Chapter 21
BUMALIK si Audrey sa San Agustin para tapusin ang kanyang personal na misyon. Tinawagan niya si mayora at nakipagkita. Pinagbigyan naman siya nito kahit alam na nitong nagpanggap lang siya sa birthday party nito. Nakipagkita rito ang totong Clara Villarama at sinabi ang nangyari kung bakit hindi ang mga ito nakadalo. Nagkita sila ng Alkalde sa isang restaurant sa kabayanan. At mukhang sumunod naman ito sa sinabi niyang huwag ipapaalam kahit kanino lalo na sa asawa nito ang pagkikita nilang ito kung ayaw nitong lumabas ang tinatago nitong baho; ang tungkol sa pakikiapid nito sa bodyguard.
"Who are you? What is your motive para gawin ito? Ano ang atraso ko sa 'yo? Pakawala ka ba ng isa sa mga kalaban ko sa pulitika?" Sinuyod ni Audrey ng tingin ang loob ng restaurant. Walang masyadong tao. Nasa pinakasulok sila nakapwesto. Nakatayo naman sa bungad ng entrance ang nag-iisang bodyguard na kasama ni mayor. Ang kalaguyo nitong si Xyrus Sedilla.
Ibinalik niya ang tingin sa babae. Itinulak palapit sa babae ang Ipad na nakapatong sa mesa. May pagtatakang sinulyapan lang nito iyon pero hindi ginalaw.
"Take it and watch the video."
Nagtataka man ay kinuha na lang nito iyon and she played the video. Ang video ng pag-aminin nito ng tungkol sa pakikiapid nito sa bodyguard nito. Napahugot ng malalim na hininga ang alkalde. Nanglaki ang mata sa gulat at kung wala itong makeup siguradong makikita ang pagtakas ng kulay mula sa mukha nito.
"Ano 'to?" Shock nitong tanong kay Audrey.
"That's you, confessing about your affair with your bodyguard."
"How dare you do this to me!" Inihampas ng babae ang dalawang kamay sa mesa at tumayo. Maging ang Ipad ay basta lang binitawan sa mesa nang walang ingat kaya gumawa iyon ng nakakabulahaw na ingay. Nakaagaw iyon ng pansin sa iilang kumakain sa restaurant at mga staff.
Audrey just shrugged. "Ano kaya ang gagawin ng asawa mo kapag nalaman niyang iniiputan mo siya sa ulo?" Nagtagis ang mga ngipin ng mayora. Mabilis namang nakalapit ang manager ng restaurant sa kanila para alamin ang nangyayari.
"Mayor, may problema po ba rito?" Tinaasan ni Audrey ng kilay ang mayora. Naghahamon. Lihim na ipinapaalam dito ang consequences na maari nitong kaharapin kung hindi ito hihinahon.
"Nothing. I'm okay."
"Sigurado po ba kayo?"
"Yes. Please, leave us, thank you!" Sinulyapan si Audrey ng manager bago umalis.
"What do you want from me?"
Audrey motioned her into the seat. Napilitang umupo ulit ang mayora.
"Ano ba ang motibo mo at ginagawa mo ito?" Nanatiling prente ang pagkakaupo ni Audrey. Kalmado. Samantalang ang alkalde ay kapansin-pansin na ang pagpupuyos ng kalooban.
"Do you love him, right?" Sinulyapan ni Audrey ang bodyguard at muling sinalubong ang galit na mata ni Elaine.
"Tingin mo, Elaine, ano ang magiging kapalaran niya kapag ipinakita ko sa asawa mo ang video na iyan?"
"Don't you dare do that!"
"Okay. I won't do that not unless makikipagtulungan ka sa 'kin?"
"What do you want?" May gigil nitong tanong. It seems like she is ready to pounce her, reach for neck to squeeze the life out of her.
"Ang totoo!"
"What truth?"
"I saw Boris Putin at your birthday party. Ano ang ugnayan niya sainyo?"
"A friend. He's my husband's friends actually." Mabilis naman nitong sagot.
"Just a friend?"
"Deretsuhin mo ako. Ano ba talaga ang gusto mong tukuyin?" Nanatiling nakatitig lang si Audrey sa alkalde. Nanantya. Pinag-aaralan kung may alam ba ito sa krimen ng ginawa ng asawa. Ayon sa tauhan nitong tinorture nila walang alam ang alkalde sa ginawa kay Daniel pero protektor sa ilegal na gawain ng asawa.
"Paanong napunta sainyo ang ari-arian ng mga Sorlin?" Tila nauubusang pasensiyang umirap ang babae.
"They sold it to my parents. Bago nangyari ang trahedya sa mag-anak naibenta na nila ang properties nila sa magulang ko. And since nag-iisang anak ako. Sa 'kin ipinamana."
"May kinalaman si Boris Putin sa pagkamatay ng mga Sorlin. Napaka-coincidence naman." Nalukot ang noo ng babae pero agad na hinawakan ang noo at binanat iyon at pilit kinalma ang sarili mula sa confusion at ibang emosyong nararamdaman dahil sa interrogation na ginagawa ni Audrey.
"God." Minasahe nito ang noo na mukhang kaka-bottox palang.
"Where did you get that information?"
"Hindi na mahalaga kung saan ko nalaman."
"Oh, well, kung totoo man 'yan, wala akong alam sa bagay na 'yan. Alam mo kung ano man ang ginagawa ng asawa ko labas ako sa bagay na 'yan. Bakit hindi ka pumunta sa bahay at siya ang tanungin mo! This is nonsense!'
Tumayo ang babae.
"Stay!" Mariin niyang sinabi na ikinatigil nito sa tangkang pag-alis. Mukhang hindi man lang ito nababahala sa mga sinasabi niyang maaaring ikapahamak ng asawa nito. It seems like she doesn't really love her husband at alam niyang mas papabor iyon sa kanya.
"I'll make an offer you can't refuse. And don't worry, I'll make it worth your while." Hindi ito kumilos. Nanatiling nakatayo habang nakatitig kay Audrey.
She motioned to the chair. "Hear me out." Elaine let out a loud, frustrated sigh and sank down into the chair. Mukhang handa naman itong makinig.
"I want you to help me para mapakulong ang asawa mo."
"What?"
"You hear me, right? Pinapatay niya ang boyfriend ko at dapat niyang pagbayaran iyon."
"At sa tingin mo gagawin ko 'yon?"
Audrey's chin rose and she flashed her winning-smile and the confidence that comes with it. "Of course, you will. Kasi kung hindi..." Kinuha niya ang Ipad mula sa mesa.
"Isang pindot ko lang nito, siguradong trending ka." Hindi umimik ang mayora. Tanging ang pagbaba-taas ng dibdib nito ang siyang nagawa.
"Matanong nga kita, mayor. Sino ba ang matimbang sa dalawa? Ang asawa mo o ang kaluguyo you mo?"
"Huwag mo siyang tinatawag na kalaguyo!"
Tumaas ang sulok ng labi ni Audrey. "Thank you for answering my question. Now, let's help us each other. Kapag napakulong natin ang asawa mo. Makakalaya ka sa pagsasama niyong hindi mo naman talaga gusto. Magiging malaya kayong magsasama ni Xyrus. At ako, mabibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng fiancé ko. Nice offer, right?"
Nagalak si Audrey sa nakikitang reaksiyon ni mayor. Alam niyang bibibigay ito sa suhesyon niya. Kumuha si Audrey ng notepad at ballpen sa shoulder bag at isinulat doon ang kanyang cellphone number at inilagay sa harapan nito ang pinilas na papel saka tumayo.
"Tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na."
"Sandali!" Audrey arched her eyebrows.
"Anong klaseng ebidensiya ba ang kailangan mo?"
"Ang blue book."
"Blue book?" Audrey narrowed her eyes at her. Mukhang hindi ganoon kalawak ang alam ng alkalde tungkol sa asawa nito.
"Listahan ng mga malalaking taong sangkot sa ilegal na gawain ng asawa mo."
"Wala akong alam sa bagay na 'yan. Kung ano man ang ilegal na gawain ng asawa ko wala akong kinalaman."
"Pero parte ka pa rin ng ilegal niyang ginagawa dahil ginagamit mo ang kapangyarihan mo bilang alkadle para malaya nilang magawa ang ilegal nilang negosyo... at ngayon, kailangan ko ang blue book para magpabagsak ang asawa mo, mayor! Kinuha niya ang lahat sa akin. Kailangan niya iyong pagbayaran ng malaki!"
"Tatawagan na lang kita."
Bahagyang tumango si Audrey. "Maraming salamat sa koopirasyon."
Iniwan niya ang babae at nauna ng lumabas ng restaurant. Saglit niyang tinitigan ang bodyguard ni mayor. Binigyan siya nito ng marahang pagyuko bilang pagbati. She is giving them a favor. If Jonas will be rotting in jail, e 'di magiging malaya ang mga ito.
Naglakad si Audrey patungo sa sasakyang nakapadra sa parking space ng restaurant kung saan naghihintay si Gabbie. Lumulan siya nang marating iyon.
"Congrats!" Bungad ni Gabbie sa kanya na nakaupo sa driver seat. Inalis niya ang micro in-ear communication. Naririnig nito ang lahat ng kanilang usapan ni Mayor.
"Sana lang tumupad siya usapan niyo."
"Tutupad siya." Sigurado siya sa bagay na iyon. Nakikita niya ang pagpapahalaga at pagmamahal nito kay Xyrus. Jonas Tschauder is just a business to mayor at siguradong atat na rin itong makalaya sa kinasasadlakang sitwasyon.
NAKAHIGA si Miguel sa sariling kama. Nakatulala habang ang mga mata ay nakatutok sa kisame. It's been a week since the last time he had seen Audrey. Wala ito sa condominium nito tatlong araw na. Madalas siyang tumawag sa staff ng condominium para humingi ng update. Hindi niya alam kung saan ito nagtungo. Tinawagan niya si Toffee na nasa isla parin. Wala raw sa isla si Audrey pero pumupunta raw doon si East kung minsan. Sinubukan nga niyang tawagan si Audrey pero hindi talaga nito sinasagot.
Ayaw rin naman muna niyang magpakita dahil baka mas lalo lang itong magalit. Ipinikit niya ang mata. Tila sasabog ang ulo niya dahil sa malakas ng tugtog mula sa stereo. Dumadagundong sa kulob na silid. Gusto niya ng ingay. Mababaliw siya kung mas tahimik ang paligid. Habang nakapikit ay may naramdaman siyang kamay na humawak sa kanyang balikat at niyugyog siya. Sa pagmulat niya ay bahagyang nagdikit ang kanyang mga kilay nang makita ang imahe ng taong hindi inaasahan. Nakaupo ito sa kama, sa gilid niya habang nakatunghay sa kanya.
"Cassy?" Ang makalas ng tugtog ay namatay bigla. His eyes immediately searched for the person who turned off the component. It was Iñigo, Cassy's husband.
"What are you guys doing here? Paano kayong nakapasok." Bumangon si Miguel. Isinandal niya ang ulo ng pumintig ang kanyang sentido. Nasobrahan siya ng alcohol kagabi. Nagtungo siya sa isang bar kasama si Rufus para libangin ang sarili.
"I'm so worried about you. Kanina pa kami kumakatok, nagdo-doorbell pero hindi ka sumasagot. Sabi nila sa baba nandito ka raw. Natakot ako kaya pinabuksan ko na. I apologise for that."
"Thank you, Cassy, but I'm okay."
"But you didn't sound okay last night. Umiiyak ka rin habang magkausap tayo sa phone."
"Really?" Tumawag sa kanya si Cassy kagabi para mangumusta. Hindi naman niya masyadong nakausap dahil nakainom nga siya. Nakatulog pa nga yata siya habang nasa kabilang linya ito. Nagtanong ito ng tungkol sa kanila ni Audrey at naalala nga niyang naging emosyonal siya... pero umiyak? Damn it! Ganoon ba siya ka miserable kagabi?
Si Cassy din ang nag-udyok sa kanya na ipaalam ang totoo kay Audrey bago pa mahuli ang lahat. Nasermunan din siya nito. Magbago na raw siya at tigilan ang pagsisinungaling para makuha ang gusto. Hindi naman talaga siya ganoon. Kay Cassy at Audrey lang siya naging ganito. Buong buhay naman kasi niya ginawa niya ang tingin niyang tama pero nunkang nasuklian ang pagmamahal niya ng sarili niyang pamilya. Akala niya sa ginawa niya noon kay Cassy ay makukuha niya ang gusto. Ang pagmamahal nito. And he didn't realize that he did the same mistake to Audrey.
"I told you his fine! Hindi 'yan magpapakamatay." Iñigo said as he walked over to the couch next to the door, and sat down. He seemed annoyed.
"You look..." Cassy paused, raked her gaze over his body before finishing the sentence, "completely a mess."
"I'm just having rough days lately."
"Because of Audrey. Everything will be fine, Miguel." Hinawakan siya nito sa balikat.
"Hey, hey, hey! You can talk without touching!" Mabilis na binawi ni Cassy ang kamay nang magreklamo si Iñigo na parang gwardiyang nakamasid sa dalawa.
"I don't think so. Galit na galit siya sa 'kin."
"I had forgiven you, kaya mapapatawad ka rin niya."
"You two are different." Inabot ni Cassy ang kamay ni Miguel at pinisil. Nakikita ng babae ang frustration ni Miguel.
"Do you want a hug?" Pabulong nitong sabi para marahil hindi marinig ng asawa. Ngumiti si Miguel. This woman is the kindest person she had ever seen. Kaya siya nahumaling din sa babaeng ito dahil sa kabaitan nito. He wanted a woman like her in his life. Noon, nasabi niyang ang klaseng babae ni Cassandra ang perpektong maging asawa at maging nanay ng mga anak niya. Inggit na inggit siya kay Iñigo noon dahil nakuha nito ang pagmamahal ni Cassandra.
Tumayo si Iñigo at marahang tinapik si Cassy sa braso. Tiningala ito ni Cassy. Matamis na ngumiti si Iñigo sa asawa pero nang bumaling kay Miguel ay tila papatay ng tao sa talim ng mga mata.
"Let me." Umupo ito sa gilid ng kama sa tabi ni Miguel at bigla na lang nitong kinabig si Miguel palapit sa katawan nito.
"Iñigo!" Saway ni Cassy nang akalain nitong sasaktan si Miguel. Pero sa halip ay niyakap ni Iñigo si Miguel. Lalayo sana si Miguel nang pigilan ito ni Iñigo.
"Stay fucking still!" Hinawakan pa nito ang gilid ng ulo ni Miguel para manatili itong nakalapat sa dibdib ng lalaki
"What the fuck are you doing?" Miguel hissed.
"I'm fucking comforting you, dammit!" Iñigo hissed back at him, tightening his grip on the side of his head.
"You need a hug but I won't fucking allow my wife to hug you how badly you need it." Tinakpan ni Cassy ang bibig at bumungisngis. Naaaliw ito sa itsura ng dalawang lalaki.
"Ang laki mong tao pero bakit ganyan ka kahina? Babae lang nagkakaganyan ka?"
"Kung si Cassy kaya magalit sa 'yo? Hindi ka kausapin? Hindi ka na patawarin?" Isinandal ni Iñigo ang likod at ulo sa restboard at saglit na napaisip. Ang kamay nito ay nakasapo sa gilid ng ulo ni Miguel habang ang isang braso ay nakapaikot sa balikat. Parang couple na kino-comfort ang isa and that's awkward dahil ang lalaki ng katawan ng mga ito. And if anyone else could see them like that, their gender will be judged for sure.
However, to Cassy that's so cute and she is more fell in love with his husband for doing that.
"That's frustrating! I understand you now," usal ni Iñigo at bahagyang tinapik ang balikat ni Miguel.
"But you know what, bro?" Mas lumapad ang pagkakangiti ni Cassy. Bro? Iñigo was used to calling Miguel "fucker" or "bastard." Tumayo si Cassandra at lumabas muna ng silid. Iniwan ang dalawa. Tingin nito ay kailangan ni Miguel ng man-to-man talk.
"A piece of advice. Be honest, always tell the truth. Hindi mo makukuha ang pagmamahal ng isang tao sa ginagawa mo, gagu ka!"
"Tingin mo kaya mapapatawad pa ako ni Audrey?"
"Well, you have to be sincere. Your words need to be authentic. Don't try to charm her with your poetic phrases if you don't mean it. Her heart will be wrung and possibly broken if you'll do that. The woman who's truly in love is the most vulnerable, and she needs to be cared. Show your genuine and pure love for her." Hinayaan ni Miguel na maging komportable ang pagkakasandal ng kanyang ulo sa dibdib ni Iñigo.
"Kung ako lang, I will tell you to suicide para matapos na ang problema mo, but I love my wife so much. She will be upset if something bad happens to you. Even you almost ruined us, she still cares for you. You are still special to her. Hindi ko naman siya masisisi. Ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkaayos ng papa niya, you saved their company from bankruptcy and you saved her life just recently from your fucking... friends?" Patanong nitong sabi sa huling salita. Mukhang sinabi ni Cassy ang lahat sa asawa. Hindi niya maaaring kwestyunin 'yon. Mag-asawa ito at dapat lang iyon. Nagtitiwala siyang hindi nito ipagsasabi iyon sa iba.
"At isa pa naging magkaibigan kayo. So, bilang pasasalamat, instead of advising you to hang yourself on the ceiling, just fucking fight... fight for Audrey if you really love her and stop being a pussy dahil pati kaming mag-asawa piniperwisyo mo. Hindi ka matiis ng asawa ko, tang-ina ka! Kalalaking tao nagmumukmok!"
"That's the best advice I've heard," he sincerely said.
Wala sa loob na iniyakap ni Miguel ang isang braso sa baywang ni Iñigo. He suddenly feels relaxed being in his arms. No one could ever do this to him; ang i-comfort siya nang ganito, bigyan ng advice at sa naging karibal pa siya makakakuha ng maganda at sincere na payo. However, when he realized their romantic position as if they are a couple, he suddenly cringed and laughed silently at the same time. What the fuck are they doing?
"It feels good being in your arms, pare. Nararamdaman mo ba ang spark?" biro na lang niya sa itsura nila.
"Fuck!" Mabilis na itinulak ni Iñigo si Miguel.
"Yakapin mo pa ako. Sarap mong yumakap, eh."
"Ulol!" Tila nangdidiring tumayo si Iñigo. Tumatawang isinandal ni Miguel ang likod habang ginawang unan ang mga braso.
"But seriously, pare. You are a very lucky man for having an amazing woman like Cassy and I hope you wouldn't hurt her."
"Of course I wouldn't!" Muling umupo si Iñigo sa gilid ng kama malapit sa may paanan.
"Don't tell me na nagseselos ka pa rin?"
Ngumisi si Miguel. "Wala na akong nararamdaman para kay Cassy. Really. I still care for her. Pero 'yong nararamdam ko para sa kanya, wala na. Si Audrey... mahal ko si Audrey."
"Good for you."
"Naiinggit ako sa 'yo kasi kung anong mayroon ka ngayon, pinapangarap ko 'yan. I want a wife. I want kids. Maraming anak. Iyong tipong uuwi ako ng bahay mula sa trabaho tapos sasalubingin ka ng mag-iina mo ng mahigpit na yakap at mga halik. Iyong bibili ako ng laruan, chocolate, candies and a lot of toys for them. At night, we're gonna sit or lying close together while reading them a bedtime story until they fall asleep. I want to play with them, watch them perform at school event, aakyat ng stage para samahan sila sa pagtanggap ng award. I want to devote as much time as possible to them. I want to be the best father."
Gusto niyang gawin sa mga magiging anak niya ang lahat ng bagay na hindi naibigay ng kanyang magulang sa kanya. Lalo na ang oras at pagmamahal na hindi ng mga ito naiparamdam at naipakita sa kanya even they love him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top