Chapter 25
"PARE, gising! Samahan mo ako!" Kanina pa ni Rufus ginigising si Miguel pero kahit anong yugyog ay hindi ito magising kaya naisipan nitong baklasin ang makapal na comforter na nakatakip sa katawan ni Miguel. Lumantad ang hubad na katawan ng binata. Nakatihaya ito, nakabukaka pa ang dalawang hita at maging ang mga braso ay nakadipa na parang ipapako sa krus. Napatawa si Rufus nang makita ang ari nitong buhay na buhay. Nakaturo sa kisame.
Ang loko-lokong kaibigan ay agad na gumana ang kapilyuhan. Nagbukas ito ng mga drawer ng nightstand at nang hindi makita ang kailangan ay ang kabilang nightstand ang binuksan. Nakakaloko itong ngumisi nang makita ang itim na artline marker at gunting. Kinuha iyon ni Rufus at may ngisi sa labing bumaling kay Miguel.
"Ayaw mong gumising, ah?" Tinungo nito ang closet at kumuha mula roon ng isang abuhing panyo-- a Christian Dior Handkerchief.
Ginupit nito ang panyo, kumuha ng maliit na perasong tela. Inilapag ni Rufus ang gunting sa nightstand bago nilapitan si Miguel. Ibinuka nito ang hita ni Miguel saka lumuhod sa pagitan ng hita. Ang ginupit na panyo ay ibinalot nito sa ulo ng pagkalalaki ni Miguel. Ginawang bandana. Lumipat ito sa tagiliran at sinimulang guhitan ng mukha ang ulong walang balot ng panyo. Nilagyan ng salamin, ilong at makapal na pulang labi at kapagkuwa'y ginuhitan ng gitara ang katawan ng pagkalalaki nito.
"Bangis! Rocker!" Hinugot ni Rufus ang smartphone mula sa likod ng maong na pantalon at kumuha ng ilang larawan niyon.
Agad niyang binuksan ang messenger at nagpadala ng minsahe sa mga kaibigan sa Hunks group chat.
(Hey men! Do you know that Miguel has a child?)- unang minsaheng ipinadala ni Rufus. A few seconds later random messages popped up.
"Really?" - Leon
"May nabuntis siya?" - Gavril
"Fucking shit! May semilyang nakalusot?" - Earth
"Naghahabol ba ang babae?" - Loki
"Woah! That would be great!" -Kylar
"Wanna see this adorable kid? I have a photo but this kid's gender is kinda confusing." Malakas na humalakhak si Rufus wala pa man. Hindi man lang nagising si Miguel sa ingay ng kaibigan.
Rufus sends the photograph of Miguel's penis with caption "meet, Tootsilog, Miguel's son, a Vagina rocker."
Base sa iba't ibang laughing stickers na sunod-sunod na lumabas mula sa mga kaibigan, he knew they are bursting into laughter.
"Tang-ina! Is that Miguel's penis?" -Loki
"No! Miguel's son." -Rufus with emoji heart eyes.
"Siraulo ka talaga Rufus!" Si Kylar na sinamahan pa ng sandamakmak na emojis.
"You are disgusting!" Si Leon na may kasama ring joy emojis.
Nagising si Miguel sa ingay ni Rufus. Iminulat niya ang isang mata para silipin kung kanino nagmumula ang malakas na tawa. Nakaupo ang kaibigan sa gilid niya habang tawa nang tawa. Alam nito ang code ng pinto niya kaya malaya itong nakakapasok sa kanyang pad.
Hinampas niya ito. "Ingay mo! Anong oras na ba? At ano ang ginagawa mo rito?" Muli niyang ipinikit ang mata.
"Gising na, pare. Your son is gonna perform for your birthday." Lukot ang mukhang nagmulat ng mata si Miguel.
"What?"
"Ayon, oh!" Itinuro ni Rufus ang ari na pinaglaruan. Sinundan naman ni Miguel ng tingin ang bagay na itinuturo ng kaibigan. As soon as his gaze reached his penis, na mukhang rockista, his foggy head became alive.
"Choke me, daddy!" Rufus's loud, boisterous laughter resonated throughout the room.
"What the!?" Miguel threw him a sharp look.
"Happy birthday, bro!"
"Putang-ina ka talaga!" Bumangon si Miguel, hinablot ang tela na nakabalot sa dulo ng kanyang pagkalalaki at itinapon sa mukha ni Rufus na tawa nang tawa. Hinablot ni Miguel ang unan at ipinatong sa lantad na kasarian.
"Lakas mo talagang mang bwesit kahit kailan! Ano bang kailangan mong taratando ka!"
"Kanina pa kasi kita ginigising ayaw mong gumising." Inangat ni Miguel ang unan at sinilip ang pagkalalaki. Ngumiwi siya nang makita ang iginuhit na mukha ni Rufus doon. Tarantado talaga ang lalaking ito. Kinuha niya ang cellphone sa nightstand. Group chat head nilang magkakaibigan ang agad na nag-pop up sa screen ng cellphone niya. Nang buksan niya iyon ay agad na siyang napasimangot nang mabasa ang mensahe ni Austin.
"That's the ugliest dick I've ever seen." Doon palang ay alam na niyang ipinakita na ni Rufus ang ari niyang pinaglaruan nito. Binasa pa niya ang ibang mensahe at pulos panglalait sa titi niya ang nabasa.
He found himself in the midst of typing a short message and hit the send icon.
"Mga putang-ina niyo!" Ibinalik niya ang cellphone sa nightstand at muling binalingan si Rufus na tatawa-tawa pa rin.
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Ang aga-aga nangbubulahaw ka."
"Samahan mo ako sa Madridejos. Spend your special special day with me." Rufus wiggled his eyebrows.
"Ayoko! Wala akong balak lumabas ng bahay." Kaarawan niya ngayon pero wala siya sa mood lumabas. Mas gusto niyang magbawi ng tulog. Halos umaga na siyang umuwi mula sa pakikipag-inuman kagabi.
"Sige na! Saglit lang naman tayo. May kailangan lang talaga akong puntahan. Pupuntahan ko lang si Nana." It was Rufus' yaya na naging yaya rin ng tatay nito noon.
"Kailangan ko ng kasama para makaalis ulit ako. Paniguradong kukulitin ako ni nanang mag-stay kapag mag-isa ako."
"H-HELLO PO!" Audrey stuttered. She was taken aback by Miguel's mother's appearance. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw nito sa kanya.
"Am I disturbing you?"
"Ahm... hindi naman po. Tuloy ho." Nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok ito.
Isinara niya uli iyon at iginiya ang ginang sa sala.
"Maupo po kayo." Bigla siyang ninerbiyos. Sa totoo lang ay hindi na sana niya gusto pa itong makita o kahit kanino sa pamilya Montecillo. Nahihiya rin siya rito dahil sigurado siyang may alam na nito sa naging kaugnayan niya kay Miguel.
"Hindi ka ba uupo?" anito ng makaupo na ito pero si Audrey ay nanatili pa ring nakatayo. Alanganin siyang ngumiti at naupo sa katapat nitong sofa.
Iginala ng babae ang tingin sa kabuan ng condo.
"This place is cozy. Miguel has been looking after this place and maintaining its original arrangement." Ibinalik nito ang atensiyon sa kanya.
"Gusto namin na pagbalik mo maabutan mo na walang nagbago sa bahay niyo ni Daniel."
"Ahm... Bakit po kayo naparito? May kailangan po ba kayo?" tanong niya sa ginang. Medyo hindi siya komportableng pag-usapan si Daniel. Alam niya kasing alam nito ang namagitan sa kanila ni Miguel. Hindi niya nga alam kung ano ang nasa isip nito tungkol sakanya at ayaw na rin niyang alamin pa kasi alam niyang hindi iyon maganda.
"Can I invite you to a party?"
"P-party?"
The woman sent her a warm smile. "We will throw a simple surprise birthday party for Miguel."
"Birthday ho ni Miguel? Kailan?"
Mas lumapad ang ngiti ng babae nang makitaan nito si Audrey ng interes.
"Yes. Miguel will be very happy if he'll spend his special day with you." And that statement confused her.
"Are you inviting me?"
"Yes, hija. Mapagbibigyan mo ba ako?"
"Pero bakit po? Ahm... ma'am--"
"Just call me tita or mas maganda kung mama ang itatawag mo sa 'kin." Is she still considering her as her daughter in law kahit wala na si Daniel? That's awesome! Kung sana lang noon pa sila nito tinanggap ni Daniel kahit paano sana naging masaya si Daniel.
"Thank you, tita, for inviting me but--"
"She's going! Don't worry, mama." Nagsalubong ang mga kilay ni Audrey sa biglang pagsabat ni Gabbie. Magkasunod na lumapit si Gabbie at Toffee. Pinasundo niya ang kapatid kay East mula sa isla. Ayaw pa nga nitong sumama kung hindi lang niya kinagalitan. Masyadong nalibang sa isla. Sumasali raw ito sa race. Hindi niya ito pinapahintulutan sa mga ganoong bagay. Masyadong delikado. Mabuti na nga lang at napapayag niya ang kanilang papa na huwag gawing agent si Toffee.
"I'm Gabbie, Audrey's sister and this dude is Toffee, our brother." Nakipag-beso pa si Gabbie kay Esmeralda. Feeling close. Kahit kailan makapal talaga mukha nitong si Gabbie.
"Invited din po ba kami?" Gabbie sat down on the couch next to Esmeralda.
"Of course! Hindi ko alam na may mga kapatid pala si Audrey. Mas matutuwa si Miguel kung sasama kayo."
"Si Kuya Miguel. Close po kami ni Toffee sa kanya, mama. Boto po kami sa kanya para sa Ate Audrey namin!" Jesus Christ! This bitch really knows how to manipulate the situation. May pa-ate ate pa ang gaga. Kuya. Mama. What the fuck!
"You are so adorable, Gabbie." Mukhang natuwa naman ang ginang sa pagiging magiliw ni Gabbie.
"I know po," she said with a tiny voice, tacking the strands of her hair behind her ear. Pucha! Ang sarap dukutin ng vocal cords para tuluyang mawalan ng boses.
"Alam mo pinangarap ko ring magkaroon ng anak na babae pero hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon. Sana kapag nagkaanak si Audrey at Miguel mamana ang pagiging magiliw mo."
Napamulagat si Audrey sa sinabi ni Esmeralda. Ano ba ang pinagsasabi nito? Okay lang ba rito na maging sila ni Miguel gayong fiancee siya ni Daniel.
"Ibig pong sabihin okay lang sainyo kung si Audrey at Miguel ang magkakatuluyan?" Nagniningning ang mga mata ni Gabbie na sumulyap kay Audrey.
Tumingin sa kanya si Esmeralda. Pigil ang paghinga ni Audrey sa magiging sagot nito.
"If they love each other then I'll support them." Kinagat ni Audrey ang ibabang labi. Mariin. Kinurap niya ang mata nang bigla iyong mag-init. Tila may humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito.
"Aw! You are such an angel. Hindi na ako naniniwala na kontrabida ang mga in-laws," si Gabbie na may genuine na ngiti sa mga labi.
Nagyuko si Audrey. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung hindi lang dahil sa deperensiya niya natuwa na siguro siya. Pero papatayin niya ang pangarap ni Esmeralda na magkaroon ng apo kung sila ni Miguel ang magkakatuluyan. Minsan sinusubakan niyang isipin ang buhay nila ni Miguel bilang mag-asawa. Pinagkukumpara niya ang sitwasyon kung sakaling may anak sila at ang sitwasyong wala silang anak. Nasasaktan siya ng paulit-ulit dahil kahit siya mismo, mas gusto niya ang magiging buhay nila ni Miguel na may mga anak na naglalaro sa bahay nila, naghahabulan sa hardin at kasama niyang sinasalubong si Miguel mula sa trabaho.
Ilang sandali pang nakipagkwentuhan si Esmeralda sa magkakapatid. Halos si Gabbie lang ang nakikipag-usap sa ginang. Ayaw man niyang magmukhang introvert ay ganoon pa rin ang kinalabasan. Hindi niya kasi alam kung paanong pakikitunguhan ang babae. Ayaw rin naman niya itong bigyan ng false hope. Ayaw niya talagang dumalo sa pagtitipon. Nakapag-usap na sila ni Miguel at nagdesisyon na itong hindi na magpapakita pa sa kanya at kung pupunta siya ano na lang ang mangyayari? Hindi rin naman sila nito magpapansinan at mas masasaktan lang siya. It would be best if they stay away from each other.
"I'll expect to see you later, hija," ani Esmeralda nang magpaalam na ito.
Hindi umimik si Audrey. Bahagya lang siyang ngumiti. Kinuha ni Esmeralda ang mga kamay ni Audrey at tinitigan siya nito sa mga mata. Tila ba kinokensiya siya. Parang alam nito ang negatibong naglalaro sa isipan niya.
"Miguel has been upset this past few days. I know, he'll very happy if he'll see you at the party. He doesn't like parties ever since and he won't appreciate this party without you. Please, hija. Pagbigyan mo ako."
"Pupunta po siya. Sinisigurado ko po 'yan sainyo. Mukha pong wala lang siya sa sarili dahil nag-iisip 'yan ng isusuot niya." Ang tila nawawalang pag-asang anyo ni Esmeralda ay lumiwanag sa sinabi ni Gabbie.
Niyakap siya ng ginang bago tuluyang umalis. Paulit-ulit pa nitong sinasabi na aasahan siya.
"Ano ba naman, Gabbie!" kastigo niya sa dalaga nang makaalis ang babae.
"Wala kang puso kong hindi mo siya pagbibigyan."
"Wow! Nagsalita ang may puso."
"Wala akong puso sa mga kriminal, but I have soft heart sa mga katulad ni mama."
"Tigilan mo nga ang pagtawag ng mama kay Mrs. Monticello. Para kang temang." Tinungo niya ang sala at sumunod naman si Gabbie.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin si Miguel. Wala kang problema sa magiging biyanan mo."
She turned to face Gabbie. Her frown deepened.
"Gabbie, narinig mo naman ang sinabi niya. She wants grand children!"
"Madali na lang gawan ng paraan 'yan, Audrey. Kung gusto mo gagawa kami ni Miguel ng baby at kapag nangitlog na ako ikaw ang kikilalanin niyang nanay. Easy as that. Masyado mo lang pinapakomplikado ang lahat."
"Seriously?"
Tumaas ang kilay ni Gabbie at kapagkuwa'y nakakalokong ngumisi. "Hindi mo gusto ang ideya na ikakama ako ni Miguel 'no?"
"Shit!" She cursed under her breath. It's disgusting. Bigla niyang naalala si April at Kylar. April is a surrogate. Aanakan ni Kylar at ibibigay ang bata sa kapatid ng lalaki. Pero base sa obserbasyon niya sa mga kilos ng dalawa ay mukhang nahulog na ang dalawa sa isa't isa at baka ganoon din ang mangyayari kung papahintulutan niya iyon.
"Alright! Nagseselos ka na agad hindi pa man." Humalukipkip si Gabbie. Umiling si Audrey at tinalikuran ito. Tinungo niya ang silid pero sumunod ito sa kanya.
"How about Vitro Fertilization? I'm willing to donate an egg. You have your ovaries removed, yet you still have uterus, Audrey, kaya pwede kang magbuntis."
"Technically, it's not my child. Oh, God! Stop pressuring me!"
Hindi niya alam kung magagawa ba niya ang ganoong bagay. Paano kung malaman ng magiging anak niya ang proseso ng pagkabuo nito? Paano kung hanapin nito ang tunay na ina? Paano kung mas maging matimbang sa bata ang tunay na ina kaysa sa kanya? Nakakatakot! If things don't go according to the plan, siguradong siya ang mawawalan. Siguradong siya ang maiitsapwera. At hindi siya nakakasiguro kung tatanggapin nga siya ni Miguel dahil sa kalagayan niya.
Aminado siyang isa sa bagay na pinapangambahan niya ay ang marinig mismo kay Miguel na hindi siya nito kayang pakasalan dahil sa deperensiya niya. Kaya mas ginusto na lang niya ang ganito. She's selfish. Yeah. Pero pagod na pagod na siyang masaktan.
"Okay. I get it." Gabbie raised her hands in surrender. Agad nitong naramdaman ang gumugulo kay Audrey.
"Mag-beauty rest ka na muna para pretty ka sa party. Maghahanap ako ng maisusuot natin."
"Hindi ako pupunta. Kung gusto mo ikaw na lang."
"Pupunta tayo. Don't argue, Audrey. Ako ang bunso rito at bilang nakakatanda dapat mapagbigay ka sa baby girl. Understand?-- yeah. You do. Silent means yes. Bye!"
Ang siyang tanging nagawa ni audrey ay ang sundan ng tingin si Gabbie na lumabas ng pinto. Grabe talaga ang babaeng ito!
NAPAPAYAG ni Rufus si Miguel na sumama sa Madridejos. Naalala niya ang mga larawang iniwan ni Daniel kaya naisipan niyang sumama kay Rufus para alamin ang misteryo ng mga larawan na iyon. Sa halip na sumama sa bahay ng pakay ni Rufus ay humiwalay muna siya sa kaibigan. Susunod siya pagkatapos ng sariling lakad. Nagrenta siya ng sasakyan at tumungo sa San Agustin sa bahay nina Hilda.
Nag-request si Miguel kay Hilda na kung maaari niyang makita ang larawan ni Audrey noong bata pa ito kung meron man. Thankfully, Hilda has a photo of Audrey. It was a class picture. Ayon kay Hilda ay kuha ito noong kinder ang mga ito.
Pinakatitigan ni Miguel ang imahe ng batang babae na nakahalo sa maraming bata.
"Sigurado ka ba, Hilda, na ito si Audrey?"
"Hindi ka rin makapaniwala ano? Grabe ang iginanda niya." Ang batang ito ay malayo sa itsura ni Audrey noon. Maganda naman ang bata pero napakalayo ng itsura.
Kinuha ni Miguel ang larawan ni Audrey at Toffee na nasa kanyang wallet at ipinakita kay Hilda.
"Eh, ito. Sino ang batang 'to?"
Pinakatitigan ni Hilda ang larawan. Umiling ito pagkaraan ng ilang sandaling pagtitig sa larawan.
"'Nay?" tawag ni Hilda sa inang si Minerva na kasalukuyang pinapalitan ang pang-itaas na damit ng matanda.
Tinapos muna nito ang ginagawa bago sila nilapitan.
"Kilala mo po ba 'to?" Kinuha ni Minerva ang larawan at sinuri.
"Ito ang anak ng mag-asawang Sorlin. Si Yvonne pero itong bata hindi ko kilala." Napahugot ng malalim na hininga si Miguel sa narinig. Kung gayon tama ang hinala niya.
"Sigurado po ba kayo?"
"Oo naman. Minsan kung makita ang batang 'yan kapag isinasama ni Madam Faye sa manggahan," pagkukumpirma nito.
"Alam mo malabo nang malutas ang kaso ng Sorlin Masacre. Noon may nagpunta rin ditong isang lalaki at nagtanong tungkol sa batang 'yan at kay Audrey. Pulis daw siya. Pero parang wala rin namang nangyari. Hindi ko na nga nakita pa ang batang pulis na 'yon."
Hindi kaya si Daniel ang tinutukoy nito?
Para makumpirma ang hinala ay kinuha ni Miguel ang smartphone at hinanap ang larawan ni Daniel na naka-save sa gallery at ipinakita kay Aling Minerva.
"Ito ho ba ang pulis na tinutukoy mo?"
"Siya nga. Kilala mo siya?"
"Kapatid ko."
"Ay talaga ba? Eh, kumusta siya?" Bahagyang tumaas ang boses ng babae. Maging sa ekspresyon nito ay kinakitaan ng gulat at excitement.
"Patay na ho siya. Dalawang taon na ang nakalipas."
Suminghap ang babae. "Jusko! Dalawang taon na rin ang nakalipas nang magpunta siya rito. Kataka-taka nga, dahil matapos ang karumaldumal na krimen ay wala man lang nag-imbestiga sa nangyari pero pagkalipas ng labing-limang taon, sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagkainteres sa kaso." Umatras si Aling Minerva at nanghihinang naupo sa kawayang sofa.
"Pero sa nangyari sa kapatid mo. Mukhang tama ang hinala ng marami, na hindi masasamang loob ang may gawa sa bagay na iyon."
"Ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Hinala ng ilan na ang pamilya Climaco lang ang may gawa ng massacre. Noon pa man ay matagal ng gustong makuha ng pamilya Climaco ang lupain ng Verga-- ang magulang ni Madam Faye, pero hindi gustong ibenta ng mga magulang ni Madam Faye. Nang mamatay sa aksidente--na diyos lamang ang nakakaalam kung aksidenta nga talaga-- ang mag-asawang Verga ay muling sinuyo ng pamilya ni Climaco si Madam Faye pero hindi nito iyon ibenenta. Pero matapos ang masaker biglang napunta sa mga Climaco ang lupain. Ibenenta raw ng asawa ni Madam Faye ang lupa bago pa man ito mamatay."
Pamilya Climaco. Ang pamilya ni Mayor Elaine Climaco-Tschauder.
"Kung pinapatay ang kapatid mo, Miguel. Maaaring mapahamak ka rin."
"Pero kailangan kong malaman ang totoo."
"Pasensiya na, hijo, pero wala kaming maitutulong. Naibigay na namin sa kapatid mo ang locket, na mukhang wala naman naitulong." Ang locket necklace na kasama ng mga larawan. Kung gayon galing iyon dito.
TINAWAGAN ni Miguel si Toffee para itanong kung sino ang kinikilalang magulang nito at ni Audrey. Nakumpirma niya mula rito na si Bernard Villalobos ang siyang tinutukoy ni Audrey na nagpalaki sa kanila; ang taong isa sa matrix na ginawa ni Daniel, ang ama ni East. Pero bakit binago nito ang pangalan ni Audrey? Bakit kinailangan nitong palabasin na si Yvonne Sorlin, ay si Audrey Dizon? Ipinapatay ba ni Jonas Tschauder si Daniel dahil sa ilegal na ginagawa nito o dahil sa natuklasan ni Daniel sa totoong pagkamatay ng mag-anak.
Umigting ang panga ni Miguel habang nakatitig sa mansiyon ng Tschauder mula sa malayo sa labas ng property nito. Kita mula sa labas ang mansiyon dahil sa bakal na bakod ang kalahati niyon. Matapos niyang makausap si Aling Minerva at Hilda ay natagpuan na lang niya ang sarili sa tapat ng property ng Tschauder. Sinadya niyang pumarada may distansiya sa gate.
Kailangan niyang maipaalam kay General Arnoco ang mga nalaman. Hindi niya muna maaaring sabihin kay Audrey, lalo na kay East dahil maaaring sangkot ang ama nito sa mga nangyayari. Magulo. Pero sigurado siyang konektado ang mga tao sa matrix.
Bumuntong-hininga siya bago pumihit at tinungo ang nakaparadang sasakyan. Napansin ni Miguel ang isang babaeng nakatayo sa tapat ng nakaparadang sasakyan, katulad niya ay nakatuon din ang buong atensiyon sa mansiyon ng Tschauder.
Napatigil si Miguel sa pagbukas ng pinto ng sasakyan nang biglang mapagtantong tila pamilyar ang mukha ng babae. Muli niyang nilinga ang kinaroroonan nito at matiim na pinakatitigan. Pilit inalala kung saan nga ba niya ito nakita until...
"Hindi ako maaaring magkamali," usal niya sa sarili nang sa wakas ay maalala kung sino ang kamukha nito. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at mula sa folder ay kinuha niya ang kwentas at binuksan ang locket. Sinuri ang babaeng nasa larawan bago muling ibinalik ang tingin sa babae.
"Faye Sorlin," usal niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top