16

XVI: Protector
AIRISH

"BEHIND YOU!" Sigaw ko sabay turo kay Tito Bruno, kaagad naman siyang tumalima at tinapunan ng spell ang Gorgon na susugod sana sa kaniya mula sa likod. Nandito lang kami ni Darren sa may isang malaking puno habang pinanonood silang kalabanin ang mga nilalang na iyon.

May mga pagkakataong kailangan namin ni Darren na gumamit ng spell upang hindi sa amin makalapit ang nilalang na iyon. Dahil kahit naman gawin nila ang lahat upang hindi sa kanila makalampas ang mga nilalang na 'yon ay makalalapit at makalalapit pa rin ang mga 'yon sa amin. Mabuti na lang at may mga spells na akong alam.

"You okay?" Bulong sa akin ni Darren at tanging tango na lamang naman ang nasagot ko. Ramdam niya ang panginginig ko dahil mula kanina ay hindi niya ako binitawan. "I don't think they could beat those Gorgons, those creatures are way more plrenty than them or us. Do you think I should go and help them?"

"Bahala ka, kung gusto mo nang mamatay, 'edi gora lang," pagbibiro ko sabay tawa, natawa na lang naman din siya. Dahil kung hindi naman siya tatawa ay baka masapak ko siya, alam kong hindi ako magaling mag-joke kaya dapat sakyan na niya na lang. "Pero I really think they would need a helping hand... and not from you," kaagad na dagdag ko nang akmang tatayo na siya.

"And from whom?"

"Uh... basta hindi ikaw!" Nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lang muli kila Lolo Julian. Narinig ko ang pagtawag niya ngunit bigla 'yong natigil nang biglang may nakalampas kina Tito Bruno na isang Gorgon. Hindi nila iyon napansin kaya't tuloy-tuloy ang Gorgon na iyon palapit sa amin.

Nakita kong inilabas ni Darren ang wand niya saka naramdamang hinihila niya ako palapit sa kaniya. Napaatras naman ako sa puno at napahawak kay Darren habang nakatitig sa nilalang na nasa harapan namin ngayon. Napalunok ako at sinuri ang kaniyang malalaking ngipin na mula roon ay tumutulo ang kaniyang mga laway.

Ew.

Akmang bibigkasin pa lamang ni Darren ang spell ngunit kaagad na sumugod ang Gorgon saka kinagat ang kamay ni Darren dahilan upang mahulog niya ang kaniyang patpat. Gamit ang wand ni Darren, sinubukan kong tapunan siya ng spell ngunit hindi iyon gumagana. Tanging si Darren lang ang makagagamit ng patpat niya.

Ang wand ni daddy.

Kaagad kong kinuha iyon at bago ko pa man iyon maiwisik ay may palaso nang tumurok sa katawan ng nilalang na iyon na naging dahilan ng pagbagsak nito.

Hindi ko na nagawang tingnan pa kung saan nanggaling ang palaso dahil nakita ko ang malaking sugat ni Darren sa braso niya. Mabuti na lamang at hindi iyon naputol ng Gorgon at talagang kinagat lang nito, at sa tingin ko ay mas masakit pa iyon kaysa maputulan ng kamay.  Nakaturok ang mga kamay ng Gorgon sa braso ni Darren habang gumagalaw iyon kanina, tiyak na masakit 'yon.

"Hindi 'to sakit... well, masakit pero kaya mo 'yan," saad ko at wala naman akong natanggap na sagot kundi ang mga nasasaktang ungol ni Darren. Ikinumpas ko ang magic wand at ibinulong sa hangin ang spell na makapagpapagaling kay Darren. "Maayos na iyan mamaya, nabasa kong mga ilang oras pa bago tumalab ang spell ngunit mawawala na ang sakit."

"D-dumudugo pa r-rin..."

"Dapat lang na dumugo, Darren. Malay mo may rabies pala 'yang halimaw na 'yan, 'edi lalo kang namatay. Medyo kamukha naman niya ang aso kaya i-treat natin 'yong kagat niya na parang aso," nagkibit balikat ako at pumunit ng tela sa suot ni Darren, tutol pa sana siya pero wala na siyang magagawa. Itinali ko iyon sa sugat niya saka muling umupo.

"Upang mas mabilis na bumisa ang mahikang ginamit niya, inumin mo ito. Hindi na kailangan ng tubig," nagulat ako dahil sa nagsalita na iyon, nilingon ko siya at nakita ang isang babae na sa tingin ko ay kaedaran lamang ni Tita Daniela. "Hindi iyan lason, dahil iyan mismo ang tutulong upang ilabas mo ang lason."

"Lason?"

"Habang kagat-kagat ng Gorgon ang kaniyang braso, dumidikit ang kaniyang sugat sa ilang mga balahibo. May lason rin ang pangil ng Gorgons ngunit hindi iyon ganoon kalala katulad ng nasa balahibo," paliwanag ng babae at napatingin naman ako sa sugat ni Darren. "At aking suhestiyon na magpalit ka ng damit at maligo dahil hindi lang naman sugat mo ang nalagyan ng lason."

"Kung nalason si Darren, bakit ko pa nakikita ang epekto?" Ang inaaaahan ko kasing lason ay iiba ang kulay ng balat niya, o magsusuka siya, o kaya naman makakatulog siya dahil sa lason.

"Ang lason ay umeepekto kapag nakalipas na ang isang oras," sagot ng babae sa tanong ko at napaisip naman ako.

Mas mabilis ang araw dito, ibig sabihin... mas mabilis lumipas ang oras.

Makalipas nag ilang minuto matapos mainom ni Darren ang gamot ay inalis ng babae ang itinali ko sa sugat ni Darren. Mayamaya lamang ay biglang may lumalabas na roon na kulay berdeng likido, napalunok ako at napatakip sa ilong dahil sa matapang na amoy no'n. Hindi mabaho, kundi matapang. 'Yong parang binubugbog ang ilong mo.

"Mamaya ay gagaling ka na rin, ngayon ay kailangan mo lamang magpahinga," saad ng babae at hindi naman nakasagot si Darren. Napatingin na lang ako kila Lolo Julian at muling ibinalik sa sugat ni Darren ang tingin, habang nasa ilong pa rin ang kamay. "Halina't sumama muna kayo sa akin, doon na ako magpahinga sa aking lugar."

Si Tito Bruno na ang umalalay kay Darren sa paglalakad, nakaakbay si Darren sa ama niya at mabagal lamang silang naglakad. Kaya naman lumakad ni Darren ngunit kita kong nanghihina na ang tuhod niya. Ngunit sabi nga ng babae ay gagaling na rin siya mamaya, kaya panatag naman na kami sa impormasyon na iyon.

-**-

NANDITO na kami sa bahay ng babaeng iyon. Naroon sila sa labas habang si Darren naman ay nakahiga sa kama upang magpahinga. Habang ako ay nag-iisa ritong nakaupo at hinihintay silang pumasok muli.

Maliit lamang ang bahay na ito, ayos na para sa isang tao. Walang division ang buong silid, tuloy-tuloy lamang iyon kaya't kita ko ang buong bahay. Narito ako sa sala, sa kanan ko ay naroon ang kusina at ang munting mesa na kasya para sa apat na tao. Sa kabilang bahagi naman ay naroon ang kama kung saan inihiga si Darren.

Maraming cabinet sa paligid ngunit hindi na ako nag-abalang tingnan pa ang mga laman no'n dahil nakakatakot. Wala kami sa mundo ng mga tao at sa lugar na ito, lahat ay posible. Kaya kahit ano ay maaaring manatili sa loob ng mga lalagyanan dito, at isa pa, masama naman mangialam ng gamit ng ibang tao.

Ilang saglit pa ay pumasok na sila, ngunit hindi kasama ang babae. Magtatanong pa sana ako ngunit nauna nang magsalita si Lolo Julian.

"Nais ka raw makausap... ng ating kaibigan," saad ni Lolo Julian at napatango naman ako. Hindi ko alam kung bakit pa siya tumigil s apagsasalita bago sabihin ang 'ating kaibigan', may bagay ba siyang masasabi sana na hindi niya maaaring ipaaalam sa akin? Nalilito man ay tumayo na lang din ako saka naglakad palabas ng munting tahanan.

Nang makalabas ako ay natagpuan kong nakatayo ang babae sa harap ng isang Wyvern, napakunot naman ang noo ko saka tuloy-tuloy na naglakad palapit sa kaniya.

"Nais mo raw po akong makausap?" Patanong na saad ko at unti-unti naman siyang humarap sa akin. Ngumiti siya saka nagulat pa ako nang bigla siyang humawak sa balikat ko. "Ano po bang nais niyong sabihin sa akin? At kung iyong mamarapatin, ano nga po pala ang iyong ngalan?"

"Hindi mo ba ako nakikilala?" Nakangiting tanong niya sa akin at napakunot naman ang noo ko. Nanatili siyang ngumiti at ilang saglit pa ay biglang nabalutan siya ng kulay berdeng usok, at nang maalis ang usok ay lumabas ang isang pamilyar na mukha. "Eh, ngayon?"

"Ikaw? Ikaw nga!" Bigla akong napangiti nang mapagtantong siya 'yong babaeng tumulong sa amin ni Darren noong unang beses kong makapunta sa mundong ito. "Ngunit bakit ka nasa ibang anyo?"

"Dahil narito na sila, pabalik na sila, unti-unti na ulit silang lumalabas..." saad niya na nagpakunot na sa aking noo. Naguguluhang tiningnan ko lamang siya nang diretso sa mga mata at biglang may kung ano naman akong nakita roon. Sinong pabalik na? "Pabalik na sila, ngayong bumalik na ang prinsesa... ngayong bumalik ka na..."

"Sino? Sinong babalik?"

"Ang mga nilalang na sumugod sa kaharian ng Glacievere, labing-walong taon na ang nakararaan," saad niya na nagdulot ng kung anong kaba at takot sa aking dibdib. Nanganganib na ba kami – ako? "Ngunit, huwag kang mag-alala. Dahil hangga't narito ako, ligtas ka. Hangga't nabubuhay ako, hindi sila makalalapit sa 'yo."

"Ngunit..." hindi ko na naituloy pa ang nais kong sabihin. Hinawakan niya ang pisngi ko at patuloy pa rin siya sa pagngiti.

"You have nothing to worry about, I am here. I will be you protector, your highness," saad niya at dahan-dahan naman akong napatango. Biglang may narinig akong ingay mula sa taas kaya't napatingin ako roon, at sa oras na tumingala ako ay nakita ko ang Helluxious na malayang lumilipad sa ibabaw namin. Tama, wala akong dapat ipag-alala.

Bumuntonghininga ako at tumitig sa isang mataas na buntok na siyang kumuha ng atensyon ko. Napakaganda ng hugis niyon at iyon rin ang pinakamataas sa lahat ng bundok. Habang matagal akong nakatitig roon, hindi ko namalayang nakangiti ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung anong naroroon, ngunit matutuklasan ko rin 'yon... sa tamang panahon.

"Bumalik na tayo sa loob?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Ngumiti naman ako saka tipid na tumango at nauna nang maglakad. Nang makapasok kami ay nakaupo sila roon sa mga kahoy na upuan habang si Darren ay nananatiling nakahiga at hindi pa rin gumigising. "Ipaghahanda ko kayo ng makakain, sandali lamang."

Ngayon ko lamang napansin, bakit tila, iba na ang kubong kaniyang tinutuluyan ngayon?

Dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila, naglakad na lang ako palapit kay Darren at umupo sa gilid niya saka pinagmasdan ang payapa niyang mukha.

Maputla na ang labi niya, maging ang balat niya ay namumutla na rin. Ang sugat niya ay kulay lila na ngunit sabi no'ng babae ay normal lamang ito. Epekto lamang ito ng pinagsamang lason at gamot. Habang sinusuri ang kaniyang katawan ay biglang nakita kong gumalaw ang daliri niya.

At mayamaya lamang ay unti-unti nang bumukas ang kaniyang mga mata saka tumitig sa akin ng ilang minuto.

"Airish..."

"Magpahinga ka lamang riyan," saad ko nang akmang tatayo siya. Kitang-kita naman na nanghihina pa siya at kailangan pa niya ng ilang oras pang pahinga. "Darren, humiga ka na lang nga muna," inihiga ko siyang muli at bumuntonghininga na lamang dahil sa katigasan ng ulo niya.

"Ah..." dinig kong daing ni Darren at nakitang nakahawak siya sa sugat niya. Marahil ay humahapdi iyon ngunit, bakit? Hindi ba't nabigyang lunas na iyon? "P-panganib..."

Nang banggitin ni Darren ang salitang iyon ay bigla akong napatigil, panganib? Anong ibig niyang sabihin? Nakaramdam ako ng malamig na ihip ng hangin at kaagad akong napalingon sa bintana na maaaring pinanggalingan no'n. Pero, hindi gumagalaw ang mga puno at walang senyales ng hangin.

Mayamaya lamang ay may hanging dumapo ulit sa aking balat, ngunit sa pagkakataong iyon ay nanggaling na sa likuran ko. Una akong napalingon kay Darren at nakita ang takot sa kaniyang mukha habang nakatitig sa gawi ko. Saktong paglingon ko ay narinig ko ang sabay-sabay na pagbigkas nila kasunod ang pagsalubong sa akin ng makapal at kulay itim na usok.

Ipinaypay ko ang aking kamay at kumipit saka napaupo dahil sa makapal na usok na iyon. "Anong nangyari?" Tanong ko nang mawala ang usok.

"Thesiones, sila ang mga tagapag-alaga ng Gorgons. Marahil ay galit sila ngayon dahil nabawasan ang mga alaga nila," saad ng babae at hindi naman ako nakaimik. "At kapag nababawasan ang mga alaga nila, gagawa sila ng paraan upang mahanap ang mga may sala at hingan iyon ng kapalit..."

Napalunok ako... kapalit?

"At base sa aksiyon ng nilalang na iyon..." sabat ni Tita Daniela na nagbuo ng kung anong kaba sa dibdib ko. Hindi pa man niya naitutuloy pero parang alam ko na kung ano ang ibig niyang iparating. "Ikaw ang nais niyang maging kabayaran."

Napalunok ulit ako.

"Ngunit, h'wag kang mag-alala, prinsesa. Hindi ka namin pababayaan. Hangga't narito kami ay hindi ka nila makukuha, hangga't narito kami ay hindi ka nila mahahawakan. Hangga't nabubuhay kami, narito kami upang ika'y protektahan," dagdag ng babae saka ngumiti sa akin.

Ngunit imbis na pagaanin no'n ang loob ko, lalo lamang iyong nagdala ng takot sa dibdib ko. Lalo lamang akong nabahala pra sa mga susunod na mangyayari sa amin sa loob ng mundong ito. Pero, ano pa nga ba ang mga maaaring mangyari sa panananatili namin dito?

————
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top