Chapter 26

 Sensiya na! Nagkamali ako ng pub kanina. Napindot ng 'di sadya pagkarga ko kay Midknight, sa baby ko, napindot ang publish. LOL! Been very busy these past few weeks kaya ngayon lang ulit nakapagsulat. After ng Meet and Greet sa Iloilo, naging busy naman sa funeral ng father ko. 3 chapters na lang 'to at magiging iba po ang epilogue nito at last chapters sa book version. 



___


"MRS. SORLIN?" Napatigil ang ginang sa pagpasok ng sasakyan nang kunin ni Miguel ang atensiyon nito. Her eyes darted around, as if looking for someone na maaaring siyang tinatawag ni Miguel. Nang wala namang makitang ibang tao sa paligid maliban sa kanila ay muli nitong ibinalik ang tingin kay Miguel.

"Ako ba ang tinatawag mo, hijo?"

Namamangha si Miguel na nakatitig sa babae. Hindi siya maaaring magkamali. Si Faye Sorlin ang taong kaharap niya. She looks older than the woman in the photos he has pero sigurado siyang ito ang babae. Buhay ito. Kaya ba paulit-ulit na inuusal ni Lolo Mario na kinuha ng halimaw si Faye Sorlin dahil iyon talaga ang nangyari at nasaksihan ng matanda iyon. Pero sino ang kumuha rito? Bakit ngayon lang ito bumalik?

"Faye Sorlin?" usal muli ni Miguel.

"No. I'm Vevicka—" She suddenly stopped in her mid-sentence. Her brows wrinkled with confusion.

"What makes you think that I'm the woman whom you mentioned?" She looks confused but she seemed like she's interested.

Sinulyapan ni Miguel ang locket na hawak. Nanatili iyong nakabukas. Itinaas niya kamay at iniladlad ang kwentas sa harapan nito para ipakita ang larawan.

"Ikaw ang nasa larawan na 'to." Mas nagsalubong pa ang mga kilay ng ginang. Inabot nito ang locket at pinakatitigan ang nasa larawan.

She sucked in her breath. Her eyes averted from the locket back to his.

"Paanong— kilala mo ba talaga ako? Ako ba talaga ang nasa larawan na 'yan?" Bagamat nagulat ay nasa tinig at ekpresyon nito ang katuwaan. Para ba itong nabigyan ng pag-asa, nasolusyunan ang problema o mga katanungan. Ikinuyom ni Miguel ang palad at ibinaba ang kamay. Bakit parang wala itong alam? Bakit parang hindi nito kilala ang sarili?

"Kung ikaw ang babaeng nasa locket na ito, ibig sabihin ikaw si Faye Sorlin. Pero bakit ngayon ka lang ho bumalik after more than 17 years?"

Umiling ito. "Wala akong maalala. Naaksidente ako noon at nagising akong walang maalala kahit na pangalan ko. Vevicka. Vevicka Ivanov ang alam kong pangalan ko." Nagka-amnesia ito kung gayon.

"Ang batang nasa larawan. Sino ang batang 'yan at ang lalaking 'yan?" Muling tiningnan ni Miguel ang larawan ng ilang sandali bago muling ibinalik ang tingin sa babae.

"She's Aud— she's Yvonne and Harry. Your daughter and your husband."

Muli itong suminghap. "I have a child? Oh, God! Kung gayon, hindi lang simpleng panaginip ang dumadalaw sa 'kin gabi-gabi. Parte iyon ng nakaraan ko. May anak nga ako. May anak ako. Nasaan siya? May alam ka ba sa totoong nangyari sa 'kin? I don't remember anything, aside from a man and a kid with blurred faces... and this place... it seems familiar to me."

Nilinga ni Miguel ang mansiyon. "This is your house," he said, averting his gaze back to her.

"Sumama ka sa 'kin. Let's talk somewhere else."

Nagtiwala ang babae kay Miguel. Sumama ito sa kanya sa isang restaurant para mas makapag-usap nang masinsinan. Napag-alaman niyang sa Canada ito naninirahan kasama ang asawang nagngangalang Vladimir Ivanov. Ipinakita ni Miguel ang ilang mga larawang galing kay Daniel kasama ang artikulo tungkol sa pagpatay sa pamilya Sorlin. Isang pinay raw ang kasakasama nito at siyang nag-aalaga rito sa Canada.

"I wasn't allowed to go out without Vladimir. I wasn't allowed to watch news. Tanging movies lang ang maaari kong panoorin. Maging cellphone, hindi ako maaaring gumamit. Ang bodyguard ang laging may hawak ng telepono at mahahawakan ko lang ang bagay na iyon kapag tatawag si Vladimir. Nagkaroon ako ng hinala na may mali sa mga nangyayari dahil sa tuwing sasabihin ko sa kanyang may sumusulpot na alaala sa nakaraan ko magpapatawag siya ng isang neurone and psycologist. I had undergone different kinds of treatment. Pero sa halip na magtuloy-tuloy ang pagbalik ng memorya ko, mas lalo lang nawawala sa tuwing sumasailalim ako sa mga treatment at therapist. Until I found out that those treatments didn't really help to recollect my lost memories. I overheard them discussed about my situation. They are desperately seeking ways to remove my past memories permanently. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong may mali. Isama pa ang katotohanang wala akong anumang nararamdaman para kay Vladimir. Wala akong maramdamang pagmamahal sa kanya."

"May mga alaalang bumabalik lately. Hindi ko na sinabi kay Vladimir at this time mas nagiging malinaw ang alaala ko. May alaalang ikinakasal ako. Bagamat Malabo ang mukha, sigurado akong ibang lalaki 'yon at hindi kay Vladimir. May batang babae sa alaala ko na hinahalikan ang tiyan ko at kinakausap ang bata sa sinapupunan ko. Narinig ko minsan na nakikipag-usap siya sa telepono. Binanggit niya ang pangalang Jonas Tschauder. Ang Sorlin Mansion, at ang lugar na ito. Nang malaman kong pupunta siya ng Hawaii, ginawa ko ang lahat para isama niya ako. Gusto kong makaalis, gusto kong malaman ang totoo. I met this Filipino couple in Four Seasons Resort in Hawaii. Tinulungan nila akong makatakas. Gamit ang kanilang private plane lumipad kami patungong Pilipinas. Ang agad na pinuntahan ko ay ang lugar na ito," mahabang paliwanag ni Faye.

"This Vladimir Ivanov is a Russian?"

"Yes. Pero marami siyang alam na lenggwahe. Madalas niyang gamitin ang Tagalog, Russian at Persian. Hindi rin siya pumipirmi sa Canada. Madalas siyang umalis. Pumupunta ng Pilipinas, Russia at kung saan-saang lugar. Iniiwan ako sa isang bahay na kahit ekspertong magnanakaw yata ay hindi kayang pasukin dahil bukod sa napakataas na mga bakod at dami ng bantay. May mga hi-tech security alarm sa buong mansiyon."

"Sumama ka sa 'kin sa Manila. Kailangan niyong magkita ng anak mo."

"SO, THIS is your gift to your son, huh? Unique." Bahagyang siniko ni Esmeralda ang braso ng asawa dahil sa simpleng pang-aasar nito.

Isang simpleng birthday party lang ito para kay Miguel na dinaos sa clubhouse ng pribadong subdivision. Pinili ni Esmeralda na dito idaos ang pagtitipon sa halip na sa mansiyon para naman kapag dinala ni Rufus si Miguel ditto ay hindi makahalata. Ayaw rin nitong ganapin sa mas malaking lugar dahil alam nitong ayaw ni Miguel ng magarbong pagtitipon. Isang exclusive gathering lang ito kung saan piling malalapit na kaibigan at kamag-anak lang imbitado.

"This is just a part of my gifts. Wait for the main surprise." Panay ang sulyap ni Esmeralda sa entrance, nanalangin na sana ay dumating ang pinakaimportanteng panauhin ng pagtitipon na ito.

Inilapag ni Rufert ang baso ng alak na wala ng laman sa dalang tray ng nagdaang waiter.

"How sure are you na magugustuhan ito ni Miguel? He doesn't like parties. Unless may mga sexy stripper kang inimbenta." Marahas na suminghap si Esmeralda saka nanglalaki ang matang bumaling sa esposo.

"Christ! Mahilig ka sa stripper?"

"Not me! Sabi ko ang anak mo. Alam mo naman ang kabataan ngayon." Inayos ni Rufert ang necktie at ibinaling sa malayo ang tingin nang paningkitin ito ni Esmeralda ng mata. Hindi kumbinsido.

"Kadiri! Hmpf! Sana sinabi mong gusto mong sinasayawan ka habang naghuhubad sa harapan mo para ginawa ko sa 'yo noong sariwa pa ako." Amused na tumitig si Rufert sa asawa.

"Gagawin mo kaya kung sinabi ko noon?"

"Im a good dancer, Rufert," nagmamalaki nitong sinabi.

Ipinihit si Rufert ang katawan paharap sa asawa. "Pwede pa naman 'di ba?"

"Kadiri ka!" Natutop ni Esmeralda ang bibig nang hindi mapigilan ang tawa. Hinampas nito ang asawa sa dibdib.

"Why? You still look fresh. Para kang bulaklak na namumukadkad palang." Sa pagkakataon na iyon ay tuluyan nang humalakhak si Esmeralda. Maluha-luha ito sa pagtawa. Hindi nito ma-imagine ang sarili na sasayawan ang asawa habang nagtatanggal ng saplot lalo sa ganitong edad. Nakakadiri!

"You are so beautiful, Esmeralda." Natigil sa pagtawa ang babae nang makita ang matamang pagtitig ni Rufert. Ang pagseryoso ng anyo nito.

"Wow! Thank you, Rufert." Manghang usal ni Esmeralda dahil sa wakas, sa unang pagkakataon ay nasabi nito ang papuring iyon sa ganitong sitwasyon. She heard him saying those words when they are making love which she assumed that he just wanted to spice up their intimacy.

"Since when you've realized that I'm beautiful, huh?" Nanunudyong tanong nito. Inabot ni Rufert ang dalawang kamay ng asawa. Marahang hinaplos ng hinlalaki ang ibabaw ng palad niyon bago tumitig sa mga mata ng asawa.

"Maganda ka sa paningin ko mula pa man noon, Esmeralda. Maganda ka sa mga mata ng lahat tao. But I was mesmerized by your beauty the day we got married. Kahit nakasimangot ka ng araw na 'yon. Kahit panay ang irap mo sa 'kin ng araw na 'yon. I couldn't help but think how lucky I am to have one of the most beautiful women on earth."

Pinunit ng malapad na ngiti ang mga labi ni Esmeralda.

"Sayang lang at hindi ko masabi sa 'yo ang mga nararamdaman ko. Natakot akong baka pagtawanan mo ako. Alam ko kung gaano mo kamahal ang hindi naman kagwapuhan mong ex." Muling tumawa si Esmeralda sa panglalait nito sa dating nobyo.

"I haven't enough courage to tell you how much I love you."

"You love me?" Bumaha ang gulat sa mukha ni Esmeralda.

"Hindi mo ba nararamdaman?"

"Nararamdaman ko naman pero hindi ko in-assume na pagmamahal ang ipinapakita mo. I just thought you were just respecting me as a mother of your children."

"Ako ba? Kahit paano ba natutunan mo na rin akong mahalin?"

"I hate to think that I've started falling for a man that I hate the most. Ayaw kitang mahalin dahil alam kong wala kang pagmamahal sa 'kin. Negosyo lang ako para sa 'yo. Kaya mas ginusto kong isipin mong nanatili ako sa tabi mo para sa mga anak natin. My pride was holding me back. It prompted me to lie instead of being fully honest about my feelings. It stopped me to show how much I love you, Rufert. But I do love you. You've started got my heart when I heard you telling me how beautiful I am while I was sleeping."

"You heard me?"

"Do you remember the first time I let you kissed me? The first time I let you undressed me after how many years of marriage?"

"Oh! Dahil narinig mong sinabi ko 'yon kaya pumayag kang may mangyari sa atin?" Nakangiting tumango si Esmeralda.

"Lagi kong sinabi 'yon, Esmeralda. Unang mga araw palang ng kasal natin. Pambihira naman! Bakit naman ilang taon pa bago mo narinig 'yon?" Tumawa si Esmeralda. Niyakap ito ng esposo.

"Mahal na mahal kita, Esmeralda."

"I love you, too, Rufert. I do really love you."

"Sayang lang. Dahil sa sitwasyon natin naapektuhan ang mga anak natin. Hindi tayo naging perpektong magulang. Hindi natin naiparamdam ang pagmamahal natin sa kanila." Mas nagkaroon ng gap sa pagitan ng mag-asawa nang umalis si Daniel at tikisin ito ni Rufert. Naging masma-awtoridad pa ito at pinagbawalan si Esmeralda na kitain si Daniel kaya bumalik ang galit nito kay Rufert.

"Maaari pa naman tayong bumawi kay Miguel. Wala na si Daniel pero nandito pa si Miguel. Hindi man tayo naging perpektong magulang but we can be the best and perfect grandparents." Kumalas mula sa pagkakayakap si Esmeralda. Nagniningning ang mga matang tiningala ang asawa.

"Yes. I'm so excited to play with our future grandchildren!"

"Miguel will be giving us many grandkids!" Masuyong ikinulong ni Rufert ang mukha ng asawa at ginawaran ito halik sa labi.

"Mama Esmeralda!" Isang magiliw na boses mula sa babae ang pumutol sa moment ng mag-asawa. Malapad na ngumiti si Esmeralda nang makita si Gabbie kasama si Toffee. Hawak naman nito ang isang babae sa braso na nakatalikod sa kanila. Lalong nagalak si Esmeralda nang makilala ang babae nang humarap ito.

"She's here, Rufert. Halika at ipapakilala kita kay Audrey."

KITANG-KITA sa mukha ng mag-asawang Montecillo, lalo na kay Esmeralda ang kagalakan nang makita si Audrey.

"I'm so glad you came." Niyakap ng ginang si Audrey nang buong higpit. Ipinakilala sila sa asawa nitong si Rufert. Mukha namang friendly ang lalaki na malayo sa unang naging encounter nila.

Pinilit siya ni Gabbie na dumalo sa pagtitipon kaya wala ng nagawa si Audrey kundi ang sumama. She wanted to stay at home and not show up to this party, but figured it would be rude. Esmeralda is such nice person para hindi niya pagbigyan. At oo... inaamin niya, gusto niyang makita si Miguel kahit sa huling pagkakataon man lang.

"Maraming salamat, Audrey, sa pagpapaunlak," ani Esmeralda nang silang dalawa na lang. Gabbie and Toffee mingled with other guests. Mukhang nag-eenjoy ang dalawa. Sila ni Esmeralda ay nakaupo sa isang mesa.

"Walang anuman po."

Kakaunti lang ang tao sa pagtitipon. Karamihan ay pawang mga kaibigan ni Miguel at malapit na kamag-anak. Hindi raw kasi gusto ni Miguel ang mga ganitong pagtitipon. Mas gusto raw nitong sini-celebrate ang kaarawan na kasama ang mga barkada.

Her gaze automatically stopped from wandering around when a familiar man caught her attention.

"Sino po ang lalaking 'yon?" Sinundan ng ginang ang direksiyon kung saan nakatuon ang mata ni Audrey.

"Si Sherwin, ang nakababatang kapatid ni Rufert."

"Tito ni Miguel?" Nakangiti itong tumango. Ito ang lalaking napagkamalan niyang kapatid ni Daniel. Inakala niyang ito si Miguel.

"That man... hindi niya gusto ang ideya na bumalik si Daniel noon sainyo." Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng pagkayamot. Hindi niya makalimutan ang mga sinabi nito noon.

"Masyado kasing competitive ang isang 'yan. Gusto niyang maging chief operating officer noon pero kay Miguel ibinigay ni Rufert ang posisyon at mas lalo siyang mawawalan ng tsansang makuha ang inaasam na posisyon sa kumpanya kapag bumalik si Daniel."

Tumango-tango si Audrey. Mukhang na-sense ng lalaki na pinag-uusapan nila ito. Inilapag nito ang baso sa cocktail table, nagpaalam sa kausap na babae at lumapit sa kinaroroon nila.

"Hi, ladies," bati nito sa kanila.

"Sherwin, this is Audrey, Miguel's fiancée." Mula sa lalaki ay marahas na bumaling ang mukha ni Audrey kay Esmeralda.

"Daniel's fiancee," pagtatama ng lalaki at matamis na nginitian si Audrey. Mukhang nakikilala siya.

"I'm Sherwin, Daniels's uncle." Kinuha nito ang kamay ni Audrey at ginawaran ng halik ang likod ng palad. Isang tipid na ngiti lang ang naging tugon ni Audrey sa lalaki.

"Wala pa rin ba si Miguel, ate?"

"Oo nga, eh. Dapat nandito na siya kanina pa. I've already texted Rufus. Siya ang magdadala kay Miguel dito." Ibinaling ng babae ang tingin sa entrance. Bigla itong napatayo mula sa kinauupuan nang makita si Rufus. Nakangiting kumaway si Rufus sa kanila habang naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Tumayo na rin si Audrey bago pa man makalapit si Rufus.

"Rufus, kasama mo na ba si Miguel? Where is he?" Ang malapad na pagkakangiti ni Rufus ay unti-unting naglaho.

"Wala pa po si Miguel?" takang tanong nito.

"Hindi ba't may usapan tayong dadalhin mo siya rito after kong magbigay ng go signal. Kanina pa ako text nang text sa 'yo. Tumatawag ako, hindi kita makontak."

"I lost my phone." Rufus averted his attention to Audrey.

"Hey, Audrey, where's Miguel?" Tinaasan niya ito ng kilay. Bakit siya ang tinatanong ng lalaking ito?

Nang tila mahulaan ni Rufus na wala rin siyang alam sa kung nasaan si Miguel ay mabilis na nagbago ang anyo nito. Ang kingkoy na aura nito ay biglang naging seryoso. Ekspresyon na kailan man ay hindi niya nakita kay Rufus. At bigla siyang kinabahan dahil doon. She could feel that something is off.

"Ahm... tita. Tatawagan ko lang po muna si Miguel." Muling ibinalik ni Rufus ang tingin kay Audrey. Rufus just gave her a curt nod before heading toward the exit. His action was enough for her to fully understand na may nangyayari ngang hindi maganda.

Nagpaalam muna siya sa kausap. Sumunod siya kay Rufus palabas na pavilion.

"What is going on, Rufus?" Tanong niya sa lalaki na balisa habang may tinatawagan.

"Hindi ba tumawag sa 'yo si Miguel? Hindi ba nakipagkita sa 'yo?" sunod-sunod nitong tanong habang hawak ang cell phone na nakalapat sa tainga.

"No. Ano ba ang nangyayari?"

"C'mon, c'mon! Dammit!" Tumiim ang mukha ni Rufus. Dalawa lang iyon, hindi sinasagot ang tawag o hindi makontak.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Hindi naman kasi niya trabaho pero nagpapakabayani ang putang-ina!" palatak pa nito.

"Rufus? Pwede bang huminahon ka at sabihin mo sa 'kin ang nangyayari. Nasaan si Miguel?" she was asking Rufus to calm down pero ito siya't abot-abot na rin ang kabang nararamdaman.

"Look, Audrey. Kasama ko si Miguel sa Madredijos, nagpunta siya ng San Agustin para alamin ang hinala niya sa pagkatao mo."

"Pagkatao ko? Rufus, linawin mo. Wala akong maintindihan. Ano ang tungkol sa pagkatao ko na gusto niyang alamin?" Wala siyang itinatago kay Miguel. Kahit ang pagiging secret agent niya ay sinabi niya rito kahit labag iyon sa organisasyon nila.

"May nahalungkat si Miguel na bagay na iniwan ni Daniel. Ipinabibigay raw sa 'yo. Palihim palang nag-imbestiga si Daniel ng tungkol sa Sorlin Massacre noon at ngayon ay pinaniniwalaan ni Miguel na 'yon ang dahilan kung bakit namatay si Daniel."

"Hindi. Imposible. Hindi ni Daniel itatago sa 'kin kung nag-iimbistiga man siya tungkol sa kaso ng magulang ko."

"Itatago niya sa sa 'yo ang bagay na iyon, Audrey, lalo't nasa listahan ng personage structure ang pangalan ng taong kumupkop sa 'yo. At lalo't may nalaman siya tungkol sa pagkatao mo."

"What do you mean?" Tinitigan ni Rufus si Audrey ng ilang sandali bago isiniwalat ang nalalaman nito.

"Nalaman ni Daniel na ikaw si Yvonne Sorlin at hindi si Audrey Dizon."

"Ano?" bulalas ni Audrey. Mas lalo siyang naguguluhan. Hindi rin alam kung papatulan ang sinasabi ni Rufus dahil alam niya sa sarili niyang imposible ang bagay na iyon. Kung meron nakakakilala sa totoong pagkatao niya siya iyon at si Bernard.

"At gustong malaman ni Miguel ang totoo sa pagkatao mo at sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Daniel kaya nagtungo siya sa San Agustin. At nakumpirma niyang ikaw nga si Yvonne Sorlin, anak ni Harry at Faye Sorlin." Hindi nakapagsalita si Audrey. Ang tanging pagtitig kay Rufus ang nagawa niya. Ano ba ang sinasabi nito? Paanong mangyayari 'yon?

"Imposible. Kung totoo ang bagay na 'yan 'di sana alam ko 'yan."

"Paano mong malalaman kung sadyang itinatago sa 'yo ng taong kumupkop sa 'yo ang totoo sa pagkatao mo?"

"Hindi gagawin ni papa ang bagay na 'yon."

"Na kay Miguel ang lahat ng ebidensiya na nagpapatotoo sa pagkatao mo, Audrey." Kung totoo ang sinasabi ni Rufus... bakit? Bakit itatago ng kanyang papa ang totoo niyang pagkatao? Ano ang dahilan?

"Nasaan si Miguel?"

"That's the problem now, Audrey. Hindi ko alam kung nasaan siya. Tumawag siya kanina sa 'kin at sinabi ang natuklasan, sinabi niyang mauuna na silang bumalik ng Manila para makipagkita sa 'yo. Para sabihin sa 'yo ang lahat. Pero kanina pa 'yon at dapat nandito na sila."

Itinaas ni Audrey ang isang kamay, asking for Rufus to pause. "Sila? May kasama si Miguel kung gayon. Kung ganoon ang kasama niya ang tawagan mo. Sino ba ang kasama niya at ako ang tatawag? Ibigay mo sa 'kin—"

"Ang mama mo." Naputol ang pagsasalita ni Audrey na nagsisimula ng mag-panic. At mas lalo rin siyang naguguluhan sa bawat sinasabi ni Rufus,

"Mama ko?"

"Si Faye Sorlin. Buhay siya, Audrey. Nakita siya ni Miguel at gusto ka niyang makita." Nasapo ni Audrey ang noo. Buhay si Faye Sorlin. Paanong nangyari?

Sabay na bumaling ang tingin ni Rufus at Audrey sa clutch bag na hawak ni Audrey nang tumunog ang cell phone na nasa loob niyon. Mabilis niyang kinuha ang cell phone at agad na sinagot ang tawag nang makitang si Miguel ang tumatawag.

"Miguel, where are you?"

"Inspector Audrey Dizon a.k.a Dos, one of the best agent of Commando Intelligence Agency." Her forehead knitted together. Hindi si Miguel.

"Sino ka? Nasaan si Miguel?"

"Check your inbox." Iyon lang at biglang natapos ang tawag. Nanginginig ang mga daliri niyang kinalikot ang cell phone. Message inbox ang hinanap niya at pag-tap palang niya sa numero ni Miguel ay bumungad agad sa kanya ang larawan ni Miguel. Natutop niya ang bibig at dala ng matinding takot at pagkahabag sa itsura ni Miguel ay parang gripong binuksan ang mata niya na tuloy-tuloy na bumuhos ang luha.

Nakaupo si Miguel sa isang silya habang nakatali. Walang pang-itaas na damit habang duguan ang mukha, namamaga ang panga nito at ang kabilang mata ay hindi na maimulat pa. Ang isang kuhang larawan naman ay aktuwal na sinusuntok si Miguel ng isang lalaki habang may suot na knuckle ring fight.

"Audrey? Ano ang nangyayari?" Hindi umimik si Audrey sa tanong ng nag-aalalang si Rufus kaya napilitan ang lalaki na kunin mula kay Adurey ang cell phone.

"Dammit!" palatak ni Rufus nang makita ang larawan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top