26
XXVI: Against the Darkness
THIRD PERSON'S
NABUHAYAN ng loob si Airish nang lumutang ang kaniyang luha at kwintas sa gitna ng malapad na bato. Sa pagtitig sa mga ito, tila nabuhayan ang kaninang inaantok na niyang puso. Ang kaniyang kwintas ay nagkulay lila at ang mga bato ay nag-umpisang magliwanag.
"Get ready Glacievere, your princess is coming."
Ngunit sa totoo, hindi pa rin maintindihan ni Airish. Kung kailangang lima ang mga bato, ibig sabihin ba nito ay kailangan niyang muling mag-alay ng luha, dugo, at buhay para makagawa ng bagong bato? Napailing si Airish sa isipin na iyon at dahan-dahang tumayo.
"I shall not give up, because I shall not fail."
Sinubukang tawagin ni Airish ang elemento ng apat na bato, at ilang saglt lang ay unti-iunti nang umangat ang ilang lupa at butil ng tubig mula sa damuhan. Umihip ang malamig na hangin at nagliparan ang mga halamang gamot papunta sa kaniya.
By the power of the sacred gemstones
Anything that's lost can be found
Inikutan ng mga ito ang malapad na batong nasa harapan ni Airish, unti-unting itinaas ng dalaga ang kaniyang mga kamay at kasabay no'n ang unti-inting pagtaas din ng mga elemento. Bigla niyang ibinaba ang kaniyang mga kamay dahilan upang bumaba rin ang mga ito at diretsong bumagsak sa batong nararapat dito.
Nagliwanag nang malakas ang mga bato dahilan upang mapapikit si Airish dahil sa nakasisilaw na liwanag na dulot nito. Nang humupa ang liwanag, tumitig si Airish sa malapad na batong iyon at nakita na nananatiling nagliliwanag ng bahagya ang bawat mahiwagang bato.
Nagdadala ang bawat bato ng kung anong likido papunta sa gitna ng platapormang iyon at sumasamang lumutang sa luha ng prinsesa. Ngunit hanggang doon lang. Nagtitipon ang mga ito sa gitna, nagliliwanag at muling may tataas sak amagliliwanag. Paulit-ulit lang na tila ba may hinihintay ang mga itong mangyari.
SA KABILANG banda, si Darren ay nananatiling nakaupo sa balkonahe ng kaniyang k'warto habang pinanonood ang liwanag ng buwan. Maghahating gabi na, ngunit hindi pa rin siya nakakatulog. Hindi niya alam kung ano ang nagpipigil sa kaniyang matulog, tila ba sinasabi ng kaniyang katawan na mas kailangan nitong manatiling gising.
Habang nakatingin sa malayo, napansin ni Darren ay pagkislap ng isang liwanag mula sa isang sapat na distansya. Kung titingnan ito ay masasabing ang liwanag na ito ay nasa ibabaw ng isang mataas na bagay. Nasa gitna ito ng kalahuyan at imposibleng makita pa ang liwanag kung ito'y nasa lupa. At sa layo nito, imposibleng simpleng lampara lamang ang liwanag na iyon.
"Bakit tila mas'yado nang nalulumbay ang prinsipe?" Napaigtad si Darren nang biglang may marinig na boses mula sa kaniyang likuran. Napasinghap naman ang binata nang makita si Jamin na nakaupo sa kaniyang kama.
"What are you doing in my room – how'd you even get in?" Napakunot ang noo ni Darren. Bagama't nalalaman niya nag kakayahan ng binatang nasa harapan niya, kaniyang ipinag-utos na walang ibang makapapasok sa kaniyang silid. Mahigpit ang bantay sa labas ng kaniyang k'warto.
"I have my ways in," ngumiti si Jamin saka tumayo at naglakad palapit kay Darren. Nanatili namang nakakunot ang noo ni Darren na tila ba pinapakitang hindi niya nagugustuhan ang pagpapakita ng binata sa kaniya. "What are you so upset of? Me coming in your room or you being eaten by guilt?"
"What are you talking about? Get out of here!" Itinuro ni Darren ang kaniyang daliri sa pinto ngunit tumawa lang ang lalaki saka pinagkrus ang braso sa kaniyang dibdib habang nakangisi.
"Oh, stop passing your anger to somebody else just because you're mad to yourself, brother," nanatili ang ngisi sa labi ni Jamin at tinitigan si Darren diretso sa mga mata nito. Si Darren naman ay nanatiling nakatitig sa binatang nasa kaniyang harapan, napalunok pa ito nang banggitin ang huling salitang binitawan nito. "You fool, what happened to your words that you let go? You're going to break 'em?"
"Get out before I call the guards," banta ni Darren at tumawa namang muli ang binata na tila ba hindi n ito natatakot sa pangungusap na iyon.
"Why are you so naïve, Darren? Are you really that dumb or you're just choosing to be one? I know you know the things I am talking about. You're not blind, you're not stupid, I know you're not. But why are you keeping quiet about it, brother? Are you scared?" Matunog na ngumisi muli si Jamin at napalunok naman si Darren na tila ba may mga karayom na tumuturok sa kaniyang lalamunan.
Hindi nakapagsalita si Darren, hindi niya alam kung so ang kaniyang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang nararamdaman, naguguluhan siya. Nagagalit ba siya? Nalulungkot? Nagsisisi?
"Stop acting you're still mad at me, brother, I know you're not," bumaba ang tono ng boses ni Jamin at humawak sa balikat ni Darren. Muling bumalik sa kaniyang alaala ng kanilang kabataan, kabataan kung saan hindi nila naranasang maging bata. "You're mad at them, but you're not to yourself."
"Stop! Get out!"
"Alright," ngumiti si Jamin, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na niya gustong asarin si Darren. Nais na niyang iparamdam dito na narito lang siya, gaya ng dati. Gaya palagi. "But, she's waiting for you. You're so dumb for doing something terrible, but she loves you."
At sa isang iglap lang, kinain na ng usok si Jamin. Nawala na ito sa paligid at sa pagkawala nito ay biglang tumulo ang mga luha ni Darren na kanina pa niyanl pinipigil na tumulo. Bumuntonghininga siya at muling tumingin sa labas habang hinahayaang bumunos ang kaniyang mga luhang matagal na naipon sa kaniyang puso.
Alam niya, alam niya ang sinasabi ng kaniyang kuya. Ngunit, hindi niya gustong maniwala. Hindi niya kayang paniwalain ang sarili na ang taong kaniyang tinitingala ay makagawa ng isang bagay na labag sa batas. Napayakap sa aarili si Darren, hindi alam kung ano ang gagawin.
Hindi niya alam kung ano ba ang ikinagagalit niya, ang kasalanan niya? Ang pagsulpot ni Jamin? O ang katotohanang hindi niya nais tanggapin? Nagagalit ba siya kay Jamin dahil sa pagsasabi nito ng totoo o nagagalit siya sa sarili sa pilit na pagtutulak nito sa katotohanang ibinaon na niya sa nakaraan?
-**-
ANG MGA mamamayan ng Underworld ay ngayong nagbibigay ng pasasalamat at maging paghingi ng tawad sa isa't isa. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na sa oras na dumating ang anibersaryo ng kamatayan ng hari't reyna ay kasabay na rin no'n ang pagkamatay ng kanilang mundo.
Hindi man nila sigurado ang mangyayari sa mga susunod na segundo, minuto, oras o araw – ngunit pinili pa rin nilang magkaisa at ipakita ang pagmamahal sa isa't isa kahit na sa matagal na taon nilang sigalot.
Ang mga pamilyang magkakaaway ay ngayong nagbibigayan ng pagkain bilang handa sa pagsalubong ng anibersaryo ng kanilang hari't reyna. Ang mga mamamayan ng liwanag at dilim ay ngayong nagkaisa upang mag-alay ng dasal para sa kanilang yumaong mamumuno.
Batid man nilang nakabalik na ang tagapagmana, hindi nila sigurado kung ano na ang mangyayari. Hindi nila sigurado kung magtatagumpay ito. Ni hindi nila alam kung sino nga ba ang tagapagmanang iyon. Nananatiling misteryo pa rin sa karamihan ang katauhan ng tagapagmana ng Glacievere.
"Aking mamamayan," panimula ng heneral mula sa liwanag. Nagtipon ang lahat sa cetro ng bayan para sa kanilang huling pagtitipon. Kung sakali mang mabigo ang tagapagmana. "Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang sigalot na nangyari sa halos dalawang dekada na nag lumipas. Ngunit kahit sa huling pagkakataong ito, nais kong makita na natutupad ninyo ang huling kahilingan ng ating kamahalan."
"Sa paglipas ng panahon, nais kong makita ang ngiti sa inyong mga labi sa tuwing nakikita niyo ang isa't isa. Sa paglipas ng mga taon, naia kong magtapos ang sigalot na nangyayari sa ating mundo. Matigil na ang sama ng loob sa isa't isa, at bigyan ng kapayapaan ang ating mundo."
Sabay-sabay na bigkas ng lahat, walang nag-alinlangan, lahat sila ay buong pusong binaggit ang bawat salita na binitawan ng kanilang hari noong panahon ng giyera. Bago ito umalis patungo sa mundo ng mga tao.
"At ako'y nakatitiyak na ito rin ang nais na mangyari ng tagapagmana, nakasisiguro akong nais ding makita ng tagapagmana ang inyong mga ngiti at ang paglaganap ng kapayapaan sa ating mundo. Kaya't aa huling pagkakataon, nais kong iparamdam natin sa kanila ang ating pagkakaisa, ang ating pagbabayanihan patungo sa ikabubuti ng ating mundo!" Sigaw ng heneral na sinang-ayunan ng mga mamamayan.
Ngubit nagulat ang lahat ng unti-unting naglindol, nagkaroon ng bitak sa lupa at mula roon ay lumutang ang mga butil ng tubig patungo sa kung saan.
"Nagsasagawa ng ritwal ang tagapagmana!"
Sa pagsigaw na iyon ng isang matanda ay namayani ang katahimikan sa lahat, hinihintay kung ano pa ang mangyayari. Lahat sila'y nakaabang, lahat sila'y hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan ngunit walang ni isa ang gumawa ng kahit na naong ingay.
Nakita ng lahat ang pagkukulay lila ng madilim na kalangitan, nagkukulay lila na rin maging ang buwan. Hindi man nila alam ang nangyayari, kanilang ipinagkakatiwala ang kinabukasan ng kanilang mundo sa tagapagmana. Dahil naniniwala silang hindi pababayaan ng tagapagmana ang kanilang mundo, naniniwala ang lahat na hindi sila pababayaan ng tagapagmana.
Nang bumukas ang mga ulap sa kalangitan at nagdulot ng isang liwanag, napasinghap ang lahat. Sabay-sabay na nagsiluhuran ang mga mamamayan sa lupa, mula man sa liwanag o kadiliman. Maging ang mga mamamayan sa palasyo ng itim na mahika ay napaluhod sa lupa, sila'y tahimik na nakikinig sa salita ng heneral mula sa malayo.
Ang mga mamamayan ay unti-unting naglakad patungo sa templo kung saan ginaganap ang pagsasamba, ang liwanag na nanggaling sa langit ay tumapat mismo sa templo at doon pa lang ay alam na nila kung sino ang paparating.
Ang mga diyos at diyosa.
Nanatili sa labas ang mga mamamayan, ang mga natatakot ay pumunta sa likod ng pagtitipon at ang mga heneral at sundalo naman ay nanatili sa unahan. Hindi maaaaring pumasok sa loob ng templo ngayong nasa loob ang mga diyos.
"Bskit sila naririto?"
"Tayo ba'y may nagawang kasalanan?"
"Sa aking palagay ay ito ay tungkol sa pagbabalik ng tagapagmana."
Kaniya-kaniyang isipin ang mga mamamayan at kaniya-kaniya ng katanungan. Ngunit ang bulungan ng mga mamamayan at natigil nang isa-isang lumabas mula sa templo ang mga diyos at diyosa. Nagsiyukuan muli ang lahat at ipinakita ang kanilang paggalang sa mga nakatataas.
"Aming mga mamamayan, nais naming sabihin na huwag kayong panghinaan ng loob. Nakatitiyak kaming ginagawa ng tagapagmana ang lahat ng kaniyang makakaya at nalalaman upang maligtas tayo, tutulungan natin siya. Marahil ay hindi sa personal na tulong, ngunit maaari tayong mag-alay ng dasal patungo sa kaniyang tagumpay," saad ng Diyosa na si Celeste.
"Ngunit nasaan ang tagapagmana?"
Sigaw ng isa na sinundan naman ng pagsang-ayon ng lahat. Nais nilang malaman kung ano na ang kalagayan ng tagapagmana. Hatinggabi na at hindi na nila alam kung ano na ang nangyayari. Hindi nila alam kung nagtagumpay ba ang tagapagmana o patuloy pa rin sa paggawa ng ritwal.
Nagtulong-tulong ang mga diyos at diyosa na pagsama-samahin ang kanilang enerhiya upang makabuo ng isang biswal na panooran. Unti-unting nagbuo ng rektanggulo ang mahika ng mga diyos at nang mabuo na ito ay ipinakita nito ang sitwasyon ng isang dalaga na nasa taas ng isang burol habang napalilibutan ng iba't ibang elemento.
"Ang tagapagmana…"
"Ang tagapagmana ay isang prinsesa?"
"Ang propesiya!"
Napasinghap ang lahat ng makita ang prinsesa na isinasagawa ang ritwal. Lahat sila'y 'di inaasahang magiging babae ang tagapagmana. Natahimik ang lahat, walang sinuman ang sumubok pang magsalitang muli. Lahat sila ay tahimik na pinagmamasdan ang prinsesa na napalilibutan ng mga elemento.
Mula naman sa malayo, tila natigilan ang isang kumpon ng mga mangagamit ng itim na mahika. Dahil sa kanilang nakikita ay sila'y nababahala sa magiging kinabukasan ng kanilang pangkat. Nasa propesiya ng kanilang angkan na isang babae mula sa liwanag ang siyang magpapabagsak sa kanila. At sa ilang taong pag-aaral, kanilang napatunayan na ang tinutukoy sa libro kung sakaling babae ang anak ng hari't reyna.
Dahil sa oras na babae ang isilang bilang tagapagmana ng trono, ito na ang magiging pinakamakapangyarihan sa buong Underworld. Ang magiging babaeng tagapagmana ay siyang nakatakdang magpabagsak sa kanilang pangkat.
"Paano na ang pag-aalsa nating gagawin? Sa oras na subukan pa natin ay tiyak na wala rin tayong laban, nakasulat na sa aklat ang ating pagbagsak!" Nababahalang sigaw ng isa.
Iilan na lamang sila, karamihan ay sumanib na sa kalaban. Iilan na lang silang magkakasama dahil napatay ang iba ng sarili nilang pamilya na sumapi sa kalaban nilang gumagamit din ng itim na mahika. Ngunit, alam nilang wala silang laban sa mga ito. Dahil makapangyarihan ang pinuno nito.
"Sino bang nagsabi na sa Prinsesa tayo makikipaglaban? Hindi tayo kagaya nila! At hinding-hindi tayo gagaya sa kanila! Hindi tayo kikitil ng buhay ng isang inosente!" Sigaw ni Jamin na nagalingawngaw sa kanilang kweba. Nagsigawan naman ang kaniyang mga kasama bilang pagsang-ayon.
"Kung gayon, sino ang ating makakalaban? Huwag mo sabihing –"
"Lalaban tayo sa ating mga kauri, lalaban tayo para sa kapayapaan. Siya nga't gumagamit tayo ng itim na mahika, ngunit tayo'y pinamumunuan ng liwanag!" Sigaw ni Jamin at muling lumingon sa templo na ngayon ay napalilibutan ng mamamayan.
Nananatiling tahimik ang mga mamamayan, ngunit mayamaya ay unti-unting lumabo ang kanilanv pinanonood hanggang sa mawala na ito. Bumalik sa kani-kanilang p'westo ang mga diyos at diyosa upang harapin ang kanilang mamamayan.
"Huwag kayong panghinaan ng loob, mahaba pa ang isang araw upang mapagtagumpayan ng prinsesa ang kaniyang misyon," sambit ni Diyosa Celeste at inilibot ang tingin sa mamamayang nababahala para sa kinabukasan ng kanilang mundo.
"Ngunit, mahigit hating gabi na, posible bang nagtagumpay na nag prinsesa? Tayo'y nananatili pa ring nakatayo ngayon!" Sigaw ng isang lalaki mula sa gitna ng kumpol ng tao at napatango naman ang iba.
"Ang prinsesa ay patuloy pa ring sumusubok upang mailigtas tayong lahat. Mayroon pa tayong isang araw, maaari pa tayong maligtas hanggang bukas ng hatinggabi. Sa oras na sumapit ang hating gabi bukas at tuluyang natapos ang anibersaryo ng kamatayan ng hari't reyna, doon lamang tayo maglalaho kung mabigo man ang prinsesa," paliwanag ng Diyosa Celeste at napatango naman ang lahat.
"Ngunit huwag kayong mabahala, dahil hindi mabibigo ang prinsesa. Hindi niya gustong mawala sa mundong ito nang hindi kayo nakikilala, hindi tayo pababayaan ng ating prinsesa," nagulat ang lahat nang biglang may magsalita mula sa itaas. Ang Helluxious.
Lumilipad ito sa himpapawid sa katawang ibon, nagliliwanag ito dahil sa buwan at dumagdag pa sa ganda ang kumikislap na diyamante sa kaniyang balahibo. Unti-unting bumaba ang Helluxious at humapon sa braso ni Diyosa Celeste.
Hindi maaaring malaman ng lahat na siya at ang prinsesa ay iisa, dahil magagamit ito ng kalaban. Magagamit ito ng mga sakim sa kapangyarihan laban sa kaniya o sa prinsesa. At sa oras na malaman iyon ng lahat ay tiyak na hindi maganda ang mangyayari.
"Magtiwala kayo, atin na lamang hintayin ang mngyayari at suportahan ang prinsesa sa kaniyang misyon. Kailangan niya tayo ngayon. Kailangan niya ang ating pananalangin." Anunsyo ng Helluxious na sinang-ayunan ng mga diyos at diyosa.
Ang lahat ay natahimik, lahat sila'y dahan-dahang lumuhod sa kanilang kinatatayuan. Maging ang mga diyos at diyosa ay lumuhod din upang magbigay ng panalangin. Natahimik ang paligid, tanging pagtama lang ng malamig na hangin sa mga dahon sa puno ang nagbibigay ng ingay sa kapaligiran.
SAMANTALA, si Darren ay nananatiling nakatayo sa kaniyang balkonahe. Hindi pa rin siya makatulog. Nakatitig pa rin siya sa malayo at ngayon ay kitang-kita niya ang pagliliwanag mula sa isang lugar. At sa pagtitig lamang doon ay alam na niyang si Airish iyon. Naiintindihan na niya ngayon.
Sinusubukang ibalik ni Airish ang kaharian ng Glacievere. Napahinga nang malalim si Darren, tumimgin siya sa ibaba at napakunot ang noo nang makita si Jamin na nakatingin din sa kaniya ngayon. Nakaupo ito ng bahagya sa gilid ng fountain at nakakrus ang braso sa dibdib.
Sumenyas si Jamin na bumaba siya at napakunot nman ng noo ni Darren. Hindi niya alam kung ano ang nais nito mula sa kaniya, ngunit kahit na papaano ay alam naman niyang hindi siya dadalhin sa panganib ni Jamin.
Gaya ng dati, pinagdikit ni Darren ang kaniyang mga kamay na tila ba siya'y nagdadasal at napangiti naman si Jamin dagil sa kaniyang naging tugon. Mabilis ngunit tahimik na naglakad ang binata palapit sa kanilang palasyo at pinagalaw ang isang tela na nakalatag sa sahig.
Pinalutang ito ni Jamin at sumakay roon upang makataas, nang siya'y makatapat na sa bintana ni Darren ay walang pagd-dalawang isip na tumalon ang prinsipe sa lumulutang na tela.
"Why are you here?" Tanong kaagad ni Darren sa binata nang siya'y makasakay habang pinapagpag ang kaniyang damit.
"They're getting ready, they're about to attack her," tugon ni Jamin sa tanong ng kaniyang bunsong kapatid. Napalunok naman si Darren, pilit na iniaalis sa kaiyang isipan na iisang tao ang kanilang iniisip. "Yes, brother. They."
Ngunit sa simpleng salitang iyon ni Jamin, tila ba gumuguho ang kaniyang mundo, mariin na napapikit si Darren at hindi na nagsalita. Ayaw niya pa ring tanggapin, ayaw niya pa ring maniwala ngunit ang mga pangyayari ay nagsasabing totoo ang lahat ng iyon.
"Accept it, Darren. Accept the fact that the person you look up to is one of the reason why did our world end up like this," pagbasag ni Jamin sa nakabibinging katahimikan. "Because denying the truth and keeping silent about it, just makes you someone like them. Kung pipilitin mong manahimik at pagtakpan ang katotohanan ay pinatunayan mo lang na hindi ka nalalayo sa kanila – na kabilang ka rin sa kanila."
"You can't understand! I am with them since the very first day of my life, not like you. I have been living with them my whole life – and you are not! I have loved them, somehow," pumiyok ang boses ni Darren habang sinasabi iyon. "It's easy for you, but it's not for me!"
"That's the problem, you have loved them, to the point that you don't even see their bad sides anymore," sambit ni Jamin na nananatiling mababa ang tono ng kaniyang pananalita. "It's also hard for me, Darren. But not with the same reason as yours. It's hard for you because you love them, while it's hard for me because I love you. By doing that, I know that would hurt you. It's hard for me. It's hard making choices while thinking for your sake."
"You don't have to think about me for your every decision, I can manage my own," saad ni Darren, pilit na pinipigilang tumulo ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata.
"I don't have to, but I still do. Because you're my brother, even how many years have passed. Even if you buried me at the back of your mind, even if we are taking a different path, you're still my brother. Even if they disown me, even if they cursed me, even if they don't treat me as their own, that wouldn't change the fact that you are my brother."
Hindi nakapagsalita si Darren, kahit na anong pagpipigil niya sa kaniyang mga luhang nagbabadyang tumulo ay nagawa pa rin nitong bumuhos.
"Even if you hate me, you're still my brother, Darren. We still have the same blood running through our veins," saad ni Jamin na tuluyan nang nagpabuhos sa luhang kanina pa niyang pinipigil. "Hey, okay, enough with the drama. We're here…"
Pinahi ni Darren ang luha sa kaniyang mukha at napatingin naman sa kaniyang kaliwa. There, they both saw the princess kneeling on the ground while crying over a stone, feeling so helpless. Darren cleared the lump in his throat, feeling uneasy to see Airish in this situation.
Airish was crying over the stone with the elements were surrounding her. The gemstones were glowing as some liquid stayed floating in the air. The princess' hair and skin were glowing as well, bringing light against the darkness.
————
princemattrionixx
Author's Note: Only few chapters left! Hang on tight and prepare for a bumpy ride!
PS: Strictly no spoilers. Please! Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top