21
XXI: Counterfeit
AIRISH
LUMAPIT kami sa isang tumpon ng mga Wyvern at hinayaan silang pumili kung sino ang magkakasakay sa amin. Nang may isang magbigay sa akin ng kulay lilang balahibo, binigyan na rin ng iba ang aking mga kasama. Sumakay ako sa Wyvern na pumili sa akin at kaagad iyong pinalipad palayo, hinabol naman kami ni Darren.
"Woo-hoo!" Sigaw ko na puno ng galak habang pinalilipad sa ere ang Wyvern, patungo na kami ngayon sa palasyong nasa ulap. Kanina pa ako nac-curious doon pero malalaman ko rin ang mga kasagutan sa aking tanong sa oras na makalapag kami roon. Nagtataka kasi ako kung paano sila nakapagtayo ng palasyo sa isang ulap.
Nang makalapag kami, lalo pa akong naguluhan dahil parang totoong ulap ito. Pero ipinaliwanag din sa akin ni Darren na ito raw ay hindi totoong ulap at gawa lamang sa salamangka. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Nagulat pa ako nang harangin kami ng dalawang kawal, naiintindihan ko naman pero bakit parang galit sila?
"Hindi maaaring pumasok ng walang pahintulot mula sa kamahalan–" pinutol ko ang sasabihin ng isang kawal sa pamamagitan ng pagpapatunog ng aking mga daliri saka tinitigan siya ng diretso sa mga mata. Lets us in. "Sana'y magkaroon kayo ng magandang araw..."
"Thank you," saad ko na puno ng sarkasmo at naglakad papasok na para bang pag-aari ko ang lugar. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kasama ko pero hindi na ako nagkaroon ng panahon upang tingnan sila dahil inililibot ko ang tingin ko sa buong lugar.
Napakalaki ng palasyo kaysa sa inaakala ko, at maging ang palasyo nila ay hugis ulap ng cartoons, pero ang kulay ng kanilang palasyo ay krema, ginto, asul at kulay-abo. Dalawang malaking fountains sa tigkabilang tabi, sa gitna ng mga fountain ay may estatwa ng isang uri ng ibon na siya ring nagbubuga ng tubig.
"Prinsesa, nakasisiguro ba kayo na ligtas rito– nakasisiguro ba kayo na hindi mamasamain ng mga tao rito ang pagpasok natin ng walang paalam?" Biglang tanong ni Lolo Julian, may kung anong takot ang namumuo sa kaniyang tinig. Tila, nag-aalala siya sa hindi ko malamang dahilan. May dapat ba kaming ipag-alala? Nangangain ba ang mga taga-rito?
"Wala naman po sigurong masama–" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil biglang bumukas ang malaking pinto na tila inaasahan nito ang aming pagdating. Humakbang kami papasok sa loob at bumungad sa amin ang napakagarang hagdanan. Sa itaas ay may napakaling aranya na kumikinang sa dami ng mga kristal at diyamante.
"Magandang araw sa inyo," napatingin kaming lahat sa itaas ng hagdanan at bumungad sa amin ang isang lalaki na sa tingin ko ay maedad lang sa akin ng kaunti. Nakasuot siya ng kapa na kumikinang at may korona na umaapaw sa mga diyamande. Mayroon din siyang mahabang tungkod na gawa sa ginto na may perlas at makikinang na bato. "Maaari ko bang malaman ang inyong mga pangalan?"
"Uh, Soleil," saad ko at ngumiti sa kaniya. Gustuhin mo mang sabihin ang tunay kong pangalan, ngunit mah bumubulong sa aking isipan na huwag kong gawin iyon. Nagpakilala rin ang mga kasama ko, ngunit ginaya nila kung anumang ginawa ko–nagbago sila ng pangalan. "Ikaw... ginoo? Ano ang iyong ngalan?"
"Ako si Prinsipe Arisian, Prince of this beautiful paradise," nagmamalaking saad niya habang nakabuka ang parehong mga braso. "Ano nga pala ang inyong sadya sa aking palasyo? Sa pagkakaalam ko ay wala akong bisita ngayong araw,"
"Uh, pasensya na. Kami kasi ay–"
"Ngunit hindi na iyon mahalaga pa, malugod ko naman kayong tatanggapin," kumindat niya at napakunot naman ang aking mga noo. Nakakairita ang ngiti niya, at mas nairita pa ako nang maglakad siya palapit habang nakatitig sa akin. "Lalo na ang magandang binibini sa aking harapan.."
"Pardon?"
"Oh nothing, come in!" Ngumisi siya at pinapasok kami sa loob habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay at lumihis sa kaniya ng tingin. Akala mo naman kung sinong g'wapo! Talampakan lang naman siya ni Harry Styles! "Make yourself at home! There's foods served in the dining area, I'm sure you all are hungry. You must've travelled so far just to see my gorgeousness!"
"Huh?" Bulong ko na lamang at pinagpatuloy ang paglalakad. Sumusunod lamang ako kay Tito Bruno dahil siya ang nauunang maglakad. Hindi sila nagsasalita, at mas naiirita pa ako dahil puro boses na lamang ni Arisian ang naririnig ko. "I actually regret going here..."
Not only because of those stones, I wouldn't go here. But I need this, I need him. I need to do this.
We passed through a room where something luminous is behind the door. I squinted my eyes and continued walking like I didn't noticed anything. It was a white bright light trying to escape ghe darkness of the room behind that door, and there's a part of me that wanted to open it to let that thing out of there.
"Adiuva me!" (Help me!)
My body shivered when I heard something echoeing inside my head. I don't know what it is, but something inside me wanted to go back to that door and open it. Who's calling for help? Why is it calling for help? I can feel my hands trembling, my mind and heart is in feud. Will I go back and open the door?
"Emitte me hinc!" (Let me out of here!)
I can hear loud knockings inside my head. Why am I hearing this? Nakarating na kami sa dining area at naririnig ko pa rin sa aking isipan ang mga hiyaw na iyon. At sa bawat pagsasawalang bahala ko sa paghingi niya ng tulong, nilalamon ako ng konsensya. Napalunok ako at tumitig sa napakaraming pagkain na nasa mesa.
"Do not touch the food," biglang saad ni Darren dahilan upang mapatingin sa kaniya ang aming mga kasama. Nang ilibot ko ang aking paningin sa paligid, wala na ang mga katulong at maging ang prinsepeng naghatid sa amin rito. "Also, do not sit. We've fall for their bait, this is a trap."
"They offered us nicely, Darren. It's not very nice to doubt their kindness," pangaral ni Tita Daniella sa kaniyang anak at napatingin naman sa kaniya si Darren. Napakunot naman ang aking mga noo at tinitigan nang mabuti ang mga pagkain na nasa mesa. And somehow, I can see right through them.
"Adiuva me!"
Napatingin ako sa aking likuran, lumalakas ang mga hiyaw sa aking isipan. Napalunok ako, anong panganib kaya ang pumapaligid sa kaniya upang humingi siya sa akin ng tulong. O, sa akin nga ba siya humihingi ng tulong? Napalingon ako sa aking mga kasamahan, natahimik na sila at inililibot ang tingin sa paligid.
May naramdaman akong kung anong sensation mula sa aking bulsa, tumingin ako roon at nakita ang munting liwanag na nanggagaling sa mga bato. Hindi ko namalayan na unti-unti ko na pa lang inihahakbang ang aking mga paa. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi ko na pinigilan ang aking sarili at hinayaang dalhin ako nito sa kung saan.
"Airish!"
Dinig ko ang mga tawag sa akin ni Darren, at kasunod noon ang isang malakas sa lagabong. Hindi ako makalingon, tila ba ay tumigas ang aking leeg. Naramdaman ko ang mga luhang pumapatak galing sa aking mga mata habang naririnig ko ang mga hiyaw nila mula sa loob ng silid-kainan.
Nakita ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa harapan ng silid na nagliliwanag. Mas lumakas ang mga hiyaw sa aking isipan, mga hiyas ng paghingi ng saklolo. Hinawakan ko ang busol at itinulak ang pinto papasok upang bumukas iyon. A bright light suddenly escaped from the room making me blind – I covered my eyes with my own hands and waited for few minutes before I opened my eyes.
The door closed on its own, causing it to cause a loud thud. The room is almost empty, all I can see is white clouds–from wall to ceiling–and floating transparent spheres with something luminous inside it. I slowly walked towards one of the spheres, and there, I saw a little fairy flying wildly inside the sphere. My heart suddenly jumped, they look scared.
I tried poking that one sphere but all it did was to flow away. I tried reaching it again but it go higher and higher. I heard that voice calling for help again, and the more it repeats, the more the voice go louder, and it's making my head hurts. I covered my ears, the call is so loud that I couldn't bare it – my temples are going crazy and it fucking hurts.
"STOP!" I screamed that echoed around the room. The loud calling stopped, the room has been filled with silence. I was catching my breath as I look around, and at the other corner of the room, I can see a bright light floating in the air. "What is happening? Where am I?"
Sinimulan kong maglakad papunta sa liwanag na iyon ngunit sa bawat paghakbang ko ay tila mas lumalayo lamang iyon. Lumingon ako sa aking likuran at nakita na malayo na sa akin ang pintong aking pinasukan.
"Soleil," a voice calling my name echoed in the whole room. I can feel my body shaking asa strange presence started to surround me. "Soleil,"
"Who's there? Show yourself!" Umalingawngaw ang aking boses sa loob ng silid na iyon at ilang saglit pa, may kung anong usok ang unti-unting nabuo ilang metro ang layo mula sa akin. Nagliwanag ang usok na iyon dahilan upang mapapikit ako dahil sa pagkasilaw. Unti-unti kong jminulat ang aking mga mata at may nakitang imahe ng tao mula sa malayo. "Show yourself!"
"I won't hurt you, little girl. Only if you give me the enchanted stones," nakatalikod siya sa akin kung kaya't hindi ko makita ang kaniyang mukha ngunit nakikilala ko ang boses niya. "Hindi mo na kailangang malaman pa kung sino ako, ibigay mo lang ang mga bato at tapos na tayo,"
"Wala akong alam sa sinasabi mo, Arisian," walang kurap na saad ko – pilit na ipinapakita na hindi ako natatakot. Hindi niya dapat malaman ang nararamdaman ko dahil magagamit niya iyon laban sa akin. Naramdaman ko ang gulat sa mula sa kaniya, unti-unti siyang lumingon sa akin at doon ko nakumpirma ang aking hinala. Bubuka pa sana nag kaniyang bibig ngunit inunahan ko na siya, "Huwag mo nang tanungin kung paano ko nalaman,"
"Of course, you'll know! How imbecile of me!" Ramdam ko ang sarkasmo sa kaniyang boses, napakunot ang aking noo at palihim na humigpit ang kapit sa aking palda. "How you skip some details? What am I expecting! Of course you'll know, Princess Airish of Glacievere?"
How'd he know?
I remaied silent, without showing any emotion. I started walking towards him, unconsciously. Hindi ko alam ang nangyayari, biglang humakbang ang aking mga paa kahit na hindi ko naman gustong mangyari iyon. Sinalubong ko ang kaniyang malalamig na titig ngunit tumawa siya upang mapaiwas sa mga mata ko.
His eyes were... empty.
"Now, give me the stones," ngumisi siya at itiningala ako sa kaniya gamit ang kaniyang mga daliri. Hindi ako nagsalita, hindi ako gumalaw. Sinalubong ko ang kaniyang mga titig ngunit sa tuwing tatagal ang aking pagtitig ay gagawa siya ng paraan upang makaiwas sa aking mga mata. "I said, give me the stones!"
"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Sugaw ko sa kaniya pabalik at nagulat naman ako nang biglang itinaas niya ako habang hawak-hawak ang aking leeg. Mahigpit akong napahawak sa kamay niya at pilit na inaalis iyon ngunit mas malakas ang kaniyang mga kamay. "B-bitiwan–"
"GIVE ME THE STONES!"
"N-no!"
Itinapon niya ako sa kabilang parte ng silid at napapikit nang tumama ang aking likod sa isang matigas na bagay. Maramdaman kong mag likido na lumalabas sa aking bibig, kaagad ko iyong pinahi at tinulungan ang sarili na makatayo. Ngunit bago ko pa man magawa iyon ay may humawak na sa aking buhay at marahas akong itinayo.
"Give me the stones, and you'll suffering will be over. Kapag nasa akin na ang mga bato, mas mapapasaayos ang ating mundo. Maibabalik ko ang kaharian ninyo. At maaari kang mamuhay kasama ko. Ibigay mo na sa akin ang bato, prinsesa. You're too naïve to handle things like this on your own. Give me the stones and you'll have a brighter future–"
"LIAR!" Biglang may kamao na dumapo sa aking mukha dahilan upang lumipad akong muli sa kabilang parte ng silid at tumama sa matigas na bagay.
"GIVE ME THE STONES!" Pag-uulit niya nang mas malakas, umalingawngaw iyon sa buong silid. Napunit ang kaniyang suot na damit hanggang sa tanging pantalon na lamang ang natira sa kaniya, may tumubo na pakpak sa kaniyang likuran at unti-unting nag-apoy ang kaniyang buhok. Namula rin ang kaniyang mga mata at may tumubo na pangil sa kaniyang mga ngipin. "GIVE ME!"
"NO! NEVER!" Sigaw ko pabalik at tinulungang tumayo ang sarili kahit na masakit na ang aking katawan at may dugo pang tumutulo sa aking bibig at noo dahil sa sugat.
Biglang may apoy na lumabas mula sa sahig at kasunod noon ay bumungad sa akin ang isang babae na halos hubad na at mayroon ding pakpak ngunit ang kaniyang mga buhok ay nag-aapoy na ahas. Humahaba rin ang kaniyang mga dila at mayroong parte sa kaniyang katawan ang mayroong kaliskis ng ahas.
"Ibigay mo na ang bato prinsesa, mas magagamit iyon ng Prinsipe Arisian dahil mas malakas siya," saad ng babae na umalingawngaw sa aking isipan.
"Hand me the stones. Wala kang magagawa riyan, Prinsesa. Hindi mo magagawang isalba ang mundong ito dahil babae ka lang. You're just a pathetic little girl with dead parents. I can do better, Airish. Babae ka lang!" Umalingawngaw ang kaniyang mga salita sa buong silid na ngayon ay kulay pula na at nababalot ng apoy.
Dahil sa mga apoy, pumuputok na ang mga bula na nakalutang kanina sa ere, at doon ko napagtanto na ang lahat ng ito ay peke. Ang sigaw sa aking isipan ay peke. Ang paghingi ng tulong sa akin ng isang babae ay gawa-gawa lamang. Napatitig ako sa dalawang nasa harapan ko. May mga luhang unti-unting pumatak mula sa aking mga mata at kinuha sa bulsa ang mga bato na ngayon ay nagliliwanag.
"Now, hand it over," inilahad ni Airisian ang kaniyang mga kamay at mahigpit naman akong napakapit sa mga bato.
Biglang may pumasok sa aking isipan, ang mga Unidhs, ang mga Sirena, ang mga kaibigan ko, ang mga magulang ko, ang kaharian ko. Naramdaman ko ang mainit na luhang pumapatak galing sa aking mga mata, hindi, hindi dapat ako sumuko. Pero, ano nga bang magagawa ko? Ako lang naman 'to, sir Airish, na lumaki sa mundo ng mga mortal at walang alam sa kung ano ang meron sa mundong kinabibilangan ko.
Susuko ka na lang ba, Airish? Sa 'yo nakasalalay ang buhay ng lahat, umaasa sa 'yo ang mga mamamayan mo. Malayo na ang narating mo–niyo, babalewalain mo na lang ba ang hirap na pinagdaanan niyo upang marating kung nasan man kayo ngayon? Ikaw si Airish, ikaw ang prinsesa, ikaw at ako ay iisa. Si Airish ka, hindi si Airish lang.
"Hand me the stones!" Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang nagliliyab na katawan ni Airisian. Puro paso na ang aking katawan, dumudugo na ang aking mga sugat at namamanhid na ang aking katawan dahil sa sakit. "Hand it over!"
"No... Never!" Itinayo ko nang maayos ang aking sarili at niyakap ang bato. Nakita ko kung paano manlisik ang mata nilang pareho at nanatili naman ako sa aking kinaroroonan. "Para sa iyong kaalaman, Prinsipe Arisian, ako si Airisn Solene, at ang isang Airish Solene ay hindi sumusuko."
"You imbecile!" Akmang sasapakin niya ako gamit ang kaniyang nag-aapoy na palad ngunit sinaksak ko ang kaniyang kamay gamit ang patilos na bahagi ng sapiro dahilan upang magyelo ang kaniyang mga kamay at mapasigaw sa kapdi.
"Ako si Airish Solene, at babae ako. Hindi babae lang," dahil sa nawala na siya sa konsentrasyon, oras ko na upang gumanti. Sinipa ko ang kaniyang sikmura dahilan upang mapaluhod saluya sa sahig. Samantala, ang babae naman ay patuloy na lumiliyab. Nakadepende ang kaniyang buhay sa prinsepe.
"Argh!" Hiyaw niya dahil sa hapding kaniyang nadarama, sinabayan pa iyon ng panghihina galing sa kaniyang sikmura. Napatingin ako sa mga hawak kong bato, napatitig siya sa akin at lumuhod naman ako upang magkapantay kami. "G-give m-me..."
"You want?" Tanong ko habang pinapakita sa kaniya ang mga bato at para naman siyang bata na tumatango na tila ba'y inaalok ko siya ng candy. Napangisi ako at tinitigan siya ng diretso sa mga mata, at sa pagkakataong ito, hindi na siya umiwas. "Where's the real Prince Arisian?"
"I a-am P-prince A-arisi-an," may bumulwak na dugo mula sa kaniyang mga bibig. Napailing ako at tumitig sa bato ng sapiro, unti-unti ko iyong ibinaba malapit sa kaniyang mga kamay ngunit hindi para ibigay sa kaniya. I could see excitement on his eyes, but all of his wrongdoings is going for an end. Before he could even get the stone, I swiftly moved my hand, and in a split second, the sapphire stabbed directly to his heart.
Isiniin ko pa ang bato na iyon na dahilan upang dumanak ang maraming dugo mula sa kaniyang dibdib. Mayamaya pa, biglang nanlamig ang aking mga kamay at nakita ang unti-unting pagkayelo ng bukana ng kaniyang sugat. Binunot ko ang batong sapiro at kasunod no'n ang unti-unting pagyelo ng buong katawan ng lalaking nasa harapan ko hanggang sa tuluyan na siyang maging yelo at sumabog sa aking harapan.
Nagdulot iyon ng sugat sa iba't ibang parte ng aking katawan, nagliwanag ang paligid at nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang isang kulay puting bato na lumulutang sa aking harapan. Tinitigan ko iyon nang mabuti, sinubukan ko iyong hawakan ngunit nanatili iyong bato na lumulutang sa ere.
It's not real. The stone is counterfeit.
Kaagad akong tumayo at inilibot ang tingin sa paligid, nagbago na ang silid. I'm now standing in an estimatedly five square meters room. So, all of what I've seen earlier was... an illusion? Or is it? Naglakad ako palapit sa pinto ngunit bago lumabas ay tiningnan kong muli ang bato, napailing ako at tuluyan nang lumabas sa silid na iyon.
As I'm walking on the hallway, I could hear some panick screams from afar. I'm about to ask a fairy about what's going on but there's a sudden turbulence that knocked me off guard. What's happening?
"Adiuva me!"
Napalunok ako, is it real this time? Do someone really needs my help?
Tinulungan ko ang aking sarili na tumayo at tumakbo papunta sa kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Pilit kong tinakbo ang magulong pasilyo, karamihan sa kanila ay papunta sa kung saan ako nanggaling. Anong nangyayari? Lumalakas ang pagtawag ng kung sino sa aking isipan, nang makalapit ako sa isang pasilyo na maraming pintuan ay binuksan ko iyon isa-isa.
Sa bawat pagbukas ko ng mga pinto ay mas lumalakas ang paghingi ng saklolo ng lalaking iyon sa aking isipan. Nang marating ko ang pinakadulong silid, nang makahawak ako sa busol ng pinto ay napaluhod ako at napatakip ang kaliwang kamay sa tainga dahil sa lakas ng boses na iyon. Bigla kong napihit ang busol dahilan upang bumukas ang pinto at nanlaki naman ang aking mata sa aking nakita.
————
princemattrionixx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top