Chapter 2: Caught in Act
Reaching 1k reads after 24 hours! Thank you guys!
________________
Chapter 2: Caught in Act
HINDI ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko dahil nabasa ni Miguel ang username ko. Nice username daw?! Nang-aasar ba siya? Anong nice sa Dream Girl?! May mai-username nga lang ako noong Junior highschool dahil gusto ko lang magbasa sa Wattpad, eh. Hindi ko naman alam na magiging permanent trademark ko na siya no'ng nagsulat ako.
"Okay, kalma. Hindi kayo friends ni Miguel sa facebook. Wala kayong common friends, at hindi kayo same ng social status sa buhay." Pagpapakalma ko sa aking sarili. "At isa pa, wala sa mukha niya ang pagiging tsismoso. Puro shoot-shoot lang ang kaya niyang gawin sa buhay at bali-balitang bobo naman." Binibigyan ko ang sarili ko ng assurance na hindi kakalat sa campus namin na ako ay isang Wattpad Writer.
Ang dami na ngang comments sa Wattpad ang nagsasabi na mag-face reveal ako or magpa-meetup. I love my readers pero ayoko! I am enjoying na mayroon wall between my personal life at writer life.
"Anong binubulong mo diyan. Kulto ka na ba, 'te?" Tanong ni Jenna habang pinupunasan niya ng towel ang kaniyang buhok. "Hindi ka pa ba gagayak? Anong oras ba pasok mo sa Ardano at chill ka pang nakahiga diyan?"
"10AM pa."
She sighed.
"Shuta sanaol hindi rush hour ang pasok. Mag-a-amoy kili-kili na naman ako agad dahil sa rush hour sa MRT." Reklamo niya dahil parehas kaming sa Ardano University nag-aaral. Tourism ang course ni Jenna kung kaya't super ayos niya kahit sa uniform niya. Tinaktak niya ang sunblock. "Ubos na. Wala pa akong budget, napang-bar ko na. Wait lang 'te manghihingi lang ako kanila Grace." Sabi niya at lumabas ng kuwarto.
Sa paglabas niya ay nakatulala ako sa kisame (ako kasi ang nakahiga sa itaas ng bunk bed). I opened my wattpad application ang check the comments on my latest chapter. Nandiyan 'yong typical na: next po author, update na po, ganda po.
I appreciated din naman 'yong mga ganoong comment dahil nabu-boost naman nila ang story ko. Pero really? Ganoong kaiksi ang iko-comment nila sa ilang araw kong pagsusulat? Parang AI response lang para matuloy ang pagbabasa nila, sana mas may personality man lang ang comments nila.
Sachiko32: Author, Ang ganda ng chapter pero kulang po talaga sa hot scenes itong story. Hindi man lang detailed ang bed scene! Maybe you should consider changing it's tagging to R-13. Hehe my opinion lang po.
Username01541: Wala talagang kabuhay-buhay ang bedscenes! Ang ganda ng plot pero iyon na 'yon? Feeling ko ay importanteng part pa naman 'to ng story! Kulang na kulang talaga sa pagka-erotic 'tong story na 'to. Mas magaling ka miss Author sa teen fiction, huwag ka nang tumalon ng genre next time.
Noong una ay nate-take ko pa ang mga ganoong comments dahil first time ko sa ganitong genre pero two months ko na siyang sinusulat at nakakatanggap pa rin ako ng ganitong comments. Naba-bother na ako, sinusubukan ko naman na mag-improve! Minsan nga ay ilang oras na rin akong nagbababad sa hentai pero wala pa ring nangyayari! Same result, same comment pa din— kulang pa rin sa sex scene.
"Alis na ako 'te! Sabay na tayo mag-lunch later." Nagmamadaling kinuha ni Jenna ang bag niya at lumabas ng kuwarto.
Itinabi ko ang phone ko sa kama at ipinikit pa ang mata ko. Matutulog pa ako kahit 30 minutes.
***
SHUTANGINA! Hindi ko naman inasahan na ang thirty minutes kong idlip ay magiging one hour! Bakit ba ang lakas ng loob ko matulog kanina nang hindi man lang nag-a-alarm? Nagmamadali tuloy ako ngayon papunta sa College of Architecture.
Sino ba talaga gumawa ng structure ng Ardano University at dulong-dulo ang College of Architecture?! Anong tingin nila sa amin? Kamag-anak si flash o kaya naman ay may healthy lifestyle? Shuta puyat na puyat nga ako lagi sa plates.
Pagdating ko sa college namin at paakyat ng hagdan ay saka lang ako naglagay ng liptint sa labi habang tumatakbo. Multitasking. Hinawi-hawi ko pa ang aking buhok para maayos ito, dumungaw ako sa pinto. Wala pa si Sir Romualdo. Thank you Lord!
Itinaas ni Marie ang kaniyang kamay at tinanggal ang bag niya sa katabing upuan na ni-reserve niya sa akin. Nagmamadali akong pumasok at dinama ang lamig ng aircon. "Late ka yata ngayon?" She asked.
"Ilang beses akong nag-ulit sa plates." Sagot ko. Nagsulat din ako para sa tinatapos kong ongoing story kagabi. Ilang minuto pa kaming naghintay sa classroom at ina-announce na ng Class Mayor namin na hindi makakapasok si Sir Romualdo dahil sa event sa gym.
Shutang 'yan. Nagmadali pa ako.
During vacant hour ay nakatambay lang ako sa library para mag-advance reading sa mga subjects namin. Lalo na sa math, jusko Lord, ilang oras ko pinagmamasdan ang isang equation lagi para lang matandaan ko ang steps at ang formula.
Hindi naman din ako pabaya sa pag-aaral kahit hobby kong magsulat. Writing incline man akong tao, hindi puwedeng mawala ang scholarship na nakukuha ko sa DOST. Hindi ko afford mag-aral sa ganitong University sa Maynila na walang tulong ng gobyerno. Tindera sa palengke ang nanay ko habang namamasada ng tricycle ang Tatay ko.
Hindi namin kaya ng kami lang ang 60,000 per semester dito sa Ardano University. Ang kinikita nila Nanay at Tatay ay sapat lang para maitawid namin ang isang araw.
Naputol ang pagbabasa ko noong makarinig ako ng katok sa lamesa— si Jenna. "Kain tayo." Bulong niya. "Gutom na ako, tama ka na acckla sa pagbabasa."
Napangiti ako at iniligpit ko ang gamit na nakakalat sa table. Paglabas namin sa library ay humingang malalim si Jenna. "Shutanginang 'yan, library talaga ang papatay sa madaldal na gaya ko."
"Alangan namang magpasok sila ng DJ sa library." Naiiling kong sabi.
"Uy witty. Actually magandang idea siya tapos may mga tequilla sa gilid. Syet gaganahan ako mag-aral kapag ganoon." Sabi niya at natawa naman ako. "Saan tayo kakain, kanina pa ako nagugutom. Tangina may nag-aya sa akin ng quickie sa Bumble."
"Shuta legit ba? Taga-anong college?" Tanong ko.
Hindi ko talaga ma-gets ang dating apps. Like, sabi nila ay may mga matitino naman daw, 'yong iba ay usap lang ang gusto (doubt that), pero hindi ko kinakaya 'yong mga nag-aaya ng sex sa ganoong klaseng app. Seriously may mga ganoon klase pala talagang tao na mairaos lang ang pagiging horny nila.
"Taga-educ. Shuta! Mag-ti-teacher pa siya niyan samantalang kakantot ng kapwa niya estudyante." Sabi niya at parang nanginig sa idea. "Siyempre humindi ako. Wala naman siyang place. Gustong gawin sa cubicle sa may science lab. Hindi pang-cubicle ang ganda ko 'no! Madalas pa naman ang mga professors sa building na 'yon. Balak pa ako ipa-suspend ni Gaga." Mahaba niyang reklamo.
"Good decision friend. I-fishball na lang natin 'yan." Sabi ko sa kaniya.
She immediately smiled. "Ay bet! Na-miss ko na 'yong pugo doon sa hepa lane sa second gate. Nakakabusog pa 'yong ganyang tuhog-tuhog." Sabi niya at umangkla sa braso ko para mas mapabilis ang paglalakad namin.
Noong una ay nagulat ako kung gaano ka-liberated itong si Jenna at maging sila Grace. I mean, hindi siya common sa Tarlac. Hindi ganoon ka-open ang idea ng sex sa probinsyanang kagaya ko. Hearing their stories that they loss their virginities around 18 and 19 really made my probinsyana self shookt.
Pero at the same time, they made me feel na kahit open sila sa mga hookups ay hindi sila masamang tao. Hindi nila ako dinadala sa masamang bisyo at hindi nila ako pinipilit na uminom (well once, noong birthday ni Althea pero 'di naman din nila ako napilit). They just proved that they are really nice and genuine friends kahit pa liberated sila.
***
TAPOS na ang lahat ng klase ko pero hindi pa ako puwedeng umuwi dahil Student Assistant ako ni Miss Reyes at tinutulungan ko siyang mag-check ng mga Test papers ng mga Senior High School. Mabuti nga at kay Miss Reyes ako napunta dahil madalas ay may pa-meryenda ito sa hapon at hindi rin nagbibigay ng bundok na gawain sa SA na gaya ko.
"Kumusta naman ang love life mo, Yzabel?" Miss Reyes asked while she's focus on checking some papers.
"Miss Reyes, sa tuwing nagkikita yata tayo ay iyan ang laging bungad na tanong mo sa akin." She laughed. "As usual, wala pa rin naman. Saka... hindi ko siya priority ngayon."
"Hay naku, Yzabel, iyan ang tamang edad para magmahal at masaktan. Ang ganda-ganda mo naman na bata." Lagi niya rin sinasabi iyan. May mga nanliligaw naman na blocmates ko kaso sa tuwing nalalaman nila kung gaano ako ka-busy or super bagal ko mag-reply ay tumitigil din sila after ilang weeks
Para sa isang estudyante na gaya ko na mag-isang namumuhay dito sa Maynila. Kailangan kong sulitin ang bente kuwatro oras na mayroon sa isang araw.
"Hay naku Miss Reyes, huwag kang mag-alala. Kapag ako ay nagka-boyfriend ay sa 'yo ko unang-una ishe-share. Hindi puwedeng ma-late ang paborito kong marites na professor sa Ardano University." Pagbibiro ko. miss Reyes is only 28 years old kung kaya't nakakasakay pa siya sa mga Gen Z jokes.
"Alam mo 'yan, tsismis ang bumubuhay sa ating mga Marites." Parehas kaming natawa. Maya-maya pa ay parang may hinahanap si Miss Reyes sa kaniyang table. "God, naiwan ko yata 'yong tumbler ko sa Physica lab."
"Balikan ko na po. Tapos na rin naman ako sa mga chine-check-an ko." Pagpiprisinta ko at inayos ang pagkakalapag ng test papers.
"Naku salamat, ito 'yong susi kung sakaling nai-lock na siya ng mga bantay doon sa Science building." Inabot sa akin ni Miss Reyes ang makapal na susi at itinuro niya sa akin ang specific key for Physics lab.
"Iyon ba 'yong aquaflask ninyong kulay baby blue na may rainbow flag?" I asked para masigurado ko dahil iyon lang naman ang tumbler na madalas bitbit ni Miss Reyes.
"Oo, bigay ng girlfriend ko 'yan noong monthsary namin kaya hindi puwedeng mawala." Sabi niya at napangiti ako. Miss Reyes have a partner at base sa kuwento niya mag-tu-two years na sila, nagkakilala sila sa dating school na pinagtuturuan ni Miss Reyes.
Sa tuwing sinusundo nga siya ni Anne (name of her partner) ay cute na cute ako dahil ang sweet nilang dalawa. Hindi pa publicly out ang relationship nila pero sinabi daw sa akin iyon ni Miss Reyes dahil mukhang mapagkakatiwalaan naman ako. Siyempre, feeling ko tuloy ngayon ay grabe 'yong trust sa akin ni Miss Reyes.
Hay naku, landian na lang talaga ng mga bakla ang nagpapakilig sa straight na gaya ko.
Naglalakad ako sa loob ng campus habang nilalaro ang susi. Ang ganda talaga sa Ardano University kapag hapon na. Kulay kahel ang kalangitan at makikita mo ang mga estudyanteng naglalakad na palabas ng university, may ibang nagpa-practice ng presentation nila, at may ibang nakatambay lang sa mga bench.
UP talaga ang first choice kong school dito sa Maynila kaso nga lang ay hindi pinalad pumasa. Pumasa ako sa La Salle at dito sa Ardano University, hindi kaya ng budget namin ang La Salle dahil pangalan pa lang ay amoy expensive na ang school. Kung kaya't napunta ako rito sa Ardano University, hindi naman ako nagsisisi dahil maganda naman ang campus namin at maganda naman ang turo ng mga professors.
Pagkarating ko sa Science building ay umakyat ako sa second floor dahil nandoon ang physics lab. Isinuksok ko ang susi sa may pinto at kataka-takang hindi ito naka-lock. "Nakalimutan na naman siguro i-lock." Pagkausap ko sa sarili ko.
I opened the door. Nagulat ako sa nakita ko. It's a two person doing a make out session here in the Physics lab. Nakahiga sa table ang babae habang nasa pagitan ng hita niya ang isang lalaki and he is thrusting her.
Noong magkaroon ng liwanag dahil sa pagbukas ko ng pinto ay dali-dali silang tumayo at napatigil sa paglalaplapan. The girl suddenly fix her uniform and the guy suddenly fix his varsity uniform. Pinagmasdan ko ang lalaki dahil parang familiar ito— si Miguel.
"Seriously? Walang-wala na ba kayong lugar na mapaggawan ng kababalaghan ninyo o nae-enjoy ninyo lang ang idea ng outdoor sex and you just love the thrill?" Kalmado kong tanong at hindi ko pinaramdam sa kanila na nagulat ako sa nakita ko.
Kanina lamang ay ine-enjoy ko kung gaano ka-peaceful ang Ardano University. And then, boom! Dalawang tao bigla ang bumungad sa akin na nagse-sex.
"What are you doing here?" Miguel asked at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi.
"May kukuhanin ako." Naglakad ako papasok at agad ko naman nakita ang aqua flask ni Miss Reyes na nakapatong sa teacher's table. I showed them the tumbler. "You can continue your business. I-lock ninyo 'tong Physics lab pagkatapos ninyo."
Naglakad na ako paalis at pagkalabas ko ng room ay doon lang ako nakahinga ng malalim. What did I just saw?! Sa mga movies lang ako nakakakita ng ganoon at hindi ko akalain na totoo pa lang may gumagawa no'n sa school! Hindi ko naman nakita ang mga private parts nila dahil siguro ay madilim na rin sa Lab.
Akmang naglalakad ako pababa noong biglang makarinig ako ng boses sa likod. "Hey, wait," I heard his gruff tone once again. Nagmamadali siyang sumunod sa akin at hinawakan ako sa braso para mapaharap sa kaniya. Pawisan ang kaniyang mukha at gulo rin ang ayos ng kaniyang buhok. Nakasukbit sa balikat niya ang duffle bag niya na mukhang kagagaling lang sa training (pero ibang training ang nasaksihan ko kanina).
Mabilis kong hinawi ang kaniyang kamay. Baka mamaya ay kung saan-saan niya pinasok 'yong daliri niya. "Ano ba?" I asked him.
"You are not going to report us, right?" He asked.
Mukhang wala naman sa mukha niya na natatandaan niyang ako si Dream Girl.
I rolled my eyes. "Para sa ikapapanatag ng loob mo, kakalimutan ko lahat nang nakita ko kanina. As if gusto kong maalala."
"You didn't answer my question."
"Oo, hindi ko kayo ire-report para makalma 'yang bayag mo," reklamo ko sa kaniya at humakbang na ulit pababa. "Malalaki naman na kayo, alam ninyo na 'yong risk nang pinaggagawa ninyo." Monologue ko pa na sinadya kong marinig niya.
Lumabas na ako ng Science building at hindi ko alam kung umalis na rin sila sa building o tinuloy ang session na ginagawa nila. Ayoko na silang lingunin! Baka mamaya ay kung ano na naman ang makita ko.
Nagtaka nga si Miss Reyes kung bakit natagalan ako sa pagkuha ng tumbler at sinabi ko na lang na may mga estudyante na nagpasagot ng survey. I am true to my words na hindi ko naman sila sinumbong. Hindi naman na sila minor para pagalitan at sermunan. Pero sana naman ay mag-airbnb o hotel man lang sila. Sa school talaga? Science lab pa kung saan dina-disect ang mga palaka at pusa!
Pagkabalik ko sa Apartment ay naabutan ko si Jenna na nakadukdok sa study table at mukhang nagre-review para sa isang exam
"Jusko Lord, bakit ba ako nagwalwal noong Friday night imbes na mag-review? Pagod na akong mag-cram." Reklamo niya habang pinupunasan ang kaniyang luha. "Strong girl ako. Hindi acads ang sisira sa mental health ko."
"Kahit guardian angel mo ay sinusukuan ka na. Lagi mo na lang sinasabi 'yan." Natatawa kong sabi habang naglalagay na ng night routine skin care sa mukha ko. Kanila Jenna ko ito natutunan para raw iwas tigyawat.
"Feeling ko nga ilang beses nang nag-attempt 'yong guardian angel ko na mag-resign kay God dahil sa mga kagagahan ko." Sabi ni Jenna at bahagya akong natawa. "After this hell week talaga ay kakain ako ng tite. Kailangan ko ng tite para bumalik ang energy ko."
"Bunganga mo." Suway ko at binato ko siya ng isang bulak
"Ay sus! Going three years na tayong roommate. Akala mo naman ay napaka-virgin ng tainga mo sa mga kuwentong naririnig mo sa amin." Sanay na talaga ako sa mga vulgar words na ginagamit nila. "Huwag mo muna akong kausapin 'te, kailangan kong mag-review. Kailangan makapag-internship ako sa Boracay."
"Push ka pala doon?" I asked.
"Beh pahihirapan ko na lang din sarili ko sa internship, gusto ko maganda na ang view! Boracay o Okada Hotel lang ang choice ko sa OJT ko." She said to me at hindi ko na ulit siya kinausap para makapag-focus siya sa pagre-review.
I opened my wattpad application once again at bumungad muli ang libo-libong notification mula sa readers. Nagbasa ako ulit ng comments at as usual puro reklamo ang nabasa ko na lacking daw ako sa bed scenes at halatang-halata na inexperience sa mga adult stuffs.
Kahit daw bar o 'yong feeling kapag umiinom ng strong alcohol, hindi ko ma-describe ng maayos. Eh iyon ang mga napapanood ko sa youtube, eh! Ina-apply ko lang naman.
Napatigil sa pagre-review si Jenna noong may marinig siyang message notification sa kaniyang phone. "Shuta 'tong si Theo nag-aaya na naman mag-bar sa Tomas Morato this friday." Reklamo niya at napahawak sa kaniyang tiyan. "Dear atay, sana kayanin mo pa beh."
"Tomas? Layo naman?" I asked.
"Doon malapit 'yong jowa ngayon ni acckla." Sabi ni Jenna sa akin. "Shuta mag-three weeks pa lang sila pero true love na daw iyon para kay Theo. Mukha naman fuckboy 'yong Jerome na 'yon!" Reklamo niya pa.
"Malay mo naman." I said
"Ay sus! Ako na nagsasabi na mukhang kantutero lang 'yong Jerome na 'yon! Mahuli-huli ko lang ang isa pang accling na 'yon na niloloko si Theo. Lalagyan ko ng robust 'yong drinks niya sa bar para habambuhay nang nakatayo ang tite niyang manyak siya." Protective kasi talaga si Jenna sa aming mga kaibigan niya at nangsusugod talaga siya, ilang beses na nga DAW sila maaga umuuwi kapag nagba-bar dahil napapaaway lagi si Jenna.
"Kailan, this friday?" I asked. "Mukhang... free naman ako no'n." Hindi ko tiningnan si Jenna pero alam kong napatingin siya sa akin.
"Sasama ka?" Tumayo siya at tumabi sa akin sa kama upang yakapin ako. "Sasama ka 'te?"
"Pag-isipan ko pa." Natatawa kong sabi.
Sa totoo lang ay gusto kong ma-experience ang bar para sa isinusulat ko. Baka nga mas okay o mas maka-gather ako ng information kapag napuntahan ko 'yong mismong lugar. Mas madali isulat kapag na-experience din kasi ang isang bagay.
I need to improve my writing skills. Ayoko naman na forever stagnant ang tingin sa akin ng readers ko na walang kabuhay-buhay ang mga mature scenes ko.
"Huwag mo nang pag-isipan, Yzabel! Sumama ka na. This friday lang." pagpupumilit niya.
"Pero hindi ako iinom." I said.
She growled. "Okay fine, coke-coke ka lang sa gilid. Pero sasama ka, ah! Sasabihin ko na 'to kanila Althea saka Grace." Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at nakalimutan niya nang busy siya sa pag-re-review.
Napailing na lamang ako.
Okay Yzabel, ie-experience mo lang once. For research purposes lang sa sinusulat mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top