15

XV: Start of a Journey
AIRISH

"MAMIMISS kita, Sol ko!" Mahigpit na niyakap ako ni Angel na tinugunan ko naman nang nakangiti. "Huwag mo akong kalilimutan, ha! Promise mo, babalik ka! Kahit visit lang, ayos na ako ro'n! Basta dapat magkikita tayo ulit!"

"Oo naman!" Nginitian ko siya at muling yumakap saka bumitaw rin. "Sige na, baka hinahanap ka na ng daddy mo," tumango siya at muling nagpaalam saka lumabas na ng bahay. Nandoon na sa labas ang driver niya, tinagawan niya iyon kani-kanina lang at dumating naman kaagad.

Kumaway ako sa kanila hanggang sa hindi na abot ng paningin ko ang kanilang sasakyan.

"Enough with the waving, you should prepare yourself now. We'll leave at 10 am.." nagulat ako ng biglang marinig ang boses ni Darren. "My princess," ngumiti siya at natawa na lamang ako saka mahinang sinuntok ang balikat niya skaa naglakad na papunta sa itaas upang maligo na at makapagpalit ng damit.

Nang makataas ako ay kaagad akong pumasok sa banyo saka kumuha ng tuwalya sa hanging cabinet. Pumasok ako sa shower saka hinayaang umanod ang maligamgam na tubig sa buong katawan ko. Napatingin ako sa marka ko, kumikinang iyon, hindi lang basta kumikinang kundi umiilaw. Napakunot ang noo ko at matagal na tinitigan iyon.

Hindi naman ang pag-ilaw niya ang ipinagtataka ko. Kundi, bakit ngayon lamang ito nagpakita? Kung mayroon akong marka ay dapat ay mula pagkapanganak ko ay mayroon na ako nito, ngunit, lumaki akong wala ang bagay na ito sa pulsuhan ko. Marami akong katanungan, na sinisigurado kong masasagot ko rin nang paunti-unti.

Nang makapagbihis na ay bumaba na ako upang kumain muna kahit kakakain lang naman namin ng agahan kani-kanina. Busog pa naman ako pero alas-nueve na! Apat na oras lang ang itinatagal ng pagkain sa tiyan kaya dapat malamnan ko ulit ang tiyan ko! Nang makababa ako ay naroon sila sa sala ngunit hindi ko muna sila pinansin at dumiretso sa kusina.

Wow, bahay mo 'to, Airish? Makakalkal sa ref akala mo naman pagmamay-ari niya.

Bigla naman akong napangiti nang makakita ng sliced bread at garapon ng peanut butter. Noong nakaraang linggo pa ako nagc-crave nito! Pipilitin ko nga silang magbaon ako ng tinapay at peanut butter, kahit ito ang umagahan, tanghalian at gabihan ko ay ayos lang. Bukod sa masarap namna talaga ay naaalala ko rito sila mama at papa.

Habang nagpapalaman ako ay biglang may kumuha ng isang tinapay na napalaman ko na nas isang pinggan. Napatingin ako kung sino ang kumuha at nakita si Darren, pinanliitan ko siya ng mata saka pinagpatuloy ang pagpapalaman. Akmang kukuha siya ulit pero nilayo ko na sa kaniya ang platong iyon saka tinapos ang pinalalamang tinapay.

"Pahingi!"

"Nakakuha ka na ng isa, tama na 'yon. Kung gusto mo pa, magpalaman ka para sa sarili mo," nginusuan ko siya at kumuha ng tinapay saka kinain iyon. Wala naman siyang nagawa kundi ang magpalaman ng sarili niyang tinapay. "Darren, diba maglalakbay tayo papuntang Underworld... doon ba tayo ulit daraan sa puno ng Santol?"

"Yes," napangiwi ako sa sinabi niyang iyon. "At wala ka namang magagawa, ang ibang portal ay napakalayo rito. Hindi naman tayo kayang i-teleport lahat ni Master Julian, saka ganoon din naman ang mararanasan mo kahit saang portal tayo dumaan. Masasanay ka rin."

Bumuntonghininga ako, "Paano naman ako masasanay eh – nevermind. Ano na lang, p'wede ba ako roong magbaon ng sliced bread at peanut butter? Hehe."

"Hindi."

"Bakit naman?!" Tanong ko at tiningnan siya habang ngumunguya ng tinapay. "Mamamatay ba tayo kapag nagdala ako roon ng tinapay at peanut butter?"

"Yes," nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot niyang iyon. Napatigil ako sa pagnguya at tinitigan siya nang diretso sa mata na parang sinisigurado kung totoo ba ang sinasabi niya. "Hindi ka maaaring magdala ng pagkain ng tao sa Underworld, hindi nila gusto ang amoy ng mga pagkain natin. Kahit ibalot mo pa yan sa plastik at patong-patong na tela ay maaamoy pa rin nila 'yan."

"Grabe naman, 'edi paano kapag nagutom tayo? Anong kakainin natin?" Tanong ko sa kaniya kahit na ang intensyon ko lang naman ay magdala ng tinapay at peanut butter. Alam ko namang marami kaming maaaring kainan doon pero wala namang ganito roon e, kasasabi niya lang na ayaw nila ng pagkain ng mga tao.

"Maraming prutas doon, saka bago namna tayo maglakbay ay dadaan tayo sa bayan upang mamili ng damit pati na rin mga pagkain," paliwanag niya saka nagkibit balikat. Napalunok naman ako dahil sa tingin ay ang paglalakbay namin ay hindi ganoon kadali. Sa kagubatan ba kami dadaan upang makatungo sa aming pupuntahan?

-**-

"AYAW ko na..." humihingal na ani ko matapos naming makalampas sa portal. Pareho kaming nakaluhod ni Darren ngayon at sa tingin ko ay maski siya ay nabaligtad ang sikmura. "Ayaw ko na talaga, juskolerd. Mamamatay ako rito, myghad."

Ramdam kong pinagtitinginan kami ng ilang mga dumaraan pero wala naman akong pakialam sa kanila. Dahan-dahan akong tumayo at bumuntonghininga, kung may choice lang talaga ako ay hinding-hindi ako dadaan dito. Pero may choice ba ako? Wala, punyeta.

"Lolo, saan ba talaga tayo patungo?"

"Sa isang kaibigan na natitiyak kong matutulungan tayong maibalik ang inyong kaharian, Solene," napatango na lang naman ako. Nawala na nag label na 'prinsesa' dahil ang pangit pakinggan. Hindi bagay i-dikit sa pangalan ko. Kinulit ko talaga sila para tigilan ako sa katatawag no'n.

"Whoa, mala-divisoria, ah!" Manghang-manghang ani ko nang makita ang isang pamilihan na pinagkukumpulan ng mga tao – este... engkanto? Hays, ewan, bahala na kung anong mai-tawag ko sa kanila. At dahil 'yong mga matanders lang naman ang may dalang pambili, e, nakatunganga lang kami ni Darren at sunod-sunod sa kanila. "P'wede ba umutang dito?"

"Hindi ko rin alam," nagkibit balikat si Darren at tila tanong din iyon sa isip niya. Napabuntong hininga ako at napatigil nang makita ko ang ilan sa kanilang tinititigan ako. Agad ko namang itinago sa loob ng bulsa ang kamay nang mapagtanto kung ano ang tinitingnan nila. Hinawakan ko nang mahigpit ang braso ni Darren at hinila siya palapit kina Lolo Julian.

"Darren, nakakatakot naman 'yong tingin nila,"

"Dapat ka talagang matakot kasi kayang-kaya nilang putulin ang kahit na naong bahagi ng katawan mong gustuhin nila," napalunok ako dahil sa sinabi niyang iyon saka mahina siyang siniko. "Hindi ako nagbibiro, kaya mas mabuting huwag kang lalayo dahil baka mamaya ay makita na lang namin na pira-piraso ka na."

"Darren, susuntukin na talaga kita," saad ko na tinawanan naman niya, tila hindi naniniwalang kaya ko 'yong gawin. "Tinatawa-tawa ko riyan?"

"Naiisip ko lang 'yong maaaring maging reaksyon ng underworld sa oras na ginawa mo 'yan sa akin," napakunot ang noo ko saka nilingon siya. "'Yong sinaktan mo ang kanilang napaka-gwapong prinsipe ay bonus na lang dahil 'yong gagawin ko sa 'yo ang ikawiwindang nila."

"Bakit ano bang gagawin mo?"

"Aanakan kita–"

"Nakakainis ka talaga!" Tinulak ko siya palayo at narinig ko naman siyang tumawa. Nakasimangot na naglakad na lang ako palapit kay Lolo Julian at pinanood siyang suriin ang mga bagay na sa tingin ko ay tinapay. "Ano 'to?" Turo ko sa isang bagay na moist pa ang ibabaw at bilog na bilog.

"Ombrei, isang uri ng kakanin," napangiti naman ako nang dahil doon. Nakita kong mayroon no'n sa basket ni lolo Julian at akmang hihingiin ko na iyon ngunit narinig ko ang sunod niyang sinabi. "Ang loob ay gawa sa normal na tinapay ngunit ang labas ay galing sa mabubulok na keso, dinikdit na uod at ilang mga pampalasa."

"Oh my gosh," saad ko na at nakita ko naman ang pagkunot ng noo ng tindera habang tumatawa naman si Lolo Julian. "Nevermind, hehe, sa 'yo na lang pala 'yan Lolo, hehe," saad ko na lalong nagpa-kunot sa noo ng tindera. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay upang tanungin kung ano ang kaniyang problema.

"Tinawag mo bang lolo ang isang Class S Wizard? Aba, napaka-walang galang!" Puna ng babae at na lalong ikinataas ng kilay ko. Ano kayang maaaring itawag ko sa kaniya? Kung sa America ay may Karen, sa Pilipinas ay may Marites, dito sa Underworld ay may... Nora! Nora na lang kasi medyo may similarities naman sila ni Dora, may bangs din si ante at above the shoulder ang buhok. Haha!

"Hayaan mo na siya, Doreng, humingi naman siya sa akin ng permiso bago ako tawagin no'n. At napaka-bait na bata niyan," pagmamalaki ni Lolo Julian sa akin at napa-flip hair na lang naman ako dahil sa sinabing iyon ni Lolo. "Oh, pa'no, mauna na kami. Malayo-layo pa ang aming lalakbayin," paalam ni lolo at tumango naman si Aleng Nora.

"Lolo, gaano pa ba kalayo ang ating pupuntahan? Parang naman pong ang exaggerated kasi nang pagkakasabi mo!" Saad ko at natawa na lamang naman si Lolo Julian.

"Mga sampung milya pa," saad niya at napakunot naman ang noo ko. Ilang kilometro ba ang isang milya? Ito na nga ba ang sinasabi ko. Parang napakalayo kapag sinabing milya, gaano nga ba kalayo 'yon?

"16.09 kilometers," nagulat ako nang biglang may magsalita mula sa gilid ko, si Darren. Napanganga naman ako dahil doon, labing-anim kilometro?! Tapos lalakarin namin? Aba! 'Yong kabilang baranggay nga na isang kilometro lang ang layo ay halos mamatay na ako, 'yong labing-anim na beses na mas malayo pa kaya? Juskolerd!

"Grabe naman! Tatawid ba tayo ng probinsya?!" Hindi makapaniwalang saad ko habang patuloy na naglalahad habang patuloy ring nagrereklamo.

"Kung nandoon tayo sa mundo natin ay parang ganoon na nga," sagot ni Darren na ikinanganga ko. "Saka bakit ka ba nago-overreact? Hindi naman natin 'yon lalakarin sa loob ng isang araw lang, siyempre titigil tayo upang kumain at magpahinga," paliwanag niya at napaisip naman ako kung ilang araw ba ang aabutin namin upang makarating doon.

"Siguro ay tinatanong mo kung gaano katagal tayong maglalakbay," panimula ni Tita Daniela. Natahimik naman ako at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "Mga sampung araw. Kung sa mundo natin ay katumbas no'n ay limang araw," paliwanag niya at tila nanghina naman ang tuhod ko at tila gusto nang mag-back out.

Grabe naman 'yon? Limang araw? Dito sa mundo nila ay walo? Gusto ko nang bumalik pero mas mamamatay ako kapag dumaan akong muli sa portal na iyon kaya magtitiis na lang siguro akong maglakad hanggang makarating kami roon.

"Wala bang mas mabilis na daan?" Tanong ko dahil baka puwede naman kaming sumakay sa mga kung anong hayop rito bilang transportasyon.

"Maaari, kung magagawa mong paamuin ang mga hayop na nakapalibot sa atin. Kung inaakala mong ang mga nilalang sa gubat na ito ay kagaya ng Wyverns, ikaw ay nagkakamali dahil ang mga nilalang dito ay higit na mas malaki at mabangis sa tigre," saad ni Lolo Julian at napalunok naman ako.

"Siguro, magtitiis na lang ako sa mahabang paglalakad, hehe," saad ko saka hindi na nagreklamo pa. Tumingin na lamang ako ng diretso sa unahan. Natahimik na kami, tanging pagpagaspas ng mga sanga ng puna at dahon ang aming naririnig. May mga huni ng ibon, at mga alulong na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Napalunok ako, mukhang totoo nga ang sinabi ni lolo Julian na maraming mababangis na hayop rito. Pilit kong kinalma ang sarili at hindi ipinahalata sa kanila na natatakot na ako dahil sa mga lumalakas sa alulong. Lumalakas, ibig sabihin ay papalapit nang papalapit ang nilalang na gumagawa ng ingay na iyon.

Maraming malalaking puno sa paligid, may mga halos kasinglaki na ng isang tricycle ang taba habang mayroon din namang kasingpayat ko lang. May mga baging na nakabitin sa itaas, ngunit maling desisyon yata ang mabilisang pagtingin ko sa itaas dahil nakita ko ang iba't ibang uri ng ahas. May malalaki, maliliit, mahaba at maiksi.

My phobia of snakes just woken up.

Naramdaman siguro ni Darren ang takot ko kaya't naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Ngunit sabay-sabay kaming napatigil sa paglalakad nang may humarang sa aming daraanan. Humigpit ang kapit ni Darren sa kamay ko at tila nagyelo naman ang buong katawan ko nang makita ko ang mga nilalang na naglalaway sa harapan namin.

Napakalaki nila, ngayon lamang nakatayo sila sa apat nilang mga paa ay hanggang balikat sila ni Darren, at si Darren ang pinaka-matangkad sa amin. Kulay ginto ang kanilang mga mata, patitilos ang mga pangil at may malagong balahibo. Apat ang kanilang mga mata, apat ang paa, dalawa ang ulo, at may balahibo na tiyak akong nakalalason.

"What kind of creatures are these?!" Tili ko, pinaligiran nila ako, sa unahan si Tito Bruno, sa gilid ko si Darren at Lolo Julian at sa likod ko si Tita Daniela. Napahawak ako sa braso ni Darren, dahil siya lang naman ang maaari kong hawakan. Tiyak na mahihirapan si Lolo Julian kapag kumapit pa ako sa kaniya. May hawak-hawak pa siyang tungkod.

"Gorgons. Not friendly kind of creatures," paliwanag ni Darren at sa tawag pa lang sa hayop na iyon ay nakatatakot talaga. "Hold on tight, huwag kang bibitaw, itatali talaga kita," bulong ni Darren at napatango naman ako. Hindi naman talaga ako binitaw! Baka lapain ako ng mga nilalang na 'to, juskolerd!

I never thought that this trip would be this deadly! This start of our journey just gives me more hint that more of the next creatures can be more worse! Kailangan ko na bang maghanda? Tinatanong pa ba 'yan? Of course! A good leader should always be ready!

———
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top