17

XVII: Back on Track
AIRISH

SINABI ng babae na rito na kami magpalipas ng magdamag dahil magdidilim na rin naman daw at hindi pa maayos ang pakiramdam ni Darren. Sumangayon ang mga kasama ko kaya sumang-ayon na lang din ako. Ayaw ko rin namang magpagabi sa gitna ng gubat.

Iisa lamang ang kama rito, at iyon lamang ang nahihigaan ni Darren. Sinasabi nilang tumabi na lang ako kay Darren, pero, hindi ako sanay na may katabi sa higaan... na lalaki. Kahit naman kasi inaalila ako ng walang hiya kong tiya ay hindi ko namang naranasan na tumabi sa ibang tao kapag matutulog.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras, may orasan dito, hindi ko man maintindihan pero nasa gitna ang isang kamay kapag nag-assume na lamang ako na hatinggabi na. Habang nakatitig ako sa kakaibang orasan na iyon ay biglang may narinig akong ungol sa tabi ko kaya napalingon ako, si Darren.

Nakaupo ako sa tabi niya, at hindi makatulog. Bukod sa hindi ako nakararamdam ng antok ay naiilang akong humiga sa tabi niya. Makapal ang mukha ko pero hindi naman ganoon kakapal.

"Ayos ka lang? Darren?"

"Airish... Mmm..." Saad niya na halos bulong na lamang. "A-are you there? I-is that y-you?" Nakapikit pa rin siya pero bigla kong  naramdaman ang paglapat ng kamay niya sa hita ko. Kaagad kong inalis ang kamay niya at hinawakan lamang iyon ng mahigpit.

"Hmm.. It is me..." Malambig na saad ko at naramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya rin sa kamay ko. Inigalaw niya ang kaniyang ulo at isinandal iyon sa aking nagiliran na parang isang sanggol na nilalamig. "May masakit ba sa 'yo? Nagugutom ka ba?"

"H'wag mo 'ko iiwan..." Mas humigpit ang paghawak niya sa kamay ko at hindi naman ako kaagad nakasagot. Napalunok ako at inisip kung tama ba ito, kung tama ba na yumakap siya sa akin ng ganito. "Airish... H'wag mo 'kong iiwan... Dito ka lang..."

"S-sandali, i-ipaghahanda kita ng pagkain..." saad ko at sinubukang kumawala sa kaniya ngunit mas humigpit pa ang kapit niya sa akin. Napalunok ako at napatitig sa ulo niya habang hindi mapakali dahil sa bilis ng tibok ng aking puso. Mali... Hindi niya dapat ito ginagawa... "D-darren, kukuha lang ako ng pagkain. Hindi kita iiwan, pangako..."

Hindi siya sumagot at unti-unti naman siyang kumawala sa akin. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa maliit na kusina upang ipagsandok siya ng mainit na sabaw. Hindi ko alam kung anong luto ito, ngunit masarap siya. Para lamang siyang sinabawang baboy ngunit alam ko naman na hindi ito baboy.

Bumalik ako sa kama at saglit ko munang ipinatong sa maliit na mesa sa gilid ang mangkok upang tulungan si Darren na makaupo. Umupo ako sa tabi niya sa paraang nakaharap ako sa kaniya, batid ko namang nanghihina ang katawan niya kaya tutulungan ko na muna siyang kumain.

"Kumain ka," saad ko at unti-unti naman niyang ibinuka nag bibig at marahan ko namang isinubo sa kaniya ang kutsara na may sabaw at gulay. Nakatitig lamang siya sa akin kaya naiilang ako, iniwasan ko na lamang na salubungin ang titig niya at tinulungan siyang kumain hanggang sa maubos niya iyon. "Sige na, matulog ka na ulit..."

"D-dito ka lang..." Bakas sa kaniyang boses ang pakikiusap at hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Ramdam kong nakatitig pa rin siya sa akin, bakit, bakit kailangan niya pa akong titigan sa ganoong paraan?

"Iinom lamang ako ng tubig," mabilis akong tumayo at bumalik sa maliit na kusina saka uminom nga ng tubig. Napahawak ako sa aking dibdib at napatingin kay Darren na nakatitig ngayon sa kawalan. Nagagawa naman naming maging malapit dati ng walang ilangan, ngunit, bakit iba ngayon?

Dahan-dahan akong naglakad pabalik kay Darren at nag-aalangang tumabi sa kaniya habang nakaupo. Naramdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko at maging ang mahigpit niyang pagkapit sa kamay ko. Napatingin ako sa aming mga kamay at hindi ko namalayan na nag-iiinit pa pala ang aking mga mata, hanggang sa lumabo iyon dahil sa mga luhang namumuo.

"Airish... Galit ka ba sa 'kin?" Tanong ni Darren na bakas sa boses ang sakit. Mariin akong napapikit at pinunas ang tumulong luha saka napalunok. Hindi ko alam... Galit ba ako sa kaniya? Bakit ba nagkaka-ganito ako? Maayos naman kami bago mangyari ang bagay na iyon ngunit bakit nangyayari ito?

"H-hindi, ano ka ba. Pagod lang s-siguro ako..." tugon ko kahit na hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan, kung bakit ako nagagalit, kung bakit halo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Maging ako ay nalilito, pero, naong magagawa ko? Hindi ko naman kayang sagutin ang sarili kong mga tanong. "Matulog ka na, mahalagang mabawi mo kaagad ang iyong lakas. Magpapatuloy tayo sa paglalakbay bukas, sa aking pagkakaalam."

"Maaari bang matulog akong katabi ka?" Tanong niyang muli at hindi naman ako nakasagot. Tinulungan ko na lamang siyang humiga saka kinumutan siya dahil baka lamukin siya sa pagtulog... kung may lamok man dito. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa kaniya at nagulat naman ako ng hilahin niya ako dahilan upang mapaupo ako sa tabi niya. "Dito ka lang..."

Tumabi na lang ako sa kaniya sa higaan at tumalikod sa kaniya habang yakap-yakap ang sarili. Hindi ko namalayan ang namumuong luha sa aking mga mata hanggang sa tuluyan iyong tumulo. Mariin akong napapikit at mahigpit na niyakap ang sarili habang pinipigilan ang sarili na humikbi.

Ngunit habnag nasa kalagitnaan ako ng pagluha ay may kakaibang liwanag akong naaninag mula sa labas. Pinunas ko ang aking mga luha at dahan-dahang tumayo upang hindi magising si Darren. May liwanag na nanggagaling sa labas na pumapasok sa nakabukas na bintana. Lalong napakunot ang aking noo nang marinig ang mga tawanan sa labas.

Marahan akong naglakad at ibinukas ang pinto at doon nakita ang maliwanag na paligid. Nakita ko rin ang apat na matatanda sa itaas ng isang malaking puno. Isang tree house na walang dingding, mayroon lamang iyong bubong at sahig. Nagtatawanan sila at tila hindi naman nila napansin ang paglabas ko sa bahay.

Tumingala ako at nakita ang buwan na hugis gasuklay, napahinga ako ng malalim at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ang mga tala ay nagniningning sa kalangitan kasama ang buwan, at hindi ko namalayan na unti-unti na akong ngumingiti. Bahagya lamang iyon, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang ngumiti katulad ng dati. Nagagawa ko pa namang tumawa kaninang umaga.

"Ano bang nangyayari sa akin?" Bulong ko sa hangin habang nananatiling nakatitig sa buwan. Bumuntonghininga ako at umupo sa isang bato saka ipinagpatuloy ang pagtingin sa kalangitan. "Kung sino mang nakaririnig sa akin, maaari mo bang masagot ang aking mga katanungan? Napakagulo na ng isip ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Dapat pa bang ipagpatuloy ito?"

Mayamaya at biglang tumigil ang paligid at nagulat ako nang maramdamang umaangat ako sa aking inuupuan. Lumulutang ako! Biglang may nakasisilaw na liwanag ang nanggaling sa buwan at napatitig naman ako sa napakagandang ibon na lumilipad patungo sa akin. Ang Helluxious.

"Magandang Gabi, Airish Solene." Napangiti ako dahil sa pagbati niya sa akin, bahagya akong yumuko at tinitigan ang ibon diretso sa kaniyang nagliliwanag na mga mata. "Aking napag-alaman na ikaw ay nagugulumihanan sa mga nangyayari? Sa totoo lang, maging ako ay hindi alam kung paano sasagutin ang iyong mga katanungan. Ngunit narito ako upang ika'y gabayan,"

Hindi ako sumagot, hinintay ko siyang magsalita muli. Hanggang sa unti-unti kaming bumaba sa lupa at nagliwanag ang Helluxious dahilan upang mapapikit ako. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko sa harapan ko ang isang babae na aking kawangis. Mas desente nga lang siyang tingnan pero kamukhang-kamukha ko siya. Identical!

"Sa iyong palagay, saan ka naguguluhan? Sa mga nangyayari o sa iyong nararamdaman? Hindi mo masagot ang iyong tanong kung siya ba'y mahal mong tunay o laro lamang. Ngunit hindi tamang ikaw ang maging sanhi ng pagdadalamhati ng isang tao dahil lamang naguguluhan ka sa iyong nararamdaman. Huwag mong sirain ang laruan ng ibang tao upang maayos ang sa 'yo," napatitig ako sa kaniyang mga mata.

Hinawakan niya ang aking pisngi at napalunok naman ako. Siguro, totoo ang sinasabi niya. Naguguluhan nga ako, pero, nasasaktan ko ba talaga siya? Nakakasakit ba talaga ako ng hindi ko nalalaman?

"Huwag mong susukuan ang iyong sarili, dahil hindi ako susuko sa iyo. Kahit na anong mangyari ay narito ako upang ika'y gabayan, mapahamak ang inyong landas na tatahakin ngunit lagi akong nasa likuran niyo. Malayo at delikado ang inyong paglalakbay, kaya't sana, marating niyo ang inyong patutunguhan," ngumiti siya sa akin at hinawi ang mga buhok kong humaharang sa aking mukha.

"Bakit, bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit hindi ko magawang ngumiti? Bakit ako umiiyak ng hindi ko alam ang dahilan?" Tanong ko sa kaniya, nanatili naman ang kaniyang ngiti.

"Hindi mo magawang ngumiti, o ayaw mong ngumiti? Walang salamangkang nakapagpipigil sa pagngiti, Solene. Dahil nasa sa iyo 'yan, ikaw ang makapagko-kontrol sa emosyong iyong nararamdaman. Ngunit, isa lamang ang aking masasabi, huwag mong sisihin ang iyong sarili sa mga bagay na hindi mo naman kasalanan." Muling nagliwanag ang buwan at batid kong kailangan na niyang bumalik. "Sa inyong mabawi ang ating, kaharian, Solene. Sana magtagumpay ka sa pagsubok na ito. Ang pagigising isang maharlika ay may nakaatang na responsibilidad, at iyon ay ang kapakanan ng iyong nasasakupan. Gawin mo ang lahat upang mailigtas ang ating mamamayan, Solene. Gawin mo ang lahat, kahit pa iyon ang magpapadurog sa 'yo, dahil iyon ang tamang gawin bilang isang prinsesa. Bilang isang lider."

Humalik siya sa aking noo hanggang sa unti-unti siyang umangat at muling nagkatawang ibon. Napatitig naman ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.

"At higit sa lahat, huwag mo siyang iiwan. Huwag mo silang iiwan. Dahil alam mo naman ang pakiramdam nang maiwan mag-isa." Unti-unti na siyang lumalayo at nakatitig lamang ako sa kaniya habang lumilipad siya palayo. "Palagi mong tatandaan, kailangan mong bitwan ang pain upang makahuli ng isda."

Tuluyan na siyang kinain ng liwanag ng buwan at nanatili naman akong nakatitig sa kawalan. Bumuntonghininga ako at isinapuso ang bawat katagang kaniyang binitiwan, tama siya. Hindi ko siya dapat iwan, dahil masakit ang maiwan mag-isa. Habang nakatitig ako sa liwanag ng buwan, biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Bakit gising ka pa, Solene? Pumasok ka na sa loob at magpahinga, magpapatuloy pa tayo sa paglalakbay bukas," nakangiting saad ni Lolo Julian at ngumiti na lamang din ako sa kaniya. "Tara na sa loob, lumalamig na rito sa labas, baka ikaw ay magkasakit pa."

Pumasok na kami sa loob at bago pa ako tuluyang makapasok ay sumulyap akong muli sa buwan at napangiti nang bahagya iyong magliwanag na para bang may sinasabi iyon sa akin. Tuluyan na akong pumasok sa loob at napabuntong hininga, napatingin ako sa orasan, kaunti na lamang ay mag-uumaga na rin.

"A-ah, dito na lang po ako matutulog. Ayos lang po sa akin," nakangiti kong saad habang nakaupo sa mahabang upuan. Mukhang hindi pa sila papayag ngunit nagpumilit ako kaya hinayaan na nila akong matulog sa mahabang upuan. "Magandang gabi po, sana ay makatulog kayo ng mahimbing."

Humiga ako at ibinalot ang sarili sa kumot, hindi naman nagtagal at unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na iyong sumara at makatulog na ang aking diwa.

-**-

NAGISING ako dahil sa tawanan na nanggagaling sa kung saan. Kinusot ko ang aking mga mata at nagulat nang makitang nakahiga ako sa isang lumulutang na higaan. Tumalon ako upang makababa at agad namang naglaho ang higaan na iyon nang makababa ako. Pumunta naman ako ng kusina upang maghilamos.

"Magandang umaga, mahal na prinsesa," nakabgiting bati sa akin nila Lolo Julian mula sa salas. Nginitian ko lamang sila at pinagpatuloy ang paghihilamos. Mayamaya naman ay biglang may tumabi sa akin at ramdam ko ang tingin niya, sa amoy pa lamang ay alam ko ng si Darren iyon.

"Good morning, my princess," napalingon ako kay Darren at nginusuan ko lamang siya. Winisikan ko siya ng tubig at natawa na lamang naman siya. Bakit bigla naman yatang ang sigla n niya, parang kagabi lang nanghihina pa siya, ah. At bakit, nadadamay na naman ako sa mga tawa niya? Akala ko ba malungkot ako?!

"Tumigil ka riyan, parang hindi ka nagmakaawang h'wag kitang iiwan, ah," nginishan ko siya at kumuha ng plato upang sumandok ng pagkain.

"H-hindi ko ginawa 'yon!" Pagtanggi naman niya at mapang-asar na nginisihan ko na lang naman siya. "I-ikaw, ah! Gumagawa ka ng mga kwento! Masama 'yan! H-hindi ko naman ginawa 'yon!"

"Sige, kwento mo 'yan, e," nginitian ko siya at nagsandok ng pagkain para sa akin. "Todo tanggi, parang hindi siya yumakap sa akin kagabi na parang bata. Ta's nag-iinarte pa kasi mainit daw 'yong sabaw," bulong ko pa na sinadya kong iparinig sa kaniya. Napalingon naman ako kay Darren at nakita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. "Bakit?"

"I-ikaw, ah, k-kailan ka pa n-natutong magsinungaling?" Bakas ang hiya sa kaniyang mukha at kinindatan ko naman siya. Lalong namula ang kaniyang mga mukha at bahagya na lamang akong natawa saka pumunta sa lamesa upang doon kumain. "H-hindi ko talaga ginawa 'yon! Kung nangyari man 'yon, e, hindi ako 'yon!"

"Sige na nga, napaka-defensive mo naman, bro," natatawang saad ko saka pinagpatuloy ang pagkakain. Napakagat siya sa labi at natahimik naman sa gilid. "Umayos ka nga, para kang tanga. Kumain ka na rin, kailangan mo ng lakasm o baka naman gusto  mong subuan ULIT kita?" Ngumisi ako at napanguso naman siya.

"A-airish!"

"Sige na! Kumain ka na, dami mong drama!" Natatawang saad ko at tinuldok ang matangos niyang ilong. Napanguso naman siya at natawa na lamang ako dahil ang cute niyang tingnan. "I-ready mo na 'yang paa, binti at tuhod mo dahil maglalakbay ulit tayo ng malayo. We'll be back on track, and let's see if there's another creature that will attack you, so that I can feed you again,"

"Airish Solene," namumula na nag kaniyang mukha at natawa na lamang ako. "Isa pa, hahalikan kita," natahimik na ako at pinipigilan ang sariling matawa habang kumakain. Napailing na lamang ako at natatawa na lamang sa aking isip.

I sighed, maglalakad na naman kami. At sa tuwing naiisip ko iyon, nakararamdam ako ng sabik, galak, sakit at takot. Hindi ko alam kung bakit, pero, isa lamang ang dapat kong siguraduhin, kailangan kong i-handang muli ang aking sarili sa iba pang nilalang na aming makakaharap. Kailangan kong i-handa ang aking sarili sa mga susunod pang mangyayari, umpisa pa lamang ito.

Hang on, Kingdom of Glaceviere. Your princess is coming, your savior is coming. I will do everything to save the realm, and I swear that to death. A good leader never give up, a good leader will to everything for their people.

————
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top