11
XI: Favor
AIRISH
"SO, I guess, I'll see you both again next time?" Tanong ng babae at ngumiti naman ako sa kaniya saka yumakap. Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob ko sa kaniya, 'yong parang magkadugo kami. "Mag-iingat kayo, marami kayong posibleng makasabay sa daan," paalala niya at sabay naman kaming tumango.
Napagpasyahan namin ni Darren na sa langit na dumaan, sumakay kaming pareho sa isang hot air balloon saka sabay na kumaway sa babaeng hindi pa rin namin alam ang pangalan. Unti-unti na kaming umangat hanggang sa halos hindi na namin siya makita.
Umupo ako sa sahig at niyakap ang binti dahil inaantok na ako. Ngunit kikipit pa lang sana ako ngunit biglang tumabi sa akin si Darren at narinig ko siyang tumighim.
"You still have something to tell me, Airish Solene," paalala niya sa akin at natawa na lang naman ako. Hindi ko naman nakalilimutan iyon pero balak ko sanang sabihin kapag naroon na kami sa bahay kasama ang mga magulang niya para isang k'wento na lang, pero sasabihin ko na lang. Tutal nandito na rin naman kami, e.
"Bukod sa nai-k'wento ko sa 'yo noong una, magroon tayong dalawang palatandaan sa tagapagmana. Una ay nasabii ko na sa 'yo, babae siya. Pangalawa ay... mayroon siyang marka ng araw sa kaniyang 'kanang' pulso," pagdidiin ko at napatango naman siya at napaisip.
Hindi naman siguro siya bobo para malito sa kaliwa at kanan, 'no?
"Tapos ang isa kong sasabihin sa iyo ay ang babaeng tumulong sa atin ay galing sa angkan ng Glaceviere. Siya ang nagpaanak sa reyna at siya rin ang tumulong sa kanila na makatakas. At sa tingin ko ay siya na lang ang natitirang malaya na taga-Glaceviere kaya itinatago niya iyon," paliwanag ko sa kaniya at naramdaman ko naman ang titig niya sa akin.
"And then?"
"Marami na daw ang nagpanggap na sila ang prinsesa ng Glaceviere ngunit lahat sila ay nabigo. Dahil bukod sa mali ang pattern ng kanilang marka ay sa maling pulso nila iyon nailagay. Ang orihinal na prinsesa ay may marka sa kaniyang kanang braso – sa pulso to be exact," saad ko at nakita ko naman ang anino niyang tumatango.
"Many are desperate to be her, huh?"
"Hindi lang naman kasi ang posisyon bilang prinsesa ang gusto nila, Darren," saad ko at nilingon siya. Napakunot ang noo niya saka sinalubong ang titig ko, natawa na lang ako dahil sa what-do-you-mean look niya. "Ginawa din nila iyon kasi gusto nilang makasal sa 'yo," hindi ko mapigilang matawa.
And I bet that's what she did.
"What?" Hindi niya napigilang matawa rin dahil sa sinabi kong iyon. Nagkibit balikt ako at sinabi sa kaniya na sabi lang din iyon sa akin ng babae. "Ganoon ba ako ka-guwapo para pekein nila ang marka nila at lokohin ang mga tao? Nakaka-touch na medyo creepy," tumawa siya ngunit kaagad na natigilan.
At siguradong may naalala siya dahil sa sinabi niyang iyon.
"Airish, does it mean, I'm not really supposed to be married with her? She's just fooling them all this time?" Tanong niya sa akin ng may halong hindi ko maipaliwanag na saya s akaniyang boses. Nagkibit-balikat ako at natawa nang marinig ko siyang tumawa at bumuntonghininga. "Thank god, it's not her."
Sumandal ako sa balikat niya at huminga ng malalim dahil hindi ko na kayang labanan ang antok ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at umaasang makakatulog na ngunit narinig kong nagsalita si Darren.
"But, I think I don't wanna marry anyone if it's not you, Airish..." bulong niya na biglang nagpamulat sa akin. Napalunok ako at hinintay ang sunod pa niyang sasabihin dahil baka nagbibiro lang siya, pero hindi, wala siyang ibang sinabi at napuno lamang kami ng katahimikan.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang may bagay na gumalaw sa tiyan ko. Is it what they call butterflies in stomach? Is it? But aside from that weird sensation, I felt a little amount of pain forming inside my chest. Siguro dahil hindi ko sigurado kung magagawa ko ba ang misyon na ito.
Nasasaktan ako dahil natatakot akong iwan siya. At kung mabibigo man ako, sana... sana kalimutan niya ako. Sana kalimutan niyang nabuhay at nakilala pa niya ako. Pero, kakayanin ko 'to. Makakaya ko 'to, hindi lang para sa akin, kundi para sa kaniya, para sa mga magulang ko, para sa mundong ito.
Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa sumara na nga iyon at makatulog ako sa balikat niya.
-**-
NAKAUPO ako ngayon sa kama ko at hinihintay na magliwanag sa labas. Hindi ko alam kung anong oras kami nakauwi dahil nagising ako nang nakahiga na ako dito sa kamang 'to. Hindi ko rin alam kung sinong nagpalit ng damit ko, pero sana naman ay hindi si Darren.
Tumingin ako sa wall clock at walang buhay na ngumiwi nang makita na alas-sinco y media pa lamang. Bumuntonghininga ako at tumayo upang maglakad-lakad dito sa loob ng bahay nila. Mabo-bored naman ako sa loob ng k'warto kaya mas mabuting maglakad-lakad na muna ako.
Lumabas ako ng k'warto ko at nagpasalamat dahil hindi madilim sa hallway, may mga ilaw sa kisame na nagbibigay liwanag.
Tinitingnan ko ang bawat portraits na nadaraanan ko, ang iba roon ay pictures nilang tatlo individually, ang iba ay silang tatlo in one frame, ang iba ay picture ng kanilang mga ninuno. Habang tinitingnan ang mga portraits na iyon ay nadaanan ko ang isang k'warto na mayroong salaming pinto.
Pumasok ako sa loob dahil wala namang nagsasabi na bawal doon, binuksan ko ang ilaw at nakita ang mga shelves na may laman na makakapal na libro. Inilibot ko ang tingin ko at naglakad papasok sa pagitan ng dalawang shelves. Kumuha ako ng isang libro at nagulat dahil sa bigat no'n.
Dinala ko ang libro sa isang lamesa sa gilid at umupo sa couch upang tingnan nang maayos ang libro. At doon ko lamang napagtanto na libro iyon ng mga spells. Napangiti na lang ako at binasa nag mga nakatala roon, madali namang maintindihan ang hindi ko lang sure ay kung paano i-pronounce.
Ang mga simpleng salita lamang tine-testingbko pero binabasa ko muna ang description no'n, siyempre baka biglang pagkasabi ko no'n ay may mangyaring masama 'edi paano na. Ibinalik ko naman sa shelf ang libro matapos akong maburyo sa pagbabasa.
Lumibot pa ako sa buong silid at nang makapunta ako sa kabilang sulok pa, sa tapat lamang ng pinto ay nakita ko ang isang walang laman na picture frame. Napakunot ang noo ko at akmang hahawakan iyon ngunit biglang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko.
Sinubukan ko ulit at hindi na nagulat sa kuryente nang biglang dumaloy iyon s akatawan ko. Namilog naman ang mata at bibig ko nang makita ang unti-unting pagkalat ng kulay mula sa lugar na hinawakan ko. Napaatras ako at sinuri kung ano ang mabubuo.
Unang nabuo ang damit nila at pare-pareho iyon, masasabi kong isang uniporme sa isang paaralan. Unti-unti pang tumaas ang kulay hanggang sa lumabas ang mga mukha nila na naging dahilan ng pamimilog ng mga mata ko. Napalunok ako at tinitigan nang maayos kung sino-sino ang nasa litrato.
It's my mom, my dad, Tito Bruno and Tita Daniela in one frame.
Hindi ko namalayan na namamasa na pala ang mga mata ko at bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko na napigil pa ang sarili ko at bumuhos na ang mga luha ko. Masaya akong malaman na magkakaibigan sila pero hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, dahil ba... dahil ba nangungulila pa rin ako sa pagkawala nila?
"I could tell that they're you're parents..." nagulat ako nang marinig ang boses na iyon, si Tita Daniela. Agad kong pinunas ang mga luba ko at initago sa kaniya ang mukha ko. "Now I know why you look so familiar when I first saw you. It's because you got your features from both of your mother and father."
Hindi ako nagsalita, nanatili akong nakayuko at pilit na pinigil ang mga nagbabadyang luha. Ngunit hindi ko na napigilan pa iyon nang maalala kung paano sila paslangin, sa mismong harapan ko, sa mismong kaarawan ko.
"They were very nice person, and I know you also are. They're a good friend," sabi niya at naramdaman kong biglang yumakap siya sa akin. Napahikbi ako at patuloy na tumutulo ang mga luha habang nakatingin sa litrato nila. "They've faced so many circumstances but they have a strong and brave heart as you do. I know how hard is it for you to get up each day without them by your side, but I can tell that they are very proud of you. Because you're fighting just like how they fought."
Ilang minuto kaming nanatiling tahimik sa loob ng silid na iyon hanggang sa inaya na ako ni Tita Daniela na bumaba. Tinulungan ko siyang magluto pati na rin sa paghahain, puno kami ng tawanan sa kusina. Hindi ko alam kung anong ginawa niya pero ang bilis niyang napagaan ang loob ko.
"Ang bango naman niyan! Mukhang masarap, ah!" Napalingon ako ng dahil sa boses na iyon at nakitang si Tito Bruno iyon. Ngumiti ako sa kaniya at umupo naman na siya sa harap ng mesa. At mayamaya naman ay si Darren na ang dumating na mukhang maganda ang gising.
"Favorite!" Saad niya at kaagad na umupo upang kumuha ng pagkain. Natawa na lamang ako at umupo sa tabi niya saka kumuha rin ng pagkain ko.
"Si Airish ang nagluto niyan," kaagad na sabi ni Tita Daniela at natigil naman sa pagnguya si Darren. Napalingon siya sa akin kaya pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Akmang magsasalita siya pero tinakpan ko ang bibig niya.
"Huwag kang magsasalita kapag puno ang bibig mo," sabi ko at wal anaman siyang nagaw akundi ang nguyain na ang pagkain niya. Bumuntonghininga ako at tiningnan silang tatlo, siguro mas mabuting sabihin ko na ngayon hindi ba? "Uh, nakausap na po namin kahapon ang Helluxious... Nakausap ko pala."
"Ano raw ang sabi?"
"Summarize ko lang po, wait," natawa sila sa sinabi ko at tumighim naman ako saka sinimulan na. "Sa ipinakita niya po sa akin ay nakumpirma ko pong babae nga ang tagapagmana, siya na rin mismo ang nagsabi ng 'prinsesa'. Pangalawa po ay mayroong marka ang prinsesa sa kaniyang kanang pulso, at ang marka po na iyon ay isang araw."
Hindi sila nagsalita at seryosong tumitig lang sa akin, na tila nagaabang pa ng iba kong iuulat habang si Darren naman ay kumakain lamang dahil nai-kwento ko naman na ito sakaniya.
"At may na-meet po kami ni Darren na Glacevierian, inimbento ko lang ang tawag na iyan pero 'yon na nga, na-meet po namin siya at nagtanong ako tungkol sa prinsesa. Swerte naman na siya rin ang nagpaanak sa reyna at tumulong sa kanilang tumakas," saad ko na lalong nagpaintriga sa kanila. Sinabi ko ang iba pang sinabi ng babae at tumigil nang mauhaw ako.
"At alam niyo ba, ma, pa, ang daya kasi una, sa Wyverns lumuhos pa lang si Airish may nagbigay na kaagad sa kaniya ng balahibo, at kulay lila pa!" Reklamo ni Darren at natawa na lang ako dahil mukhang dinibdib niya talaga iyon. "At pagdating sa Helluxious, siya pa rin ang pinili! Kagabi ay lumapit ulit sa amin ang Helluxious tapos niyakap pa si Airish! Medyo unfair!"
Tinawanan ko na lang siya at sinumulang mag-suggest sa kanila ng plano na gagawin namin mamaya. At siyempre, dapat gagana ito dahil hindi ko kakayanin kapag hindi. Sa park pa rin naman ang lugar na pupuntahan namin dahil hindi naman binago ng Helluxious ang lugar na pupuntahan namin.
Nang matapos kami sa pagkakain ay pumunta kami ni Darren sa labas upang magpahangin. Napalunok ako at hindi ko alam kung ano alam kung ano ang mga maaaring mangyari mamaya.
"Darren, if our plan didn't work, can you do me a favor... please?" Lakas loob na sabi ko saka hinarap siya. Kita ko ang pagkalito niya pero imbis na kuwestiyunin ako ay tumango na lamang siya. "If I die because our plan failed, please say my name three times and promise me you will not cry because of my loss."
"Airish, you're not going to die!"
"That's what the Helluxious said, Darren. We can't do anything about it, if I failed this mission, I will be poisoned, I will die. Together with the princess," I said that made him silent for a moment. "So please? It's a very simple favor, Darren. When I'm dead, you'll say my name three times. And the first one is done, you just hve to control your emotion and stop yourself from crying and them everything is okay..."
"But I don't want you dead, Airish," pumatak ang mga luha niya at wal naman akong nagawa kundi ang yumakap sa kaniya habang paulit-ulit na sinasabi ang salitang 'please'. "Okay, I'll do it, but promise me you will try to stay alive. The plan will work and if it didn't, let's force it to work. I don't want to lose you..."
"Promise."
———
princemattrionixx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top