20
XX: Sapphire
AIRISH
"LOIRA!" Sigaw ng isang babae na biglang napayuko dahil sa biglang pagsabok muli sa palasyong kaniyang nilisan. Ang mga katulong ay pinalulubutan ang reyna na yakap-yakap ang kaniyang kasisilang na sanggol. Inaalalayan siya ng kumadronang si Loira na ngayon ay hindi mapakali para sa kaligtasahan ng kaniyang kamahalan. "LOIRA! HAH! MASAKIT!"
"Iyong tiisin ang hapdi, aking kamahalan. Mas importanteng ikaw, ang hari at ang prinsesa ay makaligtas mula sa digmaang ito. Ang mga kawal na ang bahala sa iyong asawa, sa ngayon, isipin mo muna ang inyong kaligtasan. Kailangan niyong makatakas, para sa kinabukasan ng ating kaharian," pagpapalakas ni Loira sa loob ng reyna.
Ang sanggol na dala-dala ng reyna ay umiiyak ngunit hindi sila maaaring tumigil, dahil sa oras na tumigil sila ay tiyak na katapusan na ng kanilang buhay at ng buong kaharian.
Mga kawal na hinaharang ang mga sarili upang hindi makasunod ang kalaban sa reyna, may mga fairies at iba pang mga nilalang na lumilipad ang nasa himpapawid upang magbantay sa kaligtasan ng paligid. Ang mga kalaban ay nasa kabilang bahagi ng kaharian at ang reyna ngayon ay dumaraan sa likod upang makatakas. Dahil ito ang nararapat.
Kinatok ni Loira ng tatlong beses ang isang malumot na fountain. Marumi na nag tubig nito ngunit mayroon paring mga lumalangoy n aisda na hindi alam kung ano ang nangyayari sa kanilang paligid. Mayroong ibinulong si Loira sa mga isda at unti-unti namang lumubog ang fountain na iyon hanggang sa may lumabas na hagdan sa kanilang harapan.
Kaagad na pumasok doon ang reyna at si Loira kasama ang sanggol ngunit hindi na sumama pa ang mga katulong. Napalingon ang reyna sa kaniyang mga tagapaglingkod at tiningnan sila isa-isa. "Kayo ba ay hindi sasama sa amin?"
"Kami ay mananatili sa kaharian, mahal na reyna. Maraming salamat po sa pagmamahal na ibinigay mo sa amin, ikaw po ay tunay na may mabuting puso. Naisin man po naming sumama sa inyo upang masilayan ang paglaki ng prinsesa, ngunit, ang kaharian po ay nangangailangan ng aming tulong. Hindi po namin kayang iwanan ang aming tahanan. Kaya't kami po ay maiiwan, kami ay maiiwan upang ipaglaban ang ating kaharian." Nakangiting saad ng isa sa kanila.
"Humayo kayo kung ganoon, maraming salamat s inyong tapat na paglilingkod. Aking ipagdarasal ang inyong kaligtasan, nawa ay magkita pa tayong muli," saad ng reyna na may kirot sa kaniyang puso dahil sa kabutihang dala ng kaniyang mga tagapaglingkod. May namuong luha sa mata ng reyna ngunit nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Saan na tayo patungo ngayon, mahal na reyna?" Tanong ni Loira habang inaalalayan ang kaniyang kamahalan. Hindi sumagot ang reyna at nagpatuloy na lamang sa paglalakad, naintindihan naman kaagad ni Loira ang ibig sabihin ng reyna. "Nasisiguro mo po bang ang mundo ng mga mortal ang makapagliligtas sa inyo ng prinsesa?"
"Oo, iyon lamang ang naiisip kong lugar kung saan malalayo sa panganib ang aking anak," saad ng reyna, nahihirapan siya ngunit ito ang dapat na gawin para sa kinabukasan ng kaharian. Kaduwagan mang iisipin ang kanilang pagtakas, ngunit, ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Kung ang prinsesa ay makukuha o mapapatay ng kalaban, tiyak na walang magandang mangyayari.
Matapos ang napakahabang paglalakad, narating ng reyna at ni Loira ang dulo nito at bumungad sa kanila ang malakas na daloy ng tubig. At sa kanilang pagdating, sinalubong naman sila ng ilang makukulay na sirena. Sila ay kakaunti na lamang sapagkat ang iba ay nakikipagdigmaan sa mga kalaban na dumadaan sa katubigan.
"Isuot niyo 'to," saad ng isang sirena at ibinigay sa reyna ang mga kwintas na gawa sa sapiro. Isinuot naman kaagad iyon ng reyna at sinuotan niya rin ang kaniyang anak. Nagmamadali siya dahil sa pangambang nasundan sila ng kalaban. "Isa pong karangalan ang mapagsilbihan kayo, kamahalan. Akin pong ipagdarasal ang inyong kaligtasan."
"Maraming salamat, Isabela," ngumiti ng matamis ang reyna at tumalon na siya malamig na tubig. "Ako'y umaasa na tayo'y magkikitang muli pagdating ng panahon."
"Akin pong panghahawakan iyan," yumakap si Isabela sa reyna, bilang paalam. Samantala, hinalikan naman niya sa noo ang snaggol na yakap ng reyna at binigyan ito ng regalong mapakikinabangan ng prinsesa sa oras na bumalik ito sa kanilang mundo. "Mag-iingat po kayo. Ang kaharian ay umaasa na darating ang araw na kayo'y makababalik ng ligtas,"
Sabay-sabay na silang sumisid sa ilalim ng tubig, hindi iyon naging mahirap dahil sa kwintas na ibinigay ni Isabela sa kanila. Iyon ay nakatutulong upang sila'y makahinga sa ilalim ng tubig. Sumisid sila nang sumisid hanggang sa maabot nila ang pinakailalim, naroon ang isang bato na umiilaw ng kulay asul at sa gilid naman ay mayroong isang nagliliwanag na sapiro.
Pumasok na ang reyna sa loob ng bato ngunit hindi na sumunod pa sa kaniya si Loira. Nang makalabas ang reyna sa mundo ng mga mortal, siya'y basang-basa at sumabay pa roon ang lakas ng buhos ng ulan. Tumingin siya sa kaniyang likuran at hindi nakita nagbkaniyang kumadrona. Napayakap naman ang reyna sa kaniyang anak at sumabay sa pagpatak ng ulan ang pagtulo ng kaniyang luha na nagiging perlas pagbagsak sa lupa.
-**-
NAGISING ako dahil dahil sa malamig na tubig na tumatama sa aking katawan. Kaagad kong ibinangon ang aking sarili at nakita na nasa isa akong dalampasigan. Si Lolo Julian ay nakahiga sa buhangin habang si Loira, Darren at mga magulang ni Darren ay naroon sa gilid habang nakaupo sa bato. Nakatalikod sila kaya hindi nila ako napapansin.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, doon, nakita ko ang isang pamilyar na papasok. Tumayo ako mula sa buhangin at doon ko lamang napansin na mmagaling na ang lahat ng mga sugat ko. Naglakad ako patungo sa papasok na iyon at doon nakita ang pagdugtong ng ilog at ng dagat. Tumalon-talon ako sa mga bato upang makarating sa papasok na iyon at pumasok sa loob.
Maraming bato na maaari kong tapakan, napansin ko ring maraming isda sa parteng ito. Hindi na gaanong malakas ang agos ng tubig, ngunit nasisiguro kong ito ang karugtong ng ilog na kinahulugan ko kanina. Naglakad pa ako nang naglakad at napakunot ang noo nang makita ang isang bato na hindi kapantay ng iba. Kinapa ko ang pader at kinatok ito ng tatlong beses, napaatras naman ako nang gumalaw ang pader at bumukas ito.
Ngunit puno ng pagka-dismaya ang aking puso nang makita na walang ibang nakatago sa likod nito. Tumingin ako sa tubig, habang lumalayo ako sa dagat ay nakikita kong palalim din ang tubig ng ilog. Umupo ako sa isang bato at hinayaang lumapat ang aking paa sa tubig habang nakatingin ako roon. Walang ibang tao rito, at hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko rito.
"Snap twice, and the water will rise
Say your name, and the fish will gather
Touch the water, and prepare to dive in."
Natigilan ako nang biglang umalingawngaw ang katagang iyon sa aking isipan, ngunit hindi ko namalayang kusang gumalaw ang aking katawan at ginawa ang una niyang sinabi. At bigla ngang tumaas ang tubig gaya ng sinabi niya, sinabi ko ang aking pangalan at nagtipon ang mga isda sa aking paahan. Hinawakan ko ang tubig at napapikit dahil sa hindi maipaliwanag na sensasyon.
Nararamdaman kong tila may kumikiliti sa aking paa, binti, at hita. Hindi naman ako nakagalaw at hinayaan na lamang kung ano man ang nangyayari, hanggang sa buksan ko ang aking mga mata at nagulat nang makita ang isang buntot ng sirena. Nawala ang aking mga paa, at napalitan iyon ng buntot ng isda.
Pinaghalong kulay asul at lila ang kulay ng aking buntot, napalunok naman ako dahil hindi maintindihan ang nangyayari. Tumalon ako sa tubig gaya ng hiling niya at sumisid hanggang sa ilalim na bahagi ng ilog. Napatigil ako nang makita ang isang nagliliwanag na bato mula sa malayo, kaagad akong sumisid papunta roon at namangha dahil sa ganda noon.
"Magandang araw, mahal na prinsesa. Ako'y nagagalak sapagka't tayo'y nagkitang muli," biglang may nagsalita sa aking isip dahilan upang mapalingon ako sa aking paligid. Nakita ko naman ang isang sirena na may kulay asul at berdeng buntot na nagtatago sa mga damong pantubig. "Hindi man nagawang makabalik ng iyong mga magulang, ako'y natutuwa sapagka't sila'y iyong kamukha."
"S-sino ka?" Tanong ko kahit na alam ko naman na kung sino siya. Marahil ay siya ang 'Isabela' na tumulong sa aking ina na makatakas sa mundong ito. "Paanong... paano ako nagkaroon ng buntot ng sirena?"
"Iyan ang aking regalo sa 'yo, mahal na prinsesa. Bago ka mapunta sa mundo ng mga mortal, ako'y nagbigay ng regalo sa iyo. Iyang regalo na iyan lamang ang nakayanan kong ibigay noong panahong iyon, ngunit, sana ay nagustuhan mo ang iyong regalo, mahal na prinsesa," saad niya at muli ko namang naalala ang biglang paglabas ng alaalang iyon sa aking isipan.
"Paano mo nalaman na ako ang prinsesa? Imposibleng makilalamo ako dahil sanggol pa ako ng huli mo akong makita," naguguluhang tanpng ko sa kaniya. Napalunok ako, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan na tila ba may masamang nangyayari. "Paano mo nasabing ako ang prinsesang tinutukoy mo gayong–"
"Sa oras na makaapak ang prinsesa sa aming teritoryo, ang lahat ng sirenang nagkasakit ay gagaling, ang ilang namatay ay muling mabubuhay, ang mahiwagang bato ng sapiro ay muling iilaw," napalingon ako sa bato ng sapiro na kaniyang sinasabi. Lumangoy ako palapit doon at nanliit ang mga mata nang makita ang nakaukit sa batong iyon.
Isang ulap.
"Para sa iyo ang batong iyan, mahal na prinsesa. Iyan ang iyong magigising susi upang muling mabuhay ang kaharian. Ngunit iyong tandaan na nalalabi na lang ang oras mo upang maligtas ang ating kaharian, sa oras na dumating ang araw ng kamatayan ng iyong mga magulang, ang lahat ng bagay na nagsisimbolo ng Glaceviere ay maglalaho. Maging ikaw, aming prinsesa," tumayo ang aking balahibo dahil sa sinabi niyang iyon.
"P-paano ko maililigtas ang kaharian?" Tanong ko, nagbabaka sakaling mahanap ko ang hinahanap kong sagot. Kung naasan ang puntod na sinasabi ng mga Unidh.
"Ang tunay na puntod ng iyong amang hari at inang reyna, iyon ay nasa lugar kung saan orihinal na nakatayo ang ating kaharian. Ngunit bago mo puntahan iyon, siguraduhin mong nasa iyo ang lahat ng mga bato. At siguraduhin mong walang nakaaalam tungkol sa misyon mong ito," paliwanag niya sa akin at napatitig ako ng diretso sa kaniyang mga mata. "Nakasalalay rito ang buhay ng ating kaharian, ang buhay ng mga mamamayan, at buhay mo, mahal na prinsesa."
Napatingin akong muli sa batong umiilaw at dahan-dahan iyong kinuha saka tinitigan nang mabuti. Ngunit kaagad na napaiwas nang magliwanag iyon dahilan upang masilaw ako.
"Ang malakas na pag-ilaw ng mahiwagang sapiro ay pagbibigay hudyat sa aking mga kauri na nasa kamay mo na ang bato, mahal na prinsesa," hinawakan niya ang braso ko at napatingin naman akong muli sa kaniya. Nagulat naman ako nang yumakap siya sa akin ng mahigpit. "Ipagdarasal ko ang iyong kaligtasan, kamahalan. Sa oras na iyong kailangan, tawagin mo ang aking pangalan, at ako'y darating."
"Maraming salamat," ngumiti ako sa kaniya at muling lumangoy papunta sa ibabaw. Tumalon ako ng mataas sa tubig at nagpaikot sa ere, bumagsak naman ako sa mga bato na bumalik na sa aking dating anyo.
Inilagay ko sa aking lagayan ang bato at muling bumalik sa dalampasigan at natagpuan doon si Darren at nakatayo habang seryosong nakatingin sa malayo. Lumapit ako sa kaniya at pinisil ang kaniyang ilong at natawa naman siya saka gumanti. Tinakbuhan ko naman siya ngunit mas mabilis siyang tumakbo kaysa sa akin dahilan upang maabutan niya rin ako kaagad.
"You naughty girl, where have you been?" Iniharap niya ako sa kaniya at natawa lang naman ako dahil mukhang nag-alala talaga siya.
"Doon sa ilog, may tiningnan lang," nginitian ko siya at nag-puppy eyes. Nakita ko naman ang paglunok niya at kaagad na umiwas ng tingin, tumawa ako ulit at tinakbuhan siya ulit. Napatigil naman ako nang makita ang isang malaking ulap sa kalangitan, batid kong malayo iyon dito ngunit kitang-kita ko nag pagkabuo noon. Hindi din iyon gumagalaw gaya ng ibang ulap.
"That's another kingdom, if you're looking at the clouds. Every heavy and big cloud like that is part of the kingdom. But that largest one has the palace," turo ni Darren sa ulap na tinititigan ko. Pasimple akong napatingin sa ibaba at napahawak sa mga bato ng mabilis. "Why? Does your foot hurt?"
"A-ah, hindi. May naalala lang ako," nginitian ko lang si Darren at muling tumingin sa ulap na iyon. Nagulat naman ako ng biglang yumakap sa akin si Darren mula sa likod, napalunok ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na kuryente ang dumaloy sa aking katawan. "D-darren? Sa tingin mo, maaari ba nating mabisita ang ulap na iyon? Baka may mahanap tayong kasagutan,"
"Great! That's what's dad's plan, actually. He's just worried that Master Julian won't be happy with it, because, you know..." napalingon ako kay Darren. Pinagtaasan ko siya ng kilay na para bang sinasabi kong ituloy ang sasabihin niya. "Forget about it, It's nothing important."
"Am I missing something?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at ng akmang hahawak siya ay itinulak ko siya palayo. "What si it Darren? Speak up!"
"I'm too tired to talk about it, maybe next time," tinitigan niya ako ng diretso sa mata pero kaagad akong umiwas. Tuwing lumalapit siya ay tinutulak ko siya palayo, hindi ko maintindihan. Bakit kailangang itago pa niya sa 'kin ang bagay na 'yon? Mahalaga ba 'yon? Bakit hindi ko dapat malaman!
"You're too tired to tell but still able to tell me you're tired to talk about it? Why can't you just tell!" Napalakas ang boses ko, hindi ko inaasahan iyon pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi talaga siya nagsalita, tinitigan niya lang ako na parang isang bata. "Fine. Then don't speak to me because 'you're too tired'."
"Airish! Hey!" Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang hindi ko naririnig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako, hindi ko ba talaga dapat malaman 'yon? Hindi ba ako katiwa-tiwalang tao? "Airish! Alright, I'll tell you!"
Hindi ako tumigil sa paglalakad, binilisan ko pa ang paglalaad ko hanggang sa hindi ko namalayan na naabutan na ako ni Darren at kaagad niyang hinawakan ang braso ko ng mahigpit. Hinila niya ako palapit sa kaniya at mahigpit na yumakap sa akin na tila ba ayaw na niya akong pakawalan.
"Master Julian have a late wife that he kept secret for years. His wife was the daughter of the late King Weinard II, the whole kingdom was against with their romance. But horrible thing happened when Master Julian's wife got pregnant. But, not the 'horrible' thing. The bad thing was that, his wife was stabbed directly on the womb by her own father, in front of Master Julian, inside the palace. And you know what made him feel worse? Master Julian was there, helpless and only do was crying, and what's the worse of the worst thing? Master Julian wasn't the father of the child..." kwento na darren habang nakayakap sa akin, hindi ko naman namalayan na lumuluha na pala ako.
I never knew Lolo Julian had been through a lot. I bet it feels hell being cheated on. Nasaktan nga ako sa kwento nila, paano pa kaya kay Lolo Julian na siya mismo ang nakaranas?
"You could've just told it earlier and we would'nt be in so much drama," bulong ko kay Darren at mahigpit na yumakap sa kaniya. I don't know, but I feel safe inside his embrace. I feel strong inside his arms. "Darren, what have you done to me..." Bulong ko na halos wala ng boses.
"What? Did you say something?"
"Sabi ko, what are we going to do next, hehe," pagsisinungaling ko. Nakakahiya naman kapag sinabi ko sa kaniya 'yon! Hindi ko alam kung naintindihan niya 'yong sinabi ko pero sana naman hindi. Ayaw ko namang magmukhang nababaliw na sa kaniya, kasi hindi naman. Hindi, talaga.
"Let's go back, ang bilis mo maglakad. Ang layo ng narating natin," hinila na ako ni Darren pabalik at natawa na lamang naman ako. "Masaya ka na naman? Para kang tanga, ang bilis naman ng mood swings mo," saad niya na puno ng sarkasmo.
"Habulin mo 'ko!" Tinakbuhan ko ulit siya at tumatawang tumakbo pabalik s akung saan kami kanina nanggaling. At nakita naming naroon na ang apat naming kasama, may dala silang mga pagkain. "So, saan na po tayo pupunta ngayon?"
Napatingin naman sina Tito Bruno, Tita Daniella at Loira sa ulap na tinitingnan ko kanina at napatingin din naman si Lolo Julian sa direksyong iyon. Napatayo naman si Lolo Julian at akmang kokontra pero inunahan ko na siyang magsalita.
"Parang ang ganda po roon, 'no? Tara, pumunta tayo roon! Feeling ko, maganda ang view mula sa itaas!" Nakangiting saad ko at hindi naman na nakapagsalita pa si Lolo Julian. Bumaling ako kay Lolo Julian at nginitian siya, "Ano po sa tingin mo, Lolo? Maganda po roon, hindi ba? Tara po, puntahan natin iyon!"
"A-ah, oo, m-maganda nga siguro doon..." Tanging naisagot ni Lolo Julian at nagpeke ng ngiti saka muling umupo sa tabi ni Tito Bruno. Napatingin naman ako kay Darren at tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay, tinawanan ko naman siya at muling tumingin sa ulap na iyon.
Kaya, maganda nga ba roon? Suguro ay kitang-kita na roon ang maraming lugar dahil sa taas ng posisyon ng ulap na iyon. Umupo ako sa tabi ni Darren at kumuha ng mansanas upang kainin. Nanatili akong nakatingin sa mga ulap at nagulat ng biglang may maramdaman akong malamig na bagay sa hita ko. Pasimple akong tumingin sa ibaba at nakita ang kulay asul sa ilaw.
"Sandali lang po... Iihi lang ako," Kaagad akong tumayo at pumunta sa likod ng isang malaking bato saka binuksan ang lalagyanan ko ng mga bato. Nakita kong umiilaw nag sapiro, napakunot ang aking mga noo at kinuha iyon mula sa aking bulsa at tinitigan iyon. Nanliit ang aking mga mata at doon ko lamang napagtanto, magkaing hugis ang nakaukit sa bata at ang ulap na tinitingnan ko kanina.
I put the sapphire back on my pocket and secured it again so that it wouldn't fall. Umayos ako ng tayo at nagulat nang makita ang isang anyo ng tao mula sa malayo. Nakatayo siya sa likod ng mga puno, napalunok ako. I put my hands over the enchanted rocks and turn around to go back to my friends with my heart tumbling.
My heart is racing, and now, it's not because of Darren. It's now because of the worry that somebody saw me holding the rocks, it's now because of dread that our life would be in danger once again.
————
princemattrionixx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top