12

XII: Attack
AIRISH

LUMIPAS ang maghapon at ngayon ay naghahanda na kami para sa gagawin namin. Bumuntonghininga ako at umupo sa kama upang i-kalma ang sarili. Nang makalma ko na nag sarili ko ay tumayo na ako saka tumingin sa salamin upang makita kung maayos ba ang hitsura ko.

Kaya pala sa parke kami itinuro ng Helluxious dahil mayroong event doon ngayong Ocprus Moon. May bandang tumutugtog at siyempre, may sayawan. Open place ang parke kaya kitang-kita mo roon ang napakaliwanag na buwan, well, hindi katulad noong sa underworld na akala mo'y sobrang lapit no'n dahil sa laki.

Sacred Helluxious, please guide me through mission. I want this to work, I don't want to leave him because I know what does it feels to be left.

Lumabas na ako ng silid at naglakad sa pasilyo na parang pagmamay ari ko iyon. Nakasuot ako ngayon ng kulay sky blue na hoodie at kulay puti na palda na hanggang kalahati lang ng hita ko. Sa paa naman ay kulay beige na ankle strap heels. Hindi ko alam kung gaano kataas pero meron na siyang manipis na platform na mas nagpadagdag sa taas ko.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at todo model pa ako sa pasilyo habang tinatawanan ang katangahan ng sarili. Ginaya ko ang walk ng isang miss universe candidate tapos umikot pa ngunit kaagad na natigil nang makita si Darren sa likuran ng umikot ako.

Tumatawa siya saka pumalakpak sa akin nang humarap ako sa kaniya. Napasinghap ako at tinalikuran siya saka mabilis na naglakad, halos takbuhin na nga ang hallway dahil sa kahihiyan.

"Hey! Airish! Wait up!" Narinig ko ang pagtakbo niya kaya bahagya ko pang binilisan ang paglalakad ko hanggang sa parang maging jogging pero naabutan niya pa rin ako. Hinawakan niya ang braso ko at tumigil sa pagtakbo kaya nadamay ako. "How can you manage to run with that killer shoes on?" Humihingal na tanong niya.

"It's a talent that you can never do," pagbibiro ko saka tinawanan siya. Tumawa rin si Darren saka naramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng kamay niya mula sa braso ko hanggang sa makarating sa kamay ko. Mahina kong hinila ang kamay ko ngunit inilagay niya ang mga daliri niya sa pagitan ng akin saka hinigpitan ang hawak. "Darren..."

"And you can never run away from me, Airish. You can never do," saad niya na nagpatahimik sa akin. Tumingin na lang ako nang diretso sa unahan at napahinga ng malalim. I can't run away, but I can slip away. "I don't like the negative energy you're giving me, Airish. Stop thinking things you're not supposed to think of."

I get it, he's trying to stop me of thinking death, but how could I when death is at my back? That in just one wrong move, I could slip and death is the only one I would fall on. How could I stop thingking about it when thinking death means also thinking about me, about us, about everyone.

"If you're going to say something, don't, just don't..." he said before I even open my mouth. I sighed and stopped myself from tearing up by biting the inside of my cheeks. "No buts, Airish. We could do this, we will do this."

-**-

In the whole fifteen minutes trip, I was just thinking about what could happen. I keep on looking outside the window and then let out a heavy sigh because of an inexplicable feeling. I tried to calm myself but I just... can't.

"It'll be okay," Tita Daniela said, she's sitting beside me. She caressed my hair and then she hugged me by only her left hand. I wish it will.

When we arrived at the park, I immediately saw a lot of people gathering in some corners and some are dancing in the middle. But I cringe when I saw few couples seductively exchanging kisses like they're the only people in the place. Disgusting.

"We're here, Airish. Let's start looking for the princess," Darren said and then we both separated from his parents. The first part of the plan is we will look for the princess, but never approach her. When we put our eyes on her, our eyes should be just on her. Secretly follow her in every places she go.

But in place like this, with this many people? I don't think that would be easy as I thought it will be.

It's only eleven thirty, we still have half an hour to find the princess. I just eish she's really here. Pero what if mag-ala Cinderella siya 'no? Tapos biglang uuwi din ng twelve? Eh? Napailing na lang ako sa isipin na iyon at nagpatuloy sa paghahanap habang sumasayaw dahil nas adance floor na rin naman na kami.

We spent more minutes circling around but we still cannot see her. Maybe, she's not here? No, no, the sacred bird told us that she'll be here. I should trust her because she trusted me for this. I just really hope we find her before it's too late. I also don't want to be dead! I still have dreams to reach!

"We only have fifteen minutes Airish. Fifteen minutes and we still cannot find her," biglang sbai ni Darren na ikinalaki ng mga mata ko. Fifteen minutes?! Why do time flies so fast?!

"Perhaps, we should separate, too? It will be easier!" I suggested but shook his head. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit niya sa kamay ko at patuloy pa ring umiiling. "Pero, kung mapabibilis naman no'n ang trabaho natin–" hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin ko nang may makita akong pamilyar na marka.

Hinila ko si Darren palapit at tinitigan iyon nang maayos at nanlaki ang mga mata nang makitang iyon nga iyon. Sinuri ko pa siya nang maigi at nakumpirma nang makitang kanan niya iyon. Nakasuot siya ng white dress katulad nang nakita ko sa imahe, mahaba at wavy ang buhok niya, at 'yong suot niyang sandals!

Match na match!

At nang bahagyang titigan ko pa siya ay biglang narinig ko siyang magsalita, ngunit nananatili siyang nakatalikod sa amin.

Angel? Ikaw ba 'yan?

Unti-unting bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa isipin na iyon. Hindi ako maaaring magkamali, si Angel 'yon. Kaibigan ko si Angel, kaklase ko siya noong elementary ngunit pumunta siya ng Maynila ng mag-highschool kami, at ngayon ko lang siya ulit nakita.

"Airish? Sol ko, ikaw ba 'yan?" Nabalik ako sa reyalidad nang biglang marinig ko siyang tawagin ako. Nginitian ko siya at agad naman siyang yumakap sa akin – mahigpit na yumakap sa akin. "I miss you so much! Miss mo rin ako 'di ba? 'Di ba?" Tanong niya sa akin at natatawang tumango naman ako.

"Enough with the drama, we're in mere danger!" Biglang sabat ni Darren saka pareho kaming hinila papunta sa gilid, sa ilalim ng isang malaking puno. "Airish, just protect her, I'll call mom and dad. It's already 12, they're here."

Tumango ako at tumakbo na siya upang hanapin ang mga magulang niya. Nanatili namang nakayakap sa akin si Angel ngunit nararamdaman ko ang kaba at pagkalito niya sa mga nangyayari.

"Wait, ano bang nangyayari? Bakit may mga lumilipad – bakit sila patungo sa atin?" Lumilipad patungo sa amin? Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon saka napatingin sa direksyon na tinitingnan niya. At nakita nga ang mga nilalang na may papak, papalpit sa amin!

"DUCK!" Tila naguluhan siya sinabi kong iyon pero kaagad ding sumunod. "Zitó Portáti!" Pagkasabi ko ng spell na iyon ay kaagad na nagliwanag ang mga kamay ko at sabay-sabay silang tumalbo palayo.

"What have you freaking done?! What are you? Some kind of witch?!" Naguguluhang tanong niya sa akin at hinawakan ko naman ang tigkabilang pisngi niya.

"I'll explain you later, but now, I need to put you in safety... well, everyone in safety," napalingon ako sa paligid at nakita ang ibang mga taong nagtatakbuhan palayo. Bumuntonghininga ako at humarap sa kaniyang muli. "Never leave my side, undertood? Never, like never."

"Okay, okay... I don't want to be left alone with those creatures anyway..."

"Good, now, follow me," hinila ko siya at dahan-dahan kaming naglakad. Hindi naman nila kami mahahawakan dahil sa ini-cast kong spell, pero hindi ko sure kung hanggang kailan tatagal iyon. Sinabi kong h'wag lalayo sa akin si Angel dahil ako lang naman ang may protekta, madadamay lang siya dahil malapit siya sa akin.

Habang tumatakbo kami ay biglang natisod si Angel dahilan upang matumba rin ako. Pareho pa naman kaming naka-heels, at pareho rin kaming naka-palda! May cycling naman ako pero hindi na importante 'yon! Mas kailangan naming mabuhay!

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya. Tinulungan ko siyang makatayo ngunit hindi pa siya nakakabangon ay may humawak na sa paa niya. Unti-unti akong lumapit at kasabay no'n ang unti-unting pagkasunog ng kamay niya. Ngunit makalipas pa ang ilang segundo ay natigil iyon, naguguluhan man ay kaagad kong naintindihan.

Nawala na 'yong spell.

Susubukan ko sanang i-cast ulit ngunit biglang may sumunggab sa akin dahilan upang tumalbo ako papunta sa malayo. Napatama ang likod ko sa malaking puno ng kahoy, sinubukan ko pang tumayo ngunit lumapit sa akin ang nilalang na may pakpak saka inilagay sa leeg ko ang kamay niya.

"Airish!" Dinig kong sigaw ni Angel. Pilit niyang pinagsisipa ang nakahawak sa paa niya at nakitang mabilis siyang tumayo, nakita ko rin ang ugat sa binti at tubod niya. "Bitiwan mo siya!" Binato niya ng heels ang nilalang na nakahawak sa akin ngunit tila walang effect iyon.

Pero na-distract siya at iyon na ang pagkakataon ko upang makatakas. Tinuhod ko siya at nang mabitawan niya ako at sinuntok ko siya nang sinuntok at si Angel naman ay pilit na binali ang pakpak niya. Nang biglang maging abo ang nilalang na iyon ay tumatawang nag-apir pa kami ni Angel.

Ngunit ang masayang sandali ay kaagad nawala nang makitang marami pa sila.

"Tumakbo ka na, Angel. Maghanap ka ng mapagtataguan," saad ko habang nakatingin sa mga nakapalibot sa amin.

"No, hindi na ulit kita iiwan. Paano kapag may nangyari sa 'yo?" Humarap ako sa kaniya at bumuntonghininga.

"Kung ano man ang mangyayari sa akin ngayon ay nakatakda na," umiling siya nang umiling saka yumakap sa akin. Nang lumapit nang lumapit sa amin ang mga dark creatures na iyon ay itinulak ko siya kaagad palayo. "TAKBO!" Labag man sa loob ay tumakbo siya nang mabilis saka pumunta sa kung saan.

Agad akong humarap sa mga kalaban at itinapat sa kanila ang palad ko. Naramdaman kong muli ang pag-iinit no'n ngunit may kakaiba ngayon, may kung anong ginhawa ang naramdaman. Tila pinagsama ang init at lamig, naramdaman ko ang hangin na nanggagaling sa ibaba at pati na ang pagtaas ng damit ko pati na ang mga buhok ko.

"Aah!" Sigaw ko at kasabay no'n ang paglabas ng liwanag, hindi mula mga kamay ko, kundi sa lupa. Napapikit ako nang maramdamang lumulutang ako at nang mumulat akong muli ay tanging abo na lang nila ang natitira.

Humihingal na muli akong tumakbo patungo sa tinahal na daan ni Angel at nakita siya roong binabato ng kung ano-anong bagay ang isang lumilipad na nilalang.

Binilisan ko ang takbo ko at agad na hinawakan siya sa paa at unti-unti naman siyang nasunog hanggang sa mawala na siya. Humarap akong muli kay Angel at nagulat nang yumakap siya sa akin habang humihikbi. Magsasalita sana ako ngunit natanaw ko ang grupo ng mga tao na papunta sa amin.

Wait, hindi sila tao.

"Get the princess..." utos ng lalaking nasa gitna. Malalim ang boses niya, medyo mahina ngunit nakakikilabot. Humakbang palapit ang mga tauhan niya at hinarangan ko naman si Angel.

"Well, you're going to pass me first," matapang na ani ko saka inihanda ang sarili sa atake nila.

Nakita ko silang bumuo ng kulay itim na bola sa kani-kanilang mga kamay ngunit hindi ako nagpatinag. Tinitigan ko lamang sila at pinanatiling nakababa ang kamay ko saka pinilit na maging kalmado. Kailangan kong mag-concentrate, iyon ang unang-una kong kailangan.

As the moon shines to the grass,
May these creatures turn into ash.

At sa oras na mabanggit ko ang mga salitang iyon, unti-unting tumaas ang mga damo hanggang sa pulutan sila no'n. Nag-cast ako ng spell upang protektahan si Angel saka unti-unting naglakad palapit sa kanila at lalong pinataas pa ang mga damong iyon. Isinara ko ang kamao ko na naging dahilan nang paghigpit ng mga damo hanggang sa mawalan na sila ng hininga at maging abo.

Ngunit may isang natira, at iyon ang sa tingin kong lider nila. Nakangisi siyang naglakad palapit sa akin at napasinghap naman ako nang maramdaman ang unti-unti kong paglutang. Unti-unting nahihirapan akong huminga, sinubukan kong pumiglas ngunit hindi ako makagalaw.

I heard someone casted a spell that made me free, nakahinga ako nang maluwag ngunit unti-unting umikot ang paningin ko hanggang sa unti-unti rin 'yong dumilim, nang dumilim, hanggang sa wala na akong makita ngunit naririnig ko pa rin sila.

But somehow, I felt relieved. We made it. We saved her. But I don't think I could go further than this, is this the end? Is this my end? That question created some kind of fear in my chest and I don't want it. Malakas ang naging atake niya pero hindi ako magpapatalo, magpapahinga lang ako.

I felt myself fell on the cold pavement and then everything vanished.

———
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top