CHAPTER 4
HINDI maintindihan ni Audrey kung bakit kinakabahan siya. Parang may mga dagang nagkakarera sa dibdib niya. Mas nakakaramdam pa siya ng kaba sa muling pagkikita nila ni Miguel kaysa sa pakikipagbarilan sa mga kriminal. Alam niyang alam ni Miguel na siya ang magiging bodyguard nito. Ipinapakita muna ang profile ng isang police na siyang magiging bodyguard sa taong nangangailangan ng proteksyon. Ano kaya ang naging reaksiyon nito nang makitang siya ang magiging bodyguard nito? At ano kaya ang magiging reaksiyon nito sa muli nilang pagkikita?
Nagambala ang malalim na pag-iisip ni Audrey nang may gumagap sa kamay niya. Ibinaling niya ang tingin sa pinakaguwapong police officer slash driver sa buong mundo.
"You okay?" East asked. She just smiled and gave him a slight nod
"Mukha kang kabado."
"Talaga?" She put a hand on her chest and swallowed hard as she realized that her heart pounding frantically. Why had just seeing him had such effect on her? The thought of facing the man he had hookep up with made her heart pounding wildy inside her chest. Kung ano-ano ang naiisip niya. Ano ba ang mangyayari sa set up nilang ito?
Tumango si East. "Bakit nga ba?" Nasa tono nito ang pagtataka. Hindi niya masisisi si East. Hindi siya basta-bastang nakikitaan ng ganitong emosyon ni East kahit nasa gitna pa sila ng bakbakan. Sa uri ng trabaho nila ay hindi sila dapat basta-bastang naapektuhan ng ano mang bagay at sitwasyon gaano man ito kadelikado. Lumaki siyang itinanim sa isipan na ang kaba at pagkahabag ang mga bagay na dapat niyang isantabi. She should be ruthless and heartless sa mga masasamang taong pinapatay nila.
Humugot siya nang malalim na hininga. "Wala naman. Na e-ebs lang ako." Palusot niya na ikinatawa naman ni East. Hindi pwedeng malaman ni East ang nangyari sa kanila ni Miguel. Malalagot siya rito.
"Nandito na tayo sa Hunk Society Mansion a.k.a Mujeriego." Sumilip si East sa labas ng bintana ng sasakyan at siya naman ay sumilip sa windshield para tingnan ang tinutukoy ni East. Hindi man lang niya napansin na huminto na ang sasakyan. Ayon kay General Arnoco ay dito sila magkikita ni Miguel Zaragoza, sa Mujeriego o mas kilala sa tawag na Hunk Society Mansion ng mga hindi miyembro nito. The secret sex mansion in the middle of the city. Ekslusibo ang lugar na ito para sa mga miyembro. Para sa mga hindi miyembro ng club na ito, it was just a typical high-end club where people can unwind, pero ang hindi nila alam ay may kababalaghang nangyayari sa loob.
Malaking tao ang may-ari ng club na ito kaya naman kahit labag sa batas ang nangyayari sa loob ay hindi naipapasara. Ngayon ay curious siya sa kung ano nga ba ang nangyayari sa loob ng sex mansion na 'yan. Nalaman lang niya ang tungkol sa bagay na ito kay East dahil ito ang nag-background check kay Miguel. Sa tuwing may ipapa-babysit sa kanya si General ay bina-background check muna ni East and so far, okay naman daw itong si Miguel Zaragoza, isang babaerong anak mayaman daw kaya hina-hunting ng isa sa mga niloko nito kaya nangangailangan ng proteksiyon.
"The Hunk Society Mansion," basa ni East sa nakasulat sa labas ng mansiyon.
"Lahat kaya ng member ng Hunk Society ay talagang mga hunk?" Tanong nito habang nakatingin sa mansiyon.
"Nag-background check ka 'di ba?"
"Kay Miguel lang ako nag-focus."
"If their looks were the same as Mr. Zaragoza's. They're probably all handsome." Ipinaling ni East ang paningin kay Audrey.
"Papasa akong maging miyembro ng Hunk Society."
Nakangiwi niyang tinitigan si East.
"Hunk ka ba?" East rubbed his chin that covered with stubble.
"Hambog ka! Hindi hunk." Nakatawang ani niya.
"Halika na nga."
Nang makababa ng sasakyan ay kinuha ni East ang bagahe ni Audrey sa trunk ng sasakyan. Agad naman silang pinapasok ng isang security guard nang magpakilala siya. Mukhang inaasahan na ang kanyang pagdating.
Marahang siniko ni Audrey si East sa tagiliran nang may lalaking lumabas mula sa malaking pinto ng mansion at naglakad patungo sa kinaroroonan nila. Matangkad ang lalaki na may kayumangging kulay at ang mga mata ay parang madilim na gabi sa sobrang itim at mas lalong pinaitim ng makapal at mahaba nitong pilikmata.
"Do you see how handsome he is? Wala kang panama. Lalo na kapag nakita mo si Mr. Zaragoza sa personal. Lalo kang manliliit. They look so intense that every woman preferred for a man while you, on the other hand just a cutie dude."
"Oh, thank you, Drey, for boosting my confidence," sarkastiko nitong sabi.
"Walang anuman. Sino pa ba ang magpapalakas ng mga loob natin kundi tayong magkaibigan lang." East locked his arm around her neck. Natawa naman si Audrey sa pabirong pagsakal nito sa kanya. Pero syempre nagbibiro lang siyang walang panama si East sa mga ito. East is one of God's perfect creations. Handsome as fuck! Hot as hell!
"Hi," bati ng lalaki nang makalapit ito sa kanila.
"Hello," she greeted him back.
"I'm Dathan Roque, the owner of this mansion. And you must be Audrey Dizon?" Pakilala nito kasabay nang paglahad ng kamay. Agad na inabot ni Audrey ang nakalahad na kamay ng lalaki at nakipagkamay.
"Inspector Audrey Dizon," pakilala niya.
"Inspector East Villalobos." Pakilala naman ni East na inilahad ang kamay for a handshake na inabot naman ng lalaki.
"Miguel is waiting for you on the rooftop." Instinctively she looks up. Bakit sa rooftop?
"MAGRE-RESIGN na talaga ako sa pagiging piloto! Damn you all!" Nilingon ni Miguel si Leon na naghihimutok habang nakasandal sa gilid ng helicopter.
"What are friends for kung ito lang hindi mo ako mapagbigyan?"
"Oh, damn! I was in the middle of erotic acrobatic session when you suddenly rang me up and asked me to pilot this fucking chopper. All my healthy baby batter had started churning inside my fucking balls and ready to burst pero nabitin dahil sa ginawa mo, alam mo ba 'yon?!"
Malakas na humalakhak si Miguel.
"Gamitin mo muna si Mariang palad. May oras pa naman. Wala pa ang hinihintay natin. Hindi ako maninilip, I promise." Itinaas pa ni Miguel ang kanang kamay tanda ng isang nangangako. Lalo lang siyang sinamaan ng tingin ni Leon na muli niyang ikinahalakhak.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa baba. Kasalukuyan silang nasa rooftop, hinihintay ang pagdating ng kanyang newly hired bodyguard. The most beautiful bodyguard in the universe.
Naiintindihan niya ang paghihimutok ni Leon. Nang tawagan niya ito para pakiusapan na i-pilot ang chopper ni Rufus ay mukhang nasa kalagitnaan nga ito ng pakikipagtalik. He was gasping on the other line while the woman whom he was fucking was chanting his name deliriously and begging for Leon to fuck her hard in a desperate tone.
Niyuko niya ang orasang pambisig. Alas kuwatro ng hapon na. His cell phone chirped, he pulled it out from the pocket of his jeans and answered the call.
"Rufus?"
"Miguel, darling, one of your telecom company's representative called me regarding my bill for this month. We had a deal, right?"
"Kakahiram ko lang ng chopper mo ngayong araw, Rufus, so dapat next month pa magsisimula ang free one-year data plan mo."
"I want it to start now. You can't bring your woman to paradise without my chopper. So ibig sabihin, darling Miggy boy, magsisimula ang love story niyo sa chopper na pag-aari ko." Napailing na lang si Miguel sa pagiging sigurista ni Rufus.
"Girlfriend siya ng kapatid ko at hindi ko siya babae."
"But I know you want her? You already taste her and I know you want to go to main course. Ayaw mong malaman niya na kapatid ka ni Daniel dahil tiyak na kahit dulo ng daliri mo hindi na makakalapat sa balat niya. Kilang-kila kita, Miguel Montecillo. A man who loves to fuck multiple times with multiple women within a fucking day... at alam ko ang kagaguhan na kaya mong gawin kapag tinamaan ka sa isang babae. Remember Cassandra Lopez whose life you've almost ruined just to get her--"
"Fucking shut up, Rufus!"
"Oh, by the way. Ako nga pala ang magiging chef sa kasal nila ni Iñigo, kulang ako sa waiter, baka gusto mo ng sideline... o kahit taga balat ng sibuyas para naman hindi obvious ang pag-iyak mo sa araw na 'yon?" Parang demonyong tumawa pa ito sa kabilang linya.
"Fuck you, Rufus!" It's his fucking turn to annoy him. Nilingon niya si Leon na parang nababagot pa ring nakasandal sa chopper.
"Leon, pare, spurt your semen all over the chopper." Sigaw niya na sadyang pinarinig kay Rufus.
"He is masturbating inside your chopper and he is probably approaching orgasm by now. Nabitin ang pakikipagtalik niya kanina nang tawagan ko siya kaya itinuloy niya sa napakaganda at napakabango mong helicopter."
"Hey-" Tatawa-tawang tinapos niya ang tawag. Kahit kailan talaga si Rufus napakadunong pagdating sa pera at bagay na magbe-benefit ito. Pero masyadong OC. Lahat gusto maayos, at hindi nabababoy ang gamit kaya siguradong hindi na ito mapakali dahil sa sinabi niya. Kung totohanin niya kayang babuyin ang helicopter nito nang makaganti naman siya sa pang-aasar nito.
Dalawang taon na niyang kaibigan si Rufus katulad din ni Leon. Nakilala niya ito nang sumali ito sa The Hunk Society mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. Si Herrick Pantaleon ang kilala niya talaga at masasabing kaibigan dahil ang ama niya at ama ni Herrick ay business associates. Sila ang Pioneer members ng The Hunk Society. Darling ang tawag sa kanya ni Rufus dahil sa panunukso ng iba pa nilang mga kaibigan. Nang minsan kasing malasing sila at itong si Rufus habang unconscious ay nakasubsob ang mukha sa pagitan ng hita niya na parang- nakakakilabot banggitin. At ang mga loko-loko nilang kaibigan ay kinuhanan sila ng larawan habang nasa ganoong posisyon.
Kung bakit naman kasi kay Rufus pa niya naisipang manghiram ng helicopter. Walang libre sa lalaking iyon. Mabuti na nga lang at free unlimited data plan lang ang hiningi at hindi stock sa kompanya nila. Naikwento rin niya rito ang tungkol kay Audrey at ang tarantado... hinusgahan na agad siya.
May sariling chopper ang kompanya nila pero hindi niya maaaring gamitin iyon dahil naka-print doon ang logo ng kompanya nila- Universal Telecommunication- at siguradong malalaman ni Audrey ang totoo niyang pagkatao kung hindi siya mag-iingat. Ayaw niyang malaman nitong kapatid siya ni Daniel. Baka hindi ito pumayag na maging bodyguard niya lalo't may namagitan sakanila. Malaking tulong na ninong niya si General Josef Arnoco at napakiusapan niya itong kunin si Audrey na maging bodyguard niya at gawan siya ng pekeng biography. Ipinaliwanag niyang lahat kay General Arnoco ang motibo niya at ang totoong ugnayan ni Audrey sa kapatid niya.
Sa tingin niya ay walang naikuwento si Daniel kay Audrey ng tungkol sa kanya at sa pamilya niya. Duda siyang gagawin iyon ni Daniel. Hindi maganda ang relasyon ni Daniel sa pamilya nila lalo na sa kanya. Matindi ang galit sa kanya ni Daniel. Lagi niyang pinapakialaman ang mga babaeng nagiging karelasyon nito. Aakitin at ikinakama niya. Not that gusto niyang agawan si Daniel kung hindi ay gusto niyang patunayan sa kapatid niya na ang mga babaeng nakakarelasyon nito ay hindi matitinong babae. Hindi tapat at nasisilaw sa salapi. Tandang-tanda pa niya ang huling pinag-awayan nila ni Daniel na naging dahilan kung bakit ito tuluyang nawala sa kanila. Diyese otso palang noon si Daniel at siya naman ay beinte kuwatro. Anim na taon ang tanda niya kay Daniel.
"Fuck you, Miguel! You bedded Celeste!" Hiyaw sa kanya ni Daniel nang sumugod ito sa opisina niya.
"Ibig sabihan lang ay wala siyang kwentang babae," he said calmly without even looking up from the documents he was signing.
"Matino siyang babae at mahal niya ako pero inuto mo lang talaga siya!"
Bumuntong-hininga si Miguel at inilapag ang signpen na hawak sa desk saka sinalubong ang nagliliyab sa galit na mata ng kapatid.
"You gave her a diamond ring that cost an arm and a leg pero nang makita ang bracelet na triple ang halaga sa ibinigay mo ay bumigay at pumayag na maikama ko. And she even told me na ako naman talaga ang type niya pero hindi ko siya pinapansin kaya ikaw ang pinatulan. Now, tell me na matino nga siya. At wala akong balak makipagrelasyon sa babaeng 'yon, I just did what I did dahil gusto kong patunayan sa 'yong puro walang kuwenta ang nagiging karelasyon mo!"
Isa iyon sa mga naging away nilang magkapatid. Iyon rin marahil ang naging dahilan kaya pinursue ni Daniel ang pag-aaral ng criminology na ikinagalit ng kanilang ama. Simula nang pumasok si Daniel ng PNPA ay itinakwil na ito ng ama na isinawalang bahala naman ni Daniel. Hindi gusto ng kanilang ama na maging isang pulis si Daniel pero nagmatigas si Daniel at walang pakialam kung itakwil man ito. Ang gusto ng kanilang ama ay sila ang mamahala ng kompanya na itinayo pa ng kanyang lolo.
The Universal Telecom Company is the leading telecommunication company in the Philippines. Even in the whole of Asia ay nakikipagtagisan ang kompanya nila sa top biggest telecom at hindi ito magpapahuli sa mga bigating telecommunication kung bilis lang naman ng internet connection ang pag-uusapan.
Nang araw na nag-aagaw buhay ang kapatid niya ay humingi siya ng tawad dito. Pero ibibigay lang daw nito ang kapatawaran nito kung mangangako siyang aalagaan si Audrey. He even called him "kuya" na matagal na niyang hindi narinig mula sa kapatid simula nang pakialaman niya ang pakikipagrelasyon nito.
Miguel ripped him out of his deep thoughts by the car that pulled over outside the mansion. Ilang sandali lang ay umibis mula sa sasakyan si Audrey at East Villalobos. Nang makapasok ang dalawa ay nakita niya kung paanong sikuhin ni Audrey si East at kapagkuwa'y ipinaikot ni East ang braso sa leeg ni Audrey and Audrey laughed. Mukhang close talaga ang dalawang ito.
Lumapit si Dathan sa dalawa. Bigla siyang napaatras nang tumingala si Audrey. Gumuhit ang munting ngiti sa labi niya at nailing sa sariling aksyon. Bakit niya kailangan magtago? Nang muli siyang sumilip sa baba ay wala na roon ang tatlo. Marahil ay paakyat na ngayon sa rooftop. After a couple of minutes of waiting, Audrey along with Dathan and East, emerged from the door.
And damn! He could feel his heart kicked against his chest upon seeing Audrey. Napatigil si Audrey nang makita si Miguel. Alam niyang nakita na siya nito sa larawang ibinigay ni General pero naroon pa rin ang gulat sa mukha nito nang magkaharap sila. This woman is very beautiful. He was envious of his brother for having her. Inggit na kailanman ay hindi niya naramdaman noon sa kapatid niya ng dahil lang sa isang babae. Kung may kinaiinggitan man siya sa kapatid ay iyong katapangan nitong suwayin ang kanilang ama at gawin ang gustong makakapagpaligaya rito. And he was afraid that Rufus might be right after all.
"Hey!" Napakurap siya nang ipitik ni Dathan ang daliri sa harap ng mukha niya.
Napahaplos siya sa batok. Hindi namalayang ilang sandali siyang nablanko mula sa pagkakatitig kay Audrey. At sa ngising nakikita niya sa mukha ni Dathan ay parang gusto nitong sabihing "you are drooling like a dog."
"H-hi. Miguel Zaragoza." Inilahad niya ang palad sa dalaga. Bumaba ang tingin nito sa kamay niya at pinakatitigan iyon ng ilang sandali na para bang pinag-iisipan kung tatanggapin nito ang pakikipagkamay niya o hindi. Humugot ito ng isang malalim at maingay na hininga bago may pag-aalangan nitong inabot ang kamay niya.
At nang maglapat ang mga kamay nila ay kung anong init ang naramdamang niyang dumaloy sa katawan niya. Pamilyar na init na nagmumula sa babae. Hanggang ngayon ay dama niya pa rin ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan kahit mahigit isang linggo nang nangyari ang mainit na tagpong namagitan sa kanila.
Hindi niya mapigilang pisilin ang kamay nito. Parang gusto niyang hilahin ito at ikulong sa mga bisig niya. Fuck! He missed the warmth of her body. And damn his fucking birdie for aching dahil lang sa pakikipag handshake sa babae.
"Inspector Audrey Dizon. The one whom General Arnoco sent to be your bodyguard."
"I'm glad to see you again, Ms. Dizon."
Binawi nito ang kamay na mahigpit niyang hawak. Kapansin-pansin ang pagbaba-taas ng dibdib nito na para bang nahihirapan huminga at kapagkuwa'y nagtanggal ito ng bara sa lalamunan.
"Ano nga pala ang ginagawa natin dito?" Ibinaling nito ang tingin sa helicopter.
"We are going to Isla de Amor and we will stay there for a couple of days, weeks or maybe months," he said, never takes his eyes off her. Her eyes snapped back to him.
"Months? No no no! I can't Mr. Zaragoza."
Kumunot ang noo niya. "Why can't you? You are my bodyguard and it's your job to stay with me kahit saan pa ako magpunta. I need a safe place and Isla de Amor is the perfect place to escape and hide."
"May kapatid akong maiiwan dito-"
"Ipapasundo ko siya pagdating natin doon para makasunod siya. Okay na ba? Now, let's go," aniya sa kalmadong boses. Nagpatiuna na siyang sumakay sa helicopter. Nakausap niya na rin si Herrick tungkol sa plano niya kaya wala siyang aalalahanin na mabuko. Kakausapin nito ang lahat ng staff na walang tatawag sa kanya bilang Miguel Montecillo. He is Miguel Zaragoza for now.
Naningkit ang mga mata niya nang makitang hinawakan ni East ang magkabilang pisngi ni Audrey at inilapit ang mukha rito. Sa angulo ng dalawa, nakatalikod si Audrey mula sa kinaroroonan niya, ay hindi niya masasabi kung saan hinalikan ni East si Audrey pero sigurado siyang hindi iyon sa pisngi. His jaw clenched in annoyance.
Bumaling siya kay Leon na nakaupo sa cockpit nang tumawa ito.
"You have no right to clench your jaw, buddy," tumatawa nitong ani.
"What?"
"Kung tumiim ang bagang mo akala mo boyfriend na nagseselos. A reminder from a good friend, buddy, she is your brother's fiancée and not yours. Tingin ko nga hindi mo na siya kailangang alagaan pa, eh. Mukhang mas capable ang lalaking 'yon na alagaan si Audrey."
Ibinalik niya ang tingin kay Audrey at East na ngayon ay nagyayakapan naman na akala mo'y mag-asawang mag-aabroad ang isa. Nakakaramdam siya bigla ng iritasyon. Naiirita siya para sa kapatid niya. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan nito ang kapatid niya. Tama! Iyon nga ang nararamdaman niya.
"I'm just doing this for my brother. May pangako ako sa kanyang dapat kong tuparin."
His gaze averted to Leon. "Buhayin mo na ang makina para matigil na ang kadramahan ng dalawang iyon."
Ilang sandali pa silang naghintay bago tuluyang sumakay si Audrey matapos isakay ni East ang gamit sa helicopter.
"Did he kiss you on the lips?" Natigil ang babae sa paglagay ng headset at bumaling sa kanya.
"What?" It's too late para bawiin pa niya ang tanong. Malakas na halakhak ni Leon ang pumuno sa helicopter bago nito tuluyang buhayin ang makina.
NAKAAWANG ang bibig ni Audrey habang nakatingin sa isang cottage na binubuksan ng isang staff ng resort. Ito raw ang tutuluyan nila Miguel.
"Miss this cottage?" Binalingan niya si Miguel na nasa tabi na niya.
"Seriously? Dito talaga?" Nakataas kilay niyang sabi.
"I like this cottage. Hindi mo ba gusto?" He flashed her a naughty smile before heading toward the cottage.
Ano ang pumasok sa isip ng lalaking ito at talagang sa cottage pang ito kung saan may namagitan sa kanila ang siyang uukupahin nito ngayon. Hanggat maaari sana ay ayaw niya rito dahil mas lalo lang niyang maaalala ang nangyari sa kanila.
Wala nang nagawa pa si Audrey kundi ang sumunod sa lalaki sa loob ng cottage. Pero pagbungad pa lang niya ng pinto ay parang itinulos na siya mula sa kanyang kinatatayuan nang matuon ang kanyang mata sa kamang nasasapinan ng napakalinis na puting kubre kama. Bigla ay parang nakikita niya ang sarili sa ibabaw ng kama na magkahiwalay ang mga hita, nakasabog ang buhok sa puting unan, nakapikit at malaki ang awang ng labi habang nakasabunot sa buhok ni Miguel na nasa pagitan ng kanyang hita at kinakakain ang kanyang vajayjay! The two people on the bed was an image of a couple in so much heat.
"Is there something interesting about the bed para matulala ka nang ganyan?" Nag-init ang pisngi ni Audrey sa makahulugang tanong na iyon ni Miguel lalo na nang makita niya ang kislap sa mga mata nito habang ang may pagkapilyo-pilyong ngisi sa labi nito.
Marahas na lumunok si Audrey nang basain nito ng dila ang mapupulang labi nito. Fuck his tongue! So clean and reddish and of course skillful. Ang dilang nagdala sa kanya sa langit. Mas lalong tumaas ang sulok ng labi ni Miguel sa nakikitang intensity ng titig ni Audrey.
"I am melting right now, babe." Inirapan niya si Miguel para pagtakpan ang nararamdamang embarrassment. Ano ba't nawawala siya sa focus? Bawat galaw kasi ng parte ng katawan ng lalaki ito ay napapansin niya.
"Ayan, Sir Miguel, nakita mo naman po, inalagaan kong mabuti ang cottage na 'to tulad ng sabi niyo. Hindi na po ito pinagamit sa ibang guest katulad ng request niyo." Ang staff matapos maipasok ang lahat ng dala nilang gamit.
"Salamat, Benjie. Ito para sa 'yo." Napa-wow ang staff na nag-ngangalang Benjie sa malaking halagang inabot ni Miguel bilang tip.
Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang naramdaman na malamang hindi ipinagamit ni Miguel ang cottage na ito sa iba. Bakit? Dahil ba sa nangyari sa kanila rito? Wala naman kasing espesyal sa cottage na ito. Maliit ito kumpara sa naglalakihan at magagandang cottages sa resort na ito. At mukhang malakas si Miguel sa management para pagbigyan ang request nito.
Nang makaalis ang staff at sila na lang ni Miguel ay muli niya itong hinarap.
"Saan ang magiging cottage ko?"
He lunged on the bed after taking off his shirt and he rested his head against the head board bago siya nito sinagot. "Dito."
Pinilit niyang i-focus ang mata sa mukha nito. Nawawala na naman siya sa focus at parang gustong bumaba ng mga mata niya sa lantad nitong katawan. Naaakit siya sa pag-flex ng muscles nito sa dibdib. Kahit hindi nakatuon ang mata niya roon ay nahahagip pa rin ng mala-magnifying glass niyang mata.
What's the matter with you Audrey? Kailan ka pa naaakit sa hubad na katawan lang?
Araw-araw siyang nakakakita ng matitipunong katawan sa kampo nila. Mula pagkabata niya ay naglalakihang katawan na ang araw-araw na bumubungad sa kanya pero ngayon pa siya naaapektuhan nang ganito. Eh, kung tutuusin nga ay mas matipuno pa ng 'di hamak ang katawan ni East sa lalaking ito. Mas firm, mas define ang mga muscles sa buong katawan pero bakit mas naaakit siya sa Miguel na ito?
"Ahm...saan ang magiging cottage mo, sa kabila ba?"
"We're gonna share a room. You are my bodyguard and you should keep your eyes on me."
"But--"
"Don't worry, sa baba ako at dito ka sa kama." Putol nito sa sasabihin niya.
Safe bang mag-share sila ng silid? Magiging safe nga ang taong ito pero siya kaya... hindi pa rin niya nakakalimutan ang sinabi nito noon.
"I can't be the same room with you without wanting you."
Trabaho lang ito.
Ngayon kailangan niyang magbantay ng isang lalaking hinahabol ng babaeng tinakbuhan nito. Iyon ang sabi sa kanya ni General. May babae raw itong ginalaw at ayaw panagutan kaya naman nakakatanggap ito ng mga death threats at hinala nito ay mula sa pamilya ng babae.
Nilapitan niya ang luggage niyang nasa sulok at binuksan iyon.
"Magaling lang mangkama hindi naman kayang panagutan." Bulong niya habang naghahanap ng pamalit. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Miguel ang sinabi niya.
"Nilagyan niya ng pampatulog ang iniinom ko at nagising na lang ako katabi ko na siya sa kama. Gusto niya akong pikutin."
Natigil si Audrey sa narinig. Sabagay, hindi rin naman malayong mangyari iyon. Sa guwapo ba naman ng lalaking ito, sinong hindi gugustuhin maging tatay ito ng mga anak nila. Kinuha niya ang isang medyo maluwag sa katawan na puting tshirt at isang maong na walking short saka tinungo ang banyo.
"Audrey." Natigil ang akma niyang pagpasok sa banyo nang magsalita ito. Nilingon niya si Miguel na matamang nakatitig sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Lahat ng taong nakakasalamuha niya ay kaya niyang salubungin ang mga mata nang walang kurapan but why did she suddenly lose her ability of making eye-contact sa lalaking ito.
"I-iyong nangyari sa atin noon--"
"Can we just forget everything about what happened between us, Mr. Zaragoza?"
Umiling ito. "Pero hindi ko makalimutan ang nangyari." Deretso nitong pag-amin at hindi niya alam ang isasagot kaya mabilis siyang tumalikod at pumasok ng banyo. Isinandal niya ang likod nakapinid na pinto. Kahit siya ay hindi makalimutan ang nangyaring iyon. Halos gabi-gabi ay napapanaginipan niya iyon at may mga pagkakataon na nag-o-orgasm siya dahil sa panaginip na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top