25

XXV: Treasure
AIRISH

"PRINCESS!" I've heard some voice calling me from afar, I looked back at the palace and saw their family at the exit of the palace, all trying to catch my attention. "REMEMBER WHAT I TOLD YOU, CONTROL YOURSELF!"

I am trying. I am trying to control myself but I don't know why this thing won't stop. I tried on reducing or even reversing its effect but it didn't do anything. I saw a beam of light flying towards me, it landed right in my front. It's Loira.

"Calm your waves down, erase the pain and madness inside you, because the more rage you feel… the more of that will appear," she pointed something at my back, making me turn my body to its direction. And I saw a plant, it has teeth, it has blood, and it's eating the flowers, the veins, the butterflies, it could possibly be eating anything as it grows.

"I am calming myself down, Loira. I swear, I do not know what's happening!" Muli akong yumingin sa kaniya at sa pagsigaw kong iyon, mas lalong bumilis ang pagkalat ng mga ugat na bumagal din kalaunan. Nagulat ako sa nangyari, hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. "I can't understand…"

"Ang paglapit sa 'yo ng bato ng silangan ay sapat na upang malaman mo kung ano ang nangyayari, prinsesa," saad niya na mas nagpagulo lang sa aking isipan. "Ang kusang paglapit sa iyo ng bato ng silangan ay dahil sa iyong nararamdaman. Kapag nadama ng bato na kinakailangan mo siya – kusa itong lalapit. Hindi ko alam kung ano man ang nagpapabigat ng iyong kalooban ngunit kalimutan mo muna ito kahit sandali lang…"

Habang nagpapaliwanag si Loira, dinig ko ang mga sigawan nila sa loob ng palasyo. Dinig ko ang pagtawag nila sa aking pangalan. Ngunit hindi ko maintindihan ang kung anong bagay na pumipigil sa akin upang bumalik doon. Pasakit? Galit? Hindi ko alam. Wala na akong maramdaman.

Napatitig ako sa kalangitan, muli kong naalala ang pangyayari sa loob ng ilusyon ng bato ng hilaga. Inalala ko iyon ng maayos at biglang umihip ang hindi ko maipaliwanag na malamig na hangin. At sa pag-ihip ng hangin na iyon, tumigil ang paligid.

Only with the blood of a majesty…

By the power of the sacred gemstones…

Light and Darkness shall be bound,
Together with peace and haven on phase.

…So choose wisely, protect the people or protect your people?

Hindi ko maipaliwanag ang kaba na namuo sa aking dibdib nang mapagtagpi-tagpi ko ang mga propesiya na iyon. Konektado silang lahat? Ang pagbabalik ko. Ang pakikipagsapalaran ko rito. Ang pagtulo ng dugo ko dahil sa mga sugat. Ang pagtatagpo ko at ng mga bato. Lahat ito ay nakasaad sa propesiya.

Ngunit, ang sinasabi ng bawat isang propesiya ay iba-iba. Paanong maaari itong maging isa sa pagbawas ng ilang salita?

"You shall learn how to stand by yourself, without the help of any,"

"Because there's something that enemies could use against you, and that's a soft heart – a kind heart."

Muling bumalik sa aking isipan ang sinabi ng sapiro noong ako'y nasa ilalim ng tubig. Siguro nga ay tama ito, dapat nga akong tumayo sa sarili kong mga paa. Tama naman siya, ang kabaitan ay magagamit lang ng kalaban ko laban sa akin. And I cannot afford to fail.

Ang mga bato, lahat sila'y nariyan sa tuwing kailangan ko sila. Sa tuwing nalalagay ako sa panganib, sa tuwing makararamdam ako ng takot o sakit, nariyan lanh sila upang tulungan ako. Kusa silang lumalapit, ngunit sa bawat paglapit nilang iyon ay mayroong pagsubok na nakaabang.

At lahat ng pagsubok na iyon ay gusto nilang lutasin ko ito ng ako lamang, gusto nilang mabigyang kasagutan ko ang sarili kong mga tanong. Sa lahat ng pagkakataong ito, tinuturuan nila akong maging mag-isa. Sa lahat ng pagkakataong ito, sinusubok nila ang kakayahan ko. Pinoprotektahan nila ako.

"And I shall resolve this on my own," bulong ko sa hangin at unti-unting ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang unti-unting pag-angat ko sa lupa ngunit nanatili akong nakapikit. "I shall do this mission on my own. Just like what the gemstones want me to. Just like what the prophecy expects me go. Just like what I need to do."

I recalled my memories with my friends – Tita Daniella, Tito Bruno, Lolo Julian, Darren and Loira – they were there for me. They were always there to catch me whenever I fail. But should I let somebody saving me from something that I made?

Darren, he've been nice. He've been a good friend. He've been a good savior. And I really can't see why I am hurting by the scenario that I've witnessed. We're just friends. I am have no rights to demand, or long for his hugs and words.

Maybe I've been so attached. And maybe the spahhire was right, I shall never be too kind but never too mean… I shall never make the same mistakes the past rulers made – and that is trusting and loving too much… Because I can't afford to fail. I can't afford to lose this world. I can't afford to lose myself.

I heaved a sigh, letting something flow through my veins. I slowly opened my eyes, and saw how the large veins and plants reversed back fo where they came from. The air started lowering me down to the ground, I snapped my finger and Loira lost her balance and fell on the ground while gasping for air.

I've heard some humming and chimes above me and saw the Helluxious circling above. Loira was about to stand when she saw the sacred bird flying in the skies, Loira immediately kneel on the ground without throwing any glances go the bird in the sky.

I raised my hand, acting to reach her, and the Helluxious started flying towards me and landing on my arms which startled me. I never knew she was this light! No wonder how she can fly in the skies gracefully like she's one eith the wind!

"Shall we?" Saad niya sa aking isipan.

"Shall we what?" Tanong ko pabalik.

Hindi naman na niya ako sinagot, subalit, humuni ng malakas ang ibon at lumipad pabalik sa itaas. I gulped when I saw her flying towards me again, but this time, she's letting gravity to drag her towards me. She's flying towards me so fast that I failed fo prepare for her body penetrating mine.

"Shall we become one, again?"

I felt something warm inside my chest and I felt my eyes releasing some lurid lights. It's purple. I can feel my bones cracking like it's being crushed and I saw feathers started growing on my skin. All of that happened in a split of second and just by a blink of an eye, I was floating in the air in the shape of the Helluxious.

*****
THIRD PERSON'S POV

NANATILING nakayuko si Loira sa lupa dahil sa pagdating ng Helluxious. Hindi niya inaasahang makikita ang sagradong ibon sa isang hindi inaasahang pagkakataon. May nakita siyang liwanag sa kaniyang gilid at nang tumingala siya ay nakita na niya ang Helluxious na lumilipad palayo. At wala na nag prinsesa sa kinatatayuan nito.

Samantala, sa kabilang banda, hindi naman makapaniwala ang mag-anak at si Julian sa kanilang nakita. Hindi nila inaasahang makikiya nila ang pagsasama ng Helluxious at ng prinsesa sa iisang katawan.

"Anak, apo…"

Napalingon silang apat sa kanilang likuran nang marinig ang nagsalitang iyon. Kaagad na tumakbo si Bruno palapit sa kaniyang ina at nanatili naman si Darren at Daniella sa kanilang kinatatayuan. Si Julian naman ay bahagyang lumayo upang bigyan ng pagkapribado ang pamilya.

"Paanong…" hindi na natuloy ni Bruno ang kaniyang sasabihin dahil naunahan na iya ng kaniyang tuwa at yumakap sa ina.

"Ang Helluxious, pinagaling niya ang aking karamdaman… pinuntahan niya ako sa loob…" saad ng matanda na tila ba bagong-bago sa kaniya ito.

Ngunit bago naman talaga ito sa kanila, hindi nagpapakita ng basta-basta ang Helluxious. At lalong hindi na ito nakita ng panahong nawala sa mundo nila ang Prinsesa. At ngayon ay mas naiintindihan na ng matanda, ang prinsesa at ang sagradong ibon ay iisa lamang.

"Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo, Darren?" Napalingon si Darren sa nagsalita. Si Julian. Lumapit ang binata sa matandang salamangkero. "Napag-isipan mo na ba? O mas pinili mo ang bagay na iyong gustong mangyari na sa huli ay pagsisisihan mo rin?"

"Master…" hindi nakapagsalita ang binata, hindi niya alam kung anong sasabihin.

Noong gabi bago sila pumunta rito ay napagdesisyunan nilang dalawa na sa bahay sa taas ng puno matulog. At bago sila mahimbing sa pagtulog ay muling kinunsulta ni Julian ang nararamdaman ng binata. Kagaya ng napag-usapan nila nokng umaga kasama si Bruno.

"Pagsisisihan o pinagsisisihan?" Pagdidiin ng matanda at lumingon sa binata saka hinarap ito ng buo. "Wala mang sinasabi ang prinsesa ngunit alam kong nasaktan siya sa kung ano mang ginawa mo. Nananahimik lang siya ngunit tingnan mo kung ano ang nangyari, kung hindi pa nagawang kontrolin ng prinsesa ang kaniyang nararamdaman, malamang ay lahat tayong naririto ay namatay na dahil sa mga ugat at halamang iyon.

Buntonghininga na lamang ang naging tugon ni Darren at muling tumingin sa kalangitan saka tinanaw ang direksyon na nilipad ng Helluxious. Naramdaman ng binata ang namumuong luha sa kaniyang mga mata na kaagad niyang pinahi bago pa man ito tumulo. I'm sorry…

-**-

MALAYANG lumilipad lang ngayon sa himapapawid si Airish na nasa katawan ng mahiwagang ibon. Hindi niya maipaliwanag ang sayang kaniyang nararamdaman habang lumilipad at hinahangin ang kaniyang mga balahibo.

"Napakapayapa naman pa lang lumipad ng ganito, kung alam ko lang na ganito edi ang feeling na maging ibon 'edi sana araw-araw akong nasa katawan ng isang ibon. Kaya kong aralin ang shapeshifting!" Natatawang saad ni Airish sa kaniyang isipan, hindi niya man naririnig o nakikita ngunit ramdam niyang tumatawa ang Helluxious.

"Hindi mo naman kailangang maging shape-shifter para maging ibon, tawagin mo lamang ako at sabihin ang gusto mo ay magagawa na natin iyon. Pero kunsabagay, mas mabuti na ang marami kang nalalamang kakayahan. Hayaan mo't ako mismo ang magtuturo sa 'yo sa oras na matapos ang misyon mo," tugon ng Helluxious.

Natatawang napatango na lang naman si Airish sa kaniyang isip dahil ang wirdo para sa kaniya ang magtanong sa utak at mayroong sasagot. Masaya siya dahil may kausap siya ngunit hindi siya sanay na sumasagot ang Helluxious habang nasa loob niya. Madalas ay nagpapadala lang ito ng pahiwatig o talagang nagpapakita sa kaniya upang sagutin ang kaniyang tanong.

"Paano ko pala mahahanap ang libingan ni ama't ina? Kailangan kong makapunta roon upang matapos ang misyon," tanong ni Airish sa kaniyang isip. Hindi naman niya iyon maitanong ng malakas dahil nasa katawang ibon siya. "Tiyak na aabutin ako ng ilan pang araw bago ko pa mahanap iyon, at nalalapit na ang anibersaryo nila…"

"Hindi mo na kailangang maghanap, dahil dadalhin na kita roon," tugon ng Helluxious sa tanong ni Airish. "Ngunit ang sinasabi kong nalalapit ay talagang malapit na. Bindi mo na siguro ma-kwenta dahil iba ang takbo ng oras dito kaysa sa mundo ng mga tao ngunit ang anibersaryo ng kamatayan nila ay bukas na…"

"Bukas?!" Hindi makapaniwala si Airish sa kaniyang narinig. Hindi niya inaasahang mayroon nalang siyang hanggang bukas na hatinggabi upang magawa ang ritwal. At hindi lingid sa kaalaman niya na hindi iyon gagana sa isang subok lamang.

"Narito ako upang gabayan ka, ngunit gaya ng sabi mo, nais mong magawa ito sa aarili mong mga paa. Kaya't kapag nadala na kita roon ay mananahimik muna ako rito sa loob mo, at tahimik na susuporta sa iyong bawat desisyon," saad ng Helluxious na nagpakabog sa puso ni Airish. "Huwag kang mag-alala, narito pa rin naman ako. Hindi lang ako kikilos hangga't hindi mo hinihingi ang tulong ko,"

Narating na nila ang sinasabi ng Helluxious, at hindi nga nagkamali ng hinala si Airish. Ang burol na iyon ang lugar kung saan inilibing ang kaniyang ama't ina.

"Narito na tayo, Airish. Hanggang sa muli. Hinihiling ko ang iyong tagumpay," at pagkasabi no'n ng Helluxious ay muling nagliwanag ang paligid. Bumalik sa dati ang daloy ng dugo ni Airish at unti-unting nawala ang kaniyang mga balahibo. Sa isang kisap lang ay bumalik na siya sa kaniyang tunay na anyo.

Inilibot ni Airish ang tingin sa paligid, ito ay simpleng burol lamang, ni wala aiyang kahit na among bato na nakikitang p'wedeng mapaglagyan ng mga bato. Inalala niya ang bawat salitang sinasabi ng mga nakasalamuha niya, mula sa mga bato, kay Isabella hanggang sa Helluxious. At sa kanihang pag-iisip ay bumabalik sa kaniyang isipan ay ang propesiya na ipinakita ng bato ng hilaga.

By the drip of tears
For what's in the past…

…Anything that's lost can be found

…a life is sacrificed…

*****
A

IRISH

By my return, seeing the light, with the help of the gemstones… by drip of tears for what's in the past, I can found what is lost while a life is sacrificed. And the image of my mother and father. Every little peace of that prophecy has something to do with each other. It all has something to do with me.

I kept on walkng back and forth on the top of the hill, I'm thinking deeply on how am I suppose to solve this. Or maybe the answer is already in the prophecy. I stopped walking and snapped my fingers to use my magic for a paper and a quill. I started writing down those parts of the prophecy. And underlined the last words.

Tears, Past, Found, Sacrifice.

On the first prophecy; Majesty, Seen, Tears, Past, Life, Light.

On the second prophecy; Gemstones, Found.

On the third prophecy; Bound, Phase.

On the fourth… it's a paragraph. A paragraph wuth two sentences. And the words in the end of the sentences were; Sacrficed, People.

"The majesty had seen with tears for their past… a life was brought to light!" I exclaimed while jumping with joy, and as I spoke those words, I saw something growing from the ground. It's a circle. With four holes with the shape of each gemstones. "This is it!"

Inilabas ko ang mga bato at isa-isa inilagay ko sa bawat lalagyan sa batong iyon. Ngunit nang ilagay ko ang mga bato ay walang nangyari, nanatiling maputik, marumi, at may lumot ang batong iyon. Naguguluhan na ako ngunit bigla kong naalala ang sinabi ng mga Unidhs.

To reunite the kingdom, you must find all of the five gems.

Five gems. What five gems? There were only four parts… unless they are talking about the Glacievere itself. I placed both of my hands on my chest and closed my eyes, I started whispering my name, my mom's name, and my father's name. Unti-unti kong inihiwalay ang aking kamay sa aking dibdib at napadaing naman ako nang maramdaman ang bagay na lumalabas sa aking katawan.

Kahit nakapikit ay kita ko ang liwanag na nanggagaling sa aking dibdib, napahiyaw ako nang tuluyan ko na iyong mahuhlt at napaluhod sa lupa habang nanghihina dahil sa enerhiyang nagamit ko. Dahan-dahan kong inilagay ang kwintas sa gitna ng bilog na bato, unti-unting nagliwanag ang apat na bato.

Nanghihina man ay unti-unti akong tumayo, naramdaman ko ang pagvalaw ng lupang aking kinatatayuan ngunit makalipas ang ilang minutong pag-ilaw ng mga bato at paggalaw ng lupa ay bumalik din sa normal ang lahat. Nawala ang ilaw ng mga mahiwagang bato, napatitig ako sa batong bilog na iyon at hinahabol ang hininga na humawak rito.

"Ano pang kailangan kong gawin?" Tanong ko sa hangin, at sa pag-ihip ng malamig na hangin ay dumaan sa aking isipan ang isa pang parte ng propesiya na para bang dala-dala ito ng hangin. "Gemstones… Found…"

By the power of the sacred gemstones,
Anything that's lost can be found.

"Bound… Phase…"

Light and Darkness shall be bound,
Together with peace and haven on phase.

"Tears, Past…Sacrifice… with the gemstones…" I said trying to figure out what it means. I kept on saying gibberish words that's relating with the prophecy until something popped out in my mind. "The gemstones are made from tears of the past! The gemstones are made bacause of a sacrifice! Therefore…"

Napatitig ako sa mga makukulay na bato na nsa aking harapan. Kumislap ito pabalik na para bang sinasabi na tama ang naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit parang nanikip bigla ang aking dibdib.

"Therefore… the kingdom will reunite by sacrifice…" muling kuminang ang mga bato at hindi ko malaman kung bakit biglang may luhang tumulo galing sa aking mga mata. Napalunok ako at napailing sa sarili. "I-I don't think I could sacrifice someone for this… I c-can't…"

Napaluhod akong muli sa lupa at yumuko sa malapad na batong iyon saka ibinuhos ang aking mga luha. Hindi ko kaya, hindi ko kayang magbuwis ng buhay ng iba para dito. Kung p'wede lang, kung p'wede lang na ako na lang. Pero hindi, kapag wala ako, mawawala ang lahat.

Every success, a life is sacrificed. So choose wisely, protect the people or protect your people?

Save the people or save my people…

If I continue this, a life is going to be sacrificed? But… if I didn't – it will be the downfall of the Underworld.

"You shall not be too kind, but never too mean. You shall never be attached to anyone." Umalingawngaw sa aking isipan ang boses ng Helluxious. Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha, napatitig ako sa aking pulso na ngayon ay wala ng marka. "You shall never fail, therefore you shall never give up. The kingdom's life, the world's, and yours, is what's at risk, Airish."

"I shall never give up…" pinawi ko ang mga luha ko at iniangat ang tingin sa mga bato. Napasinghap naman ako nang makita ang unti-unting pagliwanag ng mga ito. Ang mga luha ko ay umaagos sa ibabaw ng bato, patungo ito sa gitna ng bilog. At nang marating nito ang kwintas sa gitna ay unti-unti itong lumutang kasama ang kwintas.

Hindi ako nagsalita, pinili kong panoorin kung ano man ang mangyayari. Tinitigan ko nang maigi ang luha kong lumulutang kasama ang kwintas na ngayon ay kulay lila na ang diyamante. Kumikinang pa ito at nagliliwanag ng bahagya.

To reunite the kingdom, you must find all of the five gems…

A gem is a treasure. And if they were five gems that I'm suppose to find…

"Get ready Glaceviere, you princess you coming."

————
princemattrionixx

Authors Note: Hold on tight, because we lnly have few chapters left!

PS: Sumakit ulo ko kakasulat ng chapter na 'to, wrote this like 5am to 7am :')

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top