Chapter 4: Offer and Cheat

Chapter 4: Offer and Cheating

NAKANGITI akong nagbabasa ng inline comments sa bagong chapter ng sinusulat kong nobela dahil buhay na buhay daw ang bar scene ng kuwento at parang nadala ko raw sila sa mismong lugar. Dito ko napatunayan na madali pala talagang isulat ang mga bagay na na-experience mo talaga.

Pati 'yong feels sa mismong lugar ay maipaparamdam mo sa readers mo. Nakakatawa man at ang cliche pero ginamit ko 'yong encounter namin ni Miguel as a reference sa isang scene. Although, ginamitan ko na siya nang mabubulaklak na salita at ginawa kong mas nakakakilig ang ibang details ay maraming readers ang natuwa.

"Ngiting-ngiti ka 'te, ah." Sabi ni Jenna na kasalukuyang nagto-toothbrush na gumagala sa room. "May boyfriend ka na ba? May nakilala ka sa bar?"

"Boyfriend agad?" Tanong ko. "Good mood lang ako kasi nakasama ko kayo ng isang gabi. Na-experience ko ang mundo ninyo, now I understand why you guys loved going out and be wasted." Paliwanag ko sa kaniya at niyakap ang isang unan.

"Chika mo. Sama ka na sa amin next time lagi, ah!" Pagpupumilit ni Jenna. Pumunta siya sa lababo at dinura ang toothpaste. "Wala ka na naman 8AM class?" She asked habang sinusuot ang kaniyang tourism uniform.

"Wala, mamaya pang 11." Sagot ko.

"Shutangina, bakit ang ganda ng schedule ninyo sa architecture? Bakit sa aming tourism ay puro pang-umaga lahat? Justice naman para sa laging puyat gaya ko!" Reklamo niya pero patuloy naman nagbibihis. Nanonood kasi siya ng kdrama kagabi kung kaya't anong oras na naman nakatulog ang gaga.

I just watched her prepare na pumasok at pagkaalis niya ay nakatulala lang ulit ako sa kisame. Inalala ko 'yong mga nangyari last friday. Ang lakas kasi maka-wattpad, the most handome person in the bar suddenly talk to you. We talked in the dance floor, tapos tumambay sa labas ng bar at nagkuwentuhan. Like, ang wattpad niya!

Ang kaibahan nga lang. Red flag si Miguel.

"Ang poproblemahin ko na lang ngayon ay kung paano ulit magsusulat ng bed scenes." Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Baka kasi kapag tinanong ko si Althea in detailed ng sex experience niya ay baka magtaka lang din siya. Or baka mga wild ang marinig kong kuwento mula sa kaniya kung kaya't 'di bale na lang.

9AM ay nagbasa-basa na ako ng notes dahil may exam kami sa Calculus II. Hirap na nga ako gumawa ng plates ay hirap pa ako sa isang katutak na formulas na dapat kabisaduhin.

Pagkagayak ko ay isinukbit ko na ang T-square at drawing tube sa likod ko. Huwag lang sana malukot itong plates na 'to sa biyahe, buong sunday ko siya ginawa.

Pagkarating ko sa Ardano University ay napadaan ako sa outdoor gym at nakita kong nagpa-practice ang basketball team ng university namin. Malapit na din daw kasi ang UAAP kung kaya't busy na sila sa practice. Alam kong sports siyang bino-broadcast sa major channel sa Pinas kaso hindi naman din ako mahilig manood ng mga ganoon.

Hindi lang ako ang estudyanteng nakatambay para panoorin sila dahil halos mapuno rin ang bleachers ng mga estudyanteng wala pang klase para makita ang laro nila. Sa bagay, may mga hitsura din naman kasi, palibhasa mga rich kid kung kaya't lahat sila ampy expensive kahit pinagpapawisan.

"Huy," nabigla ako noong biglang sumulpot si Marie sa gilid ko. Blockmate ko at ang nag-iisang kasama ko kapag vacant hour namin. "Anong mayroon at bigla kang nahilig manood ng mga ganyan. Naiintindihan mo ba 'yong rules niyang basketball?" She asked.

"Hindi. Basta maka-shoot lang naman 'yan. Takbo sa kabilang side, takbo ulit sa kabilang side. Ganoon-ganoon." I explained, never kasi kaming nagka-PE na about basketball kaya wala talaga akong idea.

Nakita ko si Miguel na pinasahan ng bola ng kakampi niya. Pumuwesto siya at hinagis ang bola, shoot. Malakas na nagpalakpakan ang mga nanonood at may ibang sumigaw pa. Grabe sa fansclub, alam kaya nilang fuckboy itong si Miguel na gumagawa ng quickie sa campus?

"Halika na," Aya ko kay Marie.

"Ano ba 'yan! Hindi pa nag-iinit 'yong puwetan ko sa bleachers, eh." Reklamo niya sa akin.

"Oh sige, kapag na-late ka ng pasa ng plates ay ewan ko na lang kung tatanggapin pa 'yan ni Architect Santiago." Banta ko sa kaniya at sumunod din naman si Marie sa akin. She captured few photos dito ng mga naglalaro bago tuluyang nakahabol sa akin.

"Sa tingin mo, may jowa na si Miguel?" Marie asked habang naglalakad kami sa kainitang lovers lane ng school.

Tiningnan ko siya ng mata sa mata at mabilis siyang umiling. "Huwag mong sabihin na isa ka sa mga babaeng patay na patay diyan sa fuckboy na 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Grabe ka naman maka-fuckboy, Yzabel, wala ka naman pruweba. Ano naman ang basis mo na fuckboy si Miguel, aber?" Balik niyang tanong sa akin.

Nahuli ko siyang may ka-sex sa Science lab.

"Wala, gut feeling lang. ganoon 'yong awra na binibigay niya, eh." Sagot ko sa kaniya. Again, wala akong balak ikuwento kahit kanino ang nakita ko noong nakaraan. Ibabaon ko na lang siya sa limit kaysa itsismis siya sa campus, may reputation pa naman saka scholarship na inaalagaan as student athelete.

"Sa bagay, may mga stories siyang nasa bar siya, eh." Marie finally agreed. "Pero malay mo naman hanging out with friends lang."

I rolled my eyes. "Grabe ka 'no, willing kang magbulag-bulagan sa pagka-redflag ni Miguel. Kung flagpole siya, full arms mo siyang yayakapin." Mahinang sinabunutan ni Marie ang buhok ko at parehas kaming natawa.

Pagkapasa namin ng plates namin ay dumiretso na kami sa exam namin sa Calculus. Grabe! Talagang tawa now, iyak later ang nangyari sa amin sa hirap ng exam. Eight different equations lang ang exam namin pero 10 points each! As in iso-solve mo, it's either 0 ka per item or 10 points. Iyon lang.

Pagkalabas ko ng classroom ay napasabunot ako ng buhok sa hirap ng exam. "Yzabel," Lumapit sa akin si Marie at nagyakap kaming dalawa sa hallway. "Sa tingin mo ba ay nagpapa-remedials 'yang si Misis Cojuanco? Feeling ko talaga babagsak ako kahit wala pang final exam. Mukhang alanganin pa ang internship ko."

"Mare, same." I also hugged her tightly.

"Anong same?! Pagkabigay nga ng test paper kanina ay parang si flash 'yang kamay mo kung mag-solve, eh!" Reklamo ni Marie sa akin. "Hindi lang ako makakopya sa 'yo kasi ang higpit ma bantay ni Misis Cojuanco."

"Hinulaan ko lang 'yong mga 'yon. May maisulat lang sa test paper kaysa iwan na blangko. Malay mo naman may consideration points kapag nakitang nag-effort mag-solve." Paliwanag ko kay Marie. Well, honestly may ibang equation ako na nasagutan talaga dahil iyon din 'yong given sa discussion last week. Iyon lang din naman ang inaral ko kung kaya't natandaan ko kung paano siya ma-solve.

Nagpalit na kaming dalawa sa CR ng PE uniform dahil Zumba ang next class namin. Ang nakakahiya pa, tapat ng College of Home Economics ang ground kung saan kami sumasayaw kung kaya't dinig na dinig sa buong campus ang malakas na sigaw ni Jenna na sinu-support ako.

Pero infairness, nag-e-enjoy akong mag-girl in the mirror tuwing Zumba class namin.

***

AFTER class namin ay um-attend ako sa meeting namin sa College publication namin (org kung saan ako belong). May chess tournament kasing magaganap next week kung kaya't naatasan akong kumuha ng pictures at magsulat ng article tungkol doon. Walang kaso sa akin dahil madalas akong nae-excuse sa klase para ma-document ko 'yong tournament.

Akmang uuwi na ako noong makita ako ni Misis Cojuanco na naglalakad sa hallway. "Miss Lingat, may gagawin ka pa ba today?" She asked me noong makasalubong niya ako.

"Wala naman na po," sagot ko.

"Can you distribute this test papers sa 2C? May pinapagawa lang sa akin si Dean saglit. They are having class diyan sa AVR-B." Abiso sa akin ni Misis Cojuanco. Hindi man lang tinanong kung nagmamadali akong umuwi.

Pero hayaan na, baka bigyan ako bigla nito ng plus points dahil sa kabutihan ng puso ko. Ang hirap pa naman ng exam niya kanina. Pumasok ako sa classroom ng 2C at napatingin silang lahat sa akin. Maingay silang nagkokopyahan dahil may activity silang ginagawa sa libro.

"Anong kailangan mo, Yzabel?" Tanong ni Marianne— kasama ko sa publication kung kaya't medyo close kami.

"Idi-distribute ko lang 'tong test papers ninyo." I informed her at naglakad papunta sa harap ng classroom.

"Shit, ayan na 'yong score ko! Babagsak yata ako diyan!" Sigaw nilang lahat at may kutob na sila sa kung anong kapalaran nila. I felt that, ang hirap din kasi ng quiz na 'to tapos 80 points pa!

Marianne helped me dahil siya ang nagpatahimik ng mga kaklase niya. "Yzabel!" bigla akong tinawag ni Miguel na nakaupo malapit sa tapat ng aircon. He wiggled his brows and smiled, grabe, nakita ko na naman ang nag-iisang dimple niya na charm point niya.

"Miguel! Ang ingay-ingay mo na naman, ha! Minsan ka na nga lang pumasok sa classroom. Papakainin kita ng bola ng basketball, eh!" Suway ni Marianne sa kaniya at tumingin sa akin. "Go na beh, maingay talaga 'yang mga 'yan. Ito lang kaya ng powers ko para madisiplina sila."

"Okay lang, ganiyan din naman section namin." Natatawa kong sabi at nabaling ang atensyon ko sa pamimigay ng testpapers. "Adoracion." Pagtawag ko sa apelyido.

30/80

Shocks! Ang taas ng score niya. Sanaol. Ako? suwerte na kung maka-20 points ako dito sa exam na 'to.

"Carrias." Isa-isa ko silang tinatawag.

"Suarez." I called at naglakad papalapit sa akin si Miguel. I checked his score.

10/80

Totoo nga ang tsismis.

"Tiningnan mo pa talaga ang score ko, ah." He chuckled. Kinuha niya ang test paper niya at tinupi sa gitna. "What time pala kayo nakauwi last friday?" He asked.

"Mga 1AM?" Unsure kong sagot dahil hindi ko na rin nabantayan ang oras. At saka, bakit niya tinatanong kung anong oras kami nakauwi? Siya nga 'tong 12AM pa lang ay nag-angkas na pauwi para indian-in 'yong friends niya.

"Ang dami mong kuwento Miguel, ang dami pang test paper na ipapamigay." Pagtataray ulit ni Marianne sa kaniya.

"Sungit. Mayroon ka ba?" Ganti ni Miguel sa kaniya at bumalik na sa kaniyang puwesto.

I almost distributed all the test papers noong pumasok ulit sa classroom si Misis Cojuanco. "Are you done with the activity na pinapagawa ko?" She asked at tumayo naman na ako para makaupo siya sa teachers table.

"Not yet po." They answered.

"Last 10 minutes, kanina ko pa pinagawa 'yan." Tumingin sa akin si Misis Cojuanco. "Gayahin ninyo 'tong si Miss Yzabel, consistent dean's lister at laging mataas sa exam. Ganitong estudyante dapat ang tinutularan ninyo." Napailing ako sa hiya dahil paniguradong inuuto lang ako ni Ma'am dahil sa pagtulong ko sa kaniya.

"Una na po ako, Ma'am." Paalam ko kay Misis Cojuanco at naglakad na papalabas ng classroom.

Naglakad na ako pababa ng department namin at akala ko ay nahihibang lang ako noong may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Yzabel, wait." Napatingin ako sa taas at nagmamadaling bumababa si Miguel. Nakasukbit sa balikat niya ang Adidas duffle bag niya at sumabay siya sa paglalakad ko.

"Problema mo? Hindi pa tapos ang klase ninyo, ah." Pagkausap ko sa kaniya at naglalakad na ako tungo sa main gate para sumakay ng jeep.

"May training kami. Nakakopya naman ako agad sa activity." Pagkausap niya sa akin. Ang weird para sa akin na pinagtitinginan ng ibang estudyante habang naglalakad. Well, hindi naman ako ang mismong tinitingnan nila dahil si Miguel talaga ang pinagmamasdan nila pero nadadamay ako dahil kasabay ko siya maglakad!

"Good luck sa training." Binilisan ko nang maglakad para maunahan siya.

"Wait. Wait. Wait." He ran at ngayon ay nasa harap ko na siya. "Can you do me a favor... again?" He asked. "I know it's too much to ask but I badly need your help with this one."

"Favor na naman? Nakakailan ka na sa akin." I moved sideways pero humarang lang ulit siya. "Ang kulit din ng itlog mo, 'no!"

"How did you know?" Mapaglaro siyang ngumiti at tinaas-baba ang kaniyang kilay.

"Bastos."

"Yzabel. I will cut the chase na." He followed me. "Pabagsak ako sa dalawang subject this semester. Calculus II and Chem. Can you help me to study?" He asked.

"Miguel, ang daming iba diyan. Si Marianne, matalino si Marianne." Binilisan ko ang paglalakad at humabol naman siya sa akin.

"Nakita mo naman kung paano ako tarayan no'n. Ang lala ng anger issues ng babaeng iyon." He said. "Hi Verns!" He smiled noong may makita siyang kakilala at humabol ulit sa akin.

"Oh, ba't 'di ka doon sa Verns magpaturo?" Tanong ko.

"Freshman." Tipid niyang sagot. "Come on, Yzabel. Sabi ni Marianne kanina ay magaling ka daw magturo. If I will fail this semester ay baka ma-pause ang activity ko sa Basketball at hindi ako makapag-internship next year. Made-delay ang graduation ko. Don't you feel bad?" He asked.

"Hindi. Iga-gaslight mo pa ako sa kapalpakan mo sa acads mo." Naglakad ako papalabas ng campus at nag-abang ng jeep. Shit bakit ang dami kong kasabay na estudyante umuwi, ang daming kalaban! "Tite mo nga napapataas mo, bakit hindi mo magawa sa grades mo?"

His eyes widened. "Wow. Strong word." 'Di niya makapaniwalang sabi. "In exchange I will keep your wattpad identity as a secret—" pinatahimik ko siya noong tinakpan ko ang kaniyang bibig ulit . "Did you wash your hand?" His brows crunched.

Hindi ko siya pinakinggan dahil focus ang mata ko sa dalawang tao na nakikita ko na naglalakad sa overpass. Si Jerome iyon, ah (Boyfriend ni Theo). I mean walang kaso kung makita ko siya pero may ka-holding hands itong ibang lalaki na naglalakad. May hawak pang flowers!

"Wait lang." sabi ko sa kaniya at naglakad papaakyat sa overpass. Kailangan ko 'tong sundan, kailangan kong malaman kung niloloko niya ang kaibigan namin.

"Did you see a ghost?" Tanong ni Miguel habang nakasunod sa akin. "Do you want me to hold your T-square and drawing tube ba?" He asked.

"Kaya ko. Two years ko na 'tong sukbit kapag papasok ako." Sagot ko at magmamadaling umakyat sa overpass. Mula rito ay dinungaw ko lang si Jerome habang kausap niya 'yong lalaki na ka-holding hands niya.

"Hindi ka ba bababa?" Tanong ulit ni Miguel sa akin. Hinatak ko siya para mapayuko lang at wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng ibang naglalakad dito sa overpass. "What is your problem? Are you spying somebody?"

"Shuta ang dami mo naman tanong." Hindi nawawala ang tingin ko kanila Jerome. Maya-maya pa ay namilog ang mata ko noong bigla itong nag-kiss. "Huli kang malanding bakla ka na ubod na kati na mas makati pa sa higad na binudburan ng asin." Sabi ko. I grabbed my phone and took photos of them together. Kulang ang tsismis ng walang pruweba.

Tumayo ako at nagmamadaling naglakad pabalik sa sakayan ng jeep. I need to report this to Jenna, kailangan makarating sa kaniya na tama ang hinala niya na kantutero nga lang talaga 'tong Jerome. "Hey," Miguel followed me pababa ulit ng overpass. "So ano, pumapayag ka nang tulungan ako na mapataas ang grades ko sa cal and chem?"

"Next time na tayo mag-usap, Miguel. May kailangan akong asikasuhin." Saktong may dumaan na jeep atagad-agad akong sumakay bago pa ako maunahan ng ibang estudyante.

Theo needs to know this. Hindi kami papayag na paikutin siya ng manlolokog Jerome na iyon!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top