23

XXIII: Shattered
AIRISH

I WOKE up with my head aching. I can feel hands brushing my hair and warm cloth touching my skin. I opened my eyes, and saw Loira and Tita Daniella above me. I groaned and forced myself to get up, feels like my blood is not circulating well!

"How are you feeling, princess?" I heard Loira asked from my side.

"I'm fine, I think," I massaged my temple.

I heard the both of them let out a sigh. Napapikit akong muli dahil sa sakit ng ulo, hindi na maalis sa isip ko ang nangyari sa loob ng ilusyon na iyon. Hindi ko na nga rin alam kung kailan iyon nangyari. Pakiramdam ko ay ilang araw akong nakatulog dahil sa nararamdaman kong gutom at uhaw.

"Kapag maayos na ang iyong pakiramdam ay magpapatuloy na tayo, pupunta na tayo ng silangan upang makahanap pa ng ibang impormasyon na makatutulong sa ating paghahanap," tuloy-tuloy na sabi ni Loira.

Kung nakuha na namin ang iba't ibang bato mula sa tatlong bahagi, ang tanging lugar na naiiwan na lang namin ay ang kaharian ng Synthus. Hindi maganda ang kinalabasan ng unang pagtapak ko sa lupaing iyon, at sana lamang ay hindi na maulit pa ang nangyari noon.

"Sigurado ka bang maayos na ang iyong pakiramdam, mahal na prinsesa?" Dinig kong tanong sa akin ni tita Daniela mula sa gilid ko sa hindi naman ako nakasagot sa kaniya. Dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam. "Halika't kumain ka muna, sigurado akong nagugutom ka na, kamahalan,"

Tinulungan nila akong tumayo, sinabi nila sa akin na narito kami sa isang kubo sa gitna ng kagubatan. Wala na raw naninirahan rito kaya't kinuha na nila ang pagkakataon upang manuluyan dito kahit na pansamantala lamang. Gusto raw nilang masiguro ang aking kaligtasan, at mas mababantayan daw nila ako kapag nasa loob kami ng isang tahanan.

Inalalayan nila ako hanggang sa makaupo sa upuan sa hapagkainan, naghain na rin sila ng pagkain para sa akin. Mula naman sa aking kinauupuan, kitang-kita ko ang mga lalaki na nag-uusap sa labas. Tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan, at parang naramdaman nila ang tingin ko kaya't napalingon sila sa aking direksyon.

Ngumiti sila sa akin at pinagpatuloy ang kanilang pinag-uusapan. Samantala, nanarili namang nakatitig sa akin si Darren, ngunit kaagad din siyang ngumiti at umiwas ng tingin sa akin. Napalunok na lamang ako. 'Yong titig niya. 'Yong ngiti niya. Hindi 'yon normal. Bakit tila nanghihingi siya ng tulong? Bakit parang may gusto siyang sabihin?

"Kumain ka na, mahal na prinsesa," Bumalik ako sa katotohanan nang magsalita si Loira at ihain sa harapan ko ang pagkaing niluto nila. Sinabawan iyon..

"Maaari niyo naman po akong tawaging, Airish. Hindi rin naman po ako sanay sa pagtawag niyo sa akin no'n…" Ngumiti ako sa kanila at itinuon ang tingin sa pagkaing hinain nila sa akin. Hindi ko alam kung ano ang inalagay nila sa pagkaing ito ngunit mukhang masarap naman.

"Ngunit, isang kapangahasan iyon…" hindi na naituloy ni Loira ang kaniyang sasabihin, tumikhim si Tita Daniella at narinig kong huminga ng malalim si Loira. "Kung iyon ang kagustuhan ng kamahalan, ay dapat ko itong sundin."

Namutawi sa amin ang nakabibinging katahimikan. Tanging mga huni lamang ng ibon at ang pagkalansing ng kubyertos ang pumapasok sa aming tainga. Napahinga ako nang malalim at pinagpatuloy ang pagkakain upang mabilis na makabalik ang lakas ko. Gusto ko na rin namang magpatuloy sa paglalakbay.

Upang matapos na 'to, upang makauwi na ako, upang makabalik muli ang kapayapaan sa mundong ito.

Ilang saglit pa, bumukas ang pinto at iniluwal no'n ang tatlong lalaki na galing sa labas. Sabay-sabay silang bahagyang tumungo at naglakad palapit sa hapagkainan. Naupo si Darren sa harapan ko habang ang dalawa naman ay nanatiling nakatayo. Nakaupo na kasi sina Loira at Tita Daniella sa tigkabilang gilid.

"Ano na ang ating plano?" Dinig kong tanong ni Lolo Julian mula sa aking gilid.

Unti-unting bumalik sa aking alaala ang sinabi sa akin ng mga Unidh noong kami'y nasa kagubatan. Walang ibang dapat makaalam na nasa akin ang mga bato. Anong mangyayari ngayong nalaman na nilang nasa akin ang bato ng hilaga? Imposible ring hindi nila natuklasan ang mga bato sa aking bulsa.

"Kapag bumalik na ang lakas ng prinsesa ay maaari na tayong magpatuloy, at sa ating paglalakbay ay dadaan muna tayo sa aming tahanan. Baka sakaling may makuha rin tayong impormasyon doon," sambit ni Tito Bruno na sinang-ayunan naman nila.

Samantala, nanatili naman akong tahimik, ganoon din naman si Darren na parang may malalim na iniisip. Habang nakatingin ako kay Darren ay nakita ko ang marka sa kaniyang pulso dahilan upang mapatingin din ako sa aking galanggalangan.

Bakit… bakit tila kumukupas?

Kaagad kong ibinaba ang aking mga kamay at itinago ang pulsuhan. Bakit lumalabo ang marka, anong ibig sabihin no'n? Napabalik naman ako sa reyalidad nang marinig kong tinatawag ako ni Tita Daniella. Napatingin ako sa kaniya dahil doon, nalaman ko na lamang na naka-ilang tawag na pala siya sa akin.

"Airish… ikaw ay magpatuloy na sa pamamahinga nang mabawi mo kaagad ang iyong lakas. Batid kong hindi mo gustong manatili sa isang lugar ng walang ginagawa," ngumiti siya sa akin at tumango na lamang ako. Napatingin ako kay Darren at nang magtama ang aming mga mata ay kaagad siyang umiwas ng tingin.

Tumayo na ako at naglakad patungo sa kama upang magpahinga. Binalot ko ang aking sarili ng kumot at tumagilid upang humarap sa dingding. Bakit parang may bagay silang itinatago sa akin? Bakit parang meron silang hindi nais ipaalam sa akin?

Unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan nang magdilim ang paligid.

-**-

Nagising naman ako dahil sa pagtawag sa aking pangalan, unti-unti kong ibinangon ang aking sarili mula sa pagkakahiga at inilibot ang tingin sa paligid. Si Loira at Tita Daniella ay natutulog sa pagpag na tanging isang banig lamang ang nahihigaan. Si Tito Bruno ay nasa mahabang upuan. Si Lolo Julian at Darren ay hindi mahagip ng aking mga mata.

May nahagip na liwanag ang mga mata ko, napatingin ako sa aking bulsa at nakita na bahagyang nakabukas ito. Kinuha ko ito isa-isa ngunit ganoon na lamang ang takot sa aking dibdib nang makitang dadalawa na lamang ang batong naroroon.

Nasaan ang bato ng timog? Nasaan ang sapiro?

Mabilis kong itinagong muli ang mga bato sa aking bulsa ngunit mas lalong lumalakas ang kanilang liwanag. Kumakabog ang dibdib na tumayo ako at lumabas ng barong-barong at inilibot ang tingin sa paligid. Humihinga nang malalim na tumingin ako sa bawat sulok, sa bawat puno, maging sa himpapawid ngunit wala akong nakita na kung sino.

"Airish…"

Napalingon ako sa kaliwa at nanlaki ang mga mata nang makita ang isang nilalang na lumulutang sa ere. Nakasuot siya ng itim na talukbong, may usok na lumalabas mula sa kaniyang mga paa at nagliliwanag na itim ang kaniyang mga mata.

"S-sino ka?" Tanong ko sa kaniya ngunit hindi siya sumagot, subalit ay lumapit siya sa akin kaya dahan-dahan akong napaatras. "Anong kailangan mo sa akin?!"

Hindi pa rin siya sumagot, patuloy pa rin siyang lumalapit. Sa halip na sayangin ang aking boses sa pagtatanong, tinalikuran ko na siya at tumakbo palayo. Tumakbo ako papasok sa kakahuyan. Mahigpit akong nakahawak sa mga bato upang hindi sila mahulog, habang patuloy akong tumatakbo at umiiwas sa mga puno.

Hindi ko na magawang lumingon pabalik dahil sa dami ng puno sa aking harapan na kailangan kong iwasan, ngunit nararamdaman kong nakasunod siya. At patuloy pa rin siya sa pagtawag sa aking pangalan na para bang may kailangan siya sa akin.

Patuloy ako sa pagtakbo ngunit napatigil nang makitang papalapit na ako sa isang bangin. Lumingon ako sa aking likuran at nakitang sumusunod pa rin siya sa akin. Napakunot naman ang aking noo nang makita ang kulay asul na ilaw na nagmumula sa loob ng talukbong. Ang sapiro.

"Págoma!" Sinubukan kong tapunan siya ng spell ngunit may kung anong bagay ang nagpo-protekta sa kaniya na nagawang iwasan ang spell na ginawa ko. Sino siya? Bumagal ang kaniyang paglapit nang limang metro na ang layo niya sa akin. "Bakit nasa iyo ang sapiro?"

Naramdaman kong naguluhan siya, sinubukan niyang tumungo at nakitang julay asul na liwanag na nanggagaling sa kaniyang talukbong. Muli siyang tumingin sa akin ngunit hindi niya sinagot ang aking tanong. Patuloy pa rin siyang lumalapit ngunit sa kaniyang bawat paglapit ay mas nagliliwanag ang sapiro.

"Aah!" Sigaw niya nang mas magliwanag ang bato sa loob ng talukbong, dahil sa kaniyang mabilis na paggalaw, nahulog ang sapiro mula sa kaniyang talukbong.

Agad kong pinulot ang nagliliwanag na sapiro ngunit nang hawakan ko ito ay nagkaroon ito ng bitak sa gitna, hanggang sa lumaki ito at tuluyang lumaki ang bitak. Sa pagbitak ng sapiro, kasabay nito ay palakas na sigaw na nagmumula sa loob nito.

Lumakas ito nang lumakas dahilan upang mapapikit ako at ilagay ang isa kong kamay sa aking tainga. Napapasigaw na lang din ako dahil sa lakas ng tinig na nanggagaling sa sapiro hanggang sa hindi ko namalayang umaatras na pala ako, hanggang sa wala na akong maapakan.

"Aah!" Napatili ako nang lumisya ang aking paa sa bangin dahilan upang mawalan ako ng balanse at tuluyang mahulog sa malalim ba bangin. Hinigpitan ko ang hawak sa sapiro na patuloy pa rin sa paglalabas ng malakas na tinig. Pinanatili kong nakakipit ang aking mga mata hanggang sa may marinig akong agos ng tubig. Tubig. "Isabella!"

At sa pagsigaw ko sa kaniyang pangalan, ibinukas ko ang aking mga mata at nakitang unti-unting tumataas ang tubig sa akin. Pinaikutan ako ng libo-libong butil ng tubig habang bumabagal ang aking pag bagsak. Nagliwanag ang aking mga paa dahilan upang mapapikit ako sa liwanag. At nang imulat kong muli ang aking mga mata ay wala na ang aking mga paa.

Tuluyang bumagsak na ako sa tubig kasabay no'n ang pagkawala ng sigaw na nagmumula sa sapiro, ngunit ilang saglit pa ay unti-unti itong nagsalita.

"The trust of the innocent is the liar’s most useful tool," panimula ng sapiro. Biglang may humawak sa aking balikat at nakitang si Isabella iyon. "Trust is a fragile thing once earned, it afforda us tremendous freedom but once trust is lost, it can be impossible to recover. The thing is, we never know who we can trust. Those we're closest to can betray us."

"You shall only trust thyself, or one will suffer and that is thee," patuloy ng sapiro na hindi ko maintindihan, bakit sinasabi niya ito sa akin? "You shall learn how to stand by yourself, without the help of any – without being attached to any. Because there's something that enemies could use against you, and that's a soft heart – a kind heart. You shall never be too kind but never too mean. You shall never make the same mistakes the past rulers made – and that is trusting and loving too much, Airish."

Unti-inting naglaho ang boses na nagmumula sa sapiro, nagliwanag ang mga bitak nito hanggang sa unti-unti itong maghilom. Napayakap ako sa bato at napatingin kay Isabella na nakangiti sa akin. Ilangsaglit pa ay pinaliligiran na kami ng mga kauri ni Isabella, sabay-sabay silang tumungo at isa-isang nagliwanag habang nakabilog sila sa amin.

"Mas mabuting gawin mo ang iyong misyon ng mag-isa, mahal na prinsesa. Mas ligtas, mas nararapat. Sa dami ng nakapaligid sa 'yo, hindi natin alam kung sino ang may maganda at masamang plano," ngumiti sa akin si Isabella. Napatango naman ak at muling inilibot ang paligid.

Bakit tila pinipilit nila na hindi ako maaaring magtiwala sa kahit na sino? Na tila ba, may masamang balak ang lahat ng nakapaligid sa akin.

-**-

NANG makabalik ako sa barong-barong ay natutulog pa rin sila, nalaman ko rin na sa taas ng puno natutulog si Darren. Mayroon kasing tree house doon kaya tingnan ko at nakita ko naman sila ni Lolo Julian doon. Mahimbing ang kanilang tulog at tila hindi alintana ang mga insektong maaaring kumagat sa kanila.

Pumasok na ako sa loob at muling humiga sa kama. Nagtalukbong ako ng kumot at muling napatingin sa mga bato na nasa aking bulsa. Payapa na sila, hindi na sila nagliliwanag na para bang nagsasabi na wala ng panganib sa paligid. Napayakap ako sa aking sarili at napapikit. Matagal pa ba? Matagal pa ba bago ako makauwi?

Sumilay ang umaga nang hindi na ako muling nakatulog, hindi naman nila iyon nakahalata dahil nakabalot ako sa kumot mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa aking matulog, at isa pa, hindi rin naman ako inaantok. Nabuhay ang diwa ko dahil sa pagtakbo.

"Magandang umaga, mahal na prinsesa," nakangiting bati sa akin ni Loira habang nagluluto sa kusina kasama si Tita Daniella. Habang nagluluto ang dalwa ay patuloy pa rin ang apat na matatanda sa pagke-kwentuhan at tawanan.

Samantala, si Darren naman ay nananatiling nakaupo sa upuan at nakikitawa na lang din sa kanila. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, nagsalita siya ngunit walang boses na lumabas sa kaniyang bibig. Ngunit kahit ganoon ay alam ko pa rin ang nais iparating niyang iparating.

'Magandang umaga rin,' ngumiti ako sa kaniya at naglakad patungo sa kusina upang uminom ng tubig.

"Airish, ano, maayos na ba ang iyong pakiramdam? Mas maaga tayong makapagpatuloy ay mas maganda!" Tumatawang saad ni Lolo Julian, tinawanan ko na lang din siya habang tumatango.

"Maayos naman na po," ibinaba ko ang baso na aking ininuman at umupo sa silya sa harap ng mesa. "Sa katunayan ay maaari na rin tayong magsimula ngayong umaga," ngumiti ako at isinandal ang sarili sa sandalan ng upuan.

"Kung ganoon, 'edi aalis na rin tayo pagkatapos nating kumain!" Sambit ni Lolo Julian na sinang-ayunan namin namin.

Gayang napagkasunduan, umalis na rin kami pagkatapos kumain. Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay, patungo naman sa silangan. Ngunit, paano ang sinabi ni Isabella at ng sapiro? Kailangan kong gawin ito gamit ang aking sariling kamay, paa at kakayahan. Pero, kaya ko ba silang iwan?

Sa aming paglalakbay, tanging ang apat lamang na matatanda ang nag-uusap. Kami ni Darren ay nananatiling tahimik at nakikisabay tuwing tatawa sila. Magkalayo kami, si Darren ay nasa tabi ni Tito Bruno habang ako ay nasa gitna nilang lahat.

Si Tito Bruno ang nasa unahan, si Loira sa aking kanan, si Tita Daniella sa kaliwa at sa likod naman si Lolo Julian. Ngunkt kahit magkakalayo sila ay patuloy lang sila sa kwentuhan, tila ba hindi sila nauubusan ng mapag-uusapan. Ngunit habang masaya silang nag-uusap hindi ko maiwasang mapatingin sa likod ni Darren.

Iniiwasan niya ba ako?

Tuwing titigil kami sa aming paglalakad upang magpahinga, sinusubukan ko siyang kausapin ngunit ang maiksi lamang ang sagot niya o 'di kaya naman ay ngingiti lang siya. Hindi ko alam kung anong problema, bakit biglang lumalayo siya sa akin?

Sa aming paglalakad ay iyon lang ang umuukupa sa aking isipan, ngunit kahit anong gawin kong pagtatanong ay wala akong nahahanap na sagot.

Nang makarating kami sa kanilang palasyo, mga alaala na mayroon ako sa lugar na ito. May kung anong saya ang namuhay sa aking puso ngunit kasabay rin nito ang bagay na para bang kumukurot sa aking puso. Hindi maganda ang huling pagtapak ko rito, magiging maganda kaya ang pagkakataong ito?

"Why did you cut the engagement, is it because of that flirty girl you're with–?"

"F/ck destiny! I don't give a damn about that shit! You can't force me to believe something that doesn't exist! Something that is only made up!"

Muling bumalik sa aking isipan ang naging usapan nilanh iyon, may parte sa aking puso na masaya ngunit hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kirot na nararamdaman nito. That was just a concept. It was never real. Bakit ako masasaktan kung hindi naman totoo ang sinasabi nilang pinili ng tadhana?

Kung tadhana man iyon, bakit maging ang marka sa pulsuhan ko, nawawala na rin?

Pumasok kami sa kanilang palasyo, tumungo ang mga manggagawa na sumalubong sa amin. Sa malaking hagdanan, bumababa ang isang matandang babae. Siya 'yong nakasagutan ni Darren nong huling pumunta kami rito. Napatingin ako kay Darren at ramdam ko ang pagkailang niya.

Nakangiting binati kami ng matandang babae, nawala ang ngiti niya nang lumapat sa akin ang kaniyang mga mata ngunit kaagad niyang ibinalik ang kaniyang ngiti upang hindi ipahalata sa iba. Ngunit hindi sa akin nakalampas iyon.

"Maliwayang pagbabalik! Ako'y nagagalak na makita kayong muli, halika, doon tayo sa hapag. Ako'y magpapahanda ng inyong makakain, ako'y nakatitiyak na kayo'y nagugutom. Siguradong malayo ang inyong nilakbay," nauna siyang naglakad patungo sa loob ng isang silid. Binuksan ng bantay ang malaking pinto at bumungad sa amin ang mahabang lamesa na may mga dekorasyon.

May mga nabago na ngayon, may mga rosas na sa lamesa, may kandila na rin. Mas magaan na ang pakiramdam ng kapaligiran at mas elegante na rin tingnan dahil sa mga kulay gintong kagamitan.

Pinaupo na kami sa harap ng mesa at kaagad na naghain ng pagkain ang mga katulong. Napakabilis naman yata nilang magluto? Wala pa sa kanilang gumagalaw upang kumain, ngunit nagugutom na ako kaya't nauna na akong kumuha. Wala na akong pakialam kung maynmasasabi man siya sa akin.

Habang kumakain ako, nakita kong biglang tumayo si Darren at mabilis na naglakad palabas ng silid. Mabibigat ang mga yabag niya at maging ang malaking pinto ay padabog niyang isinara na para bang bata na napagalitan. Napatingin ako sa kanila at kaagad na ibinalik ang tingin sa pagkain nang magtama ang tingin namin ng matandang babe.

Si Loira ang katabi ko, ilang upuan ang layo namin sa kanila. Hindi naman ako nagsasalita   ngunit bahagya ko namang naririnig ang kanilang pinag-uusapan. Pilit na pinapasok ng matandang babae ang aking pangalan na iniiwas naman ni Tita Daniella at nagtatanong tungkol sa ibang bagay.

"Bakit ba isinama niyo pa ang babaeng iyan? Sino ba siya? Tingnan niyo't nauna pang kumain kaysa sa atin na para bang siya ang may ari ng bahay!" Saad ng matanda mula sa kaniyang upuan at napakunot namna ang aking noo. Pilit na binabago ni Tita Daniella ang usapan ngunit pilit na ibinabalik ng matanda ang usapan. "Hindi na ako magtatak akung nilandi niya ang apo ko upang makuha ito!"

I felt an unwanted burning insideme, and before I could stop myself, white flames started to come out of my hands. I felt something coming out of my eyes that I couldn't understand what is. I can see purple lights in the corners of my eyes.

I can hear gasps from the people around me, and I could see the old lady's face turned white as the table get fired by white flames. And before worse things could happen, I calmed myself and stormed off the room, still with white flames coming out of my hands. With the force of air, I pushed the large doors making it to detach from the doorway and falling on the floor.

Hindi ko alam kung saad ako dinadala ng aking mga paa, ngunit sa aking bawat paghakbang, tila may kung anong enerhiya ang aking nakukuha. May mga bagay na pumapaikot sa akin, na hindi ko malaman kung ano. Dumami iyon nang dumami hanggang sa magipon-ipon sila sa aking harapan.

Kasabay ng pagkislap ng liwanag mula sa nagtipon na bagay na iyon, ang paglapat ng aking mga mata kay Kim na nakasandal sa pader habang nakapikit at dinadama ang labi ni Darren na siyang nakahawak sa kaniyang mga kamay at kino-korner ito sa pader. And alongst with that light coming from the orange gemstone forming in my front, is the shattering of my already shattered heart.

————
princemattrionixx

Quotations:
“The trust of the innocent is the liar’s most useful tool,” – Stephen King

“Trust is a fragile thing once earned, it affprds us tremendous freedom but once trust is lost, it can be impossible to recover of course the truth is, we never know who we can trust. Those we're closest to can betray us,” – Mary Alice Young

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top