niya.

___

A/N:Hello! I'll be having a mini meet up sa Iloilo on May 19. Sa mga taga Iloilo, baka po gusto niyong mag-join sa amin. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top