19
XIX: South
THIRD PERSON'S POV
MAHIGPIT na nakayakap lamang si Darren sa natutulog na si Airish habang iniisip kung paano sila makakataas muli. Tumingin siya sa kanilang pinanggalingan at nakita kung gaano iyon katarik, hindi nila magagawang umakyat muli sa lagay nila ngayon. Pareho silang sugatan, at namamanhid ang binti ng binata dahil sa tumama iyon sa isang matigas na bagay habang sila'y gumugulong paibaba.
"Argh..." Sinubukang igalaw ni Darren ang kaniyang katawan, at ginawa niya iyon nang maingat upang hindi magising si Airish na natutulog sa loob ng kaniyang mga bisig.
Nang maging kumportable si Darren sa kaniyang puwesto ay sinubukan niyang pailawin nang malakas ang kaniyang mga kamay upang humingi ng saklolo, ngunit hindi niya iyon nagawa dahil sa kakulangan ng lakas. Ngunit kahit na nanghihina, sinubukan ni Darren ang lahat ng kaniyang makakaya upang mahanap sila ng kanilang mga kasama.
Ipinikit ni Darren ang kaniyang mga mata at muling yumakap ng mahigpit kay Airish, unti-unting umangat ang mga bulok na dahon na nasa lupa at nagumpisa iyong magpaikot-ikot sa kanila. Hanggang sa unti-inting dumami pa ang mga dahon at umikot iyon ng parang buhawi hanggang sa mas mataas na nag mga iyon sa mga puno. At nang makarating ing mga bulok na dahon sa himpapawid, bumuo ang mga iyon ng isang napakalaking arrow kung saan nagtuturo sa kinaroroonan nilang dalawa.
Tumagal ng ilang minuto ang mga dahong iyon sa himpapawid, hanggang sa hindi na nakayanan ni Darren at sabay-aabay na bumagsak ang mga dahon na iyon sa kaniyang dalawa. Humihingal si Darren nang magawa niya iyon, kinailangan niya ng enerhiya upang magawa iyon, at ngayon ay nanghihina na ang kaniyang katawan.
Sa sandaling iyon, walang nagawa si Darren kundi ang lumuha habang dinadaing ang sakit ng kaniyang katawan. Nanatili siyang nakayakap nang mahigpit sa dalaga at umaasahang may nakatanggap ng kaniyang mensahe.
-**-
SA KABILANG BANDA, nananatiling nakatayo ang apat na matatanda habang iniisip kung paano nila mahahanap ang dalawa. Masyadong malawak ang kagubatan na iyon, at maraming malalaking puno. Mahihirapan silang hanapin ang dalawa, at isa pa, medyo madilim din sa loob ng gubat. Dahil hindi gaanong nakakapasok ang sikat ng araw dahil sa mayayabong na puno.
"Hahanapin namin silang dalawa, kayo ay manatili rito," saad ni Loira, saka hinila si Master Julian palapit sa kaniya. Tumango naman ang mag-asawa at hindi na nagsalita. "Magbantay kayo ng paligid talasan niyo ang inyong paningin, pang-amoy, pandinig, at maging pakiramdam. Kapag may nangyaring masama, maghatid kayo ng mensahe, at ganoon din kami sa inyo."
"Makakaasa kayo," tumango si Bruno at niyakap ang asawa na ngayon ay hindi na mapakali dahil sa pag-aalala. Tumalikod na ang dalawang salamangkero at pumasok sa madilim na kagubatan. "H'wag ka nang umiyak, sigurado akong ligtas silang dalawa. Huwag kang mag-alala, hindi naman lingid sa iyong kaalaman ang kakayahan ng dalawang bata, hindi ba? Magtiwala ka sa kanila."
Pilit na pinalalakas ni Bruno ang loob ng kaniyang asawa, kahit na ang totoo, maging siya ay nag-aalala. Alam niya kung gaano kapanganib sa lugar na ito. Hindi naman sa minamaliit niya ang kakayahan ng dalawang bata, ngunit, batid niyang hindi pa sapat ang kaalaman ng dalawa upang harapin ang kung ano man ang haharang sa kanilang daan.
Magkayakap silang nakatingin lamang sa kagubatan habang hinihintay ang pagbalik ng dalawang salamangkero kasama ang kanilang anak at ang prinsesa. Mayamaya pa ay biglang may kalapating lumilipad palapit sa kanila, itinaas ni Bruno ang kaniyang kamay at humapon naman ang ibon sa kaniyang kamay.
At sa pagdapo ng kalapating iyon, biglang may nakita silang mga bagay na lumulutang sa kalangitan. Kumunot ang kanilang mga noo at pinanood ang mga lumulutang na mga kung anong bagay mula sa malayo hanggang sa bumuo iyon ng napakalaking hugis palaso. Hindi nila alam kung kanino nanggaling ang bagay na iyon ngunit tila iyon ay tumuturo sa kung saang direksyon.
Hindi sila sigurado kung para saan iyon ngunit kaagad na gumawa ng paraan si Bruno upang mapuntahan ang kugar na iyon. Itinanim niya sa kaniyang isipin kung saan nakalagay ang palaso na iyon, tila ba ay kinuhanan niya iyon ng litrato dahil nanatili iyon nang matagal sakaniyang isipan. Hinila niya ang kaniyang asawa palayo, si Daniella naman ay hindi maintindihan ang nangyayari.
Nang may Wyvern silang makita mula sa malayo, kaagad silang lumapit sa mga iyon at hinayaang pumili ang mga Wyvern kung sino ang kanilang masasakyan ngayong araw. Nang bigyan si Bruno at Daniella ng balahibo ng dalawang Wyvern, ay kaagad silang sumakay at ang tanging nagawa ni Daniella ay sumunod sa kaniyang asawa.
Dahil sa matalas na memorya ni Bruno, kaagad nanatili sa kaniyang isipan na para bang isang litrato ang kinaroroonan ng hugis palaso kung kaya't hindi sila nahirapan. Nang makabalik sila ay wala na ang palasong iyon, kaya't ang tanging gabay lamang si Bruno ay ang kaniyang isipan.
Nang ma-kalkula niya sa kaniyang isip ang kinalalagyan ng palasong iyon, unti-unting bumaba sa lupa sina Bruno at Daniella. At sa kanilang nilapagan, mayroong isang bangin, limang metro ang layo mula sa kanila na hindi pansin sa himpapawid dahil sa mayayabong na puno.
Nakita nilang dalawa nag nagkalat na mga dahon, at napansin nila ang paggalaw sa ilalim ng bunton ng mga dahon. Kaagad silang lumapit doon at nakita ang dalawang bata. Hindi maipaliwanag sa kanilang puso ang sayang kanilang nadama nang makitang ligtas ang kanilang anak at ang prinsesa. Ngunit, hindi naman nakaligtas sa kanilang mga mata ang mga sugat ng dalawa sa kanilang binti, braso at iba pang parte ng katawan.
"Argh..." Daing ni Darren nang bahagyang galawin ng ama nito ang binti ng binata. Kaagad namang tumigil si Bruno dahil sa kaniyang narinig, kailangan nila ng tulong. Naisip niyang, siguro, baka magkaroon pa ng ibang kumplikasyon kapag sinubukan niyang galawin ang dalawa. "D-dad?"
Nakapikit pa rin si Darren, hindi niya inimumulat ang kaniyang mga mata dahil hindi niya gustong makita ang nag-aalalang mata ng kaniyang mga magulang. Lalo na kapag nakita niya ang kaniyang inang lumuluha, tila ay hindi niya kakayanin kung makita niya ang kaniyang mga mahal na magulang na nasasaktan at nag-aalala ng husto sa kaniyang kalagayan.
SAMANTALA, sa kabilang banda, ang dalawang salamangkero ay patuloy pa ring naghahanap sa dalawang bata. Padilim na nang padilim sa kanilang dinaraanan, at nahihirapan na silang maaninag ang paligid. Hindi naman gumagana ang kanilang salamangka, dahilan upang mamuo ang kakaibang takot at kaba sa kanilang isipan.
"Sa tingin ko ay mas'yado nang malayo ang ating narating, Master Julian. Sa aking palagay ay dapat na bumalik tayo sapagkat delikado na sa parteng ito ng gubat, dumidilim na rin dito, hindi natin alam kung ano ang makakasalubong natin sa daan," saad ni Loira na puno ng pag-aalala sa kaniyang tinig.
"Kailangan nating mahanap ang mga bata, mas nanganganib sila habang tumatagal sa loob ng gubat," sagot ni Master Julian at hindi naman nakasagot si Loira dahil totoo naman ang sinabi ng matanda, ngunit, nangangamba siya sa kanilang kaligtasan. "Kung ang pagkalagay ko ay peligro ay ang makaliligtas sa kanila, handa akong malagay ang peligro."
Ngunit kay Loira, hindi ganoon ang kaniyang pananaw. Dahil naniniwala siya na ang lahat ng bagay ay masusulusyunan ng walang nagsa-sakripisyo. Hindi niya gustong may malalagay sa panganib upang iligtas ang isa pa, gusto niya ay lahat masaya. Gusto niya na kahit papaano, magkaroon ng masaya at payapang buhay ang lahat.
Sa paraang nagsa-sakripisyo ang isa, natitiyak ni Loira na magpapahinga nang mahimbing ang nag-sakripisyo, ngunit hindi ang iniligtas. Sapagkat kakainin ng konsensya ang taong iyon, kahit na hindi naman niya kasalanan. At iyon ang ayaw ni Loira, ayaw niyang mamuhay ang kaniyang kapwa sa kalungkutan at pagkasawi. At bukod doon, nais niya pang masilayang muli ang pagsilay ng kanilang kaharian.
"Master Julian, sa aking palagay ay hindi na ligtas kung magdidire-diretso tayo, kanina pa pababa ang ating dinaraanan, hindi natin alam kung saan na ito patungo," nag-aalangang pagbasag ni Loira sa katahimikan. Hindi niya kabisa ang gubat na ito, ngunit natitiyak niyang mayroon ditong malalim na bangin, at ang mahulog doon ay hindi na muling nakakaahon.
"Kailangan nating mahanap ang Batang Synthus at ang prinsesa," saad ni Master Julian na puno ng paninindigan. Hindi naman na nakapagsalita si Loira sapagkat alam niyang hindi na niya mapipigilan pa ang Master sa desisyon nito.
Hindi gumagana ang kanilang mahika, at iyon ang isa pa sa kaniyang ikinababahala. Huminga ng malalim si Loira at pilit na nagdarasal sa lahat ng bathala, sa mga diyosa, at maging sa Helluxious na alam niyang palaging nakikinig. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang mahaba at makapal na bestida, at sumunod lang sa master habang nagdarasal sa kaniyang isipan.
*****
AIRISH
"Mahal kong Helluxious, kami ay iyong patnubayan sa aming paghahanap. Aking nababatid na mapanganib sa gubat na ito, kaya't aking pinagdarasal ang aming kaligtasan. Kailangan naming mahanap ang prinsesa at maging ang binatang Synthus, sana po ay iyong dinggin ang aking panalangin."
Napabalikwas ako dahil sa boses na iyon at huminga ng malalim. Nakayakap pa rin sa akin si Darren habang nasa harapan naman namin ang kaniyang mga magulang. Sinubukan kong tumayo ngunit bigla rin akong natumba dahil sa pamamanhid ng binti ko. At doon ko lamang napansin ang mga sugat sa aking katawan. Napatingin naman ako kay Tito Bruno at sa kaniyang asawa.
"Sina Lolo Julian at si Loira, nanganganib ang kanilang buhay," kaagad na saad ko habang diretsong nakatingin sa kanilang mga mata. Napakunot ang kanilang noo ngunit hindi na sila nagsalita, siguro ay naguluhan sila sa aking sinambit ngunit naintindihan din nila kaagad iyon. "Kailangan natin silang iligtas,"
Hindi pa sapat ang lakas ko upang puntahan sila ng agaran, at hindi pa lalong sapat ang aking lakas at kakayahan upang padalhan sila ng bagay na magpo-protekta sa kanila. Ang aking tanging pag-asa ngayon ay ang pag-aanyong Helluxious upang makalipad ako papunta sa kanila. At isa pa, ang Helluxious lamang ang nakakaalam kung nasaan sila ngayon.
Napatingin ako sa sugat ko, hindi ko pa kayang pagalingin ang mga sugat ko kaya sapat na lakas lamang ang aking kailangan. Hindi naman gumagamit ng paa ang Helluxious, hindi naman siguro maapektuhan ng manhid kong paa ang kaniyang paglipad, hindi ba?
"Hahanapin ko sila–" pinigilan ko si Tito Bruno.
"Nasa madilim na parte po sila ng kagubatan, at hindi po gumagana ang kanilang mahika. Sa oras na puntahan mo po sila, mawawalan ka rin ng kakayahan at hindi mo rin po sila maililigtas," napatigil si Tito Bruno, marahil ay hindi niya naisip iyon. Ngunit, hindi ko rin naman iyon kaagad naisip. Kung hindi gumagana ang mahika sa lugar nila, ibig bang sabihin ay mawawalan din ako ng kakayahan sa loob ng gubat na iyon?
"The only way is there." Itinuro ni Darren ang itaas. Kung makakataas kami, madali ko silang mahahanap at magagawan namin ng paraan upang makaligtas sila. "But we don't have enough Wyverns to fly,"
I whistled, and the Wyverns immediately walks towards me. Hinawakan ko silang dalawa at tinitigan sila ng diretso sa kanilang mga mata. Can the two of us ride in one? I tried to use telepathy, and it seems like it's working. They both blinked and sparkly glitters came out of their eyes.
"I'll take that as a yes," ngumiti ako at nagulat nang abutan ulit ako ng isang wyvern ng isang balahibo, at kulay lila iyon ulit. Muli naman akong napangiti at tumingin kila Tita Daniella. "Maaari niyo po ba akong tulungang tumayo at makasakay? Sa aking palagay, pumayag na sila sa aking kahilingan."
Tinulungan ako ni Tita Daniella na tumayo, at nagulat pa ako nang bahagyang ibinaba ng mga Wyverns ang kanilang katawan upang makasakay kami ng maayos ni Darren. Magkaiba ang sinasakyan namin ni Darren dahil hindi naman namin kaya ng kaming dalawa, pareho kaming nanghihina. Si Tita Daniella ang kasam ako, at si Tito Bruno ang kasama ni Darren.
Nang makataas kami sa himpapawid ay doon ko nakita kung gaano kalaki at kalalim ang bangin na nakita namin kanina. Sa ibabaw ay maliwanag dahil sa araw, ngunit makikita mo naman sa ibaba kung alin ang madilim na bahagi. Sa aming pinanggalingan ay bahagyang makakalayo ang mga puno, mayabong ang dahon ngunit nakakapasok pa rin ang liwanag.
Tumingin ako sa paligid, at muling ibinalik ang tingin sa kung saan madilim ang bahagi. Napahinga ako ng malalim at inalala ang mga nabas ako sa libro na nasa bahay ni Lolo Julian at nila Darren. At sa naalala kong iyon, hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa.
Ngayon, kami ay papunta sa Timog. Nanggaling kami sa Kanluran at ngayon ay nasa pagitan na kami ng dalawa. At ang madilim na bahagi ng gubat, ang pagkawala ng mga mahika, sa tingin ko ay iyon ay isang salamangka na ginawa ng isang napakalakas na salamangkero. Ngunit, bakit naman kailangang lagyan ng salamangka ang gubat?
Nagulat ako ng biglang tumigil ang mga Wyvern, eksakto kung saan unti-unting nagdidikit-dikit ang mga puno. Isiningkit ko ang aking mga mata at pinagmasdang mabuti ang aming harapan, may isang transparent barrier na humaharang sa mga Wyvern. Ngunit base sa aking paningin, maaari kaming makatawid at hindi ito makakapigil sa kahit na sino.
Sa tingin ko ay iyon ang naghaharang upang hindi kumalat ang salamangka na inilagay sa parteng ito ng gubat. Dahil kung ating titingnan, sa kabilang banda ay magkakalayong muli ang mga puno. Kaya aking nababatid na ito lang ang parte ng gubat na may salamangka, at madilim. Tumingin ako s akanan, at napalunok nang makita ang mas kumipot na bukana ng bangin.
"Mahal kong Helluxious, kami'y iyong tulungan. Ako'y nagmamakaawa, ang Master Julian ay hindi inaasahang nahulog sa makipot na bangin. Ako'y nagmamakaawa, tulungan mo kami."
"NO." Bumihilis ang tibok ng aking puso at napalingon naman sila sa akin dahil sa bigla kong pagsasalita. "Nahulog si Lolo Julian sa bangin, kailangan natin siyang tulungan!"
"What?!" Nanlalaki ang mga mata na saad ni Darren, napatingin naman siya sa bangin at nakita ko pa nag kaniyang paglunok.
"Hindi maaari!" Akmang tatalon si Tito Bruno sa ibaba ngunit pinigilan ko siya, pinigilan din siya ni Darren. "Kailangan kong tulungan ang Master Julian! Sila ay nanganganib, wala ng ibang tutulong sa kanila!"
"Mayroon pang tutulong sa kanila!" Sigaw ko sa kaniya pabalik at hindi naman na mapakali si Tito Bruno para sa kaligtasan ng aming mga kasama. "May magliligtas sa kanila, kumalma kayo! Walang aalis sa Wyvern hangga't hindi tayo nakakababa sa lupa ng ligtas!"
"Sino? Sino ang magliligtas sa kanila! Kailangan nila ng tulong at tayo lamang ang nakaaalam sa kanilang pinaroroonan! Tayo lamang ang narito!" Saad ni Tito Bruno na mas lumakas ang boses at pilit naman siyang pinapakalma ni Darren.
"May magliligtas pa sa kanila... Dahil narito pa ako," nagpakahulog ako sa Wyvern at kaagad na nag-anyong ibon nang makababa. Pumasok ako sa gubat na iyon at sinusog ang gilid ng bangin upang makita sila, at mula sa malayo, nakita ko si Loira na nakikipagtagisan sa mga kung anong nilalang.
Nilapitan ko si Loira at inibarang ang sarili sa mga kakaibang nilalang na iyon dahilan upang makapaglikha ako ng nakasisilaw na liwanag sa madilim na kagubatan. Tiningnan ko sa mata si Loira at nakita ko ang galak sa kaniyang mga matang maluha-luha.
"Mahal kong Helluxious, dininig mo ang aking panalangin, maraming salamat," nakangiting saad niya habang naluluha at ang tanging naging sagot ko ay ang pagbuka ko ng aking pakpak.
Kaagad akong lumipad palayo at tinungo ang loob ng bangin habang umiilaw ang aking katawan. Pilit kong nilipad hanggang sa pinakailalim ng bangin at napatigil nang marinig ang agos ng tubig. Hindi...
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinanap kung nasaan man si Lolo Julian, nilipad ko ang daan papunta sa aking kaliwa at nagpatuloy doon habang lumalabas sa aking isipan si Lolo Julian na pilit na pinalulutang ang sarili sa malakas na agos ng tubig. Binilisan ko ang aking paglipad at sinususog ang mga daan na lumalabas sa aking isipan.
"Tulong! Tulong–"
Pinaliwanag ko pa ang aking sarili at doon nakita si Lolo Julian na nahihirapan sa kaniyang sarili. Akmang lalapit na sana ako sa kaniya upang dakpin ang kaniyang mga kamay ngunit biglang may kung anong enerhiya ang pumasok sa aking katawan dahilan upang manghina ang aking sistema at unti-unti akong bumalik sa aking pagkatao habang bumabagsak sa rumaragasang sagos ng tubig.
Pumailalim ang aking sarili sa malalim na tubig, madilim doon, ngunit kota ko ang mga malalaking bato sa gilid, at maging ang mga nilalang na nagtatago sa mga batong iyon.
"Tulong..." Saad ko habang nasa ilalim ng tubig dahilan upang bumula ang aking bibig at mapasukan ng tubig. Nakita ko namang lumalangoy na palapit sa akin ang isang nilalang na may buntot ng isda saka mahigpit na niyakap ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at naramdaman hinihila na niya ako papunta sa itaas.
Napasinghap ako nang makarating kami sa ibabaw at narinig ang boses ni Lolo Julian na nag-aalala at naramdaman ang paghaplos ng makinis na kamay sa aking mukha. Hindi ko na nagawa pang imulat ang aking mga mata, nanghihina ng muli ang aking katawan. Hindi ko alam kung anong bagay iyon, ngunit, may bagay na dumadaloy sa aking mga ugat.
At ito, ito ay magiging alaala na hinding-hindi ko na malilimutan. Ang aking unang alaala rito sa Timog, at tiyak na tatanim ito sa aking isipan hanggang sa magwakas ang aking buhay.
"Airish Solene..." dinig kong saad ng isang matamis na tinig, mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin at maraming makinis na kamay ang dumahaplos sa aking braso at pisngi, at humahawi sa aking buhok. "Airish Solene. Aming prinsesa. Maraming salamat at ligtas ka."
At sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon, kasabay noon ang unti-unting pagbuo sa aking utak ng isang bagay. Isang bagay na hindi ko alam kung paano napunta sa aking isip.
————
princemattrionixx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top