Chapter 28

KAHIT paano sa kabila ng mga nangyari at kasalukayang nangyayari ay nawala na ang matinding takot ni Audrey dahil ligtas na si Miguel sa tiyak na kapahamakan. Kahapon ay inilipat si Miguel ng ospital sa Manila para doon magpagaling. Sila naman ay bumalik na rin ng Manila kasama ang kanyang tunay na ina. Sa mga ibidensiyang hawak ni Miguel na mula pa kay Daniel ay wala ngang dudang siya nga si Yvonne Sorlin.

Pero napakabigat ng kanyang kalooban sa nangyari kay Xyrus. Habang nasa operating room si Miguel at abot-abot kabang nararamdaman niya habang palakad-lakad siya sa labas ng operating room ay sinugod siya ni Mayor Tschauder. Galit na galit ito, pero ang mas napansin ni Audrey ay ang matinding kalungkutan nito. Hindi niya makalimutan ang mga sinabi ni mayor sakanya; ang lungkot sa mga mata nito at matinding pagsisisi.

"Nangako ka! Nangako ka na magiging maayos ang lahat. You assured me that everything will work out in my favor. Ano ang nangyari ngayon!? Namatay ang nag-iisang taong meron ako! Ang nag-iisang taong dahilan kung bakit gusto ko pang mabubay! Hindi mo siya prinotektahan katulad ng pangako mo! Sana hindi ako nagtiwala sa 'yo! Para mo na rin akong pinatay!"

Hindi mawala sa isip niya ang paghagulhol ni Elaine sa mismong harapan niya. Namatay si Xyrus. Nalaman ni Jonas ang ginawang pagtraydor ni Elaine at si Xyrus ang pinunterya nito. Awang-awa siya kay Elaine. Nakita niya sa babae kung gaano nito kamahal si Xyrus.

At ngayon ay isa pang gumugulo sa kanya ay ang pilit na pagpapauwi sa kanya ng kanyang papa sa Russia. Kalimutan na raw niya ang nararamdam niya para kay Miguel dahil walang magandang dulot iyon kundi kapahamakan para kay Miguel. Namatay si Daniel ng dahil sa kanya at mamamatay si Miguel ng dahil din sa kanya. Sa uri raw ng trabaho nila ay walang puwang ang pagpapamilya.

May point naman ang papa niya. Halos lahat ng miyembro ng Commando ay walang pamilya o kung meron man ay napakalayo ng mga ito. Hindi pa niya nakakausap ang kanyang papa. Si Gabbie lang ang nakausap nito, and Gabbie micmicked their father habang sinasabi sa kanya ang eksaktong sinabi nito.

"Drey?" Mula sa pagkakasubsob ng mukha sa kanyang palad ay nag-angat si Audrey ng mukha kay East.

"East?" Umupo ang kaibigan sa tabi niya.

"Nakausap mo na ba si papa?" Tumango ito.

"Hindi ko maintainidan, East. Ano ba ang nangyayari? Bakit itinago ni papa ang lahat ng ito? Ang tungkol sa pagkatao ko."

"She wants to protect you."

"Protect me from whom?"

"From these terrorist group."

"Bakit?"

"Itinago ni papa ang totoo mong pagkatao sa lahat maging sa sarili mo. Pinalabas niyang patay ka na. Agad nilang pinaka- cremate ang katawan ninyong mag-anak. Iyon ang alam ng lahat. Ang totoong Audrey ang namatay at pinalabas nilang ikaw iyon. Madaling nagawa iyon nina papa dahil walang nakakita sa bangkay. Nang nalaman ni papa na nawawala ang nanay mo, si Faye. Minabuti nilang itago ka rin. They had been trying to look for your mother but they failed."

"Pero bakit pati sa 'kin kinailangan niyang itago?"

"Dahil ayaw niyang lumaki kang hinuhusgahan ng lahat. Ayaw ni papa na tatawagin kang anak ng traydor."

"Ano ang ibig mong sabihin mo?"

"Harry Sorlin, your father, is a former spy agent of Commando Intelligence Agency. Pinakamahusay na toxicologist ng Commando. Pero nag-traydor siya sa organisasyon. Nagpagamit siya sa terrorist group para mag-espiya sa organisasyon. Nakipagsabwatan siya kay Vladimir Ivanov para patayin ang prime minister ng Singapore gamit ang lason na siya mismo ang may gawa. Si Raoule Villalobos, ang kapatid ni papa ay kasama niyang tumakas noon dala ang formula ng bio-weapon and its antidote."

"Commando's scientists developed a biology weaponry for militaries. Balak ng organisasyon na ibenta ang naturang bio-weapon sa gobyerno. But your father and Roule Villalobos became avaricious. Sa halip na ibigay ang experimental bio-weapon sa gobyerno para makatulong mas pinili nilang ibigay iyon sa terorista dahil sa malaking halagang kapalit."

"But then, their plan had changed. Nang magkita ulit si Harry at Faye na college sweetheart daw, at si Raoule si Felicity pinili ng dalawang magbagong buhay. Itinago nila ang formula ng bio-weapon at antidote sa halip na ibigay sa terorista. Nagtago ang dalawa at si Papa lang ang nakakaalam sa kinaroroonan nila. Itinago ni Papa sa organisasyo ang nalalaman niya dahil tiyak na ipapaligpit sila ng commander. He tried his best to protect them until these terrorist found them and killed them."

"Where are these experimental bio-weapon and antidote?"

"Iyan ang hinahanap ko ngayon kaya nasa Bicol ako. Hinala ni Papa na maaaring iniwan nito ang naturang bio-weapon kay Arthur Gutierrez."

"Pero akala ko ba experimental drug ng Russian Pharmaceutical ang hinahanap mo."

Umiling si East. "Hindi ko sinabi sa 'yo ang totoo. Ayaw ni Papa na malaman ng organisasyon na pinapahanap niya ang bio-weapon at antidote. Gusto niya itong hanapin ng palihim. Patuloy sa paghahanap ang mga terorista ng experimental bio-weapon at nangangamba siyang baka may espiya na naman sa loob ng organisasyon dahil sa sunod-sunod na pagkabulisyaso nitong mga misyon nitong mga nakaraang buwan. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw niyang ungkatin mo pa ang pagkatao mo, Audrey. Dahil sa oras na malaman ng mga terorista na buhay ka ay maaari mong ikapahamak. Wala rin sinabi sa 'kin si papa ng tungkol sa mga Sorlin. Ang tanging alam ko lang, ay ang tungkol sa kapatid niyang si Raoule, na siyang nagnakaw ng formula ng bio-weapon at antidote. Pero napilitan siyang aminin ang lahat nang komprontahin ko siya tungkol sa pagkatao mo."

"Gaano ba kahalaga ang bio-weapon na 'to para pag-interesan ng ganito? There are many the best scientists out there that can create bio-weapon."

"But Harry and Raoule are extraordinary scientists. Sila lang ang nakagawa ng ganitong klaseng bio-weapon. These viruses can cause acute contagious febrile disease. The most hideous disease na walang lunas kundi ang antidote nito. Microscopic quantities of this substance could kill millions of human and animals. Ang balak ng mga terorista ay ipakalat sa atmosphere ang virus sa buong mundo, and only wealthy people who can afford the antidote will be survived."

"That's so evil," mahinang usal ni Audrey.

"Pero si Vladimir Ivanov ang may hawak kay Faye, sa tunay kong nanay. Ano ang naging motibo niya?"

"Sa organisasyon, tanging ang papa mo at si Roaule lang ang nakakakilala kay Vladimir. Sila lang ang siyang nakakita ng mukha nito. Naging magkasama raw ang tatlo sa Harvard University, kasama si Faye and they become friends. Iyon marahil ang naging dahilan ng papa mo kaya mas ginusto nitong umanib sa teroristang 'yon. Dahil sa samahan. At katulad nga ng sinabi ng mama mo, naramdaman niya naman ang pagmamahal sa kanya ni Vladimir. Baka pinili nitong iligtas ang mama mo dahil sa pagkakaibigan."

Isinandal ni Audrey ang likod sa sandalan at nahulog sa malalim na pag-iisip. Naalala niya sa memoryang biglang sumulpot sa kanya noon na dinaluhan ng lalaking nakabalot ang mukha si Faye nang mabaril. Ang lalaking siyang pumigil rin kay Boris Putin para patayin siya. Si Vladimir Ivanov marahil ang lalaking iyon. Marahil ay nanaig nga sa lalaking iyon ang pagkakaibigan ng kanyang ina kaya pinili nitong isalba si Faye. But he still killed his father at iba pang inosente.

Kung si Vladimir nga ang lalaking iyon, ibig sabihin ay alam nitong buhay siya dahil ito mismo ang pumigil kay Boris Putin na patayin siya. O maaari ring ibang tao iyon. Magulo. May ilang bagay parin siyang hindi maunawaan. Maraming katanungan pa rin ang gumugulo sa kanyang isipan na maaaring makasagot ay si Jonas Tschauder. Pero ayaw magsalita ni Jonas na nasa kustudiya ng NBI. Paano nitong nalaman ang ugnayan niya sa Commando Intelligence Agency? Posible nga sigurong may espiya sa organisasyon.

Ni-raid ng NBI ang Electronic Factory ni Jonas sa Madredijos kung saan nadiskubreng doon mismo ginagawa ang iba't ibang klaseng firearms na ilegal na ini-export sa iba't ibang bansa. His electronic business is just a front company to mask the true nature of their ilegal activities. Pinaniniwalaan ngayon na si Jonas Tschauder ang nagsu-supply ng mga weapon sa iba't ibang grupo ng terorista hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng mundo. Ang blue book ngayon ang kailangang makuha para mapatunayan ang kaugnayan nito sa mga terorista.

"Have you heard the news?" Bungad ni Gabbie pagpasok nito ng pinto. She rushed toward the TV rack, kinuha ang remote control na nakapatong sa TV rack at binuksan ang telebisyon. Hinanap ang channel na pakay. Isang international news.

Pagkaraan ng ilang sandaling panonood ay nagkatingin si East at Audrey.

"He's dead." Sabay-sabay na bumaling ang tatlo kay Faye na nakatayo sa likod ng pang-isahang sofa. Matamang nakatitig sa telebisyon na ibinabalita ang tungkol sa pagkamatay ni Vladimir Ivanov.

Ayon sa balita ay may nakapagtimbre sa kinaroroonan nito. Sa isang hotel sa Honolulu kaya nagsagawa ng raid operation ang kapulisan sa Honolulu. Hindi raw halos nakilala ang mukha nito dahil nakipagpalitan ito ng putok sa mga pulis at ng tingin nitong hindi na makakatakas pa ay nagpakamatay na lang ito. Pinasabog nito ang bomba kaya maraming pulis din ang nasawi. Isang singsing na may mukha ng wolf ang natagpuan sa loob ng hotel. Ang simbolo na iniiwan nito sa lugar na ginagawan nito ng krimen.

"He deserves it," Gabbie snorted. Naupo si Faye sa sofa. Napakalungkot ng ekspresyon nito.

"Pero siya lang ang nakakaalam kung saan naroon ang isa ko pang anak."

"May isa pa po kayong anak?" Curious na tanong ni Gabbie.

"Siguro. Sa mga alaalang bumabalik sa 'kin ay buntis ako." Ngayon lang din ni Audrey napagtanto ang bagay na iyon. Buntis nga ito sa kanyang alaala.

"Nabuhay po kaya ang kapatid ko?"

Umiling si Faye. "Hindi ko alam. Nagising akong wala namang bata sa sinapupunan ko. Pero nararamdaman kong buhay siya. Buhay ang kapatid mo, Yvonne." Tumayo si Audrey nang makitang naging emosyonal ang ina. Umupo siya sa armrest ng sofang kinauupuan nito, kinabig ito at masuyong niyakap.

"Gagawin ko po ang lahat para mahanap siya. Mabubuo rin po tayo balang araw. Walang imposible. Nagkita tayo, kaya makikita rin natin siya." Iniyakap ni Faye ang mga bisig sa baywang ni Audrey.

"I'm so happy knowing that I have children. I'm so happy to see you."

"Ako rin po... mommy." Humikbi ito at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na tawagin niya itong mommy. Sumilay ang ngiti sa labi ni Audrey at hinalikan ang ina sa ibabaw ng ulo. Nagagalak ang puso niya dahil sa kabila ng mga masasamang nangyayari ay may magandang kapalit naman. Utang niya itong lahat kay Miguel.

Lumapit si Gabbie sa mag-ina at umupo sa kabilang armrest ng sofa. Yumakap ito sa kanila.

"Pwede po ako muna ang anak mo?" Marahang natawa si Faye. Bumitaw mula sa pagkakayakap si Faye kay Audrey, pumihit ito paharap kay Gabbie at niyakap ang dalaga.

"Oh, Gabbie. Every mother would love to have a daughter like you."

Audrey cleared her throat. "Baka naman po mas maging peyborit mo siya kaysa sa akin. Attention seeker pa naman 'yan." Marahang natawa si Faye. Sabay nitong ikinawit ang mga braso sa baywang ng dalawang dalaga.

APAT na araw na si Miguel sa ospital. Gusto na niyang lumabas at sa bahay na lang sana magpahinga pero ayaw ng kanyang mama. Kahit isang linggo lang daw ay manatili siya sa ospital para ma-monitor ang lagay niya. Parang lalo siyang nanghihina rito tapos wala man lang madalas na bumibisita sakanya kundi si Rufus. Hindi sa hindi niya naa-appreciate, natutuwa nga siya sa ginagawa ni Rufus. Mabuting kaibigan talaga ito, laging nariyan sa oras ng kailangan. Bumisita rin naman ang iba niya pang kaibigan pero si Rufus talaga ang araw-araw na bumibisita at hindi niya alam kung ano ang sumanib sa lalaking ito dahil araw-araw may dalang pagkain, na ipinagpapasalamat naman niya dahil hindi niya talaga gusto ang pagkain sa ospital. At isa ay napakasarap magluto nito. May pabulaklak pa gunggong. Fresh flowers everyday. Lagi nitong pinapalitan ang dalang bulaklak, araw-araw iyon. Kaya nga lang ang taong gusto niyang makita hindi man lang siya kumustahin. Hindi man lang siya magawang silipin. Wala na talaga siguro siyang halaga kay Audrey.

Pampalubag loob. Dinalaw naman pala siya ni Audrey ayon sa kanyang mama. Pero nataon daw na tulog siya at hindi na siya pinagising pa ni Audrey. Pero out of pity na lang siguro kaya ito dumalaw.

Bahagyang naningkit ang mata ni Miguel habang pinapasadahan ang papel na ibinigay sa kanya ni Rufus. Listahan daw ng utang niya. Kailan naman siya nagkautang sa lalaking ito.

Flowers - ₱ 40,000.00

Foods - ₱ 40,000.00

Anxiety- ₱ 100,000.00

Sleepless night - ₱ 100,00.00

Rufus's precious time- ₱ 100,000.00

Traumatic experience- ₱ 100,000.00

Eurocopter EC120 Colibri Hummingbird - ₱88,372,186.30

Hindi na ni Miguel tinapos pang basahin ang mga nakalista at ang computation niyon na mukhang aabot kulang-kulang 100 million. Confuse siyang tumingin kay Rufus na naghihiwa ng orange at itinaas ang listahan.

"Ano 'to?"

Lumingon si Rufus. "Utang na dapat mong bayaran."

"Huwag mong sabihing may bayad ang mga dinadala mo sa 'kin?" Kinuha nito ang platito at naglakad patungo sa kanya.

"Wala ng libre sa panahon ngayon." Umupo si Rufus sa gilid ng higaan.

"Terible ang presyo ng bulaklak mo, ah! Putsa! May bumibili pa ba ng bulaklak sa flower shop mo?"

Sinubuan ni Rufus si Miguel ng orange na tinanggap naman nito. "Naman! Miggy darling, if you want to express your feelings through floral arrangement, visit my flower shop. Magenta is the best florist in town."

"Hindi na!" he snorted, turning his attention back to the list he was holding.

"Ipasunog ko flower shop mo, eh," he murmured.

"Mumultuhin ka ni Lindsay kapag ginawa mo 'yon."

"Eh, ano 'tong anxiety at traumatic experience?"

"I've suffered from anxiety attack when I've learned that you got kidnapped. At na-trauma ako sa ginawa ng girlfriend mo. Iniwan ba naman ako sa helicopter na lumilipad. Tumalon ako pero nasa ere palang ako hinimatay na ako."

Pigil ang tawang ginawa ni Miguel. Kumikirot ang sugat niya kapag nagagalaw. "Sayang! Sana nakita ko ang itsura mo." Inihampas ni Miguel ang papel sa mukha ng kaibigan.

"Eh, ano 'tong helicopter mo, bakit ganito kamahal. 88 million?"

"My big bird worth 88,372,186.30 Pesosesoses."

"Your fucking big bird is 10-year-old tapos ang presyo pang-brand new?"

"E 'di bawasan natin, 88,372,186.00 na lang. Inalis ko na ang 30 cents, ah. Magkaibigan naman tayo." Makikipagtalo pa sana si Miguel nang may kumatok sa pinto at bumukas iyon.

Nakaramdam ng excitement si Miguel nang makitang si East ang pumasok.

"East, pare?" Itinuon niya ang mata sa pinto, hinintay na pumasok doon si Audrey. Nahulaan naman ni East ang nasa isip ni Miguel.

"Hindi ko kasama si Audrey." Isinarado ito ang pinto at naglakad patungo sa hospital bed.

"Pabalik na siya ng Russia ngayon at sa oras na makaalis siya ngayon hindi na siya makakabalik pa, Miguel. Ngayon tumayo ka riyan at pigilan mo siya habang may oras pa."

It felt like as if someone get a grab of his heart and yanked it. Tang-ina! Ganoon kasakit marinig na ganoon siya kawalang halaga kay Audrey. Aalis ito na hindi man lang siya kakausapin. Hindi siya mahal ni Audrey at iyon ang mapait na katotohanan na kailangan niyang tanggapin. Mapait na ngumisi si Miguel. "Ipagtatabuyan niya lang ulit ako. Hindi ako mahal ni Audrey."


PAPASOK na si Audrey ng gate para sa kanilang departure nang harangin siya ng dalawang security guard. Iginigiit nitong hindi raw siya maaaring makaalis dahil sa kasong kinahaharap niya. Pati si Toffee at ang kanyang ina ay nag-aalala na habang si Gabbie naman ay relax lang na nakamasid sa kanila.

"Sandali! Anong kaso ang pinagsasabi mo? I am inspector Dizon." She took out her badge and show it to them.

"Naku, Miss, lumang tugtugin na 'yan. Ayon sa nagrereklamo Yvonne Sorlin ang pangalan mo. Isa raw sa abilidad mo ang magpanggap."

"Damn it! Sino ang ba ang nagrereklamo at ano raw ba ang kaso ko?"

"For stealing my heart." Natigilan si Audrey nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Dahan-dahan siyang pumihit sa pinanggalingan ng boses. Her heart did a stupid flopping thing as she saw Miguel, stood a feet way from her, wearing a powder-blue and white printed hospital gown. His hair was disheveled and long overdue for a haircut. He had a beard at least a few weeks old but his hotness is still overload.

"Miguel?" she crooned.

"What are you doing here?" Miguel closed the distance between them with two strides.

"To get what's mine and what I deserve. How can I live without my heart?" his voice was thick with emotions. He stood so close to her that she could feel his breath fanning all over her face.

"Miguel," tangi niyang nasambit nang ikawit nito ang braso sa baywang niya at kabigin siya palapit sa katawan nito. Her hands automatically rested on his chest. Her breath hitched as he raised a hand to caress her face and grabbed a hold of her chin. He lifted her chin and his eyes locked onto hers, showing so much love and fear.

"Say that you love me," he challenged her. Ang tanging paglunok ang nagawa ni Audrey.

"Say it!" may diin nitong utos, pinisil ng may diin ang baba niya.

"Yes." Unti-unti ang pagliwanag ng mukha ni Miguel. Ang takot sa mga mata nito ay tuluyang naglaho.

"Then bakit mo ako iiwan?"

"Miguel..."

"You love me, and I love you so much. Let's get married then."

"Gusto ko, pero kasi... kasi, Miguel—"

"It doesn't matter if you cannot have a child." Her eyes widened and her heart raced. Alam na nito ang tungkol sa deperensiya niya?

"East told me everything. Sinabi niyang mahal mo ako pero mas pinili mong umalis at iwan ako dahil sa deperensiya mo. Audrey, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa 'yo. Hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa 'yo."

Namuo ang luha sa mga mata ni Audrey sa pinaghalong kaligayahan at takot. Ang dami pa rin niyang what ifs.

"Pero natatakot ako. Paano kung dumating ang araw at ma-realize mo na hindi pala ako sapat." Pinahid ni Miguel ang luha sa pisngi ni Audrey nang malaglag iyon.

"I don't have much to offer you. What I do have is my heart... my love and I'm afraid it wasn't enough to make you happy. I'm afraid you might leave me as I cannot have children. I'm afraid that I can't be all that you need." Ikinulong ni Miguel ang mukha ni Audrey sa mga palad nito at mataman siyang tinitigan sa mga mata.

"I dreamed of being a husband and eventually a father. Having kids had been always including in my plan. But if kids not be in my future, that's okay. Hindi ko kailangan ng anak kung hindi lang din naman ikaw ang magiging ina." His words made her heart swelled with so much happiness.

"My life is like a jigsaw puzzle, and I thought a wife and kids are the pieces that I needed to complete my life; to see its whole picture, pero nagkamali ako. I no longer feel I need a child to complete me, because it was you, Audrey... you are the only piece that I need; the only piece that I've been looking for to complete me. You are a puzzle piece, which would never fit in any puzzles out there, because you are only made to complete me."

Kinagat ni Audrey ang pang-ibabang labi nang manginig iyon. Tuloy-tuloy na bumuhos ang luha niya. Parang sasabog ang dibdib sa mga naririnig mula kay Miguel. Miguel pressed his forehead against hers as his thumbs brushed across her cheeks lovingly.

"There's one important thing that you've made me realize. Time is too damn precious to be wasted on someone who doesn't make my heart flutter. So, please, Audrey, let me be your man, and I will show every reason to be happy. Let me love you for the rest of my life. Pakasalan mo ako. Nagmamakaawa ako."

Her hands came to rest on his shoulders as tears keep on trekking down her cheeks.

"Mahal na mahal kita, Miguel. Papakasal ako sa 'yo." Mabilis na nailayo ni Miguel ang mukha mula sa kanya at binitawan nito ang kanyang mukha. His face fell in surprise.

"Talaga?"

Tumango si Audrey. "You had revived something in me I thought was already gone. The love, the happiness and the crazy butterflies in my stomach. Ayaw ko ng mawala pa sa 'kin ang taong nagpaparamdaman niyon sa 'kin. Papakasalan kita, Miguel."

"Oh, Audrey. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya." Inabot ni Miguel ang pisngi ni Audrey, pinakatitigan siya nito sa mata at kapagkuwa'y bumaba ang tingin sa labi. Miguel leaned in for a kiss. Nang lumapat ang labi ni Miguel sa kanyang labi at tugunin niya ang halik ay dumaing ito nang masaktan dahil sa mga sariwa pang sugat sa labi kaya nagkasya na lang siyang yakapin si Miguel.

Wala naman talaga siyang balak umalis ng tuluyan. Ihahatid lang niya sina Toffee at ang ina sa Russia sa utos ng kanyang ama para sa proteksiyon ng mga ito. Alam ni East iyon. Balak niya rin naman bumalik para nga kausapin si Miguel at sabihin dito ang totoong kalagayan niya. Kung tatanggapin siya nito sa kabila ng deperensiya ay tatanggapin niya ang pagmamahal nito pero kung hindi naman, kahit masakit ay tatanggapin niya.

"Mahal na mahal kita," Miguel whispered.

"Mahal na mahal din kita," nakangiti niyang bulong. Walang pakialam sa mga taong nasa paligid na ngayon ay nagpapalakpakan sa drama sa pagitan nilang dalawa. Aware rin si Audrey na kinukuhanan sila ng mga larawan. Ang malapad na ngiti sa labi ni Audrey ay unti-unting nabura nang hindi sinasadya ay dumausdos ang kamay niya pababa sa likod ito hanggang sa pang-upo.

"Oh, God, Miguel! Don't tell me you aren't wearing underwear?" Inabot ni Miguel ang puwet na expose dahil tanging suot lang nito ang hospital gown.

"Fuck! Nawala sa isip ko kakamadali para lang habulin ka. Ambulansiya na nga sinakyan namin para lang umabot dito." Dahan-dahan ang ginawang pagbitaw ni Audrey mula sa pagkakayakap kay Miguel at inikot ang mata sa paligid. Sobrang daming tao at kumukuha halos karamihan ng larawan at kung malas-malas ay video pa.

"Cover it! Nakakahiya!" Siya ang nae-eskandalo.

"Nakita na nila. Saka isa pa, hindi naman nila makukuha o matitikman ang puwet ko. Hanggang tingin lang sila."

"Kahit na! I want your bum only for my eyes." Hinubad niya ang suot niyang cardigan at itinali iyon paikot sa baywan ni Miguel. Bumaling si Audrey sa mga taong kumukuha ng larawan nang marinig ang dismayadong reklamo ng mga ito nang takpan niya ang puwet ni Miguel.

"Sorry, girls, that's mine."

"You are the lucky one! Your boyfriend is bootylicious!" Isang babaeng black American ang hindi nakapagpigil na ibulalas ang paghanga sa puwet ni Miguel na tila nagra-rap dahil sa accent nito. Nagtawan ang lahat ng nasa paligid.

"Can I ask you a favor, guys? Before uploading the video on socmed, please cover my future hubby's butt with stickers." Muling napuno ng tawan ang buong paligid.

Nang balingan niya si Miguel ay malapad ang pagkakangiti nito. Masira ang nga ang magandang mood nito. Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib ni Miguel.

"By the way, may isang kondisyon nga pala ako bago ako magpakasal sa 'yo."

"Kahit ano pa 'yan basta maging misis lang kita." Aw! Sa lahat ng sinabi ni Miguel iyon yata ang pinakanakakakilig.

"Tell me what is it?" Miguel urged her.

Audrey smiled. "Can we wait to be intimate again until we get married?" Ang excitement sa mukha nito ay unti-unting nawala.

"What do you mean?" Alam na nito ang ibig sabihin ni Audrey pero mukhang mas gustong makasiguro. Mas gustong maging deretsa siya.

"No sex until we got married." He looks at her with horror. Gusto ni Audrey na matawa sa reaksiyon nito.

"Seryoso?"

"Ayaw mo ba? Ayos lang naman. Pero hindi ako magpapakasal at itutuloy ko ang pag-alis ko."

"Ayos lang naman! Napakaliit na bagay." Mabilis na sagot ni Miguel.

"It's just sex. I can wait. It's just actually a bonus. Ang mahalaga sa 'kin makasama ka." Though, mukha namang sincere sa sinasabi ay hindi maitago ang disappointment.

"Thank you!" she chuckled. Muling hinapit ni Miguel si Audrey.

"Bukas na bukas din magpapakasal na tayo, para honeymoon agad." Umawang ang labi ni Audrey at kapagkuwa'y sabay silang nagkatawanan.



----

 May mga questions na hindi nasagot at unsolved case sa story na ito sa kadahilanang itutuloy iyon sa story ni East. This is the last chapter. 


Baka po ma-i-release ito sa July 14 sa event ng LIB Bare. Chapter 30 lahat ito sa books... Kasama dun ang pag-pop ni Miguel sa cherry ni Audrey, then chapter 30 is honeymoon ni Audrey at Miguel. Syempre sabik dahil no sex nga muna sila. Arte ni Audrey, kala mo virgin pa. LOL! Pero syempre paghahandaan ni Audrey ang araw na iyon para sulit naman ang paghihintay ni Miguel. Yung iba, for sure nabasa niyo na ang Wonted Heat at na-spoiled na kayong may little Miggy sina Audrey at Miguel. Sa bonus chapter ko i-reveal kung saan galing ang baby nila. 

Gagawan ko to ng Epilogue pero iba sa book version. Sana suportahan niyo si Miguel at Audrey. Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta. Love you all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top