30
XXX: THE CLIFF
AIRISH
"NASAAN ako?" Tanong ko na umalingawngaw sa buong silid. Hindi ko matukoy kung ano ba ang totoong kulay ng lugar na ito dahil sa pagbabago-bago nito mula puti, pula, at itim. Naglakad-lakad ako patungo sa kung saan ngunit tila gumuho ang aking mundo sa aking nakita.
Ang Helluxious. Siya'y nakahiga sa kawalan, namumutla na ang kaniyang balat, maging ang kaniyang labi. Ang kaniyang buhok ay nahahaluan na ng puti, ang kaniyang mga kuko ay bahagyang nagku-kulay lila. Ngunit ang mas ikinabahala ko ay ang dugo na nanggagaling sa kaniyang noo, tagiliran, hita at likuran.
"Anong nangyari? Bakit – sinong gumawa sa 'yo nito? Papaano?" Sunod-sunod na tanong ko, hindi malaman kung ano ang dapat sabihin. Lumuhod ako sa kaniyang tabi at hinaplos ang kaniyang namumutlang pisngi. Hindi ko alam kung paano ito nangyari, ngunit nang makita ko ang kaunting itim na usok na lumalabas sa kaniyang ilong ay halos gumuho ang aking mundo.
Itim na mahika.
A vivid memory flashed in my mind – it was the battle in the hill between the darkness and light. It was bloody. It was torture. Something that I never wanted to happen. I called on the stones to give me strength, I called on the stones to help me get up. But instead, it gave strength to others for them to fight to help.
After some time of flashing those in my mind, a vague footage appeared – it was her point of view talking with a woman in a cloak. It was Daniella. I heard her questions in mind: Why can't be connect to me. My heart started pounding so fast when Daniella revealed what's actually going on.
"The answer is the latter… We cannot let you stop us, Helluxious."
I can feel her fear growing inside her chest, but my eyes started to get warm and my vision started to get blurry because of tears when I heard her thoughts echoing in my mind. Even in the time that her life is in the edge of danger, she's still thinking about my safety. She's still thinking about my condition.
I caressed her hair and curved it behind her hair, my hands started to glow green as I move my hand through her face. Black smokes started to escape through her mouth, nose, and ears. I can feel my strength being sucked out while I'm trying to ease her pain but I didn't care.
"Ah…" I grunted when a lot of energy has been taken away from me. Weak, I leaned my face towards her and embraced my arms around her unconscious body. "Please, wake up. Please, don't leave me. You're the last one that I have, please don't abandon me too…"
My tears started to escape my eyes, flowing to my cheeks down to her chest. I forcefully closed my eyes and hugged her even mor etight while my right hand were holding hers. But after a moment, I felt her fingers wrapping around mine, too.
"I'll never leave you, Airish. As I told you, I am always here. I will be always here." She caressed my hair and all I did what to hug her while sobbing and chuckling at the same time because of joy. "Hush now, I'll never leave you. Because as long as you're living, I am too."
I can feel the both of us elevating from the solid ground, and as we partened, a beam of light appeared between us. It started to glow brighter until I couldn't see her anymore. I can feel something being taken away from me and also something being put on.
When the light faded, we are both wearing the same dress. It is made out of layers of thin silk which makes it light to wear. We have the same hair, we are both barefoot. We started to come closer to each other until our bodies collided and eventually been one.
*****
THIRD PERSON'S
SA PAGSILIP ng palasyo ng isang palasyo sa kabila ng mga nagtataasang puno, ang mga mamamayan sa nayon ay patuloy pa rin sa pagtalon habang naiiyak na sa tuwa. Niyayakap nila ang isa't isa saka tumatalon sa ere upang ipakita ang kanilang labis na kasiyahan sa muling pagbabalik ng natagong kaharian.
"Nagtagumpay ang prinsesa!" Buong galak na sigaw ng diyosang si Eve, napayakap pa ito sa kaniyang kapatid na si Eliezer na ngayon ay tahimik na nakatitig sa palasyo mula sa malayo. "Nakabalik na ang kaharian, Eliezer! Nagbalik na ating tahanan!"
Hindi maipaliwanag ang galak ng lahat, ngunit ang lahat ay mayroong iisang reaksyon. Ang mga mata nilay naluluha sa saya habang ang kanilang puso ay pare-parehong mabilis tibok na tila ba iisa lang ang nagpapatakbo nito.
Sa pagbukas ng tarangkahan ng palasyo, nagkalat iyon ng napakaraming alikabok na tila ba ito'y hindi nalinis sa loob ng maraming taon. Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang paglipad palabas ng mga paru-paro, iba't ibang klase ng ibon na akala nila'y naubos na. Lumabas din ang mga dwende at maliliit na diwata na tumatalon-talon sa tuwa dahil muli nilang nasilayan ang kanilang mundo matapos ang ilang taong pagkakakulong sa loob ng kadiliman.
"Loira? Loira! Loira!" Nagmamadaling lumapit ang mga dwende at diwata kay Loira at dinaganan ito. Tumatawa naman si Loira dahil sa mahigpit na yakap ng kaniyang mga kasama, nakikiliti rin siya dahil dahil sa kulit ng mga dwende. Upang makatakas sa kanilang yakap, nagbago ng anyo si Loira at ibinalik ang kaniyang pagiging diwata. "Papaanong nakabalik kami? Nasaan ang tagapagmana!"
Sunod-sunod ang tanong ng mga dwende at diwata tungkol sa kalagayan ng kanilang mundo at sa tagapagmana. Mula naman sa likod ng palasyo ay unti-unting lumaba mula sa gilid ang mga mamamayan ng Glacievere na nagising na sa mahabang pagkakahimbing.
"Maayos na ang kalagayan ng ating mundo. Samantala, hindi ko sigurado kung nasaan ang tagapagmana dahil nang lumitaw ang palasyo ay kasabay no'n ang kaniyang paglaho," paliwanag ni Loira at natahimik naman ang kaninang maiingay na nilalang. "Ngunit h'wag kayong mag-alala, hangga't maayos ang kalagayan ng ating mundo ay nasisiguro kong maayos din ang kaniyang kalagayan."
"Totoo bang nangyayari ito?"
"Nakabalik na nga ba tayong tunay?"
Tanong ng mga taong naglalakad, hindi sila makapaniwala na muling makababalik ang kanilang kaharian na akala nila'y imposible. Tumanda ang kanilang edad ngunit ang kanilang mukha at katawan ay nananatili sa kung ano ang hitsura ng mga ito, labing walong taon na ang nakalilipas.
Ang mga Unidhs naman ay dali-daling tumakbo papasalubong sa kanilang pinuno. Binaha nila ng yakap ang kanilang pinuno na akala nila'y hindi na nila muling makikita pa. Nagtatalunan ang mga Unidhs at halos maiyak na sa tuwa dahil sa muli nilang pagsasama-sama.
"Ama, tama nga ang iyong sinabi!" Galak na galak na balita ng Unidh na nakausap ng prinsesa noong ito'y nasa kagubatan. Ang tinutukoy nito ay ang sinabi ng kaniyang ama na sa oras na mahanap ng prinsesa ang mga bato ay maibabalik ang kanilang kaharian. Sinabi ito ng pinuno bago tuluyang maglaho ang Glacievere, tinulungan pa nitonh makatakas ang nakararami upang magpatuloy ang kanilang pamamalagi aa mundong ito.
Akala nilang lahat ay hindi na muling makababalik ang kaharian ng Glacievere sa mundong ito. Akala nila ay hindi na makakamit ng kaharian ang kasarinlan. Ngunit hindi nila akalain na magkakatotoo ang nasusulat sa aklat, hindi nila alam na maaaring mangyari ang isang imposible.
SA KABILANG BANDA, si Darren at Jamin ay magkatabing nakaupo sa itaas ng puno habang pinanonood ang lahat na magsaya. Ang Dark Lord ay nananatili pa rin sa ibaba at katabi ang kanilang ama habang binabantayan ang nakagapos na sina Julian at Daniella.
"Sa tingin mo, ano ang mangyayari kay ina at sa maestro?" Pagbasag ni Darren sa katahimikan nilang magkapatid. Alam niyang mali ang nagawa ng kanilang ina, ngunit, hindi niya matanggap na dahil sa ginawa nitong pagtataksil ay maaari itong maparusahan. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap na makakaya siyang tangkaing patayin ng kaniyang ina.
"Parusa. Hindi ko alam kung ano, hindi ko alam kung paanong parusa. Pero iyon lang ang aking nasisiguro. Kung ang prinsesa ay maaari silang patawarin, sigirado akong hindi iyon palalampasin ng Helluxious – pati ng mga diyos at diyosa na naging saksi din ng nangyari," dire-diretsong sambit ni Jamin na tila ba wala lang ito sa kaniya.
"Do you hate them–? Mom and dad?" Tanong ni Darren at hindi naman kaagad nakasagot si Jamin. Kasi ang totoo, hindi niya rin alam. May parte sa puso niya ang umaasang maging buo silang muli ngunit may parte sa kaniyang puso na nagsasabing mas mabuting maging mag-isa na lang. "It's alright if you hate them, it's understandable. But… dad's just a victim… too."
Pareho silang napalingon sa kanilang ama na nakakrus ang braso habang pinanonood ang unti-unting pagbabalik sigla ng kaharian. Muling tumutubo ang mga halaman na matagal ng nawala sa kanilang mundo, muling bumabalik ang mga nilalang na matagal ng nawala sa libro. Tumingala sa kanila ang kanilang ama dahilan upang magtama ang kanilang mga mata.
Unti-unting lumutang si Bruno sa lupa at tumaas hanggang sa maabot na niya ang kaniyang mga anak. Umupo siya sa katabing sanga ng nauupuan ng dalawa at hinarap ang kaniyang mga anak. Napalunok naman si Jamin at nauna ng umiwas ng tingin.
"Jamin… I'm sorry. I don't know what actually happened…" panimula ni Bruno at nanatiling nakatingin kay Jamin. Inakbayan naman ni Darren ang kaniyang kuya nang maramdaman niya ang panginginig ng kamay nito na nakadikit sa kaniyang hita.
"When I discovered Daniella's secret, she prisoned me in the basement. But I managed to escape when a man helped me, I don't know him – but he was familliar. Daniella found out about my escaping, I was alone in the forest running for my life with men in black cloaks following behind me," palihim na pinunasan ni Jamin ang mga patuloy niyang luha. Nanginginig ang kaniyang labi at nababasag ang kaniyang boses. "I tripped – that's how they catched me. I was so little they could just lift me off the ground and throw me seomwhere like I was a garbage."
"Jamin…" hindi alam ni Bruno ang kaniyang sasabihin. Ramdam niya ang hinanakit ng boses ng kaniyang anak, at ang nakikita niyang palihim na pagpunas ng luha nito ay mas dumudurog sa kaniyang puso. Dahil sa loob ng maraming taon, wala siya sa tabi ng kaniyang anak upang punasan ang mga luha nito na ang sanhi ay takot mula sa pagkabata.
Nanatili namang tahimik si Darren habang nakatitig sa palasyo, nakikinig siya ng taimtim sa kung ano mang nangyari sa buhay ng kaniyang kapatid.
"Men and women were under those cloaks, they have weapons, they have magics. But that's not what I got scared of – they forcefully ripped my clothes off. They pinned me on a stone and touched me – staining my innocence. Staining my childhood…" hindi na napigilan pa ni Jamin ang kaniyang sarili, bumuhos ang kaniyang mga luha na matagal na niyang kinikimkim. "And she was just there, watching while laughing together with that fucking sorcerer."
Habang nakahawak si Darren sa kaniyang kapatid ay unti-unting pumapasok sa kaniyang isipan ang isang alaala. Isang alaala na alam niyang hindi sa kaniya. At sa alaalang iyong, kitang-kita ni Darren kung paano babuyin ng grupong iyon ag kaniyang kapatid habang nanonood ang kanilang ina.
"That's why you have that on your skin," bulong no Darren at natigilan naman si Jamin. Napahawak siya sa kaniyang leeg at napapikit nang mariin. Ang tattoo niya. "A metaphor. A simbolism. A representation of what happened to you childhood."
"No, not what happened in my childhood. It was who am I in my childhood." Pinunasan ni Jamin ang kaniyang mga luha at tumingin sa palasyong nasa harapan nila. Ngunit sa pagtitig niya sa palasyo ay tila ba may kung anong takot ang namuo sa kaniyang puso. Hindi niya maintindihan, ngunit, bumibilis ang tibok ng kaniyang puso na tila ba may naaalala ang kaniyang puso na hindi pumapasok sa kaniyang utak.
SAMANTALA, ang prinsesa naman ay nakaluhod sa marmol na sahig habang yakap-yakap ang kabaong ng kaniyang mga magulang. Gawa ito sa tunay na ginto at napapalamutian ng mga diyamante na kumikinang sa pagtama ng sikat ng araw na tumatagos sa bintana.
Nasa loob siya ngayon ng isang silid na walang ibang laman kundi ang kabaong ng kaniyang mga magulang at iba't ibang mga bulaklak.
"Mother… Father… I made it. I finally made it." Hindi na napigilan ni Airish ang kaniyang sarili at napahagulgol na lanv hbang nakadipa ang kaniyang braso sa kabaong ng kaniyang mga magulang. "Please… please tell me you're in peace now. I hope to see you in paradise when it's my time…"
"They are, Airish. They are in peace, now." Nagulat si Airish sa biglang nagsalita, tiningala niya ito at nanlaki ang mga mata ng makita ang isang babae na sigurado siyang nakita na niya noon.
"Goddess Lithereé!" Hindi makapaniwalang saad ni Airish at agad-agad na pinunas ang kaniyang mga luha. Naisip ni Airish na hindi siya maaaring maging mukhang pangit sa una niyang hinangaan dito sa Underworld. Natawa ang prinsesa sa kaniyang naisip at unti-unting tumayo. "It's nice to see you again… po."
"Get up now and dry your years up, your parents are very proud of you. I know that." Hinawakan ng diyosa ang balikat ni Airish at napatango na lang naman ang prinsesa kahit na nagtatanong siya sa kaniyang isipan kung ano ba ang dapat ipagmalaki ng kaniyang mga magulang sa kaniya. "The people are waiting for you, your people are waiting for you."
Bumuntong hininga si Airish at sumunod sa diyosa na nauna ng lumabas ng silid. Nang tumapat siya sa bukas na tarangkahan ng palasyo ay lumipat ang lahat ng mata sa kaniya. Ang lahat ay napatitig sa prinsesa at napuno ng katahimikan ang lahat.
Sa paghakbang ni Airish ay nagdudulot iyon ng liwanag, at sa paglabas ng prinsesa at tila ba nagliwanag bigla ang madilim na gabi. Tila ba'y mas malakas pa ang kaniyang liwanag sa repleksyon ng buwan. Ngumiti ang prinsesa lahat at unti-unting yumuko ang prinsesa upang magbigay galang sa lahat. Ang nauuna naman kaninang si Lithereé ay nanatiling nakatayo sa likod ng prinsesa.
"Maligayang pagbabalik sa inyo," pagbati ng prinsesa sa mga mamamayan ng Glacievere. At sa simpleng salita ng iyon ng prinsesa ay muling nag-ingay ang paligid. Napuno ng hiyawan at pagbati sa prinsesa ang maririnig sa buong paligid. "Ako'y nagagalak na makita kayo. Ako'y nagagalak na muling makabalik."
Matamis na ngumiti ang prinsesa at napalingon sa diyosa sa kaniyang likuran na nakangiti din sa kaniya. Unti-unting humakbang ang iba pang mga diyos at naglakad patungo sa tabi ni Lithereé. Yumakap pa si Celeste at Eve kay Airish at bumulong ng kanilang pagbati sa prinsesa.
Sa ilang saglit pa, may mga katwaheng naglilipad aa itaas, may mga boses ng kawal na naririnig, may mga huni ng mga lumilipad na Wyvern at napuno ng liwanag ang kalangitan na nagmumula sa mga nagliliparang unicorn.
"I, Princess Airish Solene – heartfully welcomes you to the Kingdom of Glacievere," pagbungad ng prinsesa sa mga dumating at bahagyang yumuko upang sila'y bigyan ng pagbati. Nagpalakpakan ang lahat at nakangiting nakatitig lang sa prinsesa. "A moment of silence please, may we give all of our ears as we give a chance for the gods and goddesses to speak."
Nagulat ang mga diyos at diyosa sa sinabi ng prinsesa at tumabi pa ito upang hondi sila maharangan. Bumuntonghininga si Lithereé at humakbang paunahan saka sinalubong ang mga mata ng mga mamamayan na naghihintay lang sa kaniyang sasabihin.
"Dwellers of the Underworld, it is nice to finally see you again. Perhaps not so good things happened recently – but what matters is that we are all alright now." Ngumiti ang diyosa at inilipat ang tingin sa prinsesa. "And for our brave princess, Airish. Congratulations, we are so proud of you. For showing your weakness, you strength, you intelligence, your honesty, and your devotion to our world. Thank you."
"Uh…" pinunas ni Airish ang kaniyang mga luha at tumango na lang bilang tugon. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Ngunit pinanatili na lang niya ang kaniyang ngiti at inilibot ang tingin sa paligid.
"But for what happened recently, for the betrayals. I therefore conclude that the proven sinners should receive a punishment regarding to their actions." Anunsyo ng Diyosa dahilan upang malipat ang tingin ng lahat sa dalawang nakagapos sa tabi ng Dark Lord na ngayon ay tumatango habang nakangiting nakatingin sa mga diyos at diyosa.
"And also for a punishment, I would like to assign Prince Darren Ace to be the one to lead the punishment." Anunsyo ni Celeste dahilan upang matahimik ang binata na nasa itaasng puno. "Ibahatid mo ang mga may sala sa Cleravon upang sila'y hatulan ng kanilang parusa, ngayon din."
LUMIPAS ang ilang oras, napagdesisyunan na ng mga diyos at diyosa na dalhin na ang mga may sala sa Cleravon upang sila'y ikulong na. Ang dalawang nahatulan ay nakatali habang mahigpit na nakatali habang tinutulak-tulak ng mga kawal. Nasa unahan ai Darren, gaya ng sabi ng diyosa ay siya ang mamumuno sa pagpaparusa. Nagpumilit namang sumama ang prinsesa na ngayon ay nakasakay sa isang Wyvern.
"HINDI KAYO MAGTATAGUMPAY!"
Humalakhak ang dalawa at patuloy na sinasabing hindi mangyayari ang nais nilang gawin. Sinusubukang takpan ng mga kawal ang kanilang bibig gamit ang iba't ibang bagay ngunit hindi pa rin nagpatinag ang dalawa. Nasisira lang ang kung anong ilagay sa kanilang mukha at nagpapatuloy sa pag-iingay ang dalawa na tila ba'y nawala na sa katinuan.
Samantala, si Darren naman s aunahan ay pilit na inihahakbang ang kaniyang mga paa kahit na sumisikip na ang kaniyang puso. Naiintindihan niya kung bakit kailangang parusahan siya ng diyosa ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ito ang napiling iparusa sa kaniya. Tila ba'y hindi kakayanin ng kaniyang sarili na marinig na tumatawa at biglang iiyak ang kaniyang ina dahil sa rahas ng kawal dito.
Nang marating nila ang Cleravon na nasa otaas ng isang bundok at katabi ay isang napakataas na bangin, patuloy pa rin ang pagtawa ng dalawa ngunit mas dumadami na nag kanilang sinasabi.
"MAGHANDA KAYO! PAPARATING NA SILA!"
"HINDI KAYO MAGTATAGUMPAY GAYA NG INAAKALA NINYO, PARATING NA SILA'T SISIGURADUHING MAUUBOS KAYO!"
At sa isang iglap lang, biglang may pumatak mula sa langit na isang bolang apoy. Nabitawan ng mga kawal ang dalawa dahil sa lakas ng epekto ng pagbagsak niyon. Nakalaya ang dalawa sa pagkakatali at kaagad na pinuntirya si Darren na nakadapa sa lupa dahil din sa epekto ng bolang iyon.
Nasunog ang pantalon ni Darren na nagdulot ng lapnos sa kaniyang balat, may matilos ding bato na tumurok sa kaniyang hita na naging dahilan upang hindi siya makatayo.
"Huwag kayong gagawa ng masama! Mamamatay ang binatang ito!" Sigaw ni Julian at hinawakan si Darren mula sa kuwelyo nito. "Sinabing walan lalapit!" Patuloy na umaatras ang dalawa kasama si Darren hanggang sa iilang metro na lang ang layo nito sa bangin.
"Stop!" Sigaw ng prinsesa mula sa itaas, akmang bababa sana ito nang biglang sumabog ang bolang apoy dahilan upang magulat ang lahat maging sina Julian at Daniella. "DARREN!" Tila bumagak ang mundo nang makita ng prinsesa na mabitawan ni Julian ang binata dahilan upang tuluyan itong matumba dahil sa sugat sa hita at mahulog sa bangin.
Airish ran towards the cliff but when she's about to jump off, a barrier shows up. She kept on banging the barrier while tears were showerinv her eye as she watch Darren slowly disappear to the thick fogs.
"No, no, no…" Airish kneeled on the ground while hugging herself and tears streaming down her eyes. "Darren, please. Don't go. You can fly, right? Fly back to me. Please… don't leave. Hindi na ako magagalit, please, h'wag mo akong iwan…"
————
princemattrionixx
Author's Note: Last chapter, the nect part is the epilogue. Thank you so much for reading until the end.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top