Chapter 23

Audrey clumps along the corridor with her head lowered, almost dragging her feet to make it into the door of her condo. Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa. Iyon ang pakiramdam niya sa mga oras na ito. The heavy-achy-feeling in her chest is suffocating her. She suddenly feels fragile.

Matapos nilang mag-usap ni Cassy at marinig ang mga payo ng babae ay bumigat na ng ganito ang pakiramdam niya. Kawalan ng pag-asa sa buhay ang nararamdaman niya. She knows she can't be happy anymore. Ganito talaga kalupit ang Diyos sa kanya kung meron man. Ipaparamdam sa kanya ang kaligayahan pero agad ring babawiin. Hindi simpleng pagbawi lang ang ginagawa kundi dadagdagan pa ang sakit.

She lifts her gaze, stalled as she sees Miguel leaning against the door with his gaze glued on the floor as if there's something interesting on it. Her hands balled, trying to control the pent-up emotions that were likely to be exploded any time soon. No hatred. Sadness. Matinding kalungkutan ang bumabalot sa puso niya. Pero mas mabigat sa pakiramdam na wala na siyang galit na nararamdaman para kay Miguel. Mas masakit dahil kahit gaanong pilit niyang pagsupil ay pilit pa ring nanaig ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Miguel.

Nag-angat ng mukha si Miguel at bumaling ito sa direksiyon kung saan siya nakatayo. Agad itong umayos mula sa pagkakatayo. Dahan-dahang humakbang habang nakatitig sa kanya pero muli ring tumigil sa gitna ng kuridor. Hindi mapakali ang kamay nito. Nilalaro iyon. Kinakabahan.

Nag-iwas ng tingin si Audrey saka nagpatuloy sa paghakbang, pigil ang hininga nang lagpasan niya ang binata. Her breath hitched as the piercingly fresh scent of him waffed into her nose as she passed him, and it's imposible not to spend a split-second thinking of herself  being wrapped in his strong arms while lying on the bed, breathing in his intoxicating scent like what she was used to doing.

She shook her head, brushing the thought away. Binuksan niya ang pinto, pumasok at hinayaan lang na bukas iyon.

Kasiyahan at pag-asa ang dulot niyon kay Miguel. Indikasyon lang iyon na bukas na si Audrey sa pakikipag-usap.

Inilapag ni Audrey ang shoulder bag sa sofa. Nanatili siyang nakatayo at nakatalikod kay Miguel na sumunod sa kanya sa pagpasok.

She has to end this issue.

With her back on him, she asked. "How long have you been here?"

"Ahm..." he paused a second, cleared his throat then continued, "3 hours."

3 hours? He had been waiting for her for 3 hours. Wala ba rito si Gabbie?

"What do you need?" Nanatili siyang nakatalikod, hindi niya kayang harapin ito. She is an art of pretending, but this man spoiling the skill that she had been mastered.

"I want us to talk, Audrey."

Ipinikit niyang saglit ang mata at malalim na huminga bago nagsalita.

"Kung tungkol ito sa mga nangyari kinalimutan ko na, Miguel. I'm very sorry if I over reacted. I'm sorry sa mga nasabi ko. I was just devastated that day. I was just guilty. Wala na tayong magagawa para ibalik pa ang lahat. Pinapapatawad na kita. The only thing we need to do right now is to make things right."

She did it! Nagawa niyang magsalitang hindi gumaralgal ang boses niya kahit gusto nang sumabog ng puso niya dahil sa matinding emosyon.

Naramdam niya ang paglapit ni Miguel. The heat that exudes from his body was too much, Audrey hitched in a trembling breath.

Audrey stilled when Miguel's arms wrapped around her body. Hinalikan  nito ang buhok niya.

"I'm so sorry!" bulong nito.

Humigpit ang yakap nito at muling bumulong. "I miss you so much! I terribly miss you, sugar!"

Tuluyang nanginig ang mga labi ni Audrey at sunod-sunod na pumatak ang mga luha. She missed him, too. She does!

Pinihit siyang paharap ni Miguel. Nagyuko siya para iwasan ang mga mata nito, pero masuyong hinawakan ni Miguel ang kanyang mukha at inangat iyon. Pinahid ang kanyang luha.

"Forgive me, Audrey." Lalo lang bumuhos ang luha ni Audrey nang makita ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Miguel. She knows he means it. His eyes reveal his true emotions, but it only makes her heart aches.

Bumaba ang mukha ni Miguel para sa isang halik. Ipinikit ni Audrey ang mata at hinayaang lumapat ang labi nito. Ang mga labing pinangungulilaan niya sa mga nagdaang araw.

Mabagal na gumalaw ang labi ni Miguel na kanya namang tinugon pero ang luha ay hindi maampat, tuloy-tuloy sa pagbuhos. He put both arms around her, pulling her against him. Her hands came to rest on his shoulders. The movement of their lips didn't change. It's gentle, yet passionate.

Regardless, how much she likes being kissed by him, when the realization dawned on her, she abruptly halted. Her hands slid down to his chest. She could feel the rapid beats of his heart against her fingers.

"I love you," bulong ni Miguel sa labi niya. Nagmulat si Audrey nang mata. When her gaze met his and saw the hope and joy in his eyes, her heart aches even more as if a giant hand squeezed it.

"G-goodbye, Miguel!" Ang saya at pag-asa sa mga mata ni Miguel ay mabilis na napalitan ng pagkalito. Humakbang siya paatras.

"I want to end this now. Sana huli na itong pagkikita natin."

Naguguluhan itong umiling. "Haven't you forgiven me yet?"

"I already forgave you."

"Then why? Bakit ayaw mo na akong makita?"

"Ito ang tama. Please, Miguel, don't make it to hard for us. Believe me."

"But I love you!" Humakbang itong palapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"You can have any woman you want."

"Hindi ko kailangan ng ibang babae. Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Ikaw lang." Nasa boses nito ang matinding pagmamakaawa.

"You don't deserve me. You deserve someone better. A woman that can--" She choked her words, tears began pooling up in her eyes again.

"A woman can give you a fulfillment. A woman that can make you a father. And that's not me. I'm not the one!"

"Hindi. Ikaw ang babaeng 'yon. Ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko." Sinapo ni Miguel ang mukha ni Audrey at tinitigan siya sa mga mata.

"Mahal na mahal kita. Alam kong mahalaga sa 'yo si Daniel, mahal mo siya, pero bigyan mo ako ng chance. Hayaan mong mahalin kita. Magpakasal tayo." Audrey groaned by the time she heard the last word. Kung sana lang ay maaari niyang tanggapin iyon, baka siya na ang pinakamasayang babae ngayon.

"Audrey, bumuo tayo ng pamilya. I promise I'll do everything to be the best husband and father. Lumaki kang walang magulang. Kayo lang ni Toffee. Ako, hindi ko naranasang pahalagahan ng magulang ko, hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila and we both deserve to experience to be loved by our own family. We deserve to have a complete family.  Let's build a big happy family, Audrey. We are going to have children. 3 4, 5 or more children. Sabay natin silang ihahatid sa school, tuturuan ng homeworks, babasahan ng bed story. We will name our first born after me. Miguel Montecillo Jr. Isn't it amazing?"

Mariing ipinikit ni Audrey ang mata at parang paulit-ulit lang na hinihiwa ang puso niya sa mga sinasabi ni Miguel. Once that first tear broke free again, the rest followed in an unbroken stream. 

Pilit niyang inalis ang kamay nitong may hawak sa mukha niya at umatras.

"Tama na! Tama na! Tama na! Hindi ka ba makaintindi? Hindi ako ang babaeng nababagay para sa 'yo! Hindi kita kayang bigyan ng anak! Kahit isang anak hindi ko kayang ibigay sa 'yo kaya huwag mo nang ipilit!"

Pain streaked in his face.

"Hindi mo ba talaga ako mahal?"

Natigilan si Audrey. Mahal na mahal niya ito, pero hindi sapat ang pagmamahal lang para maging masaya sila lalo't ang simpleng pangarap ni Miguel ay suntok sa buwan para sa kanya.

At kung kinakailangan niya itong saktan gagawin niya para ito na mismo ang lumayo sa kanya.

"Hindi kita mahal." Mas matinding sakit ang bumalatay sa mukha ni Miguel sa sinabi niya.

"Iba iyong nararamdaman ko.  Naramdaman ko sa halik mo na mahal mo ako."

"Dahil iyon ang gusto mong paniwalaan. Iyong halik, I was just testing my emotion pero wala talaga. Even the desire that I felt for you before was gone. It's already gone. Si Daniel lang talaga ang mahal ko. Siya lang ang mamahalin ko. Siya lang at wala ng iba. Do you understand, Miguel? I can't love you. I can't force myself to love you."

"Tama na!" He stopped her by raising  his hand in front of her. Dahan-dahang kumuyom ang palad nito at ibinaba kasabay nang pagtiim ng panga para pigilan ang panginginig ng labi.

"G-ganoon..." Malalim itong huminga.

"Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin? " Kinagat ni Audrey ang labi nang makita ang sakit na nararamdaman ni Miguel. He looks hopeless and in so much pain and that's slicing her heart into two.

Muli nitong pinagtagis ang mga ngipin. Mariing inilapat ang mga daliri sa mata para pagilan ang nagbabadyang luha at kapagkuwa'y isinabunot ang kamay sa buhok habang ang isang kamay ay nasa balakang.

Ngumisi ito, na nauwi sa pamaklang pagtawa.

"Dammit! Bakit ba ipinipilit ko lagi ang sarili ko sa mga taong hindi naman ako kayang mahalin?" Umiling ito habang paulit-ulit na pinagtatagis ang mga ngipin at humakbang paatras.

"I'm sorry," mahina nitong usal.

"Ito na ang huli. Hindi na kita guguluhin."

"Miguel?" Usal niya sa pangalan nito nang makita niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha mula sa mata nito.

Mabilis na itong tumalikod at tinungo ang pinto. Nang tuluyang mawala sa paningin niya si Miguel ay tuluyang napahugulhol si Audrey. Itinukod niya ang kamay sa sofa at tila nauupos na kandilang sumalampak sa sahig. Isinubsob ang mukha sa brasong nakapatong sa sofa at ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman sa pag-iyak.

Napasukan ni Gabbie si Audrey sa ganoong itsura. Agad itong lumapit.

"Audrey?" Lumuhod si Gabbie, hinawakan siya  sa balikat.

"Ano ba ang nangyari? Nakasalubong ko si Miguel, umiiyak rin." Hindi umimim si Audrey, patulog ito sa pagtangis.

"Sabihin mo naman sa 'kin? Huwag mong sarilinin ang problema mo!"

"Ang sakit-sakit, Gabbie! I love him! I love him!" Nag-angat siya ng mukha.

Kinabig siya ni Gabbie at niyakap. Hinaplos ang likod.

"Hindi mo pa rin ba napatawad? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo kakataboy mo sa kanya. Audrey, wala na si Daniel at hindi naman krimen kung mamahalin mo ang kapatid niya."

"I can't love him. Hindi siya magiging masaya sa 'kin. Hindi ko siya kayang bigyan ng anak! Mga anak na pangarap niya. I'm worthless!" It's not about Daniel anymore. Hindi niya maaaring tanggapin ang pagmamahal ni Miguel dahil sa pagiging inutil niya bilang isang babae.

Miguel thought, she couldn't give him a child because she doesn't love him; she doesn't want him to be the father of her child. He had no idea that Audrey literally can't give him a child because she is not able to conceive. She got gunshot in abdomen two years ago. Sa tindi nang tama niya ay nag-iwan iyon ng napakalaking pinsala sa kanyang reproductive system dahilan para mawalan siya ng kakahayaang magkaanak.

"You aren't worthless, Audrey. Hindi nababase ang kahalagahan ng isang babae sa kakayahang magbuntis. You are a gem." Hindi nakatulong ang mga sinabi ni Gabbie para maibsan ang sakit na nararamdaman ni Audrey.

Iginiya ni Gabbie si Audrey sa silid at hinayaang magpahinga. Pinagmasdan ito ni Gabbie habang nakahiga sa kama. Tumahan na si Audrey pero batid ni Gabbie na hindi pa rin naiibsan ang sakit na nararamdaman nito.

Tinawagan ni Gabbie si East at ipinaalam ang lagay ni Audrey.

SINULYAPAN ni Audrey ang lalaking nakaupo sa katabing high stool sa bar nang itulak nito ang baso ng alak sa granite countertop patungo sa kanya. Galawan ng mga fuckboy! Offer a woman a drink, introduce himself, having a little chit-chat, asking for a dance, teasing until they ended up on a bed, having a good fuck and then run.

Ngumiti ito sa kanya at itinaas ang basong hawak. May itsura naman ang lalaki. Sa itsura nito mukhang  habulin ng babae pero walang dating sa kanya. Pero sa bagay, halos lahat naman ng lalaking sumusubok na lumandi sa kanya walang dating sa kanya. 

Isa pa, masyadong nangingibabaw ang pagmamahal niya kay Miguel sa ngayon kaya natural na ganito ang maramdaman niya. Sa halip na ma-   flattered ay pagkairita ang nararamdaman niya.

Pero bakit nga ba hindi niya subukang ituon ang atensiyon sa ibang lalaki. Hirap na hirap siya noon sa pagmo-move on sa pagkamatay ni Daniel pero nang makilala niya si Miguel ay naging masaya siya.

Bakit hindi niya gawin ulit ngayon sa ibang lalaki ang katulad ng ginawa niyang pakikipaglapit kay Miguel? Malay niya, bigla ay makalimutan niya si Miguel. Baka naman masyado lang niyang itinuon ang buong atensiyon niya kay Miguel kaya inaakala niyang ganoon niya ito kamahal. What if sleeping with other man is the way to forget Miguel?

Sinulyapan niya ang alak na nasa counter. Kinuha niya iyon at inisang lagok. Inilapag niya sa counter ang wala ng lamang baso. She swiveled sideways on the stool to face the man. Pinagkrus niya ang mga hita.

Mas lumapad ang ngiti nito.

"Type mo ako?" untag niya sa lalaki.

"Is it that obvious that I'm into you?" he asked with a seductive smile on his face. But to Audrey, walang dating ang mga ngiting iyon. Only Miguel could produce a perfect inviting, seductive smile.

"So, wanna sleep with me?" Napasipol ang lalaki sa deretso niyang tanong. Nangningning ang mga mata dahil hindi na mahihirapan pang makipagbulahan just to get into her pants.

"The offer was too tempting to resist."

Tumayo ito mula sa kinauupan, itinukod ang isang kamay sa countertop. Inilapit ng lalaki ang mukha kay  Audrey para sa isang halik na handa naman niyang tanggapin. Subalit hindi pa man nakakalapat ang labi nito sa kanya nang biglang umikot ang kinauupuan niya patungo sa kabilang bahagi.

"East?" Ang namumungay niyang mata ay bahagyang namilog nang makita ang madilim na mukha ni East.

"What do you think you're doing?" tiim bagang nitong pangangastigo. Ang lalaki naman na nangungursunada kay Audrey ay mamamagitan sana sa dalawa pero hindi na nito itinuloy pa nang hugutin ni East ang baril mula sa tagiliran at ilapag iyon sa counter at titigan ito matalim ni East.

Itinaas na lang nito ang dalawang  kamay saka umalis. Umupo si East at muling hinarap si Audrey.

"What? I'm just having fun," aniya saka pumihit paharap sa bar counter. Kinuha ang atensiyon ng barista.

"Another shot of Nastoiki, please," nakangiti niyang sinabi. Nastoiki is her favorite homemade Russian alcoholic drink. Iba ang lasa ng mga Nastoiki na nabibili sa bar kumpara sa homemade sa Russia pero pwede na rin.

"Oh, and give this pussy a ladies drink," pahabol niya. Umiling si East.

"Jack and Coke for me," ani East sa bartender na agad namang tumalima para gawin ang order nila.

"What the fuck are you doing, Drey?" Namumungay niyang binalingan si East.

"Umiinom. Ano ba ang tingin mo?"

"Nagpapakalasing nang dahil kay Miguel? If you love him then why don't you tell him?"

Nagtagis ang mga ngipin ni Audrey. Sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Miguel ay sobra siyang nasasaktan. Sinusubukan niya itong kalimutan pero napakahirap.

Kinuha ni East ang baso na inilapag ng bartender.

"Sasamahan na lang kita rito." Biglang naging mahinahon ang boses ni East nang hindi umimik si Audrey at maramdaman ang lungkot nito.

Itinaas ni East ang baso para sa isang toast. Kinuha naman ni Audrey ang baso at pilit na ngumiti, ibinangga ang baso sa hawak na baso ni East.

Sinamahan ni East si Audrey ng halos magdamag. Hinayaang uminom hanggat gusto nito hanggang sa ito na mismo ang nagyayang umuwi.

Hawak niya sa baywang ang dalaga. Hindi na ito tuwid kung maglakad at tiyak na sa semento ito pupulutin kung hindi ito aalalayan.

"Anong nakuha mo sa pag-inom? It makes you happy now?" Tanong ni East sa dalaga.

"My heart is still aching," pag-amin ni Audrey.

"Pero kung hindi ka dumating baka nakalimutan ko na si Miguel ngayon."

"Sa paanong paraan?"

"If I sleep with that man baka ngayon naka-move on na ako."

"Seriously, Drey? Do you really think having sex with other man can make you forget Miguel?"

"Yes! Because after having sex with  Miguel, kahit paano nabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Daniel. I still love Daniel, I still can't forget Daniel pero nagawa kong magmahal ulit ng iba."

Isinandal ni East si Audrey sa gilid ng sasakyan nang marating ng dalawa ang sasakyang dala ni East.

"At kung ibabaling ko ang atensiyon ko sa iba, baka sakaling makalimutan ko si Miguel. And who knows, baka hindi naman pala talaga pagmamahal ang nararamdaman ko para kay Miguel. Baka init lang ng katawan. Miguel is the only man I slept with..."

"Kaya gusto mong mangaladkad ng kung sinong-sinong lalaki just to prove to yourself that you aren't in love with Miguel?"

"There's nothing wrong with that, East. Maraming babae riyan na ginagawa lang namang libangan ang pakikipagsex."

"And you aren't like them. Matino kang babae."

"Ayaw ko ng maging matino, East. Kahit naman magpakatino ako, kahit naman piliin kung maging mabuting tao hindi pa rin naman ako pinagpapala. Hindi pa rin ako maging masaya!"

Sinapo ni East ang mukha ni Audrey at tinitigan siya sa mga mata.

"Stop it, Audrey! Kung kinakailangan na bantayan kita araw-araw gagawin ko."

Tinitigan ni Audrey si East. Bumaba ang mata niya sa labi nito. Kung si East kaya ang makasiping niya, ganoon din kaya ang mararamdaman niya sa tuwing kasiping niya si Miguel.

Hindi niya malalaman kung hindi niya susubukan.

Ipinaikot ni Audrey ang mga bisig sa leeg ni East at kinabig ito palapit sa kanya saka siniil ng halik sa labi. Umungol si East sa labi ni Audrey na nabigla sa ginawa ng dalaga.

"Damn! Ano ang ginawa mo, Drey?" Kastigo ni East sa dalaga nang makawala ang labi.

"I just want to prove na kaya mong iparamdam sa kin ang kayang gawin ni Miguel. Na hindi pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. That I can forget him if I divert my attention to anyone else. If let another man kiss me, touch and fuck me even!"

"Drey?" Hindi makapaniwala si East. Pagkaawa ang nararamdaman nito sa kaibigan. Audrey wants to forget Miguel desperately kaya wala na ito sa tamang pag-iisip.

"At kung hindi mo ako kayang tulungan tigilan mo ang pangingialam sa buhay ko." Itinulak niya si East saka tinalikuran pero bago pa man siya makalayo ay hinila siya ni East pabalik at bigla na lang siya nitong siniil sa labi.

East wants to prove to Audrey na mali ang paraan nito. East knows that Audrey is really in love with Miguel at hindi pakikipagtalik sa ibang lalaki ang solusyon para malimutan nito si Miguel.

Bagamat nagulat ay nagawa pa ring tugunin ni Audrey ang halik ni East pagkalipas ng ilang segundong pagkabigla. Ipinaikot niya ang mga braso sa leeg ni East at kung gaano kaagresibo ang halik nito ay sinabayan niya.

She knows, she could feel something. Imposibleng hindi.

Dumausdos ang isang kamay ni Audrey sa katawan ni East, pababa hanggang abutin niya ang butones ng pantalon nito. Nabuksan iyon ni Audrey na hindi man lang namalayan ni East at ang sumunod na ginawa ni Audrey ang siyang nagpatigil kay East sa paghalik. Pumalatak ito ng mura, hinuli ang palapulsuhan ni Audrey at hinila ang kamay nitong nakahawak na ngayon sa pagkalalaki nito.

"What the fuck, Audrey!" Nanginig ang labi ni Audrey sa pagkadismaya. She couldn't feel anything while kissing East. The racing heart, butterflies in stomach, fireworks, nervousness and excitement... hindi niya maramdaman ang mga iyon.

Whenever Miguel kisses her, he gave her truckloads of a different kind of excitement and joy that East didn't.

"Audrey?" Kinabig siya ni East nang bumulalas nang iyak si Audrey.

"Halika, sa loob tayo." Binuksan ni East ang pinto ng backseat saka iginiyang papasok si Audrey.

"I don't want other guy kisses me other than Miguel. Wala akong gustong iba kundi siya!" Niyakap ni East si Audrey nang mas pumalahaw siya ng iyak

"Because you love him, Drey. Bakit hindi mo tanggapin ang pagmamahal niya? Kung mahal ka niya tatanggapin ka niya  kahit wala kang kakayahang bigyan siya ng anak."

"I don't wanna be selfish, East. Miguel deserves to live his dreams. Ayaw kong ako ang maging dahilan para hindi iyon matupad."

Hinaplos ni East ang likod ng ulo ni Audrey.

"Tahan na! Tahan na!" Hinalikan nito ang ibabaw ng ulo ni Audrey habang mahigpit siyang yakap.

Nasa ganoong posisyon ang dalawa nang may biglang malakas na tunog silang narinig. Pagtalikod ni East ay nakita nitong basag ang salamin. The glass has broken but it does not shatter out of the frame. It just converts into tiny granular pieces and remained intact.

"Stay here." Hinugot ni East ang baril sa tagiliran at lumabas. May malaking bato sa labas ng sasakyan na mukhang siyang ginamit sa pamamato sa kanila.

"Sino ang tarantadong may gawa nito? He fucking messed wrong persons." Nanggigigil niyang usal.

Nilinga ni East ang paligid. Her jaw clenched as he saw a shadow hid behind the car that was parked three cars away from his. Dahan-dahan itong lumapit pero, maingat at nang marating ang huling sasakyan ay mabilis nitong itinutok ang baril sa likod ng sasakyan sa pag-aakalang doon nagkukubli ang nambato sa sasakyan nila. Pero walang tao roon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top