Chapter 19

NANGHIRAM si Miguel ng sasakyan kay Jacko para sundan si Audrey. Dumeretso na siya sa isla sa pag-aakalang doon na ang tuloy ni Audrey pero wala sa resthouse ang dalaga.

Ngayon ay bwesit na bwesit si East kay Miguel. Kung sana lang daw ay nakinig siya sa suhesyon nito, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Ang nais ni East ay huwag na siyang bumalik nang ihatid niya si Cassy. Hayaan na lang nilang itago ang totoong kaugnayan niya kay Daniel. Ibabalik ni East si Audrey sa Russia hanggang sa mabura na lang siya sa history.

Pero hindi niya kaya. Mas gugustuhin niyang sumugal. Hindi niya sigurado kung may pagmamahal ba sa kanya si Audrey. Kung mapapatawad ba siya nito pagkatapos niyang sabibin ang lahat pero gusto niyang itaya ang lahat ng barahang meron siya. He feels like he's slowly loosing her and that scares the hell out of him.

Binalak niyang ipagtapat ang lahat sa dalaga pero nababahag ang buntot niya. Kanina pilit niyang pinapalakas ang loob niya pero sa tuwing magtatanong si Audrey kung ano ba ang gusto niyang sabihin ay nawawalan siya ng lakas ng loob.

Natatakot siya!

At ito na nga! Nangyari na ang kinatatakutan niya. Galit na galit sa kanya si Audrey. Handa siya sa galit nito pero ang hindi niya napaghandaan ay ang matinding sakit na nakita niya mukha ni Audrey. Hindi niya iyon inaasahan. Naka-focus siya sa galit ni Audrey at sa sarili niya; Kung paanong niyang sasabihin sa dalaga na hindi ito magagalit. Kung paanong dedepensahan ang sarili sa galit ni Audrey. Kung paano itong susuyuin para makuha ang kapatawaran nito, as the result, he forgot the possibility that she might get hurt.

Audrey is not the Audrey he was used to seeing; tough and can handle difficult situation she was in. The Audrey he had seen earlier is vulnerable. Iyong lungkot na nakita niya kanina sa dalaga at ang sakit ay hindi niya inaasahan. He wanted to hold her in his arms, say something that could undo the pain she felt in her heart. Pero alam niyang walang salitang kayang ibsan ang sakit na nararamdam ni Audrey na siya rin ang may dulot.

"Fuck!" Nagmura si East nang tapusin ang pakikipag-usap sa telepono.

"Ano ang sabi ni papa?" Tanong ni Gabbie na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa, sa katapat ni Miguel.

"Nabalitaan na niya ang ginawa natin. Nagkalat ang mukha mo sa news at ginawa nating pangho-hostage kay Cassandra. Pinababalik na kayo ni Audrey ng Russia at pinapatapos na sa 'kin ang misyon."

Nasa mga news nga ang nangyari sa pagtitipon. May mga video rin nang pangyayari na nagkalat sa social media. Mula sa pakikipaglaban ni Gabbie sa mga bodyguard ni mayor at ang pangho-hostage ni East kay Cassandra. Naka-bonet si East kaya 'di na namukhaan pa sa mga video.

"Hindi nila ako mamumukhaan. Look at my face. Mukha bang ako ang blonde na 'yon?"

Iba ang itsura ni Gabbie nang gabing iyon. Matured masyado ang itsura nito kumpara sa walang koloreteng mukha nito ngayon.

"We need to do something. Bago tayo maging wanted, kailangan na nating maibigay ang blue book sa awtoridad. Kailangan maunahan natin si Jonas. Kailangan kong makausap si General Arnoco tungkol sa bagay na ito.

Nangako sa kanya si Cassy na walang malalaman ang sino man tungkol kina Audrey. Hindi rin ito nagbigay ng statement sa mga pulis. Nagsinungaling si Cassy na wala itong nakilala na kahit isa sa nang-hostage.

Inihatid lang niya si Cassy sa kabayanan at mula roon ay sinundo ito ni Iñigo. Hindi siya nagpakita sa lalaki. Hindi sinabi ni Cassy sa asawa nito ang tungkol sa kanya. Dumeretso rin siya ng Manila at kinuha nga ang singsing para sana maging parte ng pagtatapat niya kay Audrey ng totoo.

Kaso kakahanap niya ng tiyempo mas lalong nagkandaletse-letse ang plano niya.

"Hindi ko ngayon alam kung ano ang uunahin ko." Hinila ni East ang silya at naupo roon.

"Ako na muna ang maghahanap kay Audrey. Gawin mo na muna ang dapat mong gawin," ani Gabbie.

"Babalik lang ako ng Bicol. Kailangan ko lang makuha ang pinapakuha ni Papa. Balitaan niyo ako kapag nakita niyo na si Audrey." Isang matalim na titig ang itinapon ni East kay Miguel.

"Mapapatay kita Montecillo kapag may nangyari kay Audrey dahil sa kapabayaan mo."

"No need. Ako na ang gagawa sa sarili ko." He will fucking kill himself sa oras na may mangyari talaga kay Audrey. Alam niyang kayang-kaya ni Audrey ang sarili pero emosyonal ito masyado ngayon.

Saan kaya posibleng magpunta si Audrey?

BUMABA si Audrey ng taxi kahit napakalas ng ulan. Muli ay bumuhos na naman ang mga luha niyang kahit anong pigil ay walang patid sa pag-agos mula pa kanina. Kahit nasa eroplano siya pabalik ng Manila ay tahimik siyang lumuluha. Hindi niya matanggap ang mga nalaman.

Miguel played with her. Ang tanga-tanga niya!

Hindi siya bumalik sa resthouse. She went straight to the airport and bought a ticket there just 30 minutes before the flight. Thankfully, there are still available seats.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa puntod ni Daniel. Lalong naiyak si Audrey nang makita ang nakaukit na pangalan ng kasintahan sa itim na marmol na lapida. Naghahalo ang tubig at kanyang luha.

Lumuhod si Audrey sa mismong tapat ng puntod ni Daniel.

"Daniel!" Hinaplos niya iyon.

"I'm sorry! Hinayaan ko ang kapatid mong agawin ako sa 'yo. I'm so sorry if I'm fell in love with him!" Tuluyang napagulhol si Audrey at dumapa. Nakapatong sa kanyang braso ang gilid ng kanyang mukha sa ibabaw ng lapida.

"I need you, Daniel! I really need you now! Why did you leave me? Please, come back!"

Hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap ang pagkawala ni Daniel at higit siyang nasasaktan ngayon dahil sa mga nangyayari. Pakiramdam niya wala siyang masasandalan sa mga oras na ito. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat.

"Bakit ganito? Bakit ang hirap-hirap maging masaya? Ikaw ang kaligayahan ko, Daniel, pero iniwan mo ako. Please tell God, kung totoo man siya, ibalik ka niya sa 'kin o kaya kunin na lang niya ako para magkasama na tayo... Ayaw ko na rito! Ayoko na..."

Bakit ba siya pinapahirapan ng ganito ng Diyos? Kinuha na nito ang mga magulang niya. Namuhay siya sa mundong hindi niya gusto. Nang makilala niya si Daniel. Naramdaman niya ang sayang kailanman ay hindi niya naranasan. Nangarap siya, ginusto niyang umalis sa pagiging agent nang dahil kay Daniel pero pati ito ay kinuha sa kanya. At ngayon... hindi pa man siya lubos na nakakalaya sa sakit na dulot ng pagkamatay ni Daniel ay ito na naman, may panibago na naman.

May Diyos ba talaga? Bakit sa dami ng taong masasama sa mundo bakit siya, na wala naman hinangad kundi ang katamikan lang sa buhay ang nais ang pinaparanas ng ganitong klaseng suliranin.

She hates her life! Kung hindi lang dahil kay Toffee matagal na niyang sinukuan ang buhay niya.

Ipinikit ni Audrey ang mata habang patuloy sa pagtangis habang nakadapa sa ibabaw ng puntod ni Daniel. Hindi alintana ang lamig mula sa malakas na ulan at hangin, sinamahan pa ng kulog at kidlat.

She can't move. Her entire body felt numb. Hindi niya mawari kung dahil sa lamig na nanonoot sa mga buto niya o sadyang ayaw niya lang talagang ikilos ang kanyang katawan. Ang tanging gusto niya ay tuluyang mawalan ng pakiramdam. Mawala ang matinding sakit sa puso niya. Gusto niyang mawala sa isip niya si Miguel. Dahil sa tuwing naiisip niya ang lalaki ay doble ang sakit na nararamdaman niya.

She can't love him.
She doesn't want to love him.
He's a liar!
He tricked her!
He just used her as his sex object!
She hates him so much but she hates herself more dahil minahal niya si Miguel. She loves him so much, even though how hard she tried to not love him.

It was all a tangled mess, wrapping around her heart.

Ang dalawang palad ay nasa magkabilang tainga ng bata. Nanginginig ang katawan sa matinding takot habang hinihintay ang pagtama ng bala ng baril sa katawan nito. Pinatay ng lalaki ang batang kalaro nito at ang buntis na babae.

Alam ng murang isip nito na siya na ang susunod na papaslangin ng lalaki. Siya na ang susunod na bubulagta kasama ng dalawang duguang katawan na nasa kanyang harapan.

Pero ang inaasahan ng bata ay hindi nangyari nang may pumasok na isang lalaki na balot ng itim na tela ang buong ulo. Tanging mata lamang nito ang nakasilip sa maliliit na butas.

Hinawakan nito ang braso ng lalaki at pinigilan sa tangkang pagpatay sa bata. Hindi niya maintindihan ang mga salitang sinasabi ng dalawa. Malabo. Basta nagtatalo ang mga ito. Hanggang sa sumuko ang isang gusto pumatay sa kanya, lumabas ang lalaki at naiwan ang isa. Tinitigan siya nito sa mga mata nang ilang sandali bago natuon ang pansin sa babaeng buntis.

Humakbang ito palapit sa kanila. Tinihaya nito ang nakatagilid na katawan ng buntis. Hinaplos ang mukha.

"Faye," usal ng lalaki. Nang muling bumaling sa kanya ang lalaki ay mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad ang mga mata.

"Please, don't kill me!" Takot na takot na pakiusap ng bata.

"Don't kill me! Don't kill me!" Humahangos na nagising si Audrey mula sa bangungot.

Relief flooded her as she she realised that she was just dreaming. Sinapo niya ang noo at mariing ipinikit ang mata. Her temples are pounding, begging for a painkiller.

Ramdam niya ang panginginig ng kanyang buong katawan. Nanghihina at nanglalamig siya pero ang singaw ng katawan niya ay napakainit. Masakit ang lalamunan niya, ang ulo at buong katawan. Nilalagnat siya. Marahil dahil sa pagpapaulan niya. However, the pillowy soft, thick duvet keeps her warm. Pero sandali... hindi niya matandaan na umalis siya o kumilos man lang mula sa pagkakadapa sa puntod ni Daniel.

Paano siyang nakauwi? Saan siya umuwi? Kahit namimigat ang talukap ng mga mata ay pilit niyang binuksan ang mga mata. An unfamiliar room filled her view. She jerked up into a sitting position instantly, but stopped as the pounding increased. She scanned the cozy room, dazed and more than a little confused. Nasa bedside table ang kanyang wallet. Ang mga mahahalagang cards like credit card, debit card and identification card ay nakalatag sa mesa kasama ng kanyang cell phone na inalisan niya ng sim card para hindi siya matunton nina East. Nabasa ang mga ito at mukha namang napatayo na.

Where she was?

She looked at her clothes. She's now wearing a light pink sweatshirt. Medyo may kahabaan ito, abot sa gitna ng kahabaan ng kanyang hita. Kinapa niya ang ilalim ng sweatshirt. She's wearing panties but no bra.

Sino ang nagpalit sa kanya ng damit. Sino ang dala sa kanya rito? Nasaan siya?

She squeezed her eyes, desperately trying to re-access the past event... earlier or yesterday? Shit! She couldn't remember anything.


Her eyes flew opened as she heard the door opened and automatically glanced at it. Isang babae ang sumilip mula roon, malapad itong ngumiti nang makitang gising na si Audrey. Kasunod naman nito ang isang babae, isang kasambahay base sa uniporme na suot nito, dala ang isang tray na naglalaman ng pagkain.

Mukhang nasa early 50s ang edad ng babae and she executed elegance. Mula kilos at pananamit nito bagamat simple ay sigurado siyang ilang libo ang halaga ng beige Gucci maxi dress nito. Walang masyadong suot na alahas maliban sa pares ng diamond stud earings na kitang-kita dahil sa perfect pixie hairstyle nito. She's obviously living a life of luxury.

"Gising ka na pala." Malamyos ang boses nito, may warm na ngiti sa labi.

Nang mailagay ng kasambahay ang tray ng pagkain sa mesa na nasa may malaking bintana ay lumabas na ito. Lumapit ang babae sa kinaroroonan ni Audrey, sinalat nito ang kanyang noo.

"Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain." She flashed her a warm smile again. Sino siya? She looks familiar but she can't remember.

"W-where am I, and who are you?"

Umupo ang babae sa gilid ng kama.

"Haven't you remembered me, Audrey?"

Umiling siya.

"I'm Esmeralda, ang mama ni Daniel." That left her in shock. Pinakatitigan niya ito sa mukha. Naalala na nga niya. Naiba lang ang buhok nito, mas maiksi kaysa sa dati.

"Nakita kita sa puntod ni Daniel na walang malay kaya inuwi muna kita sa bahay. It wasn't the time to visit Daniel but in my way home may aksidente sa daan kaya kinailangan namin maghanap ng ibang route. Nadaanan namin ang memorial cemetery then biglang tumirik ang sasakyan sa mismong tapat ng cemetery. I don't think it was a coincidence. It was Daniel who has made a way para makita kita." Inabot ng babae ang mukha ni Audrey at masuyong hinaplos.

"Ang tagal ka naming hinanap. Bakit ka ba nawala bigla sa ospital?"

"H-hinanap niyo ako?"

"Yes, darling. It was Daniel's request before he died. My son, Miguel did everything just to find you."

"Hinanap ako ni Miguel?" Parang sirang plakang paulit-ulit na nagtatanong si Audrey kahit kakasabi palang ng ginang.

The woman smiled. "Yes."

Kilala na siya ni Miguel nang araw na magkita sila sa Isla de Amor kung ganoon. Kinuha siyang bodyguard, nagpanggap para paglaruan siya. Muli ay tila pinipisil ang puso niya sa katotohanan na iyon.

"Hija?" Nang-aalo ang boses ng babae nang makita ang pagpatak ng luha mula sa mata ni Audrey. Hindi niya namalayan na napaluha na naman siya.

"We lost Daniel. It's was painful but we need to move on." Tumayo ito at kinuha ang tasa na nasa tray saka muling umupo sa gilid ng kama.

"Humigop ka muna ng mainit na sabaw para makainom ka ng gamot." Nagsandok ito ng mainit na sabaw at iniumang sakanya na tinanggap naman niya.

"This is carrot soup. Ginawa ito ni Miguel para sa 'yo." She struggled to swallow the food, as if it just got stuck on the way down, even though it wasn't a solid food.

"M-miguel? H-he's here?" Muli siyang sinubuan nito at muli ay tinanggap niya.

"Yes. Tinawagan ko siya at ipinaalam na nandito ka."

Her heart thumped against her chest when the door suddenly opened at makita roon si Miguel. Her hands clenched on the duvet. Just seeing him had completely her undone. Rage was all she could feel pulsing through her veins.

"Oh, here he is. That's my eldest son Miguel. Siya ang nag-alaga sa 'yo the whole night. Wala pang tulog 'yan. Ayaw mo siyang paalisin kagabi sa tabi mo."

Mula kay Miguel ay ibinalik niya ang tingin sa babae, a slight wrinkle between her furled brows.

"Nagdedeliryo ka kasi kagabi sa taas ng lagnat mo. Paulit-ulit mong tinatawag ang pangalan ni Daniel. Kaya naman sinamahan ka na lang ni Miguel."

Kagabi? Kung gayon kahapon pa pala siyang nandito. Isinandal niya ang ulo sa restboard at mariing ipinikit ang mata. Her headache still numbly pulsing at her temples.

What the hell is happening? Hindi siya bumalik ng resthouse dahil gusto niyang makalayo kay Miguel pero bakit tila mas inilalapit siya sa lalaking ito.

"Audrey, are you okay? Masakit ba ang ulo mo?"

Nagmulat siya ng mata. "Thank you for taking care of me but I have to go now."

"No!" Inilapag ng babae ang mangkok sa bedside table.

"Can you stay here for awhile? Gusto kitang makausap. Makilala. Please, pagbigyan mo ako."

Gustuhin niya man pero hindi niya gustong makita si Miguel. Ayaw niya itong makasama.

Daniel! What are you doing? Why would you let this happen?

Malinis at tuyo na ang T-shirt at pantalon niya kaya pinalitan na niya ang sweatshirt sa suot niya. Walang nagawa si Audrey kundi ang manatili. Hindi siya makaalis. Pinagbigyan na muna niya si Esmeralda sa nais nito. Napakarami nitong kwento tungkol kay Daniel. Halos maghapon silang nagkwentuhan at medyo nalibang naman siya. Mukha namang nakaramdam si Miguel kaya hindi sa kanya nagpakita na ipinagpasalamat naman ni Audrey dahil hindi talaga niya mapigilan ang kanyang emosyon kapag nakikita si Miguel.

Ang laki ng pagsisisi ni Esmeralda na hindi man lang nito naipagtanggol si Daniel sa papa nitong si Rufert. Pero ayaw man nitong sisihin si Daniel ay hindi nito maiwasan. Kung sana lang daw ay sumunod na lang si Daniel sa kagustuhan ng papa nito malamang ay buhay pa ito. Baka raw may anak na sila ngayon. Mukhang sabik pa naman sa apo ang mama ni Daniel.

Pinakiusapan pala ni Daniel si Miguel na hanapin siya at alagaan. Hanggang sa huling pagkakataon siya pa rin ang inisip ni Daniel.

Lalo siyang nangungulila kay Daniel. Kung kaya niya lang ibalik ang nakaraan ay gagawin niya makasama lang ulit si Daniel.

Pinahid ni Audrey ang luhang naglandas sa kanyang pisngi habang nakatanaw sa malayo. Iniwan muna siya ni Esmeralda sa patio sa likod ng bahay sa may hardin para mag-utos sa katulang na ipaghanda sila ng meryenda.

Bahagyang gumalaw ang mata ni Audrey nang may maramdamang presensiya ng ibang tao mula sa kanyang likuran. Mariin niyang ipinikit ang mata nang umabot sa kanyang pang-amoy ang pabango nito.

Her teeth were clenched and her fingers dug into her palms as she rolled them into ball. Rage started bubbling within her again but trying to choke it back.

"A-audrey?" Hindi siya lumingon. Nanatiling nakatiim ang kanyang mga ngipin.

"Please, let's talk. I'm so sorry. Hindi ko intensiyon na lokohin ka. Na saktan ka."

Marahas siyang pumihit paharap nang hindi na makatiis pa.

"But you did. You play with me. You tricked me just to get into my pants. Para ipakita na magaling ka. Na kaya mong agawin ang lahat kay Daniel!" Mahina ang kanyang boses pero punong-puno ng gigil ang bawat bigkas niya sa salita.

"Audrey, no!"

"All of this was planned. Mula pagkikita natin sa Isla de amor. Doon palang alam muna!"

"Audrey, no! Hindi ko alam. Nalamanan ko lang matapos kong bumalik ng Manila. Then I've decided to..." Tumigil ito. Nag-hesitant na ituloy ang sasabihin.

"You've decide to what? You've decided na lokohin ako. Na gamitin ang pera at koneksiyon mo para manipulahin ang ibang tao just to taste your brother's fiancee? How do feel now, Miguel? Feeling great? Do you feel accomplished seeing me devastated?"

"Audrey, hindi!" Tangka itong lalapit sa kanya pero iniharang niya ang nanginginig na kamay sa harapan nito.

"Don't come near me!"

Walang nagawa si Miguel kundi ang tumayong may distansiya mula sa kanya. Ang ekspresyon ng mukha nito ay nagmamakaawa. Balot ng kalungkutan.

"I admit that I've desired you since the day I first laid my eyes on you. Nagtapanggap ako... para sa sarili ko? Siguro. Yes. Para sa sarili ko. Gusto kitang makilala. Makasama. But I tried my best to stop myself from wanting you. I tried to avoid to touch but..."

"But I was the one who urged you." Mariing kinagat ni Audrey ang nanginginig na labi at ang mga luhang pilit na nilalabanan ay tuluyang kumawala.

Oo, tama. Siya ang nagbigay ng motibo pero hindi iyon gagawin kung alam niyang kapatid ito ni Daniel.

"But I wouldn't do that if I know you. I wouldn't allow you to fuck me kung alam kong ikaw ang kapatid ni Daniel!" Tuluyang pinakawalan ni Audrey ang frustration na nararamdaman. Hindi na alintana pa ang pagtaas ng boses.

Tumiim ang bagang ni Miguel. Nangislap ang luhang mamuo sa mga mata. He was hurt seeing Audrey in tears. He hates himself for being the reason of her distress.

"I'm sorry... and I'm sorry kung wala akong pinagsisisihan, Audrey. Kung meron man, siguro dahil nasasaktan ka ngayon. Pero 'yong mga nangyari sa atin, hinding-hindi ko pagsisisihan. I love every minute that we were together and I would cherish those amazing moments with you."

"Knowing those moments that had happened between us had put my stomach in knots. Those are nothing but disgusting mistakes that I've ever made."

Nilagpasan niya si Miguel pero agad nitong hinawakan ang braso niya.

"I love you!" Natigilan si Audrey, but his declaration is only tightening the knot in her stomach and it only hurt her more. This bastard loves torturing her.

"Audrey, I love you! I love you so much I'm afraid of losing you." Binawi niya ang brasong hawak ni Miguel.

"Audrey, please! Sabihin mo, ano ang dapat kong gawin para makuha ang kapatawaran mo? Gagawin ko ang lahat. Lahat-lahat!" Nagsusumamo ang boses ni Miguel.

Pinahid niya ang luhang bumasa sa kanyang pisngi at humarap kay Miguel. Matapang niyang sinalubong ang titig nito. Sinikil ang damdamin na pilit na umaahon sa dibdib niya at pilit na tinatalo ang galit na nararamdaman niya.

"Maibabalik mo si Daniel?" Hindi nakapagsalita si Miguel.

"You can bring him back?" she asked again, but Miguel remained quiet.

"Answer me!" She demanded.

He slightly shook his head." No!"

"Then get lost! Kung maibabalik mo si Daniel baka sakaling mapatawad kita! Hindi kita mahal! Hindi kita mamahalin! Si Daniel... siya lang ang mahal ko at mamahalin habang nabubuhay ako. You may have my body, Miguel, but you will never have my heart. You. Are. Nothing compared to your brother!" Mabilis na tumalikod si Audrey pero nahagip ng kanyang mata ang luhang kumawala mula sa mata ni Miguel.

Saglit na napatigil si Audrey nang makita si Esmeralda. Ang gulat sa mukha nito ang nagpapatunay na narinig nito ang lahat ng sinabi niya.

Hindi na siya nagsalita pa. Nilagpasan niya ang ginang. Luhaan habang dakot ang damit sa bandang dibdib na tinungo ang labas ng mansiyon. Akala niya sa ginawa niya at sa mga sinabi niya ay maiibsan ang sakit na nararamdam niya pero nagkamali siya. Mas lalo lang siyang nasasaktan dahil taliwas sa mga sinabi niya ang totoong nararamdam niya. Mahal niya si Miguel. Mahal na mahal sa kabila ng pangloloko nito sa kanya at hindi niya iyon maipagkakaila. But she can't love him. Hindi maaari!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top