Chapter 22

Natapos din! Hehe! It's time to sleep na. Pinilit kong tapusin ngayon kasi di ako masyadong nakakapagsulat sa umaga dahil nag-aalga ng baby.

Sa mga gising pa! Happy reading!

---

Sinigurado muna ni Audrey na walang ibang kasama si Mayor Tschauder na nasa paligid bago umibis ng sasakyan at iniwan si Gabbie. Inayos niya ang baseball cap bago naglakad patungo sa itim na kotse na nakaparada sa likuran ng kanilang sasakyan. Bumukas ang pinto ng backseat hindi pa man siya nakakalapit.

"Good evening, Mayor Tschauder," she greets the lady as she hops in the car. Mayor forces a smile. Hindi nakawala kay Audrey ang nerbiyos na nararamdaman ng babae. Ang paghugot nito ng sunod-sunod at malalalim na hininga ay indikasyon na kinakabahan ito sa desisyong gagawin.

"How can you assure me that this plan will work?"

"Just trust me."

"Aren't you afraid? Malalaking tao ang babanggain mo."

"I'm just doing my part; this part and the president will do the rest."

Kung siya lang ang gagawa nito walang ibang paraan para mapagbayad si Jonas kundi ang patayin. Pero hindi niya iyon gusto... gusto niya itong makulong at iba pang mga sangkot sa ilegal nitong ginagawa.

Nakausap na niya si General at sinabi ang nalalaman. Ibinigay na rin niya ang bluebook kay general. Ipinaubaya nito sa kanya ang misyon na ito na may pahintulot ng presidente para makakuha ng mas matibay na ebidensiya.

"Sino ka ba talaga? Ano ang pangalan mo?"

"My personal identity doesn't matter."

"Okay, I'll give you my trust." Kinuha nito ang asul na envelope na nakasuksok sa backseat organizer.

"Nakasalalay sa 'yo ang magiging kapalaran namin. Sa oras na makulong si Jonas, aalis kami ni Xyrus. Lalayo kami. So, please, fake Mrs. Villarama. Do your best to accomplish your mission."

She handed the envelope to her.

"Gagawin ko ang lahat para mabulok sa kulungan ang asawa mo. At kayo--"sinulyapan ni Audrey si Xyrus na nakaupo sa driver seat. 

"Namnamin niyo na ngayon palang ang kalayaan niyo." Ngumiti siya sa babae.

"Thanks for this," she said before sliding out of the car and trotted back to rented car.

"Why don't we just kill Jonas para matapos na 'to?" Gabbie suggested as she revved the engine.

"He doesn't deserve to die that easily. I want to see him rotting behind bars until his last breath."

Pinausad na ni Gabbie ang sasakyan nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa dashboard. She took it, her forehead knitted together after seeing the unfamiliar number on the screen.

"Hello," sagot niya sa tawag.

"Hey, um, Audrey?" Her forehead scrunched up even more upon hearing a woman's voice on the line. 

"Who's this?" She threw a question at her instead of answering her.

"This is Andra."

"Andra?"

"Oh, I'm sorry. It's Cassandra. Cassy. Miguel's friend. A crying preggy lady, remember?"

"Oh!" She didn't see it coming. Why does she call at her?

"Yeah. I remember you. Bakit ka napatawag? And where did you get my number?"

"Kay Miguel."

"Kay Miguel? Nagkita kayo?" Usisa niya at bigla ay umatake na naman ang selos na nararamdaman.

"Yeah. Dinalaw ko siya kahapon lang."

Gusto niya sanang tanungin kung kumusta naman ang pagdalaw nito. Kung ano ba ang naging reaksiyon nito. Did he keep smiling while talking to Cassy? But her courage is not enough to do so.

"Anyway, kaya ako tumawag kasi gusto sana kitang imbitahan."

"Imbitahan saan?"

"We are throwing a baby shower the day after tomorrow. It's just a simple and exclusive gathering. I want to invite you."

"Ako? Iniimbitahan mo?" Ano ang dahilan para imbitahan siya nito. They aren't even close at ni hindi nga sila gaanong nag-uusap nito noong hinostage ito nina East.

"Yeah. Can you come, please?"

"But why?" It's confusing her, huh.

"I just want to thank you for protecting me... you know what I mean."

"It was Miguel who protected you." May pait niyang sabi at wala sa loob na sumimangot. Hindi niya alam kung bakit pa siya nito iniimbitahan? Kung tutuusin ay hindi naman talaga siya ang prumutekta sa babae kundi si Miguel. Bakit hindi si Miguel ang imbitahan nito?

"Still there?" she asked when she thought the line was disconnected already dahil hindi na niya narinig na nagsalita si Cassy.

"Yeah. I'm still here. Are you mad at me?" Natigilan si Audrey lalo nang maramdaman niya sa boses ng babae ang lungkot. Tinampal niya ang kanyang noo nang ma-realize kung paano niyang sinabi ang salita. Bitter.

"Oh, no, no! Bakit naman ako magagalit?"

"Oh, thank, God!" She could hear the relief in her voice. Nakikita rin niya sa sariling imahinasyon ang malaanghel nitong mukha habang matamis na nakangiti and it makes her feel mousy.

"So, you can come?" Bahagyang ngumiwi si Audrey. No! Hindi siya pupunta. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag nakita niya ang babae. Mas lalo lang siyang mai-insecure. Boses palang nito pinaparamdam na sa kanya kung gaano siya kapanget kumpara rito. No! No! Hindi siya ganoon katanga para saktan pa ang kanyang sarili.

"Please, Audrey! I want you to be there. I want us to be friends. Is it okay with you?"

"Okay!" Audrey winced when Cassy screamed gleefully. Ugh! No and you fucking said okay? Stupid.

"I'm expecting you, Audrey. I'll send you the time and location. Pwede mong isama ang 'yung masungit mong kaibigan if you want but tell her that gun is not allowed." Cassy chuckled. Sinulyapan ni Audrey si Gabbie na siyang tinutukoy ni Cassy.

"Okay." That was all she could say. Cassy said "bye" before hanging up.

Audrey sighed, frustration started seeping through her. "Ano kaya magandang pangregalo sa baby saka kay Cassy?"

Tumaas ang kilay ni Gabbie, saglit siyang sinulyapan. "She invited me to a baby shower."

"Pumayag ka?"

"Yeah."

"Plastic mo, ah?"

"What?"

"Hindi ba pinagseselosan mo 'yon? Insecure ka sa Cassandra na 'yon 'di ba?"

"What the... Bakit ako magseselos? Bakit ako mai-insecure?" Halos pangdilatan niya ng mata si Gabbie. Audrey isn't aware that she sounded defensive.

"Because she's Miguel's first love and you love Miguel."

"No way!"

Gabbie jutted out his bottom lip. "Why are you stalking her then?"

"Am I what?"

"I saw you browsing through her Instagram feed, and reading some articles about her." Audrey gnawed her bottom lip, embarrassed but trying to not get obvious.

"You were comparing yourself to her. Titingnan mo ang larawan niya pagkatapos susuriin mo ang sarili mo sa salamin. Mukha kang tanga. Pati dibdib mo sinusukat mo pa." Tumawa si Gabbie. Nag-init ang mukha ni Audrey at tuluyang hindi na naitago ang pagkapahiya. Buong akala niya tulog na si Gabbie habang ginagawa niya ang katangahan na 'yon.

Ang balak lang naman talaga niya ay tingnan lang naman ang tungkol kay Cassy at Miguel. May ilan siyang nakitang larawan ng dalawa. Nasa isang party, magkasama. But she ended up comparing herself to Cassy.

"So? It doesn't mean I'm insecure or jealous. Bakit ako magseselos?" Deny niya kahit huling-huli na siya.

"Because you love Miguel."

"Hindi ko siya mahal," she denied and will deny it over and over again.

"Why don't you just admit it? We're sister!"

"Kasi wala akong aaminin, Gabbie. Kung ano man ang namagitan sa amin it's just nothing. It was just a sex with no emotional attachment. It's pure lust and I'm done playing with him."

"So, pwede na ako?"

Nalukot ang noo ni Audrey. "Pwedeng ano?"

"Can I taste Miguel?" May gigil  nitong kinagat ang ibabang labi. Ang landing bata nito. Sarap kurutin sa singit.

"His lips looks delicious and I've been wondering if what would it taste like. Wala ka na namang balak balikan siya 'di ba?"

"Pwede naman, but if you'll do that it looks like you are tasting my pussy too. Eww!"

"Oh!" Pilyang namilog ang bibig at mata ni Gabbie.

"It does mean he was eating you out. How does it feel?"

"Shut up! Ugh! Focus on driving!" Bulyaw niya sa babae na aliw namang humalakhak.

AYAW MAN ay walang nagawa si Audrey kung hindi ang pumunta sa mansiyon ng Galvez sa isang eksklusibong subdivision para dumalo sa baby shower. She made a promise to Andra and she hates breaking her promises. She is always sticking to her word even though it was against her will.

Inabot niya ang bayad sa taxi driver saka bumaba bitbit ang regalo. Being a spy agent, she should be very careful with her action lalo kapag nasa misyon siya. Laging siyang naka-alert kaya kahit walang panganib ay maingat parin siya. Taxi is more safe transpo to use than Grab. No one can track her kung sakali mang may maghabol sa kanya.

She even has multiple sim cards and credit cards. She always uses virtual credit card numbers. It's hard to track her using a different number every time, and it's even harder to steal her identity.

Malapad na ngumiti ang isang kasambahay na babae na nakatayo sa may gate nang lumapit si Audrey. Tingin niya ay kaedad lang niya ito.

"Ikaw po ba si Ma'am Audrey?" Magalang nitong tanong. Mukhang siya ang hinihintay.

"Oho!"

"Halika. Kanina ka pa hinihintay ni Ma'am Andra." Sumunod siya sa katulong papasok ng malaking bahay. Giniya siya nito patungo sa pintong tumatahak sa hardin.

Maganda ang gayak ng hardin. May mahabang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Naroon ang ilang kasambahay, inaayos ang mesa. May ilang mesang naroon pero mabibilang lang sa kanyang mga daliri sa dalawang kamay. Ukupado na ang ilan at bakante pa ang iba. Mukhang kaunti nga lang ang bisita.

May mga throw pillow naman na nagkakalat sa mabalahibong puting sapin na nakalatag sa bermuda grass sa ilalim ng malaking puno. May ilang kababaehan at kalalakihan ang magkakaharap na nakaupo habang si Cassy ay nakaupo sa mabalahibo at mababang couch. Mapusyaw na rosas ang kulay niyon.

Para itong diyosa sa suot na puting bestida. Napaka-simple pero bakit napakaganda? Niyuko niya ang sarili. She's just wearing  jeans, white sneakers and a simple red shirt.

Nang magawi ang  tingin ni Cassy sa kinaroroonan ni Audret ay bumaha sa magandang mukha nito ang gulat at saya nang makita siya. Bahagya siyang ngumiti sa babae. Tumayo ito at sinalubong siya.

"Audrey! I'm glad you came." Bumeso ito sa kanya.

"Ayaw ko nga sana, eh. Parang kasing nakakahiya matapos ng ginawa namin sa 'yo."

"I have forgotten that already. Halika, ipapakilala kita sa asawa't mga kaibigan ko." Hinawakan siya nito sa braso at hinila palapit sa kinaroroonan ng mga bisita  na ang lahat ng mata ay nasa kanya.

"Guys, meet Audrey. A new friend." Halos sabay-sabay itong bumati sa kanya.

"That's Preyh and Aiken." Itinuro ni Cassy ang dalawang pares. Nakaupo ang lalaki sa likod ng  babae habang nakayapos dito. Nag-hello ito sa kanya.

"That's Reghie and Matthew." Pakilala naman ni Cassy sa isa pang pares na katulad din ang posisyon ng dalawang unang ipinakilala. Kumaway ang dalawa sa kanya.

"That's Yaya Beth and Craig." Base sa kaharutang ginagawa ng dalawa ay mukhang couple rin. Nakapasok ang dalawang kamay ng kano sa damit ng babae at mukhang may hinahanap o hinihimas na ikinukubli lang ng maliit na unan na kipkip ng babae. That's explicit PDA!

"That's David," patuloy ni Cassy. Kumaway ito sa kanya na may friendly smile. Ito lang ang walang kapareha.

And finally the last person walked over them, Cassy's husband.

"This is Iñigo, my husband."

"Nice to meet you, Audrey." Nakangiti niyang inabot ang nakalahad na kamay nito.

Pinaupo siya ni Cassy sa isang throw pillow na malapit sa couch na kinauupuan nito matapos niyang ibigay rito ang dalang munting regalo.

She and Gabbie had been roaming around the mall for almost 5 hours just to find a perfect gift, but she ended up purchasing a simple set of family matching clothing. Ang hirap maghanap lalo't mukhang nasa pamilyang ito na ang lahat.

Iyon din ang dahilan kung bakit hindi sumama si Gabbie sa kanya ngayon dahil bwesit na bwesit na sa kanya kanina pa. Hindi kasi sila kumain hanggat hindi sila nakakahanap ng pang-regalo.

Hinayaan na lang din niya dahil kung sinama niya ang babaeng 'yon magmamaldita lang 'yon dito lalo't wala na sa mood.

"Haven't you found the infinity stones yet, Craig?" Nakatawang tanong ni Preyh nang mapansin ang ginagawa ng kano sa nobya nito.

"Darling, your hands! You are so naughty! Nakakahiya tuloy!" Malanding bumungisngis ang nagngangalang Yaya Beth. Is she a nanny or it was her real name?

"Pasas lang ang meron diyan." Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Reghie.

"Could you please stop that? I have an important guest here. Have some shame! And Gelo might see you!" Pinangdilatan ni Cassy ang dalawa. Inalis naman ni Craig ang kamay mula sa ilalim ng T-shirt ng babae.

"It's addicting! Beth is driving me crazy! Always!" Namilog ang mata ng babae, pati medyo may kalakihang ilong nito ay gumalaw-galaw na ikinatawa ng lahat.

"Don't look at Yaya Beth's nose, baby. Baka magmukhang puwet din ng manok ang ilong ng baby natin." Mas malakas na nagtawanan ang magkakaibigan sa sinabi ni Iñigo na tinakpan pa ang mata ng asawa.

"Don't you wanna try a girl who has fully developed  boobs, Craig? Yaya Beth is a perfect definition of kapatagan."

"What's kapatagan?" Tanong ni Craig kay Preyh.

"A flat landform, like a rice field." Si Reghie ang sumagot.

"Oh, no! I love Beth."

Beth tucked her hair behind her ear and bit her bottom lip. "Dalagang Pilipina, yeah!" Kumindat ito at kapagkuwa'y ginawa ang Korean finger heart-- a message of love hand gesture.

Muling humalakhak ang magkakaibigan dahil sa ginawa nito. Ang nauuso ngayong challenge-- dalagang Pilipina challenge.

"Kuntento siya kahit utong lang ang  meron ako. Magaling ako sa lahat ng bagay. At higit sa lahat magaling akong magluto. Hindi katulad ng iba riyan, itlog lang maalat pa." Pinamulahan si Cassy sa sinabi ni Beth. Mukhang ito ang pinapatungkulan ng komento nito.

"Maganda lang talaga kayo pero walang pakinabang sa gawaing bahay." Itinaas nito ang kanang kamay.

"Kita niyo 'tong makalyong kamay na 'to? Magaling 'tong magtrabaho. Nagiging mala-Hinata ang mata ni Craig kapag hinihimas ko palang ang mabalahibong ibon niya." Muling napuno ng masayang tawa ang buong hardin, maging si Audrey ay hindi napigilan ang tawa.

Hinata is a fictional character in the anime and manga "Naruto" whose eyes were featureless white.

"Gusto niyo ng free trial himas, Sir Matthew at Sir Aiken. Para naman mai-experience niyo. I will give you a taste of highest pleasure na siguradong 'di kayang ibigay ng mga girlfriend niyo."

"Yucks!" Sabay na napa-eww si Reghie at Preyh samantalang ang dalawang lalaki ay malakas lang na tumawa.

"No thanks, Yaya Beth. But you can teach them," si Aiken.

"Yeah," segunda ni Matthew.

Sabay na nilingon ng dalawang babae ang mga nobyo.

"Aren't you satisfied by my performance?" Hindi makapaniwalang sumabat ni Reghie sa nobyo.

"So, you were just faking your moan all the time?" Sumbat naman ni Preyh kay Aiken.

"No!" Sabay ng dalawang lalaki na biglang nataranta sa nakikitang inis ng mga nobya.

Pinagkrus ng dalawang babae ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Nagmaktol na.

"Yaya Beth kasi kung ano-anong pinagsasabi!" Sisi ni Matthew sa babae at nilambing si Reghie. Ganoon din ang ginawa ni Aiken kay Preyh.

"Sisimulan niyo ako tas mapipikon kayo."

"Stop that, guys! Mahiya naman kayo kay Audrey," saway ni Cassy sa mga kaibigan. Bumaling ito sa kanya.

"Sorry Audrey for witnessing my friends' disgusting conversation. Lalo na kay Yaya Beth."

"That's okay." Jusko! Sanay na sanay na siya sa ganyan lalo na kay Gabbie na balahura sa ganyang usapin despite her young age. Palibhasa iba't ibang klaseng tao ang nakakasalamuha nito kapag may misyon. Minsan ay nagpapanggap itong isang GRO, estudyante, waitress at kung ano-ano pa kaya naman pati pag-sasalita minsan ng mga taong nakakasalamuha ay naa-adopt.

"I was actually entertained by her. She's cute and witty."

"That's her talent. She has a  character trait of a clown, but she looks like a killer clown," Iñigo joked.

Sumimangot ang babae pero mukhang hindi naman offended.
"Sir Iñigo naman, ang hard mo talaga sakin kahit kailan. Noon daing, ngayon killer clown."

"Oh, sige Annabelle na lang." Iñigo laughed.

"Ms. Audrey?" Kuha ni Beth sa atensiyon ni Audrey.

"Ikaw ba marunong magluto? O may ibang talent ka bukod sa pagiging maganda? Sana hindi ka katulad ng mga sosyalerang ito na puro ganda at talino lang ang kayang ipagmalaki." Sabay-sabay na umawang ang bibig ng tatlong babae sa sinabi ni Beth pero hindi naman mukhang na-offend, para pa ngang matatawa.

"Oo, naman. I know how to kill." Biglang natahimik ang lahat sa sinabi ni Audrey. Seryosong napatitig sa kanya.

"Hunting animals in the wild is my hobby."

"Oh!" Tumango-tango ang lahat maliban kay Cassy na alam ang totoong pagkatao niya.

"Bata palang ako, marunong na rin akong magluto. When I was 12, my father left me in a secluded island for a week. And I had to find ways in order to survive or else I'm going to die. Inihaw na isda ang unang natutunan kong lutuin."

Muling binalot ng katahimikan ang lahat, naghintay na sabihin ni Audrey ang salitang "joke" pero hindi iyon nangyari.

"That's a joke, right?" Si David ang nagtanong.

"No! That's a part of my training to be tough and independent; paghahanda para maging isang magaling na pulis. And I'm thankful that he did that dahil lumaki akong hindi umaasa sa iba."

Totoo ang lahat ng iyon. Nasira lang lahat ng diskarte niya, naging mahina siya nang mamatay si Daniel. Tama ang papa niya sa bagay na iyon. Bilin nitong iwasan nila ang magmahal dahil iyon ang magiging weakness nila.

"Wow! That was amazing!" Usal ni Preyh.

AKALA niya ay maa-out of place siya pero masaya palang kasama ang mga kaibigan ni Cassy at madali siyang naka-ride sa mga biruan ng mga ito. Sayang at wala si Gabbie na halos kasing kalog ng mga ito. Si Beth ay yaya pala ni Gelo, ang anak ni Cassy at Iñigo. Nakakatuwa na naging kaibigan ito ng tatlong magkakaibigan. Nag-resign ito sa pagiging yaya nang makilala si Craig at magsama na ang dalawa.

Andra short for Cassandra. Iyon ang tawag ng lahat sa babae at tanging si Miguel lang ang tumatawag na Cassy rito.

Natagpuan na lang ni Audrey ang sarili na nakatulala matapos siyang yayain ni Cassy na mag-usap matapos magbukas ng mga regalo. Magkatabi sila nitong nakaupo sa stainless na bench. Hindi siya nagsasalita habang nagkukwento si Cassy nang tungkol kay Miguel; tungkol sa isyu nito sa pamilya, sa mga pinagdaanan  sa buhay at sa kinikimkim nitong resentment sa magulang.

Buong akala niya ay si Daniel ang agrabyado sa magkapatid; na si Daniel ang nakakaawa pero hindi... si Miguel, ito ang napagkaitan ng atensiyon at pagmamahal ng magulang kahit masunuring itong anak. 

"His own ways to attain your love are dodgy. But one thing is for sure. He loves you so much. Siguro iyon ang inakala niyang mas tamang paraan. Hindi ko siya masisisi... He was a well-behaved kid but never got the love he deserves. All he wants is to be loved by the people he loves the most."

Ginagap ni Cassy ang kamay ni Audrey na nakapatong sa kanyang hita.

"At tingin ko, ikaw ang perpektong taong gagawa ng bagay na iyon para kay Miguel dahil mahal mo rin siya." Ngumiti ang babae nang makita sa mata ni Audrey ang katanungan.

"I know you love him. Babae rin ako kaya alam ko. I act the same way you did when there's a woman around a man we love. I know that you are jealous of me. Nakita ko iyon sa mga mata mo. Nakita kong nasasaktan ka dahil sa atensiyon na ibinigay sa akin ni Miguel noong nasa isla tayo." Nagyuko si Audrey. Ayaw niyang i-deny.

"Huwag mo siyang tikisin. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan mo. Get rid of your guilt, love him and let him to love you, too. It's gonna be worth it, Audrey." Pinisil nito ang kamay niya.

"Miguel deserves to be happy. You deserve to be happy. Ikaw ang nagpapasaya sa kanya. He deserves to live his dreams. Isa lang naman ang gusto niya. Ang magkaroon ng asawa at mga anak."

"Kids?" usal ni Audrey.

"Iyon lang ang nag-iisa niyang pangarap. He wants a big happy family that he has been longing for since he was a kid. Gusto niyang maranasan ang mga bagay na dapat ginagawa ng isang ama para sa mga anak na hindi kailan man ginawa ng kanyang papa sa kanya." Binitawan ni Cassy ang kamay ni Audrey at hinaplos ang malaking tiyan nito na may ngiti sa labi. 

"Parenting is simultaneously wonderful and stressful at the same time. The process of conceiving, carrying and delivering is really hard and exhausted, but when a baby finally arrived, it's all worth it." Tumingin sa kanya si Cassy, may ngiti sa labi.

"When I first laid my eyes on my son, Gelo, my heart felt like it's literally going to explode by the tremendous happiness."

Gumalaw ang kamay ni Audrey at dinala sa tiyan. Sa halip na gumaan ang loob dahil sa mga sinasabi ni Cassy ay lalo lang bumigat ang kanyang kalooban.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top