Chapter 8: Lock in the Box

Chapter 8: Lock in the Box

EARLY dismissal ang klase namin sa Architectural Interiors kung kaya't wala akong choice kung hindi hintayin si Miguel na matapos ang kaniyang basketball training. "Yzabel, gusto mong sumama sa amin? Bi-videoke kami diyan sa labas." Aya sa akin ni Marie.

"Hindi muna, busy ang lola mo sa dami ng side quest." Sabi ko sa kaniya. Isa pang dahilan ay wala naman din kasi akong budget dahil kababayad ko lang ng tuition. Napakarami rin ng materials na binibili as architecture student.

"Sayang naman," Bakas ang lungkot sa boses ni Marie.

"Bawi ako after kong sumahod, kain tayo sa bagong bukas na unli wings sa school." I assured to her habang nililigpit ang gamit ko at nilalagay sa loob ng bag.

"Sabi mo 'yan, ha!" Itinuto pa ako ni Marie at isinukbit na niya ang bag niya. "Siya, mauna na kami Yzabel. Magkita na lang tayo bukas." Umalis na siya kasama ang iba naming kaklase.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Miguel dahil sa sinabi ko sa chat sa kaniya. He just seen that message kung kaya't hindi ko rin alam ang naging sagot niya. Iniisip ko ay baka maging awkward na para sa aming dalawa ang study session namin. Or worst, baka bawiin niya na ang sampung libo dahil na-weird-an siya sa akin.

But hey! Siya ang nag-suggest ng idea na iyon and insisted that the offer still stands.

The hookup culture is already normal here in Manila, marami na sa university students at young adult workers ang pumapasok sa ganitong klaseng setup. Kagaya nang sinabi ni Miguel, this is for pleasure with no commitment.

I know this is really a risky move for me dahil hindi gaano kalawak ang kaalaman ko sa mundong papasukin ko. But this is the only way na nakikita ko para ma-improve ang pagsusulat ko ng erotica— to experience it. Ayoko naman na makita ako ng mga readers ko na stagnant writer ako na walang pagbabago o improvement sa sinusulat ko, I really love and want to improve my craft.

Pagkarating ko sa indoor gym ay nakita ko agad ang mga varsity players na naglalaro at maririnig ang pagtunog ng kanilang sapatos dahil sa pagtakbo. May mangilan-ngilan ding mga estudyante na nakatambay rito para manood at ang iba naman ay magpalamig dahil aircondition ang buong lugar.

Umupo ako sa isang bench at pinanood ang galaw ng mga players kahit wala naman akong naiintindihan. Napatingin sa akin ang isang player at namukhaan ko siya dahil kasama siya ni Miguel sa En Route at maging sa Cable Car. "Miguel!" Tawag niya at itinuro ako. God! Hindi ko naman sinabi sa kaniya na ipaalam kay Miguel na nandito ako.

Napatigil si Miguel sa paglalaro at napatingin sa akin. Pinunasan niya pa 'yong pawis niya sa mukha gamit ang laylayan ng jersey niya. Lumakad ito tungo sa aking direksyon at mukhang nagpa-sub sa isang kasama.

Hindi ko alam pero hindi ko siya magawang tingnan sa mata ngayon. God! Dapat pala hindi ko na lang sinabi ang mga bagay na iyon. Pakiramdam ko bigla ay may inaginary wall na sa pagitan naming dalawa (or ako lang ang nakaka-feel no'n).

"Ba't nandito ka na? I thought 4PM pa ang end ng class mo sa Architectural Design?" Tanong niya.

"Early dismissal. Wala rin naman akong gagawin sa loob ng campus, hintayin na lang kita." Sagot ko sa kaniya at napatango-tango siya sa akin.

"Mabilis na lang naman na 'to, patapos na 'yong game tapos quick shower na lang din." He said at bumalik na siya sa paglalaro. Ako naman ay ginawa ko na lang ang assignment ko sa isang minor subject para ma-maximize ang time ko dahil hindi ko rin naman trip manood ng basketball. Kung Volleyball manapa, mas okay! Nanood din naman kasi ako ng Haikyuu kaya mas gets ko pa kung paano siya nilalaro.

After the game ay iniwan na si Miguel ng kaniyang teammates. Naiwan si Miguel na nagpupulot ng bola at nilalagay sa isang cart. I observed his physical appearance dahil hindi maipagkakailang puwedeng-puwede gawing basis si Miguel as a novel character. Matangkad, moreno, well-built din ang katawan dahil sa paglalaro at pagji-gym. Mas charming siya kapag ngumingiti dahil sa dimples niya. Mukha siyang bad boy kapag naka-wax ang buhok niya habang mukha siyang napakainosente kapag nakababa lang ito

Alam niyang malakas ang charisma niya sa mga babae kaya nga ganyan ka-fuckboi 'yang tao na 'yan.

Miguel clapped his hand para mabalik ako sa huwisyo. "Shower lang ako tapos review na tayo." He informed me at nag-okay sign language ako.

Ilang minuto na akong naghihintay ay lumabas na ang mga teammates niya mula sa shower room. "Bye, Yzabel!" A player said to me and waved their hands as they surpassed me.

"Bye. Ingat!" I smiled back. Late ko na na-realize na bakit kilala niya ako? Sino siya?! Napatingin ako sa kaniya na hindi pa naman nakakalayo.

"Bagong chix ni Miguel." He said to his teammates. Siguro ay namukhaan niya ako sa ilang encounter namin sa mga bar sa Tomas Morato pero bakit alam niya ang pangalan ko? At isa pa, anong bagong chix ni Miguel. Napailing na lang ako dahil mga teammates niya ay alam na babaero siya.

"Yari sa'kin 'yang Miguel na 'yan pagkalabas niya. Baka mamaya ay kung ano-anong kinukuwento niya sa mga ka-team niya." Mahina kong monologue at tinapos na ang assignment ko.

Maya-maya pa ay may message ako sa IG na natanggap mula kay Miguel.

Miguel:
May teammates pa ba ako diyan sa labas?

Tumingin-tingin ako sa paligid at puro estudyante na lang na nagpapalamig dito sa Gym ang natitira.

Yzabel:
Wala na, nakalabas na sila kanina pa.

Miguel:
Fuck.

Yzabel:
Fuck you din. Minura mo pa ako.

Miguel:
Sorry 🤣

Can you bring my duffle bag here in shower room? I forgot pala and hindi ako makalabas ng cubicle now.

Yzabel:
Hay naku.

Saan ba dito?🙄

Miguel:
If I am not mistaken, sa bench malapit sa ring. My teammates left na pala so walang ibang magdadala niyan sa akin.

Nilingat ko ang mata ko sa paligid hanggang makita ko ang isang itim na malii na duffle bag sa gilid ng court. Pinicture-an ko pa ito at sinend sa kaniya para masigurado na iyon 'yong tinutukoy niya.

Miguel:
Yup, that's the one.

May Naruto keychain ba siya?

Yzabel:
Mayroon.

Miguel:
Yup, that's mine. Can you bring it here in the shower room? Can't go out.

I sighed at binuhat ang duffle bag niya na medyo mabigat. Siguro ay nandito rin ang mga gamit niya sa school. Pumasok ako sa shower room at tumambad sa akin ang medyo basa na tiles at hile-hilerang cubicle.

"Miguel!" Sigaw ko na um-echo sa shower room para masigurado ko kung may tao. Tutor lang ang usapan naming dalawa pero nagmumukha pa akong personal assistant ng ungas na ito.

"Yeah, I'm here!" He responded. Pumasok ako sa loob at inilapag sa bench na nasa gitna ng shower room ang bag niya.

"Pinatong ko sa upuan!" Sigaw ko.

Akmang tatakbo na ako palabas no'ng muli na namang sumigaw si Miguel. "Iabot mo na!" He shouted at inilabas ang kamay niya sa cubicle. Dumungaw pa ang tanga at ngumiti sa akin. Basa pa ang kaniyang buhok na halatang katatapos lang maligo.

I sighed.

"God, hindi mo naman sinabi na kasama sa sampung libong bayad mo ang pagiging personal assistant mo." Nagmartsa ako para damputin muli ang duffle bag niya.

Naglakad ako patungo sa cubicle kung saan siya naroon at iniabot ang duffle bag niya. "Next time kasi huwag mong—" nabigla ako noong imbes na bag ang hablutin niya ay hinablot niya ang braso ko papasok sa cubicle.

He pinned me on the wall and place his right arms above my head. Miguel playfully smiled. "We can start now."

Nabigla ako at hindi agad naka-react dahil sa bilis ng mga pangyayari. Ang lapit ng mukha ni Miguel at amoy na amoy ko pa ang shampoo na ginamit niya sa buhok niya. Using his left hand ay hinawakan niya ang mukha ko at iniangat para matingnan siya sa mata. Ngumisi si Miguel.

Ilang segundo ang lumipas bago ako nakakuha ng lakas para itulak siya. "Umayos ka nga! Nasa school tayo."

Natawa lang si Miguel. Hindi naman siya totally naked dahil naka-shorts naman ang gago at mukhang pinagti-tri-an niya lang ako. "So kapag wala sa Ardano University ay puwede?" He slowly nodded. "Okay noted on that."

Lumabas na ako ng cubicle at sumunod naman siya palabas. Kumuha lang siya ng puting adidas shirt sa duffle bag niya at isinuot. Saglit niya lang pinunasan ang kaniyang buhok at sinuklay ito. Hinayaan ko na siya sa loob at naunang lumabas sa shower room dahil baka mamaya ay kung ano pa ang isipin ng ibang estudyante kung sabay kaming lalabas.

Nanlambot ang tuhod ko at umupo sa pinakamalapit na bleachers. That was a heart racing moment for me at first time sa akin malapitan ng lalaki na literal na ganoon kalapit. Amoy ko pa ang mga ginamit niyang pangligo.

Ilang minuto lang ay sumunod na rin palabas si Miguel at sabay kaming naglakad palabas ng gym. Ramdam ko agad ang init ng labas sa tagal naming dalawa na naka-aircon. Shuta! Bakit ba ganito kainit sa Pinas? Samahan mo pa ng pollution dito sa Maynila. What a combo.

"Is it okay if we go to National muna? Bili lang akong drawing paper saka sketching pen." He said at doon ko lang din naalala na kailangan ko rin bumili ng gamit.

"May plates ka?" Tanong ko habang sinasabayan siya maglalakad. Bakit ba ang lalaki ng hakbang niya!? Hinihingal ako sa pagsunod pa lang sa kaniya.

"Yup."

"Tropical Design?" Tanong ko at um-agree ulit siya. Parehas pala kami ng subject na may plates. Isa din 'yan sa kinaiinisan kong subject na ginagawan ng plates.

Pagpasok namin sa National Bookstore ay agad kaming tumungo sa art section. Kinuha na ni Miguel ang mga kailangan niya habang ako ay napapa-aray na lang sa mahal ng materials ngayon. Short na short ako at sa katapusan pa ang sahod ko sa pagiging SA.

"Do you need anything?" Miguel ask at hindi ko namalayan na nasa likod ko na siya at sinusundan ako sa pagtingin-tingin.

"Wala akong pera. Bayaran mo na 'yan para makapag-start na tayo sa pagre-review." Sagot ko sa kaniya.

Nabigla na lamang ako noong kinuha ni Miguel lahat ng mga tiningnan ko at nilagay sa basket niya. Pumila na siya sa cashier at humabol ako sa kaniya. "Huy, hindi mo kailangan bilihin 'yan. Manghihiram na lang ako kay Marie ng mga gamit." Akmang tatanggalin ko ang mga kinuha niya sa basket pero inilayo niya ito.

"Ako na 'to." He nonchalantly said. Ayoko na gumawa ng eksena rito sa NBS kung kaya't hinayaan ko na siya. He paid using his credit card at lumabas na kami.

"Huwag kang mag-alala, sasahod na ako sa katapusan. Babayaran ko na lang pahat ng pinangbili mo rito." Sabi ko sa kaniya.

"Pinababayaran ko ba?" Natatawang sabi ni Miguel at napailing. "Tulungan mo lang akong makapasa sa mga subjects ko ay goods na 'yon."

Bumalik kami sa university dahil doon naka-park ang sasakyan niya. Isang gray na toyota rush ang sasakyan niya at nilagay niya sa backseat ang mga binili niyang archi materials. "Akala ko ay wala kang sasakyan." Sabi ko at sumakay sa shotgun seat.

"Bakit? Sa tuwing magkikita tayo ay hindi ko dala?" Sabi niya habang lumalabas siya sa parking.

"Oo, dati ay nag-angkas ka lang tapos sumasabay sa mga friends mo." Paliwanag ko.

"Tamad lang ako mag-drive. If there's an opportunity na hindi ako magmamaneho, I will grab that without having a second thought. Nakakangawit." Sabi niya sa akin. Iyon nga rin ang nadidinig ko sa mga taong may cars, sa una lang daw masaya mag-drive kapag natuto ka pero habang tumatagal ay nakakatamad siya gawin.

Nagmaneho na siya palabas ng campus at hinayaan ko na siyang mamili kung saang coffee shop kami tatambay. Ako na ang namili last time kung kaya't gusto ko naman siya bigyan ng equal opportunity. Pero siguraduhin niya lang na masarap ang kape sa kung saang lupalop kami makakarating!

Dinala niya ako sa isang cafe na malapit sa school. It is an outdoor cafe na may malalaking umbrella sa paligid bilang silungan. It's also a garden setup kung kaya presko ang hangin mula sa paligid. There's also a wishing well and a picnic area. Sa tagal ko sa Ardano University ay ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito.

"Saan mo na-discover 'to? Infairness, ang ganda ng landscape design." I asked Miguel habang kinukuhanan ko ng pictures ang buong paligid.

"Sa friend ko sa IG. She sent me the location of this cafe, bagong bukas daw malapit sa Uni. Soft launching pa lang sila." Ow. That's the reason kung bakit ngayon ko lang siya nakita.

Pumuwesto kami sa couch malapit sa mga matataas na halaman. May lumapit sa aming barista at inabutan kami ng menu. I just ordered White Chocolate Mocha while Miguel ordered Caramel Affogato, he also ordered Pretzel and fries as our snack.

We started our study session and good thing naman na mabilis napi-pickup ni Miguel ang mga tinuturo ko sa kaniya. Although, nahihirapan na siya kapag siya na lang mag-isa nagso-solve... but still, an improvement is still an improvement.

Halos isa't kalahating oras din ang study session namin at inabutan na kami ng dilim dito sa cafe. Mas na-appreciate ko itong lugar noong buksan na nila ang mga light bulbs na parang isang camping setup ang buong lugar. Iyon nga lang, malamok. Iyon siguro ang disadvantage ng ganitong klaseng outdoor cafe.

Niligpit ko na ang mga gamit namin. "Wala tayong session bukas, may gagawin ako as SA ni Miss Reyes. Tapos 'yong long quiz mo next week, siguraduhin mo lang na makakalagpas kalahati ang score mo. Kailangan mong mahatak ang mga bagsak mo last time." Bilin ko da kaniya.

"Got it." Isinukbit niya sa balikat niya ang bag ko. Akmang kukuhanin ko iyon pero itinaas niya. "Ako na."

Naglakad na kami palabas ng cafe at binati naman kami ng mga barista. "Thanks Kuys, the pretzel was good." Puri ni Miguel.

Sa ilang beses naming pagsasama ay isang bagay ang napansin ko kay Miguel. He was nice. Hindi lang sa mga babaeng nilalandi niya kung hindi sa lahat. He is really approachable and he usually compliment other people (especially kapag masarap ang food). Hindi siya pakitang tao sa part na iyon.

Sumakay na kami ng sasakyan at pinaandar na ito ni Miguel. "What do you think about the place?" He asked.

"'Yong Sinukuan Cafe kanina?" Tumango siya. "Hmm... nice naman 'yong place and okay din 'yong ambiance. So-so lang 'yong drinks nila pero kagaya nang sabi mo; ang sarap nung pretzel. Outdoor setup was a good idea kaso nga lang hindi nila naisip 'yong pagiging malamok ng lugar sa gabi. They should work on that." Paliwanag ko sa kaniya ng opinyon ko.

"Wow you sounds like the biggest cafe critic." He chuckled while his driving.

Nakatingin lang ako sa daan. "Ibaba mo na lang ako sa sakayan ng jeep, doon na lang ako sasakay pauwi." Itinuro ko pa 'yong mismong sakayan sa kaniya.

"Hatid na kita."

"Diyan na nga lang," nilagpasan na ni Miguel ang sakayan. "Kulit. Hindi mo naman alam kung saan ako nakatira."

"Sinong may sabi? Remember when I booked you grab in Cable Car? You type your address that time." Napakagat ako sa ibabang labi ko noong maalala ito. Wala na akong choice kung hindi maupo rito habang pinagmamasdan ang labas.

"Why you choose Architecture?" Tanong ni Miguel habang focus siya sa pagda-drive. Pansin ko sa kaniya na ang dalas niya mag-initiate ng small talk. He is screaming an extrovert energy na ayaw na ayaw ng katahimikan sa buhay.

"Parents decision." Tipid kong sagot. "Ang sabi nila, ako daw ang magiging kauna-unahang architect sa angkan namin na makakapagtapos sa magandang unibersidad." Sabi ko sa kaniya.

"Pero kung ikaw ang tatanungin, do you want architecture ba or you want to pursue a different path?" He asked at pinaandar na muli ang sasakyan matapos mag-go signal ito.

I sighed at seryoso siyang tiningnan. "Alam mo, ang choice ay para lang sa mayayaman. Samantalang kaming mahihirap, kailangan namin tanggapin kung ano ang nandiyan. Kung saan gaganda ang buhay namin, doon kami." I want him to know na magkaiba kami ng estado sa buhay. Kaya ko nga kami nag/i-study session dahil kailangan ko ng pera.

Bumaling ang tingin ko sa bintana at may mga patak na naman muli ng ambon. "At isa pa, wala pa nga akong nararating ay proud na sila Nanay. Ayokong ma-disappoint sila." Tumingin ako sa kaniya. "Eh ikaw, bakit ka nag-architect?"

"Kagaya mo, iyon din ang gusto ng parents ko. We are both lock in the box, magkaiba lang ng design." Focus lang si Miguel sa pagmamaneho. "My Dad own a firm. 'Yong kuya naming panganay, he is an Engineer. The next one is Architect. So, ako, I don't have any choice kung hindi i-take ang Engineering or Architecture."

"Pero kung ikaw, ano ba ang gusto mo talaga?" Tanong ko sa kaniya.

He shrugged his shoulders. "I don't know, hindi ko na naisip. Bata pa lang ako ay kinundisyon na ni Dad na iyong dalawa lang ang pamimilian kong course. I kinda envy you nga, eh, kahit parehas tayong nakakulong sa kahon... somehow you are able to reach the thing that you want— to write. Ako, I don't know."

"Ako rin naman inggit sa 'yo." Sagot ko at napakunot ang noo ni Miguel. "Inggit ako sa pamumuhay mong burgid ka. Kaya naman pala ni Lord gumawa ng mayaman pero bakit hindi pa ako nasama."

"What's burgis? Ang deep na ng tagalog na 'yon."

"Burgis! Mga pinagpalang nakatataas sa lipunan. Mayaman." Paliwanag ko sa kaniya. "Sa nobela ko na lang siguro ma-a-achive 'yong mga ganiyang buhay."

Lumiko na si Miguel sa kanto namin at pinarada ang sasakyan sa labas. Lumakas ang ulan kung kaya't hindi pa ako makalabas. Humahanap pa ako ng timing kung paano ko susuungin ito. Malas naman.

"May payong sa likod ng kotse. You want me to get it?" He asked at akmang bubuksan niya ang sasakyan.

"Huwag na. Mababasa ka lang, babiyahe ka pa pauwi sa inyo." Pagpigil ko kay Miguel.

Lumingon ito sa akin. "Problema mo?" Kunot-noo kong tanong.

Nagulat ako noong mas inilapit pa ni Miguel ang mukha niya sa akin. "Tinatanggap mo naman na 'di ba ang offer ko sa 'yo?" Tanong niya at may malokong ngiti sa kaniyang labi.

Napabalik sa isipan ko ang pag-agree ko sa hookup setup sa kaniya. "Oo, pero let's have a discussion muns regarding on what we wants and what we don't want—"

"I want to kiss you right now." Mas lumapit ang mukha niya. Mata sa mata ko siyang tiningnan ramdam ko ang init nang kaniyang paghinha. Maririnig lang sa paligid ang malakas na pagtama ng ulan sa sasakyan at ang kanta ni Moira. "Will you allow me to kiss you?"

Hindi ako nakasagot. I mean, um-oo ako sa ganitong setup. I want to experience everything related to romance for the sake of what I am writing. Miguel have all the opportunity to kiss me right now dahil sasakyan niya naman ito but he asked for consent.

I slowly nodded. Miguel smiled at lumabas na naman ang dimples niya.

Until-unting lumapit ang mukha ni Miguel at napapikit ako. Nagulat na lang ako noong mabilis na lumapat ang labi niya sa pisngi ko. "Peck kiss muna. Let us take things slowly." Natatawa niyang sabi at lumabas ng sasakyan.

Naiwan akong nakaupo at hinawakan ang pisngi ko. That was the first time that a man gave me a kiss.

Pero iyon na 'yon?! Parang balat lang na dumampi sa mukha ko! Kiss na 'yon?! Iyon na ba talaga ang sinasabi nilang kiss on the cheeks eme-eme?

Binuksan ni Miguel ang likod ng kotse at kinuha ang payong na mukhang giveaway lang ng isang bangko sa pagkalaki-laki. Binuksan niya ang payong, kinuha niya muna ang mga gamit sa backseat na binili niya para raw sa akin (another utang na loob). After no'n ay binuksan niya na ang pinto ng shotgun seat. Basang-basa si Miguel. "Lamig, bilisan mo." He said at natawa ako sa reaksyon niya.

Tinanggal ko ang seatbelt at sinuong namin ang malakas na ulan. Hinatid niya lang ako sa mismong pinto ng building at nadatnan pa kami ni Manang Emma. Kung susuwertihin ka nga naman, baka kung anong isipin nito.

Nagmano ako kay Manang Emma. Tinunggo ko ang balikat ni Miguel para mapilitan siyang magmano dahil mukhang walang balak ang gago.  "Good evening po." Miguel said. "Hinatid ko lang po si Yzabel dito pero mauuna na rin po ako."

Ngumiti lang si Manang Emma. Tumingin sa akin si Miguel. "So, see you next week. Will chat you my free time." Lumabas na si Miguel.

Pagkalabas ni Miguel ay bumaling ang tingin sa akin ni Manang Emma. "Nobyo mo ba iyon, Yzabel?"

"Hindi po. Tinu-tutor ko po. Nagmagandang loob na ihatid ako dahil sa ulan."

"Aba'y kaguwapong bata! Kapag niligawan ka no'n sy pumayag ka na agad, Yzabel." Joke na sabi ni Manang Emma.

"Ligaw-ligaw. Mas mahalaga po sa akin ang pera." I explained. "Saka imposible 'yan dahil ang mga mayayaman na gaya niyan ay para lang din sa mayayaman." Paliwanag ko at naglakad na papunta sa unit namin.

These past few days na kasama ko si Miguel ay mas nakilala ko pa siya. He is not that bad afterall.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top