Chapter 1: Her Identity
Chapter 1: Her Identity
"YZABEL, ginabi ka yata ng uwi ngayon, ah." Sabi sa akin ni Manang Emma na siyang may-ari ng tinitirahan naming apartment. Nagkasalubong kami sa hallway at kasalukuyan siyang nagwawalis ng mga alikabok. This is a three-storey apartment dito sa may Ortigas. Una, malapit kasi ito sa Ardano University, pangalawa ay mura lang ang upa.
As a probinsyana girl, hindi ko kayang tumira sa mga condo-condo dito sa Maynila. Marinig ko pa nga lang na around 12,000 pataas ang upa sa kakapiranggot na kuwarto ay nalulula na ako! Bakit ako gagastos ng 12k monthly sa isang kuwarto na never naman magiging akin?!
Fact, Kahit pa sabihin ng mga agents na "Rent-to-own" ang mga unit nila. 50 years lang ang lifespan ng isang unit at matapos no'n ay hindi na siya ulit sa 'yo! Mga burgis lang talaga ang kayang magtapon ng pera para sa mga ganoong klaseng lifestyle.
"Naku Manang Emma. Tumirik na naman 'yong train sa MRT. Naglakad na naman kami sa riles." Reklamo ko at nagmano. "Grabe talaga ang transportation system sa bansa natin, sirang-sira. Saka malas nagwawalis ng gabi, Manang Emma, nagtataboy raw ng suwerte 'yan."
"Sus! Mas mamalasin tayo kung magkakasakit tayo rito sa kapal ng alikabok dito sa hallway. Siya nga pala, nagluto ako ng tinola, inabot ko na kay Jenna. Para hindi na kayo bumili ng ulam sa karenderya diyan sa baba." Abiso niya sa akin.
"God, salamat at matitikman ko na ulit ang best tinola ninyo. Hindi kami magtitiis ngayong gabi sa mga lutong ulam diyan sa karenderya sa baba na lasang mantika." Napailing na lamang si Manang Emma sa akin.
Naglakad na ako at kinuha ang susi ng kuwarto namin. Akmang bubuksan ko na ito noong pinagbuksan na ako ni Jenna—Roommate ko. "'Te late ka na umuwi, 'te." Sabi niya sa akin at pumasok na ako. Nasa room namin sina Althea at Grace (Mga nakatira sa kabilang room).
Tinanggal ko ang medyas ko at nilagay ko sa gilid ng pinto ang sapatos ko. Una akong tumungo sa CR dahil ihing-ihi na talaga ako. Binaba ko ang pants ko at naririnig ko mula sa banyo ang malakas na tugtog. Jusko Lord! Kahit saan sulok yata ako pumunta ng Maynila ay maririnig ko 'yang Raining in Manila ng Lola Amour.
"Yzabel, dito na kami nagpe-pregame, ha!" Sigaw ni Grace para marinig ko.
"Ha!?" Ganti ko dahil 'di ko masyadong naintindihan dahil focus ako sa pag-ihi ko.
"Dito na kami kako umiinom. Para mamaya sa bar ay tamang party na lang at hindi na bibili ng alak. Tangina kasi nung Alak doon amputa, hindi dukha friendly!" Reklamo niya pa. Naghugas na ako ng kamay at lumabas ng banyo.
"Mag-ba-bar na naman kayo? Last week ay nag-pobla na kayo, ah." Sabi ko at tinanggal ang uniform ko.
"Laki talaga ng suso mo, 'te." Sabi ni Althea habang pinagmamasdan akong magdamit. Naka-indian sit siya sa lapag habang kumakain ng Mang Juan. "Sure kang walang lumalamas diyan?"
"Gaga." Naiiling kong sabi at nagsuot na ako ng T-shirt na may anime na design. "Nasaan 'yong tinola na bigay ni Manang Tessa? Gutom na ako."
"Buti pala tinirahan ka namin, balak namin gawing pulutan, eh." Sabi ni Jenna. "Pero to answer your question, sa may BGC naman kami pa-party. Forda pokpok girls kami sa BGC."
"Ay wow, taray, BGC." Sabi ko at kumuha ng kaning lamig at umupo rin sa sahig upang samahan sila. Hindi naman din ako sha-shot ng gin bilog na ginawa nila. Alam nilang hindi ako umiinom. "Ang daming budget sa bar, ah."
"Gaga, nagpa-reserve kasi si Theo, sinama niya kami sa list. Libre niya raw. Ehe." Sagot ni Grace at nagpabebe pa na lawit ang dila . "Alam mo naman na wala kaming pera!"
Si Theo ay ang friend namin na burgis na nakatira sa Pioneer Woodlands na isang pangmayamang condominium tower sa Mandaluyong. Gusto niya nga raw lumipat sa amin kaso nga lang ay babae lang ang allowed sa apartment namin, eh.
"Sheeet!" Nag-cross finger si Althea. "Sana poging mayaman ang tumira sa'kin tonight."
"Gaga, ayaw na ayaw mong pahinga 'yang kipay mo. Shot mo na." Naiiling na sabi ni Jenna. Normal lang ang ganitong conversation sa amin. Siguro noong bago ako sa maynila ay talagang nacu-culture shock ako sa mga binibitawan nilang salita. Like... kung maririnig iyon ng Tatay at Nanay ko ay nahampas na ng tsinelas ang mga bibig nila.
"Tse! Ikaw Yzabel, sumama ka na kasi sa amin. You know, party-party lang. Para naman ma-release mo 'yang stress mo sa Acads." Kumakamot sa ulo na sabi ni Althea at straight na ininom ang isang baso ng alak na mabilis niyang sinundan ng coke. "Shuta, ang tapang naman neto!"
"Letse ka! Ang dami ng sprite niyan matapang pa rin sa 'yo!? E 'di sana nag-softdrinks na lang tayo at 'di na nag-alak, shuta ka." Suway ni Grace sa kaniya at napailing na lang ako sa sagutan nila. Mga namumula na rin kasi kung kaya't wala nang filter ang lumalabas sa bibig.
"Alam ninyo naman na bawal ako magkabagsak. Internship ko na next school year, kapag magkabagsak ako ay hindi ko siya mate-take. At isa pa, Hindi ako nagba-bar. Kaya ninyo na 'yan, big girls na kayo. Huwag lang kayo magpapabuntis." I advised.
"Trueliness. No condom, no pasok sa kipay. Edge-edge lang." Sabi ni Althea at nag-apir silang tatlo habang natatawa.
I am just listening with their stories at ini-enjoy ang lutong tinola ni Manang Tessa. Grabe, the best talaga 'tong Tinola na luto ni Manang Tessa. Minsan nga kapag walang pasok ay tatanungin ko kung anong recipe nito para magaya ko.
Noong bandang 9:30 ay gumayak na sila para pumarty. Dress kung dress talaga ang mga bakla. "Ganda 'no?" sabi ni Jenna habang umiikot at niyayabang ang red dress na hapit na hapit sa kaniyang katawan. "Ukay lang 'to diyan sa Cubao. Sa may baba ng gateway."
"'Yong utong mo bakat gaga ka." Sabi ni Grace.
"Wala na 'kong nipple tape. Ayokong mag-bra." Sabi niya.
"Ay ano, ilalawlaw mo lang 'yang brown mong utong?" Grace said. "Wait nga! May nipple tape pa ako sa kuwarto. Shuta ka, mahal 'to palitan mo."
"Baka gamit mo na 'yan 'te?" Reklamo ni Jenna.
"Gaga sealed pa 'to!"
Napapailing na lang ako sa conversation nila. I am pretty sure na magcha-chat na naman sa akin ang mga 'to ng alas-dos ng umaga para sunduin sa baba. Good thing naman ay hinahatid sila ng kotse ni Theo. Kaso kapag papunta ay nag-ga-grab sila dahil out of way sila ni Theo at tinatamad itong sunduin ang mga gaga.
"Tangina ninyo five minutes nandiyan na 'yong grab. Shuta kayo, palitan ninyo 'to, gcash pinambayad ko. Ambag 'to ng mga groupmates ko sa project namin." Reklamo ni Althea na tinatapos na ang kaniyang makeup sa harap ng salamin. She pressed her lips at tumingin sa akin. "Kumusta 'te?"
I do thumbs up para sabihing approved sa akin.
They do their final makeup. Grabe ang gaganda talaga ng mga friends ko. "Yzabel, pagbuksan mo kami ng gate mamaya, ah." Jenna said. "Libre ka na lang namin ng coffee sa paborito mong coffee shop diyan sa Cubao."
"Oo na, ingat, ha! Huwag sama nang sama kung kani-kanino." Payo ko sa kanila na parang nanay na nagpapa-ingat sa kaniyang mga anak.
"Yes frienny. Pero kung poging amoy Jo Malone. Titikman." Sabi ni Althea at napatawa naman ako. "Sige na, nasa baba na 'yong grab namin. B'bye, Yzabel! Love you mwuah."
Nagmamadali na silang bumaba at tumahimik na sa kuwarto noong nakaalis na sila. As a good friend ay niligpit ko naman ang mga naiwan nilang kalat at inayos ang mga nagulo nilang makeup dahil sa pagmamadali.
Nagkaroon na ng katahimikan sa kuwarto. Bumuntong hininga ako at tumingala lang sa may bunk bed. "Shuta, ang hirap ng may extrovert friend." Sabi ko habang unti-unting nire-recharge ang sarili ko.
Noong makaalis na sila, I took that opportunity para buksan ang laptop ko. I opened my Wattpad Account at bumungad sa akin ang 99+ notifications mula sa mga readers ko. Karamihan dito ay mga votes, may comments, at mayroon ding mga nagme-message sa message board ko.
I am an online writer. I am hiding under the username Dream_Girl na currently ay may 550,000 followers at may 5 finished stories sa wattpad. One of my hit story is "When the Cherry Blossom Fade" na may 32 million read. It is a typical romance between a nerdy girl and masungit boy... iyon naman ang usong-uso sa wattpad, eh!
Sobrang cliché na noong concept pero marami pa ring readers ang nagbabasa ng ganitong klaseng story dahil kahit cliché siya... nakakakilig siya! Iyon lang ang reason, every readers just want to feel giddy when they read at gusto lang nila kiligin.
Wala kahit isa sa mga friends ko na nakakaalam na writer ako. Hindi naman sa kinahihiya ko siya... it just, hindi ako confident sa mga sinusulat ko. At isa pa, napakalayo no'n sa course ko na Architecture. May mga publisher na rin na kumo-contact sa akin pero hindi ko sila sinasagot. 'Yong idea pa lang kasi na mae-expose sa public ang buhay ko ay ayoko na agad.
Introvert ako! Sa tatlong friends ko pa nga lang ay nauubos na ang energy ko, paano pa kaya sa libo-libong tao sa booksigning?
"Author kailan ang update?" Pagbasa ko sa isang comment. "Kaka-update ko lang three days ago, ah!"
"Author next po. Hindi po kita pine-pressure pero mag-update na po kayo, take your time po." Basa ko pa sa isa. "'Te ano ba talaga? Gulo ng statement mo, ah."
Username01541: Miss Dream_Girl. No hate pero walang kadating-dating 'yong sinulat mong bed scene. Nagchukchakan na sila no'n! Hindi man lang detailed!? Nilagay mo sa description mo na r-18 pero wala pa yatang limang paragraphs 'yong bed scene. Mas okay na bumalik ka na lang sa teen romance stories. Mas forte ninyo 'yon. No hate!
Napatigil ako sa pag-scroll matapos mabasa ang comment na iyon. I am currently writing an r-18 story na may concept na office love affair. Actually, hindi iyan ang unang beses na makatanggap ng ganoong klaseng comment. Kahit sa mga previous chapters ay ganoon din. Walang kabuhay-buhay raw ang bed scene ko.
What will they expect sa isang Twenty years old na wala pang sex experience?! Tinry ko naman isulat 'yong mga napapanood ko sa hentai, ah!
Hentai lang ang source ko para cartoons man lang kahit papaano. Hindi ko kaya manood ng dalawang tao talaga sa screen na nagse-sex!
"Paano ba kasi dapat?" reklamo ko. Sinigurado kong nakatabing ang kurtina sa bintana at naka-lock ang kuwarto. Binuksan ko ang incognito mode sa laptop ko at nag-type ng isang porn site.
Pinagmamasdan ko pa lang ang mga thumbnail ng mga TOTOONG tao na nagse-sex ay kinikilabutan na ako. "Shuta, gumagalaw pala talaga 'yang mga tite! Parang may sariling buhay." Sinarado ko agad ang tab dahil hindi ko kinaya ang napanood ko.
"Bahala na kayo kahit sabihin ninyong waley ang mga bed scenes ko. Hindi ko talaga kaya. Babawi na lang ako sa plot." Napahawak ako sa ulo ko dahil sa stress at tinuloy ang pagsusulat. May 500 words naman na akong na-type kanina sa Train station na hindi ko natapos dahil tumirik nga ang MRT.
***
SATURDAY morning, mabuti na lang at wala kaming pasok ngayong araw o walang activity sa org. Pumunta ako sa paborito kong Café dito sa Cubao. Ang The Milla's. Favorite ko siya dahil ang lakas maka-kdrama vibes noong ambiance niya. Very minimalist at ang cute din ng puno sa gitna ng café. At isa pa, wala masyadong tao dahil malayo ito sa busy street ng Araneta.
"Worth it naman pala ang pag-aalaga ko sa mga lasing." Sabi ko sa sarili ko dahil binigyan naman ako ng isang libo ng mga friends ko para pangkape. Bayad daw nila iyon dahil hinintay ko sila kahit alas dos na sila nakauwi.
Dahil maaga pa, ako pa lang ang tao sa café. I opened my favorite spotify playlist—Ano ba talaga tayo, Heeseung?
Shutang Enhypen 'yan! Hindi naman ako fan pero dahil sa mga au na nababasa ko sa Tiktok at Twitter ay isa na ako sa mga delulu na napapatanong kung ano ba talaga kami ni Heeseung! Shuta kasi, kahit anong red flag niya ay ang guwapo typings pa rin!
I ordered Caramel Macchiato for drinks at mamaya na ako o-order ng pasta. Automatic na rin akong naka-connect sa wifi ng café dahil regular naman ako dito.
I opened my Wattpad Account para mag-type. Usually naman sa mga café ay wala naman ding pakialamanan dahil kaniya-kaniyang ginagawa ang mga tao. At isa pa, solo ko pa ang buong café this morning kung kaya't payapa akong makakapagsulat.
I just type another bed scene which is ginagawa ng mga leads ang action sa may meeting room ng office. Isa ito sa mga highlight scenes dahil mahuhuli sila ng secretary noong main lead at malalaman na sa office na silang dalawa na.
"Busy ka na naman, ah." Sabi ni Josh habang pinupunasan ang kabilang table.
Tinanggal ko ang isang airpods ko. "Oo, daming school reports." Sagot ko sa kaniya. Shutang reason 'yan, school report! Alangan namang sabihin kong nagsusulat ako ng bed scene. "Kumusta pala, nabasa mo na 'yong ni-recommend ko sa 'yo?" I asked. May mga small talk na kami somehow ng mga Barista rito dahil regular customer nga ako.
"Coleen Hoover?" He confirmed and I nodded. "Nasa Page 70 pa lang yata ako. Pero ang ganda." He said at bumalik na siya sa paglilinis ng table.
I focused on writing at nakakalahati ko pa lang ang Caramel Macchiato ko ay nakaramdam na ako nang pagka-ihi. Ihiin talaga ako kapag maraming naiinom na tubig.
I saved the chapter that I am writing and opened my Wattpad Profile on another tab dahil nagbabasa ako ng mga comments sa message board. I tilted the screen of my laptop (Hindi siya totally close) at nagmamadaling pumunta sa CR ng Café.
Pagkabalik ko ay may nakatayo sa harap ng laptop ko na isang lalaki. He is wearing an Adidas black Gym shirt and a polyester short na may black leggings sa loob. What caught my attention is his broad and lean shoulder kahit nakatalikod siya.
He is looking at the screen on my laptop. Bigla akong kinabahan.
Shuta! Nabasa niya ba ang username ko!?
Nagmamadali akong bumalik sa puwesto ko. "May kailangan ka po?" I asked and closed my laptop. Humarap siya sa akin at nagtama ang aming mata. Namilog ang mata ko sa gulat dahil kilala ko siya—Si Miguel.
I knew him dahil same Department kami sa Ardano University—Architecture. Parang buong department namin ay kilala si Miguel dahil sa pagiging parte nito ng Basketball team ng university. Walang section sa Architecture ang hindi nakakakilala sa kaniya.
Kalma, Yzabel. Hindi ka niya nahuli. Hindi ka niya kilala. Isa ka lang kulangot sa pader ng university ninyo.
"I am looking for charger port. Mayroon ba dito?" He asked in a gruff tone and showed his iphone na 6% na lang. His wallpaper is a Goldern Retriever puppy.
Shutang mata 'to. Napansin ko pa 'yon!?
"Sa kabilang table, malapit sa puno. Mayroon." I said sabay turo sa mas malayong table.
"Okay, thank you. Nice username by the way." He smiled showing his right dimples at pumunta na sa table na tinuro.
God, nakita niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top