Chapter 13
IPINALIWANAG ni Gabbie ang lahat kay Audrey kung paanong nasangkot ang Tschauder sa kaso ni Daniel. Ayon kay Gabbie ay napaamin niya ang isa sa mga nanambang sa kanila noon at inamin nitong si Jonas Tschauder, ang asawa ni Mayor Elaine Climaco-Tschauder, ang nag-utos. German and Filipino ang descent ni Mr. Tschauder at pure Pinay naman si Mrs. Tschauder na isang alkalde ng bayan ng San Agustin.
Ang mga ito na rin ngayon ang nag mamay-ari ng lupain ng mga Sorlin, ang pamilyang minasaker labing pitong taon na ang nakakalipas, kung saan kasamang napatay ang mga magulang niya.
Palihim raw nag-iimbestiga si Daniel sa pamilyang Tschauder noon at natunugan iyon ni Jonas Tschauder kaya ipinaligpit si Daniel. Si Jonas Tschauder ay isang lider ng isang malaking sindikato at marahil nalaman iyon ni Daniel.
Walang nasabi sa kanya si Daniel sa bagay na ito. Pero naalala niyang makailang beses itong bumalik sa San Agustin, at kapag magkasama sila ay parang laging may malalim na iniisip. Minsan ay nagtampo pa siya kay Daniel dahil akala niya nangbababae ito kaya panay ang punta ng San Agustin. Pero sinigurado nitong wala siyang dapat ipag-alala dahil tapat ito sa kanya; na may inaasikaso lang itong mahalagang bagay. Sasabihin din daw sakanya kapag sigurado na ito. Pero isang linggo pagkatapos nilang pag-usapan ang bagay na iyon ay nangyari na ang trahedya.
"Ito ang mag-asawang Sokolov," Gabbie pointed at one of the photographs that scattered across the table.
"They are Russian. Dadalo sila sa pagtitipon... and this..." Itinuro naman nito ang isa pang larawan.
"Mr. and Mrs. Villarama, isang mayamang balikbayan na nagbabalak magtayo ng negosyo sa Pilipinas. 20 years silang nanirahan sa Kiev... at sila ang aagawan natin ng identification sa araw ng pagtitipon para makapasok tayo."
Audrey nodded at Gabbie's information.
May pagtitipon na gaganapin sa Mansiyon ng Tschauder sa susunod na araw. Kaarawan ng Mayora at doon nila balak pasukin ang mansiyon para maghanap ng ibidensiya sa ilegal na gawain ng mga ito.
"And this is Aaron Vaughn. Ang nag-iisang anak ng mag-asawang Tschauder. Isang chemist professor," patuloy ni Gabbie.
"Itong mga 'to sino naman?" Turo ni Audrey sa hindi kilalang mukhang nasa larawan.
"Ito ang mag-asawang Gutierrez." Gabbie tapped a photograph of a couple with her finger.
"May-ari ng pinakamalaking Pharmaceutical Company sa bansa."
"And this is their daughter, Angel Gutierrez and her boyfriend." Turo naman ni Gabbie sa isa pang larawan.
"At sila ang misyon ni East." Nasabi ito sa kanya ni East. Ito ang dahilan kung bakit sumali si East sa The Hunk Society. Miyembro raw ang nobyo ni Angel Gutierrez sa sex mansion pero hindi sa grupo. Nasa isang isla, malapit sa Hunk Society Camp ang isa sa mga bahay ng mga Gutierrez at naroon daw ang buong pamilya ngayon dahil kakauwi lang ng anak mula Paris.
Utos ng nakakataas na kunin ni East ang formula ng Experimental drug na pag-aari ng Russian Pharmaceutical Company na ninakaw ng isa sa mismong scientist ng kompanya at nagtayo ng sariling pharmaceutical sa bansa.
"We're gonna hit two birds with one stone."
Tumayo si Gabbie. "Aalis muna ako. Kukuha lang ako ng kakailanganin natin para sa party."
"Alright," she said as she stood up. Sinalansan ni Gabbie ang mga larawan at muling ibinalik sa envelope.
Nang makaalis si Gabbie ay hinanap naman ni Audrey si Miguel sa buong kabahayan at natagpuan niya ang lalaki sa labas. Sa may pool area. Nakaupo ito sa chaise lounge at mukhang malalim ang iniisip dahil kahit nang makaupo na siya sa kabilang chaise lounge ay hindi nito nalayan kung 'di pa siya tumikhim.
"Hey?" Tipid itong ngumiti, inabot ang kamay niya at pinisil.
"Nababagot ka ba rito? Siguradong darating din si East ngayon. Gusto mo bumalik ka na sa camp. Sumabay ka na sa maghahatid sa kanya."
Miguel tapped his lap and pulled her gently. Nakangiting tumayo si Audrey at kumandong sa binata. Masuyo siya nitong kinabig palapit sa katawan nito. Isinandal niya ang katawan kay Miguel at inihilig ang ulo banda sa may balikat nito. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Audrey nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang noo at bumulong pagkatapos iyakap ang mga bisig sa katawan niya.
"I wan't to stay here with you. Kung nasaan ka gusto ko nandoon din ako." Kahit siya ganoon din ang gusto.
Pero naguguluhan siya kay Miguel. Parang kanina lang para siyang nakakadiring bagay na iniwasan nang halikan niya ito. Alam niyang naramdaman nitong may kakaiba sa halik niya. Ibinuhos niya sa halik na iyon ang damdaming pilit na umuusbong sa puso niya. Ganoon siguro ka-obvious para matakot si Miguel. Pero bakit? Bakit ito matatakot kung sakali mang tuluyan nga siyang mahulog dito? Hindi naman pwedeng takot itong mag-commit. Na-in-love na ito at handang magpakasal. At nararamdaman niyang parang nahuhulog na ito sa kanya pero nagpipigil lang. Hindi siya nag-a-assume lang. Malakas ang pakiramdam niya at kahit kailan ay hindi pa pumapalya ang guts niya.
Maaaring hindi siya pasado sa standard nito. Baka hindi niya natapatan kung ano man ang katangian ni Cassy kaya kahit pa may nararamdaman ito ay itatago lang. Isa lang siyang pulis sa paningin ni Miguel at hindi babaeng kayang ipagmalaki sa mundong ginagalawan nito.
"Can I ask you something?" Bahagyang niyang itiningala ang ulo para titigan ito sa mukha. Pero parang gusto niyang pagsisihan dahil bigla na lang hindi naging normal ang tibok ng puso niya.
Iiwas sana siya ng tingin pero hinawakan ni Miguel ang kanyang baba.
"A-ano 'yon?" She didn't stammer even once sa mga pagkakataong kinakailangan niyang magpanggap sa misyon niya kahit gaano pa kadelikado. Wala sa katawan niya ang nerbiyos maliban kung nasa panganib ang mahal niya sa buhay.
Pero ang lalaking ito. He can make her heart beat erratic as if she's having an heart attack dahil lang sa titig nito.
"Kiss me if I’m wrong... but dinosaurs still exist, right?"
Nangunot ang noo ni Audrey sa tanong ni Miguel. Inangat niya ang sarili mula sa pagkakasandal. "What?"
"Dinosaurs still exist. Am I right or wrong?"
"Syempre mali! Wala ng dinosaurs ngayon." Tuluyang nakalma ang puso niya mula sa mabilis na pagtibok niyon dahil sa walang kwentang tanong ni Miguel.
"Then kiss me, because I'm wrong," he said with a playful grin on the face.
"Oh, God!" She gasped as she realized something.
"That what is called pick-up line, right?"
Miguel chortled as he nodded for a confirmation. Itinuro nito ang labi.
"Ang tagal ng kiss," tila naiinip nitong reklamo. Audry giggled, cupping his face in her hands and dropped a tender kiss on the lips.
"May alam ka pang pick up lines?"
"Yeah." Humagod ang kamay ni Miguel mula balikat ni Audrey pababa sa braso.
"You don’t need keys to drive me crazy." Nakagat ni Audrey ang pang-ibabang labi ng bigkasin ni Miguel iyon na may landi.
"What else?"
"Are you French?" he asked.
"Why?" Mabilis niyang sinundan ang tanong nito.
"Because Eiffel for you." Nalukot ang mukha niya. Hindi niya gets. Humalakhak si Miguel sa naging ekspresyon ni Audrey. Hindi nito malaman kung ma-offend ba ito dahil mukhang waley ang pick up line na 'yon.
"Eiffel... Eiffel tower." Paglilinaw ni Miguel. Unti-unti ay namilog ang bibig ni Audrey.
"Oh! get it. It's not I fell... It's Eiffel tower." Malakas siyang humalakhak. Itiningala pa ang ulo habang malakas na tumatawa.
Unti-unti ay sumeryoso ang mukha ni Miguel habang nakatitig sa magandang mukha ni Audrey. Ngayon lang nito nakitang tumawa nang ganoon si Audrey na kung tutuusin ay hindi naman talaga nakakatawa ang pick-up line na 'yon. Ang babaw rin pala ng kaligayahan nito.
Nagpahid ng mata si Audrey. Naluha siya kakatawa. Benta sa kanya iyon.
"Oh, God! I'm so slow."
"Do you have a pencil?" Miguel asked again.
"Why?" Wala pa man ay natatawa na siya. Naa-anticipate na niya ang nakakatawang kasunod.
"Beause I want to erase your past and write our future." Sa halip na matawa ay natigilan si Audrey. She doesn't find it funny. That is more like a serious confession to her. Lalo na ang seryosong mukha ni Miguel habang matamang nakatitig sa kanya. This man makes her confused.
She forced a smile. "I like that one. Not funny but it's kinda sweet." Nag-iwas siya ng tingin kag Miguel nang hindi nito putulin ang pagkakatitig sa kanya.
Muli na lang niyang inihilig ang ulo sa dibdib nito. Inabot ni Miguel ang kanyang pisngi at masuyong hinaplos habang ang labi ay inilapat sa kanyang ulo. Ipinikit ni Audrey ang mata. Napakasarap nang ganito. Ngayon na lang ulit niya naramdaman ang ganitong emosyon. Iyong makuntento sa buhay habang yakap ng mahal.
Geez! Ano ba ang mga iniisip niya? This is not Daniel.
KATULAD NGA ng kanyang inaasahan ay dumating nga si East kinahapunan. Hinatid ito ni Leon kasama ang isa pang piloto na siyang nagpalipad ng helicopter na kinuha niya. Hindi niya pinapansin si East. Naiinis pa rin siya sa lalaki. Kahit anong pagpapansin nito sa kanya dedma siya.
Tumingala si Audrey mula sa madilim na langit na pinapakislap ng mga bituin habang nakaupo sa dulo ng chaise lounge sa pool area. Napakatahimik sa lugar na ito. Sa ganitong lugar nila gustong manirahan ni Daniel noon. Ang gusto ni Daniel ay bumili ng isla. Napatawa pa siya noon sa pangarap nito. Alam niyang suntok sa buwan iyon dahil magkano lang naman ang sinasahod nila bilang isang opisyal ng PNP until she found out that he is came from a wealthy family. A son of multi-billionaire owner of largest telecommunication company in the country.
Natigil sa pagbalik-alaala si Audrey nang may maramdamang presensiya ng tao. Maya-maya lang ay may umupo sa likuran niya at ipinaikot ang mga bisig sa kanyang katawan, she was in between his legs.
"Drey, sorry na!" Umirap siya.
"Please, talk to me." Isiniksik ni East ang mukha sa gilid ng kanyang leeg.
"Please!" "Please!" "Please!" Paulit-ulit nitong usal.
"Hindi ka ba naaawa sa 'kin, namamaga pa rin ang ilong ko, oh." Gumalaw lang ang kanyang mata para silipin ito. Inalis nito ang mukha mula sa pagkakasubsob sa kanyang leeg at ipinatong ang baba sa kanyang balikat. Naka-pout ito. Nagpapaawa.
"Pwede ba huwag kang magpa-cute! Hindi bagay!"
"Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako."
"Oo na!" Pairita niyang sabi.
"Parang napipilitan ka lang, eh."
"Oo na." Bahagya niyang nilambingan ang boses. Hinigpitan nito ang yakap sa kanya.
"Bati na tayo?"
"Wala naman akong choice. Habang buhay na tayong magkakasama kaya kailangan talaga kitang patawarin." East chuckled and kissed her on the cheek with smacking sound.
"Eww!" She swiped her palm across her cheek.
"So, tell me now what's the problem?"
"Problem?"
"Kanina pa kita tinitingnan mula sa taas. Alam kong may problema ka. Now, tell me." Hindi talaga nakakawala sa isang ito kapag may bumabagabag sa kanya. At alam niyang hindi rin siya nito tatantanan hanggat hindi nalalaman kung ano ang problema niya.
Isinandal ni Audrey ang likod ng ulo sa balikat ni East. Muling itinuon ang mata sa kalangitan.
"I think I'm in love again," she confessed. A few minutes of silence passed, chirping of crickets filling up the background. Ipinaling niya ng bahagya ang mukha kay East na hindi umiimik.
Ngumiti ito kapagkuwan. "So, magpapakasal na ba tayo? Hindi mo na ako kailangan ligawan."
Marahan siyang natawa at ibinalik ang tingin sa langit. "Bakit nga ba hindi ako ma-in-love sa 'yo?"
"Because you have a bad taste in men."
Siguro dahil lumaki siyang parang kapatid ang turingan nila ni East kaya hindi siya nakaramdam ng pagmamahal dito maliban sa pagmamahal ng isang kapatid. Kasi kung ibabase lang sa characteristic nito, napakarami nitong magandang katangian na kaibig-ibig at alam niyang maswerte ang babaeng makakatuluyan ni East.
Nagtaka naman si Audrey nang hindi na magtanong pa si East sa kung kanino siya in love. Samantalang noon, pagkasabi palang niyang may lalaki na siyang nagugustuhan ay napasugod agad ito sa Academy para makilatis si Daniel, eh, hindi pa naman alam ni Daniel na gusto niya ito.
Siguro hindi naniniwala sa kanya ngayon. Ilang ulit niyang sinabi noon kay East na hinding-hindi na siya magmamahal pa; na si Daniel lang ang mamahalin niya panghabang buhay. Pero ngayon, parang kakainin niya yata ang lahat ng binitawan niyang salita.
PAGPASOK ni Audrey ng silid na ukupado niya ay naabutan niya si Miguel na nakaupo sa gilid ng kama. Magkaibang silid ang kanilang tutulugan. Hindi niya maaaring idahilan kay East na walang ibang silid kaya kailangan nilang magsama ni Miguel.
Mula sa hawak nito ay nag-angat si Miguel ng tingin sa kanya. Isinara niya ang pinto at nilapitan ang lalaki. Hawak nito ang needle container na naglalaman ng iba't ibang substance.
"Sorry. Hinahanap kasi kita, then I saw this." Ipinatong ni Miguel iyon sa bedside table.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganyan. Nakita ko ring ginamit mo 'yan kay East kaya siya nawalan ng malay tao." Bagamat kinakausap siya ay nakatuon naman ang mata nito sa container.
"Nakita ko ring ginamit 'yan ni Gabbie sa lalaki." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Biglang kinabahan si Audrey. Nakita ni Miguel ang lalaki sa basement. Ang isa sa mga lalaking nanambang sa kanila noon.
"Lalaki?" kunwari'y walang ideya niyang tanong.
"May lalaki sa basement. Sinundan ko si Gabbie na bumaba roon. Tinurukan niya ng bagay na 'yan bago nangisay at namatay."
Dinala ni Gabbie rito ang lalaki at ikinulong sa basement. Pinahirapan para umamin. Sa kanya pinapapatay ni Gabbie ang lalaki pero ipinaubaya na niya rito.
Hindi niya maintindihan pero noon ay gustong-gusto niyang hanapin ang mga ito at patayin. Pero nang nasa harapan na niya ang lalaki parang 'di na niya kayang pumatay ng walang kalaban-laban kaya ipinaubaya na niya kay Gabbie. Hindi nila pwedeng buhayin ang lalaki. Sa bawat misyon na ginagawa nila kung alam nilang maaaring maging balakid ay hindi maaaring buhayin dahil mas ikakamapahamak lang nila pati ng kanilang organisasyon.
"He should die. He killed Daniel at ibang mga kasamahan namin."
Tumayo si Miguel mula sa pagkakaupo. Parang balisa itong hinaplos ang bibig at kapagkuwa'y ang likod ng ulo.
"I saw how Gabbie and East tortured that man before they killed him." Nasa mukha nito ngayon ang matinding takot.
"He seemed to be suffering in extreme pain after the shot of that... whatever it is." He gestured his hand toward the deadly substances.
"Miguel..."
"Ano ba talaga kayo? Mga sindikato ba kayo? Ito ang dahilan kaya pilit akong pinauuwi ni East. Para hindi ko malaman 'to. Ngayong alam ko na. Are you going to kill me?"
Tinitigan ni Audrey si Miguel nang ilang sandali. Pinag-aralan ang kilos ay ekpresyon nito. He looks confused and scared.
"Depende," she said, in a calm yet dangerous tone. Napipilan si Miguel at mas lalong bumakas ang pagkabahala sa mukha nito.
"Take a seat." He gestured him toward the bed.
"Sit!" she ordered him. Her tone was lined of authority. It matched her dark expression. She isn't angry pero kailangan niyang magmukhang ganoon para katakutan siya. Siya ang dapat na katakutan nito at hindi siya ang dapat na natatakot kung gusto niyang mapasunod si Miguel.
Miguel seemed taken aback by her tone and expression. Umupo ito. Hinila niya ang silyang nasa tapat ng dresser at inilagay sa harapan ni Miguel at umupo. Tinitigan niya ito sa mga mata. Pinanatili niya ang kanyang ekspresyon.
"Are you afraid of me now?" Hindi umimik si Miguel. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
"Are you afraid to die?"
"N-no!" Audrey bit the inside of her cheeks to control her lips to spread into a wide smile. He gets nervous and flustered hindi man nito aminin. His adams apple bobbing up and down in a strange way dahil sa paulit-ulit nitong paglunok and that is indicator that he is nervous. It's just hilarious seeing a mascular man scared.
"Do you think you are in pickle?" Kinuha ni Audrey ang bote sa bedside table. Itinaas nito ang bote sa mismong harapan ng kanyang mukha.
"These ball-point needles have 3 colors. And each color has different kind of substances. There is a tranquilizer; the one that I used to East," aniya habang ipinapaikot ang bote habang hawak ng kanyang daliri ang ilalim niyon.
"There is a substance that can your body paralyze and the last substance..." Kinuyom ni Audrey ang palad at ibinaba sa kanyang hita ang kamay at matalim ang titig na ipinukol kay Miguel na ikina-tense nitong lalo.
"Poison... poison na unti-unting susunog sa internal organs mo. Ipaparamdam sa 'yo ang napakatinding sakit na hindi mo pa nararanasan buong buhay mo bago kitlin ang buhay mo."
She held out her hand and she slowly opened it. "Now, choose a color." Namilog ang mata ni Miguel.
"W... w-what?" Muntik pa nitong hindi masabi ang iisang salita lang.
"I said, choose one color!"
"W... w-why?" He seems as though he's going to faint. His body is rigid and unrelax.
"Sa 'yo nakasalalay kung ano ang magiging kapalaran mo. Kung ano ang pipiliin mo iyon ang ituturok ko sa 'yo."
"Audrey!" Gilalas na bulalas ni Miguel.
"Ang sabi mo hindi ka naman takot mamatay 'di ba? Then choose!" Inilapit pa niya rito ang nakabukas na kamay. Paulit-ulit na lumunok si Miguel habang nakatitig sa kamay ni Audrey.
"Choose!" His body jerked when her voice raised. Muli siyang tinitigan ni Miguel.
"You are just kidding, r-right?"
"Do I look like I'm kidding?"
"Fuck! Papatayin mo talaga ako?"
"You said, you're not afraid to die. So choose!" Itinim niya ang kanyang mukha para ipakita kay Miguel na seryoso siya. Nagtatapang-tapangan pero ang totoo ay takot na takot na pero ayaw pang aminin.
"Hindi ka naman takot 'di ba?" Hindi umimik si Miguel.
"Sagot!" Pasigaw niyang sinabi at halos mapalundag sa kinauupan si Miguel sa gulat at paulit-ulit na nagmura habang hinahaplos ang dibdib.
"Fuck! Fuck! Oh, fucking shit! I'm fucking afraid! I don't wanna die! Fuck!"
Tuluyan nang hindi napigil ni Audrey ang sarili. Malakas na halakhak niya ang pumuno sa buong silid. Si Miguel ay nakatulala at confused na confused na nakatingin sa kanya. His face went white as a ghost.
"God, damn it! What's fucking funny?" Palatak nito.
"Oh, God, Sugar Miggy. See yourself in the mirror. You pale as a ghost!" Natatawa niyang sabi.
"Gosh! Do you really think na papatayin talaga kita?" Miguel raked his fingers through his hair.
"Hindi ba?"
"Of course not!"
"Oh, God! Fuck! You scared me to death!" He rubbed his chest with a hand. Unti-unti ay bumalik na ang kulay ng mukha nito na akala mo ay natuyuan ng dugo sa pamumutla.
"Ang lalaki-laki mong tao ang duwag mo 'no?"
"Sino ba ang hindi matatakot? Nakita ko ang ginawa sa lalaking 'yon. Putol ang ilang daliri sa kamay at nilason. Tapos ako nandito na walang kaalam-alam sa martial arts kasama ang mga barbaric. How can I defend myself?"
May point naman ito. Sino nga naman ang hindi matatakot lalo sa ginawa niyang pananakot kanina.
"Sino ba talaga kayo, Audrey? Ano ba talaga kayo? Hindi kayo normal na mga pulis lang."
His queries silenced her. Sumeryoso ang ekspresyon ni Audrey.
"Do you really want to know?"
"Yes."
"Can I trust you?"
Miguel nodded. "You can trust me."
Umayos siya mula sa pagkakaupo. Tinitigan niya ang hawak na bote ng ilang sandali bago muling ibinalik ang tingin sa mukha ni Miguel. Exposing her real identity to someone else is breaking the rules. Ang ginawa niyang paggamit ng bagay na hawak kay East kahit sa harap ng ibang tao ay isang kapabayaan at hindi iyon katanggap-tanggap sa organisasyo. At ngayon ay ipinaliwanag pa niya kay Miguel kung ano ang bagay na ito. And worse, she wants to tell him everything about her. Nakuha nito ng ganoong kabilis ang tiwala niya.
"We are secret agents."
"Secret agents? Like James Bond?"
Marahang natawa si Audrey at tumango. "Something like him."
"How about Daniel? Was he part of this intelligence agency? Had he died because of a mission? Wala man lang ba kayong back-up? Bakit hinayaan ng mga kasamahan niyong mangyari iyon sa inyo? Hinayaan nilang mamatay si Daniel! Namatay ang..." Miguel's tirade suddenly ended as if he realized that he acted strangely. He inhaled deeply and exhaled quickly.
Isinandal ni Audrey ang likod at matamang tinitigan si Miguel. Pinagtatakhan ang naging reaksiyon nito at ang pagpasok nito kay Daniel sa usapan. Hindi maipagkakaila ang galit na nasa mukha ni Miguel. Apektadong-apektado.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top