Chapter 27
Note: May kaunting changes lang sa story, specially sa chapter na ito. About lang sa bluebook. Di ba, nakuha nila yun. So pinalitan ko.. Hindi na nila nakuha. Haha! Dapat iibahin ko na lang sa book version kaso baka mas malito kayo sa story ni Gabbie kung di ko babaguhin dito.
SINUBUKAN ipa-track ni Audrey sa kasamahang agent ang kinaroroon ni Miguel sa pamamagitan ng cell phone number nito. Pero nasa gitna ng karagatan ang kinaroroonan niyon. Mukhang itinapon ang cell phone. Mukhang maalam si Jonas sa mga posibleng maaaring mangyari. Hindi iyon katataka lalo't kung may kaugnayan ito sa mga terorista.
Pero bandang pasado ala-una ng madaling araw ay tumawag si Jonas kay Audrey para makipagkasundo. Si Miguel kapalit ng blue book at iba pang hawak niyang ebidensiya. Napagkasunduan nilang magkita sa abandonadong daungan ng mga barko sa Madredijos. Wala siyang sinayang na oras. Gamit ang helicopter ni Rufus, ay lumipad sila patungong Madredijos. Sa isang malaking abandonadong cargo vessel sila lumapag at iniwan niya si Rufus sa helicopter. Ayaw sana niyang isama ang lalaki pero nagpumilit ito. Wala na siyang panahon pang makipagtalo kaya hinayaan na lang niya itong sumama.
Bilin din ni Jonas na dapat ay wala siyang isasama sa kahit isa sa mga kasamahan niya. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit alam nito ang totoo niyang pagkatao. Bakit alam nito ang tungkol sa organisasyon kanyang pinaggalingan? Hindi basta-basta si Jonas Tschauder. Hindi ito bastang nagpapatakbo lang ng ilegal na negosyo.
Bitbit sa kanang kamay ang folder na naglalaman ng mga bagay na ibinigay sa kanya ni Mayor Climaco habang alertong nagmasid sa medyo may kadilimang paligid ng barko. Suot niya ang night vision glasses at isang faux leather rompers. Ilang sandali na lang din ay magbubukangliwayway na. The vessel has not completely abandoned. Some of the lights here are still working.
"Agent Dos." Dahan-dahan ang ginawang pagpihit ni Audrey nang marinig ang boses ng isang lalaki mula sa likuran. Jonas Tschauder was standing a few meters away from her with bodyguards with massive bodies behind him.
"Where's Miguel?" Sa halip na sagutin ay lumagpas ang tingin ng lalaki sa kanya. Nilingon niya ang helicopter kung saan naroon si Rufus na nakadungaw. Muli niyang hinarap ang lalaki.
"He's not gonna be a problem here." Itinaas niya ang hawak na envelope.
"Here's what you need. Now, let me see Miguel." He raised a hand and snapped his fingers. One of his bodyguards went to the accommodation at sa muling paglabas nito ay hawak na nito si Miguel. Audrey immediately pressed her lips together as she clenched her teeth nang makita ang kalagayan ni Miguel. Halos sarado na ang kabilang mata nito sa matinding pambubogbog. Gusto niyang takbuhin si Miguel pero pinili niyang manatili sa kanyang kinatatayuan at pilit niyang isinantabi ang nararamdaman na tiyak na maglalagay sa kanila sa kapahamakan. Kailangan niyang magpakahinahon kung gusto niyang mailigtas si Miguel.
"Miguel!" Agad niyang nilingon si Rufus na bumaba ng helicopter at itinaas ang kamay.
"Stay!" mariin niyang sabi. Napilitang bumalik si Rufus sa chopper.
Muli niyang binalingan si Jonas, itinaas muli ang envelope.
"Let's get down to business and finish this off. I'll exchange this document for Miguel."
"Don't be too hurry. I hate finishing the game that easily. Let's make it a little bit more challenging." He raised a hand again and he snapped his fingers. Sumenyas ang lalaking nasa may pinto ng accommodation at mula roon ay lumabas ang isang duguang lalaki, hawak-hawak ito ng isang armadong lalaki na may malaking pangangatawan. Katulad ni Miguel ay halos hindi na rin makilala ang mukha nito, mas matindi pa ang pinsalang natamo nito. Pero kahit ganoon ay namukhaan pa rin ni Audrey ang lalaki. It was Xyrus- Mayor Elaine Climaco-Tschauder's lover.
Sumunod naman na lumabas ang isa pang lalaki na may hawak na isang babae. Her heart had raced when their eyes locked. Hindi niya maintindihan kung bakit tila binalot siya ng matinding takot na makita ang babaeng nasa ganoong kalagayan. Parang kilala niya ang babae. She tried to recall her feature and when she'd finally remembered where she had seen her ay mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya. Ito ang babae sa alaala niya. Ang babaeng buntis na binaril sa mismong harapan niya.
Bigla ay naalala niya ang sinabi ni Rufus. Ang totoo niyang pagkatao. At ang tungkol kay Faye Sorlin. Siya ba 'yon? At kung totoong siya si Yvonne Sorlin, ibig sabihin ay nanay niya ang babaeng ito.
"Now!" Naputol sa malalim na iniisip si Audrey sa mga bagay-bagay nang magsalita si Jonas. Kinuha nito ang baril sa tauhan at ikinasa iyon.
"My wife was so stupid to make a deal with you." Audrey jerked when Jonas suddenly shot Xyrus on the forehead. Mulat ang mata nitong bumagsak sa sahig habang umaagos ang dugo. Napatili naman sa takot si Faye.
"He isn't part of this trading. His life is useless." Itinutok nito ang baril kay Faye.
"And this woman as well."
"No!" sigaw ni Audrey nang makitang kakalabitin na nito ang gatilyo. Tumaas ang kilay ni Jonas.
"Don't kill her. I trade this document with them."
"I need that document and the bluebook."
"Wala ang bluebook sa 'kin. We tried to steal it in your house but we failed." Kumibot ang sulok ng labi nito. Halata sa anyo nitong hindi naniniwala sa kanya. Tumiim ang mukha ng lalaki at itinutok ang baril sa kanya.
"Don't fool me!" matigas nitong bigkas.
"Kill me if you want, but you can't have that bluebook back dahil wala sa 'kin!"
"I will fucking kill you!" hiyaw nito.
"Then do it! But I'll assure you that you will have your brain scattered on the floor once you kill one of us." She raised a hand and snapped her fingers. Red trace laser sight suddenly appeared. Kanya-kanyang tumutok iyon sa ulo ng bawat isa. Tumaas ang sulok ng labi ni Audrey nang makitang nahintakutan si Jonas.
"Sorry, Mr. Tschauder, but I'm not foolish enough to go into battle without backup." Hinugot ni Audrey ang baril mula sa kanyang likuran.
"You know that I am Agent Dos, one of the best spy agents of CIA, yet you still underestimate me." Inilibot ni Audrey ang tingin sa paligid. Nasiyahan nang makita ang ilang kasamahan niyang nakaposisyon sa gilid ng barko. Inalis niya night vision glasses. Tumiim ang mukha ng lalaki. Hindi siya ganoon katanga para sumunod sa gusto nito. Walang kriminal na tutupad sa napagkasunduan lalo kung alam nitong ikakapahamak nito iyon. Sigurado siyang papatayin din sila ni Jonas sa oras na makuha ang gusto nito, pero hindi siya mamamatay na hindi lumalaban.
"Now, Mr. Tschauder, let's make this deal smooth. Take this file and let go of them."
"No!" Hinablot ni Jonas si Faye, ipinaikot ang isang braso sa babae at tinutukan ng baril.
"You can have your lover in exchange for that document. That's our deal. And Faye Sorlin will be my ticket for my exit. I'm not that stupid to release all my cards. If you're gonna kill me..." Jonas tightened his grip around faye, pressing the pistol agasint her temple.
"Your mother will die, too." Nagkatingin si Audrey at Faye. Kung gulat ang bumaha sa mukha ni Audrey kahit alam na niya ang posibilidad na ina nga niya ang babae, pinaghalong kasiyahan at pangungulila naman ang nasa mukha ng babae. Walang takot sa kabila ng sitwasyon kinalalagyan.
"Release him," utos ni Jonas sa taong may hawak kay Miguel.
"No!" pigil ni Miguel.
"Release her, and I'll be the one who stay as your hostage."
Dark, mirthlessly laugh escaped of Jonas. "Willing to sacrifice your life for that woman like what your brother did, huh?"
Audrey flew off the handle at Jonas's statement. "You killed Daniel, you bastard!"
"And I won't hesitate to kill his brother if you won't let me escape." Sumenyas ito sa mga tauhan, at parang mga robot na kumilos ang mga ito. Alam agad ang gagawin. Pinaikutan ng mga ito si Jonas para protektahan. Kinuha si Faye ng isa sa mga tauhan at itinulak ito palapit kay Audrey. Agad na niyakap ni Audrey ang babae matapos hablutin ng lalaki ang envelope na hawak niya. Nakatutok ang baril nitong umatras para bumalik sa kinaroroonan ni Jonas.
Hinawakan ni Audrey ang tainga kung saan nakasalpak ang micro in-ear communication system.
"Walang magpapaputok. Siguraduhin niyong ligtas si Miguel!" demand niya sa mga kasamahan.
"Move!" utos ng isa sa pinakapinuno sa mga bodyguard. Nagsikilos ang mga ito. Ginawa ang mga sariling human shield para protektahan si Jonas habang si Miguel ang naka-frontal at halos tumutok kay Miguel ang lahat ng pulang lasers. Tinungo ng mga ito ang ladder, kung saan may apat na speed boat sa baba ang naghihintay, habang may apat na naiwan, nanatiling nakatayo sa harapan nila at nakatutok ang mga baril sa kanila.
Alam na ni Audrey ang mangyayari. Isusugal ng mga ito ang sariling mga buhay para sa amo nila at sigurado siyang hindi lang ang mga ito ang naririto, patunay sa isang lalaking sumulpot mula sa itaas ng bridge.
"Target on the top of the bridge," paalam niya sa mga kasamahan.
"I got this," sagot ng isa sa mga kasamahan niya.
"Ready? Go!"
Mabilis na kumilos si Audrey. Bago pa man makapagpaputok ng baril ang mga tauhan ni Jonas ay inunahan na niya ang mga ito. Agad niya ring iniharang ang sariling katawan para i-cover si Faye at halos magkakasabay na bumulagta ang mga lalaki. Ang balang tumama sa mga ito ay nagmula sa mga baril ng ilan sa kasamahan nila at sigurado siyang isa sa mga iyon ay bala mula kay Gabbie na nagtatago sa gilid ng accommodation. Ang lalaki sa bridge ay nalaglag sa baba nang mataan din ng baril.
Iginiya ni Audrey si Faye patungo sa kinukublian ni Gabbie.
"You okay?" Sinuri niya si Faye. At nang masiguradong wala itong tama ay nakahinga siya ng maluwag.
"I need to save Miguel. Ikaw muna ang bahala sa kanya, Gabbie," pakiusap niya kay Gabbie.
"We will talk later," baling niya kay Faye.
"Please, take care of yourself." Tumango si Audrey.
"I'll go to chopper. Cover me!"
"We got you, Agent Dos," halos sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan niya. Lalabas na sana si Audrey nang makita ang maiksing kadena na nakakalat. Kinuha niya iyon bago lumabas mula sa pinagkukublian. Pinaputakan ni Audrey ang lalaking lumabas ng accomadation saka mabilis na tinungo helicopter na siyang gagamitin niya para habulin ang speedboat na sinasakyan ni Jonas at Miguel. Mas magiging ligtas at mabilis niyang mahahabol ang mga ito kung sasakyang panghihimpawid ang gagamitin niya. Kung speedboat, bago pa man siya makalapit kay Miguel paniguradong papaulanan na siya ng bala.
"Makalapit lang ako sa 'yo Jonas, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang existence mo sa mundong 'to." Isinuot niya ang aviation headset bago binuhay ang makina ng chopper. Sinulyapan niya ang baril na hawak ni Rufus na ibinigay niya kanina bilang proteksiyon nito kung sakaling magkaaberya.
"Audrey, maliligtas mo ba si Miguel?" Nasa boses at mukha ni Rufus ang matinding pag-aalala.
"It's a really bad situation, but I'll do all I can to save him." She assured him even though she's nervous. Pero hindi siya maaaring matakot sa mga oras na ito dahil tiyak na hindi niya maililigtas si Miguel kung ngayon pa siya matatakot. Hindi maaaring may mangyaring masama kay Miguel. Namatay si Daniel ng dahil sa kanya at hindi na siya papayag na maulit iyon kay Miguel.
"I trust you, Audrey," Rufus said.
Audrey pulled up the the collective-pitch control and the chopper rose above the ground, ballooned upward rapidly as she pulled it more. Pinalipad niya ang helicopter patungo sa direksiyong tinatahak ng speedboat na sinasasakyan ni Jonas at Miguel. Nagsimula nang balutin ng liwanag ang karagatan.
"Be ready, Rufus," Audrey says as she increased the speed. Nasa unahan ang speedboat na nasasakyan ni Jonas at Miguel. May kasama itong tatlong lalaki. Isang nagmamaneho, ang isa ay nakabantay kay Miguel habang ang isa ay nakaposisyon sa likuran, handa sa pagsugod ng kalaban. Ang tatlong speedboat ay nakasunod sa unang speedboat na pinoprotektahan na ngayon ay hinahabol na rin ng ilan sa mga kasamahan niya.
"East?" usal niya nang makita ang isa sa nagmamaneho ng speedboat. Hindi talaga makakatiis ang isang ito na pabayaan sila. Paniguradong sermon ang aabutin nila ni Gabbie nito dahil sa hindi pagpapaalam dito ng nangyari. Hindi nila gusto iyon, masyado siya naguguluhan at natataranta kanina para magawa pang tawagan si East. Ang unang tinawagan niya ay si Agent 20 para ipa-track ang location ni Miguel. Tinatawagan din ito ni Gabbie pero hindi sumasagot kaya hinayaan na lang nila si East.
"Paputukan mo sila, Rufus," utos ni Audrey sa lalaki. Sumunod naman ito. Binuksan ang pinto ng helicopter at nagpaputok ng ilang sunod-sunod.
"Woah!" Palatak ni Rufus nang sa huling paputok nito ay may tinamaang isa at bumagsak iyon sa tubig.
"Did you see that, Audrey? May tinamaan ako."
"Good for you." Mas dinagdagan niya ang speed ng chopper hanggang sa makalapit sila sa hinahabol na speedboat. Ngayon ay sinusubukan silang paputukan ng isa mga sakay.
"Shoot that fucker, Rufus!" May gigil niyang utos. Pumusisyon si Rufus pero pagkaraan ng ilang sandali ay muli itong umayos ng upo.
"Hindi ko kaya. Baka tamaan si Miguel."
"Fuck!" mura niya nang makitang tinatahak ng speedboat ang mabakawang parte. Kapag nakapasok sa mabakawan ang speedboat tiyak na mahihirapan na siyang makasunod pa at tiyak na makakatakas ito.
"Do you know how to fly this thing?" she asked Rufus.
"This metal bird?"
"Yeah."
"No!"
"Then wear the lifejacket." Inalis ni Audrey ang aviation headset.
"Bakit?"
"Tatalon tayo."
"What?!" Nagsimulang mataranta si Rufus.
"Tatalon tayo? Paano 'tong helicopter ko?"
"Ano ang mas mahalaga sa 'yo? Ang helicopter na 'to o si Miguel? Saka meron naman siguro 'tong insurance."
"I can replace it. Kaya kong bumili kahit ilang helicopter kung gugustuhin ko, but the memories I've had with this big bird can never be replaced. I'm too fond of our memories."
"But Miguel is more important than any memory you had with this chopper. Save it if you can, and I'll save Miguel." Muling hinabol ni Audrey ang speedboat. Binabaan niya ang lipad ng helicopter at ipinusisyon sa unahang dadaanan ng speedboat. Tinantiya niya kung kelan tatalon para sa mismong speedboat siya babagsak.
She started counting in her mind as the speedboat approaching. Nang malapit na iyon ay noon siya tumalon. Narinig pa niyang nagmura si Rufus habang nagkukumahog sa pagsuot ng lifevest.
Lumanding si Audrey sa mismong speedboat. Distracted ang mga sakay niyon dahil napasabog na ang isang speedboat na pumuprotekta rito. Ibinalya ng lalaki si Miguel para harapin si Audrey. Audrey raised a metal chain and lashed him on the face before he could pounce her. The man graoned painfully as he covered his face with his hands. Nagpakawala si Audrey ng isang malakas na sipa. Tinamaan ito sa sikmura at nalaglag sa dagat. Agad niyang naramdaman ang pagsugod ng isa pang lalaki mula sa kanyang likuran, mabilis ang ginawa niyang pag-ikot, inihampas niya ang kadenang bakal at tinamaan ito sa kamay. Nabitawan ng lalaki ang baril. Hinawakan niya ang kamay nito, umikot at mula sa likuran ay siniko niya ito. Umalpas ang impit na daing mula sa lalaki nang tamaan niya ang lalamunan nito ng mabutong siko. Muli siyang pumihit paharap habang mabilis ipinaikot ang kadena sa kamay at sunod-sunod na sinuntok sa mukha ang lalaki hanggang sa bumagsak itong walang malay.
Si Miguel ay dinamba naman si Jonas na tangkang babarilin si Audrey pero dahil wala naman itong alam sa pakikipaglaban o kahit anong uri ng martial arts ay madali itong natalo ng lalaki. Napahiga si Miguel at sunod-sunod na suntok sa mukha ang ibinigay ni Jonas.
Audrey completely flew into a rage nang mabalingan si Miguel na halos patayin na ni Jonas. Hinugot ni Audrey ang baril mula sa likuran at pinaputukan ang nagmamaneho ng speedboat na kinuha ang baril nang makitang napatumba na niya kasamahan nito. Binitawan niya ang baril, hiwakan ang dulo ng kadena at nanggagalit ang mga ngipin na sinugod si Jonas.
Ipinulupot niya ang kadena sa leeg nito at hinila ito. Mariin nitong hinawakan ang kamay niya habang habol ang hininga habang nakaluhod. Si Miguel ay tinakbo ang manibela ng speedboat nang makitang babangga sila bakawan.
"Putang-ina mong demonyo ka! Napakalaki ng kasalanan mo sa akin. Pinapatay mo ang mga magulang ko at si Daniel!" Pinakawalan ni Audrey ang lalaki. Sunod-sunod itong umubo habang hawak ang leeg. Hindi ito maaaring mamatay. Hindi sapat ang kamatay para sa demonyong ito.
Inayos niya ang pagkakapulupot ng kadenang bakal sa kamay. Ngayon higit pa ang ipaparanas niyang sakit sa ginawa nito kay Miguel. Humakbang si Audrey palapit sa lalaki. Umatras ito habang ang isang kamay ay nakataas, nakaharang, tila nagmamakaawa.
"Akala mo kung sino kang matapang! Pagtakas lang pala ang kaya mong gawin!"
"Are you afraid to die?" Halos mabasag ang mga ngipin ni Audrey sa pagtatagis.
"You wouldn't die... only if you can endure the pain." With that she had thrown multiple, powerful punches on his face. Sa bawat pagdapo ng bakal sa mukha nito ay nahihiwa ang balat ng lalaki. Hindi iyon tinigilan ni Audrey kahit pulang-pula na ang mukha nito dahil sa dugo. Punong-puno siya ng galit. Sa bawat suntok niya ay nakikita niya ang mukha ni Daniel, ni Miguel, ni Toffee ng kanyang tunay na ina at ng totoong Audrey na pinatay sa harapan niya. Audrey didn't stop from throwing punches kahit na narinig pa niyang isinigaw ni Miguel ang pangalan niya.
Ang susunod na suntok na dapat niyang papakawalan ay nabitin nang dalawang magkasunod na putok ng baril ang kanyang marinig. Malapitang putok. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Wala na si Miguel sa unahan ng speedboat. Nakatigil na rin ang speedboat habang sa bahagi ng bakawan ay naglalaglab dahil doon bumagsak ang helikopter. Mabilis siyang pumihit sa kanyang likuran, pero sa pagpihit niya ay bumagsak si Miguel na agad niyang nasalo.
"Miguel!" Naramdaman niyang may tila basa sa likuran nito at nang tingnan niya ang kanyang kamay ay punong-puno iyon ng dugo.
Ang lalaking nawalan ng malay-tao kanina ay sabog ngayon ang ulo pero hawak nito ang baril. Mukhang ito ang nakabaril kay Miguel, na tinapos naman ni East ang buhay. Sakay si East ng speedboat habang may hawak na baril. Mukhang siya ang dapat na babarilin pero iniharang ni Miguel ang sarili para protektahan siya.
Narantang niyakap ni Audrey si Miguel nang tuluyan itong mawalan ng malay-tao.
"Oh, God, Oh God! Miguel, you can't die! You can't die!"
HINDI maampat ang luha ni Audrey habang nakaupo sa gilid ng kama habang nakatunghay kay Miguel na wala pa ring malay-tao. Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil ligtas na si Miguel sa kapahamakan. Halos dalawang oras din siyang naghintay para matapos ang operasyon nito at dalawang oras pa bago inilipat sa recovery room si Miguel. Hindi naman malubha ang naging lagay nito. Walang napinsalang internal organ pero kinailangan alisin ang bala.
"I'm so sorry. Napahamak ka ng dahil sa 'kin. Dahil na naman sa 'kin." Sumpa ba siya sa pamilyang ito? Namatay si Daniel ng dahil sa kanya at ngayon ay napahamak naman si Miguel ng dahil sa kanya. Hinalikan niya ang likod ng palad ni Miguel at kapagkuwa'y dinala ang kamay nito sa kanyang pisngi. Hinding-hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung tuluyang nawala si Miguel.
"Audrey?" Bumaling siya sa may pinto nang pumasok si Esmeralda.
"Oh, darling. Tahan nang iyak." Nilapitan siya nito at hinaplos ang likod niya.
"Ayos na si Miguel. Bukas pwede na raw siyang ilipat sa Manila. Mas maganda ang facilities ng ospital sa Manila kaya nakiusap ako sa doktor na ilipat siya." Ang tanging ang pagtango lang ang nagawa ni Audrey. Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagluha. Kanina ay dumating ang magulang ni Miguel. Iyak rin nang iyak si Esmeralda pero nang siguraduhin ng doktor na wala ng dapat ipag-alala ay nakalma na ito. At siya ang hindi makalma-kalma mula pa kanina.
(Kawawang Rufus! Kuripot pa naman!)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top